NH Chapter: 30

Kinabukasan, nang tuluyang malaman nina Matt at Brae ang kasarian ng kanilang supling, ay napagdesisyonan nilang pumunta sa Mall upang makapamili ng mga gamit para sa kanilang munting anghel.

"Love, maganda ba ang isang ito?" Pagtatanong ni Brae sa kanyang kasintahan saka pinakita ang isang klase ng damit para sa kanilang anak.

Kunot noong kinuha naman ito ni Matt sa kamay ng dalaga saka mabusising sinipat ang bawat parte nang nasabing damit.

"Love, this one is Satin. Masyadong mainit ang telang ito para kay Baby." Walang prenong usal nito saka muling binatawan ang pangalawang damit na ipinakita ng dalaga rito.

Nakangusong kinuha naman ito ni Brae saka binalik sa hanger-an ang damit. Sandaling naghanap pang muli ang dalaga, bago natagpuan ang isang set nang bodysuit na talagang nakatawag nang kanyang pansin.

"Love... Ito gusto ko ito para kay Baby Maddie." Masigla niyang saad kay Matt saka ipinakita ang Onesie bodysuit na may iba't ibang kulay.

Kinuha naman ito ng binata at sinuring muli ang mga damit. "It's cotton at cozy ito sa katawan. Great choice, Love." Nakangiting saad nito saka inilagay ang bodysuit sa kanilang cart.

Humalakhak naman si Brae na siyang dahilan para kunot noong lingunin siya ng kanyang kasintahan.

"Laughing hard, ey? What's wrong?" Naguguluhang sambit lang ni Matt.

"W-wala lang Love, natatawa lang ako kasi mas maarte ka pa sa akin. Napaka-metikoloso mo pala." Tatawa-tawang saad ni Brae habang abala sa pagtingin ng mga damit doon.

"Nakakatampo ka na Love ahh, gusto ko lang namang maging perfect lahat para kay Baby Maddie." Nagtatampong turan nito saka tinalikuran ang dalaga.

Mabilis namang iniyakap ni Brae ang kanyang mga braso sa bewang ni Matt sabay sabing, "Love, sorry na po please. Nagbibiro lang naman ako eh." Hitap na hirap na saad ni Brae dahil sa nakaumbok niyang tiyan na humaharang sa pagitan nila ng binata.

"Hmmm..." Kinwaring nagtatampong usal ng binata ngunit palihim na ngumingiti naman para lang lambingin siya ng kanyang nobya.

"Love sorry na po." Muling pakiusap ni Brae saka inihilig ang kanyang kaliwang pisngi sa malapad na likod ng binata.

"Hahaha!" Humahalakhak na turan ni Matt dahilan para humiwalay si Brae sa pagkakayapos rito. "I'm just kidding Love." Halos maluha na ang binata sa kakatawa, dahil para sa kanya'y na-goodtime niya ang dalaga sa kanyang pekeng tampu-tampuhan.

Galit na tiningnan naman ito ni Brae sabay sabing, "Ewan ko sa'yo!" Iritable nitong saad saka mabilis na tinalikuran ang kanyang kasintahan.

"H-hey Love, sorry." Anito saka mabilis na hinablot ang kanang braso ng dalaga, para tuluyan itong makaharap sa kanya.

"Ano ba!" Inis na sambit ni Brae saka inismiran si Matt.

"Love, nagbibiro lang ako. Sorry na po."

Mabilis namang inilayo ni Brae ang kanyang mukha sa binata saka ito tiningnan nang masama.

"Love, sorry... H'wag ka nang magalit" Malambing na usal ni Matt at halatang nalungkot ang gwapong mukha nito dahil sa galit ng dalaga.

Nang makita naman ni Brae na nag-aalala na ang mukha ni Matt, tinawanan lang niya ito nang sobrang lakas, "Ano ka ngayon Love, mas magaling akong umarte kesa sa'yo!" Masyang turan ng dalaga dahilan para lumaki ang mga mata ni Matt saka siya nito inakbayan.

"Grabe Love, I thought you're really mad at me. Kinabahan ako roon ahh." Halos nakahinga naman ng maluwag si Matt habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

"Sus! Ginu-goodtime lang kita Love. I love you." Nakangiting sambit ni Brae habang nakatingala sa kanyang kasintahan.

