Oh 49 😘

Sa mga nabiktima ko nung April Fool's day, sorry na po. Patawad. Hahah. Labyu.
Eto na talaga 'to. Totoo na 'to. Pakihanda na lang ang mga puso. Hahah.

K A B A N A T A :49

Tatlong metro ang layo ko kay Montellano habang tuloy pa rin ang paisa-isang sulputan ng mga kagrupo namin sa kanya. Ilang beses akong nagtatangkang lumapit at puntahan siya pero sa tuwing gagawin ko iyon, natitigilan ako dahil biglang may susulpot din sa'kin.

"You did well, Mira." sambit sa'kin ni Brent na nakabihis na. Napapatingin siya sa noo ko saka nagsalitang muli. "Hindi ka na dapat niya hinalikan pa sa noo. Di naman hinihingi sa eksena. Nadiskomportable ka ba?"

"Hindi naman. Parang hagip nga lang hangin." sambit ko habang pilit kong tinatago ang totoong reaksyon ko sa pagbanggit niya ng halik. Kung alam lang niya na higit pa sa halik sa noo ang sumurpresa sa'kin kanina, at di man lang ako nakaramdam ng pagiging diskomportable.

"Magbihis ka na. Lalabas na rin ako at hihintayin ka na lang namin ng barkada sa labas." sabi niya na hindi umaalis sa kinatatayuan niya. "Pumasok ka na sa dressing room at magbihis." pag-uulit niya sa'kin kaya di na rin ako nagkaroon pa ng pagkakataon na siliping muli si Montellano.

Matapos makapagbihis, kasama ko ng dumiretso sa ground sina Brent, Art, Alex at gano'n na din si Natsy at ang kasama niya para sa festival night kung saan puno lang iyon ng kwentuhan, sayawan at kasiyahan. Kanya-kanyang grupo ang nagkukumpulan sa kung saang parte ng lugar na parang picnic style lang habang maririnig ang masayang beat ng music. Nakahanap din kami ng pupwestuhan sa bakanteng gilid at umupo na roon sa damo na nakapalibot sa isa't isa.

"Ang galing mo doon Mira sa acting mo kanina. Grabe, ang bigat ng role mo. Ilang gabi mo ba minemorized ang lines mo?" pang-aasar sa'kin ni Art na gusto kong batuhin ng chips kung hindi lang ako nanghihinayang. "Pero akala ko ba, kayo ni Brent ang gaganap sa main role?"

Hindi na namin nasabi sa kanila na napalitan na ang role namin kaya nagulat na lang sila nang nakita nilang hindi kami ni Brent ang mga bida sa palabas.

"Niloko niyo lang yata kami para mapilitan kaming manood ng palabas niyo." sambit naman ni Alex na napangiti na lang bigla. "Pero aaminin kong, kinilig ako sa inyo ni Montellano. May chemistry din pala kayong dalawa, sayang lang dahil sana umpisa pa lang ikaw na lang ang gumanap na Aurora."

Sa pagbanggit ng pangalan ni Montellano, biglang naalala ko na lang ang halik kanina, pero bago ko pa man ulit-ulitin ang memoryang iyon sa utak ko,  sumingit na si Brent na hindi maganda ang reaksyon ng mukha.

"Chemistry?" kuwestiyon ni Brent na pinuna ang komentong iyon ni Alex. "Mukha lang siguro na ganon dahil alam naman natin na sanay na sanay na sa ganoong galawan si Montellano." Mula kay Alex, bumaling sa'kin si Brent na di nakakalimutang magpaalala. "Kaya Mira, ganoong mga lalake ang dapat iniiwasan mo."

Nakita kong nagtinginan si Art at Alex na alam kong makahulugan ang reaksyon na buti na lang ako lang ang nakakapansin sa dalawa. Dumating na rin si Kyle na siyang nahuli ang dating, bumawi naman siya sa dala niyang malaking size ng pizza.

Nagsisimula pa lang ang kwentuhan namin, biglang napunta na lang ang atensyon namin kay Natsy na nagyayaya na kay Brent na umuwi. Ni hindi pa nagsisimula ang tunay na party pero parang wala ng makakapigil pa sa kanyang desisyon na umalis. Wala na ring nagawa si Brent kundi ang tumayo para ihatid pauwi si Natsy.

