Oh 18

K A B A N A T A  18:

Nagpupuyos ang damdamin ko nang bumaba ako ng kotse papunta sa kinatatayuan ni Art. Mabibigat ang bawat hakbang ko habang nakakuyom ang kamao ko na may pagtimpi. Hindi pa niya ako nakikita, pero ako, kitang-kita ko na ang pakikipagharutan niya sa babae niya. Hindi ko na nagawang kilatisin ang babae dahil nagmamadali ang palad ko na sumapok sa makapal na pagmumukha ni Art. Parang tumigil ang mundo sa ilang segundo sa oras na mangyari ang pananampal ko. Napapatingin ang ilang taong naroon na nakakita ng pangyayari.

Gulat na mukha ni Art ang sumalubong sa’kin matapos ko siyang masampal. Ang babaeng kasama niya ang unang nakapagreact na tinignan ako ng masama saka nagsalita. “Anong problema mo?”

Hindi ko binalingan kahit isang segundo ang babae dahil mas nakatuon ako kay Art na kulang na lang tunawin ko ng tingin. “Nagawa mo talagang lokohin ng ganito si Alex?!”

Malaking pagkontrol ang ginagawa ko sa sarili kong boses na hindi sumigaw kahit na gustong-gusto ko siyang bulyawan. “Art naman! Sana di mo na lang siya pinasakay kung ganitong mambabae ka rin lang naman. Una palang, alam ko ng babaero ka, pero naniwala ako sa’yo, pinagkatiwalaan ka ni Alex…” halos bumaon ang hintuturo ko sa dibdib ni niya. “Magkakaibigan tayo, Art! Di ko alam na sa ganitong paraan mo lang pala sisirain ‘yon!”

Halos di ako makahinga sa bawat binitawan kong salita sa kanya. Galit na galit ako na gusto ko siyang tadtarin ng salita na papasok sa konsensiya niya, pero biglang tumigil na rin ako at nawalan ng gana. Masyadong masakit sa’kin ang nangyayari na parang di ko kayang tagalan na harapin ang matigas na pagmumukha ni Art. Kaya sa halip na pagtatalakan ko pa siya, walang sabing tumalikod ako at humakbang palayo sa kanya. Pabalik ako sa kotse ni Montellano nang salubungin niya ako. Nagtatanong ang mga mata niya na nasaksihan ang ginawa kong panunugod kay Art.

“Para saan ‘yon? Ba’t mo ‘yon ginawa kay Art?” tanong nito.

Bago ko pa man masagot ang tanong niya, may humablot ng braso ko paharap. Si Art iyon.

“Ano? Magpapaliwanag ka pa? Magpapalusot? Art, huli na kita. Kahit kaibigan pa kita, huwag mong isiping pagtatakpan kita kay Alex dahil ‘yon ang hinding-hindi ko gagawin.” Mataray na sambit ko kay Art na hindi siya pinagbibigyang magsalita. “Kahit ano pang sabihin mo, makakarating sa kanya ang panloloko mo!”
Ilang beses nagtangkang bumuka ang bibig ni Art pero di yon natuloy. Sa inis ko, hinablot ko ang kwelyo sa harapan ng damit niya. Halos magtagis-bagang ako sa harapan niya. “She doesn’t deserve this Art. Alex doesn’t deserve someone like you…”

“W-wala kaming relasyon ni Alex.” Sambit ni Art na pumutol sa sinasabi ko.

“Ano? Ginagago mo ba ako?” kunot noong tanong ko habang mas humigpit ang pagkakahawak ko sa damit niya. “Kung palusot mo ‘to para—”

“Wala kaming relasyon ni Alex. Pagpapanggap lang ‘yon. Pakana lang niya ‘yon para… para…”

“Para ano?” matigas na tanong ko. May ideya ako kung anong sagot sa sarili kong tanong pero gusto ko ng kompirmasyon mula sa bibig ni Art dahil parang ayokong maniwala sa sarili kong hinala.

