Oh 60
Warning: pakihanda ang mga puso. 😘
--------------------------------------
K A B A N A T A 60:
"Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Alex na mukhang napansin ang pananahimik ko. Nahagilap ko sila sa rooftop ng bahay ni Cole kung saan naroon ang totoong party na may live band at sayawan.
"Oo naman. Sadyang mas gusto ko lang umupo rito." sagot ko habang napapatingin ako kina Art at Kyle mula sa di kalayuan na kumakampay sa direksyon namin para samahan sila. "Bumalik ka na roon sa pagsasayaw. Okay lang ako rito, Alex."
"Si Brent nasaan na nga pala? Tinawagan mo na ba na nandito tayo sa taas?"
"Kasama niya si Leslie, kaya 'wag na nating abalahin."
Binalikan ako ng tingin ni Alex. "Kung gano'n okay lang sayo si Leslie para kay Brent?"
"Kung magustuhan siya ni Brent, sino ba naman tayo para humadlang dun, di'ba?" Natural na lumabas sa bibig ko iyon kahit na sumasalungat ang kabilang parte ng utak ko sa binitawan kong salita.
Pinaikutan niya ako ng mata. "Para namang magugustuhan siya ni Brent. We both know na hindi ang tulad ni Leslie ang tipo niya. At alam nating pareho na ikaw ang gusto niya..."
"Alex..." Suway ko sa kanya dahil alam ko na kung saan papunta ang sasabihin niya pero di pa rin siya nagpapigil.
"Mira, wala na ba talagang pag-asa sayo si Brent? Kahit konti?"
Kung alam lang niya na ang mga tanong niyang iyon ang kanina ko pang iniiwasang isipin. "Bumalik ka na nga roon kina Art." Pantataboy ko sa kanya kasabay ng pagbibingi-bingihan ko sa tanong niya.
"Hindi ba pupunta ngayon dito sa party si Montellano? At yon ba ang dahilan kung bakit wala ka sa mood ngayon? Teka, may problema ba kayo? Nambabae na ba siya? Hiniwalayan ka na?" Sa halip na umalis sa harapan ko si Alex, mas lalo pa siya nagtagal para lang mangintriga.
"Di siya makakapunta rito. He's busy."
"Busy? Busy naman saan?"
"Basta." Tanging sagot ko dahil maging ako di ko rin alam ang detalye sa pinagkakaabalahan niya. Sa halo-halong nararamdaman at iniisip ko ngayon, walang niisa akong maibahagi kay Alex. Ni hindi ko magawang maorganisa ng maayos ang utak ko, kaya paano ko magagawang maipaliwanag yon sa kanya.
"Wala kaming problema ni Montellano." Pahabol ko pa sa kanya nang hindi na siya mangulit pa sa pag-osyoso. "Bumalik ka na roon kina Art. Okay lang talaga ako rito."
"Okay." Sambit niya na balak na rin akong tantanan. Bago siya tuluyang mawala sa harapan ko, tinapik niya ako para kunin ulit ang atensyon ko. "Nandiyan na pala si Brent. Teka, nakasulpot pa rin sa kanya si Leslie."
Nabaling ako sa direksyong tinuro ni Alex, at nakita ko nga si Brent at si Leslie na parang hindi mapaghihiwalay.
"Ang maharot na babae, mukhang tinamaan talaga sa kaibigan natin. Effort na effort. Pero pustahan tayo, iiwanan yan ngayon-ngayon din ni Brent para puntahan ka." Nangingiting sambit ni Alex. Biglang parang sumulpot na naman tuloy ang diskomportableng pakiramdam sa dibdib ko nang dahil lang sa sinabi niya.
Namalayan ko na lang na naghihintay na pala ako sa paglapit sa'kin ni Brent, pero nang dinaanan lang niya ako na para bang hangin, nakaramdam ako ng awtomatikong disappointment. Dahil ba sa umasa ako na mangyayari ang sinabi ni Alex?
