Oh 5
K A B A N A T A 5:
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw na tumatama sa mata ko.
"Ano ba! Pakisara naman. Natutulog pa ako." Pikit-matang pag-angal ko sa kung sino mang bumukas ng bintana.
"Bumangon kana kasi Miranda.."
Ramdam ko ang biglang pagkabog ng puso ko sa nakikilala kong may-ari ng tinig ng taong sumagot. Awtomatikong minulat ko ang mga mata ko para alamin kung guni-guni lang ba 'yong narinig ko. Pero ang gwapong mukhang nasilayan ng sarili kong paningin ang kumimpirma na totoo ngang si Brent iyon.
"Brent?" gulat na sambit ko kasabay ng paggala ko ng paningin sa paligid. "Si-sinong kasama mo?"
"Ako lang. At tumuloy na ako dito sa kwarto mo, dahil mukhang walang ibang tao dito sa bahay niyo. Kanina pa ako katok ng katok."
Isang surpresa para sa'kin ang makita ngayong umaga si Brent sa mismong bahay at kwarto ko pa. Sa tinagal-tagal na kasi naming magkaibigan, ngayon lang siya pumunta sa bahay na hindi kasama ang ibang barkada. Madalas na napapadalaw lang ito kapag may mga okasyon o nagkakayaan silang magkakaibigan at hindi tulad nitong ordinaryong araw at wala pa itong kasama. Mas madalas lang kasing si Art o si Alexa ang gumagawa ng ginagawa nito ngayong walang paalam na pagdalaw sa bahay.
"At bakit ka naman napunta rito ng ganito kaaga? Anong sadya mo?" Pilit tinatago ko ang tuwa na makita siya.
"Ganito kaaga?" pag-uulit nito. "Halos tanghali na, Mira.. At nandito ako para daanan ka, sabay tayong papasok, diba pareho tayong schedule tuwing Monday."
Gustong-gusto kong tumili pero malaking pagpipigil ko na kumuwala ang bagay na 'yon sa bibig ko.
Sabay kaming papasok?! Pero bakit? Anong nangyayari? Nananaginip pa ba ako?
"Pero hindi pa ako nakaligo.." tanging nasabi ko kahit na mas gusto kong itanong ang eksaktong lamang tanong na nasa isip ko.
"Then I'll wait you. Kaya kumilos kana, bago ka pa mahuli sa klase mo."
"Pero ikaw? Ba-ka ikaw ang mahuli sa klase mo kapag.. hinintay mo pa ako.."
"Mahaba-haba pa naman ang oras pero kung hindi kapa kikilos ngayon, mahuhuli talaga ako sa sarili kong klase at ikaw ang sisihin ko... So better move your feet now."
Napakilos rin ako agad na walang balak makipagtalo kay Brent. Kung may pinakamasayang umaga man akong namulatan sa buong buhay ko, ngayong araw iyon. "Okay. Fifteen minutes!"
Pagkapasok ko sa loob ng banyo saka ko rin lang nalabas ang kilig na kanina ko pang nararamdaman. Kontroladong tili ang pinakawalan ko na sigurado ko namang hindi maririnig sa labas.
Mabilis na parang hindi man lang ako umabot sa fifteen minutes sa sobrang pagmamadali. Hindi ko hahayaang mangyaring mainip si Brent sa kahihintay.
Sa loob ng kakaunting minutong nagawa kong maligo at makapagbihis, hindi ko naman nakalimutang makapag-ayos at makapag-paganda. Importante sa'kin ang kaunting pahid ng lipgloss at blush-on na higit na kailangan ko ngayon.
Ilang minuto lang sakay ma ako ng kotse ni Brent. Kahit na malayo ang distansya ko sa kanya, ramdam ko pa rin ang epekto niya sa sa'kin. Nanlalamig na naman ang kamay ko na nagiging natural ko na yatang reaksyon. Isipin ko pa lang kasi na kaming dalawa lang ngayon ang magkasama at idagdag pang sinundo niya ako sa bahay, parang nabubuhayan na agad ang puso ko.
"Mira..." tawag ni Brent para kunin ang atensyon ko sa sasabihin nito.
"Bakit?" Kalmadong tanong ko kahit hindi iyon ang nararamdaman ng loob ko.
"Kilala ko ba siya?... Sila na ba?"
Biglang napakunot ang noo ko sa hindi ko agad na maintindihang tanong ni Brent. "Huh?"
"Tinutukoy ko 'yong lalakeng nagugustuhan ni Alex.."
Aww.
Parang biglang bumaba ang blood pressure ko sa narinig. Hindi man lang sumagi sa isip ko na ito talaga ang pinakapakay ng pagkaligaw ni Brent sa bahay namin. At pakiramdam ko, napakatanga ko para isipin na pwedeng—
Hindi na dapat ako umasa pa.
