NH Chapter: 3

Continuation:


"You're hired." Biglang saad nito. "O, Dyosa... ikaw na'ng bahala sa bago mong alaga. Girlie tulungan mo si Dyosa na ayusan 'yang kaibigan mo bilang waitress. Makakalabas na kayo." Striktong saad nito at saka itinuong muli ang atensyon sa mga papel na nagkalat sa lamesa.

Nagpatiuna nang lumabas sina Dyosa at Girlie, ngunit nagpaiwan naman sandali si Brae para kausapin ang matandang lalaki, "S-sir..." Nauutal niyang sambit para pukawing muli ang atensyon nito. Nang aktong baling ng matandang lalaki sa kanyang kinatatayuan, ay biglang nakaramdam muli si Brae ng kaba. Bukod kasi sa matigas nitong personalidad, ay muhka rin itong masungit at bibihira lang kung magsalita base sa mga litanya nito kanina.

Lukot ang mukhang tinitigan lamang siya nito, na parang naghihintay kung ano pa ang kanyang pakay. Mabilis namang binawi ni Brae ang kanyang pagkakatitig dito bago yumuko, para iatago ang kaba na bumabalot ngayon sa kanyang aura, "Ehem..." Tanging nasambit niya para alisin ang nakabara sa kanyang lalamunan. "S-sir Salamat po at binigyan niyo ako ng pagkakataon na makapagtrabaho dito sa..." Hindi maituloy ni Brae ang kanyang sasabihin, dahil hindi niya alam kung anong tawag sa lugar na iyon.

"It's a Club." Mariing saad nito nang makitang hindi alam ng dalaga kung anong uri ng trabaho ang pinapasok nito.

"C-club po?" Kunot noong tanong ni Brae, dahil sa kawalan ng kaalaman kung anong tawag sa lugar na iyon.

"Yes, this place called Club... Hindi mo ba alam ang tawag sa lugar na ito?" Hindi makapaniwalang usal ng matandang lalaki habang nakakunot ang noo nito.

Tanging iling lang ang naisagot ni Brae rito.

"Go to Dyosa and Girlie, ask them kung anong trabaho ang ginagawa rito sa club." Anito saka bumaling muli sa kanyang ginagawa.

"Salamat po..." Iyon lamang ang naisambit ng dalaga, bago nagpasiya na lisanin ang kwartong iyon.

Tahimik na naglakad papalabas si Brae, ngunit nang tuluyang matunton ang dressing room ay agad napahinto sa paghakbang ang kanyang mga paa dahil sa mga babaeng kanyang nabungaran. Sabay-sabay na napatingin ang mga kababaihan sa kanyang kinatatayuan, nang mapansin ng mga ito ang kanyang biglaang presensya.

Napayuko na lang si Brae dahil hindi niya maatim ang dating ng titig ng mga ito, mga titig na parang kinakarkula ang buo niyang pagkatao.

Natuon na lang ang kanyang atensyon, nang marinig ang boses ni Dyosa, "O mga inday! Bago niyong sisteret, si..." Natigil ang sasabihin nito, at binalingan lang ang dalaga upang tanungin kung ano ang kanyang pangalan. Agad namang nakuha ni Brae ang nais nito, kaya't mabilis siyang sumagot.

"B-brae po..." Nahihiya niyang sambit dito habang nilalaro ang kanyang mga daliri, dahil hindi na talaga siya mapakali sa presens'ya ng mga babaeng naroon.

Sandaling nag-isip si Dyosa, bago nito sinipat ang kabuuang bulto ni Brae, "Maiden..." Biglang sambit nito, na animo'y nagagalak dahil sa kanyang naisip para sa dalaga.

"Po?" Nagtatakang tanong naman ni Brae, dahil sa kalituhan.

"Maiden na ngayon, ang itatawag sayo rito sa club..." Ani Mamang Dyosa habang matamang tinititigan ito.

Tumango na lang si Brae sa sinabi ni Dyosa, kahit wala naman siyang ideya kung anong meron sa pangalang Maiden. Matapos no'n ay tuluyan nang nagtanong si Brae, kung ano nga ba ang trabaho nila Girlie at ng mga babaeng kasamahan nito. Sa una pa lang ay gusto nang sumuko ni Brae, dahil hindi niya kayang sikmurain ang trabahong meron ang mga ito. Ngunit kalaunan ay natanggap na rin niya ito, dahil ipinaliwanag naman ni Girlie na iba ang trabaho nila bilang isang Entertainer kesa sa Waitress na itinoka sa kanya.

Pumayag si Brae bilang isang serbedora, dahil madali lang naman para sa kanya ang mag-serve ng mga order na pagkain at pagkatapos noon ay tutulungan niya ang bartender na ihatid ang mga alak na in-order ng mga customer.

