Oh 21

K A B A N A T A  21:

Nasa harapan ko ang nakakamanghang falls na may malinis at preskong  tubig. Yun nga lang, hanggang pag-upo sa malaking bato at pagtitig lang ang nagagawa o habang nagmamasid rin sa mga kaibigan ko na nag-eenjoy sa tubig. Masakit pa rin ang sugat ko sa tuhod kaya hindi ako makasali sa kanila.  Napansin kong namamaga na ito ngayon at mas sumakit pa kumpara kanina. Iapak ko lang ang paa ko sa lupa para na akong baboy na kakatayin dahil sa sobrang sakit kapag kinikilos. Pinagdarasal ko na lang na mawala lang ang sakit na ‘to sa oras ng uwian lalo na’t hindi ko na dapat asahan pa si Brent na bubuhat sa’kin.

“Ang sarap talaga kapag nananalo sa mga ganitong laro…” sambit ni Montellano habang kasalukiyang minamasahe ang likod niya ni Brent. Kung ang pares ni Montellano at Alex ang nanalo sa laro, kami namang dalawa ni Brent ang natalo dahil sa pinakahuli kaming dumating sa finish line.

Kanina ko pa nakikita ang asar na mukha ni Brent na hindi tinitigilan ni Montellano na utusan ng kung ano-ano. Halos siya na yata ang sumalo lahat ng pagsisilbi sa dalawa dahil sa kondisyon ko na hindi masyadong makakilos dahil sa sugat ko sa tuhod.

“Parang gusto kong umakyat sa gilid na mga bato at magdive mula sa taas.” Sabi ni Alex na hindi na nakakagulat mula sa kanya. Sadyang masyado siyang matapang sa mga ganitong bagay na hindi man lang natatakot na mapaano. Kaya nga hindi na rin nakakapagtaka kung sila man ang nanalo sa race dahil alam namin kung gaano siya kacompetitive na tao.

“Go, do it. Sasamahan pa kita.” Sagot agad ni Montellano na naging dahilan para sumingit rin si Brent.

“Wag na, Alex. Delikado. Tignan mo ‘yong mga bato, basa at madudulas. Baka kung anong mangyari sa’yo diyan.” Nasa boses ni Brent ang pag-aalala, bagay na masarap sanang pakinggan.

“Walang mangyayari sa kanyang masama. Hindi ko hahayaan ‘yon.” Singit ulit ni Montellano.

Sa kabila ng pagpigil at pagpapaalala ni Brent, tumuloy pa rin si Alex na sadyang may katigasan rin ang ulo. Desidido siyang umakyat tulad ng ginusto niya. Nagcheer na rin ang lahat para sa kanya kaya wala na ring nagawa si Brent kundi ang panoorin itong subukan ang naisip na ideya.

May tiwala kami kay Alex na magagawa niya kaya sa halip na mag-alala tulad ni Brent, nagchi-cheer kami para sa kanya. Kasunod niya lang si Montellano na hindi rin talaga nagpahuli. Halatang nagpapaimpress lang naman siya kay Alex  sa kabila ng sinabi ko sa kanya noon na wala na siyang pag-asa kahit ano pang pagpilit niya.

Nang mataas-taas na rin ang naaakyat ni Alex na napakalapit na sa tuktok, mas lalo lang kaming bumilib sa kanya dahil nahigitan niya si Montellano na nangangalahati palang na naaakyat. Habang kinukunan ko ng video ang pangyayari, biglang kaming kinabahan ng makita namin ang nadulas na isang paa ni Alex na naging dahilan para mapawala ang kapit ng isa niyang kamay sa bato. Nakalambitin siya ng ilang segundo bago nahulog…

Si Brent ang nakita kong unang nakalapit at nagcheck kay Alex. “Sabi ko namn sayo huwag mo ng gawin. Tignan mo ang nangyari!” Pasigaw na sabi ni Brent na parang ikinatigil ng lahat. Halata ang galit sa tono ng boses niya pero gano’n pa man di nito mapigilan ang umalalay at mag-alala. “Anong masakit sayo?”

