Nakatira Tayo sa Rice World
‘Nakatira Tayo
sa Rice World’
by unfated
04.28.23
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Mae-enjoy mo bang kumain sa Mang Inasal na walang unli rice?
Malamang, hindi!
Mabubusog ka ba na isang cup lang ng rice ang nakahain sa plato mo habang nilalantakan ang chicken?
Weak-ass, bitch.
Ikaw ba ˋyong tipong tanga na dadayo sa paresan sa kabilang bayan at o-order lang ng à la carte? Hesus, Maria y Josef! Isa kang makasalanang nilalang at nararapat kang ihulog sa bunganga ng bulkan na nagbabadya nang sumabog!
Sa Kaharian ng Rice na pinamumunuan ng rice king at rice queen, kapag nakita ka nilang kumakain na walang ni isang butil ng rice sa plato, ora-oradang ikaw na ang ulam ng buong royal rice family kinabukasan. Pero dahil swerte ka at hindi tayo nakatira sa Kaharian ng Rice, ang tanging parusa lang sa pagiging erehe mo ay ang hindi ka mamahalin kahit kailan ng Papa mo.
“Rice supremacy!”
“Hay nako. Ayan na naman ˋyung kanin na may superiority at god complex—high blood lang naman ang dala!” ani Adobo na nakatalikod sa akin.
“Hoy, Miss ‘pinaka-basic na ulam sa balat ng Pilipinas’, hindi puwedeng bumoses kung hindi kumpleto na wala ako,” sigaw ko para marinig niya kung gaano siya kawalang-kuwenta kung hindi nag-e-exist ang isang tulad ko.
“Ha! May naririnig na naman akong boses ng ‘pinaka-bland na pagkain sa balat ng Pilipinas’ na hindi naman pipiliin kung walang kapares na tulad ko!” sabat naman ni Mechado na tinawanan nina Adobo at Kaldereta.
Suminghal ako. “Hindi rin puwedeng bumoses kung hindi man lang siya ma-differentiate ng mga tao sa mga kapatid niyang tomato sauce lang naman ang nagdadala.”
“Ha—!” Galit agad na singhap ni Mechado kaya napatawa na lang ako. Ilang sandali pa ay umiiyak na siya kaya dinaluhan agad siya ng mga tukmol niyang kaibigan na hindi naman mabubuhay kung wala ako.
Masama na ang tingin nila sa ˋkin kaya alam kong magsisimula na naman silang pagkaisahan ako. Hay nako! Ang hirap talagang maging useful, ˋdi tulad sa kanila na ipinapares lang lagi sa akin.
Saan sila pupulutin kung wala ako?
Agad naman silang lahat natahimik nang ilapag na ng taong si Mama Andrea ang side dish na si Lumpia. Agad siyang kinuntsaba ng mga erehe at pilit na isinali sa samahan nilang nagpapalaganap ng Anti-Rice Propaganda.
“Sa ngalan ng rice king at queen, paparusahan kayo bukas sa paninirang-puring ginagawa n’yo.”
“Bukod sa superiority at god complex, may pagkaaning din pala siya,” bulong ni Lumpia na narinig ko.
Agad nag-init ang ulo ko at ready nang bumuga ng apoy nang lahat ng ulam sa hapag ay nagtawanan. “Oh, guys, chill lang kayo. Baka naman umiyak na ˋyang loser na kanin na ˋyan, oh. Tingnan n’yo ˋyung mata,” ani Mechado kahit kakatapos niya pa lang umiyak.
“May proposal ako para mawasak ang kinaiingat-ingatang pride niyang kanin na ˋyan,” biglang suhestiyon ni Lumpia nang humupa ang tawanan.
“Ay bet ko ˋyang plano mo, Lumpia!”
“Suportado rin kita! Oras na para i-abolish ang rice-archy at kainin ang mga racist at narcissistic food na tulad ni Rice!”
“Go Lumpia! Go Lumpia! Go Lumpia!”
Nagsimula na silang mag-chant ng pangalan ni Lumpia kaya napaatras ako. Wala akong balak na pumayag sa kabaliwan nila at sa plano nilang i-abolish ang rice-archy. Mga erehe! Dapat na nga talaga silang ihulog sa bunganga ng bulkan na handa nang pumutok!
Kung hindi lang ako halos mahulog na sa dulo ng hapag, hindi ako papayag sa plano nila. Humalakhak na lang ako nang napakalakas dahil alam ko na kahit anong gawin nila, ang rice pa rin ang mananatiling superior na pagkain sa balat ng Earth.
“Dahil fiesta ngayon, nagkaroon tayo ng chance na mag-face-to-face dito. At ibig sabihin din n’on, ngayon natin malalaman kung sino talaga ang pinakamasarap na ulam para sa mga tao.”