"Nakita niyo ba ang disappointment sa mukha ni Brent?" osyoserong sambit ni Kyle na nagpauna sa tsismisan nang wala na sa paligid sina Brent at Natsy.

"Sino ba naman ang hindi madidisappoint roon? Ang KJ ni Natsy. Ayaw ba niya sa'tin?" sabat rin ni Art na numero unong mapanghusga. Siya talaga ang klase ng tao na isasalaysay ang anumang maling nakikita niya sa kakikilalang tao. "Ni wala siya sa mood na makipag-usap sa'tin sa simula pa lang. Parang may attitude problem."

"I agree. Parang, di niya tayo feel." sang-ayon ni Alex. "Kung totoo man ang obserba natin, aba'y di ko rin siya gusto."

"Hindi lang talaga siguro siya mahilig sa mga ganitong party. Baka hindi lang siya komportable dahil ang alam ko mas subsob lang talaga siya sa pag-aaral. O baka naman may ibang rason kung bakit siya maagang umalis." pagbabahagi ko dahil 'yon din ang alam ko base sa mga naikukuwento ni Brent.

"O baka di lang talaga niya gusto si Brent? Parang napipilitan lang naman siya na pumunta rito." opinyon din ni Kyle na di nagpapahuli. Napasabat na lang ako ulit.

"Tigilan niyo nga yan." sapaw ko sa kanilang lahat dahil parang masyado naman silang unfair kay Natsy. "Hindi niyo pa nga nakikilala ng lubusan 'yong tao, kung anu-ano na ang iniisip niyo tungkol sa kanya. Ba't ba kayo ganyan?"

"Dahil di hamak na mas bagay ka kay Brent." sagot ni Art na ikinataas ko ng kilay.

"So, ako pala ang rason kung bakit niyo ipinagdadamot si Brent kay Natsy?" Napabuntong hininga ako. "Guys, tigilan niyo na nga ang kakatambal sa'min ni Brent dahil di na rin maganda na umaabot na sa ganitong punto na dinadamay niyo ang babae ng nagugustuhan niya."

"Pero tingin ko naman di niya naman talaga yon gusto si Natsy. Di pa lang talaga niya narerealize na ikaw ang gusto niya. Kitang-kita naman kanina kung paano siya magreact nung tinutukso ka namin kay--"

"At isa pa yan!" putol ko na sa kanya dahil alam ko na rin naman ang sasabihin niya. "Ayokong tinutukso niyo ako sa harapan niya, at magtitinginan na may kahulugan. Buti na lang ako lang ang nakakapansin sa inyo. Para kayong mga bata…" Sa puntong ito, pakiramdam ko ako na lang talaga ang matino sa'min at pinakamatured kung mag-isip. Malapit na nga akong mapikon dahil sa halip na makaintindi sila, mas lalo lang silang nagrarason ng pinaglalaban nila.

"Loyal lang talaga kami sayo." Inakbayan ako ni Alex na parang hindi man lang tinatalaban ng pinapakita kong pagkainis.

"Hindi niyo kailangang gawin 'yan. Paano na lang pala kung may iba na akong nagugustuhan?"

"May iba ka ng nagugustuhan?" Chorus ng tatlo na naging dahilan para pag-isipan ko ang sagot sa tanong na iyon. At pumasok na lang bigla sa isip ko si Montellano.

"H-hindi. Wala." tanggi ko na agad dahil ayokong humaba pa ang usapan namin. Di ko rin naman kasi alam kung anong isasagot sa kanila dahil ako mismo ay parang naguhuluhan pa.

"Dapat lang talaga wala dahil may pinaplano na kaming tatlo para tuluyan ng marealize ni Brent na ikaw ang gusto niya." sabi ni Kyle na ikinasingkit ng mga mata ko sa kanila.

Binalik-balikan ko sila ng tingin. "Tigil-tigilan niyo ang mga planong yan. Ilang beses ko bang dapat sabihing, magmove-forward na kayo dahil nakamove-on na ako."