“Yong paa ko. Na-sprain yata.” Sagot din ni Alex na parang biglang tumiklop at nawala ang matapang-na-Alex.

May kung anong mabigat na dumagan sa dibdib ko habang nakikita ko kung paano mag-alala at asikasuhin ni  Brent si Alex. Hindi ko kasi naramdaman ang ganyang pag-aalaga niya sa’kin kanina nang madapa ako. Naghanap siya ng kung anong telang na pwedeng magamit, nang wala siyang makita, pinunit niya ang baon niyang extra shirt at ginamit ‘yon para ibenda sa paa ni Alex.

Patakbong lumapit si Montellano na nahuli ng konti sa eksena dahil sa kabababa lang niya mula sa inakyatan. “Are you okay?” tanong nito na may pag-aalala din.

“Hindi siya okay, kita mo naman di’ba.” Si Brent ang sumagot na patuloy lang sa ginagawang pagbenda sa paa ni Alex. Dumagdag pa ng komento si Brent sa natatawa’t nang-iinsultong tono. “Ang lakas ng loob sabihing hindi niya hahayaang may mangyaring masama…”

Sumama ang tingin ni Montellano kay Brent, pero bago pa man lumala ang sitwasyon umawat na si Kirk. Maging si Kyle ay sumingit na rin, “Mabuti pa umuwi na tayo dahil baka abutin pa tayo dito ng dilim. Let’s go?”

Sumang-ayon na rin ang lahat sa desisyong iyon kaya kanya-kanya na ang lahat sa pagkuha at pagbitbit ng bag at mga gamit nila. Sinubukan kong tumayo para tignan kung makakaya ko na, pero hindi pa rin. Sobrang sakit pa rin ng sugat ko na namamaga pa rin. Tatawagin ko sana so Brent para magpatulong magpatayo nang naunahan niya akong magsalita.

“Ako na ang magbubuhat sayo hanggang sa makalabas tayo dito.” Rinig kong pagboboluntaryo niya pero hindi para sa’kin kundi para kay Alex. Para akong nanigas ng sandaling oras na ‘yon na hindi alam kung paano ko isasatinig ang tanong na, paano ako?

Buti na lang may isang taong sumatinig n’yon. “Paano naman si Mira? Siya ang buhatin mo dahil siya ang partner mo. Ako na rin ang bahala sa partner ko.” Reklamo ni Montellano na di rin patatalo.

“Kanina pa tapos ang larong ‘yan kaya hindi naman kailangan na magkakapares pa tayong uuwi. Isa na rin lang na tunnel ang papasukan natin pabalik, na magkakasama.” Mahinahong sagot ni Brent pero hindi pa rin makakaila ang tension sa pagitan nilang dalawa.

Ngumiti ng mapakla si Montellano saka nagsalita. “Siguro nga tapos na ‘yong laro, pero baka nakakalimutan mo na pewde kitang utusan ng kahit na ano hangga’t di pa tayo nakakuwi.. Kaya kung uutusan kita ngayon to back-off, gawin mo…”

Hindi ko alam kung bakit wala pang umaawat sa dalawa na halos magpatayan na ng tingin. Nang lumingon ako sa iba, kita ko kung paano nagsisimulang maaliw ang mga kasama ko sa nangyayari. Naririnig ko ang pagpupustahan na nina Kyle, Kirk at Art kung sino ang mananalo sa dalawa.

Muling nabalik ang tingin ko kay Brent na mukhang hindi rin basta-basta magpapatalo. Ngumiti rin siya pares no’ng ngitin-tagumpay ni Montellano saka nagsalita. “Para kang bata kung idadaan mo pa talaga diyan ang lahat. Para patas, ba’t di na lang si Alex at Mira ang magdesisyon kung sino ba ang gusto nilang magbuhat sa kanila?”