"Mukhang gumagana na ang karisma ni Leslie kay Brent." Komento ni Alex na pareho kong napapasunod ang tingin sa dalawa na nakisali sa grupo ng mga taong nagsasayawan sa gitna.
"Sumunod ka na rin kaya roon." Sambit ko sa kanya. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang mapag-isa.
"Pero okay ka lang talaga rito?"
"Oo nga." Bahagyang tinulak ko pa siya na sa wakas ay humakbang na rin palayo sa'kin para bumalik sa pagsasayaw.
Naiwan ako sa isang gilid na walang ibang ginawa kundi ang maupo at manuod, habang ang halos lahat ay nag-eenjoy. Gusto ko sanang tumayo muna at umalis, pero parang ayaw sumunod nang sarili kong katawan. Di ko kasi maialis ang mga tingin ko kay Brent na abala sa pakikipagsayaw kay Leslie.
Biglang nalang naging mapagbantay ang mga mata ko kay Leslie na kung saan-saan dumadako ang mga galamay sa iba't ibang parte ng katawan ni Brent. Nakainom na ba si Brent para hayaan na lang niya si Leslie na hagurin ng hagurin ang dibdib niya? At di'ba niya naisip na dinadaan siya ng bruha sa ganoong estratehiya nang makuha siya nito? Paano na lang kung bumigay siya sa babaeng yan nang dahil sa lang sa pisikal na atraksyon?
Di ko alam kung ulo o pisngi ko ang uminit sa sumunod na pangyayaring nasaksihan ko nang nagkakatotoo na nga ang tanging kinababahala ko. Nakapuntos lang naman si Leslie kay Brent nang walang hiya-hiyang lumingkis siya na parang sawa at tumuklaw ng halik.
Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanila kahit na iwas na iwas na ang tingin ko palayo sa direksyon nila. May parte nang utak ko kasi ang gustong alamin kung tutugon ba si Brent... Kung hahayaan rin ba niyang magpalandi...
At nang mangyari nga ang pinagdarasal kong hindi mangyari, naramdaman ko na lang na apektado na ako. Parang anumang oras gusto kong tumayo sa pwesto ko para pumagitna sa kanila at paghiwalayin ang mga katawan nila.
Nagpigil ako. Dahil yon ang dapat. At dahil wala akong karapatan para umeksena.
Kinalma ko ang sarili ko kahit na ang hirap. Pero sa minutong mamataan ko ang klaradong gesture na pagyaya ni Leslie kay Brent sa pribadong lugar, doon na ako totoong nabahala.
Alam kong hindi dapat ako makialam pero hindi ko naman kaya na walang gawin. Tumayo na rin ako at walang pagdadalawang-isip na sinundan sila. Binilisan at nilakihan ko ang bawat hakbang ng paa ko 'wag lang mawala ang paningin ko sa kanila.
"Brent!" Sigaw ko kasabay nang malakas na kabog ng dibdib ko. Narinig naman nila iyon na parehong tumigil para lingunin ako.
"Bakit, Mira?" Si Leslie ang sumagot na halatang iritable ang mukha sa biglaang pag-eksena ko.
Di ko na magawang maihakbang pa ang paa ko palapit sa kanila dahil alam ng sarili ko kung gaano ako kakabado ngayon. "S-saan kayo pupunta?"
"May ipapakita lang ako kay Brent, Mira." Sagot ulit ni Leslie na bait-baitan na naman ngayon ang tono ng boses niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Leslie mas nakatuon ako kay Brent na masasabi ko ngang nakainom. "Gusto ko sanang makausap ka muna, Brent."
"Mamaya na lang yan, Mira. Makakapaghintay naman siguro yan." Sabat ulit ni Leslie na akmang hihilahin si Brent paalis.
"Pero sandali lang naman 'to." Kahit sino, makakapagsabi na may desperasyon sa tono ng boses ko.