Parang walang narinig ang tatlo dahil di man lang nagreact sa sinabi ko. "Pagseselosin natin si Brent ngayong gabi kapagkabalik niya rito. We'll use a guy na kakontsaba natin para pagselosin siya." sabi ni Alex sa dalawa na parang wala ako sa tabi nila. Sumang-ayon naman si Art at Kyle.

"Malala na ang mga sayad niyo, alam niyo ba yon?" Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanila dahil kahit ano namang sabihin ko, hindi sila nakikinig."At sino naman ang gagawin niyong kasabwat, aber?"

Nagtinginan ang tatlo na mukhang pinag-isipan din talaga agad ang katanungan ko.

"Si Sherwin kaya? Bryan? Nico?" suhestiyon ni Kyle habang nagmamasid sa mga lalakeng binanggit niya na nasa paligid rin lang.

Napapailing na lang ako sa isang gilid habang patuloy lang sila sa pag-uusap na para bang wala ako sa paligid. Hanggang sa tumayo na lang ako at walang paalam na naglakad-lakad lang muna. Wala akong ibang ginawa kundi ang luminga-linga na parang may hinahanap. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na natigil nang matagpuan ko ang grupo ni Montellano.  

"O, Mira, napadpad ka yata? Isisiksik mo na naman ba ang sarili mo dito? Wala ka namang lugar dito." sambit sa'kin ni Leslie na matagal-tagal ko na ring hindi nakakabangga. Sa napapalakas niyang boses na iyon, napagawi ang atensyon ng iba sa direksyon namin kabilang na roon si Montellano.

Hindi ko na lang pinansin pa si Leslie at dumiretso ako ng lakad palapit kay Montellano. Umupo ako sa tabi niya pero eksakto namang tumayo siya at pumunta sa gitna para makisali sa nagsasayawan.

Iniiwasan ba niya ako?

"Naghahabol-habol ka na naman ba kay Montellano?" sambit ng boses sa likod ko na di ko na kailangan pang lingonin para malamang si Leslie iyon. "At umaasa ka namang papansinin ka niya?"

Hindi ko siya kinibo dahil wala akong panahon sa mga kung ano-anong hindi magandang lumalabas sa bibig niya. Nang marealize niya na wala akong balak pansinin siya, umalis na rin siya sa harapan ko at sumunod kay Montellano.

Naiwan akong walang kausap sa pwesto ko dahil kung may mga kasama man ako, wala sa'kin ang atensyon nila kundi sa mga katabi nila. Walang pumapansin sa'kin o kumakausap pero di ko malaman kung bakit nananatili pa rin ako roon na para bang ayoko pa talagang umalis.

"Gusto mo ng kausap?" sambit ng isang malalim na boses ng taong tumabi na lang bigla sa'kin. Dahil pamilyar na rin naman ako sa grupo ni Montellano, nakilala kong si Cypher iyon.

Nangangamoy alak siya at amoy rin sigarilyo kaya di ko napigilang punain siya. "Paanong nakapagpuslit kayo ng alak dito at malayang nakakapag-inom na para bang di kayo mahuhuli, e pinagbabawal yan dito."

"Boring kapag walang alak. At wala namang magsusumbong." sagot niya na inalok pa ako ng isang bote ng alak. Inabot niya iyon sa kamay ko at tinaggap ko naman. Di naman ako uhaw sa alak, pero napapainom na rin lang ako dahil pakiramdam ko kailangan ko rin nito.

"Naparami na yata ang inom mo, lasing ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Sa mga kasama ni Montellano sa grupo niya, si Cypher ang napapansin ko noon pa man na matino-tino. May pagkahambog rin nga lang pero hindi naman kalevel ni Montellano at ng ibang mga kaibigan niya na nasobrahan at may pagkabasagulero pa.

"Hindi pa naman ako lasing." sagot niya na linyahan ng mga taong nakainom. "Matino pa naman akong kausap… At dahil matino pa ako, papayuhan na kita na di ka dapat nagdididikit sa grupo namin. Masamang impluwensiya kami sa tulad mong inocente."