Agad na bumaling sa’kin si Brent na sinadya niyang ako ang unahin. “Ano Mira? Sino ang gusto mong magbuhat sa’yo?”

Ramdam ko ang biglaang panunuyo ng lalamunan ko na parang walang boses na lalabas. Hanggang sa nahuli ako ng mga titig ni Brent na alam kong may mensahe. Inaasahan niya ang matinding kooperasyon ko ngayon. Kompyansa siya na hindi ko siya bibiguin kaya hindi ko na rin pinatagal pa ang gusto niyang marinig.

“Si Montellano.” Sagot ko kahit na gustong-gusto kong isuka ang pangalan na ‘yon.

Kung nakita ko ang pagngiti ni Brent, siya naman ang nakakatakot na tingin ni Montellano ang sumalubong sa’kin. Tawa rin lang ang naririnig kong reaksyon mula sa tatlong ugok na nagpupustahan. Tumahimik lang sila nang si Alex naman ang tatanungin.

“Ikaw, Alex? Anong sagot mo?” singit ni Kyle na hindi makapaghintay. “Pwede rin namang si Montellano ulit para may thrill ang pustaha—” Di na napagpatuloy ni Kyle ang sasabihin nang hilahin na siya ni Kirk.

Namula ang pisngi ni Alex na halatang hindi na komportable sa sitwasyon. Pinakaayaw niya ang naiipit sa ganitong pagkakataon, pero mukhang wala rin siyang magagawa dahil tulad ko, di rin niya kayang maglakad ng solo.

Namuo ang linya sa noo ni Alex na para bang napipilitan na pumatol sa kalokohang ito. “O sige. Para matapos na ‘to at makauwi na tayo, si Brent na lang.”

Alam kong dapat natutuwa ako sa nangyayari, kaya ‘yon ang pinakita ko. Ngumiti ako, tumawa at kinilig para walang mag-isip na kahit na sino lalo na si Alex na nasasaktan ako.

“Shit…” mahinang sambit ni Montellano sa harapan ko habang naiinis sa pagmumukha ko. Daig pa niya ang bata kung makamaktol. “You’re so stupid.  Tanga lang ang nagpapalagpas sa isang magandang oppurtunity. That’s your chance na makasama si Brent mo, and my chance to be with Alex… pero anong ginawa mo? Sinayang mo—”

“Hina-hinaan mo nga ‘yang boses mo.” Putol ko sa kanya dahil mahirap na baka may makarinig pa sa kanya. “Buhatin mo na rin lang ako para at least makita ni Alex na may konting bahid ka rin ng pagkagentleman.”

“Kung di rin talaga ako magmumukhang masama sa paningin ni Alex kapag inayawan kong buhatin ka…” reklamo pa niya bago tumalikod at pomosisyon ng pagyuko. “Umangkas ka na bilis… Ang bagal naman…”

Parang gusto ko siyang hampasin sa ulo, kung di rin lang ako marunong magtimpi. “Oo na po.” Naaasar na sagot ko saka dahan-dahan akong tumayo na iisang binti ko lang ang nakatukod habang nakahawak sa kanya. Malaki ang pag-iingat ko dahil iniiwasan kong magalaw o mabangga ang sugat ko, pero ang kabagalan kong ‘yon ang muling ikinareklamo ni Montellano.

“Ano ba naman ‘yan Mira, ang tagal. Maiiwan na tayo nito—” Naputol ang pag-angal niya nang humarap siya sa’kin at makita niya ang sugat ko. “Namamaga na ang tuhod mo. Kanina pa ba ‘yang ganyan?”

“Mga makalipas ang isang oras matapos kaming dumating dito ni Brent.” Sagot ko na himalang ngayon lang kami nagkaroon ng maayos at seryosong usapan ni Montellano.