“Oo, at alam nating lahat na ako nga ang pinakamasarap—”
“Hep, hep,” putol sa akin ni Adobo. “Note na pinakamasarap ang keyword. Meaning, masarap. Ano ba’ng lasa mo kung wala kami?”
Nag-init ang ulo ko pero hindi ko pinahalata. “Oh? E, pa’no n’yo malalaman kung sino ang pinakamasarap?”
“Simple lang,” sabi ni Lumpia. “Kung sino’ng unang mauubos, ˋyun ang magiging champion.”
“Pero unfair! Sa ating lahat, ako ang pinakamarami. E, kayo—”
“Sweetheart, it’s not about quantity, it’s about quality,” ani Tinola sabay kindat pa sa ˋkin.
Hindi na lang ako umapela dahil kahit pa pare-pareho kami ng dami, ako pa rin ang mauuna. Kahit pa halos sampung beses ang dami ko kumpara sa kanila, ako pa rin ang mauunang mauubos.
Bakit?
Dahil nakatira ang mga taong ˋto sa rice world.
At ang ganitong mundo ay iikot para sa pabor ko na isang kanin.
Nang dumagsa na ang mga tao sa hapag ay nakangiti ko silang sinalubong. Of course, ako ang unang pupuntahan nila dahil ako ang pinakaimportanteng pagkain sa kanila ngayong araw. Hindi pa nga sampung minuto ay nakalahati na ako.
Pinagmasdan ko ang ibang pagkain na hindi pa man lang nakakalahati. Paano, iba-iba ang taste ng mga tao at hindi lahat ng tao pipiliin silang lahat. Buti na lang at unique ako kaya ako ang uuwing nakangiti pagkatapos ng araw na ˋto!
Pero nang sampung minuto ulit ang lumipas ay hindi na ulit ako nabawasan. Paano, sa dulo ng hapag ay nakikita ko ang taong si Angela na halos pakyawin na si Lumpia. Laglag ang panga akong nakinig sa usapan nila.
“Masarap ang luto ngayon ni Mama na shanghai. Tikman n’yo!”
“Oo nga. Puwede ba ˋkong magbalot nito, Gela?”
“Oo naman! Sige na. Ubusin n’yo na ˋyan bago pa kayo maunahan mamaya ng mga matatanda.”
“Puwede rin ba ˋkong magbaon ng kanin—”
“ˋWag na’ng kanin! Pag-uwi mo niyan, hindi na mainit. Hindi na rin masarap.”
“May sense.”
ITONG EREHENG ANGELA TALAGA ˋTO NA INIWAN NG PAPA NIYA NOONG LIMANG TAONG GULANG PA LAMANG SIYA DAHIL HINDI SIYA KUMAKAIN NG RICE!!!
Dahil sa kanya, limang piraso na lang ang natitirang Lumpia. Samantalang ako rito, kalahati pa rin dahil ang mga bobong taong ˋto ay ˋdi pa rin nag-e-extra rice! Nagsisitawanan at naghihiyawan na sina Mechado, Kaldereta, at Adobo habang pinapapak na ni Angela ang limang natitirang Lumpia.
“Mukhang may nanalo na—”
“Hindi puwede!” sigaw ko nang lunukin na ni Angela ang huling piraso ng Lumpia. “Mga cheater kayo! Madaya! Hindi puwede ˋto! Ako ang pinakamasarap, pinaka-essential, at pinakapaborito ng lahat ng tao—”
Tumawa si Tinola kaya natigil ako. “At sino’ng nag-decide niyan? Shuta—Ikaw?”
Hindi ako nakasagot agad dahil tumawa ulit siya.
“Sa henerasyong ˋto, we eat the rice, ricehole. Lumpia literally ate you up!” Nagsigawan ang iba pang ulam dahil sa sinabi ni Tinola.
Nagkumpulan na sila palapit sa tray ni Lumpia na wala nang ni isang piraso. Habang ako ay naiwan sa puwesto ko na galit at halos maiyak na lalo pa nang magsimula na silang mag-chant.
“Lumpia for the win! Lumpia for the win! Lumpia for the win!”
━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Quick question: What happens if we put kanin in a lumpia wrapper?
Kumakain ako ng hotdog at fried rice na ako rin may luto nang ma-realize ko na nasobrahan na naman ako sa kanin huhu. Bakit kasi ang sarap ko magluto ng fried rice? Charot! ˋTapos biglang nag-pop sa utak ko ˋyung thought na “we are living in a rice world,” and then naisip ko na, “OMG! Maganda ˋtong plot para sa isang short story na may symbolism eklavush mwahaha,” (oo, may pa-evil laugh talaga). So to clarify: hindi po ito rice slander bwahaha!
Anyway, this is dedicated sa mga kapwa ko rice enjoyers na nagta-try umiwas kasi lumulobo na haha! Enjoy your foodsssss, guys! Mwah!
P.S. Hindi po ako high sa rice nung sinulat ko ˋto, pramis! :Þ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top