Oh 17
K A B A N A T A 17:
"Drew, anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Totoo ngang naroon si Montellano.
"Niyaya lang ako ni Kirk dito. Kaibigan niya ako. I didn't know na kayo pala ang tinutukoy ni Kirk na kasama niya dito kaya kahit ako nagulat din. It's a small world nga naman." Sagot ni Montellano. Mula sa kanya, bumaling ang tingin ko kay Kirk na ngayon ko lang nakita ng malapitan. May itsura siya at may katangkaran.
"By the way, Mira and Brent, ito nga pala si Kirk, kinakapatid ko, anak ni ninong Franklin." Pagpapakilala ni Alex na kinamayan namin para makapagkilala din.
"Brent nga pala." Pakilala ni Brent na sinundan ko naman.
"Mira." Sambit ko na ikinataas ng dalawang kilay ni Kirk saka tumango. Tinignan niya ako saka bumaling kay Montellano at nagsalita ng kung ano na di ko rin narinig ng malinaw.
"Apat nga pala ang kwarto dito. Dalawa sa baba at dalawa sa taas." Anunsyo ni Alex saka nagsalitang muli. "Dito kaming dalawa ni Mira sa kwarto sa baba. Kayo na ang bahala sa kung saan kayo o kung sinong gustong magsama sa isang kwarto."
"How about food? Huwag niyong sasabihing sa labas na lang tayo lagi kakain every meal. If that's the case, hindi ako papayag." Reklamo agad ni Art, ang taong maarte sa pagkain. Hindi siya mahilig sa pagkain sa labas dahil mas gusto niya lagi ang lutong-bahay. Palibhasa, spoiled ni manang Inday.
"Si Brent, magaling siyang magluto. Kahit yata anong putahe kaya niya. At ang sasarap pa." Presenta ko na hindi naman tinutulan ni Brent. Napansin ko na lang ang makahulugang tingin sa'kin ni Art saka nagsalita.
"Hindi namin alam ang bagay na 'yon huh..." sabi ni Art na alam kong may laman ang binibitawang salita. "Mukhang madalas kang ipagluto ni Brent...?"
Gusto kong batukan si Art pero hindi ko ginawa. Buti na lang talaga walang kamalay-malay si Brent na may kahulugan ang mga pinagsasabi ni Art.
"Hindi nga pala ako sasalo sa inyo mamayang dinner. May lakad ako ngayon, at sa labas na rin ako kakain..." singit naman ni Kirk na may iba na ring plano. Halatang-halata sa kanya na wala siyang interes kay Alex. Kung sumama man siya sa'min ngayon, mukhang dahil lang 'yon sa napilitan rin lang siya.
May narinig na rin lang kami na busina ng kotse sa labas. Bago pa man namin matignan kung sino 'yon, tumakbo na si Kirksa may pinto saka kumaway sa labas para sumenyas ng hintay. Lumingon siya ulit sa'min para lang magpaalam. "I'm meeting my old friend here." Tumigil siya sandali para bumaling sa kaibigan niyang si Montellano. "Ikaw Drew? Sama ka ba sa'kin?"
Iling ang unang sinagot ni Montellano bago nagsalita. "I'll stay here with them. Ayoko rin namang makaabala sa date mo." Pambubuko niya sa sariling kaibigan na hindi naman itinanggi ni Kirk. Ngayon, malinaw at kompirmado ng hindi talaga interesado si Kirk kay Alex.
Matapos umalis ni Kirk, naiwan kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga lugar na gusto naming puntahan at gusto naming gawin para sulitin ang bakasyon. Natapos lang iyon nang kinailangan na muna naming maghatid at mag-ayos ng gamit sa kanya-kanyang kwarto.
"So, Kirk has a date..." biglang sabi ko habang kaming dalawa na lang ni Alex sa kwarto, nakaupo sa kama at isa-isang naglalabas ng gamit mula sa bag. "At ikaw rin, may boyfriend na... Kaya bakit pa ba kayo pumapayag na iset-up kayo ng mga magulang niyo sa isa't isa?"
"Siyempre napipilitan rin lang kami. Pero at least, malinaw naman sa'min ni Kirk na hindi namin gusto ang isa't isa. Na ginagawa namin ang pagpayag sa kapritsuhan ng magulang namin para isipin nila na sinubukan namin na magkagustuhan, but at the end of the day, wala talagang feelings na nadevelop."
Napatango ako sa sinabi niya. "Kung sabagay, knowing tita na pinakamakulit na taong kilala ko, I'm sure hindi ka rin naman niya titigilan hangga't hindi mo siya pinagbibigyan sa gusto niya."
