Oh 53

K A B A N A T A  53:

Mahaba ang naging tulog ko dahil na rin sa pinagsamang puyat at pagod. Di na rin ako nagulat pa sa stiff neck na natamo ko dahil sa halos di yata ako gumalaw sa iisang posisyon ko sa kama. Hihilata pa sana ako sa kama nang matagal nang bigla na lang akong napabangon. Sumagi sa isip ko ang nga nangyari kagabi at saka ko rin lang naalala na magkikita nga pala kami ni Montellano sa madaling araw habang tulog pa ang lahat.

Nang bumaling ako sa magakabilang kama, wala na roon si Natsy at Alex na paniguradong nagising na. Gano'n pa man, binilisan mo ang kilos ko para tignan kung may magagawa pa ako sa usapan namin ni Montellano kahit na putok na ang sinag ng araw. Tatlong oras akong late sa first date namin dahil sa tulog-mantika ko.

Si Montellano ang unang hinahanap ng mga mata ko pero sa halip na siya ang mahagilap ko, si Brent ang nakita ko sa may kusina. Kasalukuyan siyang nagluluto na hindi na bago sa paningin ko. Nagpalinga-linga pa ako sa ibang bahagi ng bahay para tignan si Montellano pero wala siya at ang iba.

"O, gising ka na pala, Mira…" sambit ni Brent nang mapansin niya ang presensiya ko.

"Nasaan si Mo-- sina Alex at ang iba?" tanong ko agad. Mumuntikan pa akong madulas sa pangalan ni Montellano na sigurading ikatataka ni Brent kung bakit siya lang ang hinahanap ko.

"Nandiyan sila labas sa may lawa. Nagpipicnic party kaya heto, ako ang nagluluto." sagot naman niya na ikinakilos ng mga paa ko para sundan ko nasaan sila, kaso bago pa man ako makahakbang paalis, nahuli na ni Brent ang kamay ko.

"Dito ka lang muna at tulungan ako."

"Pero alam mo naman na hindi ako makakatulong pagdating sa ganitong pagluluto. Gusto mo tawagin ko na lang si Natsy sa labas--" Natigilan ako nang hindi ako hinayaang umalis ni Brent na hawak pa rin ang kamay ko na hindi niya pinakawalan. Sa ganoong ayos kami nadatnan ni Montellano nang pumasok siya sa kusina.

Ako ang unang napabitaw kay Brent. Tumikhim ako at lumabas na lang sa bibig ko ang pasimpleng pagrarason kay Montellano. "Kagigising ko lang."

Hindi siya sumagot ng kung ano at kinuha na lang niya ang naunang pagkain na naluto na ni Brent para idala sa labas. Nagulat na lang ako nang pinabitbit niya sa'kin ang isang pitsel kahit na kasya naman sana iyon sa bitbit nigang tray. "Ikaw na ang magdala nito."

"Tinutulungan ako dito ni Mira--"

"Ibabalik ko lang siya." sabat agad ni Montellano na hindi na pinagbigyan pang patapusin si Brent. Bumaling na rin siya sa'kin saka sinenyasan akong kumilos na palabas. "Tara na."

Pagkalabas namin ng pinto, natatanaw ko na mula sa lawa ang barkada, pero bago pa man ako makahakbabg palunta roon, binawi ulit sa'kin ni Montellano ang hawak kong pitsel na ikinataka ko.

"Ako na ang magdadala." sambit niya. "Dito ka lang. At huwag na huwag kang babalik sa loob."

"Ano? Pero bakit--"

"Babalikan kita diyan. Huwag kang aalis." huling utos niya saka dumiretso na siya sa kung saan naroon ang lahat. Nang maidala ni Montellano ang pagkain roon, bumalik rin siya sa kung saan niya ako iniwan.

Magsasalita sana ako nang makalapit na siya pero di ko na nagawa dahil bigla na lang niyang hinablot ang kamay ko at hinila palayo. Hindi na rin naman ako nagpumiglas at nagpatabgay na rin lang sa kung saan man niya ako balak dalhin.

"Nakalimutan mo ba 'yong usapan natin kagabi? O sinadya mo lang talaga akong paghintayin?" pag-uusisa sa'kin ni Montellano nang tumigil kami sa lilim ng isang malaking puno.

