NH Chapter: 25
Kinabukasan, nagising si Brae nang maramdaman niya na may brasong pumulupot sa kanyang bewang. Naamoy naman agad niya ang bagong pabango na binili ni Matt, kaya kahit nakapikit ay alam na alam ng dalaga na ang kanyang kasintahan ang nakayakap ngayon sa kanyang likuran.
"Hmmm... Love." Namamaos na sambit niya rito saka niyakap pabalik ang braso ng binata.
Naramdaman pa ni Brae na isiniksik ni Matt ang mukha nito sa kanyang leeg at saka ginagawaran nang mumunting halik ang kanyang batok papunta sa kanyang likuran.
"Love..." Ungot ni Brae ngunit mas pinili pa rin niya ang pumikit, dahil sa pagpupuyat kagabi kakabasa ng Wattpad. Ramdam niya na tumigil ang binata sa ginagawa nito at ilang segundo lang ang lumipas, nang hindi na muling kumilos pa si Matt. Naramdaman na lang ni Brae ang mainit na hininga nito, tanda na nakatulog na rin ang binata sa kanyang likuran.
Bahagya pang idinilat ng dalaga ang kanyang mga mata, upang tingnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Nakita niya na alas sais pa lamang ng umaga, kaya humikab siya nang todo bago inayos ang pagkakahiga sa unan upang bumalik muli sa kanyang pagtulog.
Halos alas onse na nang tanghali nagising si Brae, kaya naman mabilis itong bumangon sa kanyang kama. Ginawa lahat ng dalaga ang kanyang gawain pang-araw-araw, bago napagpasyahan na lumabas na sa kanyang kwarto.
Ang buong akala niya ay maaabutan pa niya si Matt sa condo, ngunit wala na ang binata at napansin na lang niya ang isang sulat na nakapatong sa lamesa.
Love,
I have to leave early, and I didn't wake you up, dahil alam kong napuyat ka kagabi. I made you brunch, ubusin mo lahat nang 'yan and don't forget to take your vitamins, okay? I love you, Brae. Love ko kayo ni Baby.
-Matt
Napangiti si Brae nang mabasa niya iyon, saka tiningnan ang pagkain na nakahain sa lamesa. Mabilis naman n'yang nilantakan ang mga ito dala na rin ng kanyang gutom, dahil sa hindi pagkain ng almusal kaninang umaga. Simula kasi nang magbuntis siya'y napalakas na rin ang dalaga sa kanyang kinakain, kaya't ang dati nitong kurbadong pangangatawan ay biglang nadagdagan, gano'n na rin ang kanyang timbang.
Habang abala si Brae sa kanyang pagkain, ay bigla siyang nakatanggap ng isang mensahe galing kay Charity. Nagsabi ito na pupunta raw ito sa condo unit ni Matt para bumisita. Pumayag naman agad si Brae sa kagustuhan ng kanyang kaibigan, para malibang na rin kahit papaano.
*****
Mabilis na tinungo ni Brae ang pintuan upang pagbuksan ang kanyang kaibigan, "Cha!" Magiliw niyang salubong dito saka yumakap sa dalaga.
"Brae," Balik yakap naman nito. "Grabe, namiss kita, Maiden." Anito saka humiwalay sa kanilang pagkakayakap.
"Tara, pasok ka." Malugod na anyaya ni Brae rito saka umupo ang dalawang dalaga sa couch.
May kinuha si Charity sa kanyang bag at isinorpresa nito ang dala niyang pagkain para sa dalaga, "Tadaaaa!" Bungad nito at masayang ipinakita kay Brae ang pasalubong niyang pakwan.
"Wow!" Nangingislap ang mga matang wika ni Brae saka ito inabot. "Mabuti at nakabili ka nito, Cha. Hirap kasing maghanap si Matt nito, dahil hindi na raw napapanahon ang pakwan ngayon." Aniya rito saka kumuwit ng ng kapirasong prutas sa plastic.
"Hay nako 'te, hinanap ko pa 'yan. Mabuti nga at meron pang naligaw roon sa suki ko na prutasan. Iilan na lang daw ang stock nila, dahil nga tapos na ang panahon ng pakwan." Usal ni Charity saka itinali pataas ang kanyang buhok.
Abala si Brae sa pagkain ng prutas nang biglang magsalita si Charity, "Ahhh... Brae, nasa office na ba ngayon si sir Matt?" Alanganing saad nito sa dalaga.
"Hmmm... Oo, maaga nga umalis dahil may importante raw na lakad." Walang muwang na turan ni Brae habang abala sa kanyang kinakain.
"G-ganoon ba— Eh kagabi, I mean kapag gabi, sigurado ako nandito lang kayo ni sir Matt sa condo niyo 'di ba?" Pang-uusisa pa ni Charity.