Di ko minasama ang pananaboy niya kumpara sa pananaboy sa'kin kanina ni Leslie dahil kung tutuusin isang matinong payo ang sinambit niya. Kung may grupo man akong dapat layuan, ito yon na grupo nila. Pero bakit ayaw kong pakinggan ang paalalang iyon?

"Anong kailangan mo kay Mon?" tanong ni Cypher sa'kin na malinaw na si Montellano ang tinutukoy niya. "Siya ang dahilan kung bakit ka na naman napadpad dito di'ba?"

"Napadaan lang naman ako--"

"Kung napadaan ka lang dapat dumaan ka lang at di na tumigil pa rito na parang asong nagbabantay kay Montellano." prangkahang sabi niya na di marunong magpasikot-sikot ng salita. "Ngayon, tatanungin kita ulit, anong kailangan mo sa kanya?"

"May kukumpirmahin lang ako…" sagot ko na siyang kanina ko pa tinatanggi sa sarili ko. Kung hindi man ako makakaalis-alis sa pwesto ko ngayon, yun ay dahil umaasa pa rin akong magkakausap kami ni Montellano. May mga bagay akong gustong linawin mula sa kanya.

"Tulad ng?" tanong ulit ni Cypher na gusto kong pagtawanan.

"Ganyan ka ba talaga kaosyosero? Di mo ba naisip na baka personal ang sasabihin ko kay Montellano at di mo na kailangan pang malaman pa…?"

"Bakit? Gaano ba yan kapersonal? Tungkol ba 'yan sa nararamdaman mo sa kanya? In love ka na sa kanya?"

Ayoko sa reaksyon ng mukha ni Cypher na para bang ano mang oras handa siyang humalagpak ng tawa para pagtawanan ako.

Sumeryoso rin agad ang mukha niya at gano'n na rin ang tono ng boses niya. "Kung balak mong magtapat sa kanya, huwag mo ng gawin, dahil siguradong iiyak ka lang."

Humugot ako nga tapang sa kailaliman ng loob ko. "Paano kung gusto rin pala niya ako?" Ito ang tanong na madalas ng sumisiksik sa utak ko at tingin ko hindi lang naman 'to basta kutob.

Tuluyan ng lumabas ang pigil-tawa ni Cypher. "Sinasabi mo ba sa'kin na naniniwala kang may gusto sayo si Mon?… Ako na ang nagsasabi sayo na hindi ikaw ang unang babae na naging ganyan ka-delusional kay Montellano. Narinig mo naman siguro na marami ng nahulog sa kanya, pero ni isa sa mga babaeng 'yon wala pa siyang minahal. Kawawa ka, dahil nagpabiktima ka naman…"

Hindi man lang bumaba ang kumpyansa ko sa sarili at sa paniniwala kong meron kahit kaunting nararamdaman sa'kin si Montellano. Alam kong nagiging assumera ako pero di ko mapigilang ipilit ang katotohanang iyon kay Cypher.

"Nakita mo na bang nagselos si Montellano?" tanong ko sa kanya na hindi na niya pinag-isipan pa ang isasagot sa'kin.

"Hindi dahil hindi siya nagseselo--" Natigilan si Cypher sa pagsasalita nang magawi siya sa direksyon ni Montellano na nakatingin sa'min. At yon ang klase ng tingin na nagbabantay at parang nagbabanta. "Well, this is interesting…" sambit ni Cypher na binalik sa'kin ang tingin matapos siyang makumbinsi na mali ang una niyang mga sinabi. Pareho na lang kami na nagpanggap ni Cypher na walang napansin.

"Ba't di na lang natin lubos-lubusing malaman kung tama ngang nagseselos siya?" Tumayo si Cypher at nilahad ang kamay niya sa'kin saka kumindat. "Sumama ka sa'kin at sabay nating alamin kung may gusto nga ba sayo ang isang Drew Montellano."

Hindi ko pinag-isipan ang sagot sa alok niyang iyon at tinanggap ko na lang ang kamay niya't tumayo na rin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kung anong excitement. Alam kong mahirap mag-expect pero di ko mapigilan ang sarili ko na kanina pang kompyansa na may nararamdaman din sa'kin si Montellano. Assumera na kung assumera, pero malakas talaga ang pakiramdam ko, at wala akong ibang gusto kundi ang mapatunayan 'yon ngayon.