“Para sa’yo. Para hindi ka masaktan dahil alam niya kung gaano mo kagusto si Brent. Handa niyang isantabi ang nararamdaman para kay Brent para sa’yo.”

Para akong napaso sa rebelasyong sinabi ni Art. “M-may gusto siya kay Brent?” Hindi ko na kailangan pa ng kompirmasyon mula kay Art dahil alam kong Oo ang tanging sagot roon. Noong una pa lang, malakas na ang kutob ko na may nararamdaman siya para kay Brent pero tinago niya iyon dahil ayaw niya akong masaktan. At ngayon, kinuntsaba lang pala niya si Art para roon.

“Kung gano’n ako lang pala talaga ang sagabal sa kanila…” mahinang sabi ko na parang gusto kong isisi sa sarili ko ang lahat. Gumagawa ako ng paraan para magustuhan ako ni Brent, samantalang sa kabilang banda, may isang taong nananahimik lang, nagpapaubaya at siguradong nasasaktan rin.

“Sorry sa eskandalong ginawa ko sa’yo kanina. Bumalik ka na sa kadate mo.” Tanging nasabi ko dahil hindi ko na rin alam kung ano pa bang dapat sabihin. Bigla na rin lang ako nakaramdam ng hiya kaya di ako makatingin ng diretso kay Art at maging kay Montellano na nasa tabi rin lang namin na nakikinig.

“Pwede bang huwag mo na lang sabihin kay Alex ang nangyaring ito,” pakiusap ko. “Ako na ang bahalang umayos nito. Itatama ko ang lahat.” Huling sabi ko. Hinintay ko lang na tumango si Art saka na ako tumalikod para bumalik sa loob ng kotse. Ilang sandali lang, sumunod na rin si Montellano.

Walang tanong o salita na nagmula kay Montellano. Tahimik lang niyang pinaandar ang kotse saka nagmaneho.

Wala akong ibang ginawa kundi ang matulala sa pagtitig sa bintana. Hindi ko magawang hindi isipin ang mga bagay na narinig ko kanina kay Art. Pakiramdam ko wala ng mas lulungkot pa sa dinadala ko ngayon. Para akong inalisan ng karapatan na mahalin si Brent…

“Hindi ka pa ba tapos mag-emote diyan?” biglang sabi ni Montellano na kasabay rin lang sa paghinto ng kotse. Tinitignan niya ako na para bang sakit sa ulo niya ang makita ang pagdadrama ko.

“You’re so pathetic para maapektuhan na lang ng ganyan ng napakasimpleng bagay na ‘yon.” Dagdag pa niya na hindi man lang marunong pumili ng magandang salita na makakatulong para lumuwag ang dibdib ko.

“Bakit ikaw? Hindi ka man lang ba naaapektuhan sa narinig mo kanina? Akala ko ba gusto mo si Alex?” balik ko sa kanya kahit na parang alam ko na rin naman ang sagot sa tanong ko.

“Why would it affect me kung alam ko naman sa huli, makukuha’t makukuha ko pa rin naman si Alex. Isa akong Montellano at wala akong hindi nakukuhang gusto ko.”

Parang voluntaryo na lang na tumirik ang mga mata ko. Malakas rin talaga ang bilib nito sa sarili. “Hindi ikaw ang tipo ni Alex. At hindi rin ikaw ang gugustuhin ko para sa kanya. Hindi mo siya makukuha at hindi siya mapapasayo kahit anong ginanda ng apelyido mong Montellano.”

“At sinong gusto mo para sa kaibigan mo, si Brent na siyang nagugustuhan mo? Kaya mo bang masaksihan na nagkakaigihan ang dalawa habang ikaw nasasaktan?”

Isang kurot sa dibdib ang sinabi niyang iyon. Kaya ko nga bang magpanggap na hindi nasasaktan para sa dalawa?