"Mira?" Muling pangungulit ni Brent. "Sila na ba?"
"Hindi ko pwedeng sabihin sayo." Tanging nasagot ko para pagtakpan ang sarili kong kasinungalingan. Sa oras na malaman ni Brent na walang katotohanan ang pinagsasabi ko sa kanya, tiyak na magagalit ito.
"Mira.. Hindi naman niya malalaman na sinabi mo sa'kin. Gusto ko lang malaman kung sino ang lalake.. 'yon lang. Wala akong balak manggulo o kung ano pa mang bagay na iniisip mong pwede kong gawin. Gusto ko lang malaman ang ilang impormasyon, gaya ng.. Gaano niya kagusto 'yong lalakeng iyon? Kelan nagsimula? Sila na ba? At kung sino?"
"Brent.."
"Mira.."
"Pero—"
"Miranda please.." Nasa mukha ni Brent matinding pakiki-usap. Hinawakan rin nito ang balikat ko na nagdulot na naman ng bolta-boltaheng kuryente sa pakiramdam ko.
Napatitig ako sa nakahawak nitong kamay sa balikat ko. Wala man lang ideya si Brent sa kakayahan niyang patibukin ng ganun kadali ang puso ko sa mabilis na ritmo.
"Oo na, sasabihin ko na." hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang pagpayag. "Mangako ka munang wala kang pagsasabihan nito... dahil ako ang mananagot kay Alex."
Parang gusto ko tuloy magsisi sa ginawa kong pagsisinungaling kagabi. Ngayon ay kailangan kong ipagpatuloy ang gawa-gawang kwento.
Sunud-sunod ang sinagot na pagtango ni Brent. "Sure."
Napalunok ng ilang beses si Mira bago nagsimula. "Hindi mo kilala yong lalakeng 'yon o ng barkada, pero matagal na siyang kakilala ni Alex, matagal na rin kasi yun nagpaparamdam."
"Sila na ba?"
Sandali akong natigilan sa tanong. Gusto kong sabihing Oo para baka sakaling piliin na lang ni Brent ang kalimutan si Alex, pero parang uusugin naman ako ng konsensiya nito dahil sa patong-patong na pagsisinungaling na nagagawa ko.
"Hi-hindi pa.." nagawa ko ring isagot. Pero parang bigla kong gustong bawiin ang binitiwan kong salita nang makita kong nabuhayan si Brent kasabay ng ngiti.
"Kung ganoon... paano kung..." makahulugan ang mga tingin ni Brent. "What if... magtapat ako kay Alex? sa tingin mo may pag-asa ako? Dahil kung hindi pa sila pwedeng may habol pa ako. What do you think?"
Tuluyan ng bumagal ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Mira.. what do you think?" muling tanong ni Brent nang hindi ko siya sinagot. "Ikaw ang nakakaalam dahil sayo madalas magkuwento si Alex. Ano na ba ang lugar ng lalakeng 'yon sa puso niya?"
"Brent... sa tingin ko, mas mabuti kong 'wag ka munang gagawa ng kung ano mang hakbang. Sa tingin ko kasi, wala kang pag-asa sa kanya. Halos kapatid lang ang turing niya sayo tulad sa ibang barkada."
Biglang parang bumagsak ang mukha ni Brent sa pagpatay ko sa pag-asa nito. Tahimik na lang na napatango ito.
"Bakit 'di mo na lang ibaling yan sa kung sino mang mysterious kisser mo.." sa pabirong paraan siningit ko ang bagay na gustong-gusto kong sabihin na... sana ako na lang.
Iling ang unang sinagot ni Brent. "Naging interesado lang naman ako sa mysterious kisser na yon, dahil akala ko.. it was Alex."
Parang mas domoble ang inggit ni Mira kay Alexa. "Gusto mo talaga si Alex noh?"
"Matagal na." pag-amin ni Brent sa seryosong tono. "I always have this crush on her kahit noon pa. I like her simplicity.. personality.. yong walang kaarte-arte.. Beautiful in and out."
"Pero bakit, hindi ka nagpaparamdam sa kanya..?" patuloy na pag-uungkat ko kahit na nasasaktan ako sa mga sagot ni Brent.
"Plano kong gawin sana 'yon kapag tumuntong na si Alex ng eighteen... which is next month. Pero matapos kong marinig sayo na wala akong pag-asa... at malaki ang pagkagusto niya sa lalakeng 'yon.. parang nagdadalawang isip na ako. I don't want to ruin the friendship... dahil iyon 'yong tanging bagay na dahilan para mapalapit sa kanya."
Walang masabi akong masabi. 'Yon din ang eksaktong bagay na dahilan kung bakit wala akong balak magpakilala sa kanya na ako ang mysterious kisser. Ayaw kong makasira yon sa pagkakaibigan namin dahil baka mawala ang pagkakataong tulad nito na nakakasama ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top