“Nagamot man lang ba yan o nahugasan man lang na sugat mo?”

“Hindi.” Maikli at mahina kong sagot. Hindi ako sanay sa ganitong pakikitungo sa’kin ni Montellano na parang naputulan ng sungay at unti-unting tinutubuan ng pakpak.

Natawa ng bahagya si Montellano sa nang-iinsultong paraan. Mukhang mali ako na isiping nagiging anghel na ang demonyo.

“Bakit ba?!” naiinis na sita ko sa kanya sa kung para saan ang pagtawa niya.

“Nakakatawa lang na kasa-kasama mo si Brent nang masugatan ka pero hindi ka man lang niya inasikaso, pero samantalang no’ng si Alex ang mapilay—”

“Tama na. Hindi mo na kilangan pang ipaalala.” Pagpapatigil ko sa kanya dahil parang ayoko ‘yong isipin o balikan. Parang ang hirap kasi tanggapin na kahit man lang sana kaunting pag-aalala mula kay Brent, wala akong natanggap.

“Tumalikod ka na nga para makaalis na tayo.” Utos ko ulit kay Montellano dahil pakiramdam ko ano mang oras, magsisibagsakan na ang mga luha ko na pilit kong pinipigilan.

Nang sinunod rin ni Montellano ang sinabi ko at nagawa ko ng makaangkas sa likod niya, saka lang pumatak ang luha ko na agad ko ring pinunas bago pa yon mahalata ng lalakeng siguradong pagtatawanan lang ako.

Iisang tunnel na lang ang pinasukan naming lahat. At dahil nasa hulihan kami ni Montellano na nakasunod sa kanila, kitang-kita ko ang masayang mukha ni Brent habang buhat sniya si Alex. Naroon pa rin at di nawawala ang pag-aalala niya na halos bawat segundo na lang nagtatanong kay Alex kung okay lang ito.

Muling naramdaman ko ulit ang nag-aabang kong luha na hindi na nagpapaawat. Sinusubukan kong pigilan pero parang di ko na sila pagmamay-ari na ayaw magpakontrol. Hanggang sa bigla’t bigla, may panyo na sumulpot sa harapan ko na naging dahilan para matigilan ako.

“Gamitin mo na ‘to…” sabi ni Montellano na himalang siya pa talaga ang nag-alok sa’kin ng panyo. Mukhang kanina pa niya napansin ang tahimik na pag-iyak ko.

“S-salamat.” Mabilis na sambit ko sabay kuha sa inalok nito. Muling sumagi sa isip ko na mukhang may natatago rin  talaga sigurong magandang pag-uugali itong hambog na lalakeng ito, pero agad rin ulit nabura ang isiping iyon sa naging sagot nito.

“Actually, di ko lang talaga kasi matagalan ‘yong basa mong luha na kanina pa tumutulo sa damit ko. Baka may kasama ng sipon…”

Nanggigil agad ulit ako sa kanya na ang sarap-sarap sanang hampasin ang ulo ng ilang ulit kung ‘di ko lang siya kailangan ngayon. Hambog!

“Kung hindi lang ako nagtitiis ngayon…” bulong ko na lang sa sarili na umabot sa pandinig niya. Bumaling siya sa’kin ng tingin saka bumirada.

“Para sabihin ko sa’yo, mas nagtitiis ako kaysa sa’yo. Bukod sa may kabigatan ka at hindi interesting na kasama, ngayon lang ako nagbuhat ng babaeng wala sa level ng standards ko. Kahit kailan, di kita magugustuhan.”

Gusto ako ulit bumwelta sa kanya pero parang wala na rin akong sariling lakas para gawin pa ‘yon. Ramdam ko ang biglaang panghihina ko habang hindi pa rin nawawala ang pananakit ng sugat ko na kanina ko pa tinitiis. Sinanday ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Montellano na himalang hindi siya umangal kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon na manahimik at pumikit.