“Kung gusto nila ang isa’t isa, wala na akong magagawa. Kaibigan nila ako kaya’t hindi ko naman gugustuhing maging kontrabida sa kanila.” Di ko maiwasang magbuntong-hininga sa huli. Sinong mag-aakala na papangatawanan ko pala talaga ang pagiging tulay at kupido nila.

“Kung gano’n, ako na lang ang kontrabida. Hindi ko naman talaga sila kaibigan, kaya wala akong pakialam. Ang importante sa’kin ay ang mapa-ibig ko si Alex. Sa mga babaeng nagustuhan ko, siya na lang ang hindi ko makuha-kuha.”

Napailing ako. Sadyang para kay Montellano, koleksyon lang ang babae, isang challenge na kailangan niyang makuha, at sa huli bibitawan rin niya kapag nagsawa na siya.

“Ba’t di ka na lang makipagsabwatan sa’kin? Mapapasayo si Brent, at mapapasaakin si Alex…”

Bigla akong napatigil sa sinabi niyang iyon.
Natawa ako at tinignan siya ng nang-aasar. “Hindi. Ayoko. Wala akong balak makipagsabwatan sa’yo. Mas gugustuhin kong suportahan sila kaysa ang sirain sila.”

“At sirain ang sarili mo?” gatong niya.

“Kung nagawa ni Alex na itago ang nararamdaman niya kay Brent para lang sa’kin, siguro naman kaya ko ring gawin ‘yon para sa kanya, para sa kanilang dalawa.” Sagot ko. Naging mabuting kaibigan sa’kin si Alex, kung anong meron siya, pinapahiram o binibigay niya sa’kin, lagi siyang nakasuporta sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay… kaya dapat lang siguro na ako naman ngayon ang gumawa no’n para sa kanya.

“Okay. If that’s your decision. Anyway, it’s your loss.” Tanging sabi niya na hindi na nagpilit pa. Napansin ko na lang na binuksan niya ang pinto ng sasakyan saka lumabas.

“Teka, saan ka pupunta?” pasigaw kong sabi dahil naisara na niya ang pinto. Lumabas na rin lang ako at napansin kong nakaparada kami sa tapat ng isang hotel & restaurant. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Montellano na nauna ng pumasok sa loob.

Sa kabagalan ko, hindi ko na nahabol si Montellano, pero nahanap ko rin siya agad sa pinakataas na palapag. Nakapwesto siya sa may balcony na kasalukuyang nag-oorder na sa waiter.

Pinagsimangutan ko siya nang makaupo ako sa harap niya. “Ba’t di mo man lang ako hinintay? alam mo ba kung gaano kalaki ang lugar na ‘to, di ko alam kung saan kita susundan…”

“Hindi kita girlfriend para hintayin ka.” Walang ganang sagot niya na hindi ko na rin ikinagulat dahil alam kong magaspang naman talaga ang totoo niyang pag-uugali.

“Ba’t pa kasi tayo pumasok rito? Si Brent ang magluluto ng dinner natin, at nasa atin ang mga rekados na kakailanganin niya sa pagluluto. Siguradong naghihintay na ‘yon.” Saka ko rin lang naalala ang nakasara kong cellphone na naiwan ko sa kotse. Siguradong nakailang tawag at text na iyon si Brent.

“Gutom na ako at hindi na makakapaghintay ang tiyan ko.” Tanging sagot niya na hindi na nagsalita pa ng kahit na ano hanggang sa makabalik muli ang waiter dala ang mga inorder niyang pagkain.
Nakakatakam ang bawat pagkaing hinahain sa mesa namin. Halos maglaway ako pero natigil lang ‘yon ng pinigilan ni Montellano ang waiter na naglalagay ng pinggan sa pwesto ko.

