Oh 27
K A B A N A T A 27:
Gray Knitted Sweater ang napili kong suotin sa mga damit ni Montellano. Masyado ngang malaki 'yon para sa'kin pero hindi na masamang tignan. Pagdating naman sa pants na pambaba ako nahirapan sa paghahanap. Masyadong marami ang mga damit ni Montellano pero wala talagang nagkasya sa waistline ko, pero buti na lang napakialaman ko ang isa pang closet niya kung saan nakatago ang niliitan na niyan mga damit. Swerteng nakahanap ako ng tight pants na malayo na ngayon sa pormahan ni Montellano. Kung huhulaan ko, siguro panahong nagbibinata palang siya ng masuot ito. May kataasan man ang haba ng pantalon, nagawan ko naman ng paraan sa patupi nito sa dulo.
"Akalain mo nga naman, mas naging tao ka ngayong suot mo ang damit ko." komento ni Montellano nang makasakay na ako sa kotse niya na kanina pa busina ng busina. Tulad ng inaasahan ko, wala siyang matinong nasabi sa outfit ko ngayon, pero positibo na rin kahit papaano ang komento niya sa pandinig ko.
"Ibabalik ko na lang sa'yo 'to bukas. Salamat." sagot ko na lang na hindi nakakalimutan ang magpasalamat. Kahit nakakainis at nakakaasar si Montellano, kailangan kong aminin sa sarili ko ngayon na malaking tulong siya na makapasok ako ngayon sa oras. Hindi pwedeng hindi ako pumasok o mahuli man lang sa klase dahil kilalang istrikto at terror si Mr. Castro na hindi nangingiming mangbagsak ng grado ng iresponsableng estudyante niya.
Walang namagitang pag-uusap sa pagitan namin ni Montellano sa buong biyahe dahil parang sinadya nitong lakasan ang music sa pinakamataas na volume. Hindi ko gusto ang playlist niya na halos puro rap songs na siyang pinakaaayawan ko. Wala kasi akong maintindihan sa pinagsasasabi ng rapper dahil sa sobrang bilis. Kung kaibigan ko lang si Montellano at malapit kami sa isa't isa, siguradong pinatay ko na ang music niya, kaso hindi… Nakikisakay lang ako sa kotse niya, kaya kailangan kong magtiis sa ingay na naririnig ko.
Habang tahimik lang akong nagmamasid sa daan, naaalala ko ang mga nangyari kagabi. May kung anong bigat na nakapatong sa dibdib ko dahil hindi ko pa rin alam kung paano maaayos ang gusot sa pagitan namin ni Brent. Ang kausapin siya ulit ngayon araw ang tanging nakikita kong solusyon. Alam kong hindi magiging madali, pero susubukan ko ulit.
Matapos ang sampung minutong biyahe, narating din namin ang campus. Nang maipark ni Montellano ang sasakyan, agad na rin akong nagpaalam sa kanya na hindi nakakalimutan ang magpasalamat ulit. Nasa tamang oras lang ako nang dumating sa klase ko at nakapagreview pa ako ng ilang minuto bago nagsimula ang quiz. Nakahinga ako ng maluwag nang masagutan ko ng maayos ang bawat tanong at natapos ko rin ang exam sa takdang oras.
"Mira…" rinig kong tawag sa'kin ni Leslie bago pa man ako tuluyang makalabas ng pinto ng classroom. Himalang iniwan niya ang minions niya para sumabay sa'kin palabas.
"Bakit?" tanong ko agad sa kanya. Alam kong may kailangan siya dahil hindi siya basta-basta lalapit sa'kin ngayon kung wala.
"May nangyari na ba sa inyo ni Montellano?" walang pasakalyeng tanong niya na ikinagulat ko. Di ko alam kung anong sumuot sa utak niya para isipin niya iyon. Kung nagkataong umiinom siguro ako ng tubig sa mga oras na to, siguradong nabuga ko na 'yon sa pagmumukha niya. Ako at si Montellano? yon ang pinakamalabong mangyari.
Sasagot sana ako pero inunahan niya ako. "Don't you try to deny it. Nakita ko kayong umalis kagabi sa party na magkasama, at nakita ko kayo kanina lang na sabay pumasok…"
"Walang nangyari sa'min at walang mangyayari sa'min." paglilinaw ko sa kanya para malinis man lang ang pangalan ko. Ang di ko lang alam ay kung naniniwala siya, dahil kung titignan ang reaksyon niya, mukhang hindi.
"Sabi ng isang taong nagpapakainosente." sambit niya na umabot sa pandinig ko. Nang tignan ko siya ng masama, siya pa ang galit. "Bakit? Totoo naman huh. Alam ko namang dumidikit-dikit ka kay Drew dahil gusto mo ng atensyon… at nang sumikat din ang pangalan mo."