"Bakit? Ano ba yang sasabihin mo? Sabihin mo na ngayon, Mira." Halatang nauubos na ang pasensiya sa'kin ni Leslie na siyang laging sumasagot sa halip na si Brent.
"Pwede ba Leslie, si Brent ang kausap ko at hindi ikaw." Sinikap kong huwag masyadong magpagalit kay Leslie kaya bumaling ako kay Brent.
Nagkasalubong ang mga tingin namin. Sinubukan ko siyang kumbinsihin sa pamamagitan ng mga tingin.
"Sabihin mo na ngayon, ano ba iyon?" Sambit niya na inulit lang ang sinabi ni Leslie.
"T-tayong dalawa lang sana..." di ko mapigilang mautal dahil maging ako ay di handa sa kung ano mang balak na sasabihin ko sa kanya. Yung bagay na hindi ko magawang mailabas at maipaliwanag kanina kay Alexa, handa akong sabihin at ilatag ang lahat ng yon kay Brent.
"Sabihin mo na ngayon, Mira." Sabi niya na nakakadismayang hindi niya ako pinakikinggan sa pagkakataong ito.
Walang lumabas na salita mula sa bibig ko. Umurong ang dila ko kasabay nang malaking pagkadismaya kay Brent na parang mas pinipili pa ngayon si Leslie at sa kung ano mang balak nilang gawin.
"Kung ayaw mo ngayon, mamaya na lang." Huling sambit ni Brent bago siya tuluyang umalis sa harapan ko kasama si Leslie.
Habang tinitignan sila palayo, namalayan ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko. Bigla't bigla parang biglang may sumulpot na pagsisisi sa kaloob-looban ko.
Nagkamali ba ako ng desisyon sa pagreject ko kay Brent? Dahil kung tama sana ang desisyon kong iyon, hindi ba dapat di ako nasasaktan ngayon...?
Kahit anong pagkaila at pagtanggi ko sa sarili kong nadaramdaman ngayon, alam ko kung bakit ako nagkakaganito... May nararamdaman pa rin ako kay Brent. At ang tanga lang, na nangyayari 'to! Bakit ba nangyayari 'to?
Di ko alam kung ilang minuto akong nakatanga sa kinatatayuan ko habang umiiyak, kung wala pang nagsidaan, hindi pa siguro ako aalis roon.
Sa kagustuhan kong makalimot, napadpad ako sa pabalik sa basement bar at sunod ko na lang na nalaman, umiinom na ako. Naka-isang baso lang naman ako saka naisipan kong maglakad-lakad sa labas sa garden kung saan kakaunti lang ang tao.
Hangga't maaari, ayokong mag-isip. Masyado ng mabigat ang nararamdaman at alalahanin ko kaya't ayokong dalhin pa iyon at lalong-lalo na ayokong umiyak.
"Excuse me," sambit ng isang boses ng lalaki mula sa likuran ko na siyang ikinalingon ko. Hindi ko siya kilala.
"Bakit?" Tanong ko.
Hindi siya agad na sumagot na mas piniling umupo muna sa tabi ko bago nagsalita. "Wala naman. Baka lang gusto mo ng kasama."
"Hindi ako interesado sayo. Ni hindi ko gusto makipagkilala." Prangka ko sa kanya dahil alam kong linyahan iyon ng mga lalaki na naghahanap ng mabibiktimang babae.
Narinig ko na lang na tumawa siya ng bahagya. "Lasing ka na ba para di ako makilala? At para namang interesado ako sayo, Mira."
Dahil sa sinabi niya, napabaling ulit ako sa kanya at tinitigan siya sa mukha na siyang di ko ginawa kanina. Saka ko rin lang siya nakilala. "Cypher?"
"Ako nga." Sagot niya na pinagmasdan ako. "Nakailang alak ka na ba para di ako makilala?"
