Oh 34
K A B A N A T A 34:
"Sorry Mira, di kita maihahatid ngayon pauwi." sabi sa'kin ni Alex habang nilalagay namin pareho ang ilang gamit namin sa locker. Magkatabi lang naman kasi iyon. Katatapos lang ng huling klase namin ngayong hapon. Apologetic ang mukha niya dahil kanina lang nangako siya na ililibre niya ako sa starbucks at siya na rin ang maghahatid sa'kin pauwi.
Pinaningkitan ko siya pero para lang naman biruin siya. "Bakit biglang umaatras ka sa pinangako mo? Siguro may date kayo ni Art noh? Sinasabi ko na nga ba na mangyayari 'to balang araw. At ito ang araw na 'yon."
Hindi man lang siya nadala sa arte ko dahil naging dahilan lang 'yon para matawa siya. "Look who's talking, parang noong nakaraang linggo lang, nasa kay Montellano lang ang oras mo."
Hindi agad ako nakasagot. Di ko pa pala nasasabi sa kanya na nagsinungaling ako at pinagpapaniwala ko siya na mah nahulog ako sa isang Drew Montellano. Gusto ko man sabihin sa kanya ngayon pero bigla akong tinamad dahil siguradong marami akong pagpapaliwanag na sasabihin kay Alex.
"Well, hindi na ngayon." sagot ko na lang na hindi nangangailangan ng mahabang salaysay. "Sabihin na lang natin na natauhan na ako at wala na ulit akong nararamdaman sa kanya."
"Really?" Tinaasan niya ako ng kilay pero nang muli akong tumango, naniwala na agad siya at naglabas ng isang ngiti. "Good for you." Nasundan rin agad iyon ng tawa. "Alam mo Mira, di na ako nagugulat pa. Ganito ka rin kasi noon nang biglang paranv naunyog ka na lang sa bato at sinabi mong ayaw mo na kay Montellano. Pero curious lang ako ngayon kung anong nagpabago sa tibok ng puso mo this time? Pinagtabuyan ka ba niya ulit? Sinigawan? Pinahiya?"
Biglang umasim ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari three years ago nang pahiyain niya ako nang basahin niya ang loveletter ko sa harap ng maraming tao at pinunit pa 'yon pagkatapos. Sinabihan rin niya ako na huwag ko na siyang gustuhin pa dahil di rin naman niya ako magugustuhan kahit anong pagpapapansin pa ang gawin ko. Ilang araw ko rin siyang iniyakan dahil roon, hanggang sa natauhan din ako na ang tanga ko kung gugustuhin ko pa siya.
"Basta natauhan na lang ako." sagot ko kay Alex na inakbayan ako habang paalis na kami ng locker.
"Sabi ko na nga ba na darating din ang araw na 'to na matatauhan ka kaya nga di na ako masyadong nabahala sa'yo." sambit niya saka huminto sa paglalakad. "Gusto mong sumama kana lang sa'min ni Art? Manonood lang naman kami ng movie tsaka magdidinner after. Pwede ka naman sumama."
"Huwag na. Ayos lang ako." tanggi ko kahit na parang gusto ko. Kailangan kong tumanggi dahil hindi 'to lakad magbarkada kundi lakad ng magjowa. Isa pa, siguradong sisitahin lang ako nito ni Art.
"Sigurado ka? Kung si Art ang inaalala mo, I'm sure papayag din--"
"Huwag na nga. Ayoko maging thirdwheel niyo. At di mo kailangang makonsensiya dahil sisingilin kita sa ibang araw ng utang mo sa'kin sa panglilibre." sabat ko na ikinatigil niya sa pamimilit sa'kin. Sakto rin lang na nahagip sa paningin ko si Art na paparating mula sa di kalayuan. "O ayan na pala ang boyfriend mo. Puntahan mo na."
Sinunod din niya ako para tagpuin si Art kaya naiwan akong mag-isa sa hallway. Habang naglalakad, nagawi ang pansin ko sa isang sulok kung saan naroon si Montellano na may kalingkisan na hindi na bago sa paningin ko. Two weeks na rin ang nakakaraan simula nang huli ko siyang makausap. Simula nang matuloy siya sa out of the country nila ng grupo niya, hindi na kami muling nagkausap. Di naman niya kinailangan pa ang tulong ko kaya di na rin ako lumapit pa sa kanya.