Mariin akong napailing sa katanungan niya. "Hindi. Hindi ko sinadya at lalong di ko nakalimutan. Sadyang…" humina ang boses ko kasabay ng pagyuko ko. "Late na ako nagising. Masyado lang talaga yata akong napuyat dahil, di ako agad nakatulog kagabi matapos ang mga nangyari." Nang hindi pa siya kumibo, muli akong nagsalita. "Maniwala ka't sa hindi, gusto kong sumipot."

"Kung gano'n sa halip na sabihin sa'kin yan kaninang nagising ka, ba't mas pinili mo ang magluto roon kasama si Brent na para bang nakalimot ka na may taong naghihintay pa rin sayo…"

"Kagigising ko nga lang no'n at nagkataon lang na si Brent ang unang nakita ko…" Gusto kong magpaliwanag pa sa kanya para sa ikaiintindi ng utak niya pero bigla akong natigilan. Napapatitig ako kay Montellano dahil di ko mapigilang isipin na posibleng selos ang dahilan ng ibang mood niya ngayon."Nagseselos ka ba kay Brent?" Di ko na napigilang isatinig iyon.

Awtomatikong nagbago ang mukha ni Montellano at nagsalubong ang kilay. Tangkang magsasalita siya ng pagprotesta nang unahan ko na siya.

"Oo na, alam kong di ikaw ang klase ng tao na nakakaramdam ng selos, pero kung ayaw mong mamis-interpret kita, alisin mo na yang pagiging iritable mo na daig pa ang nagseselos. Magdate na nga lang tayo…" Akala ko aangal pa siya, pero himalang wala na akong narinig pang reklamo mula sa kanya kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon na gamitan siya ng taktikang alam kong gagana sa kanya. "Ano? Magdedate pa ba tayo o hindi? Dahil kung hindi na, babalik na lang ako sa loob para tulungan si--"

Hinablot na lang niya uli ang kamay ko't namalayan ko na lang na nasa kotse na niya ako at binubuhay na niya ang makina ng kotse. Magian at masaya ang pakiramdam ko at kitang-kita iyon sa maaliwalas na ekspresyon ng mukha ko, pero sa gitna nang pangiti-ngiting mood ko, biglang sumingit sa pagsasalita si Montellano.

"Hindi ako nagseselos kay Brent." sambit niya na binigyan ko ng maikling reaksyon.

"Okay."

"Kinaklaro ko lang dahil mahirap na nag-aassume ka diyan."

"Hindi ako nag-aassume." sagot ko ulit sa blangko paring ekspresyon kahit na ang totoo, ngiting-ngiti na ako sa kaloob-looban ko. Halata kasing nagiging defensive siya masyado na isa ng sapat na proweba para maniwala akong nagseselos nga siya.

Sumuko na rin si Montellano sa pagpapaliwanag sa'kin at mas pinili na lang niyang magconcentrate sa pagmamaneho. Maya-maya, napatanong na ako dahil malayo-layo na rin ang nararating namin. "Saan ba tayo magdedate?" Hindi na ako nahiya pa sa huling salitang ginamit ko. Natutuwa ako kapag ganitong nagiging prangka lang ako sa harapan niya kahit na alam kong babarahin lang naman niya ako.

"Malapit na tayo." sagot niya na ikinasurpresa ko dahil para na rin niyang kinumpirma na magdedate nga kami. Mas inaasahan ko lang kasi na pagsasalubungan niya ako ng kilay at pagsasabihang ambisyosa o ilusyonada.

"Nandito na tayo." sambit ni Montellano kasabay nang pagtigil ng sasakyan sa isang kanto. Lumabas rin siya agad ng kotse at nagulat na lang ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Gusto kong matawa sa reaksyon niya na napaka-awkward pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Siguradong mahirap para kay Montellano ang ginagawa niya ngayon dahil alam ko at alam niya na hindi siya ganito sa kahit na sino man. Dapat na bang maging espesyal ang pakiramdam ko ngayon? ako nga ba talaga ang pinaka-unang babaeng tinrato niya ng ganito?

"Bilis na. Ang tagal." reklamo niya na bumasag sa momento ko. Bumaba na lang ako ng sasakyan saka sumunod sa kanya na nauna ng maglakad. Malalaki ang hakbang at di ko mapantayan kaya nakasunod na lang ako sa likod niya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng atm machine para magwithdraw. Napapasilip ako ng palihim mula sa likod niya, at napapalaki na lang ang mga mata ko nang makita ko ang perang nilalabas niya.