"I love you more, Brae." Lambing nito at doon na dinampian ng matamis na halik sa labi ang kanyang kasintahan.

Nang matapos sa kanilang pamimili, ay diretsong umuwi na sina Matt at Brae sa Grandeur Condominium. Magkahawak kamay na lumabas nang elevator ang magkasintahan at masayang naglakad bitbit ang kanilang mga pinamili.

Habang nagtatawanan, biglang natigilan sa paglalakad si Brae nang makita ang isang taong hindi niya gustong makita kailanman.

Kunot noong sinundan naman ni Matt ang tinitingnan ng dalaga, at ganoon na lang ang talim nang titig niyang sa taong ito.

Nakita nila ang dalagang si Venus na nakasandal sa pader at tila inip na inip sa kanyang paghihintay. Mabilis naman itong lumingon sa magkasintahan nang mapansin ng dalaga ang kanilang presensya.

"Ola Lovers." Sarkastikong ngiti ni Venus habang ngumunguya ng chewing gum. Madali naman itong dumiretso nang tayo saka hinalukipkip ang mga braso.

"What the fūck are you doing here?!" Bulyaw ni Matt dito saka umuna sa harap ni Brae para ilayo ito sa dalaga.

"Sweetie, ganyan mo ba sasalubungin ang magiging Nanay ng future baby mo?" Nakangisi nitong sambit habang hinihimas ang kanyang tiyan, na parang may gustong ipahiwatig.

"Dāmn it! I told you to leave us alone, you bītch!" Singhal pa ng binata dito.

Nang masabi ni Matt ang katagang iyon, ay hinawakan agad ito ni Brae sa kaliwang braso para pigilan sa kanyang galit, "Love tama na." Malumanay niyang sambit bago binalingan ang dalaga. "Venus, ano pa bang kailangan mo? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mong pagsira sa relasyon namin ni Matt?"

"Wala akong kailangan sa'yo Maiden, ang Tatay ng anak ko ang kailangan ko." Wika nito dahilan para maghurimentado ang binatang si Matt.

"Dāmn you! Matagal nang walang nangyari sa atin, kaya hindi sa akin 'yang batang 'yan!" Nanggagalaiting anas ni Matt saka hinila ang kamay ni Brae papasok sa kanilang condo.

Bago pa man tuluyang makapasok ay maagap itong pinigilan ni Brae, "Love—"

"Let's go Love, I don't want to waste my precious time with that bītch!"

Ngunit hindi naman nagpahila si Brae rito, dahilan para muli siyang balingan ng kanyang kasintahan, "Love..." Nagtatanong ang mga matang turan ni Matt sa kanyang kasintahan dahil hindi niya maintindihan kung bakit pa ito patuloy sa pagpigil sa kanya.

Marahan na tumango lang si Brae sa kanyang nobyo, na parang sinasabing siya na ang bahala sa sitwasyon na ito.

Hindi na muling nagsalita pa si Matt at seryosong nakatingin lang sa gagawin ng kanyang kasintahan.

"Venus... Anong gusto mong mangyari ngayon?" Seryosong saad ni Brae rito.

Mabilis namang umarko pataas ang kanang kilay nito sabay sabing, "Si Matt ang gusto kong makausap, kaya h'wag kang makialam dito." Pagtataray pa ni Venus sa dalaga.

Napataas lang ang gilid ng labi ni Brae sa katigasan nang ulo nito, kaya naman tiningnan lang niya si Venus nang diretso sa mata sabay sabing, "Wala kang pagpipilian Venus, pasalamat ka nga at nag-abala pa akong kausapin ka. Dahil si Matt? Sukang-suka na sa pagkatao mo." May diin sa boses na turan ni Brae rito.

Ayaw sanang daanin ni Brae sa ganoong paraan nang pananalita si Venus, ngunit sa nakikita niyang katigasan ng ulo nito'y mukhang kinakailangan niyang maging matigas sa pagkakataong iyon para waksihan na ang pambabastos nito sa kanya.

Nagulat naman si Venus sa mga sinabi ng dalaga kaya para hindi mapahiya ay nag-galit-galitan na lang ito.

"Sweetie! Kausapin mo nga ako! Sige ka, kapag ako nainis ipapalaglag ko itong batang ito! Ikaw rin, maaatim mo bang mamatayan ng sarili mong supling?" Pagbabantang sambit nito saka humalukipkip ang mga braso.

