NH Chapter: 15
Mabilis na nakarating sina Matt at Brae, sa lugar na kinatitirikan ng bahay ng dalaga. Kulang-kulang isang oras lamang ang kanilang ibiniyahe, dahil sa bilis ng pagmamaneho ng binata.
"Dito na lang sa tabi, Matt." Turo ni Brae sa isang malaking puno na kanilang natatanaw.
"Okay, saan ba ang bahay niyo?" Usal nito saka pinatay ang makina ng sasakyan.
"Yun ohh," Turo ni Brae sa isang simpleng kubo na halatang may kalumaan na. "Maputik kasi sa bakuran namin, baka hindi makaahon 'yung kotse mo," saad ni Brae at tinanggal ang kanyang seatbelt. "Tara?" nakangiti niyang saad habang mababatid ang pagkasabik sa boses nito.
"Alright." Balik ngiti ni Matt at sabay na bumaba ang dalawa ng sasakyan.
Habang naglalakad, ay hindi magkanda-ugaga si Matt sa paglingon sa kanilang mga dinaraanan, halata ang tuwa sa mukha nito dahil sa kanyang mga nakikita.
Madali naman itong napansin ni Brae, kaya tinanong niya agad ang binata, "Uy Matt, ayos ka lang? Nakangiti ka riyan."
"Uhmmm— Nothing, natutuwa lang ako dahil kasama kita. Dito, sa pinaka-importanteng lugar para sa'yo." Nakangiting usal ng binata, habang patuloy sila sa paglalakad.
Mabilis namang nag-iwas ng tingin si Brae at palihim na napangiti dahil sa pagsambit ni Matt ng mga katagang iyon. Aaminin niya na kinilig siya sa sinabi nito, na siyang may kung anong bagay ang nakapagpasaya sa kanyang puso ng mga sandaling iyon.
Napabalik na lang si Brae sa realidad nang marinig niyang nagsalitang muli ang binata, "Uy, kinikilig siya ohh."
Namilog ang mga mata ng dalaga, nang marinig ang pambubuska ni Matt kaya mabilis niya itong sinagot nang, "Kinikilig ka riyan, h-hindi kaya." Nahihiya niyang turan rito saka muling nag-iwas ng tingin para hindi nito makita ang kanyang namumulang mga pisngi.
"You're blushing..." Sabik na usal nito, at dali-daling hawakan sa braso ang dalaga para pigilan ito sa paglalakad.
Hindi alam ni Brae kung ano ang kanyang magiging reaksyon sa mga sinabi ni Matt, kaya't nagpalusot na lang siya rito, "H-hindi ahh... Mainit lang. Oo, tama, m-mainit lang ang panahon. Kita mo oh, ang tirik ng araw." Utal-utal niyang sambit at nagkunwari pang tumingin sa langit para mai-iwas ang kanyang paningin dito.
"Then, why are you stammering?" Nakangisi pang pagtatanong nito.
Sasagot na sana ang dalaga nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Ate Brae!" Sigaw ng isang munting tinig sa 'di kalayuan.
Sabay namang napalingon ang dalawa sa batang tumatakbo papalapit sa kanilang kinatatayuan. Napangiti naman si Brae nang makita ang kanyang bunsong kapatid na si Jun.
"Bunso!" Masigla niyang sigaw pabalik sa kanyang nakababatang kapatid at lumuhod sa lupa para magpantay sila ng bata.
"Ate!" Mabilis nitong saad saka yumakap nang napakahigpit sa dalaga.
"Jun..." Yumapos na rin si Brae rito. "Nasaan sina Nanay? Bakit mag-isa ka lang dito?" Aniya nang humiwalay sa kanilang pagkakayapos.
"Doon po sa bahay." Mahinang saad ng batang si Jun, saka nito itinuro gamit ang hawak nitong stick ang kanilang tahanan.
"Tara, ligo ka muna." Ani Brae rito saka mabilis na tumakbo ang bata papalayo sa kanila ni Matt.