Ang totoo, gustong-gusto ko ang ina ni Alex. She's a cool mom na wala akong masabi. Masyado niyang alaga si Alex sa lahat ng bagay, at kasama na rin talaga roon ang pakikialam niya maging sa mamahalin ng anak niya.
"Paano nga pala si Art? Kailan mo sasabihin sa magulang mo na may boyfriend na ang bunso nilang anak?" tanong ko na sakto rin naman ang pagpasok ni Art sa kwarto namin. Sisitahin ko sana siya sa hindi niya pagkatok nang hindi na niya ako hinayaan pang magsalita. Dire-diretso lang siyang lumapit sa'min saka sinagot ang tanong ko na siyang naabutan niya.
"On her birthday, ipapakilala ako ni Alex sa magulang niya bilang boyfriend niya." Sabi ni Art na animo'y proud boyfriend. Napapangiti na lang ako pero agad rin 'yong nabura nang may sumagi sa isip ko.
"Ibig sabihin ba niyan na ipapaalam niyo na rin sa barkada ang relasyon niyo? Paano si Brent?" mabilis na sabi ko. Wala akong ibang concern kundi si Brent at ang mararamdaman niya.
"By that time naman siguro, napaibig mo na si Brent... Kaya ayos lang 'yon." Walang kaseryosohang sabi ni Art na sinakayan ko rin lang.
"Oo naman!" positibong sabi ko kahit na ang totoo ay parang hindi ako sigurado sa bagay na 'yon. I'm not sure kung may tyansang magustuhan pa ba ako ni Brent. Kaibigan lang ang tingin niya sa'kin. Isa pa, naging malapit lang naman siya ng ganito sa'kin dahil sa paniniwalang kupido niya ako na magtutulay sa kanilang dalawa ni Alex.
Bago pa man mawala ang pilit na ngiti sa labi ko, tumayo na ako at lumabas ng kwarto at iniwanan sila. Pagkasarang-pagkasara ko palang ng pinto, bumungad na sa harapan ko si Brent.
"Nakita mo ba si Art? Bigla na lang nawala sa kwarto namin." Sabi niya na mabilis kong sinagot ng pag-iling.
"Hindi eh." Sagot ko habang hinihila siya palayo sa kwarto namin na hindi man lang nagtataka. Dinala ko siya sa kusina na masyadong malaki at maluwang ang espasyo. Kumpleto rin sa gamit ang lahat na para bang naroon na ang lahat na kakailanganin sa pagluto at maging pagbake.
"Ano bang lulutuin mo para sa dinner? Gusto mo tulungan kita? Handa akong maging assistant mo..." sabi ko sa kanya na hindi man lang niya pinansin dahil iba ang umuukupa sa utak niya.
"Alam mo, masaya ako sa nalaman natin kanina na hindi naman pala talaga interesado si Kirk kay Alex." Sabi niya na tungkol na naman kay Alex. "Pero si Montellano... Hindi siya makikisiksik sa'tin dito ngayon kung wala siyang pakay... and obviously, si Alex iyon."
"Siguro nga..." maikling sagot ko para hindi na humaba pa ang usaping-Alex, nakakaumay na rin kasi. Tinuon ko ang atensyon ko sa refrigerator na nasa harapan ko at binuksan iyon. Tanging tubig lang ang laman nito, wala ng iba. "Mukhang kailangan nating magrocery lalo na't magluluto ka..."
"Wala ka na ba talagang gusto kay Montellano?" tanong bigla sa'kin ni Brent na mukhang hindi na naman binigyang pansin ang sinaabi ko. T mukhang alam ko na rin kung saan papunta ang tanong niya. "Bagay naman kayo. At di malayong magustuhan ka rin naman siguro niya..."
Bigla akong natahimik. Ayokong naririnig siya ngayong pinagtutulakan ako sa ibang lalake. Kung alam lang niya na siya na ang gusto ko ngayon... Ba't ba hindi niya ako makita?
"Gusto mo bang subukan kong kunin ang atensiyon ni Montellano?" biglang sabi ko na awtomatikong ikinakinang ng mga mata ni Brent.
"Will you do it?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumango ako. "Pwede naman..." sagot ko na hindi ko pinagsisihan ang binitiwan kong salita dahil nagawa kong pangitiin ang mga mata niya na ang sarap masaksihan.
Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. "Really? Seriously? You'll do it for me?"
