Oh 6
K A B A N A T A 6:
Wala akong ibang ginawa kundi ang titigan si Alexa na kasalukuyang abala sa pag-ayos ng mga gamit sa backpack niya. Wala itong kaayos-ayos na hinahayaan lang lumugay ang magulo na nitong buhok na parang isang beses lang sa isang araw nadadaanan ng suklay. Wala rin sa bokabolaryo ni Alex ang magsuot ng palda kahit kailan... lagi lang itong naka-jeans at kung hindi checkered polo, t-shirt lang ang madalas na suot nito.
Si Alexa ang pinakabunso sa barkada. Bukod sa may pagkabata pa siya kung mag-isip, hindi pa ito nagkakaboyfriend. Marami-rami rin ang humahanga sa ganda ni Alex, pero walang masyadong sumusubok na manligaw, dahil laging panunupalpal ang binubungad nito.
"Bakit?" tanong ni Alexa nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kanya.
"Malapit na ang debut mo." Sagot ko.
"Pareho kayo ni mommy at ate.. Bakit ba parang kung magsalita kayo..parang isang malaking pagbabago ang mangyayari kapag nag-eighteen na ang isang babae. Kung iisipin kasi, ordinaryong araw lang naman 'yon... at hindi ako tutubuan ng pakpak o magkakaroon ng kapangyarihan kapag tumuntong na ako ng dise-otso."
"Pero magkakaroon ka ng isang malaking party!" balik ko sa nasisiyahang reaksyon. "Siguradong ipagpipilitan yun ng mommy mo sa ayaw at sa gusto mo. Ba't ba kasi ayaw mo? Dumaan din ako diyan ilang buwan ng nakakaraan. Hindi nga lang kasing bongga tulad ng mangyayari sayo dahil hindi kami kasing yaman niyo."
Ito ang isa pang bagay na hindi ko maintindihan kay Alexa. Handang ibigay sa kanya ng mommy niya ang bagay na inaasam ng mga kababaihan, pero siya naman itong ayaw.
"Ayoko dahil ayoko ng malaking party. Kontento na ako na magcamping na lang tayong barkada sa—"
"Ayoko!" mariing saad ko na hindi sang-ayon sa mga ideyang pumapasok sa adventorous kong kaibigan. "Ayoko ng hiking or surfing.. o kung ano mang may kinalaman sa nakakapagod na outdoor activities."
"Alam mo ang arte mo..."
Ang sinabing yun ni Alexa ang nagpaalala sa'kin kung bakit nagustuhan ni Brent si Alex... simple at walang arte.
"Hoy! ba't bigla kang natigilan?" sita ni Alex sa biglaang pagkatulala ko.
"Alex," tinitigan ko siya sa mata. "May nagugustuhan ka na ba?"
Hindi ko siya kinulit noon tungkol sa ganitong bagay. Ngayon lang...
Tawa ang unang sinagot ni Alex na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya. "Ano bang klaseng tanong yan?"
"Ano bang klaseng sagot yan?" balik ko sa kanya. "Tinatanong kita ng maayos, kaya sagutin mo rin ako ng maayos."
"Wala!"
"Alex, kahit man lang katiting na crush?" pangungulit ko. Kahit na may pagkalalake kung manamit at umakto si Alex, alam ko namang purong babae siya. "Sino? Meron ba?... Sa barkada?"
Mariin ang ginawang pag-iling ni Alexa.
"Pwede bang sabihin mo na lang, Alex.."
"Wala akong sasabihin dahil wala naman talaga! Wala..."
"Fine!" sumusukong sabi ko. Sadyang mahirap paaminin si Alexa sa ganitong uri ng usapan. Pero may isang bagay na lang akong ayaw ipaligtas. "Pero Alex.. pwede mo bang sabihin man lang sa'kin ang dahilan ng hindi mo paglitaw sa oras noong Valentines Countdown?"
Bago pa man umiling muli ng pagtanggi si Alexa, inunahan ko na siya ng nagtatampong tingin. "Alex naman. Walang mawawala sayo kung sasabihin mo sa'kin... pwede ba... ako lang naman 'to... wala ka bang tiwala sa'kin?"
Parang biglang umubra naman agad kay Alexa ang estratehiya ko na ikinabago ng desisyon nito. "Oo na... kaya lang naman hindi ko masabi ang tungkol dito dahil... nakakahiya..."
