Oh 32
K A B A N A T A 32:
Maganda ang panahon nang umalis ako ng bahay para pumasok pero nang malapit na ako sa Circle High, saka naman umulan ng malakas. Kaya pagkababa ko ng school bus, wala akong magawa kundi ang maghintay sa waiting shed sa pagtila ng ulan. Wala akong dalang payong dahil hindi ko rin talaga ugali ang magbitbit no'n sa araw-araw. Para sa'kin pabigat lang ito sa bag kaya di ko pinag,-aaksayahang dalhin kahit pa alam kong pagsisisihan ko 'yon ng paulit-ulit sa tuwing nasa ganito ako ngayong sitwasyon.
Habang naghihintay sa paghina ng ulan, nagmamasid rin ako ng kakilala kong estudyante na pwedeng kong mapagsukoban papasok sa loob ng campus lalo na't mahaba-haba rin ang lalakarin mula entrance. Sakto rin lang na may tumigil na kotse sa harapan ko, si Leslie ang sakay niyon at ang boyfriend nito na siyang nagmamaneho.
"Sakay ka na, Mira." Alok sa'kin ni Leslie na himalang nagmamagandang loob. Hindi na ako tumanggi pa dahil kailangan ko ng masasabayan papasok sa loob.
"Kawawa ka naman, Mira, nabasa ka na ng ulan." sabi sa'kin ni Leslie sa minutong makapasok ako sa backseat ng sasakyan. "Dapat kasi, magboyfriend ka na para may tagahatid-sundo ka na tulad ko." pagyayabang lang nito na hindi ko na lang pinansin kaya muli lang ito nagsalita. "Nakita ko nga pala kayo ni Montellano na magkasamang umalis sa auditorium. Sumakay kayo ng kotse niya, at umalis ng school."
Makahulugan ang tono ng boses ni Leslie na mukhang alam ko na kung anong laman ng maduming utak niya. "Mali ka ng akala." pangunguna ko sa kanya.
"O, talaga? Huli ka na dinedeny mo pa. Masyado ka talagang painosente." sabi niya na buo na ang pag-iisip sa gusto nitong paniwalaan.Kung alam ko lang na pang-iinsulto ang kapalit nang pagpapasakay niya sa'kin, sana pala nagpaulan na lang ako. "Ang sabihin mo, kinakahiya ka ni Montellano kaya hanggang patago lang ang pagpatol niya sa'yo. Pinagtatiyagaan ka lang no'n... At ikaw naman itong si tanga na pumapayag dahil baliw ka sa kanya."
Magsasalita sana ulit ako para dumipensa nang mauna na namang tumabil ang dila nito. "Kung sasabihin mo sa'kin ngayon na huwag kong ipangsabi ang alam ko, don't worry Mira dahil wala akong balak na pasikatin ang pangalan mo."
Nakakasira ng umaga si Leslie na ibang klase naman talaga pag-uugali. Pero sa halip na magalit at awayin siya, mas pipiliin kong sirain din ang mood niya sa magandang paraan. Sa eksaktong pagparada ng kotse sa tapat ng main building, saka ako humirit.
"Leslie, may galit ka ba sa'kin? At si Montellano ba ang dahilan?" tanong ko sa inosenteng mukha. Isang patibong lang naman ang tanong ko na siguradong kakagatin niya.
Tulad ng inaasahan ko, mabilis na sumagot si Leslie. "Pwede ba, Mira. Wala akong dapat ikainggit sa'yo. Tulad ng sabi ko, pinagtatyagaan ka lang ni Drew, kaya ano ba naman ang dapat ikaselos ko? Ni wala ako kahit isang insecuridad na nararamdaman sa'yo."
Napangiti ako matapos ang pagtatabil niya na nakalimot yatang nakikinig ang boyfriend niya sa bawat dinulas ng dila niya. Hindi man direkta ang pagkakalahad ni Leslie, pero malinaw na malaki ang pakialam niya pagdating kay Montellano.