“Ako lang ang kakain at hindi siya kasama.” Sambit ni niya sa waiter saka tumingin sa’kin. “Wala akong naaalalang niyaya kitang kumain dito. If I were you, numalik ka na sa kotse at doon mo na lang ako hintayin. Don’t worry, I’ll be done in ten minutes.”

Bigla akong napahiya sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na may mas igagaspang pa pala ang pag-uugali niya. Gusto ko siyang sagot-sagotin at pagsasampalin pero nagpigil ako.

Nagpalabas na lang ako ng pekeng ngiti. “Okay. Wala naman talaga akong balak kumain dito dahil mas gusto ko ang luto ni Brent.”

Mahinahon akong nagmartsa palabas kahit na parang sasabog ang dibdib ko sa inis. Wala akong ginawa kundi ang maghintay sa kotse habang nagsisistunugan ang tiyan ko sa gutom.

Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Montellano… Naalala ko tuloy kung gaano ako naghabol sa kanya noon. Noon pa man, may kagaspangan na talaga ang ugali niya pero nagbulagbulagan ako dahil nanaig ang pagkagusto ko sa kanya. Buti na lang talaga, nagising ako sa katotohanan… Kaya kung inaakala niyang tutulungan ko siya kay Alex, nagkakamali siya.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong naghintay kay Montellano dahil lumagpas ang sampung minuto pero hindi pa siya bumababa. Nagrerebulosyon na ang tiyan ko pero wala akong magawa kundi ang maghintay. Kung marunong lang ako magmaneho, pinaandar ko na siguro ang kotse at iniwan ang hambog na lalakeng kasama ko.

Pinikit ko na lang muna ang mga mata ko sandali para pakalmahin ang sarili ko, hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako. Sa muling pagdilat ko, namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng tinutuluyan namin. Kakahinto rin lang ng kotse na siyang pinagmaneho ni Montellano. Mukhang masyadong napahimbing ang tulog ko na hindi ko man lang naramdaman ang biyahe pabalik.

Hindi na kami nagpalitan pa ng kung ano mang salita ni Montellano. Pareho na rin kaming bumaba ng sasakyan bitbit ang pinamili saka tahimik na pumasok sa loob. Gutom na ako kaya si Brent ang una kong hinanap na natagpuan ko sa kusina. Kasama niya si Alex na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan. May kung anong kurot akong naramdaman sa dibdib habang tinitignan sila pero kailangan kong isantabi iyon. Dapat masanay na ako ngayon pa lang dahil tuluyan na akong magiging tunay na kupido nila simula sa araw na ito.

“O, ba’t ngayon lang kayo?” tanong ni Brent na kinuha sa’kin ang mabigat na bitbit kong dala.
“Sorry kung ngayon lang kami dumating, late kana tuloy makakapagluto—”

“Ayos lang. Nagawan ko na rin naman ng paraan. Bumili na lang kami diyan sa maliit na tindahan sa tapat ng kung anong pwedeng mailutong ulam.” Putol sa’kin ni Brent na halatang abot-tenga ang ngiti.

tutokdahil talaga naman masarap siya magluto kahit ng napakasimpleng pagkain napapasarap niya ng sobra.” Singit ni Alex. “Naubos ko nga lahat at walang naitira. Kayo? Kumain na rin siguro kayo kaya natagalan kayo… Wala na kasing natira, pero pwede naman akong sumaing ulit ng kanin kung—”

“No, it’s okay.” Singit din ni Montellano na nasa likod ko. “Kumain na kami ni Mira sa labas. Nagtake-out na rin ako para sa’yo incase na hindi pa kayo kumakain.”
Pinanliitan ko ng mata si Montellano. Ang sarap ding batukan. Matapos niya akong hindi pakainin, sasabihin niya ngayon kay Alex na kumain na ako. Pasalamat siya’t hindi ako eskandalosa at wala sa pag-iisip ko ngayon na siraan siya kay Alex.