“Shit!” Rinig kong sambit ng taong nagbubuhat sa’kin na ikinatayo ng ulo ko.Di ko inakalang makakidlip ako.

“Bakit?” tanong ko kay Montellano na puro linya na naman ang noo. Hanggang sa napansin ko na wala na ang sinusundan namin sa unahan. “Nawawala ba tayo?”

“Kanina pa.” sagot niya na ikinaalarma ko. Nagdidilim na rin ang paligid kaya mas lalo lang akong nabahala.

“Ano? Paano nangyari ‘yon?”

“Tulog ka kasi ng tulog.” Tanging sagot niya na mukhang pagsisimulan na naman ng away namin. Kaya sa halip na patulan siya, nag-isip na lang ako ng bagay na makakatulong sa problema namin. Kinuha ko ang cellphone sa bag pero hindi ko rin mapakinabangan dahil dead bat.

“Pahiram ako ng cellphone mo?” tanong ko sa kanya na pwede naming magamit.

“Wala sa’kin. Pinabitbit ko ang gamit ko kay Kirk dahil may mas malaki at mas mabigat akong bibitbitin.” Nagbuga muna ng hininga si Montellano bago muling nagsalita. “Halos kanina pa ako pasikot-sikot sa tunnel na ‘to, kaya di ko na rin alam kung saan tayo banda. Pagod na ako. Kaya wala akong ibang gustong gawin muna kundi ang ibaba ka.”

Kita ko ang butil ng pawis sa batok at noo niya kaya di na rin ako tumutol pa. Binaba niya rin ako sa medyo malaking bato na pwede kong maupuan. Medyo nakaramdam ako ng hilo nang bumitaw ako kay Montellano na siyang suporta ko, pero pilit kong nilalabanan.

“Siguradong hinahanap na rin naman nila tayo ngayon…” sabi ko para mapakalma ang sarili ko. Hangga’t maaari, ayokong maghisterya. “Wala naman pwedeng mangyayari sa’ting masama dito di’ba?”

Bumaling sa’kin si Montellano. “Sa’kin wala, sa’yo meron. Kapag may umatake sa’tin dito na kung ano mang hayop, ako makakatakbo, at ikaw ang hindi. Wala kong balak na bitbitin ka pa sa oras ng panganib dahil baka ikapahamak ko lang ‘yon.”

Sinamaan ko siya ng tingin habang ang loob ko ay parang nanginig sa sinabi niya. Mas nagulantang pa ako nang bigla siyang tumayo. “Teka, saan ka pupunta? Wag mo akong iwanan dito…”

“Sandali lang naman.”

“Please, huwag!” pakiusap ko sa kanya na kulang na lang lumuhod ako sa harapan niya, pero di ko lang talaga magawa dahil sa tuhod ko. Hindi man lang nadala ng pakiusap ko si Montellano dahil humakbang pa rin ito palayo sa’kin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Pagkaalis na pagkaalis ni Montellano, ramdam ko ang pagsisitayuan ng balahibo ko na biglang tinalaban ng panlalamig. Tignan ko lang ang paligid na puno ng damo at halaman, natatakot na ako. May mga sapot din sa taas sa tuwing tumitingala ako na pinagpapasalamat kong walang gagamba na siguradong titilian ko sa mga oras na ‘to kung makakakita man ako.

Parang mas lalo rin lang ako nanghina ngayong mag-isa na ako. Kahit nanlalamig, ramdam ko na pinagpapawisan ako. At lalo lang ‘yon lumala nang sa paglingon ko sa kanan, isang ahas ang bumungad sa paningin ko.

Hindi ako makahinga sa takot. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero di ko magawa. Ganitong-ganito rin ang reaksyon ko noong una’t huling beses ako nakakita ng ahas noong bata pa ako. Minsan na akong nakagat noon at nalagay sa piligro, bagay na ayokong maluit ngayon.