"Isang baso lang." Sagot ko. Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nandito sa party dahil siguradong personal na imbitado siya dito. "Masyadong malaki nga naman talaga itong bahay ni Cole para di tayo kita makita o ang mga kagrupo mo simula pa kanina."
"Kararating lang namin." Sambit niya na hindi ko na inungkat pa kung sinong sila dahil sigurado naman ako na hindi dun kasama si Montellano. At hanhga't maaari, ayoko ring isipin sa ngayon si Montellano. Ayoko ng sakit ng ulo, tanging gusto ko ay ang makalimot na muna kahit ngayon lang.
"May dala kang alak diyan?" tanong ko sa kanya na ikinailling niya.
"Wala. Kararating ko nga lang at dito ko naisipang dumiretso para mag-yosy. You want me to get you a drink?"
Di ko na pinag-isipan pa ang alok niya. "Sure. Kung okay lang ba sayo at di ka hihingi ng kapalit ng pang-uutos ko sayong ito."
"No problem." Sagot naman niya agad na tumayo na rin para pumasok. "Light or hard drinks?" tanong pa niya.
Ang uminom lang sana ang nasa isip ko, pero dahil sa binigyan niya ako ng mapagpipilian, naisipan kong piliin ang mas epektibo sa paglimot. "Hard."
"Okay." Sagot niya na iniwan na rin ako para pumasok sa loob. Halos bente minuto ang tinagal ni Cypher sa simpleng pagkuha ng alak kaya kunot noo ang sinalubong ko sa kanya.
"Ba't ang tagal mo?" Reklamo ko sa kanya na epekto na rin yata ng unang nainom kong alak kaya ganito na lang ako katapang sa kanya.
"Biglang may mga magagandang babaeng sumulpot roon. Muntik na nga kitang makalimutan rito." Pag-aamin niya. "Si Montellano nga pala--"
"Ayoko sana siyang pag-usapan." Putol ko sa kanya kasabay nang pag-abot ko ng bote ng alak mula sa kanya. Nilagok ko iyon agad saka umupo sa damo. "Bumalik ka na roon sa loob, sayang naman yung pagkakataon mong makabingwit ng magagandang babae."
Wala na akong narinig pang anuman mula sa kanya kaya buong akala ko umalis na siya. Kung hindi pa siya nagsalitang muli, di ko pa malalaman na kasama ko pa pala siya. "May problema ka ba? Si Mon ba yan? Huwag mong sabihing namomroblema ka dahil nawawalan na siya ng gana sayo? Di ka na ba niya gusto?"
Napasukat ako ng tingin sa kanya. Paanong may alam siya? Nabanggit ba sa kanya ni Montellano ang relasyon namin? Pero siya mismo ang nagsabi na dapat sikreto yon at walabg makakaalam.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa'min?" Di na rin ako nakatiis na magtanong.
"Just to clear things and before you assume, walang kinukwento sa'kin si Mon tungkol sayo. I just know that there's something going on between the two of you, simula noong festival."
Mukhang sinundan niya kami noong gabi ng festival.
"So, back to my question," sambit niya ulit na naging biglang osyosero yata sa ibang buhay ng tao. "Nagpapakalasing ka ba nang dahil sa kanya? Narealize mo na ba kung gaano ka katanga sa paniniwalang mahal ka niya?"
Alam kong nagtatanong siya hindi dahil sa concern siya sa'kin kundi dahil may gusto lang siyang patunayan, at yon ay na tama siyang paiiyakin lang ako ni Montellano.
Umiling ako. "Paano kung sabihin ko sayo ibang lalake ang pinoproblema ko ngayon?" Sigurado ako na dala ng alak ang pagiging ganito ko na para bang nakuha ko yong kayabangang enerhiya ni Montellano sa paraan ng pagbitaw ng salita.
