NH Chapter: 33

Mabilis lumipas ang panahon at dumating na ang araw nang pagsilang ni Brae sa kanilang munting anghel. Halos hindi magkanda-ugaga si Matt sa pag-aasikaso sa kanyang kasintahan, dahil na rin sa sitwasyon nila ngayon na walang plano't biglaang panganganak nito.

"L-love, bi-bilisan mo... Sobrang s-sakit na nitong tiyan ko." Daing ni Brae habang nakaupo sa gilid ng kama. Kahit mababatid mo na ang paghihirap sa itsura't pananalita ng dalaga, ay patuloy lamang ito sa pagpapakalma ng kanyang sarili, upang hindi na rin madagdagan ang tensyon na nakikita niya mula sa binata.

Hindi naman magkandamayaw si Matt sa pagsilid ng mga gamit na kakailanganin ng kanyang kasintahan, dahil mas napaaga kasi nang ilang araw ang panganganak nito kesa sa petsa na itinakda sa pagluwal ni Brae ng kanilang supling.

"Love... Saglit na lang, aayusin ko lang 'yung bag na dadalahin natin," Natatarantang usal nito habang paroo't parito sa harapan ng dalaga.

"J-just relax yourself... Inhale... Exhale—" Ani Matt, habang iminumustra pa sa dalaga ang tamang paghinga na kanilang inaral noong mga panahong dumadalo pa sila sa isang session na naglalayong tulungan ang mga lalaki kung paano ang wastong pag-aalaga sa kanilang mga asawang buntis.

"N-nako naman Love... Kaninang— Kanina pa ako pilit na k-kumakalma rito. K-kapag hindi ka pa n-nagmadali riyan. Baka hindi ko na makayanan at dito ko na maipanganak ang anak mo! Ahhh!" Namimilipiy sa sakit na turan ni Brae habang hinihimas ang humihilab nitong tiyan.

"S-sorry Love, sorry... Ito na ready na ang lahat, labas na tayo. Hold on Baby Maddie." Usal ni Matt saka inalalayan ang kanyang kasintahan papalabas ng unit, habang nakasukbit sa kanyang kaliwang braso ang malaking bag na gagamitin ng kanyang mag-ina.

Mabilis namang tinungo ng magkasintahan ang lobby at maagap silang tinulungan ng gwardiya roon, "Sir Matt, tulungan ko na po kayo." Magalang na saad nito saka nagprisinta na kunin ang sasakyan ng binata sa parking lot.

"Careful, Love." Alalay ni Matt nang mabuksan niya ang passenger seat ng kanyang sasakyan. Mabilis namang umikot ang binata sa driver's seat saka nagmadaling paandarin ang kanyang kotse patungo sa ospital.

"Aaarrgghhh... L-love, b-bilis— B-bilsan mo na pakiusap." Namimilipit sa sakit na turan ni Brae habang hindi mapakali sa pagpaling ng kanyang katawan kung saan ito komportable't nababawasan ang sakit.

"H-hold on Love... In just ten minutes nasa hospital na tayo." Natatarantang usal naman ni Matt habang diretsong nakatuon ang atensyon sa kalsada, at pasulyap-sulyap na sinisilip ang kanyang kasintahan sa rearview mirror.

Makalipas ang sampung minuto, ay nagmamadaling bumaba si Matt ng sasakyan saka sumigaw sa gwardiya roon, "I need a stretcher, please!" Sigaw niya sa mga tao roon saka binuksan ang backseat para alalayan ang kanyang kasintahan.

"Be careful Love, you might bump your head." Aniya sa dalaga saka inalalayan ang ulo nito bago tuluyang inakay papalabas ng kotse.

"Sir, pahigain po natin si Maam dito." Bungad ng nurse na nakatoka roon saka iniumang ang stretcher na dala nito.

Mabilis nilang pinagtulungang akayin si Brae sa stretcher bago nagmamadaling ipinasok ito sa loob ng ospital kasama ang binatang si Matt.

"Love, konti na lang. I love you." Kabadong saad ni Matt saka hinalikan ang kamay ng kanyang nobya, habang patuloy sila sa pagtutulak ng stretcher papasok sa emergency room.