"Tingin mo susunod siya?" Tanong sa'kin ni Cypher habang hawak pa rin niya ang kamay ko na parang wala siyang balak bitawan. Tumigil kami sa hindi mataong lugar. Bago pa man ako makasagot, tumunog ang phone ni Cypher at napunta na rin lang sa kanya ang atensyon ko nang makita ko ang reaksyon niya.

Hindi niya iyon sinagot at binulsa na lang ulit. "That's Mon."

Tuwa ang unang nangibabaw sa nararamdaman ko kahit sabihing hindi nakukumpirma sa tawag na iyon ang gusto naming mapatunayan. "Ba't di mo sinagot?"

"Kung totoong gusto ka talaga niya at totoong nagseselos nga siya, hahanapin niya tayo at matutunton ka niya."

Napatango na lang ako. "Thanks."

"You don't have to thank me. I'm not doing this to help you. Sabihin na lang natin na naeentertain ako ngayon sa nalalaman ko kay Mon." Biglang napansin ko ang pagkahilo niya kaya napaakbay siya sa'kin.

"Okay ka lang? Kailangan mo ba ng--"

"Mira!" Sigaw ng boses sa di kalayuan. Nakita ko na lang ang masamang mukha ni Montellano sa paglingon ko. Lumapit agad siya.

"N-nahihilo lang si Cypher kaya inaalalayan ko. L-lasing siya." Bukod sa nauutal ako, naiinis ako sa sarili ko kung bakit kailangan kong magpaliwanag sa kanya na para bang nahuli kami na may ginagawang kababalaghan.

"Ako na ang bahala sa kanya!" pasigaw pa rin niyang sambit na di makakailang mainit ang ulo. Siya mismo ang umalis ng pagkakaakbay sa'kin ni Cypher at nilipat niya yon sa balikat niya. Nang di ako gumalaw sa kinatatayuan ko, bigla niya ulit akong sinigawan. "Ano pa ba ang tinatanga-tanga mo diyan? Di ka na kailangan dito! Bumalik ka na roon sa mga barkada mo!"

Para akong matataranta sa paninigaw niya dahil daig ko pa ang nakagawa ng kasalanan sa kung paano niya ako tratuhin ngayon. Inaasahan kong tutulungan ako ni Cypher pero mukhang malabo rin dahil mukhang di na siya umaarte ngayon nang biglang magsusuka na lang siya sa gilid.

Lalapit sana ako para tumulong pero pinigilan ako ni Montellano at hinila ako palayo.

"Teka, si Cypher…" Totoong pag-aalalang sambit ko dahil di ako makapaniwala na iniwan lang namin roon si Cypher na hinang-hina matapos sumuka. Napahalandusay na rin ito sa sahig. "Paano si Cypher? Iiwan mo na lang ba talaga siya roon?"

"At kailan ka pa naging concern kay Cypher?!" Tuloy lang ang paghatak sa'kin ni Montellano paalis hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kawawang tao.

Tumigil din kami sa paglalakad kaya mas nakikita ko na ngayon ang buong ekspresyon ng mukha niya. At hindi maganda iyon. Pero sa halip na matakot o magpadala roon, mas lalo lang ako nagkalakas ng loob na harapin siya at tanungin ang bagay na gusto kong malaman.

"Ba't ba galit na galit ka? Nagseselos ka ba?" matapang na tanong ko.

Seryoso ang pagkakatanong ko pero sinuklian niya iyon ng sarkastikong tawa. "Nagpapatawa ka ba? Ako? Nagseselos?"

Hindi ako naapektuhan man lang sa reaksyon niya dahil mas lalo lang ako nakukumbinsi na tama ako base sa mariing depensa niya. "Bakit, hindi nga ba?"

"No. Never. Yun ang pinakamalabong mangyari, Mira." Kaila pa niya na mas matigas pa sa bato. Mukhang mahihirapan ako sa pagpapaamin sa kanya kaya mukhang kailangan ko na ring maglatag ng baraha ko.