Nakita ko ang panandaliang pagtigil ni Cypher para prosesuhin ang sinabi ko. Nang buong akala ko sineseryoso na niya ako, saka naman siya tumawa ulit. "Funny. Very funny, Mira. Nice try, pero di mo ako mapapaniwala na ikaw pa tong nagloloko. Ni hindi ka gano'n kaganda, kaya huwag kang umakto na para bang pag-aawayan ka ng dalawang lalake."
Hindi na ako nagreact pa sa sinabi niya dahil parang mas gusto ko na rin lang na sumang-ayon sa huling sinabi niya. Uminom na lang ulit ako hanggang sa naubos ko na pala ang hawak kong bote.
Bumaling ako sa kanya at tinuro ang isa pang ekstrang boteng dala niya. "Akin na yan, gusto ko pa..."
Wala namang pagtutol si Cypher na walang pakialam kung malasing man ako ng sobra lalo na't di naman niya ako kargo. Akmang iaabot niya na sa'kin ang bote ng alak nang biglang may humablot niyon.
"Tama na yan, Mira." Pautos na sambit ni Brent na nagulat na lang ako na nasa harapan ko. Masamang tingin ang binigay niya kay Cypher saka bumalik sa'kin. "Bakit ka tumatanggap ng alak galing sa ibang tao, Mira?!"
"Don't worry bro, I'm not into her. Wala akong planong masama diyan." Sabat ni Cypher na para bang diring-diri sa ganoong ideya. Mukhang wala nga talaga silang pinagkaiba ng kaibigan niyang si Montellano.
Hindi siya pinansin pa ni Brent na mas abala sa paglalayo ng alak sa harapan ko. "Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap. Tapos malalaman ko na nandito ka lang pala naglalaklak ng alak? Mira naman, kung makikita mo lang ang sarili mo, you're so wasted."
Hindi niya ako tinataasan ng boses, pero ramdam ko naman ang galit sa bawat bigkas niya na hindi ko magawang hindi gantihan ng inis. "Pwede ba, Brent. Okay lang ako, kaya ko ang sarili ko. Bumalik ka na lang kay Leslie, siguradong hinahanap ka na nun. Baka may round 2 pa kayo, sayang naman."
Puno ng sarcasmo ang tono ko at wala na rin akong pakiaalam sa pagiging walang preno ng bibig ko. Ang alam ko lang sa mga oras na to, nangingibabaw ang inis ko sa kanya at yon rin lang ang tanging gusto kong ipakita sa kanya. Naiinis ako, at nagagalit.
Nakita ko ang sandaling pagkatigalgal ni Brent na para bang di niya inaasahang maririnig niya yon mula sa bibig ko. "Mira, lasing ka na nga talaga... Ano bang iniisip mo't nagpakalasing ka ng ganito?"
"Hindi ko sasabihin. At hinding-hindi mo malalaman!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Umiikot ang paningin ko, pero alam kong kaya ko pa naman. Tinulak ko siya ng tangkang hahawakan niya ako.
"Okay nga lang ako, hindi ako lasing!" Nang hindi siya natinag sa pagkakatayo sa harapan ko, akmang itutulak ko naman ulit sana siya pero ako itong nawalan ng balanse at mumuntikang tumumba.
Hindi lang si Brent, kundi pati na rin si Cypher ang napalapit sa'kin para saluhin ako at alalayan mula sa pagkabuwal ko pero awtomatikong hinila ako ni Brent palayo sa kay Cypher. "Ako na ang bahala sa kanya rito. You can go."
Nakita ko ang pagpapalit palit ng tingin ni Cypher sa'ming dalawa ni Brent na para bang iniisip niya pa kung anong meron saming dalawa ni Brent.
"Sige, papasok na ako." Huling salitang narinig ko sa kanya hanggang sa umalis na rin siya.
"Umalis ka na rin Brent, hayaan mo na ako rito." Baling ko sa kanya na nilalayuan ko sa tuwing humahakbang palapit sa'kin.