Ramdam ko ang biglaang pag-iba ng ihip ng hangin sa loob ng kotse, kaya bago pa man magkaroon ng komprontasyon ang dalawa, bumaba na ako na hindi nakakalimutan ang magpasalamat dahil kahit papano, may nasakyan ako na hindi nababasa ng malakas na ulan.
Hindi ko na rin naman kailangang dumaan sa locker kaya dumiretso na ako sa classroom. Epekto ng ulan ang madaming late na estudyante ngayong araw base sa laman ng silid na napasukan ko. Kakaunti pa lang ang mga kaklase ko, at maging si Mrs. Castilla ay wala pa rin kaya nakakapagpanatag na wala man pala akong dapat ikabahala sa pagiging late ko ng ten minutes.
Napansin ko na agad si Alex na nakaupo na sa pwesto niya. Alphabetically arranged ang upuan namin, kaya hindi ko siya katabi sa klase ni Mrs. Castilla. Dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase, lumapit at tumabi muna ako sa kanya.
Hindi niya agad ako pinansin o binate kaya ako na ang naunang nagsalita. “Grabe ang ulan no, buti na lang di ako nabasa sa kabila ng di ko pagdala ng payong. Swerte ko na lang kasi na pinasakay ako ni Leslie, pero malas ko din na marami lang akong narinig sa kanya na nakakasira ng umaga.”
Wala akong narinig na anumang reaksyon mula kay Alex na kumpirmadong may tampo pa rin sa’kin. Hindi naman pero ako nababahala dahil alam kong madali lang siyang suyuin. Siya ang klase ng tao na hindi nagtatanim ng galit o navtatampo ng matagal. Kapag kinausap na siya, at nagsorry ka na sa kanya, okay na agad kayo. “Sorry, Alex. Kung alam ko lang na dadaan ka sa bahay kahapon, sana pala di na lang ako umalis.”
Saka lang siya lumingon sa’kin matapos akong magsorry sa kanya. “Pero hindi ‘yon ang kinainisan ko sa’yo, Mira. Di ko alam kung bakit kailangan mong magsinungaling na nasa bahay ka, kahit wala naman. Hindi mo na ba ako mapagkatiwalaan? O baka naman, kasama mo si Montellano at ang grupo niya. Parte ka na ba nila? Mas gusto mo na ba roon?”
“Hindi.” Mariin kong tanggi. “Hindi ko sila kasama kahapon. Hindi ko gusto ang grupong ‘yon. Hindi ako parte nila, at hindi mangyayari ‘yon.” Sandali akong tumigil saka muling nagsalita. “S-si Montellano lang ang kasama ko. Tinulungan ko lang naman siya. May malaking problema siya.” Limitadong pag-amin ko.
“At ano naman ang magiging problema niya? Nasa kanya na ang lahat… kung magkakaproblema man siya, madali niya ‘yon masosolusyonan na di hinihingi ang tulong mo. Ginagamit ka lang no’n, panigurado. Inuuto ka niya dahil alam niyang susunod ka sa kung ano mang iutos niya sa’yo.”
Hindi ko masisisi si Alex kung marami mang tumatakbo sa isip niya dahil unang-una wala siyang alam sa mga nangyayari. “Nagkakaproblema din ang tulad ni Montellano, Alex. At sorry kung di ko masasabi sa’yo ‘yon sa ngayon. Basta’t magtiwala ka na lang sa’kin na hindi ako nagpapakatanga sa kanya tulad ng iniisip mo. Nasa katinuan pa ako na hindi basta-basta magpapauto sa kung kanino.”
“Pero may gusto ka sa kanya… Akala mo nasa katinuan ka pa, pero ang nakikita ko, nababaliw ka na sa kanya. Ni wala ka ng panahon sa’min. Nawala na ‘yong oras mo sa barkada nang dahil sa kakasama mo sa kanya. Ni hindi na kita makausap tulad ng dati… lalo na kahapon na kailangan kita.”