Nang makatayo, ay nilingon agad ni Brae si Matt na ngayo'y seryoso ang mukha sa hindi niya malamang dahilan, "Tahimik natin ahh, napaano ka?" Natatawa niyang turan sa binata at bahagya pa niyang tinapik ito sa balikat.
"Kung hindi pa tayo nagpunta rito, hindi ko pa malalaman ang totoong pangalan mo." May himig pagtatampong usal ni Matt.
Mabilis namang nagpakawala ng isang malakas na halakhak si Brae, dahil sa sinabi nito, "Akala ko naman kung anong pinagmamaktol mo riyan."
At sa puntong iyon ay ngumuso na si Matt, "Tinatawanan mo pa ako."
Pinigil naman agad ni Brae ang kanyang pagtawa sabay sabing, "Bakit nagtanong ka ba?"
Napaisip sandali si Matt at napangiti na rin nang maalalang hindi pa pala siya nabigyan nang pagkakataon na kilalanin nang husto ang dalaga, "Can you do me a favor?" Tanong nito kay Brae.
"Oo naman, ano ba 'yon?"
"Can you show me the real you? Not the Maiden, I used to know sa club?" Seryosong saad nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.
Nakangiting tumango naman si Brae rito sabay sabing, "Tara, ipakilala kita sa pamilya ko." Anyaya niya kay Matt at sabay na naglakad muli ang dalawa papasok sa bakuran ng mga Benites.
"Tara Matt, pasok ka." Wika ni Brae saka binuksan ang kanilang bakod na yari sa kahoy.
"Ate Brae!" Masiglang sigaw ng isang batang babae ang sumalubong kay Brae, mabilis itong tumakbo bago tuluyang yumapos sa kanyang bewang.
"Liezel!" Magiliw niyang bati rito saka ginawaran ng isang halik sa ulo ang bata.
"Ate, namiss po kita." Naluluhang saad ni Liezel habang mahigpit na nakayakap sa bewang ng kanyang Ate.
Mabilis namang hinaplos ni Brae ang buhok nito sabay sabing, "Namiss ko rin kayo."
Nasa ganoong posisyon ang magkapatid nang mapansin ni Liezel ang presensiya ni Matt, "Ate, sino po siya?" Tanong nito nang balingan ang binata.
Dagling humiwalay si Brae rito saka binalingan na rin ang binata na kanina'y nasa kanyang likuran, "Ahh... Siya si Kuya Matt, kaibigan ko." Nakangiti niyang pagpapakilala rito.
"Hello Liezel, ako nga pala si Kuya Matt. Nice to meet you." Nakangiting bati nito sa batang babae habang kumakaway.
Nagtago naman si Liezel sa likod ni Brae, dahil mahiyain talaga ito kumpara sa dalawa pa niyang mga kapatid na lalaki, na sanay humarap sa kanilang mga nagiging bisita.
Napabaling na lang sina Matt at Brae sa bukana ng pintuan, nang marinig nila ang boses ng Ina ng dalaga, "Brae, anak!" Masayang sambit nito saka naglakad papalapit sa kanila.
"Nay..." Sagot naman ni Brae bago niyakap ang kanyang Ina.
"Mabuti naman at nakauwi ka rito..." Hindi na natapos ni Aling Dolores ang kanyang sasabihin nang mapansin nito ang presensya ng binatang si Matt.
Nakuha naman agad ni Brae kung bakit natigilan ang kanyang Ina, kaya mabilis niyang ipinakilala ang binata, "Nay, si Matt po pala, kaibigan ko po sa Maynila."
"Magandang hapon po." Magalang na sambit ni Matt rito saka nagmano kay Aling Dolores.
"Kaawaan ka ng Diyos, Anak," Saad nito saka bahagyang hinaplos ang buhok ng binata. "Gwapo, ang kaibigan mo Brae." Biglang saad ni Aling Dolores dahilan para mamilog ang mga mata ng dalaga.