"Parang ang laki naman yata niyan na winidraw mo. Gagastusin mo ba ang lahat ng yan?" Di ko napigilang magkomento. Balak ba niyang magwaldas ng malaking pera ngayong araw?

"Swerte mo lang dahil ganito talaga ako kagalante sa kahit na sinong babae. Sabihin mo lang kung saang mamahaling restaurant mo gustong kumain, o kung ano ang gusto mong bilhin. Sayang rin naman kasi ang pagkakataon kung di mo sasamantalahin." Sa isang iglap sumulpot na naman ang mayabang na Montellano na di pa rin talaga tuluyang nawawala sa pagkatao niya.

"Hindi mo ako kailangang pagkagastusan ng malaki tulad sa ginagawa mo sa mga babae mo. I'm a cheap date kaya di mo kailangang maobligang mag-aksaya ng pera."

Tumaas ang dalawa niyang kilay, "Sigurado ka ba diyan?" Nagpakawala rin siya ng maikling tawa. "Sa paanong paraan tayo kakain kung gano'n? Sa karinderya? Mira, may pera ako kaya di natin kailangang magpakagipit. Huwag ka ring mag-alala dahil di naman kita sisingilin."

"Pero may mas gusto akong puntahan kaysa sa  magshopping o kumain sa mamahaling lugar na sinasabi mo." Buo ang desisyon ko na magmatigas kay Montellano. Nakakatukso man na pumayag sa gusto niyang mangyari, alam kong dapat mas masunod ang gusto ko. Gusto kong maging iba at di niya ihalintulad sa mga nagdaang babae sa kanya.

"Saan naman yan? Hindi mo naman kabisado ang lugar na 'to di'ba?"

"Nadaanan nating dagat kanina ng papunta tayo rito." sagot ko habang nagdarasal na pumayag naman sana siya. Nang sa tingin ko nag-aalinlangan siyang pumayag sa gusto kong mangyari, di na ako nagpatalo pa. "Kung ayaw mo, huwag na lang natin ituloy 'to." Umaasa akong madadala siya ng bahagyang pagtampo ko.

"Bakit ba ang big deal sayo na gumastos ako? Pera ko naman 'yon." Kalmado pa rin naman siya pero di ko alam kung hanggang saan tatagal ang diskusyon naming ito na pwedeng mauwi sa mas malalim na sagutan.

"Pero pinaghirapan at pinagtatrabahohan mo ang pera na yan. Matuto ka namang magtipid at hindi 'yong waldas ka na lang ng waldas ng pera. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo na hindi ka na tulad ng dati na hindi nalalagasan ng pera kahit anong gastos mo."

"Stable na ako ngayon. Pwedeng-pwede na akong bumalik sa pagiging galante na hindi kailangang alalahanin ang pera o kahit ang pagbudget ng gastusin ko." Tumigil siya't pinagkrus ang mga braso niya at tinignan ako. "Ano itutuloy pa ba natin 'to?"

Sa oras na narinig ko ang katanungang iyon mula sa kanya, alam kong magmamatigas at magmamatigas siya, pero gano'n din naman ako. "Umuwi na lang tayo at bumalik sa kanila. Huwag na nating ituloy 'to kung ganito lang naman na hindi tayo magkasundo sa iisang bagay."

Hindi ko nakita ang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya na para bang okay lang sa kanya. Naiisip ko tuloy na baka hindi naman talaga niya gustong matuloy pa 'to. Baka hindi naman talaga niya ako gano'n kagusto. O baka hindi naman talaga kahit konti. Baka namali lang ako ng tingin sa mga nakita ko sa mata niya kagabi.

"Balik na tayo sa kotse." sambit niya na mas lalo ko lang ikinadisappoint dahil mauuwi rin talaga pala sa wala ang lahat ng 'to. Humakbang na siya palayo at sumunod rin ako sa likod niya pero para pigilan siya.

"Akala ko ba ako ang masusunod ngayon? Di'ba sabi mo kagabi, 'yong klase ng date na alam ko ang gagawin natin at hindi yong sayo." Kulang na lang pagsigawan ko siya pero mas minabuti kong maging mahinahon.