Di ko alam kung anong issue niya sa'kin at bigla na lang niya akong kinaiinisan. Sa pagkakaalam ko may boyfriend na siya kaya di ko alam kung saan nanggagaling ang selos niya na para bang pagmamay-ari pa niya ang ex niyang si Montellano. "Kung ang mabansagan na limbo ni Montellano ang ikasisikat ng pangalan ko, 'yon ang hinding-hindi ko papatulan. Hindi ako interesado kay Drew Montellano o sa kasikatan niya, kaya please lang… Ikaw lang naman ang nagpupumilit sa bagay na hindi mangyayari."
Iniwan ko na agad si Leslie dahil sumasakit lang ang ulo ko sa kanya. Dumiretso ako ng library hindi para magbasa o mag-aral kundi para umidlip sandali pero sa kasamaang palad, napahaba ang tulog ko. Buti na lang tapos na ako sa klase ni Mr. Castro at hindi ang klase niya ang nagawan ko ng ganito.
Eksaktong lunchbreak na akong nagising kaya ang cafeteria na ang pinuntahan ko, sa mismong pwesto kung saan kami nagkikita-kita ng bakarda. Pakiramdam ko bumalik na ulit ako sa normal na kodisyon matapos ang napahabang tulog ko.
Ako ang pinakahuling dumating sa spot namin. Naroon na ang lahat na naabutan kong pinag-uusapan ang tungkol sa naganap na party ni Alex. Eksaktong may bakante sa tabing upuan ni Brent pero hindi ako roon umupo. Bigla akong tinamaan ng hiya at kaduwagan. Alam kong paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na dapat ko ulit kausapin at paliwanagan si Brent tungkol sa nagyari, pero parang naduduwag na ako ngayon.
Natatakot ako sa mga bagay na maaaring iniisip niya. Paano kung alam na niya na may gusto ako sa kanya? Parang wala akong mukhang maihaharap sa kanya sakaling makonekta niya ang mga pangyayari at humantong sa tamang konklusyon.
"Whoa. Mukhang iba ang pormahan mo ngayon, Mira…" puna sa'kin ni Alex na ang damit ko agad ang napansin. Sa kanya ako tumabi, pero parang gusto ko ring pagsisihan dahil katapat ko mismo si Brent na napansin ko ang biglang pananahimik simula nang dumating ako. Hindi ko magawang maging komportable sa sitwasyon namin ngayon pero kailangan kong magpakanormal para hindi makahalata ang mga kasama namin.
Muling nabalik ang usapan nila sa nangyaring party kagabi. Iiwan ko muna sana sila para pumila ng pagkain ko nang biglang hindi natuloy ang pagtayo ko dahil sa tanong ni Kyle kay Brent. "Bro, saan ka nga pala sumuot kagabi? Di ka na namin nahagilap bago pa man magsimula ang tunay na party. Nagkaproblema ka ba?"
Awtomatikong napalingon ako kay Brent para sa kung anong isasagot. "Oo, nagkaproblema nga. Yong mga kapatid ko, nagkagulo lang naman sa bahay." sagot niya na lumingon kay Alex. "Sorry, di na ko nakapagpaalam pa sa'yo."
"It's okay. Actually hindi lang naman ikaw ang di nagpaalam," sagot naman ni Alex na nasa akin ang tingin. "May isa rin kasi diyan na nawala na lang ng basta."
"Oo nga pala Mira, ba't bigla ka ring nawala? At saan ka sumakay pauwi? May naghatid ba sa'yo?" pang-uusisa naman ulit ni Kyle.
"Sa isa sa schoolmate natin. Pareho lang ang direksyon namin pauwi, kaya nakisabay na ako." sagot ko na di sinasabi ang pangalan ni Montellano. Di ko rin alam kung bakit ako nagsisinungaling.
Hindi na rin naman sila nag-ungkat pa sa kung sino o anong pangalan ng schoolmate na nabanggit ko. Nag-iba na rin ulit ang topic ng pinag-uusapan nila kaya di ko na rin kailangan pang palalimin ang pagsisinungaling ko.
Muling nabaling ang tingin ko kay Brent na hindi man lang nag-aabalang lumingon sa'kin. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-ayos sa kanya, kaya nang bumili ako ng lunch ko, bumili na rin ako ng soda para sa kanya. Pasimple ko 'yong nilagay sa tapat niya nang makabalik ako sa table. Nakita kong napansin niya ang ginawa ko habang ang iba ay nakafocus lang sa pinag-uusapan nila. Umaasa akong makakatulong 'yon kahit papaano para pansinin na rin niya ako, pero mukhang wala rin 'yong epekto dahil hindi man lang niya 'yon ginalaw hanggang sa matapos ang lunchbreak.