"Inggit ka?" tanong sa'kin ng babaeng kalingkisan ni Montellano. Saka ko lang nakilalang si Leslie pala iyon.
"Ako? Hindi ah." awtomatikong sagot ko saka nilagpasan sila. Diniretso ko ang lakad hanggang sa makalaba na ako ng main building. Gusto kong batukan ang sarili ko nang maalala ko ang itsura ko nang mahuli nila ako kanina na titig na titig sa paghahalikan nila. Napailing na lang ako, ba't ba kasi natulala na lang ako roon na parang nanonood ako ng sine.
Muli akong napabuntong-hininga saka binura na lang ang laman ng isip ko. Nang maglalakad na ulit ako, narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sa paglingon ko, si Brent ang nakita kong papalapit sa kinatatayuan ko.
"O, akala ko may date kayo ni Natsy?" bungad na tanong ko sa kanya nang nasa harap ko na siya. Kaninang breaktime naikwento niya na may lakad sila ni Natsy ngayong uwian kaya nakapagtataka na nandito pa siya ngayon.
"Hindi na tuloy e. Biglang may sumingit na review sa schedule niya. May biglaang exam daw sila bukas kaya kailangan niyang mag-aral ngayong gabi." sagot niya na hindi naman ganoon kadisappointed. "She's so admirable. Iba ang dedikasyon niya sa pag-aaral. Alam mo bang nalaman ko na hindi pa pala siya nagkakaboyfriend dahil masyado siyang focus sa pag-aaral."
Dalawang linggo na rin silang nagkakakilanlan ni Natsy kaya di na ako nasusurpresa kung marami na siyang nalalaman tungkol dito. Mukhang dapat di na rin ako magulat pa kung isang araw, sasabihin sa'kin ni Brent na inlove na siya kay Natsy. Kahit di ko man madalas makita o makausap 'yong tao, nakikita ko rin sa kanya 'yong bagay na nakikita sa kanya ni Brent. She's special. Maganda, matalino, matapang, at mukhang magaling sa lahat ng bagay.
"So hindi ka-upset na hindi mo siya makikita ngayon?"
Lumapad ang ngiti niya. "No. Mas humanga lang ako sa kanya dahil hindi niya pinapabayaan ang pag-aaral niya. Isa pa, may ibang araw pa naman. Nangako siya na sisipot na siya."
"Gusto mo ng gano'n? Yong inuuna ang pag-aaral kaysa sa'yo?" di ko mapigilang magkomento. "Paano kung laging gano'n na hindi niya mabibigay ang buong oras niya sa'yo? Okay lang ba 'yon sa'yo?"
Napaisip siya sandali sa tanong ko. "Oo naman. Siguro. Ewan. Siguro sa ngayon, okay lang naman."
Ako naman ang natawa sa sagot niya. "Sa tingin ko, hindi." sabi ko kahit hindi naman talaga 'yon ang sa tingin ko. Si Brent ang klase ng lalakeng matiyaga, mapagpasensiya at marunong maghintay. Kaya kung magiging sila man ni Natsy, siguradong susuporta sjya sa kung ano mang gusto nito.
"Uuwi ka na ba?" tanong niya sa'kin. "Ihahatid na kita."
Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok niya. Mukhang wala naman kasi kaming ibang pag-uusapan nito sa kotse niya kundi si Natsy. Ang totoo, napapagod na rin ako sa kakarinig ng pangalan niya. Di ko alam kung magiging masaya ba ako na nakakalimutan na niya kahit papaano si Alex, o malulungkot ako dahil napapalapit naman siya sa ibang babae.
Bago pa man ako makasagot sa tanong niya, hinablot na niya ang pulsuhan ko at hinila sa direksyon papunta sa kung saan nakaparada ang kotse niya. Nagpatangay na rin lang ako at di na pumalag pa.
"Nililigawan mo na ba si Natsy?" tanong ko kay Brent nang marating at makasakay na kami ng kotse niya. Binuhay muna niya ang makina ng sasakyan bago sumagot pabalik.
"Ayaw pa niya. Kilalanin muna daw namin ang isa't isa. Kung liligawan ko man daw siya, dapat sigurado na ako na gusto ko siya. Naikwento ko na rin kasi sa kanya 'yong tungkol kay Alex. Gusto ko lang maging totoo."