“Sorry…” tanging nasabi ko dahil bigla akong tinamaan ng konsensiya. Sa pag-iiwas ko kay Brent, parang nasasakripisyo na rin ang oras ko sa barkada. At iyon ang di nila alam, na hindi si Montellano, kundi si Brent talaga ang dahilan ng pagkawala ko ng oras sa kanila. “Bakit, may nangyari ba? Pwede mo naman sa’kin sabihin ngayon…”
Nawala ang pagmamataray sa’kin ni Alex at napalitan nang problemadong ekspresyon ang mukha niya. Di na rin siya nakipagmatigasan pa at bumigay na rin sa kung anong hinihiling kong sabihin niya. “Di ko alam kung anong gagawin ko…” pagsisimula niya na may pag-aalinlangan pa.
“Bakit?” Palaisipan pa rin sa’kin ang kung anong pinoproblema niya ngayon.
“S-si Brent, nagkausap kami kahapon at… may sinabi siya sa’kin.” Sagot niya na agad ko ring nahulaan.
“Nagtapat na ba siya sa’yo?” singit ko sa kanya na naging dahilan para sitahin ako ng mata niya.
“Alam mo? Alam mong may— may gusto…”
“Na may gusto siya sa’yo? Oo, alam ko.” Pagtatapos ko sa di niya masabi-sabing salita. “Alex, matagal ka ng gusto ni Brent. At kung gusto mo rin siya, wala akong nakikitang magiging problema sa inyo. In fact, sa tingin ko bagay na bagay kayong dalawa…” Kinailangan kong sabihin kay Alex iyon ng diretso na hindi napipiyok o umiiwas ng tingin. “Huwag mo na rin akong isipin. Alam kong nabanggit ko sa’yo noon na may gusto ako kay Brent, pero noon lang ‘yon at hindi na ngayon. Si Montellano na ngayon ang nagugustuhan ko. At huwag mo rin sa’kin ibibigay na dahilan si Art, dahil alam kong peke at pagpapanggap lang ang relasyon niyo sa harapan ko.” Nakakatawa na kailangannko na namang idawit ang pangalan ni Montellano para lang masuportahan ako sa pagsisinungaling.
Nagpauwang ang bibig ni Alex nang marinig niya mismo sa bibig ko ang mga sinabi ko, pero agad din siyang nakabawi. Halatang nahiya ang mukha niya dahil namula iyon. “Sorry, Mira. Sorry kung kinailangan kong magsinungaling sa’yo tungkol sa’min ni Art. Ang totoo, ako ang nakaisip ng ideya na ‘yon, at napapayag ko rin lang siya kaya kung magagalit ka sa’min, sana huwag kay Art—”
“Hindi ako galit.” Putol ko sa kanya. Wala rin akong balak sabihin sa kanya na nagalit ako noong una. Kung bubuksan ko pa kasi ang issue na ‘yon, baka maungkat rin lang ang katotohanang may nararamdaman ako para kay Brent. “Anyway Alex, back to Brent, di ko alam kung bakit pinoproblema mo ang pagtatapat niya sa’yo. Gusto ka niya. Pero gusto mo din naman siya di’ba?”
Nakita ko ulit ang guhit sa noo ni Alex bago siya magsalita. “Yon na nga, wala akong gusto sa kanya. Kaya di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Ang awkward ng sitwasyon namin lalo na’t… Kami na ni Art. Totoong may relasyon na kami ngayon.”
“Ano?!” Ako naman ngayon ang napauwang ang bibig. Parang sandaling tumigil ang mundo ko sa rebelasyon niyang iyon. Maraming katanungan sa utak ko na hindi makapaniwala, pero iisa lang nasabi ko, “Sinasabi mo ba sa’kin ngayon na ikaw at si Art? Kayo?”
“Oo. Sorry, kung wala akong nakwento. Pero ikaw rin naman, masyado ka ring malihim kaya alam mo naman siguro ang pakiramdam na nasa posisyon ko. Hindi ko ginusto na manahimik sa kung anong meron sa’min ni art. At mas lalong hindi ko gustong malaman ni Brent sa ibang paraan."
"Alam na ni Brent ang tungkol sa inyo ni Art? Teka, paano? Ano bang nangyari kahapon?" Parang gusto kong pagsisihan na hindi ako sumama kahapon sa barkada. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.
