NH Chapter: 34

Isang taon na ang lumipas simula nang maipanganak ni Brae ang kanyang munting anghel na pinangalanan nilang Precious Madelynn. Tuwang-tuwa naman si Matt sa kanyang anak na babae, dahil kamukang-kamuka niya ito't hindi maitatangging may dugong Montenegro na nananalaytay sa dugo ng batang si Maddie.

Nang makapasok si Brae sa kwarto ng kanilang anak, ay agad siyang napangiti dahil naabutan niya roon si Matt na masayang-masayang nakikipaglaro sa anak nilang si Maddie.


🎶Five little Ducks went out one day, over the hills and far away. Mama Duck said, quack quack quack quack, but only four little ducks came back. Quack quack quack— quack quack quack. But only four little ducks came back.🎶


Nakita niyang kinakantahan ni Matt ang bata habang hawak nito ang isang Ipad kaya napasandal na lang siya sa pader at nakangiting pinagmamasdan ang kanyang mag-Ama.

"Lord, maraming salamat po dahil binigyan niyo ako ng isang lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Talagang napakaswerte ko po dahil bukod sa maalaga't responsable ito sa buhay, ay mahal na mahal pa ako sa kabila nang magkalayong agwat at estado ng aming pamumuhay. Alam ko po na hindi mawawala ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan, pero nagpapasalamat pa rin po ako dahil naging kasangkapan lamang ang mga bagay na iyon upang mas pagtibayin pa namin ni Matt ang relasyon na mayroon kami." Tahimik na pasasalamat ni Brae sa Diyos habang nakasandal pa rin ang balikat sa pader at ang mga braso ay nakahalukipkip.

Nasa ganoong isipin si Brae nang biglang marinig niyang nagsalita si Matt, "Love, look what Maddie did." Walang pagsidlan na turan nito habang pinapakita ang ginagawa ng kanilang anak.

Nakita ni Brae na marunong nang tumayo si Maddie kahit walang nakaalalay rito. Unti-unting humakbang ang bata papalapit sa kanyang Ina kaya lumuhod na rin si Brae sa sahig upanh salubungin ang kanyang anak.

"Come here, Maddie." Masiglang saad ng dalaga habang iminumustra ang mga kamay sa ere na sasalubungin niya ang bata.

"M-ma...ma mah." Mumunting wika ni Maddie at papalapit nang papalapit na ito sa kanyang Ina.

Ilang hakbang pa ang ginawa ni Maddie bago ito tuluyang makarating sa mga bisig ni Brae, mabilis niya itong ikinulong sa kanyang mga braso habang pinapapak ng maraming halik ito sa pisngi.

"Yeyey! Galing-galing naman ng baby ko." Anito habang patuloy sa paghalik ng kanyang anak.

Lumapit naman si Matt sa kanyang mag-Ina bago hinablot ang batang si Maddie saka ito inikot sa ere. "Wiwwww... Here comes flying Maddie." Galak na galak ang mag-Ama habang naglalaro ng lipad-liparan.

"Love ikaw munang bahala kay Maddie, magluluto lang ako ng tanghalian natin." Ani Brae saka humalik sa pisngi ng kanyang anak at nang halikan naman niya ang labi ni Matt ay hindi agad nito binitawan ang kanyang labi dahil sa kamay nito na ngayon ay nakahawak na sa kanyang batok.

"Hmmm... L-love." Natatawang saad ni Brae bago siya humiwalay sa binata.

"I love you." Nakakalokong usal ni Matt saka kinindatan ang kanyang kasintahan.

"I love you too, Matt."

Ngumiti lang si Matt sa dalaga bago itinuong muli ang kanyang atensyon sa batang si Maddie. Mabilis namang isinara ni Brae ang pintuan para magkaroon ng bonding ang mag-Ama, bago siya lumabas nang tuluyan.

Nang akmang papunta na si Brae sa kanilang kusina, ay biglang napatigil ito sa paglalakad nang makita ang isang eksena sa telebisyon na babaeng naglalakad sa gitna ng simbahan habang lumuluha. Bigla namang nakaramdam ng kirot sa puso si Brae nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung para ba sa eksena ng palabas ang lungkot na kanyang nararamdaman o lungkot dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila napag-uusapang muli ni Matt ang tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Nagkibit-balikat na lang si Brae bago ito dumiretso sa kusina. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala-wala sa isipan ng dalaga ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Matt. Parang may mabigat na emosyon na namumuo sa kanyang kaloob-looban na hindi niya maipaliwanag.

"Siguro nga hindi pa handa si Matt na magpakasal." Malungkot niyang sambit sa hangin saka tiningnan ang engagement ring na ibinigay sa kanya ng kanyang kasintahan.

"Haaayyyy..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Brae bago ito nagpatuloy sa paghihiwa ng mga gulay.

Nang nasa sibuyas na natuon ang paghihiwa ni Brae, ay bigla siyang naluha nang husto dahil sa amoy nito na gumuguhit sa kanyang pang-amoy. Halos maluha nang todo ang dalaga dahil sa amoy ng sibuyas at malungkot na emosyon na bumabalot sa kanyang sistema ngayon.