"Kaya nga. At yon yong walang halong intimacy sa date na'to. At yon ang sinusunod ko. Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit pinagbabawalan mo akong gumastos? Ako ang lalake rito kaya natural lang na ako ang sasagot. Pero kung ayaw mo nga, huwag na lang at umuwi na lang tayo. Nagkamali yata ako sa pagyaya sayo."

Parang may kung anong tumurok sa dibdib ko dahil sa huling sinabi niya. Di pa nga kami nagsisimula, patapos na ang kung ano mang dapat simulan. Di man lang ba niya ako pakikinggan sa gusto ko? Hanggang ngayon ang taas pa rin ng pride niya na ang hirap tibagin. Ano naman kung wala siyang gastusin sa date namin? Ang tanging gusto ko lang naman makasama siya, makausap ng masinsinan, mas makilala pa...

"Umuwi na nga lang talaga tayo." sambit ko na masama ang loob kaya sa madiing salita ko iyon nasabi. Inunahan ko na rin siya sa paghakbang papunta sa kotse. Pagkasakay na pagkasakay ko, wala na akong imik at gano'n rin siya.

Ilang sandali lang tumunog ang phone niya na sinagot niya lang matapos ang ikatlong ring. "O, bakit?" sagot biya sa kabilang linya na di ko rin alam kung sino, pero agad ko ring nahulaan na dahil sa sumunod na naging sagot ni Montellano sa kausap niya. "Oo, nandito, kasama ko." Bumaling siya sa'kin na para bang ako ang hinahanap ng kausap niya. Pinalipas pa niya ang ilang segundo bago niya ipasa ang phone niya sa'kin. "Gusto ka daw makausap ni Brent."

Nilapat ko din agad sa tenga ko ang phone at ang boses nga ni Brent ang bumungad pandinig ko. "Mira, ba't kasama mo si Montellano? Nalaman na lang namin na wala na kayo dito. Pinilit ka ba niya na sumama sa kanya? At nasaan nga pala kayo?"

Sa dami ng tanong ni Brent, di ko alam kung alin roon ang sasagutin ko. "Okay kang ako. Sumama ako kay Montellano nang malaman kong pupunta siya dito sa centro dahil may bibilhin din naman kasi ako. Anyway, pabalik na rin kami diyan."

Nang mapanatag na rin naman si Brent sa sinabi ko, hindi na siya nagtanong pa ng kung ano at nagpaalam na rin kabilang linya. Pagkababa ko rin ng phone, ay siyang eksakto rin ng biglang pagtigil ng sasakyan kaya napatingin ako kay Montellano at sa kung saan kami huminto. Namalayan ko na lang na iilang metrong layo na lang pala ang dagat mula sa daan kung saan kami nakaparada.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko bagaman obvious na sa'kin ang sagot kung bakit. Pero gusto ko pa ring marinig mula sa bibig ni Montellano.

"Di'ba sabi mo gusto mong pumunta rito. Ito 'yong sinasabi mo kanina diba?" sagot niya na ikinanganga ko.

"Kung gano'n, di pa tayo uuwi? Tuloy ba ang--" Hindi ko matapos ang tanong ko dahil mas nakabantay ako sa kung anong reaksyon ng mukha niya na mas may sagot.

Tumango lang kasi siya saka bumaba na ng sasakyan. Napasunod na rin lang ako na nag-aalinlangan pa rin sa nangyayari kung totoo ba 'to o baka nagbibiro lang siya.

Naglakad kami papuntang maliit na cottage at nakiupo roon na na nakaharap sa dagat. Hindi naman private property ang napasukan namin na sadyang pampublikong lugar. May mga naliligo rin naman pero kokonti lang naman at halos mga paslit na bata rin lang.

"Ano bang meron dito bukod sa dagat? At anong gagawin natin dito? Maghahabulan?" sambit niya na hindi ko alam kung sinasadya ba niyang mang-inis o nagbibiro lang at sinusubukang magpatawa. Pero sa tingin ko sinusubukan lang naman niyang bumukas ng mapag-uusapan. Halatang di siya komportable sa ganitong set-up. Mukhang alam na rin kasi niya ang gusto kong mangyari, at iyon ay ang makapag-usap kami ng masinsinan at mas magkakilanlan.

"Ayaw mo ba rito? Pwede naman tayong umuwi na." sambit ko dahil ayoko rin namang napipilitan siya. Iniisup ko tuloy kung ako bang nakapagpabago sa desisyon niya na pagbigyan ako sa gusto ko at isantabi ang pagmamatigas niya.