Natigilan naman si Brae sa dating ng pagtatanong ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi simpleng katanungan lang ang gustong iparating nito sa kanya, kaya naman kumuha ng tissue si Brae saka pinunasan ang kanyang mga kamay at bibig.
"Cha, diretsuhin mo nga ako. Ano bang gusto mong sabihin?" Kunot noong pagtatanong ni Brae sa kanyang kaibigan.
"Ahh... Maiden, nakita ko kasi si sir Matt," Nauutal na saad ni Charity habang hindi makatingin nang diretso sa dalaga.
Hindi naman agad nakasagot si Brae sa sinabi nito at diretso lang na nakatingin sa mga mata ni Charity, na parang nagtatanong ang mga mata.
"N-nakita ko kagabi si sir Matt sa Club, k-kasama si— Kasama si V-venus. Sumakay sila ng kotse ng jowa mo." Kabadong saad nito, at halatang kinakabahan sa kanyang ipinahayag na iyon.
Natigilan si Brae nang marinig ang pangalan ni Venus, ang mas ikinagulat pa niya ay bakit kasama ito ni Matt at sa kotse pa ng binata. Napahawak na lang si Brae sa kanyang dibdib, dahil para na itong naninikip sa sobrang sama ng kanyang loob.
Anong ibig sabihin no'n Matt? Bakit kayo magkasama ni Venus?
Gulong-gulo si Brae ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin dahil parang may nakabarang bagay sa kanyang lalamunan, dahilan para walang boses na lumabas doon.
"Uy... Ayos ka lang?" Nag-aalalang sambit ni Charity saka hinimas ang likod ng dalaga. "Lagot na! Sabi ko na nga ba, hindi ko na lang sana sinabi sa'yo. Ang daldal mo kasi Cha!" Inis na pangaral nito sa kanyang sarili.
Saktong lingon ni Brae sa kanyang kaibigan, ay tiyempo rin sa pagtulo ng kanyang mga luha. Ngumiti lang ito nang alanganin kay Charity saka nagsalita, "Ayos lang, Cha. Salamat dahil sinabi mo sa akin, at least ngayon alam ko na kung saan talaga siya nagpunta kagabi."
"Maiden, sorry ha— Pero nasabi ba sa'yo ni sir Matt kung bakit sila magkasama kagabi ni Venus?"
Umiling lang si Brae rito saka pinagsaklob ang kanyang mga kamay, "Ang sabi niya, magkikita raw sila ng kaibigan niyang si Clyde, pero bakit dinaanan niya si Venus sa club?" Naguguluhang usal ni Brae sa kanyang kaibigan.
Mabilis namang pinakalma ni Charity ang dalaga, "Maiden, h'wag mo na masyadong isipin 'yon. Baka makasama pa sa baby mo kapag na-stress ka. Relax ka lang 'te..." Nag-aalalang sambit nito, habang hinahaplos ang likod ni Brae.
*****
Sa kabilang dako naman— Palinga-lingang naghihintay ngayon si Matt sa isang Coffee Shop. Napag-usapan kasi nila ni Venus na roon magkita, dahil nangako ang dalaga na ibibigay nito ang lahat ng kopya ng litratong kinuhanan nito. Napapikit na lang nang mariin si Matt at inalala ang pangyayaring gumimbal sa kanyang katinuan.
Flashback
"Love... Love..." Rinig ni Matt na tinawag siya ni Brae kaya mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay bago ito sinalubong sa bukana ng kusina.
"Oh Love, 'di ba sabi ko sa'yo mag-relax ka lang sa couch?" Saad ng binata nang maabutang nakatayo si Brae.
"Eh Love, may kumatok po kasi, tiningnan ko kung sino tapos wala namang tao." Walang muwang na saad ng dalaga sa binata. "Ito nga ohh, may nag-iwan nito para sa'yo."
Kunot noo namang tinanggap ni Matt ito dahil wala siyang ideya kung para saan ang bagay na iyon, "Kanino galing 'to?" Usal niya bago tuluyang binuksan ang envelope..
Nang tuluyang makita ang nilalamang nakalakip dito, ay agad nanlamig ang buong sistema ni Matt. Bumungad sa kanya ang iba't ibang anggulo ng kanyang buong katawan na walang malay sa litrato.
"What the fūck?!" Palihim na usal ni Matt sa kanyang sarili.
Nang silipin pa niya ang loob ng envelope, ay napansin ni Matt na may maliit na papel na nakalakip doon, kaya naman kinuha niya agad ito saka tahimik na binasa ang mensaheng nakasulat doon.
Sweetie,
Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sa'yo? Hahaha! Masarap ka pa rin hanggang ngayon, Matt. Marami pa akong kopya niyan at mas masahol at malala pa kesa riyan.
