NH Chapter: 20
BRAE's POV:
Ilang beses pang naulit ang mainit na eksena sa pagitan namin ni Matt. Matapos sa aming paglalaro ng apoy sa kama, ay napagpasyahan nito na tuluyan na akong ihatid sa staff house. Bago pa tuluyang makauwi ay dumaan muna kami sa isang mamahaling Italian Restaurant.
"Love... Here, try this Vegetable Bake Pasta. Grabe sobrang sarap nito." Masiglang saad ni Matt saka pilit na isinubo sa akon ang isang kutsara ng pagkain.
Kahit nahihiya ay malugod ko namang tinanggap ito sabay sabing, "T-thank you, Love."
Habang masaya kaming kumakain ni Matt ay may biglang lumapit sa aming lamesa't pabagsak na inilapag ang kanyang bag dito. Sabay kaming napalingon sa taong iyon at ganoon na lang nanlaki ang aking mga mata, nang makita ko si Venus na ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa amin.
"V-venus." Nauutal kong turan sa kanya.
Nasusuklam naman ako binalingan nito bago inarkuhan ng kilay pataas, na kahit sino ma'y hindi nanaisin na makita ang ganoong klaseng mga titig.
"Well, ngayon mo sabihin sa akin na hindi ka malandi! Mang-aagaw!" Malakas na bulyaw ni Venus, dahilan para tuluyang mapatingin sa aming lamesa ang iba pang mga kumakain sa restaurant.
"Venus!" Biglang anas naman ni Matt para suwayin ang pag-eeskandalo nito. "Don't you fūcking dare, make a scene!" Tiim bagang na usal nito habang nangangalit ang mga ngipin.
"Totoo naman 'di ba! Malandi 'yang babaeng 'yan!" Mataray na saad pa nito. At nang akmang hahablutin nito ang buhok ko, ay maagap na sinalo ni Matt ang kamay ni Venus saka ito hinawakan ng mahigpit sa braso.
"H'wag kang magkakamaling saktan si Maiden, I swear to God hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Pabulong ngunit halata ang pagbabanta sa boses ni Matt, kaya mas lalo akong kinabahan sa mangyayari sa pagitan naming tatlo.
Nakita ko na pabalang na binawi ni Venus ang kanyang braso saka ako muling binalingan, "Hindi pa tayo tapos, Maiden!" Pagbabantang anas nito sa akin, bago padabog na nilisan ang aming kinauupuan.
Sa sobrang kaba na aking nararamdaman ay hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Mabilis naman akong nilapitan ni Matt saka hinaplos ang aking likuran, para pakalmahin ang nababalahibuhan kong sistema.
"Love... Are you okay?" Punong-puno nang pag-aalalang tanong ni Matt.
Nilingon ko naman agad siya at sa puntong iyon ay mabilis na nagbagsakan ang aking mga luha, hindi ko alam ang gagawin ko kaya wala sa sariling niyakap ko si Matt ng sobrang higpit.
"Stop crying, Love." Sinserong usal nito habang hinahaplos ang aking likuran.
"L-love, p-paano si V-venus?" Humihikbi kong saad habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.
"Sshhh... Don't worry Love, I won't let her hurt you," Ani Matt saka humiwalay sa aming pagkakayapos. "Listen, kunin mo na ang lahat ng gamit mo sa staff house and live with me."
Napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. Sandali akong natigilan dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya, nakuha naman agad ni Matt ang ibig sabihin nang pananahimik kong iyon kaya muli itong nagsalita.
"Please Love, It's for your own safety. Para hindi ka magalaw ni Venus." Aniya bago tuluyang hinaplos ang aking kaliwang pisngi.
Maisip ko pa lang ang galit na imahe ni Venus ay talagang kinakabahan na ako. Maigi na rin siguro na malayo kami sa isa't isa para sa ikakapanatag na rin ng aking kalooban. Mabilis naman akong tumango kay Matt, tanda nang aking pagsang-ayon sa kanyang kagustuhan.
Nakita ko na sumilay ang ningning sa kanyang mga mata sa pagtango kong iyon. Kaya't mabilis akong ginawaran ng magaan na halik ni Matt sa labi sabay sabing, "And, one more thing..." Pambibitin nito sa kanyang sasabihin. "Pwede ka nang umalis sa trabaho mo dahil..."
Alam ko na ang kasunod nang sasabihin nito, kaya't mabilis akong umalma, "Hindi pwede, Love! Malaking bagay para sa pamilya ko ang pagta-trabaho ko sa Heaven's Club."
Noon ay nabanggit na rin sa akin ni Matt ang tungkol sa balak niyang paalisin ako sa club, ngunit agad ko siyang tinanggihan dahil iyon na lamang ang tanging paraan ko para matulungan ang aking pamilya.