Sa dahan-dahang paglapit sa’kin ng ahas na isang metro lang ang layo sa’kin, di ko na alam kung anong gagawin ko. Ang tahimik na pag-iyak lang ang nakakaya kong gawin habang napapasinghap sa tuwing umaabante ito.

Para ako mahihimatay nang kitang-kita ko ang pagtayo ng ulo ng ahas na nangangahulugan lang na totoong nasa panganib na ako ngayon. Sa pag-atake nito, tanging ang pagpikit ko na lang ng mga mata ang nagawa ko.

“Ssh… Ligtas ka na.” Rinig kong sambit ng isang boses sa harapan ko na di ko alam kung paniniwalaan ko ba. Takot na takot akong dumilat na baka ang nananaliksik ng mata ng ahas ulit ang bumati sa’kin.

“Mira, ako ‘to…” sambit muli ng boses sa harapan ko na gusto kong pagkatiwalaan. “Buksan mo na ‘yang mga mata mo.”

Nanginginig man ako sa takot, sinunod ko na rin siya at ang nag-aalalang mukha ni Montellano ang bumungad sa’kin. Ligtas na ako, pero ramdam ko pa rin ‘yong eksaktong takot na dala-dala ko kanina, kaya walang pagdadalawang-isip na napayakap ako sa taong nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap sa kanya, pero sapat na ‘yon para magawa kong kumalma.

“Matagal pa ba ‘yan?” sambit ni Montellano na malinaw na ang pagyakap ko sa kanya ang tinutukoy nito. Parang biglang bumalik ako sa sarili ko nang dahil sa sinabi niya. Kumalas ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

“Kasalanan mo ‘to. Kung hindi ka umalis, at iniwanan ako ng gano’n gano’n lang, di ako mapapahamak ng ganito.” Emosyonal ang pagkakasabi ko dahil gusto ko siyang konsensiyahin sa pang-iiwan niya sa’kin. “Muntik na akong mamatay…”

“Magpasalamat ka na nga lang kaysa ang magdrama.” Singit nito na naging dahilan para mainis lang ako lalo sa kanya.

“Nagdadrama? Montellano, muntik na akong kagatin ng ahas. At ‘yon ay dahil sa’yo.”

“Kapag sinabi ko ba sa’yo ngayon na umalis ako para umihi, matatahimik ka na? At kapag sinabi ko ba sa’yo na ako ang nakagat ng ahas sa halip na ikaw, ititikom mo na ‘yang bibig mo?”

Natahimik at natigilan nga talaga ako dahil sa sinabi niya. Umuwang rin ang bibig ko nang mapansin ko ang marka sa braso niya na malinaw na kagat ng ahas.

“P-paanong…” nauutal ako na hindi ko alam kung paano pa magsasalita. “B-bakit mo kasi ako niligtas? S-sana hinyaan mo na lang na ako ang…”

“Sana nga ‘yon na lang ginawa ko.” Singit niya na ang dali lang magbitiw ng nakakasakit na salita. Para rin sa isang taong nakagat ng ahas, siya na ang pinakakampante na parang hindi nag-aalala para sa sarili niya.

Ako tuloy ngayon ang nakokonsensiya. Bumalik ang kaba at takot na nararamdaman ko tulad kanina, ‘yon nga lang ngayon, hindi na para sa sarili ko, kundi para sa hambog na lalakeng lnagligtas ng buhay ko.

“Mukhang mapanganib ‘yong ahas na kumagat sa’yo. Siguradong ikamamatay mo ‘yon kapag di ka maagapan.” Sabi ko hindi para takutin si Montellano kundi para maging aware naman siya sa sitwasyon niya ngayon. Pero sa kabila ng sinabi ko, himalang kalmado pa rin siya.

“Siguradong kapag namatay ako, habang buhay mong dadalhin sa konsensiya mo na ang pagligtas ko sa’yo ang ikinamatay ko.” Nakangiting sagot niya na gusto kong kainisan at sagot-sagutin pero masasayang lang ang oras.