Nasa ganoong sitwasyon ang dalaga nang biglang magsalita si Matt, "Love, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang usal nito nang makalapit ang binata sa kanyang kinatatayuan.

"W-wala Love, masyado lang matapang ang amoy ng sibuyas." Pagpapalusot niya rito pero ang totoo ay gustong-gusto na niyang sabihin kay Matt ang lahat ng bagay na naisip niya kanina tungkol sa pagpapakasal.

"Ako na ang magluluto Love, pakitingnan na lang si Maddie kailangan na atang dumede." Anito bago kinuha ang kutsilyong hawak ni Brae.

Tanging tango na lang ang isinagot ng dalaga rito, bago tuluyang tinalikuran ang kanyang nobyo. Para na rin maitago ang lungkot na unti-unting rumerehistro sa kanyang mukha.


*****


Mabilis lumipas ang mga oras at sumapit na ang gabi. Matapos kasi mananghalian ay sa kwarto na ni Maddie namalagi si Brae, hindi niya kayang harapin si Matt dahil baka mabanggit lang niya ang tungkol sa pagpapakasal dito. Ayaw naman niyang manguna sa pag-aaya kay Matt dahil baka kung ano pang isipin ng binata kapag nagkataon.

Nang makitang tulog na ang kanyang anak na si Maddie, ay mabilis niyang hinalikan ito sa noo bago lumabas sa dati niyang tinutulugang guest room sa unit ni Matt. Dahan-dahang isinara ni Brae ang pintuan ng silid ng bata bago naglakad papunta sa harap ng kanilang pintuan.

Nang mabuksan nang bahagya ni Brae ang pintuan, ay biglang narinig niya na may kausap si Matt sa telepono. Ayaw sana niyang pakinggan ang pakikipag-usap nito, ngunit may pumukaw sa kanyang pandinig na nakapag-pakunot nang husto sa kanyang noo.

"Sige na Vanessa, magkita na lang tayo bukas." Anito habang pasilip-silip sa pintuan.

Mabuti na lang at mabilis na nakapagtago si Brae sa kaliwang bahagi ng pinto, kaya't hindi siya nahuli ni Matt. Nang marinig ng dalaga ang mga yabag ng kanyang kasintahan, ay nagmamadali niyang tinungo ang kusina at pakunwari'y naghuhugas ng kamay sa lababo.

Naramdaman na lang niya na pumulupot ang mga braso ng binata sa kanyang bewang saka nito pinaglapit ang kanilang mga katawan, "Love, tulog na tayo." Malambing na saad nito habang ginagawaran nang mumunting halik ang kanyang kanang leeg.

Napapikit na lang si Brae nang maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang punong-tainga, kaya't wala sa sariling nagpakawala ang dalaga ng isang mahinang ungol.

"Ooohhh..."

Nang marinig ni Matt ang kanyang ungol ay mabilis siya nitong iniharap saka siniil nang isang mapaglarong halik. Hindi naman nanlaban si Brae ng mga sandaling iyon, kahit may lungkot na patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan, ay tinugunan na rin niya ang mga halik ng kanyang kasintahan bago mabilis na ikinawit ang kanyang mga braso sa leeg ng binata.

Nadadala na ang magkasintahan sa init na kanilang nararamdaman, nang biglang marinig nilang umiiyak ang batang si Maddie. Nang akmang hihiwalay na si Brae sa pagkakalapat ng kanilang mga labi, ay mas kinabig pa nang husto ni Matt ang batok nito at mas pinalalim pa ang kanilang mga halik.

Nagsimula nang lumikot ang mga kamay ni Matt at nang malapit na ito sa kaliwang dibdib ng dalaga ay muli nilang narinig ang pag-iyak ng kanilang anak. At sa puntong iyon ay mas lumakas pa ang pag-iyak nito kaya't wala nang nagawa pa si Matt kundi ang pakawalan ang mga labi ng kanhang kasintahan.

"Mauna ka na sa kwarto, Love. Titingnan ko lang si Maddie." Saad lang ni Brae saka pinunasan ang labi ng binata.

Bago pa tuluyang makaalis, mabilis na hinalikan ni Brae sa labi ang kanyang kasintahan saka ito ngumiti. Naiwan namang tulala si Matt sa pangyayari at hindi alam kung paano maiaahon ang sarili sa init na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"Damn—" Ungot niya dahil sa nabitin niyang sensasyon para sa dalaga.


*****


Paano ba 'yan, hindi na aabot nang limang Chapter ang magagawa ko. Dahil kailangan nang mag-finale ng #TeamBRATT. 😢

Pero don't worry mga labs, dahil kung matapos man ang Naked Heart ay ipapakilala ko naman sa inyo ang dalawa pang kapatid ni Fafa Matt na inyong dapat abangan. 😍

Ito ang Montenegro Naked Series! 👏👏👏
Sinong excited? Taas ang paa! 😂

See you next chapter mga labs! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top