NH Chapter: 26
Continuation:
Nang makarating sila sa isang pribadong kwarto sa hotel, ay walang sabi-sabing sinunggaban agad ng dalaga nang isang mapusok na halik si Matt sa labi saka pabalang na isinandal ito sa pader.
"Stop it, Venus!" Inis na turan ni Matt rito saka itinulak ang dalaga. "Nasaan ang mga pictures?"
"Tuso ka talaga Matt... Pero gusto ko 'yan, 'yung tutusukin mo ako sa sobrang sarap at sisiguraduhin ko na akin ang buong pagkatao mo ngayong gabing ito." Nakangising saad ni Venus saka kinuha ang kanyang bag sa sahig.
Walang ganang kinuha nito ang isang malaking envelope saka iniabot kay Matt. Nang akmang aabutin na ito ng binata, ay mabilis itong binawi ni Venus saka inihagis kung saan.
"Sweetie, hindi ako ipinanganak kahapon," Sarkastiko nitong usal habang nakataas ang gilid ng kanyang labi. "Gawin mo muna lahat nang ipag-uutos ko at makakaasa ka sa pananahimik ko."
Nagbabaga ang mga matang tiningnan lang ito ni Matt bago sinakal dahil sa galit na naipon, dahil sa kabaliwan ni Venus, "Dāmn you! Demonyo kang hayop ka." Nagpupuyos sa galit na bulyaw ng binata.
Ngunit parang hindi man lang iniinda ni Venus ang pagkakasakal ni Matt. Sa halip ay nakangisi pa ito nang nakakaloko, kaya't mabilis itong binitawan ng saka nanggigigil na napahilot na lang sa kanyang sentido.
"Hindi mo ako pwedeng patayin Matt dahil sa sandaling hindi ako makalabas sa kwartong ito, ay may pupunta sa pinakamamahal mong si Maiden! Hmmm... Dala lang naman nito ang ibang ebidensya ko laban sa'yo!" Mapagbantang anas nito bago nagpakawala nang nakakakilabot na halakhak si Venus, na para nang isang baliw dahil sa kagustuhan at kabaliwan nito sa binata.
Hindi na naman nakasagot pa si Matt kaya dahan-dahang lumapit si Venus sa kinatatayuan nito at pabalang itong isinandal muli sa pader, "Sundin mo lang Matt ang gusto ko, papakawalan na kita pagtapos nito." Nang-aakit na anas ni Venus at doon na niya ginawaran nang mapusok na halik sa labi ang binata.
Wala nang nagawa pa si Matt, kaya nagpaubaya na lang siya sa kagustuhan ni Venus. Nangingilid ang mga luhang hinahalik-halikan lamang siya nito hanggang maramdaman niyang bumaba na ang mga halik nito papunta sa kanyang pagkalalaki.
"Brae... Mahal na mahal kita. Pagtapos nito ay magiging masaya na tayo kapiling nang magiging anak natin." Humihikbing wika ni Matt sa kanyang sarili.
End of Flashback
Napabalik na lang sa realidad si Matt, nang maramdaman niyang may humalik sa kanyang labi. Napakurap-kurap pa ang binata, at doon lang niya napansin ang presensya ni Venus, na ngayon ay luwang-luwa ang nagbubundukan nitong dibdib.
"Hi Sweetie," Maharot na usal nito saka umupo sa kaharap niyang upuan. "Hindi mo man lang ako in-order-an ng kape." Nakangusong saad nito habang ngumunguya nang chewing gum.
"I don't have time for this nonsense. Nasaan na ang mga pictures at akin na ang cellphone mo!" Nagpupuyos sa galit na usal ni Matt saka hinawakan ng mahigpit ang braso ng dalaga.
"Chillax sweetie, chill..." Nangbubuskang wika lang ni Venus, bago kinuha ang malaking sobre na nakasilid sa kanyang bag. "Ohh... Sayang, wala na akong souvenir." Pakunwaring nanghihinayang na turan nito ngunit nakangisi naman, na animo'y nakakaloko.