"Matapos ang orientation kahapon, natuloy ang plano ni Kyle na dumiretso cafè after school. Magkasamang nauna si Kyle at Art dahil may importante silang dadaanan. Dapat tayong tatlo ni Brent naman ang magkasamang pupunta roon pero dahil tumanggi ka na nama, kami ni Brent lang magkasabay. At sinamantala niya ang pagkakataong kaming dalawa lang nang magtapat siya. Di ko 'yon inasahan kaya wala akong naisagot hanggang sa marating namin ang cafè. Nang uwian na, kay Art na ako sumabay at sinabi ko sa kanya ang nangyaring pagtatapat ni Brent. Sabay kaming namroblema dahil alam namin na mahirap ang sitwasyon namin. Matagal kaming nag-usap sa labas ng bahay… hanggang sa naabutan kami roon ni Brent. Di ko alam na pupunta siya ng bahay. At nahuli niya kami ni Art sa akto… Kaya wala na kaming nagawa kundi ang aminin sa kanya ang relasyon namin ni Art.
May kung anong bigat sa dibdib ang naramdaman ko habang pinakikinggan ko ang kwento ni Alex. Wala akong ibang inaalala kundi si Brent. "Anong sabi ni Brent?"
"Wala siyang smasyadong sinabi maliban sa parang pilit na ngiti niya." Bumuntong-hininga si Alex saka lumukot ang mukha. "Pinuntahan kita kahapon sa inyo para ikwento 'to sa'yo lahat dahil pakiramdam ko ang bigat na ng dinadala ko. Kailangan ko ng makakausap bukod kay Art na masasabihan ko nito. Ayokong umabot sa puntong lumamig ang pagakakibigan namin nang dahil lang dito… Pero di ko naman alam kung anong gagawin para maiwasang mangyari 'to."
"Ako na ang bahala kay Brent." sambit ko kahit na di ko rin alam kung anong dapat gawin. Ni hindi ko alam kung kakausapin niya pa ako. "Susubukan ko ring kausapin siya."
"Salamat, Mira." tanging sagot ni Alex bago dumating si Mrs. Castilla. Saka ko rin lang napansin na marami-rami na rin pala ang estudyanteng dumating. Nagsimula na rin agad ang klase kaya tuluyan ng naputol ang masinsinang pag-uusap namin ni Alex. Wala ang atensyon ko sa pag-aaral mula hanggang matapos at sa mga sumunod pang klase dahil di ko mapigilang isipin at alalahanin si Brent.
Breaktime nang magkita-kita kami sa usual table namin. Si Art at Kyle ang naabutan naming nauna roon habang napansin ko agad na wala pa si Brent.
"Di pa tapos ang klase ni Brent," pauna ni Kyle sa pagdating pa lang namin ni Alex. Mukhang alam na rin niya ang sitwasyon, dahil bago pa man kami makalapit sa kanila, napansin kong masinsinan ang pag-uusap ni Kyle at Art.
"Nakausap mo na ba si Brent?" tanong ko agad kay Kyle. Parang hindi ako mapapakali hangga't di ko nakakausap si Brent. Gusto ko siyang icomfort, dahil alam ko kung anong eksaktong nararamdaman niya. Masakit malaman na may ibang gusto ang taong inasahan mong magugustuhan ka rin… At idagdag pang sa kaibigan mo siya nahulog.
"Oo, and he's fine. Wala naman kayong dapat ikaalaala." sagot ni Kyle na nakadirekta ang tingin kay Art at Alex. Gusto kong paniwalaan ang sinabi niya, pero hindi ko magawa dahil sa kanilang lahat, ako ang nakakaalam kung gaano kagusto ni Brent si Alex. Kahit pagbalik-baliktarin ang sitwasyon, di mawawala ang katotohanang masakit ang pinagdadaanan niya.
"O, ayan na pala siya…" Dagdag ni Kyle nang matanaw niya ang paparating na si Brent. Napalingon din ako sa direksyon na 'yon at masusing inobserbahan ang galaw at ekspresyon niya.
Nakangiti siya nang makalapit sa'min, na pinagdududahan ko kung tunay ba 'yon. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi mismo ni Art at umakbay pa rito. "Ba’t di niyo pa ginagalaw ang pagkain niyo?"
