NH Chapter: 31

Maagang umalis nang Grandeur Condominium, sina Matt at Brae para sunduin ang dalagang si Venus sa staff house. Napag-usapan kasi ng magkasintahan na ipacheck-up ang sanggol sa sinapupunan ng dalaga para makatiyak na nasa maayos itong kalagayan.

Kahit naguguluhan si Matt sa desisyon ng kanyang kasintahan na alalahanin pa sitwasyon ni Venus, ay ipinaubaya na lang niya ito kay Brae dahil mukang may plano ang kanyang nobya sa sitwasyon ngayon na kanilang kinakaharap.

"Love, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Nag-aalalang usal ni Matt habang nakatuon ang atensyon sa kalasada.

"Yes Love, makikita natin kung talaga bang nagsasabi ng totoo si Venus." Ani Brae dahil malakas talaga ang kutob niya, na nagsisinungaling ang dalaga sa pagbubuntis nito.

"I hope your plan works, Love. I don't want to take a risk lalo na sa condition mo ngayon." Saad ni Matt saka mabilis na nilingon ang kanyang kasintahan.

"Sana nga." Wika ni Brae habang hawak ang malayang kamay ni Matt na nakahawak sa gear shift.

Makalipas ang kalahating oras, ay nakarating na ang magkasintahan sa Staff House. Bago pa man makaparada ang kanilang sasakyan doon, ay napansin na agad nila si Venus na naghihintay sa labas nang tinutuluyan nito.

"Hi Sweetie." Masayang bati nito sa binata nang maibaba ni Matt ang bintana ng kanyang sasakyan.

"Get in Venus, baka malate pa tayo sa appointment natin." Walang ganang saad nito, na mataman lang tinitingnan ang dalaga.

"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?" May himig na pagtatampong turan ni Venus habang nakabusangot.

Mabilis namang binalingan ni Matt ang kanyang kasintahan at nakita niya na tumango lang ito, tanda nang pagsang-ayon sa kagustuhan ni Venus. Bago tuluyang makababa ay huminga muna nang malalim si Matt saka mabilis na hinalikan sa labi ang kanyang kasintahan.

Nanlilisik ang mga matang nakita naman ito ni Venus saka humalukipkip ang mga braso. "Matagal pa ba 'yan? Nangangalay na ako rito oh— Pa-kiss-kiss pang nalalaman." Inis na turan nito kaya't mabilis na lumabas ng sasakyan ang binata.

"Get in." Walang ganang usal ni Matt sakabago tuluyang binuksan ang backseat door.

Hindi naman gumalaw si Venus sa kanyang kinatatayuan at patuloy lang sa pagbusangot ang mukha nito habang nakalukipkip ang mga braso.

"What now? Are you going in or not?" Iritableng usal ng binata dahil sa kawalan nang pasensya sa inaasta ngayon ni Venus.

"Ayoko sa likod, gusto ko sa passenger seat." Nag-iinarteng wika nito dahilan para mapabulyaw si Matt.

"I don't have a fūcking time for you mental distress, Venus. Pumasok ka na sa loob or else lalayasan ka nami—"

Hindi na natapos ni Matt ang kanyang sasabihin nang biglang sumabat si Brae, "Love sige na, ako na lang ang uupo sa likod." Anito saka tinanggal ang kanyang seatbelt.

"No Love, hayaan mo na siya sa likod." Matigas na anas ni Matt bago matalim ang mga matang tiningnan si Venus.

"Sige na Love, ayos lang po ako sa likod." Maawtoridad na saad lang ni Brae saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.

Mabilis namang umikot si Matt sa shotgun seat para alalayan ang kanyang kasintahan pababa ng kotse.

"Thank you." Nakangiting sambit ni Brae saka iniabot ang kamay sa kanyang nobyo.

Mabilis namang umikot si Matt sa driver's seat bago sinabihan si Venus, "Hop in, baka malate pa tayo." Iritableng anas ng binata rito at mabilis na sumakay sa sasakyan na hindi man lang inalalayan si Venus na makasakay.

"Letse!" mahinang bulalas ni Venus at padabog na lumakad papunta sa passenger seat. Nang makasakay ito ay sarkastikong nginitian lang nito si Brae sa backseat, na parang nang-aasar pa.