Tiningnan naman lahat ni Matt ang laman ng sobre saka ito muling sinilid sa loob ng sobre, "Give me your fūcking phone." Seryosong turan nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Oh—" Isimir lang ni Venus, ngunit iniabot din naman ito kalaunan.
Binura lahat ni Matt ang mga ebidensyang magsasangkot sa kanya sa mga kalaswaan ni Venus. At nang matapos sa pagbubura nito, ay pabalang niyang inihagis ito sa lamesa.
"Ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" Singhal niya rito bago tuluyang tumayo para lisanin ang lugar na iyon.
Ngunit nang akmang papalabas na si Matt ng establisyemento, ay pasigaw siyang tinawag ni Venus kaya't walang gana lang niya itong nilingon.
"Ahh— Sweetie... Sorry pero umatake kasi kanina ang kabaliwan ko," Saad nito saka tumingin sa kanyang relo. "Simulan mo nang tumakbo papauwi sa condo mo, dahil in ten minutes sigurado akong dadating na ang ilang kopya ng mga pictures natin together na ipinadala ko kay Maiden." Nang-iinis na turan nito na parang walang muwang kung titingnan, bago sarkastikong ngumisi.
"Shīt! Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa mag-ina ko!" Galit na usal ni Matt at nagmamadaling lumabas nang coffee shop.
VENUS's POV:
Tingnan lang natin kung hindi ka hiwalayan ni Maiden kapag nakita niya ang mga pictures natin. Ang ganda pa naman ng mga kuha ko roon. Of course! Naka-iphone yata ako, kaya kitang-kita at malinaw ang lahat ng litrato namin ni Matt doon.
Paano kong nalaman ang condo unit ni Matt? Simple lang... Sa tulong na rin nang aanga-angang alipores ni Maiden na si Charity.
Noong araw na aalis na si Maiden sa staff house, ay hindi nila alam na tahimik ko silang pinapakinggan sa labas ng pintuan. Ang nakakapunyeta lang, ay biglang nag-vibrate 'yung cellphone ko kaya mabilis ko itong nabitawan dala nang pagkakagulat. Narinig ko ang yabag nina Maiden at Charity, kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko.
Nang maramdaman ko na tuluyan na silang umalis, ay humanap agad ako nang bagay na makakatulong sa akin para malaman ko kung saan nakatira si Matt. At ako ang dakilang swerte, sakto't nakita ko sa mga gamit ni Charity Eng-eng ang isang papel na may nakasulat na address ni Sweetie.
Kamakailan lamang ay narinig ko pa na kausap ni Charity si Maiden sa telepono at papunta raw si Maiden sa Probinsya nila dahil sumakabilang buhay ang Tatay nito. Nalaman ko na hindi kasama si Matt, kaya nakaisip ako nang isang plano.
Kinontak ko ang fafa kong doktor para humingi ng gamot pampatulog, siyempre alam kong wala nang libre sa mabagsik na mundong ito kaya't pinangakuan ko ito nang libreng serbisyo, kapalit ng gamot na magagamit ko para maisakatuparan ko naman ang lahat ng mga plano ko kay Matt.
Heto na ako ngayon, masayang-masaya dahil naangkin kong muli ang nag-iisang lalaking nagpapainit sa katawang lupa ko. At mapapasa-aking muli dahil mawawasak na sila nang mang-aagaw na si Maiden.
"Ang bright mo talaga, Venus." Masayang papuri ko sa aking sarili, dahil wala namang ibang pupuri sa akin kundi ang magandang sarili ko lang din.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo saka isinuot ang Dior kong shades. "Hmpf! Makapunta na nga kay Fafa Morris, nang maibigay ko na ang reward niyang pinakahihintay."