"Mira naman! Let me hold you. Ano mang oras, matutumba ka na naman." Unti-unting nauubos ang pasensiya sa'kin ni Brent base sa tono ng boses niya. Bawat hawak niya rin kasi sa'kin, hinahawi ko iyon.
"Bakit ka ba kasi nagpakalasing ng ganyan Mira? Pinilit ka ba ng lalaking yon na uminom?"
"Hindi niya ako pinilit. This is all your fault Brent. Di ako magpapakalasing ng ganito kung hindi sa galit at inis ko sayo. I hate you!" I am giving him all the hint, pero siya naman itong tanga na walang maintindihan.
"Ano, ako? May problema ka sa'kin?" balik niya sa'kin na mukhang nagulo ang pag-iisip. "Teka, tungkol ba to kanina?"
"Oo! Tungkol 'to kanina at sa pang-iiwan mo!" Sigaw ko. Alam kong sa puntong ito, nawala ko na ang sarili ko. Ni hindi ko alam kung pagsisisihan ko 'to mamaya o bukas. "Mas pinili mong sumama sa kanya kahit na pinigilan kita!"
Alam kong kahit na sino makakapagsabi kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kahit na sino makakahalatang puno ng selos ang huling mga salitang binitiwan ko... pero mukhang maliban iyon kay Brent na hindi mapagkonekta ang puno't dulo ng pagmamaktol kong ito.
Hinintay kong may sabihin siya pero bago ko pa man marinig ang susunod niyang sasabihin, nauna na ang pagbaliktad ng sikmura ko. Sunod ko na lang na nalaman, nagsusuka na ako.
Awtomatikong inalalayan ako ni Brent na walang ibang ginawa kundi ang tapikin ang likod ko. "Hayaan mo lang na ilabas yan ng katawan mo..." Sambit niya sa'kin nang mapansin niyang nagpipigil pa ako bawat luwa ko.
Naging sunod-sunod na ang pagsusuka ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang panghihina sa oras na matapos na ang pagduwal ko. Di ko alam kung ilang minuto akong napaupo sa damo, pero nakatulong iyon para kahit papaano bumalik ang lakas ko. Nang naramdaman kong kaya ko na ang sarili kong itayo, pinigilan ako ni Brent na dinampi ang basang bimpo sa noo ko saka sa mukha ko at sa katawan ko na mukhang tinakbo pa niyang kunin sa loob. Hindi na ako tumutol pa sa ginagawa niya dahil komportable at mas bumubuti ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya makalipas ang minutong paulit-ulit na pagpunas niya sa'kin. Ni hindi ko namalayang napaidlip na pala ako sa simpleng pagpikit.
"Mmm." Mahinang sagot ko kasabay ng bahagyang pagtango ko. Ngayong medyo nahimasmasan na ako, parang biglang nagsitubuan ang hiya ko sa kanya. Ni parang di ko magawang makatingin sa mga mata niya.
"Galit ka pa ba sa'kin?" Biglang tanong niya na nagdala ng maliliit na kaba sa dibdib ko dahil mukhang ito na yong puntong hihingi siya ng paliwanag sa mga pinagsasasabi ko kanina.
"H-hindi. Kalimutan mo na lang ang inakto ko kanina. Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi ko." Biglang nawala yong matapang at prangkang Mira na kani-kanina lang ayaw papigil. "Isa pa, gusto ko na sanang umuwi at matulog. Nahihilo pa rin ako."
"Bakit ka nga ulit naglasing?" Tanong niya ulit habang naduduwag akong salubungin ang mga mata niya. Kinailangan pa niyang hawakan ang pisngi ko para iangat ang mukha ko.
"Gusto ko lang linawin sayo na, walang nangyari sa'min ni Leslie." Pagtatapat niya na hindi ko akalaing magiging magandang balita iyon sa pandinig ko. Nangangahulugan rin lang na hindi siya tanga o manhid kanina para di malaman ang biglaang pinanggagalingan ng galut ko kanina. Alam niyang nagseselos ako?