Binuksan naman ni Matt ang makina ng kanyang sasakyan saka ito pinatakbo papalayo sa lugar na iyon.

Habang nasa biyahe ay hindi mapawi ang sigla na bumabalot sa mukha ni Venus ngayon. Walang pagsidlan ang kasiyahan ng awra nito dahil nasunod ang kanyang kagustuhan, "Anak, nakita mo 'yan ha. Mahal na mahal ka ni Daddy, sasamahan pa tayo magpacheck-up." Kunwaring wika ni Venus sa kanyang tiyan habang hinihimas-himas pa ito.

Hindi naman nag-react si Matt sa sinabi nito at tiningnan lang ang kanyang kasintahan sa rearview mirror. Tumango lang si Brae sa kanya na parang may ipinapahiwatig.

"Venus, kay Dra. Cristobal na tayo magpapacheck-up." Diretsong saad ni Matt habang nakatuon ang atensyon diretso sa kalsada.

"Ano?!" Histerikal na sigaw naman ni Venus nang marinig ang sinabi ng binata. "Maiden, 'di ba nag-usap na tayo kagabi na kay Doc. Antonio ako mapapa-check-up?" Inis na anas nito nang lingunin nito si Brae sa likuran ng sasakyan.

"No, Venus, kay Dra. Cristobal tayo. Tutal iyon din naman ang Doktora na nagche-check-up kay Brae. Kaya roon ka na rin, h'wag kang mag-alala dahil magaling siyang doctor." Diretsong saad pa ni Matt rito.

Hindi naman magkaintindihan si Venus sa kanyang kinauupuan ngayon, mukhang nabahala ito sa pagbabagong ibinulalas ni Matt sa kanilang mga plano kagabi. Aburidong kinagat-kagat nito ang kanyang mga kuko na animo'y nag-iisip nang kanyang pwedeng ipalusot sa mga ito.

Nasa ganoong isipin si Venus nang biglang magsalita si Matt, "And one more thing, ipapa-DNA natin ang anak mo ngayon just to make sure na akin talaga ang batang 'yan." Seryosong usal pa ni Matt habang diretso ang atensyon sa kanyang pagmamaneho.

"No, Matt! Hindi ako makakapayag! Sa'yo itong batang ito. Bakit mo ba ako pinagdududahan? Ginawa naman natin itong batang ito nang punong-puno ng pagmamahalan." Histerikal na saad ni Venus na halos pagpawisan na'ng malamig dahil mukhang naiipit na siya sa ginawa niyang kalokohan.

"You don't have to worry about it, Venus. Aakuin ko ang bata kapag nag-match ang DNA namin."

Nag-isip panandalian si Venus kung ano ang pwede niyang ipalusot sa mga sinabi ni Matt, hanggang sa makaisip ito nang isang mabisang paraan upang hindi matuloy ang napag-usapan nilang pagpapatingin sa doktor.

"Hmpf! Hindi rin matutuloy ang pagpapa-DNA mo sa magiging anak natin, Matt. Dahil posible lang ang DNA kapag nailuwal na ang bata." At sa puntong iyon ay taas noong hinarap ni Venus ang magkasintahan, na parang sinasabing hindi nagtagumpay ang mga ito sa kanilang binabalak.

"Doctors, have an advance procedure for that matter, Venus. Kaya kahit nasa tiyan mo pa ang bata ay pwede nang ma-match ang paternity." Diretsong saad ni Matt, para pabulaanan ang sinabi nito.

"Hindi ako papayag!" Biglang bulyaw ni Venus kaya't nagulantang ang magkasintahan. "Ihinto mo ang sasakyan, Matt!" Histerikal na singhal pa nito na halos hindi na maipinta ang mukha.

"Venus, kumalma ka muna. Baka mapano ang bata." Bigla namang saad ni Brae, dahil hindi rin maialis sa kanyang isapan ang posibilidad na baka nga buntis ang dalaga at mapahamak ang bata sa sinapupunan nito.

Galit na binalingan naman ito ni Venus sabay sabing, "Ikaw ang may kasalanan nang lahat ng ito Maiden! Mang-aagaw!"

"Stop it Venus!" Sigaw na rin ni Matt bilang ganti para sa kanyang kasintahan.