Nang matapos ipaliwanag ang lahat ng dapat niyang malaman, ay saka na muling nagsalita si Dyosa, "So, gets mo na siguro lahat? O, Girlie ayusan mo na itong kaibigan mo." Saad nito saka tuluyang lumabas nang dressing room.

Mabilis pinaupo ni Girlie ang dalaga sa isang Vanity Mirror, bago sinimulang ayusan ang kanyang kaibigan. Sa una ay itinali nito pataas ang buhok ni Brae at inunang ayusin ang kilay ng dalaga, nilinis ni Girlie ang mga kalat-kalat na buhok na nakapaligid sa natural na tubo ng kilay ni Brae. At nang maiayos na ito, ay inumpisahan nang lagyan ni Girlie ng iba't-ibang klaseng kolorete sa mukha ang dalagita.

Hindi maalam si Brae sa paglalagay ng mga kolorete, tanging pulbo lamang ang alam n'yang ipahid sa kanyang mukha. Kaya't dala na rin ng kasadlakan sa buhay, ay hindi na niya nalinginan ang mga bagay gaya ng pagme-make up.

Ilang minuto rin ang itinagal ng kanilang pag-aayos, at nang matapos ay agad iniharap ni Girlie ang kanyang kaibigan sa salamin. Nagulat si Brae sa kanyang nabungarang repleksyon sa harap ng salamin, sa edad na bente-dos anyos ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nabahiran ng kolorete ang kanyang mukha.

Sinimulan niyang sipatin ang kanyang kilay, na dati'y makapal ngayon ay numipis na. Ang kanyang mga mata na nilagyan ng pekeng pilik-mata, ang kanyang mga pisngi na namumula dahil sa blush-on at sa huli, ang kanyang labi na dati natural ang kulay ngayon ay sumobra ito sa pagkapula. Halos hindi makilala ni Brae ang kanyang sarili. Iniisip niya na mag-iiba pala ang itsura ng isang tao kapag nilagyan ng kolorete sa mukha. Kahit siya'y hindi makapaniwala na may itinatago pala siyang ganda na hindi niya inakala.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang magsalita si Girlie, "Oh bakla, heto raw ang susuotin mo sabi ni Mamang Dyosa." Maingay na litanya ni Girlie, bitbit ang isang itim na palda at puting blusa.

Mabilis naman itong kinuha ni Brae saka dagling pumasok sa loob ng banyo. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan nang bumukas ang pintuan, napalingon si Girlie sa gawi nito at napangiti ng sobrang tamis dahil sa itsura ngayon ng dalaga, "Bakla ang ganda mo talaga, hindi ka na mukhang Manang." Nakangiting saad nito. "O, ito ang suotin mong sapin sa paa." Dagdag pa nito, saka inabot ang isang itim na sapatos na may apat na pulgadang taas.

"Girlie, hindi ako sanay gumamit nito." Tanging naisambit lang ni Brae, habang pilit na ibinababa ang kanyang palda na sobrang igsi.

"Wala kang choice bakla, iyan ang gustong ipasuot sa'yo ni Mamang." Kibit-balikat na usal ng kanyang kaibigan habang ngumunguya ng chewing gum.

Bumuntong hininga na lamang si Brae at inabot ang sapatos, walang pagpipilian niyang isinuot ito saka tumayo para balansehin ang kanyang sarili.

"Sa una lang 'yan bakla, masasanay ka rin katagalan." Anito, at binuksan ang dalawang butones sa ibabaw ng blusa ni Brae para lumantad ang pisngi ng dibdib nito.

"Ano ka ba Girlie, bakit mo binuksan 'yan!" Iritableng sambit ni Brae habang pilit na tinatakpan ang kanyang dibdib.

"Hay nako bakla 'wag ka nang umarte, kailangan 'yan dito sa trabaho natin."

Naglakad na ang kanyang kaibigan palabas ng dressing room bago pa s'ya muling nilingon nito, "O bakla sunod ka na lang ha? Punta ka room sa bar counter hinihintay ka na ni Mamang, tanong mo na lang kung anong dapat mong gawin." Iyon lamang ang sinabi nito bago tumalikod at kumendeng-kendeng palabas ng dressing room.

Naiwang mag-isa si Brae sa loob ng dressing room, at hindi na nakapagprotesta pa sa kanyang kaibigan. Ngunit bago pa man tuluyang lumabas ay humugot muna ng malalim na hininga si Brae saka nagsalita nang, "Kaya mo 'yan Braelynn, para kay Nanay, para kay Tatay, para kay Biboy, Liezel at Jun." Pampalakas loob n'yang sambit sa hangin bago tuluyang lumabas ng pintuan.



*****

Go Brae! Kaya mo 'yan girl— alang-alang sa pamilya. See you next chapter mga labs! ❤️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top