"Pinilit kong mag-enjoy kasama si Leslie dahil iniisip kong yon ang mas gusto mo. Na naaalibadbaran ka na sa'kin sa kasusulpot ko sayo. Sinikap kong iwasan ka dahil nakakalimutan ko na may boyfriend ka...pero..." biglang lumambot ang mga tingin niya sa'kin sa pabulong na nagsalita. "Pero bakit gano'n, bakit parang pakiramdam ko may pag-asa pa rin ako sayo?"
Para akong nanghina ulit sa mas malalim na tinging ibinibigay niya sa'kin. Nakipagsabayan na rin ang pagkabog ng dibdib ko na mahirap na ngayong pigilan o isawalang bahala.
"Meron ba Mira?" tanong niya ulit.
"B-brent..." sambit ko pero di ko rin magawang ipagpatuloy dahil hirap bumuo ng salita ang utak ko. Idagdag pa na nakikipagsabayan ang pananakit ng ulo ko at di mawala-walang pagkahilo.
"Marami akong tanong sayo ngayon, Mira," Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Pero kaya ko pa namang maghintay bukas..." sambit niya na para bang nagpipigil sa kung ano mang balak sana niyang gawin. "Gusto kong makausap ka ng masinsinan bukas na wala ng anumang impluwensiya ng alak..."
Binawi na rin niya ang kamay niya palayo sa mukha ko na parang gustong-gusto kong pigilan, pero di ko naman magawang magprotesta.
"Sa ngayon, umuwi na muna tayo." sambit niya na pinigilan ako sa akmang pagkilos ko para sana tumayo. "Dito ka na lang muna. Hintayin mo kami dito, aakyat lang muna ako sa taas para sabihan ang mga kaibigan natin."
Tumango ako ng pagpayag kahit na ang totoo, ayoko siyang umalis sa tabi ko. "Maghihintay lang ako rito."
"I'll be back." Huling sabi niya bago tuluyang umalis.
Habang pinagmamasdan siyang humahakbang palayo, namamalayan ko na lang ang pag-guhit ng ngiti sa pisngi ko, pero agad rin iyon nawala nang makita ko ang pagsulpot ng taong di ko inaasahang makikita ko ngayon.
"M-montellano?" Nauutal kong sambit ng pangalan niya habang tinatanggap ang mga tingin niya. Base sa malalim na titig niya sa'kin, mukhang malaki ang posibilidad na nasaksihan o narinig niya ang pangyayari kani-kanina lang.
"A-akala ko di ka pupunta dito sa party?" Muli kong sambit na hindi ko magawa-gawang makapagsalita ng tuwid. Ngayon ko lang naalala na may boyfriend nga pala ako, at parang pananaksil labg naman ang ginawa ko kani-kanina lang.
"Kaya sinamantala mo naman ang pagkakataon para tumingin sa iba?" Kalmadong sabi niya na humakbang palapit sa'kin. "O baka mali lang ako ng pagkakaintindi sa nakita ko, kaya pakipaliwanag mo nga sa'kin Mira kung anong eksaktong nangyari? You're not cheating on me, are you?"
"Hin--" natigil ako sa isasagot ko dahil biglang di ako sigurado kong mali nga ba ang inaakusa niya sa'kin. Kung babalikan ko ang buong pangyayari kanina, malinaw na--
"I--" di ko alam kung paano ipapaliwanag ang sarili ko. Ni hindi ko magawang magdeny. "Masyadong mabilis ang pangyayari ngayong araw..."