Ito rin ang isang bagay na nagustuhan ko kay Brent, open and honest. At mukhang match talaga sila ni Natsy na isa ring prangka at totoong tao. Parang gusto ko tuloy mahiya sa sarili ko dahil umpisa pa lang nagsinungaling na ako kay Brent. Hindi niya pa rin alam na ako ang nagnakaw ng halik sa kanya noong gabing iyon. Nagkapatong-patong rin anv pagsisinungaling ko dahil doon.
"O, ba't ganyan ang mukha mo?" biglang puna ni Brent sa di ko napansing lumukot na mukha ko. "Nag-aalala ka ba na kapag kami na, di na kita maihahatid sa bahay mo tulad ngayon?"
"Oo. Ang hirap kaya magcommute." pagpapatol ko sa biro niya. "Dapat ihahatid mo pa rin ako. Ako kaya ang nauna mong kaibigan bago pa dumating si Natsy."
"Magtiis ka kapag nangyari nga iyon. Siyempre kailangan ko na ring ibuhos ang oras ko sa kanya kapag nagkataon. "Maghanap ka na kasi ng lalake mo, para may jowa ka na, may tagahatid-sundo ka pa."
"Driver na lang kaya ang hanapin ko?" balik ko na bentang-benta sa kanya dahil ang tagal bago natigil ang tawa niya.
"Iba talaga ang tama sa'kin ng nga banat mo Mira. Pwede na kitang kunin bilang clown sa birthday ng kapatid ko."
"This weekend na ba 'yon? Sorry pero hindi ako makakapunta kung clown lang naman ang role ko."
"Subukan mo lang na di pumunta. Sunday 'yon tandaan mo 'yan. 4pm ang start kaya sana bago pa man magsimula, naroon ka na. Tutulungan mo akong magdecorate lalo na't wala akong skills o ang mga kapatid ko sa ganitong bagay. Di ko rin naman maaasahan ang magulang ko dahil hahabol na lang sila dahil parehong may trabaho pa."
"Si Natsy? Inimbitahan mo rin ba?" tanong ko sa isang bagay na obvious naman ang sagot.
"Ngayon sana kaso di nga natuloy ang lakad namin. But I'll call her later. Sana lang di siya busy sa sunday."
Ngumiti na lang ako ng tipid dahil wala na rin akong maisagot pa. Ilang sandali lang, naihatid na rin ako ni Brent sa mismong tapat ng bahay namin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng gate. Papalakad ako ng pinto ng bahay nang mapansin ko ang pagdating rin ni Emee. Isang sport car ang naghatid sa kanya na di ko alam kung manliligaw ba niya o boyfriend niya. Wala kasi akong masyadong alam sa buhay ni Emee kaya wala akong ideya sa kaganapan sa kanya. Kahit ilang taon na rin kaming nagsasama sa iisang bahay bilang magkapatid, hindi man lang kami nagkalapit sa isa't isa. At aaminin kong, dahil na rin 'yon sa masamang pakikitungo ko sa kanya.
"Sino 'yong naghatid sa'yo? Boyfriend mo ba 'yon?" tanong ko sa kanya nang makaalis na 'yong kotseng naghatid sa kanya. Kita ko ang kakaibang reaksyon niya na para bang nagulat sa pag-uusisa ko na hindi ko naman ginagawa sa kanya noon.
"Bakit? Isusumbong ako? Tatakutin? Ibablackmail?" balik niya agad na di ko masisisi dahil ganoon ako makitungo sa kanya noon sa tuwing may kailangan ako sa kanya. "Alam na ni tita at ni dad na may manliligaw ako. Kaya, wag ka ng mag-abala na gamitin 'yon laban sa'kin. At hindi na rin ako natatakot sa'yo. Di mo na ako mauutus-utusan."
Matapos niyang sabihin iyon, nilagpasan niya ako't pumasok na siya sa loob. Naiwan akong natulala dahil ngayon ko lang narealize sa kung paano ko siya tratuhin noon. Masyado kasi akong galit sa kanya at sa ama niya nang dumating sila sa buhay namin ni mama. Sa kanya ko binunton ang inis at galit ko. Mas matanda ako sa kanya kaya nagagamot ko 'yon para utus-utusan siya.