"Sir, bawal na po kayo sa loob hanggang dito na lang po kayo." Maawtoridad na wika ng isang nurse roon, bago tuluyang iitinulak sa loob ang stretcher na lulan ang kanyang mag-ina.

"Love! Kaya mo 'yan ha!" Sigaw pa ng binata sa hangin bago tuluyang magsara ang nasabing pintuan ng ospital.

Pilit pang sinisilip ni Matt ang salamin sa pintuan, ngunit wala naman siyang maaninag doon dahil may nakatabing dito na kulay berdeng kurtina. Bagsak ang balikat na umupo na lamang ang binata sa bakanteng upuan na naroroon, saka ipinagsaklob ang kanyang mga kamay para magdasal.

"Lord, kayo na po ang bahala sa mag-ina ko. Bigyan niyo po ng lakas ng loob si Brae, para kayanin po ang panganganak. Maraming Salamat po, Amen." Taimtim na panalangin ni Matt habang nakapikit ang kanyang mga mata.


*****


Magkasaklob pa rin ang mga kamay ni Matt ng mga sandaling iyon, hanggang sa lumipas na ang isang oras ay wala pa ring lumalabas ni isang doctor sa emergency room.

Nasa ganoong posisyon ang binata nang biglang makarinig ito ng babaeng sumambit sa kanyang pangalan.

"Matt!" Sigaw nito dahilan para mapamulat ang mata ng binata't lingunin ito.

Nakita niya sina Charity, Girlie at Mamang Dyosa na humahangos na papalapit sa kanya. Halatang galing pa ang mga ito sa club, dahil sa suot nilang mga uniporme sa nasabing lugar.

"Cha, mabuti naman at nakarating kayo," Wika ni Matt saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. "Mamang, Girlie." Bati niya sa mga ito.

"Oo nga eh, noong matanggap ko ang message mo hindi na ako mapakali sa club. Kaya nagpaalam na ako kay Mamang na pupuntahan ko si Brae." Walang prenong turan ni Charity saka ipinatong ang kanyang bag sa upuan.

"Maraming Salamat sa inyo, alam kong matutuwa si Brae kapag nalaman niyang nandito kayo." Masayang usal ni Matt ngunit hindi pa rin maitago ang pag-aalala na nababakas sa itsuta nito.

"Hay naku fafa Matt, wala 'yon. Parang pamilya na rin namin si Maiden este si Brae pala. Kaya 'hwag mo nang alalahanin iyon." Maarteng saad ni Mamang Dyosa sa binata.

"Salamat talaga."

"Tinawagan ko na sila Tiyang Dolores... Mamayang alas singko nang umaga raw, ay luluwas na sila papunta rito sa Maynila." Biglang sabat naman ni Girlie.

"Shoot!" Biglang bulalas ni Matt bago napatampal sa kanyang noo. "Oo nga pala, nakalimutan kong tawagan sina Tita, kaka-alaala ko kay Brae. Salamat Girlie." Ani Matt rito saka tinapik ang dalaga sa balikat.

"Sus, para kang others. Wala 'yon Matt." Sagot naman nito bago itinuon ang atensyon sa pagkalikot ng kanyang telepono.

Sandaling katahimikan ang pumagitna sa lahat bago tuluyang nagsalita si Mamang Dyosa, "So... Ano nang balita kay Brae? Bakit wala pang doktor na lumalabas?" Sunod-sunod na pagtatanong nito habang palinga-linga sa paligid.

Nagsiupuan muna ang mga ito bago nagsalitang muli si Matt, "The doctor doesn't come out yet, nag-aalala na nga ako dahil isang oras na sa loob ang mag-ina ko." Hindi mapakaling usal ni Magg saka ito tumayo at pilit sinisilip ang bintanang kinaroroonan ng kanyang mag-Ina.

"Magdasal lang tayo, magiging ayos din ang lahat." Ani Charity at sabay-sabay na tumahimik ang mga ito upang taimtim na ipagdasal ang kaligtasan ni Brae at ng anak nito.

Umabot nang isa't kalahating oras ang ipinaghintay ni Matt kasama ang mga kaibigan ng kanyang kasintahang si Brae bago tuluyang bumukas ang pintuan sa Emergency Room.

"Doc, kamusta po ang mag-ina ko?" Punong-puno nang pag-aalalang bungad agad ni Matt nang makitang iniluwa roon ang Doktor.