"Nandito na tayo, ba't pa tayo aalis? Gawin mo na ang gusto mong gawin, maliligo ka ba sa dagat?"

"Pwede naman, kung sasamahan mo ako." balik ko sa kanya na agad niyang inilingan.

"Ayokong maligo." maikling sagot niya na binakuran agad ang ideyang naiisip ko.

Dumaan ang nakakabinging kaahimikan sa pagitan namin. Mukhang hindi talaga siya komportable sa ganitong sitwasyon pero gusto ko pa ring ipilit. "Hindi mo ba itatanong kung bakit mas gusto kong dito na lang tayo?"

"Bakit nga ba, bukod sa gusto mong maupo lang dito para tipid at walang gastos?" Kahit na parang robot lang siyang sumasagot sa bawat tanong ko, naaappreciate ko pa rin naman iyon dahil effort na rin iyon sa kanya. Alam kong nagtitiis lang siya kahit ang totoo nababagot na siya. Himala na lang talaga na kinakausap pa niya ako at hindi pa niya ako tinatalikuran.

Inalis ko ang tingin sa kanya at pinili kong tumitig sa dagat. "Dahil mas gusto ko sa ganitong tahimik na lugar at wala tayong ibang gagawin kundi mag-usap at mas makilala pa ang isa't isa."

"Bakit pa? Kilala na natin ang isa't isa…" Alam kong sasabihin niya 'to kaya sumingit na ako.

"Sa mas malalim na pagkakakilala. Marami pa akong hindi alam sa'yo at tiyak na gano'n ka rin naman sa'kin."

"Mukhang malaki na ang pagkagusto mo sa'kin dahil nasa ganyang punto ka na ngayon na gusto mo ng malaman ang lahat-lahat sa'kin. Pero di naman kita masisisisi, dahil marami-rami na ring nagkagusto sa'kin at di ko na nga mabilang kung pang-ilan ka."

"Pero kung nagustuhan ka man nila, 'yon ay dahil sa looks mo o sa popularidad mo o sa yaman mo at hindi sa kung sino ka talaga. Iba pa rin yong mamahalin at gugustuhin ka ng isang tao dahil sa kinilala ka nila, mapaloob at labas."

Natawa siya ng bahagya. "Kaya sa tingin mo, ikaw 'yon?"

Seryoso pa rin ako sa kabila ng hindi pagseseryoso niya. "Tingin mo ba ako na 'yon?" balik na tanong ko sa kanya naikinatahimik niya ng ilang segundo. Nang hindi siya sumagot, muli anong nagsalita.

Nawala bigla ang pilyong ngiti niya tulad ng kanina at biglang nagseryoso. "Iniisip mo ba Mira na gusto na kita?"

Pakiramdam ko sa'ming dalawa, ako ngayon 'yong desperada at hindi ko alam kung paanong napunta na naman ako sa ganitong sitwasyon na para bang hulog na hulog na naman ako sa kanya.

May kung anong kabang bumalot sa dibdib ko dahil hindi ko gusto ang paraan ng pagkakatanong niya. Para na rin kasi niyang pinamumukha sa'kin na nag-aassume na naman ako. "Bakit hindi ba? Wala ba kahit konti? Kahit konting-konti?"

Alam kong meron kahit konti, pero duda akong aaminin niya 'yon sa harapan ko. Dahil kung wala, wala sana kami ngayon dito, hindi sana niya ako pinagtatiyagaang kausapin ng ganito.

Walang lumabas sa bibig niya kaya akala ko wala na at di na niya ako sasagutin pa. Pero ikinagulat ko na lang nang bigla siyang nagsalita.

"Konti. Konting-konti so don't get too excited dahil tingin ko panandalian lang naman 'to." Sabi niya na ikinabuhay ng dugo ko sa katawan. Bagaman hindi gano'n kagandahan ang sagot niya, iisa pa rin naman ang ibig sabihin no'n sa pandinig ko. Gusto niya nga talaga ako.

Awtomatikong lumapad ang ngiti sa pisngi ko na hindi na nagpapigil pa. Napuna agad iyon ni Montellano kaya pinagsabihan niya ulit ako. "Sabi ko konti lang at tiyak na mawawala rin iyon, kaya di ko maintindihan kung bakit parang akala mo nagpropose ako sayo. Ganyan na ba talaga kahina ang pag-intindi mo?"