"Oo nga. Para sa'yo..." malambing kong sabi na hindi man lang niya binigyan ng kulay ang makahulugan kong pagpayag.
Mas siniksik pa niya ako sa pagitan ng braso niya saka ginulu-gulo ang buhok ko. "I love you, Mira. You're the best."
Para akong hihimatayin sa unang tatlong salita na sumapol sa dibdib ko kahit na iba ang pakahulugan niyon kay Brent. Pero kahit na... masarap pa rin pakinggan. Nakakataba ng puso. Paano pa kung totoo ang mga iyon? Hihimatayin siguro ako.
Sa kasagsagan ng kilig na nararamdaman ko, biglang nawala iyon ng bumitaw si Brent sa'kin. Lumingon siya sa taong kakasulpot rin lang sa kusina at agad niyang nilapitan.
"Montellano, pwede bang kayo na lang ni Mira ang mamili sa grocery store." Walang paligoy-ligoy na sambit ni Brent kay Drew. Dinukot niya ang susi mula sa bulsa niya at inabot rito kahit di pa man ito pumapayag. "Use my car."
Kinuyom ko ang palad ko sa pagpipigil na huwag tumutol. Ang totoo, masakit sa'kin na marinig o maramdaman na parang pinamimigay ako ni Brent sa ibang lalake, pero mukhang ito tlaga ang papel ko sa kanya... Sa ganitongbparaan ako nagiging kapakipakinabang sa kanya... Sa ganitong paraan ko siya napapasaya.
"Sure." Biglang rinig kong sagot ni Montellano na hindi na nagpapilit pa.
Sasabihin ko sanang maya-maya na lang pero sumingit ulit si Brent na siyang nagtulak pa sa'min paalis. Namalayan ko na lang na sakay na kami ng kotse. Bago pa man mabuhay ang makina ng kotse, bumaling sa'kin si Drew. "Di ba muna natin tatanungin si Alex kung gusto rin niyang sumama sa'tin?"
"Hindi siya sasama dahil nakatulog siya sa kwarto. Masakit raw ang ulo niya." Dahilan ko kay Montellano na wala ring pinagkaiba kay Brent na si Alex at Alex rin lang ang concern at hanap.
"Bakit? May sakit ba siya? Malala ba? Bilhan ko kaya siya ng gamot?" nag-aalalang tanong nito na gusto kong kainggitan sa kung gaano kaespesyal ni Alex. Kailan kaya darating 'yong araw na mararamdaman ko rin 'yong pinapahalagahan. Nakalimutan ko na rin kasi ang pakiramdam na iyon kahit sa sarili kong pamilya.
"Wala naman siyang sakit. Napagod lang sa biyahe." Sagot ko ulit na ikinapanatag na ni Drew. Ngayon ko lang nakita na ganito pala mag-alala si Montellano sa isang babae. Siguro, malaki talaga ang pagkagusto niya kay Alex o sadyang ganito lang talaga ang pormahan niya sa bawat babaeng natitipuhan niya.
"Ba't nakatitig ka ng ganyan sa'kin?" rinig kong tanong sa'kin ni Montellano na nagpabalik sa'kin sa realidad. Hindi ko namalayang nakatitig na nga pala talaga ako sa kanya. "Huwag mong sabihing nagkakagusto ka na sa'kin dahil paaalalahanan kitang si Alex ang gusto ko. At hindi magiging ikaw."
Wala na akong gusto kay Montellano di tulad noong dati, kaya di ko alam kung saan nanggaling 'yong parang kaunting kurot na naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Siguro kung nasaktan man ako, 'yon ay dahil lumiit ang tingin ko sa sarili ko. Sadyang hindi lang talaga siguro ako gustuhin...
"Kailan ba naging ako? Sariling ina ko nga mas gusto ang taong hindi niya kadugo kaysa sa'kin, ibang tao pa kaya?" sambit ko na halos pabulong na. Lumabas na lang 'yon sa bibig ko na parang di ko kontrol. Wala akong intensyon na ibahagi 'yon kay Montellano pero huli na para bawiin ko pa iyon.
"Ganyan mo ba ako kagusto at napapahugot ka na lang?" Balik niya na hindi sineryoso ang sinabi ko. Pero mabuti na rin 'yon...
"Wala akong gusto sa'yo. At hindi rin kita magugustuhan." Ganti ko sa kanya na alam kong bibigyan niya ng reaksyon.
"Sabi ng isang taong panay ang habol at pagpapansin sa'kin noon." Pang-aasar sa'kin ni Montellano na pareho naming alam na may katotohanan. Bakit pa ba niya kailangang isingit 'yon.