“Sayang naman, busog pa kami sobra.” Sambit ni Brent na siyang kumuha ng box ng take out na pagkain kay Montellano. “Ilalagay ko na lang ‘to sa ref para naman di masira agad at makain pa bukas.”

Tutok ang mga mata ko sa kahon ng pagkain habang napapalunok na lang ako. Gusto kong agawin iyon kay Brent dahil nagrerebolusyon pa rin ang tiyan ko.

Humigpit ng hawak ni Montellano sa kahon para hindi ‘yon makuha ni Brent. “May kasamang dessert dito baka gusto mo pang kumain Alex?” Hirit ni Montellano na hindi rin nagpapatalo. Kita ko kung paano sila magtitigan ni  Montellano na alam ko kung para saan ang tensyon sa pagitan nila. Bigla tuloy ako nakaramdam ng inggit kay Alex na kaliwa’t kanan ang nag-aalala’t nag-aasikaso para sa kanya. Ni wala silang pakialam kung kumain na ako o hindi…

“Inaantok na ako. Mauna na ako sa inyo matulog.” Biglang paalam ko sa kanila dahil nawalan na rin ako ng gana na panoorin ang dalawa na parehong hindi magpapatalo. Dumiretso na ako kwarto saka humiga sa kama ng nakadapa. Hindi ko na masyado maramdaman ang pag-aalboroto ng tiyan ko dahil napalitan iyon ng kung ano mang malungkot na emosyong nangingibabaw sa’kin ngayon. Gusto kong itulog na lang ang lahat ng ito pero bago pa man ako makapikit, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok roon si Alex.

“Ayos ka lang, Mira?” tanong ni niya na kahit papaano nakapagpagaan ng nararamdaman ko. Sa lahat ng tao, si Alex lang talaga ang ramdam kong totoong may pagmamalasakit sa’kin. Lagi niya akong inaalala at ang unang taong nakakaramdam kung may mali sa’kin.

“Napagod lang ako sa pamimili namin pero ayos lang ako.” Pagdadahilan ko. Pilit kong tinatago ang mababang enerhiya ko. Bumangon ako at ngumiti na parang walang lungkot na nararamdaman.

Lumapit sa’kin si Alex saka sumampa na rin ng kama. “Alam mo bang napag-usapan ka namin ni Brent habang wala ka. I really think mataas ang tyansang magustuhan ka niya. Konting kembot mo na lang yata, mapapaibig mo na rin si Brent.”

Siguro kung hindi ko pa alam ang katotohanan, malamang kinikilig na ako ngayon sa kinukwento niya. Pero dahil alam ko na ang totoong nararamdaman ni Alex para kay Brent, di ko na magagawa iyon. Ako dapat ang magpaubaya at hindi siya, dahil una sa lahat, gusto nila ang isa’t isa.

“Ang totoo niyan…” sinadya kong bitinin ang sasabihin ko. Nilagyan ko ng tonong kinikilig ang boses ko at pumeke ng malapad na ngiti. “Parang bumalik na naman ulit ngayon ang pagkagusto ko kay Montellano…”

Kung kailangan kong idamay sa kasinungalingan ko si Montellano, gagawin ko. Ito na lang ang tanging paraan ko para maitulak si Alex kay Brent na hindi niya aalalahanin ang mararamdaman ko. Mas mabuti na ang ganito.

“Kay Montellano? Sigurado ka?” kunot-noong sambit ni Alex. Alam niya na minsan na akong nagkagusto’t naghabol noon kay Montellano, kaya hindi malayong paniwalaan niya ako. “Pero paano si Brent? Hindi naman siguro basta na lang malilipat kay Montellano ang nararamdaman mo para sa kanya…”

“Hindi ko alam. Ang alam ko lang, mas kinikilig ako kay Montellano. Sa kanya ko rin nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko naramdaman kay Brent. Parang bumalik din ako sa dating ako na handang maghabol kay Montellano.” Parang gusto kong masuka sa pinagsasasabi ko.

