NH Chapter: 35

Kinabukasan, maagang nagising si Brae dahil sa pamilyar na amoy ng kanyang paboritong pabango ni Matt. "Hmmm..." Tanging nasambit niya habang patuloy sa pagsinghot ng halimuyak nito, na para sa kanya'y talagang nakakaakit dahil sa masculine scent nito na talagang humahalina sa kanyang pang-amoy.

Nang tiyempong tumagilid siya paharap sa kaliwang bahagi ng kama, ay naramdaman ni Brae na wala ang binata sa pwesto nito. Kaya naman kahit inaantok pa, ay pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata para silipin si Matt.

Nangunot ang noo ni Brae nang mapansing wala na pala siyang katabi sa kama, kaya naman mabilis pa sa alas kwarto niyang hinagilap ang kanyang kasintahan. At nakita niya ito na nakaupo sa paanang bahagi ng kama, na ngayon ay abalang nagsusuot ng kanyang medyas.

Tuluyan nang umupo ang dalaga sa kama bago ito nagtanong, "Love, saan ka pupunta? Maaga pa ha." Mumukat-mukat niyang sambit dito habang humihikab.

"Ahh... Love, I have an early m-meeting today." Usal ni Matt na hindi man lang nag-abalang lingunin ito.

Tahimik na nakatingin lang si Brae sa ginagawa ng kanyang kasintahan at parang may kakaiba siyang pakiramdam na hindi niya matukoy kung ano ng mga sandaling iyon. Napabalik na lang sa realidad ang dalaga nang muling magsalita si Matt.

"Love, I have to go. I love you." Saad nito nang makalapit sa kanya't mabilis na ginawaran ng isang halik sa noo.

Naiwang nakaawang labi na lang si Brae habang papalabas ang binata sa kanilang silid, "Matt!" Biglang tawag niya rito na dahilan para lingunin siyang muli ng binata.

"Yes Love?" Anito habang nakahawak na sa seradura ng pintuan.

"Ahh... W-wala po, ingat ka ha?" Tanging naisambit na lang ni Brae rito, bago nginitian ng alanganin ang binata.

"I will, I love you." Nakangiting usal lang ni Matt at tuluyan nang lumabas ng kanilang kwarto.

"Haaayyy..." Buntong hininga ni Brae sa hangin. "Baka pupuntahan lang niya 'yung Vanessa na 'yon. Kainis!" Inis na turan ng dalaga bago napagpasyahan na tumayo na rin sa kanilang kama.

Dumaan ang buong maghapon, ngunit walang natanggap si Brae kahit isang mensahe mula kay Matt. Nag-aalala na tuloy siya rito, dahil ni minsan ay hindi nakalimot ang kanyang kasintahan na tawagan o i-text man lang siya nito sa loob ng isang araw.

"Ano kayang nangyari kay Matt?" Kunot noo niyang saad sa hangin habang buhat-buhat ang batang si Maddie.

Nasa ganoong pag-iisip si Brae nang biglang may kumatok sa kanilang pinto. Mabilis naman niyang tinungo ang pintuan at nagulat nang mabungaran doon ang kanyang kaibigan na si Charity.

"Hello Ateng!" Masiglang saad nito bago humalik sa kanyang pisngi. "Hi! Inaanak." Saad pa nito bago binuhat ang batang si Maddie.

"O Cha— Napadaan ka?" Pagtatanong niya rito bago tuluyang pumasok ang dalawa sa loob ng unit.

"Oo 'te, magpapasama sana ako sa'yo." Dire-diretsong wika ni Charity bago naupo sa couch.

"Saan naman?"

"May party akong pupuntahan, samahan mo naman ako, please?" Pagmamakaawa ni Charity at nag-beautiful eyes pa sa kanya.

"Okay lang sana... Kaya lang, paano si Maddie? Wala pa si Matt, walang magbabantay sa kanya." Wika ni Brae at naupo na rin sa tabi ng kanyang kaibigan.

"Ganoon ba, sayang naman," Malungkot na saad ni Charity. "Eh kung isama na lang kaya natin si Maddie? Ang alam ko pwede ang bata roon sa party na pupuntahan natin. Wala namang inuman doon, kain-kain lang." Nakangiting dagdag pa ng dalaga.

