NH Chapter: 12
Maagang nagpunta sina Brae at Charity sa club. Sila kasi ang nakatokang magbukas ng nasabing establisyamento dahil sa ibilin sa kanila ito ni Mamang Dyosa. Nang matapos sa kanilang mga gawain, ay agad tumungo ang dalawang dalaga sa dressing room upang mag-ayos ng kanilang mga sarili.
Nasa kalagitnaan ng pag-aayos ang mga dalagang si Brae, nang biglang tumunog ang kanyang bagong telepono. Kunot noo niya itong kinuha sa bag at napangiti sa kanyang nakita. Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang rumehistro ang pangalan ng kanyang Nanay Dolores.
"Hello, Nay, kamusta na po kayo?" Masigla niyang bungad dito.
"Brae, anak— ikaw na ba 'yan?"
Bahagya namang naluha ang mga mata ni Brae, nang marinig ang boses ng kanyang Ina sa kabilang linya.
"Brae, Anak... Hello."
"Opo Nay, ako nga po ito, mabuti naman po at natanggap niyo ang mensahe ko sa inyo."
"Ay oo anak, mahirap nga lang ang signal dito. Mabuti na lang at nakaisip itong si Biboy na papuntahin ako sa ating likod-bahay, para raw magka-signal."
"Oo nga po Nay, kanina ko pa nga po hinihintay ang tawag niyo. Kamusta na po kayo riyan? Si Tatay, ang mga bata?" Sabik niyang tanong, upang alamin ang kalagayan ng mga ito.
"Ang Tatay mo, ganoon pa rin anak. Hirap pa rin sa paghinga, abot-abot na nga ang pagdarasal ko sa panginoon para lang kahit papaano'y gumaan-gaan ang kanyang nararamdaman."
Rinig ni Brae na bahagyang lumungkot ang boses ng kanyang Ina, dahil sa kalagayan ng kanyang Tatay Renato.
"H'wag po kayong mag-alala, Nay... Mabibilan na po natin si Tatay ng Nebulizer, makakahinga na po siya ng maluwag kapag may ganoong aparato na po siyang gagamitin."
"Talaga anak?" Batid ni Brae na sumaya ang kanyang Ina dahil sa timbre ng boses nito na tila'y sabik sa kanyang ibinalita. "Maraming Salamat, hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung wala ka." Madamdaming saad pa ni Aling Dolores sa kabilang linya.
"Wala po iyon Nay, gagawin ko po lahat sa abot ng aking makakaya, para po sa inyo ni Tatay at mga kapatid ko."
"Nawa'y patnubayan ka ng Diyos, Anak."
Marami pang napagkwentuhan ang mag-ina, pati na ang kanyang mga kapatid na sabik na sabik makausap ang kanilang Ate Brae. Mas lalo tuloy namiss ng dalaga ang kanyang pamilya, dahil sa tinig ng mga ito na kanya talagang hinahanap-hanap.
"Oh sige na Liezel, bigay mo na kay Nanay ang telepono."
"Sige po Ate Brae, mag-iingat ka po riyan." Malambing na saad nito saka narinig ni Brae na tinawag ng bata ang kanilang Ina.
(Nay... Tawag po kayo ni Ate.)
(Akin na, Anak.)
Mga komosyon na narinig ni Brae sa kabilang linya.
"Hello, Anak." Saad ni Aling Dolores nang muling mahawakan ang telepono.
"Nay, sige na po. Magsisimula na po ang trabaho ko. Mag-iingat po kayo palagi riyan. Mahal na mahal ko po kayo." At sa puntong iyon ay nagsimula na namang maluha ang dalaga.
"Mahal ka rin namin, Anak— Ikaw ang mag-ingat dahil nag-iisa ka riyan sa Maynila."
"O-opo Nay, sige po, hintayin niyo na lang po 'yung ipapadala kong pera para may panggastos at pambili kayo ng gamot ni Tatay." Aniya, saka pinalis ang kanyang mga luha.
"Sige, Anak, maraming salamat. Nawa'y palagi kang patnubayan ng Diyos."