"Hinihintay ka namin, para sabay-sabay na tayong maglunch." Si Alex ang sumagot na halatang nakahinga ng maluwag ngayon. Masaya siya na hindi nangyayari ngayon ang kinababahala niya kanina. Walang awkwardness, sama ng loob, o lamat sa pagkakaibigan sa sitwasyon nila, pero mukhang dahil lang ‘yon sa tinatago ni Brent ang tunay niyang reaksyon. Hindi ako naniniwala na okay siya.
“Kukuha lang ako ng lunch ko.” Paalam ni Brent na dumiretso sa pila sa unahan para sa pagkain niya. Bigla akong napatayo para sundan siya.
"May bibilhin lang ako." paalam ko sa mga kasama ko saka sumunod na ako kay Brent. Nasa pila siya nang abutan ko. Ang totoo, di ko alam kung anong eksaktong dapat kong sabihin sa kanya. Kung dinala man ako ng mga paa ko sa, 'yon ay dahil sa di ko pa rin magawang di mag-alala sa kanya. Nagbabakasakali ako na baka kailangan niya ng makakausap, at gusto kong makinig sa kung ano mang nararamdaman niya.
Napansin din agad ni Brent na nasa likod na niya ako. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya na siyang unang binuka ng bibig ko. Hindi siya sumagot, kaya muli akong nagsalita. "Narinig ko 'yong nangyari kahapon. Kung gusto mo ng makakausap--"
"Pwede ba Mira, nasa pila tayo." balik niya sa'kin sa hindi magandang tono. "Hindi mo rin kailangang sabihin 'yan sa'kin dahil okay lang ako."
Para akong sinampal sa sinabi niya. Nasaktan ako na iba sa sakit noong huling beses na tinaasan ako ng boses ni Brent. Nakakapagtampo lang na kailangan niya talagang tratuhin niya ako ng ganito na para bang wala kaming pinagsamahan.
"Sorry." tanging balik ko sa kanya sa hirap na boses dahil pinipigilan kong maiyak. Tinalikuran ko din siya agad para bumalik sa mesa namin. Nagsisisi ako na nilapitan ko pa siya. Dapat hindi na.
"O, akala ko may bibilhin ka?" tanong sa'kin ni Alex nang makabalik ako sa kanila.
"Nagbago na ang isip ko." maikling sagot ko saka tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain sa harapan ko. Binaling ko ang buong atensyon ko sa pagsubo ng pagkain na para bang makakatulong 'yon para maibsan ang kung ano mang sakit sa dibdib ko.
"Sabay-sabay na tayo kumain Mira. Hintayin na lang natin si Brent." sambit ulit ni Alex na parang nakatatanda kung magsalita, pero hindi ko siya pinakinggan.
"Hayaan niyo na ako. Magrereview pa pala ako para sa next class ko kaya mauuna ako sa inyong umalis." palusot ko dahil ang totoo, parang di ko rin kayang makasabay si Brent sa pagkain. Kaya mas binilisan ko pa ang pagsubo hanggang sa maubos ko 'yon bago pa man dumating si Brent.
Agad akong tumayo at binitbit ang gamit ko. "Mauuna na ako sainyo." paalam ko. Ni hindi ko na rin sila binigyan pa ng pagkakataon na pigilan ako dahil hinakbang ko na ang sarili ko palayo sa mesa nila.
Malalaking hakbang ang ginawa ng paa ko makalabas lang, pero bago ko pa man malagpasan ang pinto palabas, hinarangan ako ni Leslie. Saka ko rin lang napansin na kasama niya si montellano at grupo nila na papapasok lang ng cafeteria.
"O, Mira!" Nakangiting bati sa'kin ni Leslie na akala mo magbff kami. Himala ring maluwang ang ngiti niya sa'kin matapos ang kaganapan kaninang umaga nang gumawa lang naman ako ng gulo sa relasyon nila ng boyfriend niya. Nakalingkis siya ngayon kay Montellano, kaya huhulaan kong break na sila ni Paul.