"Kayo ang tumigil! Ihinto mo ang kotse Matt, bababa na ako!" Histerikal na singhal nito habang pilit na inaagaw ang manibela sa binata.

"What the fūck are you doing, Venus?! Are you insane?!" Ani Matt habang sinasangga ang kamay ng dalaga.

"Bababa na ako! Ihinto mo na ang sasakyan!" Galit na bulyaw pa ni Venus habang pilit na inaagaw ang manibela sa binata.

"Venus, baka madisgrasya tayo sa ginagawa mo." Ani Matt at sa puntong iyon ay biglang gumewang-gewang ang kanilang sinasakyan dahil sa pakikipagbuno ng dalaga sa kanya.

"Love!" Sigaw lang ni Brae, dahil sa kaba na baka mabangga ang kanilang sinasakyan.

Nang marinig ni Matt ang sigaw ng kanyang kasintahan ay maagap niyang tinapakan ang brake ng sasakyan at nag-aalalang binalingan ang kanyang kasintahan, "Love, are you alright?" Punong-puno nang pag-aalalang usal ni Matt sa dalaga.

"O-okay lang ako, Love—" Kabadong sambit ni Brae bago hinimas ang kanyang tiyan.

Nasa ganoong usapan ang magkasintahan nang biglang mabilis na bumaba ng sasakyan si Venus. Agad naman itong napansin ni Matt, kaya't maagap niyang sinundan ang dalaga.

"What the fūck are you doing Venus?! Pumasok ka na sa loob ng sasakyan para mapa-check up na natin ang bata." Maawtoridad na saad ng binata rito habang hinahabol ang papalayong si Venus.

"Hindi ako makakapayag na pagdudahan mo ang anak ko, Matt!" Pasinghal na sagot naman ni Venus dito habang patuloy sa pagtakbo papalayo.

Naiwan naman si Brae sa loob ng sasakyan habang tinatanaw sina Matt at Venus na ngayon ay naghahabulan sa gitna ng kalsada.

"Venus, bumalik ka na sa sasakyan!" Wika pa ni Matt dito.

"Wala kang kwenta Matt! Hindi mo kayang panindigan ang anak mo! Magaling ka lang sa kama at sarap! Letse!"

Nasa ganoong sitwasyon si Venus nang biglang may rumaragasang sasakyan na siyang sasalpok sa kanya. Sa sobrang bilis nang takbo nito, ay tuluyan nang tumilapon ang dalaga at nagpa-gulong-gulong ito sa kalsada.

"Venus!" Gulat na sigaw ni Matt, at maagap na tinakbo ang kinaroroonan ng dalaga na ngayo'y duguan na nakahandusay sa sahig.

"V-venus..." Nag-aalalang sambit naman ni Brae saka napatuptop ng kanyang bibig sa sobrang kabiglaan. Mabilis namang bumaba ng sasakyan ang dalaga para lapitan ang kanyang kasintahan.

"Venus— Somebody, please call an ambulance!" Pagsusumamo ni Matt habang inaalalayan ang dalaga na walang malay.

"I'm so sorry, bigla po kasi siyang tumawid." Biglang turan ng babaeng nakabangga kay Venus.

"Mamaya na natin pag-usapan ito, let's take her to the hospital. Hurry up!" Histerikal na turan ng binata saka inilagay ang duguan na katawan ni Venus sa backseat ng sasakyan ng nakabunggo rito.

"Sa San Antonio Hospital mo siya dalahin susunod ako roon." Ani Matt sa babae saka mabilis na tumakbo papunta sa kanyang sasakyan.

"Love, are you okay?" Punong-puno nang pag-aalalang sambit ni Matt nang tuluyan niyang malapitan ang kanyang kasintahan.

"L-love... S-si Venus..." Tulalang saad ni Brae habang hindi maialis ang paningin sa bahid ng mga dugo ni Venus, na nagkalat sa kalsada.

"I know Love... Let's go, sunod tayo sa hospital." Nagmamadaling usal ni Matt saka inalalayan ang kanyang nobya papasok sa kanilang sasakyan.


*****


Mabilis namang nakarating sa hospital sina Matt at Brae at nakita agad nila ang babaeng nakabangga kay Venus kanina.

"Kamusta na siya?" Bungad ni Matt dito.