"Sige po Nay." Pamamaalam ni Brae at matapos no'n ay tuluyan nang naputol ang linya.
Mabilis isinilid ni Brae ang kanyang telepono sa bag at saka inayos ang kanyang sarili. Ilang minuto lang ang lumipas ay tuluyan na ring lumabas ang dalaga sa dressing room. Agad naman niyang napansin ang dumaraming dagsa ng mga tao sa club, kaya't minabuti niyang pumunta na sa bar counter upang mag-ayos ng mga baso.
"O Maiden, ready ka na ba sa number mo mamaya?" Bungad ni Mamang Dyosa nang makalapit ito sa bar counter.
"Opo Mamang."
"O sige na, asikasuhin niyo na 'yung mga customer at aayusin ko na 'yung production mo." Tanging saad nito bago naglakad papunta sa backstage.
Ginawa naman nila Brae at Charity, ang kanilang mga trabaho. Lumalalim na ang gabi, kaya hudyat na nang pagkanta ni Brae sa entablado.
"Good luck 'te!" Magiliw na sambit ni Charity saka tinapik ang kanyang balikat.
Mabilis na tinungo ni Brae ang backstage para kunin ang mikropono na kanyang gagamitin. Bago pa tuluyang lumabas ng entablado, ay humugot muna ng malalim na hininga ang dalaga saka ito ibinuga sa hangin.
"Haaayyyy... Kaya mo 'yan, Brae!" Pampalakas loob niyang sambit sa kanyang sarili.
Nagsimula nang kumanta ang dalaga, at marami na namang mga parokyano ang nahumaling sa mala-anghel na tinig ni Brae. Habang nasa kalagitnaan ng pagkanta, ay may parokyano na biglang na lang umakyat sa stage. Halatang lunod na ito sa alak dahil sa amoy at namumungay nitong mga mata. Pilit nitong inilalapit ang bruskong pangangatawan sa dalaga, habang sumasayaw na pagiling.
Kahit kinakabahan sa nangyayari ay pilit iniignora ng dalaga ang presensya nito't nagpatuloy lang sa kanyang pagkanta. Ngunit talagang makulit ang parokyano, na parang hayok na hayok itong mahawakan ang maseselang parte ng katawan ng dalaga.
"Sir... Bawal po kayo rito." Kaswal na saad niya rito nang mailayo ni Brae ang mikropono sa kanyang bibig.
Ngunit hindi nagpatinag ang bruskong lalaki at nagpatuloy lang ito sa kanyang pagsasayaw habang lumalabas-labas pa ang dila, na animo'y malaya nitong pinapantasiya ang katawan ng dalaga na walang saplot.
Ilang beses pang pinakiusapan ito ni Brae, ngunit makulit talaga ang bruskong lalaki. Pinilit pa ring ikinalma ng dalaga ang kanyang sarili, upang hindi pagsimulan ng kung anumang tensyon ang ginagawa nito. Dagli naman niyang nilingon si Mamang Dyosa upang humihingi ng tulong, kaya't mabilis ang naging aksyon nito upang tawagin ang bouncer ng kanilang club.
At nang balingan ito muli ni Brae, ay hindi na ito nakatiis at hinawakan na ang kanyang magkabilang bewang at pwersahang pinaharan dito. Inilapit nito ang bruskong pangangatawan sa kanya at marahas na ikiniskis pataas at pababa ang pagkalalaki nito sa katawan ng dalaga. At nang akmang hahawakan na nito ang kanyang dibdib, ay napapikit na lang siya at abot-abot langit ang kanyang pagdarasal na sana'y may magligtas sa kanyang kinakaharap na sitwasyon ngayon.
Ilang segundo pa ang hinintay ni Brae, ngunit walang palad na dumampi sa kanyang dibdib. Nagtataka niyang iminulat ang kanyang mga mata, at ganoon na lang ang kanyang pagkakagulat nang makita ang binatang si Matt sa kanyang harapan.