Ngumiti lang ako at lalagpasan lang sana sila pero di umaalis si Leslie sa daraanan ko. Ngumiti siya na puno ng kaplastikan saka muling nagsalita. "Mag-out of the country kami ng grupo para magbakasyon sa paparating na long weekend. Baka gusto mo lang naman sumama…"
Umiling ako. "Hindi na. Marami akong gagawin sa long weekend na 'yan."
Ngumiti ng mapang-insulto si Leslie. "Kung sabagay, can't afford ka nga pala pagdating sa mamahaling lakwatsa. Pero sayang naman, mamimiss mo si Drew. Pagbalik namin dito, akin na siya."
Napabaling ako kay Montellano sa sinabing iyon ni Leslie. "Sasama ka?" tanong ko sa kanya. Parang gusto ko siyang pagalitan ngayon dahil magagawa pa talaga niyang maglakwatsa sa ibang bansa kahit na naghihirap na siya. May pera pa ba siya?
"Oo naman." si Leslie ang sumagot para sa kanya. "At bakit hindi? Hindi sa'min problema ang lumabas-masok ng bansa. Kaya naming mag-enjoy na hindi pinoprolema ang pera tulad mo."
Kung kumakain lang ako ngayon, siguradong nabulunan na ako. Kung alam lang niya na taghirap ang lalaking sinasabi niyang yayamanin. "Talaga lang huh? Di niyo pinoproblema ang pera?" sambit ko na habang nakadirekta ang tingin ko kay Montellano. Nakita ko kung paano niya ako balikan ng tingin na para bang nagsasabing manahimik ako, kaya 'yon na lang ang ginawa ko.
"Okay, enjoy na lang kayo." muli kong sabi saka tuluyan na silang nilagpasan. Dumiretso ako sa sunod kong klase. Wala pang sinong tao sa classroom, kaya wala akong ibang ginawa kundi ang umupo at tumingin sa kawalan. Wala naman talaga akong dapat pagreviewan ngayon. Ni wala rin ako sa tamang kondisyon para sa klase sa maghapon. Kung kaninang umaga, di ako makagugol ng konsentrasyon sa pag-aaral, mukhang mas malala ngayong hapon. Ramdam ko pa rin ang sakit sa kung paano ako tratuhin kanina ni Brent.
***
Alas singko ng hapon nang matapos rin ang huling klase ko. Tulad ng inaasahan ko, wala sa klase ang buong atensyon ko dahil lumilipad 'yon sa sakit at sama ng loob ko kay Brent. Hindi ako makapaghintay na makauwi ng bahay at itulog na lang ang lahat ng ito.
"Mira, okay ka lang?" Napabaling ako kay Alex na mukhang hkanina pa akong pinagmamasdan. Inabot niya sa'kin ang hawak niyang notebook. "Napansin kong tulala ka sa buong klase, at alam kong wala kang itake note kahit isa. May quiz pa naman tayo bukas."
Tinanggap ko iyon saka ngumiti. Pasalamat na rin talaga ako na kaklase ko si Alex sa ilang subjects kaya nasasalba ako kahit papaano.
"Dahil ba sa paulit-ulit kang pinagalitan ni Mrs. Tabor?"
Tinanguan ko na lang si Alex kahit hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pagkaala ko sa sarili ngayon. "Ayos lang ako, Alex. Sanay na rin ako kay Mrs. Tabor at sa kasungitan niya."
Kasabay nang pagtayo ko para sa palabas namin ni Alex ng classroom, nahagip ng mata ko ang likod ni Brent na mukhang naghihintay sa labas. Napabaling ako kay Alex at tinuro ang nakita ko. "Si Brent nasa labas, baka kakausapin ka…"
Wala akong ibang nakikitang dahilan ng pagsulpot ni Brent kundi ang pakay nito kay Alex. "Mabuti na rin 'yan na mapag-usapan niyo ng maayos ang mga ilang bagay tungkol sa inyo. Mauna na ako sa'yo, puntahan mo na siya."