"Gusto rin naman kita Montellano. At lamang yata iyon ng konti sa'yo." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung paanong lumabas na rin lang iyon sa bibig ko. Sa isang iglap, biglang naging sigurado ako ngayon sa nararamdaman ko sa kanya. Alam kong walng masyadong magandang katangian si Montellano at napakahirap pakisamahan, at 'yon ang di ko maintindihan kung bakit sa kabila no'n, nahuhulog pa rin ako sa kanya…

Gusto kong mawala 'yong awkwardness sa pagitan nmin kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita habang nakatanaw sa dagat. "Naaalala ko noong freshman year noong una kitang makita. Nagkagusto agad ako noon sa'yo kahit di pa kita kilala… At 'yon ay dahil sa binayayaan ka nga naman ng magandang mukha na bentang-benta sa mga babaeng tulad ko. Daig mo pa ang artista na pinagkakaguluhan kaya alam ko na noon na marami akong magiging kakompetensiya sayo, pero di pa rin ako tumigil. Masaya akong sinusundan at hinahabol-habol ka ng tingin araw-araw… Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ginaganahan akong pumasok at mag-aral ng maayos lalo na't kaklase kita sa ilang subjects at ayokong mapahiya sa'yo kahit di mo naman ako kilala. Hanggang sa isang araw, dahil sa kaka-stalk ko sayo, napansin mo rin ako at nagawa mo na ring tandaan ang mukha ko. Akala ko ikatutuwa ko iyon na malaman mo na rin ang pangalan ko, pero di pala dahil kung natandaan mo man ako iyon ay dahil sa di mo na nagugustuhan ang pag-aaligid ko sa'yo."

"Sa lahat ng nagkakagusto noon sa'kin, sa'yo ako nabahala at natakot." singit ni Montellano na buong akala ko di nakikinig sa kinukwento ko. "Para ka ng obsessed na sumusulpot kung saan ako naroon. Nabahala ako noon dahil iniisip ko na baka mas lumala pa ang pagkagusto mo sa'kin at kung ano-ano na ang gawin mo. Kaya naisip ko noon gumawa ng paraan para lang mawala 'yong pagkahibang mo sa'kin."

"Kaya pinahiya mo ako sa lahat…" dugtong ko dahil pareho naming alam ang eksaktong nangyari noon. "At nagtagumpay ka naman, dahil matapos noon, sinumpa na kita na hinding-hindi na ako magkakagusto pa sayo."

"And here you are today… Ikaw na siguro ang sinusumpa ng sarili mo noon dahil kinain mo lang naman ang binitawan mong salita. Pero di rin naman kita masisisi, I'm irresistible."

Natawa na rin lang ako. Unti-unti ko ng nagugustuhan ang takbo ng kwentuhan namin na para bang nagiging natural na rin lang ang lahat katulad ng gusto kong mangyari. "Di ko rin alam kung kailan kita nagustuhan ulit. Basta ang alam ko lang, nabawasan ang inis ko sa'yo nang iligtas mo ako noon sa ahas. Di ko inaasahang gagawin mo 'yon… Muntik ka na kayang mamatay noon. Karga de concencia pa kita kung nagkataon." tumigil ako sandali saka bumaling sa kanya para tanungin ang bagay na matagal ko ng isinantabi. "Bakit mo nga ba ako niligtas noon?"

Nagkibit-balikat siya "Di ko rin nga alam, nangyari na lang. Di ko naman inisip na mapapahamak ako no'n. Pero kung alam ko rin lang na matutuklaw ako ng ahas na 'yon, siguradong di kita sinalba noon. Mas mahal ko ang buhay ko kaysa sayo."

"Pero hindi yan ang sinabi mo noong natuklaw ka na at nanghihina sa tabi ko. Sabi mo, hindi ka natatakot mamatay…" Nalulungkot ako tuwing naaalala ko iyon. Huli na ng malaman ko kung bakit gano'n na lang mag-isip si Montellano. Saka ko rin lang narealize na hindi lang siya 'yong mayabang na Montellanong kilala ko… Na may dinadamdam din siya at dinadalang mabigat na hindi nakikita ng iba. Sa kabila rin ng magaspang na ugali niya noon, inalagaan at pinakalma niya ako. Humanga ako sa kung paano niya dalhin ang sitwasyon na walang pag-aalala sa pwedeng masamang mangyari.