*****
Mabilis na pinatakbo ni Matt ang kanyang sasakyan pauwi sa kanilang condo. Halos paliparin na niya ito, para lang maabutan ang ipinadala ni Venus na kopya ng mga litrato para kay Brae.
Nang makarating sa building, hindi na nagawang patayin ni Matt ang kanyang sasakyan at mabilis na tinungo ang elevator. Nakita niya na nasa ika-sampung palapag pa lang ang indicator ng elevator, kaya't hindi na niya hinintay ang lift at pumunta sa fire exit door.
Mabilis na tinakbo paakyat ni Matt ang hagdanan, kahit nasa fifthteen floor pa ang kanilang unit, ay hindi na alintana ng binata ang pagod dahil ang tanging tumatakbo sa kanyang isipan ngayon ay ang makita si Brae.
Ilang minuto ang kanyang itinagal bago tuluyang narating ang 15th floor. Mabilis tinakbo ni Matt ang kanilang unit at pinindot ang passcode nang kanilang security lock. Pagbukas niya nang pintuan ay bumungad sa kanya si Brae, na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa couch.
Malamlam ang mga matang nilingon lang siya ng dalaga, nang mapansin nito ang kanyang presensya. Halatang umiyak ito, kaya kinabahan nang husto si Matt.
"L-love..." Alanganin niyang saad dito dahil seryosong nakatingin lang ito diretso sa kanyang mga mata.
"O, Love... Ang aga mo yatang umuwi." Malungkot na turan nito saka umiwas ng tingin sa binata.
"L-love—" Nauutal na anas ni Matt saka dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ng dalaga.
Wala naman siyang nakuhang sagot mula rito, kaya't mas lalong kinabahan si Matt.
"B-brae." Alanganin niyang usal, dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito ngayon. Hinawakan niya ang baba ng dalaga para magtama ang kanilang mga paningin.
Namumugto ang mga matang tiningnan naman siya ni Brae, na nakapag-pakonsensya lalo kay Matt, "Love sorry... I'm so sorry." Hinging pasensya ng binata rito saka niyakap ng mahigpit ang kanyang kasintahan.
"T-tinanong kita kung may problema ka, pero hindi mo s-sinabi sa akin ang tungkol kay Venus." Humihikbing saad ni Brae saka humiwalay sa pagkakayapos ng binata.
Kinuha ni Brae ang malaking sobre sa kanyang likuran saka ito idinuldol sa dibdib ni Matt, "Iyan! Mukang ipinadala sa'yo nang b-babae mo!" Galit na anas ni Brae saka tumayo.
"L-love, sorry..." Sa puntong iyon ay umiiyak na rin si Matt, dahil sa mas gumugulo nilang sitwasyon ni Brae. Hinawakan niya ito sa kamay, sa pag-aasam na kausapin siya ng dalaga.
"M-matt, hayaan mo muna ako pakiusap. Baka makapagsalita lang ako nang hindi maganda kapag ipinilit natin 'to." Matigas na sambit ni Brae saka pinunasan ang mga luha na nagkalat sa kanyang magkabilang pisngi.
"I'm sorry Love, I'm sorry." Hagulgol ni Matt at lumuhod pa sa harap ni Brae, habang nakayakap sa bewang nito.
Pilit na kumawala si Brae sa pagkakayakap ni Matt, dahil nasaktan siya sa pagkakataong iyon. Mabilis niyang inalis ang mga brasong nakapulupot sa kanyang bewang saka nagmadaling lumakad papasok sa kanyang kwarto.
"Love patawarin mo ako!" Rinig pa niyang sigaw ni Matt bago niya tuluyang isinara ang pinto.
Hindi niya kayang kausapin ang binata ngayon. Mahal niya si Matt kaya ayaw niyang basta-basta magdesisyon, dahil baka sa halip na maintindihan niya ang mga sasabihin nito ay masamain lang niya dahil nga sa nasaktan siya sa unang pagkakataon.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top