Tinignan ko siya sa mata saka matapang na umamin. "Tingin ko nagugustuhan na kita Montellano." Pinagmasdan ko ang mukha niya pero nanatili lang iyong blanko na di mababasahan ng anumang emosyon.

"Well, di kita masisisi, hindi ikaw ang unang babaeng nahulog sa charm ko." sambit niya na inaasahan ko na ring lalabas sa bibig niya.

Nakakababa man ng pride pero nagpatuloy pa rin ako. "Ba't di tayo magdate? Hindi kailangang malaman ng lahat. Tayo lang ang nakakaalam."

Nakita ng dalawang mata ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Montellano. Nagkakaroon na siya ng reaksyon kahit papaano.

"At bakit naman ako papayag?"

"Dahil di ka pa sigurado sa nararamdaman mo para sa'kin, at gusto kong patunayan sayo na tama ako." Di ko alam kung saan ko hinuhugot ang kapal ng mukha ko ngayon, pero kailangan kong pangatawanan 'to.

Umiling siya na natatawang muli. "Nakatikim ka lang ng halik ko kanina, nagkakandarapa ka na sa'kin ngayon? Wala ka rin palang pinagkaiba sa mga babaeng naghahabol sa'kin."

Tinamaan ako sa sinabi niyang iyon dahil nakikita ko ngayon kung paano ko binababa ang sarili ko sa harap niya. Parang ngayon rin lang tuloy ako tinutubuan ng hiya sa mga sinabi ko sa kanya.

"Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko sayo." Agad na kabig ko dahil pakiramdam ko ito na lang ang magagawa ko para isalba ang pagpapahiyang ginawa ko sa sarili ko. "Baka nabibigla lang ako. Baka bukas makalawa, wala na 'tong nararamdaman ko sayo."

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at humakbang na rin ako paatras. "Babalik na ako roon. Balikan mo na rin si Cypher--"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang humakbang palapit sa'kin si Montellano at hinapit ang baiwang ko. Sunod ko na lang nalaman, ninanakawan na niya ako ng halik.

Biglang nagblanko ang laman ng utak ko na hindi makapaniwala sa nangyayari. Sa pangalawang beses ngayong gabi, hinahalikan ako ni Montellano habang malakas na kumakabog ang dibdib ko. Anong ibig sabihin nito? Gusto niya rin ako? Kami na ba?

Sa pagtigil ng halik, kumalma na rin ang mga pulso ko sa katawan. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang hindi ako makapagsalita. Hinintay ko na lang na siya ang unang may sambitin pero hindi 'yon ang hinihinging marinig ng tenga ko.

"Bumalik ka na sa mga kasama mo." tanging sabi niya na nakakadisappoint sa parte ko na umaasa.

"Tayo na ba?" kabado ang pagkakatanong ko dahil wala na akong tiwala sa isasagot niya sa'kin pabalik.

"Hindi ako naglalagay ng label sa mga nagiging babae ko." sagot niya na mas lalong naging palaisipan sa'kin. Kami na ba na wala lang label? O wala talagang kami at walang ibang pakahulugan ang halik na yon?

"Walang makakaalam nitong tungkol sa'tin, Naiintindihan mo ba?" pahabol pa niyang sabi na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sumagot na rin lang kasi iyon sa malaking katanungan ko. Kami na nga yata na wala lang label…

"Oo naman." Napapangiting sagot ko. "Wala akong pagsasabihan kahit mga kaibigan ko, pangako."

"Bumalik ka na sa mga kasama mo." huling sabi niya na sinunod ko na rin. Nginitian ko pa siya ulit bago tumalikod dahil di rin ako sigurado kung dapat ko ba siyang iwanan ng yakap, halik o ano pa man na ginagawa ng dalawang taong nagkakaintindihan.

Masayang-masaya ang pakiramdam ko habang pabalik sa pwesto namin kanina ng barkada. Hindi ko mapigilang ngumiti ng ngumiti kahit na para na akong tanga na naglalakad mag-isa.

-------😍-------
Deym Montey, deymmmm!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top