"Hindi pa lumalabas ang doktor, pasensya na talaga kayo, sir."

"Wala namang may gusto sa nangyari, magdasal na lang tayo na sana'y okay siya." Saad ng binata saka inalalayan si Brae na makaupo sa bakanteng upuang naroon.

Halos isa't kalahating oras naghintay ang magkasintahang Matt at Brae, bago dumating ang mga kasamahan ni Venus sa Club.

"Maiden, kamusta si Venus?" Bungad ni Pamela nang tuluyang makalapit ang mga ito sa kinauupuan ng magkasintahan.

"Hindi pa lumalabas ang doctor." Malungkot na saad ni Brae, habang hindi mapakali ang mga kamay dala nang tensyon.

"Maiden, ayos ka lang?" Nag-aalalang sambit naman ni Charity saka ito umupo sa tabi ng dalaga.

Tanging tango lang ang isinagot ni Brae sa kanyang kaibigan, dahil hindi niya alam kung anong magiging reaksyon sa nasaksihang pangyayaring iyon.

Ikinuwento ni Brae lahat sa mga dati niyang kasamahan ang nangyari kaya nagsalita agad si Pamela nang, "Maiden, hindi mo naman kasalanan 'yon. Isa pa, masamang damo si Venus, kaya makakarekober agad 'yan." Pagbibiro pa ni Pamela upang pahupain ang tensyon na bumabalot sa kanilang kinaroroonan.

"Ang sama mo talaga Pamela." Inis na turan naman nina Girlie at Charity rito.

Ismir lang ang isinagot ni Pamela sa mga ito at muling binalingan ang pintuan ng Emergency Room.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumukas ang pintuan doon at iniluwa ang isang doktor na halatang kakagaling lang sa isang matinding operasyon.

"Sino po ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito saka hinubad ang mask na kanyang suot.

"Lahat po kami Doc." Sabat naman ni Pamela bago ang lahat ng kanilang atensyon ay nakatuon na rito.

"Okay, wala na kayong dapat alalahanin pa dahil luckily ay walang anumang nadamage sa sistema ng pasyente. May mga minor wounds, scratches and bruises lang siya na kaya namang gamutin externally." Pagpapaliwanag ng doctor sa mga ito.

"How about the Baby, Doc?" Biglang pagtatanong ni Matt dito.

"What, baby?" Kunot noong tanong naman ng doktor nang balingan nito si Matt.

"Kamusta ang bata sa sinapupunan ng pasyente?"

"Wala naman kaming nakitang heartbeat sa womb niya. So, there's no baby at all."

Nagkatinginan naman sina Matt at Brae nang ibulalas ng doktor ang balitang iyon. Kaya naman nang hindi na sila makapagsalita ay nagpaalam na ang Doctor, "I have to go, mamaya pwede niyo nang mabisita ang pasyente." Pamamaalam nito saka sila tuluyang tinalikuran.

Nang makaalis ang doktor ay biglang nagtanong si Pamela kay Matt, "Sinong buntis?" Pang-uusisa nito sa binata.

"Venus said she was pregnant." Hindi makapaniwalang usal ni Matt habang hawak ang kamay ng kanyang kasintahan.

"Si Venus buntis?!" Humahalakhak na turan pa nito. "Eh kakatapos lang nang monthly period no'n, sabay nga kaming dinatnan nitong nakaraan lang. Nagpapaniwala naman kayo sa kalokohan ng babaeng 'yon." Napapailing pang sambit ni Pamela habang ngumunguya ng chewing gum.

"Dāmn it!" Inis na anas ni Matt saka hinarap ang kanyang kasintahan. "You've heard that, Love? Hindi buntis si Venus."

"Hayaan mo na Love, ang importante ay ayos na ang kalagayan niya ngayon." Pang-aalo naman ni Brae para pakalmahin ang kanyang nobyo.

Napailing na lang si Matt sa nangyari, ngunit sa kabilang banda naman ay nakahinga rin siya nang maluwag dahil nalaman niya na hindi buntis si Venus at maayos na ang kalagayan nito ngayon.



*****

That only proves that Venus is a certified "Psychotic Woman" 😂😂😂

Sad to say, but we only have few Chapters left before the Finale. 😢😢😢

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top