Sandaling nag-isip si Brae at tinitimbang kung sasama ba siya kay Charity. Ngunit nang makita niya ang itsura nito ngayon na nagpapaawa, ay mabilis na lang na tumango si Brae tanda nang kanyang pagsang-ayon sa dalaga.

"Yes! Text mo na lang si Matt, sabihin mo hiramin muna kita at saka itong inaanak kong ganda-ganda." Masiglang turan ni Charity at ginawaran nang maraming halik sa pisngi ang batang si Maddie.

"Sige Cha, pabantay muna kay Maddie. Magbibihis lang ako." Aniya rito bago tumungo sa kanilang silid ni Matt.

Habang nag-aayos, naisipang tawagan ni Brae ang kanyang kasintahan ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses pa niyang sinubukang makausap ito, ngunit wala talagang sumasagot sa kabilang linya. Napagpasyahan na lang ng dalaga na padalahan ng mensahe ang kanyang kasintahan, na sa ganoon ay maabisuhan niya ito tungkol sa kanilang pag-alis.


To: Love ❤️

Love, alis lang kame sandali ni Maddie. Sama lang kami kay Cha magpunta sa party. Reply ka naman please, I love you.


Pagkapadala niya ng mensaheng iyon ay agad nagpatuloy si Brae sa pag-aayos ng kanyang sarili. Minuto lang ang itinagal bago siya mabilis na natapos saka binihisan na rin ang kanyang anak na si Maddie.

Sumakay nang taxi ang dalawang dalaga. Hindi pa ganoon kapamilyar si Brae sa mga lugar sa Maynila, kaya hindi niya tiyak kung saan papunta ang kanilang sinasakyan ngayon.

Masayang nagbiyahe ang magkaibigan dahil na rin sa presensya ng batang si Maddie. Umabot sila ng kalahating oras sa biyahe bago huminto ang taxi sa harap ng isang itim na gate na may kataasan, kumpara sa tipikal na halintulad nito.

"Manong sa tabi na lang po kami, heto po ang bayad." Ani Charity bago tuluyang lumabas ng taxi.

Namangha naman si Brae nang makita ang lugar na pagdarausan ng nasabing okasyon. Habang naglalakad, bumungad sa dalaga ang isang magarbong set-up ng garden doon. Napansin niya ang pinaghalong pula at puting motif na napiling kulay nang may paokasyon.

Nangunot naman ang noo ni Brae nang tuluyan na silang makalapit sa nasabing bulwagan, "Cha, hindi mo naman sinabing kasal pala itong pinuntahan natin." Kalabit niya sa kanyang kaibigan habang bumubulong.

"Ah sensya na 'te, naimbitahan lang din ako. Eh nahihiya naman akong pumunta mag-isa, kaya sinama na kita." Nakangiwing wika nito saka nagpeace-sign sa kanya.

"Ayos lang naman, pero sigurado ka bang ayos lang kami ni Maddie rito?" Pagtatanong pa niya sa kanyang kaibigan habang patuloy sa pagmamasid sa buong paligid.

"Oo 'te kaya lang may dress code, hindi pwede 'yang suot mo." Biglang saad ni Charity dahilan para lingunin siya ng mabilis ni Brae.

"Bakit kasi hindi mo agad sinabi sa akin? Hindi na sana kami tumuloy ni Maddie."

"Eh nakalimutan ko ngang sabihing may dress code. 'Di bale may dala naman akong eskstrang dress dito, sigurado akong babagay ito sa'yo," Ani Charity saka iniabot ang isang malaking paper bag sa dalaga.

"Akin na si Maddie," Saad pa ni Charity bago binuhat ang bata. "Doon sa dulo ang banyo, doon ka na lang magpalit. May make up na rin d'yan sa paper bag, maglagay ka naman ng kolorete sa mukha ateng ang putla mo kaya." Natatawang pambubuska pa nito sa kanya.