Matapos kong sabihin iyon kay Alex, tumalikod na ako at dumaan sa kabilang direksyon. Bumibigat lang ang dibdib ko kapag nakikitabko si Brent. Handa niyang ayusin ang pagkakaibigan nila ni Alex, samantalang 'yong sa pagitan naming dalawa, hinahayaan na lang niyang manatiling may lamat.
Napabuntong-hininga na lang ako ng paulit-ulit dahil parang nagbabadyang maluha na naman ang mga mata ko. Hangga't maaari, ayoko na munang umiyak lalo na't may mga nakakasalubong akong mga estudyante. Binilisan ko na lang ang paghakbang ko, dahil gusto ko ng makauwi ng bahay.
Narating ko rin ang nag-aabang na school bus sa labas matapos ang mahabang paglalakad ko. Pero bago pa man ako makasakay, may humablot ng braso ko.
Nagulat ako nang makita ko kung sino ang pumigil sa'kin. "Brent?"
Hinihingal siya at may ilang butlig ng pawis na para bang tumakbo. "Hinintay kita sa labas ng klase mo, pero sabi ni Alex nauna ka na raw. Hinabol kita at tinawag ng ilang beses, pero di ka man lang lumingon."
Walang rumehistro sa utak ko sa kung anong pinagsasasabi niya. Nakatuon ang utak ko sa pag-iusip kung bakit niya ako kinakausap ngayon.
"Sorry." sambit niya na ikinalinaw ng tanong sa isip ko. "Sorry kanina. Di ko dapat ginawa sa'yo 'yon. Alam kong concern ka lang naman."
Parang gusto ko na namang maiyak pero hinding-hindi ko pagbibigyan ang sarili ko. Ang totoo, di ko inaasahang maririnig ko sa kanya ito ngayon. Alam kong dapat akong matuwa, pero biglang parang tumigas ang dibdib ko. Di basta mawala ang inis ko sa kanya matapos ang sorry niya.
Matagal akong hindi nagsalita, kaya muli niya akong kinibo. "Ihahatid na kita sa inyo."
"Huwag na." mabilis kong tanggi. Nasa boses ko pa rin ang tampo na di ko rin inakalang tatagal at di mabibili ng sorry niya. "Paalis na rin naman ang bus ko."
"Galit ka pa rin ba?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang nakakapit niyang kamay sa braso ko. Humigpit 'yon na para bang wala akong balak pagbigyan na humakbang paakyat ng bus.
"Hindi. Okay na tayo." sambit ko para pakawalan na rin niya ako pero di 'yon nangyari. Di ko alam kung naririnig niya ang pilit na tinatago kong lamig sa boses ko.
"Kung gano'n sa'kin kana sumabay. Ihahatid na kita." muli niyang sabi na hindi ko na nagawang tanggihan nang hilahin na niya ako. Malayo-layo rin ang kinaroroonan ng kotse niya kaya mahaba-haba rin ang nilalakad naming dalawa. "Gusto mong kumain muna? Libre ko."
"Huwag na. Gusto ko na rin namang umuwi. Medyo masakit lang ang ulo ko." pagdadahilan ko na napakadali lang para sa'kin na bitawan.
"Anong klaseng sakit ng ulo ba 'yan? Migraine? Gusto mong dumaan tayo sa botika?"
"Huwag na. Meron naman sa bahay." putol ko sa kanya. Nakikita kong bumalik na 'yong Brent na dating kilala ko, pero di ko pa rin magawang maalis ang hinanakit at pagkainis ko sa kanya na pilit kong tinatago ngayon.
"Okay na ba talaga tayo?" muling pag-uungkat ni Brent na tumigil sandali sa paglalakad para tignan ako sa mata. Sa sandaling iyon, di na ako nakapagsinungaling.
"Ang tagal kong hinintay na maging okay tayo, Brent. Ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na mawawala din ang galit mo sa'kin at mababalik din ang pagkakaibigan natin sooner or later kaya wala akong dapat ikapag-alal. Pero habang tumatagal ang pag-iwas mo sa'kin, iniisip ko kung may halaga ba talaga sa'yo ang pinagsamahan natin dahil nagagawa mo yon patagalin ng gano'n. Sorry, pero ang selfish mo. Di mo iniisip na nasasaktan din naman ako… Nasasaktan ako na umabot na sa puntong umiiwas na rin ako sa'yo, kahit na nasasakripisyo rin niyon ang oras ko sa ibang kaibigan natin..."