"Brent," tawag ko sa kanya nang mahabol ko siya bago pa man siya makarating sa classroom niya. Nauna na sina Kyle at Alex sa kani-kanilang klase, habang ako ay pasimpleng sinundan si Brent. Nilakasan ko na lang ang loob ko para lang maayos ang gusot na 'to.
Tulad ng inaasahan ko, hindi man lang siya nag-abalang lingonin ako. Kaya nang akmang magpapatuloy siya sa paglalakad, patakbo akong humarang sa unahan niya. "Brent, sandali lang naman…"
Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa'kin na walang ekspresyon, patunay na galit pa nga talaga siya sa'kin. "Mahuhuli na ako sa klase ko." Maging ang boses niya ay walang kaemo-emosyon.
"I'm sorry… sa nangyari kagabi." sambit ko dahil 'yon lang ang tanging alam kong sabihin. "Di ko talaga sinasadyang--"
"Sinadya mo, kaya tayo nagkakaganito." putol niya agad sa'kin. "Tulad ng sabi ko kagabi, marami kang panahon para sabihin sa'kin na ikaw 'yon at hindi si Alex, pero anong ginawa mo? Nagpanggap ka pa rin. Mira, sa totoo lang, nawala ang tiwala ko sa'yo at hindi yon basta-basta mababalik ng sorry at excuses mo ngayon."
Nakahawak ako sa laylayan ng damit na suot ko dahil ang totoo pinipigilan kong maiyak. Hindi makakatulong ang umiyak ako sa harapan niya na para bang ako pa ang biktima. Natahimik na lang ako habang pinapakinggan siya.
"Mas maganda kung di mo na lang ako kakausapin dahil iiwas at iiwas rin lang naman ako sa'yo sa tuwing gagawin mo 'yon. Kalimutan mo na rin 'yong pagiging kupido mo sa'min ni Alex. Kaya ko na ang sarili ko sa bagay na 'yon."
Hindi na ako nakapagsalita pa matapos ang mga sinabi niya. Para akong naparalisa sa isang gilid nang umalis siya. Ngayon ko lang napagtantong, malaking lamat ang nagawa ko sa pagkakaibigan namin ni Brent. At wala akong dapat ibang sisihin kundi ang nararamdaman ko sa kanya. Dapat sana noon pa lang, pinigilan ko na 'to.
Wala ako sa sarili ko nang pumasok ako sa mga sumunod kong klase. Wala ang konsentrasyon ko sa lecture at discussion dahil di ko magawang maalis sa isip ko ang mga salitang iniwan sa'kin ni Brent. Natapos ang huling klase ko sa hapon na wala man lang akong nahita kahit isa sa pinag-aralan namin.
"Hello, Earth to Mira…" rinig kong sambit ni Alex na kanina pa nagsasalita sa tabi ko pero di ko magawang mapakinggan. "Nakikinig ka ba sa 'kin?"
"Huh? Oo naman. Ano nga ulit 'yon?"
Napabuntong hininga na lang ulit ito saka inulit ang sinabi. "Dadalaw tayo ngayon kay Art sa bahay nila. May konting lagnat pa siya pero magaling na kahit papaano. Anyway, naghihintay na sa'tin sina Kyle at Brent sa kotse, kaya bilisan mo na yan."
Natigilan ako sa paglalagay ng notes ko sa locker. Humarap ako kay Alex sa apologetic na mukha. "H-hindi ako makakasama. May gagawin pa kasi ako." paggpapalusot ko. Pakiramdama ko, ito ang mas mabuting gawin.
"At ano naman ang gagawin mo?" tanong nito na alam kong hindi ko agad makukumbinsi kung wala akong matibay na dahilan.
"Magreresearch sa library. Kailangang kailangan para sa thesis ko."
"Pero akala ko tapos ka na sa thesis mo. Nakapagsubmit ka na ng lahat ng chapters di'ba?"
"May kailangan akong irevise." pagsisinungaling ko ulit. "Umalis ka na't hinihintay kana nila sa baba. Baka mainip na ang dalawang 'yon. Sabihin mo na lang kay Art na, get well soon… Alam kong matagal pa ang buhay niya dahil masamang damo siya."
Hindi naman ako nahirapan sa pagtataboy kay Alex dahil naniwala naman siya sa'kin at sa kasinungalingan ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko 'tong gagawing pag-iwas, ang alam ko lang, kailangan… Ito lang ang nakikita kong tamang gawin sa ngayon... Ang umiwas kay Brent.
***
Ang weekend ang pinakapaborito ko noong araw pero hindi ngayon. Sa halip na maglakwatsa kasama ang barkada na siyang nakagawian na namin, wala akong magawa ngayon kundi ang magmukmok sa kwarto. Nakailang text at tawag na sa'kin si Alex na nasa bahay sila ngayon ni Brent tumatambay pero kailangan ko namang magdahilan na hindi ako makakapunta. Nagsinungaling na lang ako na hindi ako pinayagan ni mama.