Madali kong kinuha ang bag ko sa tabi at nilabas ang tanging bagay na hinahanap ko, malinis na panyo. Kinuha ko ‘yon at binenda sa pulsuhan niya kung saan siya kinagat ng ahas. Habang ginagawa ko ‘yon, sobrang nanginginig ang mga kamay ko.

“Huwag na huwag kang magpanic dahil mapapabilis lang niyan ang pagkalat ng lason sa katawan mo.” Gumagaralgal ang boses ko na di ko mapigilan dahil sa kaba.

“Ikaw lang naman ang nagpapanic sa’tin dito at hindi ako.” Sagot niya na parang hindi naiintindihan kung gaano kakritikal ng sitwasyon niya. Pupwedeng makamandag ‘yong ahas na tumuklaw sa kanya, at pupwede ring malalim o maraming lason ang naisalin sa kanya na pwedeng pwede niyang ikamatay ngayong oras ring ito.

Nang akmang tatayo siya, pinigilan ko siya. “Maupo ka lang dito sa tabi ko. Makakasama lang sa’yo kung magkikikilos ka pa.”

Hinawakan niya ang kamay kong pumigil sa kanya. Akala ko aalisin niya ‘yon, pero hindi,

“Mainit na mainit ka. Nilalagnat ka.” Sabi niya matapos mapuna ang temperatura ko na hindi ko na napagtuunan ng atensyon. “Namumutla ka na rin, at nilalamig. Mukhang mauuna ka pa sa’kin.”

Nagsikunutan ang linya sa noo ko. Di ko na alam kung may mas lalala pa sa ugali ng lalakeng nasa harapan ko. Ibubuka ko sana ang bibig ko para sermonan siya’t paulanan ng inis ko, pero di ko na natuloy nang nakita kong nakialam siya sa bag ko na hindi man lang nagpaalam. “Ba’t mo pinakikialaman—”

Naputol ang tanong ko na napalitan ng pag-uwang ng bibig ko dahil sa ginawa niyang pagtapon ng tubig mula sa tumbler diretso sa natatanging extra shirt na baon ko. “Anong ginawa mo? Ba’t mo binasa ang shirt ko? Naloloko ka na ba—”

Muling naputol ang reklamo ko nang bigla niyang pinatong sa noo ko ang basang damit. Namayani ang ilang minutong katahimikan sa paligid namin na siya rin ang bumasag. “Pwede bang ikaw na ang humawak nito dahil nangangalay na ako.”

Awtomatiko naman akong napasunod. Gusto ko natalagang maniwala na mabuting tao rin si Montellano, kung di lang sumusulpot ang magaspang niyang dila.

“Salamat.” Sambit ko dahil dapat lang naman. Kahit gaano pa siya kahambog, nakakainis at nakakairitang tao, niligtas pa rin niya ako. Para lang mawala ang awkward na katahimikan ulit sa pagitan namin, muli kong binuka ang bibig ko. “Siguradong sising-sisi ka ngayon na niligtas mo ako.”

Mahinang tawa ang lumabas sa bibig ni Montellano. Minsan talaga, di ko mabasa kung anong naglalaro sa isip niya tulad ngayon.

Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “Siguradong takot ka ring mamatay, dahil iniisip mong napakaimportante mong tao at marami silang malulungkot kapag mawala ka.”

Matagal na hindi umimik si Montellano pero nagsalita rin siya sa parang malungkot na boses. “Yong mga tagahanga ko lang naman ang malulungkot. Sila lang…”

May kung anong hugot si Montellano nang sinabi niya ‘yon. Di ko mapigilang magkomento. “Kung magsalita ka, parang wala kang pamilya…”

“Meron. Pero parang wala.” Sambit niya sa mahinang boses. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang seryoso at totoo at may emosyon. Nawala bigla ‘yong Montellanong kilala ko na puno ng hambog at bilib sa sarili na hindi ko alam kung saan na ngayon sumuot. “Hindi ako importanteng tao para sa kanila. They won’t even care kung mamatay man siguro ako ngayon.”