Tanging tango lang ang naisagot ni Brae sa kanyang kaibigan bago hinalikan sa pisngi ang kanyang anak na si Maddie. Kahit nagtataka sa ikinikilos ni Charity, ay nagpatuloy na lang si Brae sa kanyang paglalakad patungo sa dulo ng nasabing Hardin. Sakto't walang tao sa banyo kaya mabilis niyang ikinandado ito.

Nang simulan niyang tingnan ang laman ng dalang paper bag ni Charity, ay agad siyang natawa sa gown na gustong ipasuot nito sa kanya, "Seryoso ito talaga ang isusuot ko, para naman ako 'yung ikakasal nito." Ani Brae habang napapailing pa.

Nang mapagtanto niya ang huling salitang kanyang naisambit, ay biglang kumabog nang husto ang kanyang dibdib. Tiningnan muli ni Brae ang gown na nakapatong sa lababo, at agad namilog ang kanyang mga mata dahil pamilyar ang nasabing gown, at parehong-pareho ito nang gown na nakita nila ni Matt nang minsang magpunta sila sa Mall.

"Ito 'yung gown sa Mall." Hindi makapaniwalang anas ni Brae at naalala ang araw kung saan niya nakita ang wedding gown na iyon.


Flashback


"Love sorry for keep you waiting, naghanap pa ako ng parking." Ani Matt at nakita nito na sobrang titig na titig ang dalaga sa gown na naka-display sa estante. "Love, gusto mo bilhin natin 'yan?" Pagtatanong ng binata bago hinawakan ang kanyang kamay.

"H-ha? Naku, hindi Love hindi po. Tinitingnan ko lang siya kasi sobrang ganda niya," Wika ni Brae saka inayos ang pagkakabuhat sa batang si Maddie. "Saka ano ka ba, pangkasal kaya 'yan." Natatawa pa nitong sambit sa binata.

"So what? We can buy it if you want to."

"Sus! Puro ka kalokohan, tara na po Love, gutom na si Baby." Pag-aaya na lang ng dalaga saka ito lumakad papalayo sa kinatitirikan ng gown sa estante.


End of Flashback


"Binili talaga ni Matt itong gown?" Naluluhang sambit ni Brae nang mapabalik siya sa realidad. Hindi siya makapaniwala na tototohanin ng binata na bilhin ang gown na gustong-gusto niya.

Ilang minuto pa ang lumipas habang nasa ganoong isipin si Brae, ay narinig niya na may biglang kumatok sa pintuan ng banyo. Mabilis naman niyang binuksan ito at sumalubong sa kanya sina Mamang Dyosa at Charity na may malalaking ngiti sa mga labi. Mabilis na niyakap ni Brae ang mga ito, at kahit walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig ay batid na nila ang saya ng dalagang si Brae na maikasal sa kanyang pinakamamahal na si Matt.

"Oh siya! Tama na ang drama, mahuhulas ang muk-ap ko mga day," Ani Dyosa bago humiwalay sa pagkakayapos. "Ayusan na kita, naghihintay na ang groom mo sa gitna ng garden." Nakangiting sambit pa nito habang inaayos ang buhok ng dalaga na bahagyang nagulo dahil sa biglaang pag-iyak nito.

Tumango na lang si Brae rito at dumiretso sa isang kwartong nakalaan para sa kanyang paghahanda sa kasal. Halos inabot ng isang oras ang preparasyon para sa pag-aayos sa dalaga, hanggang sa tuluyan nang nasaksihan ng mga ito ang eleganteng itsura ni Brae.

Nakasuot ngayon si Brae ng isang puting trahe-de-boda na hinaluan ng disensyo na kulay pula sa likuran ng gown. Mas naging elegante naman itong tingnan dahil sa disenyong kulay pilak, na animo'y mga ugat na nagkalat sa buong gown.


Photo CTTO




"Ang ganda mo talaga, Maiden." Masayang usal ni Mamang Dyosa nang matapos niya itong ayusan.

"Maraming Salamat Mamang, kundi niyo po ako kinupkop sa club hindi ko po makikilala ang pinakamamahal kong si Matt." Naluluha niyang sambit rito at agad namang nagyakapan ang dalawa.

