Oh 39
K A B A N A T A 39:
"Sigurado bang okay ka na?" Pangalawang beses ko ng tanong kay Montellano nang makasakay kami ng kotse niya. Mukhang okay na rin naman siya, pero gusto ko lang masigurado kung kaya na ba niyang magmaneho. "Di na ba masakit ang braso mo? May praktis pa naman kayo."
"Kaya ko na." sagot niya na nakatutok lang sa pagmamaneho. Ni hindi siya nag-abalang lumingon sa'kin.
"Ininom mo ba ang gamot na binigay ko sa'yo kanina? Kailangan mo pa rin 'yon para siguradong hindi na babalik--"
"Ininom ko na." sagot ulit niya na di na ako pinatapos. Iniisip kong nakukulitan na siya sa'kin pero wala naman sa mukha niya ang pagkainis kaya nagpatuloy lang ako sa pagkausap sa kanya.
"Kailan ka pa natutong kumanta?" kahapon ko pa siya gustong interviewhin tungkol dito. Ang totoo di ko pa rin makalimutan ang tungkol sa kung gaano ako namangha sa boses niya. "Ba't di ka sumali sa musical theater ng school natin? O bumuo ng banda para naman meron na rin ang Circle High. Ilang taon na ring bakante iyon at hindi na sumasabak sa mga band competition." Simula nang gumraduate ang sikat noong miyembro ng Circle band nina Nate Alvarez, wala ng nagpatuloy ng legacy na iniwan nila. Maging ang musical theater ay nilalangaw na rin at di na dinadagsa sa tuwing may show. Wala na kasing magaling na estudyante na kasing talentado ni Deelan Morgan.
"Pumunta kaya tayo kay Mrs. Lee, siya pa rin naman ang humahawak ng theater club. Matutuwa 'yon panigurado kung malalaman niya kung gaano ka kagaling--"
"Wala akong balak sumali sa gano'n kabaduy na club. Siguradong aantukin lang ako roon. At pagtatawanan din dahil nakakabawas ng coolness." singit ni Montellano sa walang kagana-ganang mukha.
Tuluyan na akong nakumbinsi na hindi ko nga siya mapapapayag dahil sa komento niya. Kapag tungkol na sa imahe niya ang pinag-uusapan, hindi niya hahayaang maging katawa-tawa sa mata ng taong nakapaligid sa kanya.
Ilang sandali lang, narating na rin namin ang Circle High. Magkasabay rin lang kaming bumaba at pumasok ng building. "Hinanap ka nga pala ni manang Rose sa bookstore kahapon, pero sinabi ko naman na may sakit ka kaya ayos rin lang sa kanya. Buo pa rin ang sahod mo kahapon."
"Pumasok ka roon kahapon?" balik ni Montellano na parang hindi makapaniwala na ginawa ko 'yon.
"Oo naman. Sayang din naman ang isang araw na sahod mo ro'n..." sagot ko na hindi ko na nasundan ang sasabihin ko dahil biglang tumigil si Montellano sa gitna ng paglalakad namin sa hallway. Agad ko rin naintindihan kung bakit dahil napansin ko rin ang mga mata ng estudyante na nakatutok sa'min saka nagbubulungan.
"Mukhang namiss ka ng mga fans mo sa isang araw na hindi ka pumasok kahapon." sambit ko na siyang unang bagay na pumasok sa isip ko na rason sa tsismisang nangyayari sa bawat dinadaanan namin. "Siguradong concern lang sila na nagkasakit ang mahal na prinsipe."
"Alam nila na nagkasakit ako?" tanong niya.
"Oo, siguro. Pumunta ako sa bawat klase mo kahapon para ipagpaalam ka sa mga teachers mo na hindi ka makakapasok dahil sa sakit mo. Kaya siguradong nang malaman yon ng isa sa nga estudyante, nabalita na sa buong Circle High."
"Pumunta ka sa bawat klase ko? At pinagpaalam ako?!" Kunot noong pag-uulit ni Montellano na mukhang hindi masaya sa ginawa ko. "Bakit mo ginawa 'yon?"
"Bakit hindi?" tanong ko pabalik dahil di ko rin maintindihan kung bakit nga ba.
"Dahil hindi tayo magkaano-ano." sagot niya na parang dapat alam ko ang sagot na yon. "Kaya tayo pinagtitinginan ngayon ay dahil iniisip nilang, meron ng namamagitan sa'tin."
Biglang naintindihan ko na ang sitwasyon at maging ang dahilan ng linyang tumubo sa noo ni Montellano. "Natatakot kang maissue sa'kin?"