Nakaramdam ako ng koneksyon sa pinagsasasabi niya, dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam na ‘yon. “Ako din naman.” Sambit ko na ikinabaling niya sa’kin. Sa halip kasing suwayin ko siya, gumatong din ako. “Pakiramdam ko, ako ang taong pinakamahirap mahalin. Yong bang kahit anong gawin ko, wala pa rin. Ako ‘yong sarili niyang kadugo pero ‘yong isa na hindi naman niya kaano-ano ang mas tinuturing niyang anak. Ang hirap.” Namalayan ko na lang na nagsisilabasan na ang luha sa mga mata ko, pero nagpatuloy pa rin ako. “Pero ayoko pang mamatay… Ayokong mamatay dahil lang sa pakiramdam ko hindi ako importanteng tao sa nanay ko at sa ibang tao. Gusto ko pang mabuhay dahil gusto kong maranasan kung anong pakiramdam ng pinapahalagahan… Na alam kong darating din ‘yong araw na may isang taong makikita din ‘yong importansya ko…”

“Tahan na…” sabi niya sa marahang boses. “Malayo sa bituka ang sugat mo, hindi ka pa mamamatay, kaya huwag kang masyadong OA.  Sa kondisyon nating dalawa, ako ang mas may tyansang mauna.”

Si Montellano ang taong di marunong pumili ng salitang makakapagluwag ng loob sa ganitong klaseng sitwasyon. Mas lalo lang akong naiyak at nagdrama.

“Huwag na huwag kang mamamatay ngayon Montellano, dahil paano na lang ako dito?! Di ko kakayanin mag-isa dito habng katabi ang bangkay mong katawan. Trauma ang aabutin ko kung saka-sakali.” Pabiro ko mang binitiwan ang mga sinabi ko, iba ang epekto no’n sa’kin. Naiiyak ako dahil posibleng gano’n nga ang kahinatnan ko sa araw na ‘to.

“Para kang si Anya.” Sambit niya ng pangalan na hindi ko kilala. Ngumiti si Montellano habang pinapahid ang mga luha ko sa pisngi gamit ang isang palad niya. “I won’t leave you here no matter what. You’ll be fine… I promise.”

Nabigla na lang ako nang lumapit siya at ginawaran ng halik ang noo ko. Walang pagprotesta akong ginawa dahil ayoko mang aminin, nakaramdam ako ng kalma at pagprotekta mula sa kanya.

Nawala din agad ang kalmang nararamdaman ko sa sandaling napansin ko ang mabigat na katawan ni Montellano na dahan-dahang sumasanday sa’kin. Namuo ulit ang takot sa dibdib ko sa pagsapo ko ng ulo niya na nawawalan na ng malay.

“Gumising ka… Montellano, Gising!” sigaw ko habang malakas ang kabog ng dibdib ko. Paulit-ulit kong tinapik ang pisngi niya pero ayaw noyang magmulat. 

“Tulong!!!” Sumigaw ko ng sumigaw, sakaling matagpuan kami ng mga kasama namin. Binuhos ko ang natitira kong lakas sa paghingi ng tulong kahit na wala akong kasiguraduhan kung may aasahan pa ba akong darating a saklolo.

Nanginginig ang mga kamay ko at hinang-hina na rin ang katawan ko makalipas lang ang ilang minuto. Naramdaman ko na lang ang pagkahilo na parang anumang oras mawawalan na rin ako ng malay. Pero bago man tuluyang sumara ang mga mata ko, nasilip ko ang tulong na paparating.

----------------😍😱😊-------------

#Montemira   #Mrew   #Mirallano

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top