Nagpupuyos na ang mga mata ng binata sa galit, habang ipinipilipit ang braso ng lalaking brusko. Halos dumaing na ito sa sobrang sakit, kaya't mabilis na pinigilan ni Brae ang binata.
"Matt, tama na." Saad niya rito saka hinawakan ang braso nito, upang pigilan ang binata na makagawa ng isang bagay na pwede nitong pagsisihan sa huli.
Nang marinig ni Matt ang boses ng dalaga ay agad napawi ang nagdidilim nitong awra't agad napalitan ng pag-aalala, "Maiden, are you okay?" Nag-aalalang usal nito, nang balingan niya ang dalaga.
Tanging tango lang ang isinagot ni Brae rito, dahilan para hablutin ni Matt ang kanyang kaliwang pulsuhan. Hindi naman malaman ni Brae kung saan siya nito dadalahin.
"S-sir M-matt, anong... Saan niyo po ako dadalhin?" Pagtatanong niya habang patuloy sa pagtangan ang binata sa kanya papalabas ng club.
Hindi man lang nag-abalang sumagot ang binata kaya't muling nagsalita si Brae, "Matt ano ba! Saan ba tayo pupunta?!" Pasinghal pa niyang saad dito.
Ilang segundo pa ang lumipas, at doon lang tuluyang binitawan ni Matt ang kamay ng dalaga. Mabilis nitong binuksan ang passenger seat ng kanyang sasakyan bago binalingan si Brae.
"Get in." Seryosong usal nito at isang emosyon lang ang mababakas mula rito, walang iba kundi isang nagbabagang aura na anumang oras ay pwede nang sumabog dahil sa sitwasyong kanilang kinabilangan.
Napakunot naman ang noo ni Brae sa sinabi nito, "Ha? B-bakit?!"
"Please Maiden, get in." Kalmadong saad ni Matt, ngunit mahihimigan mo ang pagtitimpi sa timbre ng boses nito.
"May trabaho pa ako, hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang iwa..."
Hindi na natapos ni Brae ang kanyang sasabihin nang biglang hablutin ni Matt ang kanyang batok saka ginawaran ng isang halik.
Nagulat si Brae sa ginawa ni Matt, kaya't buong lakas niya itong itinulak sa dibdib sabay sabing, "Gago ka! Bakit mo ako hinalikan?!" Isang bulyaw ang kanyang pinakawalan dahil sa kabiglaan.
"I—I'm sorry Maiden, I didn't..." Utal na usal ni Matt at mababakas sa mukha nito ang pagkabigla.
"Ano, hindi mo sinasadya ha?!"
"No Maiden, I—I just can't help myself... Lalo na noong nakita kita na binabastos ng gagong 'yon!" Tila balisang usal ni Matt saka isinuklay ang dalawang kamay pataas sa kanyang buhok.
"Hindi porket nagpasama ako sa'yo mall ay pwede mo na akong basta-basta hahalikan. Wala ka ring pinagka-iba sa lalaking 'yon!"
"Maiden, please—" Akmang hahawakan nito ang kamay ni Brae nang unti-unting umatras ang dalaga papalayo sa kanya. "Maiden..."
Wala siyang nakuhang sagot mula rito, at sa halip ay mabilis siyang tinalikuran ni Brae bago nagmamadalinh tumakbo papasok sa club.
"Maiden!" Sigaw pa ni Matt, ngunit hindi na siya muling nilingon pa ni Brae.
Mabilis na sinipa ni Matt ang gulong ng kanyang sasakyan sabay sabing, "Fūck! What have you done, stupid āsshōle!" Inis na usal nito sa hangin bago tuluyang pumasok sa kanyang sasakyan.
Isinubsob ni Matt ang kanyang mukha sa manibela kasama na ang kanyang magkabilang braso. Sandali siyang nag-isip kung anong dapat gawin at kung paano susuyuin ang dalaga. Inisip niya na pasuking muli ito sa club, ngunit maagap naman niyang pinigilan ang kanyang sarili at napagpasyahan na umuwi na lang muna para magpalipas ng sama ng loob.
*****
Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top