Kung ayaw mong masira ang relasyon niyo ni Maiden, susundin mo ang lahat ng gusto ko. Puntahan mo ako mamaya sa club at pag-usapan natin kung anong kapalit ng pananahimik ko. See you soon, sweetie!
-Venus
Gusto nang sumabog ng kalooban ni Matt dahil sa mga ginawa ni Venus. Kung kaharap lang niya ito ngayon, ay hindi niya maipapangako na mabubuhay pa ang dalaga sa mga oras na ito.
Nasa ganoong pag-iisip si Matt nang biglang marinig niya na nagsalita si Brae, "Uy Love, seryoso mo riyan." Saad nito ngunit hindi na nakuhang sumagot pa ng binata dahil gulong-gulo na ang isip niya ngayon.
Iniisip niyang maiigi kung sasabihin ba niya kay Brae ang tungkol dito, ngunit sa kabilang banda ng kanyang utak ay mas pinipili nitong ilihim na lang, dahil na rin sa maselang kondisyon ng pagbubuntis ng kanyang kasintahan ngayon. Napagpasyahan ni Matt na ayusin muna ang problemang kinakaharap niya ngayon, bago niya ito sabihin sa dalaga. Kaya mabilis niyang isinilid ang lahat ng litrato sa envelope saka tumalikod para pumasok sa kanyang kwarto.
Maagap na hinagilap ni Matt ang kanyang telepono saka tinawagan ang numero ni Venus. Ilang segundo lang ang kanyang ipinaghintay nang tuluyan itong sagutin ng dalaga.
"Ohhh... Sweetie, napatawag ka." Malanding bungad nito sa kabilang linya..
"Stop the crap Venus! I will fūcking kill you!" Pigil na singhal ni Matt dito, dahil ayaw niyang magkaroon ng hinagap si Brae kung sakaling marinig nito ang kanyang pagbulyaw.
"Gusto ko 'yan sweetie, papatayin mo ako sa sobrang sarap." Humahalak na saad ni Venus, na walang kabakas-bakas nang pagsisisi sa kanyang nagawa.
"What do you want, woman?! Dāmn it!" Tiim bagang anas pa ng binata.
"Ikaw... Ikaw at ang katawan mo ang gusto ko, Matt." Mapang-akit na ungol ni Venus na parang nakikipagtalik sa telepono dahil sa datingan nang pananalita nito.
Humugot muna nang malalim na hininga si Matt bago muling kinausap ang dalaga, "Where and when? Para matapos na itong kabaliwan mo!" Walang ganang saad ni Matt sa dalaga, para matapos na ang kahibangan nito. Kilala niya si Venus, hindi ito titigil hangga't hindi nito nakukuha ang kanyang gusto.
"Good boy... Sunduin mo ako mamaya sa club, at doon ko sasabihin sa'yo ang lahat ng kundisyon ko." Mataray na wika ni Venus saka pinutol ang linya ng telepono.
"Fūck! Fūck!" Inis na anas ni Matt saka pinagsusuntok ang kama.
Napaupo na lang ang binata sa gilid ng kanyang kama habang nakasuklay pataas ang mga kamay sa kanyang buhok.
"I'm sorry Brae, pangako aayusin ko ito para sa inyo ng magiging anak natin." Umiiyak na sambit ni Matt sa sobrang pagkabalisa.
Gabi na nang makaalis si Matt sa kanyang condo, dumiretso ito sa club upang sunduin ang dalaga. Hindi na siya nag-abalang bumaba ng sasakyan dahil ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama si Venus.
"Hi Sweetie." Masayang sambit ni Venus nang makasakay ito sa kanyang sasakyan.
Akmang hahalik ito sa labi ni Matt, ngunit mabilis na naiiwas ng binata ang kanyang mukha rito, "Wala tayong relasyon kaya hindi mo ako kailangang halikan. Saan ba tayo pupunta? Bilisan na natin para matapos na ang kalokohan na ito." Seryosong usal ni Matt saka binuksan ang makina ng kanyang sasakyan.
"Ang hard mo naman sa akin Sweetie," Kunwaring pagtatampong saad ni Venus. "Okay lang, mamaya sisiguraduhin kong mapapasunod kita sa lahat ng gusto ko at hindi lang ugali mo ang maninigas para sa akin, kundi pati na ang buong katawan mo." Makahulugang pang-aakit na sambit ng dalaga saka hinimas ang hita ni Matt.
"Take off your filthy hands on me! Pagkatapos nito ay lilipad na kami ni Maiden pa-America at hinding-hindi mo na kami magugulo pa." Tiim bagang na sambit ni Matt dito, na kahit gustong-gusto na niyang saktan ito ay nagpipigil lang para sa pananahimik ni Venus.
Dumiretso ang dalawa sa isang hotel at mabilis na naisagawa ni Venus ang kanyang mga plano.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top