Napailing ako sa sarili ko. Nadidisappoint ako ngayon sa kung ano ako noon. Pumasok rin ako sa loob ng bahay. Naabutan kong nakikinig si mama sa mga kwento ni Emee tungkol sa mga pangyayari sa kanya sa school. Yun 'yong bagay na matagal kong hinintay na gawin din naming dalawa, ang magkwentuhan bilang mag-ina pero di mangyariyari.
Di ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang pagkakalayo ng loob ko kay mama. Ang alam ko lang, simula ng magsama sila ni tito Dan, pakiramdam ko naagawan ako ng ina. Gumagawa ako ng mga bagay na ikakadisappoint niya tulad ng pagpapaiyak ko noon kay Emee at di ko paggalang kay tito Dan. Kaya di ko itatangging malaki rin ang kinalaman ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko sa pamilyang tanging meron ako.
Masyado silang abala sa pag-uusap kaya di man lang napansin ang pagpasok ko. Diretsong umakyat na rin lang ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa sarili kong kama. Ni hindi ako nag-abalang magbihis dahil mas gusto kong sumubsob muna sa unan at ilabas ang iyak na di ko inaasahang bubuhos ngayon. Sa isang iglap, biglang nilamon ako ng lungkot na sumulpot na lang na walang pasabi. At tulad ng dati, matapos maubos ang luha ko, nakaidlip na lang ako sa mahabang pagtulog. Nagising lang ako nang maramdaman kong may tumama sa bandang paa ko na kung anong bagay. Napabangon ako dahil medyo masakit din ang tama ko sa paa. Wala akong ideya sa kung paanong biglang may isang maliit na piraso ng bato sa kama ko na mukhang siyang dahilan ng mahapdi ko pa ring paa.
Kung ano man ang katangungan sa utak ko, agad din iyon nasagot nang may muling pumasok na bato sa kwarto ko mula sa labas na para bang may namamato. Agad akong napatayo at pumunta sa mismong bintana at doon ko nakita ang taong may kagagawan nito.
"Anong ginagawa mo?!" mahinang pasigaw ko kay Montellano na nahuli ko sa akto. May hawak ang mga kamay niya ng maliliit na bato. Wala ba siyang ibang magawa? Buti na lang tulog na ang mga tao sa bahay namin. May kalaliman na rin kasi ang gabi, alas onse na ang nababasa kong oras nang tumingin ako sa cellphone ko. Saka ko rin lang nakita na marami na pala siyang calls at messages sa phone ko.
"Ba't di ka muna bumaba rito at pagbuksan ako. Mag-iisang oras na ako dito. At nilalamig na ako." reklamo niya na nakakapagtakang pinuntahan pa talaga niya ako ngayon.
Sinunod ko na rin lang siya. Lumabas ako ng kwarto ko saka bumaba para buksan ang pinto. Pagbukas na pagbukas ko, pumasok siya na akala mo sarili niyang pamamahay. Buti na lang talaga tulog na ang mga tao sa bahay.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya na hindi niya agad masagot. Napansin ko ang biglang pamumula niya lalo na ng tainga niya. Para sa isang taong nilalamig na dapat namumutla, siya na ang namumula. Teka, nahihiya ba siya? Ang isang Montellano, may hiya sa katawan?
"Gutom ako." mabilis niyang sabi na parang pasong-paso siyang bitawan ang salitang iyon. Nakisabay di ang munting tunog mula sa tuyan niya na sumusuporta sa sinabi niya.
"Wala ka ng pera?" hindi patanong kundi isang pahayag ang pagkakasabi ko. Alam kong darating ang araw na 'to na mamumulubi siya ng ganito. Mahirap siguro para sa kanya ang isantabi ang pride niya para manlimos sa'kin ngayon. "Halika sa kusina," yaya ko sa kanya na sumunod naman agad. Kung may iba man ngayon kay Montellano, 'yon ay ang pagiging tahimik niya. Siguradong hiyang-hiya siya sa sarili niya.
May tira pang pagkain sa mesa namin at 'yon ay dahil di pa ako kumakain. Ang totoo, nagdadalawang-isip ako kung pakakainin ko pa ba siya, dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom ng makita ko ang masarap na ulam na porkchop. Isang piraso lang 'yon.
"Kailan ka ba huling kumain?" tanong ko sa kanya. Sa utak ko, nagdedesisyon ako kung ibibigay ko pa ba sa kanya ang pagkain o paghahatian na lang namin.