"Nay..." Mahinang turan ng dalaga bago nagmano na rin sa kanyang Ina.
"Hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayo, hindi tuloy ako nakapaghanda ng paborito mong pagkain."
"Biglaan lang po kasi, Nay."
"Hala sige, tara na't pumasok sa loob. Para maipaghanda ko kayo ng meryenda."
Madaling nakipag-palagayan ng loob ni Matt ang buong pamilya ni Brae, maliban na lang kay Biboy na hindi masyado umiimik at lagi lang seryosong nakatingin sa binata. Nagtataka naman si Brae, sa biglang pagbabago ni Biboy, hindi naman ito dating ganoon makitungo sa ibang tao. Kaya iniisip niya na baka may problema ito.
"Psst! Seryoso natin ahh..." Pambibiro ni Brae sa nakababatang kapatid na si Biboy. Sa halip na sumagot ay mas lumukot lang ang mukha nito bago hinalukipkip ang mga braso. Doon na napagtanto ni Brae na may tampo nga ito sa kanya, kaya't mabilis niya itong tinabihan sa hagdanan, "Biboy, may problema ba? Bakit biglang ang lamig nang pakikitungo mo ngayon sa akin? Hindi mo ba na-miss ang Ate?"
Sandali lang siyang nilingon nito bago itinuon muli ang atensyon sa malayo, "Iiwan mo na kami," Biglang saad nito na siyang nakapagpakunot ng noo ni Brae. "Ang sabi mo magta-trabaho ka lang sa Maynila, 'yun pala mag-aasawa ka na." Nagtatampong saad nito.
Sa halip na magulat ay nagpakawala lamang ng isang halakhak si Brae dahil sa inaasta ngayon ng kanyang kapatid. Kinse anyos na si Biboy at talagang malambing ito sa dalaga, kaya't ganoon na lang magpahayag ng damdamin ang binatilyo sa kanya.
Mabilis naman itong inakbayan ni Brae sabay sabing, "Ikaw talaga... Hindi ko naman nobyo si Kuya Matt, sa katunayan ay siya pa nga ang dahilan kung bakit ako nakauwi rito sa atin," Pagpapaliwanag nito at nakita niya na napakunot lang ang noo ni Biboy. "Hindi ko ipagkakaila na nililigawan niya ako. At kung tutuusin ay mabait si Kuya Matt mo, ilang beses na niya akong sinaklolohan sa tuwing mahaharap ako sa isang problema."
"Talaga Ate?" Biglang naging interesado ito nang sabihin ni Brae ang mga bagay na iyon.
"Oo Biboy, kaya h'wag ka nang magtampo dahil hindi ko naman kayo iiwan," Aniya saka niyakap ang nakababatang kapatid. "At kung sakali man na magkaroon ako ng asawa pagdating ng panahon, ay hinding-hindi ko pa rin kayo papabayaan." Nakangiti niyang sambit dito.
"Sinabi mo 'yan Ate Brae ha?" At sa puntong iyon ay sumilay na ang ngiti sa labi nito.
"Oo na po... Kulit mo!" Natatawang saad ni Brae bago ginulo ang buhok ng kanyang kapatid.
Ngayon ay nasa likod bahay na sina Matt at Brae para magpahangin, pinagmamasdan ang dalawang nakababatang kapatid ng dalaga na sina Liezel at Jun na masayang naglalaro nang habulan.
"Brae, kwento ka naman. I want to get to know you, more."
"Ano namang iku-kwento ko?" Natatawang saad ni Brae rito.
"Anything, basta tungkol sa'yo, ilang taon ka na?" Biglang tanong ni Matt sa dalaga dahilan para lingunin siya nito.