"Naiinis lang ako na iniisip nilang papatol ako sayo." sagot niya na inaasahan ko na ring lalabas sa bibig niya kaya di na ako nagulat. Matalas pa rin ang bibig niya tulad ng dati at walang nagbabago roon.
"Pwede mo namang palabasin na ako lang talaga 'tong habol ng habol sa'yo. Pagkatapos nitong pag-uusap natin, pwede kang maghanap ng babaeng hahalikan mo na siyang bagong pag-uusapan nila, para ng sa gano'n tapos ang issue sa'tin. Isa ka na ulit na dakilang prinsipe na walang sineseryosong babae."
Natahimik din siya at natauhan sa sinabi ko. Nawala ang kunot sa noo niya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kanya-kanyang locker. Limang metro ang layo ko kay Montellano tulad ng layo ng locker namin sa isa't isa, pero di dahilan 'hon para di ko masaksihan ang sunod niyang ginawa. Di ko akalaing susundin nga niya ang sinabi ko sa kanya kanina sa maagapang paraan. Ni hindi siya nag-aksaya ng target, dahil kung sino mang babaeng unang lumapit sa kanya ay siya na ang sinunggaban niya ng halik. Swerteng si Leslie iyon.
Kung noong isang araw, napapatitig ako sa ganoong senaryo, ngayon hindi na. Umiwas ako ng tingin dahil sumasakit ang mata ko na di ko matagalan.
"Hey," sambit ng boses sa kaliwa ko na ikinalingon ko. Si Brent. Tumingin na muna siya kay Montellano at Leslie bago ulit sa'kin. "Kita mo na 'yong sinasabi ko sa'yo about him, he won't change Mira. Ganyan na talaga siya."
Kung nag-aalala man sa'kin si Brent, 'yon ay dahil sa concen lang talaga siya bilang kaibigan. Kaya binubura ko sa isip ko ang mga sinabi nina Alex kahapon. "I know, Brent."
"Pero rinig ko, magkasama raw kayong pumasok. Maingay na usap-usapan kayo kanina lang pagdating ko."
Totoo nga talagang may pakpak ang balita. Ang bilis rin lumipad. "Nagkataon lang. Sinakay niya ako, papasok lang naman dito. Wala akong nakikitang masama roon. Magkaibigan na rin naman kami." Para gusto kong lagyan ng question mark ang huling sinabi ko. Sa kabila ng halos araw-araw na pagtulong ko kay Montellano sa lahat na labg bagay, hindi pa rin ako sigurado kung kaibigan na ba ang tingin niya sa'kin.
"Walang masama? Kung alam mo lang kung gaano ka pag-isipan ng mga tao rito. Napapamali ang tingin nila sa'yo. Hinahanay ka nila sa mga babae ni Montellano na easy to get at…"
"Pero hindi naman gano'n ang iniisip mo sa'kin hindi ba?" singit ko sa gitna ng pangangaral niya.
"Siyempre, hindi."
"Kung gano'n okay na sa'kin 'yon. Kayo lang naman na kaibigan ko ang importante sa'kin. Wala akong pakialam sa iisipin ng iba." Sa sinabi ko, napatango na lang si Brent na nawala na ulit ang pag-aalala. Lumapit siya sa'kin at akmang guguluhin na naman ang buhok ko pero nakaiwas ako. Hindi niya ako tingigilan kaya para kaming mga bata na nagkukulitan sa gitna ng hallway. Natigil lang kami nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Mira…" Napalingon ako sa pinanggalingan ng bises at di ko inakalang si Luke iyon. Masama ang titig siya sa'kin na para bang nagsasabing kilala na niya ako. "Mira pala ang pangalan mo, Anda?"
Tingin pa lang niya kinabahan na ako. Wala siyang sinasanto magbabae o maglalake, kaya di ko maiwasang matakot. "Luke, m-magpapaliwanag ako." Nauutal kong sabi. Kailangan ko lang naman linawin sa kanya na hindi ko naman talaga intensyon na kunan siya ng picture ng gabing yon at matagal ko na ring binura 'yon kaya wala na rin naman siyang dapat ipag-alala, pero gano'n pa man, parang mahihirapan akong paliwanagan siya.
"Nasaan na 'yong kinunan mo? Siguradong may pinaplano ka roon…" Palapit ng palapit ang hakbang ni Luke pero nananatiling nakadikit ang paa ko sa kinatatayuan ko.
"Ano bang nangyayari? Tungkol ba saan 'to?" singit ni Brent na pumagitna bago pa man tuluyang makalapit si Luke. Wala pa siyang ideya na may kinalaman rin siya rito, pero wala akong balak na idamay pa siya dahil alam kong lalala lang ang sitwasyon kapag malaman ni Luke na siya ang kasama ko ng gabing yon.