“Nakasama mo lang siya ng ilang oras nagkaganyan ka na sa kanya? Ano bang pinakain niya sa’yo?”

“Masarap siyang kausap sa gitna ng biyahe. Kumain din kami sa isang restaurant kung saan inasikaso niya ako ng sobra. Maalaga siya at para akong prinsesa kung ituring niya. Ganitong-ganito ‘yong pinapangarap ko noong panahong panay habol ko sa kanya.” Sa lahat ng kasinungalingang nagawa ko, ito ang pinakahindi makatotohanan. Buti na lang umuubra naman kay Alex dahil parang napapaniwala konsiya sa bawat buka ng bibig ko.

“But he’s a player. Alam mo naman ‘yan… Natural lang sa kanya na magpakita ng pag-aalaga pagdating sa babaeng bibiktimahin niya. Paano kung masaktan ka lang sa kaniya?”

“Paano kung hindi? Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. I’ll take the risk.” Sagot ko na hindi nagpapaawat. Humaba pa ng humaba ang pag-uusap namin ni Alex kahit na gustong-gusto ko na iyong matapos. Buti na lang inabot na rin siya ng antok hanggang sa tuluyan na rin siyang nakatulog. Ako ang naiwang dilat ang mga mata dahil sa muling pag-aalboroto ng gutom kong tiyan. Nagdesisyon na akong bumangon saka pumunta sa kusina para maghanap ng makakain.

Ang refrigerator ang una kung tinungo dahil alam kong doon nakatago ang tinake-out na pagkain ni Montellano. Pero para akong nanlumo nang makita kong wala na iyong laman.
Paano ako kakain? Wala akong alam sa pagluluto.

Sinubukan kong maghanap na lang sa pinamili namin kanina. May mga de lata naman kaming nabili na pwede ko namang makain. Pero sa oras na nasa kamay ko na ang mga de lata, muli akong nanlumo dahil kahit pagbukas no’n ay di ako marunong. Paano na?

“Anong ginagawa mo diyan?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa biglaang pagsulpot ng boses na iyon. Si Brent ang nakita ko sa paglingon ko.

“Ahm, bigla akong nakaramdam ng gutom. Madalas talaga akong magutom kapag hating-gabi.” Palusot ko. “Kaso hindi ko alam kung paano ako makakakain nito, buti dumating ka…”

Napapailing si Brent na inagaw sa’kin ang hawak kong de lata. “Kababae mong tao, wala ka atalagang alam sa kusina kahit basic man lang…”
Nadisappoint ako sa sarili ko sa sinabi niyang iyon. Kahit kailan talaga, hindi ako magkakapuntos kay Brent. Tama lang na isuko ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

“Ipagluluto kita ngayon dahil kailangan din kitang pasalamatan.” Sambit ni Brent na agad ko na ring nakuha kung ano ang tinutukoy niya. “Masaya ako sa nangyari kanina. Kami lang ni Alex ang naiwan dito kaya para ko na rin siyang nasolo. Walang asungot lalo na ang Montellanong iyon, kaya salamat sayo Mira.”

Ngumiti ako ng pilit. “Siyempre naman, para saan pa ang pagiging kupido ko kung hindi ko gagawin ang trabaho ko.”

Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. Hindi pa siya nakontento at pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. “Thanks.”

Nakaramdam rin ako kahit papaano ng saya habang nakikita ko ang malapad na ngiti ni Brent. Mukhang sa ganitong paraan ko lang talaga siya mapapasaya.

Biglang tumigil ang pamimisil ni Brent sa’kin saka tinignan ako. Parang may kung anong sumagi sa isip niya na dahilan para mapatigil siya’t sumeryoso ang mukha niya. Magtatanong sana ako kung bakit pero nauna na siyang sumagot.

“Huwag kang mahuhulog kay Montellano. He’s a player.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top