"Basta. Ba't kailangan mo pang tanungin." Naiiritang sagot niya na nangangahulugan lang ng isang bagay. Gutom na talaga siya. Halata rin sa itsura niya na nangangayayat na siya.
"Kumain ka na…" Binigay ko na lang sa kanya ang buong piraso ng ulam. Mabigat sa dibdib na tumulong sa isang taong magaspang ang ugali at hindi marunong magpasalamat. Pero ganoon pa man, kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na bahagi pa 'to ng pagtanaw ko sa kanya ng utang na loob sa pagsalba niya ng buhay ko.
Habang kumakain si Montellano, tumimpla na lang ako ng gatas para sa sarili ko at naupo sa harap niya. Mukhang kailangan ko siyang kausapin ng masinsinan.
"Kung hindi ka kasi sumama-sama doon sa grupo mong mayayaman, eh di sana nakakatipid ka at meron ka pang pera." pangangaral ko sa kanya na himalang hindi siya sumabat. Di ko alam kung talagang gutom lang talaga siya, o dahil sa pinakikinggan na niya ako ngayon. "Magsabi ka nga ng totoo, ilan na lang ang natitirang pera sa'yo?"
Nang akala ko hindi niya ako sasagutin sa tanong ko, biglang may dinukot si Montellano sa bulsa niya at pinatong iyon sa ibabaw ng mesa. Hindi ko maalis ang tingin ko sa dadalawang piso na 'yon na hindi na makakasalba ng taong gutom. Parang gusto ko tuloy tadtarin ng pangaral at sermon ang taong nasa harap ko, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Huminahon ako.
"Anong plano mo nito sa buhay mo?" tanong ko na lang dahil sa kanya ko mismo gustong marinig kung anong balak niya ngayon. Nagbabakasakali ako na may ibang tao pa siyang malalapitan, pero wala siyang isinagot kundi,
"You'd help me, right? Isa pa, utang mo pa rin sa'kin ang buhay mo. Kung hindi dahil sa'kin wala ka na siguro ngayon. Kaya tama lang na--"
"Montellano…" pagpapatigil ko sa kanya. "Estudyante rin lang ako tulad mo. At di rin kami mayaman. Hindi kita kayang buhayin araw-araw sa ganitong paraan na pagpupuslitan kita ng pagkain dahil sinuwerte ka lang sa gabing ito na may natira pang makakain sa mesa namin. At 'yong tinutuluyan mo? Paano mo babayaran ang upa, kuryente at tubig no'n kapag maningil na ang may-ari? Yong pamasahe o panggasolina ng kotse mo papasok sa school? Yong snacks at lunch mo sa cafeteria? Montellano, wala akong maiaabot na pera sayo pantulong…"
Sa unang beses, nakita ko kung paano lumaglag ang balikat ni Montellano. Wala na 'yong angas at kahambugan na parati kong nakikita mula sa mukha niya.
"Kung gano'n, dapat ko na bang ibenta ang kotse ko?" sambit niya na isang himala na naman sa pandinig ko. Guni-guni ko lang ba na hinihingi niya ngayon ang opinyon ko?
"Huwag mong ibenta." sagot ko na ikinabalik niya ng tingin sa'kin. "Kapag binenta mo 'yon, siguradong magiging kampante ka na naman ulit at babalik ka na naman sa dati mong ikaw na waldas ng waldas ng pera. Sigurado ako roon, Montellano."
Tinignan niya ako na parang di makuha ang sinasabi ko. "Sinasabi mo bang hayaan ko na lang na mamatay ako sa gutom?"
"Sinasabi kong, kailangan mo ang kotse mo para di magtaka o di makahalata ang sino man na tumitingala sa'yo na naghibirap ka na." Sinasabi ko lang 'to sa kanya para makumbinsi siya dahil alam ko na mas mahalaga pa rin sa kanya ang pangalan at ang tingin sa kanya ng ibang tao.
"Kung gano'n, mamamatay talaga ako sa gutom." sambit niya na agad kong sinundan ng pag-iling.
"Hindi 'yon mangyayari kung matututo kang magbanat ng buto." sandali ko siyang tinignan na blangko pa rin ang mukha. "Montellano, magtatrabaho ka para mabuhay."
----------😇-----------
Montey.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top