"Wala. May pag-uusapan lang kami ni Luke." sambit ko kay Brent para di na gumulo pa ang lahat. Pinakiusapan ko siyang tumabi na lang kahit ang totoo, gusto kong magtago sa likod niya. Sinikap kong salubungin ang mga mata ni Luke. "Isang malaking di pagkakaintindihan ang nangyari noon, Luke. Maniwala ka't sa hindi, aksidente iyon."
"Pinaglololoko mo ba ako? Paanong magiging aksidente 'yon? Malinaw sa'kin na sinadya at plinano yon…" Tinaasan ako ng boses ni Luke na naging dahilan para tuluyang maagaw namin ang atensyon ng mga estudyante.
Mas lumapit pa siya hanggang sa kalahating metro na lang ang layo sa'kin. "Sabihin mo sa'kin kung sino sa mga kalaban ko ang nag-utos niyon sa'yo!"
Wala akong maisagot kundi paglunok. Kaliwa't kanan ang kaaway ni Luke sa loob at labas ng campus kaya di nakakapagtaka kung iniisip niya na kasabwat ako ng kung sinong kalaban niya. At base sa reaksyon niya ngayon, mukhang di niya ako titigilan hangga't di niya nalalaman 'yon. Kaya mas lalo akong mahihirapan nito na linawin sa kanya ang lahat.
Lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ang isang balikat ko. "Sabihin mo na lang nang hindi ako makagawa ng bagay na ikapapahamak mo."
Mas dumiin pa ang hawak niya sa'kin na naging dahilan para kumilos si Brent at tinabig ang kamay ni Luke. "Hindi ko alam kung anong problema mo kay Mira, pero malinaw na mali ang ginagawa mo ngayon, Luke."
"Brent, 'wag ka na lang makialam dito kung ayaw mong madamay ka." tinapunan niya ng tingin si Brent saka bumalik sa'kin. Ang braso ko naman ngayon ang hinawakan ni Luke. Bago pa man ako makapalag, pumagitna na naman sa'min si Brent. Nabalot ng tension ang dalawa hanggang sa sunod ko na lang na nalaman, binanatan na ng suntok ni Luke si Brent. Mabilis ang pangyayari na ikinagulat ko at ng lahat ng nakikiosyoso sa paligid namin. Akmang babanat pabalik si Brent nang mabilis ko hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Alam kong mapapahamak lang siya lalo kung itutuloy niya ang pagganti dahil alam ng lahat kung gaano katuso at kabasagulero si Luke. Wala siyang sinasanto. Siguradong mapapasali lang ang pangalan ni Brent sa listahan ng kaaway niya.
"Luke, di naman kailangang umabot sa ganito. Pag-usapan natin 'tong dalawa. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat." sambit ko kay Luke. Natatakot akong salubungin ang tingin niya pero ginawa ko pa rin.
"Sabihin mo na lang sa'kin kung sino ang nag-utos niyon sayo para di na rin humaba pa 'to. Si Matienzo ba? Hidalgo? Ramirez? Sino?!" Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa boses noyang papalakas na naman na papunta na sigaw.
"Wala. Walang nag-utos na sino man. Maniwala ka, aksidente lang talaga na ikaw ang--" Di ko na natapos ang sinasabi ko nang may kung anong binalibag siya sa harapan ko na naging dahilan para mas lalo lang akong matakot sa kung anong pwede pa niyang sunod na gawin. Napapikit ako dala ng magkahalong gulat at takot. Sa sunod kong pagdilat, nakita ko na lang na may pumagitna sa'min ni Luke. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong si Montellano iyon.
"Luke, ipaubaya mo na sa'kin si Mira." rinig kong sambit ni Montellano sa pinsan niya. Mahinahon iyon na hindi kailangang mag-effort para manalo kay Luke.
"Pero Drew, may atraso sa'kin yan."
Muling nagsalita si Montellano. "Sa'kin siya may atraso at hindi sayo. Kung inaalala mo rin 'yong pictures mo, matagal ng wala 'yon. Ako ang target niya that night na ikaw ang inakala niyang ako."
"O dapat lang pala talagang singilin natin ang babaeng yan at turuan ng leksyon!" Muling dumapo ang masamang titig sa'kin ni Luke na naging dahilan para magtago ako sa likod ni Montellano. Napapakapit ako sa laylayan ng damit niya.
"Leave her alone Luke. Di mo kailangang makialam." sagot ni Montellano na hindi ko inaasahang magiging tagapagtanggol ko ngayon. Buti na lang talaga dumating siya.
