NH Chapter: 28
Halos dalawang linggo nang hindi umiimik si Brae sa kanyang kasintahang si Matt. Madalang na rin silang magkita ng binata sa condo, dahil lagi lamang siyang nasa loob ng kwarto at nagmumukmok.
Samantalang si Matt naman ay hindi pumapalya sa paghingi ng kapatarawan sa kanyang kasintahan. Palagi nitong ipinaghahanda ang dalaga ng umagahan at tanghalian sa lamesa. Kapag gabihan naman ay hinihintay niya itong lumabas sa kwarto, ngunit ni isang sulyap o kahit anino ni Brae ay hindi niya nasisilayan.
"Love, miss na miss na kita." Malungkot na saad ni Matt, na ngayon ay nakaupo sa couch habang umiinom ng alak. Diretso lang itong nakatingin sa pintuan ng silid ni Brae, nagbabaka-sakali na makikita't lumabas doon ang dalaga.
Sa loob nang dalawang linggo na hindi niya nakakasama si Brae, ay parang mababaliw na ang buong pagkatao ni Matt. Gustong-gusto niyang ipaliwanag sa kanyang kasintahan ang lahat-lahat, ngunit ayaw naman niyang tuluyang magalit pa ito sa kanya, kaya naman hinihintay na lang ni Matt na humupa ang galit nito kahit gaano pa katagal.
Lumalalim na ang gabi at halos maubos na ni Matt ang isang litro ng whiskey. Dala na rin ng kanyang kalungkutan at pagod sa trabaho, ay umupo na lang ito sa sahig habang hawak ang baso na kanyang gamit sa pag-inom ng alak. Langong-lango si Matt sa tama ng alak kaya't hindi na niya nagawa pang pumasok sa kanyang sariling silid. Nang akmang tatayo na ito ay biglang natumba ang binata at tumilapon ang baso nito sa sahig, dahilan para umalingawngaw ang tunog nang nabasag na baso sa buong condo unit.
Tuluyan nang napahiga si Matt sa malamig na semento na yari sa ceramic tiles, pinilit pa niyang bumangon ngunit mas nanaig ang lakas ng tama ng alak sa kanyang buong sistema. Pilit iminumulat ng binata ang kanyang mga mata dahil parang nakita niya ang bulto ni Brae na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan.
"Matt... Matt!" Rinig niyang sambit nito habang tinatapik ang kanyang pisngi.
Hindi na kinaya ni Matt ang antok, kaya't tuluyan na itong nakatulog sa sobrang kalasingan.
Habang nakadungaw sa bintana si Brae, ay nagulat siya nang may marinig na tila nabasag na bagay sa labas ng kanyang silid.
"Matt." Ang pag-aalala agad sa binata ang unang pumasok sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon.
Dali-daling lumabas si Brae sa kanyang silid, at pagbukas niya nang pintuan ay bumungad sa kanya ang binata na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Maagap siyang lumapit dito saka tinapik ang pisngi ni Matt para malaman kung ayos lang ba ang kalagayan nito.
"Matt... Matt." Punong-puno nang pag-aalalang sambit niya rito habang tinatapik ito sa pisngi.
Mas lalo namang nag-alala si Brae nang makita ang kamay nito na may bahid ng dugo, "Love..." Histerikal niyang saad sa binata saka mabilis na hinablot ang maliit na basahan na nakapatong sa center table.
"Matt, ano ka ba naman. Bakit ka kasi umiinom hindi mo naman pala kaya." May bahid nang pagkainis na turan niya sa kanyang kasintahan. Nang mapagtanto ni Brae ang kanyang mga sinabi, ay bigla siyang natigilan.
Naalala niyang muli ang panloloko nito sa kanya, kaya naman binitawan niya ang kamay nito saka umatras palayo sa kanyang kinauupuan kanina.
Sandaling nag-isip si Brae kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Iniisip niya kung dapat pa ba niyang pairalin ang galit niya sa binata, kahit na kailangang-kailangan siya ngayon nito. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapagdesisyonan ng dalaga na alalayan na lang ito papunta sa kwarto ng binata.
"Bahala na, mukhang handa na akong pakinggang ang mga paliwanag niya." Ani Brae saka muling nilapitan ang kanyang nobyo.