"Your wife successfully delivered a healthy baby girl, congratulations sir." Nakangiting turan ng babaeng doctor, kaya roon lang nakahinga nang maluwag si Matt nang masigurado na ang kaligtasan ng kanyang mag-ina.

"Thank you Doc, thank you," Pasasalamat ng binata rito saka nakipagkamay sa doktor. "So, where's my wife, are we allowed to see them?" Ani Matt na tila sabik na sabik na makita ang kanyang mag-ina.

"You can visit your wife after we transfered her to a private room. After that ay isusunod na lang ng nurse ang baby girl niyo sir."

"Okay, once again thank you so much Doc, for taking good care of my wife and daughter." Muling pasasalamat ni Matt dito.

"Anytime sir, sige po I have to go na rin. Duty calls." Nakangiting sambit nito saka nagpaalam kina Matt at mga kaibigan nito.

"Thank you Doc..." Sabay-sabay na saad nina Dyosa, Charity at Girlie bago tuluyang makaalis ang doktor.

Makalipas ang kalahating oras, ay naanyayahan na sina Matt sa pribadong kwarto na kinalalagyan ni Brae. Mabilis na tinungo ni Matt ang kanyang kasintahan na ngayon ay may suwero sa kanang kamay dahil na rin sa nawala nitong lakas sa kanyang panganganak.

"I love you Brae..." Malambing na bulong ni Matt sa natutulog na nobya bago ito ginawaran ng magaang halik sa labi. Hindi na muna inabala ni Matt ang dalaga, dahil halata sa itsura nito ngayon ang pagod na tila nawalan nang lakas dahil sa pakikipagbuno nito sa pagsilang ng kanilang munting anghel.

Ilang oras din naghintay si Matt sa paggising ng kanyang kasintahan. Bumaba kasi sa canteen sina Charity para uminom ng kape roon.

Patuloy lang si Matt sa paghaplos ng buhok ng dalaga hanggang sa marinig niyang umungot ito, "Hmmm..." Munting sambit ni Brae bago ito dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

"Hello Love." Nakangiting bungad naman ni Matt nang tuluyang magising ang diwa ng kanyang nobya. Bahagyang ngumiti lang ito sa kanya habang mumukat-mukat pa ang mga mata.

"Nasaan na si Maddie, Love." Nanghihinang sambit ni Brae na halatang nagpipilit lang na mag-salita.

"Sshhhh... Just take a rest Love, mamaya dadalhin na si Maddie rito for breastfeeding." Ani Matt habang patuloy sa paghalos ng buhok ng dalaga.

"L-love, ang ganda ni Baby Maddie." Nanghihinang saad ni Brae sa binata, bago sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.

"And I can't wait to finally see our precious Maddie." Masayang usal ni Matt bago umupo sa gilid ng kama ng dalaga. "Thank you Love, thank you dahil binigyan mo ako ng isang Maddie na kukumpleto sa pamilyang pinapangarap ko." Walang pagsidlang turan ng binata habang hawak ang malayang kamay ni Brae.

"Ako ang dapat mag-thank you, Love. Dahil kung hindi mo ako kinulit-kulit dati, edi sana wala akong Baby Maddie at gwapong fiancè na kagaya mo." Pambibito ni Brae at bahagya pang napatawa dahil sa kanyang mga sinabi.

"Kasi nga mahal mo na rin ako dati pa, nahihiya ka lang aminin." Nakangising usal nito saka mabilis na hinalikan sa labi ang dalaga. "Mahal na mahal kita Brae, kayo ni Baby Maddie."

"Mahal ka rin namin ni Baby Maddie, Love." Sagot naman ng dalaga rito, bago tinugunan ang mga halik ng kanyang kasintahan.

Nasa ganoong posisyon ang dalawa nang biglang may nagsalita sa bukana ng pintuan, "Oy oy! Kakalabas lang ng anak niyo, baka masundan na agad 'yan." Pambibirong bungad ni Mamang Dyosa kaya napabaling ang atensyon nina Matt at Brae rito.

"Mamang!" Masiglang saad ng dalaga, nang masilayang muli ang kanyang mga kasamahan.

"Maiden, mabuti at gising ka na. Nandyan na ang inaanak namin." Maarteng turan ni Dyosa saka bahagyang ipinalakpak pa ang kanyang mga kamay dahil sa katuwaan.