"Gano'n pa rin naman ako hanggang ngayon. Di natatakot mamatay." Paunti-unti, di namamalayan ni Montellano na hinihila ko na siya sa mas malalim na usapan.

"Yon ay dahil wala ka pang bagay na sobrang pinahahalagahan dito. Pero sabi nga nila, kapag nahanap mo na 'yong bagay na ayaw mong pakawalan, di mo na ring gugustuhing basta na lang mawala dito sa mundo. Kaya kapag dumating sa'yo yon Montellano, siguradong magkakaroon ka na rin ng takot na mamatay at mas malalim na dahilan para mabuhay. Malay mo, ako na pala yon." Lumabas na lang sa bibig ko ang huling linyang iyon kasabay ng malakas na pagtawa ko pero di ako sinabayan ni Montellano, kaya natigilan rin ako.

"Para namang napakaimportante ng tingin mo sa sarili mo. Iba talaga ang pagkakaintindi mo salitang 'konti' noh?"

Nabalik ang tawa ko sa sinabi niya pero agad din iyon natigil dahil sa kung anong biglang pumasok sa utak ko. Darating kaya 'yong araw na madadagdagan yong konting yon? Mamahalin kaya ako ng lalaking 'to o baka ako lang ang mahulog at masaktan sa huli?

Di ko alam kung ilang segundo ako natanga sa kawalan, nang bumaling ako kay Montellano, wala na siya sa tabi ko. Mga dalawang metro ang layo niya sa'kin na para bang may napulot sa buhangin. Di ko malaman kung ano 'yon kaya napalapit ako at nakita ko na lang na nakatitig siya sa maliit na alimasag sa palad niya. Napapangiti siya habang hawak-hawak iyon na para bang unang beses siyang bakakita no'n.

"Mira!" excited na tawag niya sa'kin sa masayang ekspresyon. Sa unang pagkakataon, nakitaan ko si Montellano ng maaliwalas na mukha na ibang-iba sa kilala kong siya. Para siyang bata na punong-puno ng ekspresyon dahil lang sa iisang alimasag.

"Tignan mo Mira, nakakita ako ng asul na alimasag!" pagtawag niya ulit habang ngumingiti pati ang mga mata niya. "Kunin mo 'yong phone ko diyan sa inupuan ko, bilis!"

Agad naman ako sumunod sa sinabi niya. Pagkabigay ko sa kanya ng phone niya, wala siyang ibang ginawa kundi ang kunan iyon ng picture saka muli niya ulit binigay sa'kin ang phone niya na para bang ako ang taga-tago no'n.

Sunod niyang ginawa ay binaba niya ito sa basang buhangin na malapit lang maabot ng alon at binantayan niya iyon na ito mismo ang lumapit sa dagat. Pero hindi pa lumilipas ang isang minuto kinuha niya ulit iyon nilayo sa dagat.

"O, bakit? Di mo na ba yan ibabalik sa kung saan siya dapat?" Napapatanong ako dahil di ko rin alam kung ano ang nasa isip niya. Umupo siya sa buhangin at gumawa ng mababaw na hukay para sa alimasag.

"Pakakawalan ko rin 'to pero mamaya na siguro. Dito muna siya." sagot niya niya saka binantayan ang alimasag na para bang sinusulit niya ang oras na nasa harapan niya pa iyon.

Masyado rin akong naaaliw sa nangyayari pero hindi dahil sa kakaibang alimasag kundi sa kakaibang Montellano. Hindi ako makapaniwala na ang taong kilala ko na walang pakialam sa iba, ay magkakaroon ng pakialam sa isang walang emosyon na nilalang. At sa puntong 'to, saka ko rin lang naisip na ito ang proweba na marunong rin si Montellano mag-alaga at magpahalaga kung gustong-gusto niya ang isang bagay. Paano pa kapag nagmahal na ang taong 'to?

------🤗------

Super tagal ko na lagi mag-update unlike before na kahit papaano nakakatwice a week ako sa pag-UD, ngayon kung hindi isa, zero sa isang buong week. Pacencia. 😁

P.S. Guys, may marerecommend ba kayong kanta, yong masakit na nakakaiyak ang lyrics. Ung senti. Kailangan ko ng mapaghuhugutang inspiracion. Pleath... Beke nemen...😢 pakicomment niyo na lang po. Thanks in advance.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top