Dahan-dahang inalalayan ng dalaga si Matt patayo, "Grabe, ang bigat mo naman Love." Aniya rito.
Ilang minuto ring nagpagewang-gewang sina Matt at Brae dahil sa bigat ng katawan ng binata, hanggang sa mapagtagumpayan ng dalaga na maihatid ito sa sariling silid ni Matt. Pabagsak niyang inihiga ang binata saka ininda ang sakit ng kanyang balakang.
"Aray..." Daing ni Brae habang hinihimas ang masakit na bahagi ng kanyang balakang.
Nang umayos ang kanyang pakiramdam, isa-isang hinubad ni Brae ang lahat ng kasuotan ni Matt. Nagsimula ito sa sapatos at medyas ng binata, sumunod naman ay ang kurbata't unti-unting binuksan ang mga butones ng long sleeve ni Matt.
Sandaling iniwan ng dalaga ito para kumuha ng basang bimpo. Sinimulan ni Brae na punasan ang mukha ng binata, at napansin niya na mahaba na ang balbas nito at meron na ring bigote.
"Bakit mo pinapabayaan ang sarili mo, Love?" Aniya rito dahil mukang hindi na nag-aabalang ahitin ni Matt ang kanyang balbas at bigote.
Nakilala niya kasi si Matt na malinis sa katawan, kahit na natural na balbon ito ay hindi hinahayaan ng binata na kumalat ang kanyang balbas at tumubo ang bigote.
Sa dalawang linggong hindi niya ito nakakasama ay nakita na ni Brae kung paano pinabayaan ni Matt ang kanyang sarili. Kaya naman nakaramdam siya ng pagkaawa't konsensya sa kanyang pangbabalewala rito. Mabilis na tinapos ni Brae ang kanyang ginagawa saka binihisan si Matt ng puting t'shirt.
Bago pa tuluyang makalabas ng silid ang dalaga, ginawaran niya muna ng isang halik sa noo ang binata sabay sabi nang, "Goodnight Love, patawarin mo ako kung hindi kita hinayaang magpaliwanag. Mahal na mahal kita, Matt." Malungkot niyang sambit rito bago hinaplos ang buhok nito pataas. Sandali pa niyang pinagmasdan ang mukha nito dahil na rin sa kanyang pagkamiss sa binata, bago napagpasiyahan na lumabas na rin sa kwarto ni Matt.
*****
Nagising ang diwa ni Matt nang maramdaman nito ang pagsakit ng kanyang ulo, "Aahhh..." Daing niya saka hinilot ang kanyang sentido.
Napansin niya bigla ang kanyang kanang kamay na ngayo'y may benda na. "W-what happened?" Sandaling natigilan ang binata saka inalala ang nangyari kagabi. "N-nasa living room ako kagabi, paano ako napunta..."
Hindi na natapos ni Matt ang kanyang sasabihin nang mumukat-mukat itong bumangon sa kanyang pagkakahiga, saka tiningnan ang kanyang panoramic window.
"Shīt! Tanghali na pala." Usal nito saka nagmamadaling bumangon sa kanyang kama. Bago pumasok sa kanyang banyo, ay naisipan muna ni Matt na uminom ng tubig para kahit papaano'y mabawasan ang kanyang hang-over.
Nang buksan niya ang pintuan, ay agad sumalubong sa kanya ang masarap na amoy ng paborito niyang putahe. Walang iba kundi ang Beef Caldereta. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa kusina at nakita niya ang dalagang si Brae na abala sa pagluluto. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito napansin ang kanyang presensya.
Nangilid ang mga luha ni Matt nang makitang muli ang pigura ng kanyang kasintahan. Sa maikling panahon na hindi niya ito nakasama ay talagang masasabi niya na sobra pa sa sobra ang pagka-miss niya kay Brae.
Nasa ganoong isipin si Matt nang biglang humarap sa kanya ang dalaga. Halatang nagulat ito nang makita ang kanyang bulto na ngayon ay nakatayo na malapit sa kitchen counter, parehas silang natigilan at nakikiramdam kung anong hakbang ang kanilang gagawin para sa isa't isa.