"Nakakahiya? Ang alin?" panghihikayat ko pa.
"Pinagpilitan ako ni mommy na... makipagdate."
Awtomatikong lumuwang ang bibig ko. "Date? As in D-A-T-E? You with someone sa mismong Valentines Countdown?... Wow."
Isang tili ang pinakawalan ko pero agad ding pinutol ni Alexa nang takpan nito ang bibig ko.
"Napilitan lang ako, Mira! At ikinahihiya ko 'yon! Kaya nga wala akong mapagkwentuhan, kahit sa inyo ng barkada. Hindi lang ako makatanggi kay mommy dahil may kapalit ang pagpayag ko sa arrange date na 'yon."
"Teka.. anong klaseng kapalit?"
"Well.. Hiniling ko lang naman sa kaniya na ayoko ng malaking debut party. Na ako ang masusunod sa kung paano ko gustong icelebrate ang sarili kong birthday."
"Oh." Tanging naging reaksyon ko kahit pa parang gusto siyang sampalin sa pinalalagpas niyang bagay. Pero hindi na rin naman ako nagtataka pa sa naging desisyon niya dahil sadyang alam ko namang wala talaga sa personalidad ni Alex ang mga magagarbong party. "Yong tungkol sa sapilitang pakikipagdate mo, kumusta naman 'yon? At sino?"
"Si Kirk, ang paboritong inaanak ni mommy. Nakakahiya mang aminin, pero si mommy pa talaga ang nagtutulak sa'kin para magkaboyfriend. Kapag pumayag ako sa gusto niya at makipag-date in two weeks, pagbibigyan niya ako sa gusto ko. Napaka-immature, right?!"
Kasalungat ng nakalukot na mukha ni Alexa ang naging reaksyon ko na halos magtitili. "That's Awesome! Ang cool ng mommy mo Alex!"
"Ano?! Cool?!"
"Oo, ang cool.. But wait?! Sino 'tong Kirk na kinakapatid mo? Anong itsura niya? Cute ba?"
"More on mayabang. Sa ibang school siya nag-aaral. Maliit pa lang kami, magkakilala na kami dahil madalas siya sa bahay tuwing weekend kapag napapadalaw ang parents niya kasama siya."
"Anong itsura niya? Pisikal na anyo? Kulay ng balat, buhok, mata? Height? Weight? Blood type?"
"Ayun siya..." muling walang kagana-ganang sagot ni Alexa na nakaturo sa kararating lang na kotse sakay ang kumakaway na lalake sa mismong direksyon namin.
"Ohh..." muling lumuwang ang bibig ko na nauwi sa matamis na ngiti para kay Alexa. "Bakit siya nandito? Tinawagan mo siya?"
"Sinabi ko na sayo diba.. napipilitan lang ako. At two weeks ko siyang titiisin! Kasama na ang hatid-sundo niya tulad ngayon."
"Ohh..."
"Please Mira.. huwag mo 'tong ikukwento sa barkada... please lang. Ikinahihiya ko ang sitwasyon ko ngayon! Ayokong pagkaisahan akong asarin ng tatlong ugok na 'yon."
"Teka... Magkikita tayo ngayon ng barkada.. hindi mo man lang ba ipakikilala ang masugid mong manli—"
"Stop it, Mira!!! At hindi rin ako makakasama ngayon. Nakita mo naman... sinusundo na ako ni Kirk." Kinilos na ni Alexa ang sariling binti at nagsimulang humakbang papalayo. "Kailangan ko ng umalis bago pa ako makita ng barkada. Ikaw na lang ang bahalang magdahilan sa pagkawala ko! Bye Mira!"
Kaway na lang ang binalik ni Mira. Habang papaalis na ang sinasakyang kotse ni Alexa, saka naman ang eksaktong pagdating ni Brent.
"Si Alex ba yon? At..."
"Si Kirk." maagap na sagot ko na sinasawalang bahala ang paki-usap sa'kin kanina ni Alex na huwag sabihin kanino man. "Sinundo siya, kaya... hindi siya makakasama ngayon."
"Kung ganun, siya 'yong lalakeng nagugustuhan niya..." Walang buhay ang tono ni Brent na hindi na niya kailangan pang magtaka kung bakit.
Wala akong binigay na sagot sa kanya na para na ring kinumpirma sa bagay na hindi totoo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top