"Please Love, I'm so worried about you. Nasa club si Venus at alam nating may galit siya sa'yo. You don't have to worry about the expenses, ako na ang bahala sa'yo pati na sa pamilya mo." Mahabang pagpapaliwag nito.
"Love, ayoko naman nang gano'n. Pwede ako makitira sa'yo, pero hindi ako hihinto sa pagtatrabaho. Malaki ang responsibilidad ko sa buhay at ayokong iasa 'yon sa ibang tao."
Sandali itong natigilan sa aking sinabi. Marahil ay nakita niya ang pagiging desidido ko na magpatuloy sa aking pagta-trabaho sa club. Nakita ko pa na bigla itong napabuntong hininga bago tuluyang nagsalitang muli.
"Okay, I will let you work pero hindi sa club."
Agad namang nagsalubong ang aking kilay sa kanyang sinabi, "Saan naman?"
"Sa opisina ko, be my secretary. At least doon palagi kitang mababantayan at magkasama pa tayo." Biglang suhestiyon ni Matt.
"Hala! Hindi... Hindi, Love," Todo tanggi ko sa alok nito. "Hindi naman ako tapos ng kolehiyo, kaya hindi ako pwede riyan sa trabaho mo. Okay lang ako sa club, saka nandoon naman sila Mamang kaya hindi ako basta-basta magagalaw ni Venus."
"But Love..." Pag-aapila pa nito.
Dagli kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi, "Love, h'wag ka nang mag-alala. Pangako ko sa'yo... Sa susunod na manggulo pa si Venus, ay papayag na ako sa inaalok mo. Pero hangga't okay pa, tuloy lang ako sa club, ha?"
"Haaayyy..." Buntong hininga nito. "Bakit ba kasi Mahal na mahal kita, kahit matigas ang ulo mo." Ngumiti na lang ito saka ako niyakap ng sobrang higpit.
"Mahal din naman kita eh." Napangiti na rin ako sa kanya, bago yumapos pabalik
"Alright, after natin kumain pupunta na tayo sa staff house para kunin ang mga gamit mo, okay?"
Nakangiting tumango na lang ako sa kanya. Matapos kumain, ay agad kaming dumiretso sa staff house para kunin ang lahat ng aking gamit.
"Maiden, talaga bang doon ka na titira kay sir Matt?" Biglang saad ni Charity.
Nilingon ko naman agad siya bago ko ito tuluyang nilapitan, "Wag ka mag-alala Cha. Doon pa rin naman ako magta-trabaho sa club. Magkikita pa naman tayo." Nakangiti kong saad dito para kahit papaano ay mapagaan ko ang kanyang kalooban.
"Haaaayyy... Mag-isa na naman ako rito sa kwarto, ito naman kasing si Venus, nuknukan ng kabaliwan d'yan sa jowa mo." Inis na wika nito.
"Hayaan mo na Cha, mas mabuti na iyon para hindi na rin kami masyado magkita ni Venus. Sa club naman ay sisiguraduhin ko na lang na hindi magku-krus ang landas naming dalawa, para maiwasan na rin ang gulo."
"Basta 'te, invite mo ako minsan sa condo niyo ahh."
"Oo naman, bibigay ko sa'yo ang address para mapuntahan mo ako minsan." Saad ko sa kanya bago kinuha ang kapiraso ng papel at ballpen.
"Thank you ateng," Pasasalamat niya nang maiabot ko ang address ng tirahan ni Matt. "Mamimiss talaga kita." Malungkot na wika ni Charity bago tuluyang yumakap sa akin.
"Mamimiss din kita, Cha. Alagaan mo sarili mo rito ha? H'wag masyado sa softdrinks, masama 'yon sa'yo." Pangaral ko rito.
"Opo Nay." Pambibiro pa nito, kaya't sabay kaming nagtawanan sa sobrang kagalakan.
Nasa ganoong usapan kami ni Charity nang biglang may kumalabog sa labas ng aming kwarto, "Ano 'yon?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Sandali titingnan ko." Maagap na turan nito bago dali-daling binuksan ang pintuan.
Maagap din naman akong sumunod kay Charity upang alamin kung ano ang bagay na pumukaw sa aming atensyon, "Cha, anong nangyari?" Bungad ko sa aking kaibigan nang tuluyang akong makalabas ng aming silid.
"Wala namang tao eh..." Anito habang pasilip-silip sa kabuuan ng staff house. "Tayong dalawa na lang ang tao rito, ano kaya 'yon? Hindi kaya may multo na rito sa staff house?"
"Tinatakot mo lang ang sarili mo," Napapailing kong turan bago pumasok sa kwarto. "Sumabay ka na sa amin ni Matt, para naman hindi ka nag-iisa sa pagpunta sa club."
"Mabuti pa nga..." Saad ni Charity nang tuluyan na rin itong nakapasok sa loob ng kwarto.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top