Naluha na lang si Matt nang ngitian siya ng dalaga, hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli ang matamis nitong ngiti. Kaya naman dala nang kanyang mataas na emosyon, ay inilang hakbang lang niya ang pagitan nila ni Brae saka ito hinalikan ng sobrang tamis sa labi.
Napangiti na lang si Brae nang maramdaman ang paglapat ng labi ni Matt, mabilis naman niyang ikinawit ang kanyang mga braso sa leeg nito saka ipinikit ang mga mata. Naramdaman pa niya na mahigpit na pumulupot ang mga braso ni Matt sa kanyang bewang, kaya mas hinigpitan na rin niya ang pagkaka-kawit ng kanyang mga kamay sa leeg ng binata.
Saka lang nahiwalay ang mga labi nina Matt at Brae, nang kapusin ang magkasintahan ng hininga. Magkadikit lang ang kanilang mga noo, habang sinasariwa ang tamis na kanilang pinagsaluhan.
"I love you, Brae... Mahal ko kayo ni Baby." Humihikbing usal ni Matt saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Mahal ka rin namin... Love." Sagot ni Brae habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"God! Namiss kita Love, I miss everything about you." Saad ni Matt dito saka hinalikan ang buong mukha ng dalaga. Mwah! Mwah! Mwah!
Napahalakhak naman si Brae dahil sa ginagawa ng binata. "Love tama na po, puno na 'yung mukha ko ng laway mo." Natatawa niyang anas habang ngumingiwi ang mukha.
Tumigil naman agad si Matt nang marinig ang sinabi ng kanyang kasintahan at maagap itong niyakap ng sobrang higpit.
"Thank you Love, masayang-masaya ako dahil binigyan mo na ulit ako nang pansin." Anito saka ginawaran ng halik sa noo ang kanyang nobya. "Patawarin mo ako, Love. Hindi ko sinasadyang—"
Hindi na natuloy ni Matt ang kanyang sasabihin nang magsalita si Brae, "Shhhh... Tama na Love, alam ko naman na hindi mo ako lolokohin. Sorry rin, kasi masyado akong nagpadala sa emosyon ko." Saad ni Brae habang nakasandal ang kaliwang pisngi sa dibdib ng binata.
"Love..." Tawag ni Matt sa dalaga saka umupo sa dining table. Inalalayan naman nitong makaupo si Brae sa kanyang kandungan saka ipinulupot muli ang kanyang mga braso sa katawan ng dalaga, "Love, gusto kong ipaliwanag sa'yo lahat. Gusto ko na linisin ang side ko para naman habang nagsasama tayo hindi mo na ako pagdudahan."
Tumango naman si Brae rito saka ikinawit ang kanyang kanang braso sa leeg ng binata.
Ikinuwento ni Matt ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Venus. Alam niyang nagkamali siya na hindi niya sinabi kay Brae ang tungkol doon, ngunit hindi naman ginustong ilihim ito ng binata. Nag-alala lang siya dahil sa maselang kondisyon ng kanyang kasintahan. Ang mga sumunod naman na nangyari ay inaamin ni Matt na dahil na sa kanyang kalituhan, kaya napasunod na lang siya sa mga kagustuhan ni Venus.
Matapos mai-kwento ng binata lahat-lahat kay Brae, tahimik lang itong nakatingin sa kanya kaya nakaramdam ng kaba si Matt.
"L-love... I'm sorry—" Malungkot niyang usal rito at pilit na inaalam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ng kanyang kasintahan.
"Basta Love, h'wag ka nang maglilihim sa akin ha? Kaya ko namang intindihin lahat, basta maging totoo ka lang sa akin at magiging ganoon din ako sa'yo." Ani Brae habang nakayuko.
"Thank you Love, thank you— Hinding-hindi ko na sasayangin ang tiwala mo. I love you." Saad ni Matt saka hinalikan sa pisngi ang kanyang kasintahan.
"Mahal din kita, Daddy." Nakangiting sambit nito at si Brae na ang mismong humalik sa labi ng kanyang kasintahan.
Matapos noon ay masayang kumain ng tanghalian ang magkasintahang Matt at Brae, na wala nang agam-agam tungkol sa problemang kanilang pinagdaanan.
*****
Team BRATT is finally back! Ayiieee... 😍😍😍
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top