Nakita ko ang pagtango ni Luke kay Montellano na nangangahulugan lang ng pagpayag nito, kaso dumaan pa rin ang masamang tingin niya sa'kin na napansin ni Montellano dahilan para magsalita siyang muli. "Leave her alone Luke. Sa oras na balikan mo si Mira, magkakaproblema tayong dalawa."
Nagbago rin agad ang ekspreyon ng mukha nito matapos ang paalala ni Montellano saka muling tumango-tango. "Okay. I'll leave her alone."
Sa isang iglap, natapos din ang pangamba ko nang tuluyan na ngang umalis si Luke sa harapan ko na parang walang nangyari. Magsasalita sana ako para magpasalamat kay Motellano pero di ko agad nagawa nang sumingit si Brent.
"Ano ba talagang nangyayari Mira? Anong atraso mo kay Luke? At anong kinalaman din dito ni Montellano?" puno ng katanungan ang ekspresyon ni Brent pero mas nabaling ang atensyon ko sa pasa niya sa mukha.
"Okay ka lang, Brent?" Nababahalang lumapit ako sa kanya at tinignan ng mas malapitan ang galos niya sa mukha. "Dadalhin kita sa school clinic... Masakit ba?"
"Okay lang siya." si Montellano ang narinig kong sumagot na tinabig ang kamay ko palayo sa mukha ni Brent. "Huwag kang masyadong OA, Mira. Hindi niya 'yan ikamamatay."
Bumaling si Brent kay Montellano. "Kung titigilan mo ang pagdikit kay Mira, hindi siya mapapahamak ng ganito."
Agad na sumabat si Montellano. "At ako pa ang nagpahamak sa kanya? Di mo ba alam na ikaw? Naaalala mo ba yong gabing pumasok kayo sa kwarto ko at aksidenteng si Luke ang nakunan niyo ni Mira ng picture… Siguro naman naaalala mo na?"
Nakita ko kung paano natigilan si Brent saka bumaling sa'kin. Mukhang marami akong dapat ipapaliwanag sa kanya.
***
"Mira naman, dapat sinabi mo pa rin sa'kin ang tungkol roon." sambit sa'kin ni Brent matapos kong maipaliwanag sa kanya ang lahat nang kaming dalawa na lang. "Hindi ka mapupunta sa gano'ng sitwasyong kung di dahil sa'kin."
"Pero maayos na rin naman ang lahat ngayon. Siguradong di na manggugulo si Luke matapos siyang pagsabihan ni Montellano." Mukhang di nakatulong ang sinabi ko dahil parang mas lalo lang dumami ang linya sa noo ni Brent.
"Kung alam ko lang kasi ang nangyayari, e di sana ako ang pinupuntirya ni Luke at hindi ikaw. Hindi sana yon aabot sa gano'n na mumuntikan ka na niyang saktan. Dapat sinabi mo pa rin sa'kin Mira. Kung nasabi mo nga kay Montellano ang tungkol roon, ba't hindi sa'kin?"
"Dahil ayoko lang naman maging komplikado ang lahat."
"Bakit di ba komplikado na muntik ka ng mapahamak?" balik ni Brent na tuloy pa rin sa pagsita sa'kin. Magsasalita pa sana ulit si Brent nang matigil siya sa pagdating ni Alex na tungkol din sa tsimis ang unang binungad sa'min.
"Mira, totoo ba yon? Pagkadating ko pa lang, laman ka na ng balita."
Totoong may pakpak nga talaga ang balita. At ang bilis rin lumipad. "Ano bang narinig mo?" Gusto kong malaman kung anong impormasyon ang pinamalita ng mga nakarinig.
Ngumiwi si Alex na parang nangangahulugan lang na walang maganda sa tsismis na nasagap niya. "Nagbunga na raw ang matagal na pang-aakit mo kay Montellano dahil sa wakas napansin ka na niya. Palaisipan sa kanila na pinatulan ka ni Montellano dahil iba ka sa mga naging babae niya." tumigil muna sandali si Alex para tignan ang reaksyon ko pero wala akong sinabing anuman. Naiintindihan ko kung bakig sinasabi nilang iba ako. Hindi ako kasing ganda, kasing sexy, o kasikat ng mga babaeng tipo ni Montellano.
"At pinagtanggol ka raw niya kay Luke Montellano?! Totoo ba yon?" patuloy ni Alex. "Ba't ano bang atraso mo kay Luke?"
Hindi na ako nakasagot nang makita ko ang walang paalam na pag-alis ni Brent sa harapan namin. Napansin din ni Alex ang hindi magandang timpla ng mukha ni Brent. "Anong nangyari do'n? Ba't mukhang galit?"
-------💜-------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top