"Witchikels Maiden, baka mabura ang make-up mo. Tara na at kanina pa naghihintay ang knight and shining armour mo." Kinikilig na turan ni Dyosa saka inalalayan ang dalaga papalabas ng kwarto.

Habang papalapit sa pagdarausan ng kasal si Brae, ay nahagip ng kanyang mga mata ang kanyang Nanay Dolores at ang mga kapatid na sina Biboy, Liezle at Jun na ngayo'y nakabihis na rin ng pormal na halatang pinaghandaan ang araw na iyon.

Nagsimula nang maglakad ang lahat ng kasali sa entourage. At nang si Brae na ang naglakad sa gitna ng hardin, ay biglang napako ang kanyang mga mata sa lalaking pumukaw ng kanyang paningin sa dulo nang aisle.

Nakita niya si Matt na gwapong-gwapo sa suot nitong maroon tuxedo, na nakapagpalabas lalo ng angking kagwapuhan ng binata. Nagpatuloy sa kanyang paglalakad si Brae hanggang sa umabot siya sa dulo, at mabilis naman siyang sinalubong ni Matt.


Photo CTTO




"Hi Love..." Nakangising usal nito habang nagniningning ang mga mata.

"Ang daya mo." Tanging naisambit lang ni Brae sa binata saka ito nginitian nang sobrang tamis.

Tanging ngiti lang din ang isinagot ni Matt bago nito inalalayan ang kanyang bride papunta sa harap ng altar.

Nagsimulang magseremonyas ang pari at ang lahat ng mga taong naimbitahan doon ay nakatutok lang ang atensyon sa magkasintahan. Halos maiyak ang lahat ng tao roon nang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Matt at Brae.

Matapos ang nasabing prosisyon ay dumating na ang pinakahihintay ng lahat, lalo na ang groom na si Matt, "I now pronounce you, man and wife. Okay Matt, you may now kiss you dearest wife." Nakangiting turan ng pari sa dalawa.

Mabilis na nagharap ang magkasintahan saka dahan-dahang iniangat ni Matt ang belo na nakatabing sa mukha ng dalaga. Matamis na ngiti ang kanilang iginagawad para sa isa't-isa, na kung titingnan ay talagang masasabi mong mahal na mahal ng mag-asawa ang isa't isa.

Hinaplos ni Matt ang pisngi ni Brae bago ipinaglapit ang kanilang mga mukha. Nang isang pulgada na lang ang kanilang pagitan biglang nagsalita ang binata nang, "I love you, Braelynn Benites Montenegro." Usal ni Matt at agad na sinunggaban nang mapagmahal na halik si Brae sa labi.

Masayang hiyawan ang pumailanglang sa nasabing hardin at nakangiting binalingan naman ng bagong kasal na Matt at Brae ang mga panauhin, bago itinaas ni Brae ang kanyang singsing sa ere na parang sinasabing sa wakas ay kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya.

Matapos noon ay muling nagharap ang mag-asawa bago binitawan ni Matt ang katagang, "Mahal na mahal kita, Brae... Masaya ako dahil hindi ka nagdalawang isip na pakasalan ako sa kabila ng mga pinagdaanan natin." Madamdaming usal ni Matt habang hinahaplos ang pisngi ng kanyang asawa.

"Mas mahal kita, Matt... Wala namang perpektong relasyon, Love. Alam ko na darating tayo sa punto na mas susubukin pa ng tadhana ang ating pagmamahalan. Ngunit pinapangako ko sa'yo na handa akong intindihin at unawain ang ating sitwasyon para mas pagtibayin pa ang ating relasyon. Ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa akin at sa ating anak na si Maddie."

Matapos noon ay muling pinaglapat ni Matt ang kanilang mga labi ni Brae, na punong-puno nang pagmamahal.


Photo CTTO





*****

Hep! Hep! But wait there's more. 😍
Kung iniisip niyo po na dito na nagtatapos ang Naked Heart, ay nagkakamali kayo. May isang pasabog na ending akong niluluto para naman mas exciting da ba? 😁😁😁

Oh siya see you next chapter mga labs! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top