Sinusubukang kong kumalma at maging totoo sa bawat ilalabas ng bibig ko. Nandirito na rin lang naman siya, at nangyari na ang nangyari, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang umamin. "Ang totoo, magulo ang utak ko buong araw... Litong-lito ako sa nararamdaman ko na di ko alam kung saan ko ilalagay... Hanggang sa nalaman ko na lang na-- I still have feelings for--"
"Lasing ka lang..." Singit niya sa'kin na hindi pinatatapos ang sinsasabi ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang magbingi-bingihan at ilihis ang usapan. "Nakarami ka ng nainom sabi ni Cypher. Siya rin ang nagsabi sa'kin na nandito ka--"
"Montellano," ako naman ang sumingit sa kanya dahil parang hindi ako matatahimik kung hindi ako magiging prangka sa kanya. "We should break up." nasabi ko iyon ng diretso, na hindi ko rin alam kung paano. Siguro dahil pa rin sa espiritu ng alak. "It's unfair kung ganitong nalilito at nagkakagusto ako sa dalawang tao. Ayokong humantong sa--"
"No." Putol niya sa'kin sa malamig na boses.
Nalito ako kung anong ibig sabihin niyang iyon. Sa isang iglap, maraming katanungang sumulpot sa utak ko dahil sa pagtutol niya.
Hindi siya pumapayag na makipaghiwalay? Gusto niya na ba talaga ako para di niya ajo pakawalan? Seryoso na ba siya sa'kin?
"I've never been dumped, Mira. Never." Sabi niya sa madilim na anyo at mapanukat na tingin. Saka ko rin lang nakuha at naintindihan ang pinanggagalingan ng mariing pagtutol niya.
Humakbang siya ng mas malapit pa sa'kin saka pabulong na nagsalita sa tenga ko. "Ako ang masusunod at magpapasya kung kelan kita hihiwalayan. At sinasabi ko sayo mismo ng klarado at malinaw, na hindi 'yon ngayon. Not today Mira."
Iba ang Montellanong kaharap ko ngayon sa Montellano nitong nakaraang araw na nagpakilig sa'kin. Seryoso siya sa binitiwan niyang salita suot-suot ang mapanindak na mga tingin. Alam kong malabong mabalo ako sa kanya...
Napapalunok ako bago magsalita. "S-sinasabi mo bang, okay lang sa'yo 'to? Na magpatuloy tayo kahit na alam mong--"
"Yes. Why not?" putol niya sa'kin na hindi ko mabasa kung abong takbo ng utak niya. Hindi na rin niya ako pinagbigyan pa ng pagkakataong magsalita pa dahil hinablot na niya ang kamay ko. "Sa'kin ka sasama ngayon pauwi. You'll come with me, sa ayaw mo't sa gusto."
Bago pa man ako makapareact at makapag-angal, hila-hila na niya ako palabas. Hindi rin ako masyadong makapalag sa kanya dahil bukod sa hinang-hina pa ako, ayoko rin namang magsisigaw at makakuha ng atensyon ng ibang tao. Kaya sunod ko na lang na nalaman, naisakay na ako ni Montellano sa loob ng kotse niya.
Di ko mapigilang magpanic nang makita kong binubuhay na niya ang makina ng kotse. "Montellano, hahanapin ako ng mga kaibigan ko. Mag-aalala ang mga yon panigurado--"
"Montellano--" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang pinaharurot na niya ang sasakyan. Susubukan ko pa sanang baguhin ang pag-iisip niya pero mukhang kahit anong apila ko, di rin naman niya ako pakikinggan.
Mas lalo lang umiikot ang paningin ko dahil sa mga nangyayaring ito. Napapahawak na lang ako sa masakit kong ulo kasabay ng pagsanday ko sa upuan. Nawalan na ako ng enerhiya kaya tinanggap ko na rin lang na wala na akong magagawa pa sa sitwasyon ko ngayon. Naramdaman ko na lang na bumibigay na ang katawan ko sa matinding antok na mabilis akong hinila sa pagkakatulog.
------📈------
Drew Montellano:
Alam kong nabuhay ang dugo ng mga team Montey diyan. Masaya ka?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top