"I don't give a fuc— You choose, Venus." Walang ganang usal lang ni Matt dito.

Halos nalukot na ang pagmumukha ni Venus dahil sa inis, alam niya kasing wala nang amor sa kanyang si Matt kaya naman sumigaw na lang ito nang, "Oo na! Oo na! Ang dami-dami niyo pang sinasabi, ano bang plano mo, ha Maiden?!" Inis na bulyaw nito saka inirapan si Brae.

"Okay, bukas sasamahan ka namin ni Matt na magpacheck-up," Panimula nito. "Walang kahit anong transaksyon ang mamamagitan pa sa inyo, dahil ako lang ang kokontakin mo. Wag ka mag-alala dahil may makukuhang sustento ang magiging anak mo sa Ama niya." Maawtoridad na turan ni Brae rito dahilan para mas maasar pa si Venus.

"Hindi ako makakapayag! P-paano kapag... Kapag naglilihi na ako— Tama! Paano kapag naglilihi na ako at kailangan ko si Matt?" Nauutal-utal na wika nito at halatang naiipit na sa kanilang sitwasyon.

"Kahit anong mangyari kasama ako sa lahat ng transaksyon niyo. Pasalamat ka nga't binibigyan pa kita ng pabor, hindi dahil sa'yo, kundi dahil sa batang nasa sinapupunan mo." At sa puntong iyon ay bahagya nang dumiim ang mga salitang binitawan ni Brae, dahil nanumbalik na naman sa kanya ang mga ginawa nitong kalokohan para siraain ang kanilang relasyon ni Matt.

Hindi na naman nakasagot pa si Venus, kaya't muling nagsalita si Brae, "Sige na, bukas na natin simulan ang usapan na ito."

Wala nang nagawa pa si Venus at inis na tiningnan na lang si Matt sa likuran ng dalaga. Inirapan lang nito si Brae saka tinalikuran ang magkasintahan.

Ngunit bago pa tuluyang makalayo si Venus ay muli namang nagsalita ang dalagang si Brae, "Venus!" Tawag nito sa dalaga.

"Problema mo?" Walang ganang turan nito nang muling lingunin ang magkasintahan.

"Umpisahan mo nang magsuot ng flat shoes or tsinelas man lang, buntis ka na 'di ba?" Sarkastikong usal pa ni Brae rito dahil napansin niya na nakasuot pa rin si Venus nang high-heels na may limang pulgada ang taas, kahit pa buntis na ito.

Sa halip na sumagot ay inis na inirapan lang siya ni Venus at dumiretso nang naglakad papunta sa elevator. Hinatid na lamang ng magkasintahan gamit ang kanilang mga paningin ang dalagang si Venus na ngayon ay tuluyan nang nakapasok sa lift ng elevator.

"Love, bakit mo ginawa 'yon?" Nag-aalalang usal ni Matt sa kanyang kasintahan habang hinahaplos ang pisngi nito.

"Kawawa naman 'yung bata sa sinapupunan ni Venus, Love. Hindi ko maaatim na ipalaglag niya ang bata."

"Haaayyy... Ang bait talaga ng Love ko." Lambing lang ni Matt rito saka ikinulong sa kanyang mga bisig ang dalaga.

"Anak mo pa rin kasi 'yon, Love."

"Kahit na, kung sa iba-ibang babae ay hindi papayag nang ganyan. Ikaw talaga ang anghel na ibinigay sa akin ni Lord." Nakangiting saad nito saka hinalikan sa noo ang dalaga.

"Sus! Nambola pa 'to. Mahal naman kita Mr. Montenegro kahit hindi mo na ako bolahin noh." Natatawang sambit ni Brae habang nakayapos na din sa kanyang nobyo.

"Mas mahal naman kita, kayo ni Baby Maddie ko." Ngisi nito at ninakawan nang mabilis na halik sa labi si Brae.

"Tara na nga. Nagutom ako sa usapan na 'yon." Naiiling na wika ni Brae saka magka-akbay na pumasok ang magkasintahan sa loob ng unit.



*****

Woooohh! Ano na namang pasabog ito Venus? Kalurkey ka ha! 🙄🙄🙄


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top