Sunod-sunod ang daloy ng luhang lumalabas sa mata ko na di ko na napigilan sa pagbato ko ng mga hinanakit sa kanya. Namalayan ko na rin lang na niyayakap na ako ni Brent.
"I'm so sorry." muling sambit niya sa pabulong na paraan habang pinapatahan ako sa pamamagitan ng marahang mga haplos sa likod ko. "Narealize ko rin lang ang katangahang ginawa ko. I'm sorry, Mira." Kumalas di siya sa pagkakayakap sa'kin para tignan ako sa mata at magsalita ng buong sinseridad. "Sorry."
Wala ng salitang lumabas sa bibig ko dahil tanging pag-iyak na lang ang nagagawa kong gawin. Yong bigat sa dibdib na kanina ko pa dala-dala, nabuhos 'yon ngayon kaya di ko masisisi ang sarili ko kung halos di ko mapigil ang pagbigay ng emosyon ko.
"Ang pangit mong umiyak Mira, tama na yan." batong biro ni Brent na umepekto naman dahil bahagya akong natawa at napatigil sa pag-iyak. Saka ko rin lang kasi naisip ang itsura ko na basa ng luha ang pisngi't damit ko habang nakikisabayan rin ang sipon ko. Ni wala akong panyo pamunas.
Parang nabasa rin naman agad ni Brent ang bagay na hinihiling ng utak ko dahil dumukot siya mula sa bag niya ng panyo at binigay 'yon sa'kin.
"Salamat." Namamaos na sambit ko sa kanya saka ginamit iyon.
"Hindi na natin kailangan iwasan ang isa't isa, Mira." sabi niya habang abala ako sa pagpunas at pag-aayos ng sarili ko. "Ang totoo niyan, inusig ako ng konsensiya matapos 'yong pangyayari kanina sa cafeteria. Matapos mong umalis, saka ako natauhan na ikaw nga pala 'yong kaibigan ko na lagi ko noong napagsasabihan at napagkukwentuhan tungkol sa nararamdaman ko kay Alex… At kung kinamusta mo man ako kanina, 'yon ay dahil nakikita mo ang totoong nararamdaman ko." sandali siyang tumigil na para bang humuhugot ng lakas para sa susunod niyang sasabihin. "At para sagutin ang tanong mo na iniwasan ko kanina, Mira… I'm not really okay. Pero kailangan kong maging okay sa harap nila."
Ako naman ang yumakap sa kanya na di ko pinagdalawahang isip na gawin. Wala na 'yong tampo o hinanakit ko sa kanya at napalitan na iyon ng pagdamay tulad nang gusto ko sanang mangayari kanina sa cafeteria nang lapitan ko siya.
"Pwede ko bang balikan 'yong offer mo kanina Mira? Ang totoo kasi niyan, kailangan ko talaga ng kausap. Kailangan kita Mira, tulad ng dati…"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka tumango. "Oo naman." sagot ko sabay ngiti. "Basta ba, lilibrehin mo ako ngayon."
"Akala ko ba ayaw mo? Di'ba masakit ang ulo mo kaya gusto mo ng dumiretso sa bahay niyo pauwi."
Napangiti ako ulit. "Di naman talaga masakit ang ulo ko. Drama ko lang 'yon na kanina. Yun ang unang bagay na naisip kong idahilan."
Pinitik niya ang noo ko saka ginulo ang buhok ko tulad ng parati niyang ginagawa noon. Kinaiinisan ko man noon sa tuwing hinihimas niya ang ulo ko na para bata, pinagbigyan ko na rin lang siya ngayon na walang pag-angal dahil aaminin kong namiss ko rin ang ganitong klaseng pang-aasar niya.
-----🙈🙉🙊-----
And, Brent is back. Mangamba na ang mga Montey jan. Hahah. ✌😇😜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top