"Noon lang 'yon. Hindi na ngayon." Tanging sagot ko na makapagtataas sa kahihiyan ko noon. Ba't ba kasi nagpakaobsessive ako sa kanya noon. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang pinadalhan ng love letter, o kung ilang beses akong nag-iwan ng tsokolate at regalo sa locker niya noon. Kung saan siya magpunta, naroon din ako nakasunod na hindi niya nalalaman. Makita lang kasi siya, nabubuo na ang araw ko. "Masyado pa akong bata noon kaya nagagawa ko ang mga pagpapapansin na hinding-hindi ko na gugustuhing gawin ngayon."
"Then that's good. Sana lang panatilihin mo 'yan dahil tiyak na maaapektuhan ang pagporma ko kay Alex sa sandaling magkagusto ka sa'kin. Habang maaga, gusto ko ring ilinaw sa'yo na itong mga paglapit ko sa'yo, 'yun ay dahil gusto kong mapalapit kay Alex." Straight-forward na tao si Montellano, kaya di na ako nagulat pa sa sinabi niya.
"Kung gano'n lilinawin ko rin sa'yo na wala kang mapapala sa paglapit mo sa'kin para huminginng tulong. Nakalaan na ang suporta ko para sa isang tao na nakikita kong mas karapatdapat kay Alex." Ni hindi ko alam kung si Art o Brent ang tinutukoy ko.
Kumunot ang noo niya na napapaisip. "Sino?"
Buti na lang huminto na ang sasakyan sa destinasyon namin dahil wala akong balak sagutin ang tanong niyang iyon. Pumasok na rin kami ni Montellano sa pamilihan at nagsimulang naghanap ng dapat bibilhin. Siya ang nagtutulak ng cart habang ako ang namimili.
***
Bago kami tuluyang makauwi ni Montellano, dumaan muna kami sa gas station para magpagasolina. Habang naghihintay, wala akong ibangbmagawa kundi ang magbrowse ng facebook. Tumigil ang pagscroll down ko nang madaanan ko ang post ni Emee. Picture iyon nilang tatlo ni mama na kumakain sa isang restaurant a may caption na family bonding #happyfam. Bukod roon, may kasama pa iyong picture na nagpaspa sila ni mama na parang sulit na sulit ang baksyon nila. Hindi ko alam kung biglaan ang plano nila o tinaon lang talaga nilang wala ako para sila-sila lang.
I turned off my phone. Nawalan ako bigla ng gana. Nakaramdam na naman ako ng tampo sa sarili kong ina na may oras at panahon sa ibang tao kaysa sa sarili niyang anak at kadugo. Kailan ba noong huli kaming lumabas ng bahay, nanood ng sine, kumain at nagbonding? Wala akong maalala dahil ni minsan hindi iyon nangyari.
Napabuntong-hininga ako. Dapat hindi na ako nagkakaganito dahil dapat sanay na ako ngayon.
Tinigil ko na ang pag-iisip ko nang makabalik na sa driver seat si Montellano at inumpisahang buhayin ang makina ng sasakyan. Bago pa man kami tuluyang umandar, nakiha ang atensyon ko ng isang lalake na kakarating lang para magpagasolina ng motorsiklo. May kasama siyang babae na nakaangkas din habang mahigpit na nakapulupot ang braso nito sa lalake.
Kinuha ko ang atensyon ni Montellano para siguraduhin kung tama ba ang nakikita ko. "Si Art ba 'yon?"
Gusto kong isipin na namamalikmata lang ako o na baka kahawig lang talaga iyon ni Art, pero sa minutong kinumpirma sa'kin ni Montellano na si Art nga talaga 'yon, awtomatikong nag-apoy ang nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwalang may kasamang ibang babae ngayon si Art. Malinaw na niloloko niya si Alex.
"O ba't parang umuusok yang ilong mo? Galit ka ba?" walang ideyang tanong ni Montellano.
"May sasaktan lang ako." Tanging sabi ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba ng sasakyan para komprontahin si Art.
❤❤❤
pҨple: Sorry natagalan. May revelacion sa susunod na kabanata (Gusto ko ang rebelasyon, ngunit-pero-subalit-datapwat, alam kong di mo magugustuhan. Hahah). Yun nga lang, ewan ko kung kelan ko maisusulat, busy talaga ako guys. Busy sa photoshoot. LOL. Pipilitin ko na lang na humanap ng oras. Bahala na si superman. Salamat sa reads and votes. Muwah.
2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top