"Hello po Mommy, ito na po si Baby." Nakangiting saad ng nurse saka iniabot ang bata sa mga braso ni Brae.

"Hi Baby..." Nangilid ang mga luhang sambit ni Matt sa sanggol ngunit nakangiti naman dahil sa kasiyahan na masilayan ang kanilang munting anghel.

"Girls, labas muna tayo. Bigyang natin ng quality time ang mag-anak," Biglang wika ni Dyosa saka naunang lumabas ng pintuan. "Lovers, labas na muna kami para masolo niyo si Baby." Nakangiting saad nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Bye baby!" Masiglang sigaw ni Charity bago tuluyang sumara ang pintuan at naiwan ang magkasintahan sa loob.

"Love, gusto mong kargahin si Maddie?" Nakangiting saad ni Brae saka ipinuwesto ang sanggol upang iabot ito sa kanyang Ama.

"L-love, I can't— She's too small, and I'm afraid that I might hatch her kapag binuhat ko siya." Nag-aalalang usal ni Matt sa dalaga.

"Kaya mo 'yan Love." Mabilis namang wika ni Brae at sa puntong iyon ay tuluyan nang ibinigay ang bata kay Matt.

Wala na namang nagawa ang binata kundi ang kunin ang kanyang anak, kahit na natatakot na baka masaktan niya ang bata. Dahil sa kawalan nang karanasan sa pag-aalaga nito, ay lubos pag-iingat ang kanyang ginawa upang mapanatiling maayos ang kalagayan ng kanyang munting anghel sa kanyang mga bisig.

"Love, her skin is so soft and delicate. She's so cute!" Nanggigigil na usal ni Matt habang karga-karga ang kanyang anak na si Maddie.

Nakangiting pinagmasdan lamang ni Brae ang kanyang mag-Ama at hindi niya namalayan na lumuluha na pala ang kanyang mga mata dahil sa kasiyahan.

"O Love, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Gusto mo tumawag ako ng Doctor?" Punong-puno nang pag-aalalang turan ni Matt nang mapansin nito ang lumuluhang kasinthan.

"A-ayos lang po ako Love, masaya lang ako dahil buo na ang pamilya natin." Sagot naman ni Brae saka pinunasan ang kanyang mga luha.

Lumapit si Matt sa tabi nito bago naupo sa gilid ng kama ng dalaga, "Mas masaya ako Love, dahil simula nang dumating ka sa buhay ko binigyan mo ulit ako ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay. Nagpapasalamat nga ako kay Lord, dahil nakita kita no'ng gabing hinaharas ka ng lalaking iyon." Pagpapaliwanag ni Matt.

Nanumbalik naman sa kaisipan ni Brae ang pangyayaring iyon. Ang pangyayari kung saan unang beses siyang napadpad sa Club at may lalaki na nagpupumilit na hilain siya para maupo sa table ng mga ito. Hindi tuloy maiwasan ni Brae na sariwain ang mga ala-ala nila ni Matt, simula nang una silang nagkakilala, nagkapalagayan ng loob, naging magkaibigan, hanggang humantong ang kanilang relasyon sa pag-iibigan.

"Simula no'ng gabing iyon, hindi ka na mawala sa isipan ko. Siguro binulungan ako ni Mommy Em na ipagtanggol ka sa lalaking iyon, dahil ikaw pala ang kukumpleto sa buhay na pinapangarap niya para sa akin..." Naluluhang sambit pa ni Matt. "Kaya Thank you Love, thank you dahil dumating kayo ni Maddie sa buhay ko. Mahal na mahal ko kayo."

"Mahal na mahal ka rin namin ni Baby Maddie, Love." Madamdaming saad din ni Brae, saka sinelyohan nang isang mapagmahal na halik ang kanyang kasintahan sa labi.

Matapos ang matamis nilang mga halik ay pinagmasdan ng magkasintahang Matt at Brae ang kanilang natutulog na anghel sa kanlungan ng dalaga. Patuloy lang ito sa pagsimsim ng gatas mula sa kanyang Ina, na sobrang ikinatuwa naman ni Matt dahil naaalala niya ang sarili niya sa itsura ng kanyang anak ngayon.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top