Ako ang tao na hindi mapakali na nasa bahay lang palagi, kaya di ko mapaliwanag ngayon kung gaano ako nabobored na hindi makalabas kasama nila dahil lang sa pagpipivil ko sa sarili kong kagustuhan. Sinubukan kong magpakaabala sa ibang bagay tulad ng panonood sa youtube at pakikinig ng music sa spotify, pero di man lang 'yon naging interesting sa'kin. Sadyang ang paglalakwatsa lang talaga kasi ang alam ko.
Ilang sandali pa, tumunog ang phone ko. Nahuhulaan kong si Alex na naman 'yon pero nagulat na lang ako nang ang pangalan ni Montellano ang malinaw na lumalabas sa screen ko.
Palaisipan sa'kin kung bakit siya tumatawag kaya sinagot ko agad. "Bakit?" bungad kong tanong sa kabilang linya.
"Puntahan mo ako ngayon. Itetext ko sa'yo ang address, pagkababa ko nitong tawag." sagot niya sa mapag-utos na boses.
Napatanga naman ako dahil sa pagkabossy nito o sa kung anong trip nito ngayon. "Teka… tinawagan mo ako ngayon para utusan na puntahan kita? Pwede ko bang malaman kung para saan?"
Sandali siyang tumigil saka sumagot. "Dahil kailangan mong isauli ngayon ang damit ko."
Napauwang ang bibig ko na di makapaniwala na aabalahin niya ako ng ganito ngayon dahil lang sa damit niya na pwede ko namang ibalik sa ibang araw. "Pwede bang sa monday na lang?"
"Ganyan ka ba kapag nanghihiram ng gamit? Hindi marunong magbalik? O baka naman wala ka na talagang balak na isauli pa yan?" sagot niya na nagpapanting ng tenga ko. Sinubukan ko pa ring maghunos dili pero ayaw sumunod ng tono ng boses ko.
"Okay. Fine. Ibabalik ko na!" naiinis na sambit ko bago niya pa ako akusahan na magnanakaw. Sa inis ko, binaba ko na ang tawag. Ilang segundo lang nakatanggap na ako ng text message mula sa kanya na siyang address na pupuntahan ko.
Kumilos na rin ako para magbihis. Ni hindi ako nag-abalang mag-ayos at pomirma dahil si Montellano lang naman ang kikitain ko. Matapos kong maibigay sa kanya ang damit niya, plano kong sumaglit muna sa mall para maglibang sa pagwindow shopping.
Fifteen minutes lang mula sa bahay sakay ang taxi, narating ko na rin ang address na binigay sa'kin ni Montellano. Sa loob ng isang coffee shop ko siya nakita na agad ko namang pinasukan.
Prenteng nakaupo siya at humihigop ng kape nang lapitan ko siya. "Heto na ang damit mo. Nilabhan ko na 'yan kaya pwede mo ng suotin ngayon mismo kamahalan." Di ko mapigilan ang sarkasmo habang binibigay ko sa kanya ang paperbag na laman ang damit niya. Nang hindi 'yon tinanggap ng kamay niya, pinatong ko na lang sa mesa. Akmang tatalikod na ako para umalis nang tawagin niya ako.
"Mira, huwag ka munang aalis. May pag-uusapan pa tayo." sabi niya sa muling mapang-utos na boses.
"At ano namang pag-uusapan natin?" balik ko sa kanya na hindi masyadong interesado sa kung ano mang alak niyang sabihin. Siguradong walang kawenta-kwenta lang iyon.
"Tungkol sa dalawang sikreto mo na alam kong di mo gugustuhing ipangalat ko." sagot niya na di ko akalaing 'yon ang lalabas sa bibig niya. Ngumiti siya nang makita niya ang reaksyon ko at muling nagsalita. "Una, ang bagay na pwede kong sabihin kay Luke na siguradong ikapapahamak mo. At pangalawa, ay ang pwede kong ibunyag kay Brent tungkol sa tunay mong nararamdaman sa kanya."
"Anong kailangan mo?" sambit ko matapos kong matahimik ng ilang segundo. Di ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero alam kong may dahilan ang pananakot niya.
Ngumiti ulit siya na simbolo ng tagumpay. Alam niyang alam kong hawak niya ako sa leeg kaya wala rin akong magagawa sa kung ano mang kondisyong hihingin niya.
"Simple lang naman, Mira. Ang samahan mo akong maghanap ng appartment na matutuluyan ko ngayon mismo." sagot niya. Di ko pa man napoproseso ang sinabi niya, tumayo na siya at kinuha ang dalawang maleta sa tabi niya na ngayon ko lang napansin. "Let's go…"
------☕☕☕------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top