"Hmmm... Okay, Twenty two na ako at High School lang ang natapos ko. Hindi na ako nakapag-college dahil biglang nagkasakit si Tatay. Kinailangan kong huminto sa pag-aaral para magtrabaho, para matulungan ko na rin si Nanay sa mga gastusin namin dito sa bahay," Mahabang litanya ng dalaga kay Matt. "Dumating kasi sa punto, na kulang at kulang ang sinusweldo ko para sa amin ng pamilya ko. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang kinikita ko sa pagbabantay ng gulayan sa palengke."
"Kaya no'ng nakita kong nagbakasyon dito sa San Lorenzo si Girlie, tinanong ko agad siya kung maganda ba ang kita ng trabaho niya sa Maynila. Hindi ko naman alam na sa club pala siya nagta-trabaho, pero laking pasasalamat ko rin sa kaibigan kong 'yon. Kahit na prangka't walang preno ang bibig no'n, malaking tulong naman ang ginawa niyang pagsama sa akin sa Maynila. 'Yon... 'Yun 'yong kwento ng buhay ko, boring noh?"
Bahagya pang natawa si Brae sa kanyang ikinuwento saka binalingan si Matt na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya. "Uy, walang reaksyon? Sorry, hindi naman kasi maganda ang istorya ng buhay ko. Bakit kasi nai-kwento ko pa." Nakangiti pa niyang sambit sa binata.
"From what I've heard about you? I adore you more, Brae. Parang gusto kong maging bahagi ng mundo mo, gusto kong tulungan ka para mabawasan ang bigat ng nararamdaman mo. Please Brae, just let me be part of your life. Gusto kong iparamdam sa'yo kung paano mahalin ang isang tulad mo,." Seryosong usal ni Matt dito saka hinawakan ang kamay ng dalaga.
"Brae, will you be my girlfriend?" Lakas loob na saad ng binata habang diretsong nakatingin sa mga mata nito.
Nagulat si Brae sa pagpapahayag ni Matt ng damdamin nito para sa kanya, sandali siyang nag-isip para pakiramdaman ang tinitibok ng kanyang puso. Sa totoo lang ay may nararamdaman na rin siya sa binata, ngunit maraming agam-agam ang naglalaro sa kanyang isipan, kung tama ba na tugunan niya ang pagpapahayag nito ng damdamin para sa kanya. Tama ba na bigyan niya ito nang pagkakataon, gayong kamakailan lamang sila nabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa isa't isa. At tama ba na sumubok siya sa isang relasyon na hindi pa ganoon kalalim ang pundasyon.
Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang marinig niyang nagsalita muli si Matt, "B-brae... Alam ko na masyadong mabilis ang lahat, pero naniniwala ako na hindi sa tagal nang panahon nababase ang tunay na pagmamahal." Kabadong sambit nito, at mababakas na rin ang kaba sa pisikal na pigura nito.
"Wala namang masama kung susubukan ko 'di ba?" Ani Brae sa kanyang sarili. Tiningnan naman niya ito nang masinsinan, saka nginitian si Matt bago sumagot nang, "Oo Matt, pumapayag na ako."
Natigilan naman ang binata sa sinabi ni Brae, kaya't ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang pumasok sa sistema ni Matt ang mga sinabi ng dalaga, "T-talaga?" Nakangiting tumango naman si Brae rito, kaya't wala sa oras na napasigaw na lang si Matt, "Yes! Yes! Yes!" Masiglang sigaw nito habang nagtatatalon pa sa sobrang katuwaan.
"Uy, hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka nina Nanay." Natatawang suway niya sa binata.
"Thank you, Brae. Thank you!" Masiglang saad ni Matt saka niyakap ng mahigpit ang dalaga. Matapos no'n ay walang sabi-sabi niyang binuhat si Brae bago inikot-ikot sa ere, "I love you, Brae." Usal ng binata, bago pinagdikit ang kanilang mga noo.
"Mahal din kita, Matt." Nakangiting tugon naman ni Brae rito.
*****
Official na ang BRATT! 😍 Ayiieee... ❤️
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top