Book 3: Forever Us
Tagahanga mo ako, lalo na ng makita ko ng personal ang husay mo. Maganda ang naging samahan natin; sabi ng marami may chemistry daw tayo —artista lang! Ngunit walang permanente sa mundong ito, ganoon din sa trabaho natin. Nang magkahiwalay tayo, hindi ko na inaasahan na magkikita pa tayo ulit. Wala kasi tayong personal na koneksyon.
Isang araw nag-message ka sa akin, "Hi!" ang text mo. Hindi ka napakilala pero alam ko na ikaw 'yon. Natuwa ako—kinikilig pa nga. Hindi ko alam kung sasagot ba ako agad o magpapakipot. Ayaw ko kasing isipin mong ang easy ko, pero ayaw ko rin namang masyado kang mag-antay. Pinili ko ang mag-reply agad, hindi naman talaga kita matitiis, "Hello!" ang maigsi kong sagot.
Kinuwento mo sa akin kung paano mo nakuha ung number ko, at natuwa naman ako ng malaman kong nag-effort ka talaga. Ilang araw at gabi na tayong dalawa ay ganito, nagkakamustahan at nagtatanong tungkol sa araw ng bawat isa. Noong una, masaya at may halong kilig, pero ganito na lang ba talaga tayo? Ano ba kasi tayo? Magkaibigan o magka-ibigan?
Siguro ay napansin mo rin ang aking panlalamig, matatanda na kasi tayo para maglokohan pa. Nagulat ako ng puntahan mo ako sa aking tinirhan ng gabing iyon, buti na lang matagal na akong wala sa puder ng aking mga magulang. "Ok lang ba tayo?" tanong mo sa akin. Tumango lang ako. Naintindihan mo agad ang nararamdaman ko at d'yan ako bilib sa'yo. Natawa ka lang sa akin, "Ang cute mo!" sabi mo sabay pisil sa aking pisngi. Niyakap mo ako at nararamdaman kong unti-unting natutunaw ang puso ko —ang rupok ko talaga!
Hinawakan mo ang aking mukha para sa'yo lang ako nakatingin, "Sorry! hindi kita pormal na tinanong at nag-assume na lang ako!" wika mo. "Mabuti naman at alam mo rin pala kung bakit ako ganito!" sabi ko sa aking sarili. "Would you want to be my girlfriend?" sinsero mong tanong na dagdagan pa ng tingin mong nangungusap sa aking kaluluwa, ako'y napaOO na lang.
Mag-iisang taon na tayo ngunit hindi marami ang nakakaalam ng relasyon natin; kaya kung kani-kanino nila tayo pinapareha. Ayos lang naman iyon, ang mahalaga alam nating dalawa kung ganoo tayo kaligaya sa piling ng isa't isa.
Naka-isang taon na pala tayo! hindi ko namalayan, ang bilis kasi ng panahon. Ang saya natin sa bawat isa parang wala ng katapusan. Kaya ako ay nagtaka, bakit ikaw ay biglang nag-iba, gayong kaka-anniversary lang natin. Lagi ka nang busy o di naman pagod para makipagkita sa akin. Sa aking tingin ako'y iniiwasan mo na. Ano ba ang nagawa ko sa'yo para maging ganito ka sa akin?
Nang minsan nakipagkita ka sa akin, inisip ko na makikipaghiwalay ka na, kaya sabi ko sa aking sarili uunahan na kita. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga masakit na mangyayari. Pagdating ko sa pinagusapang lugar, isang surpresa ang sa akin ay bumulaga. Nakaluhod ka habang may hawak-hawak na sing-sing. Mangiyakngiyak akong lumapit sa'yo. Tinanong mo ako, "Would you marry me?" Tumatango ako habang sinasabing "Oo!". Hindi ko nakikita ang mundo ko na wala ka.
Naging masaya ang pagsasama natin sa unang mga buwan, ngunit hindi ko inaasahang magagawa mo akong lokohin at sa isa sa mga pinakamalapit ko pang kaibigan! Hindi pa nga tayo tumatagal bilang mag-asawa, sa hiwalayan lang pala tayo mauuwi! Sana hindi na lang tayo nangako na magsasama pamhabang-buhay.
Maraming nagtanong at nagtatanong kung anong nangyari sa ating dalawa, hindi ko masagot dahil ako mismo hindi ko alam. Akala ko kasi walang kulang sa ating. Akala ko ang tawanan natin ay totoo. Akala ko tapat tayo sa bawat isa. Nagkamali pala ako, lahat ng ito ay maling akala ko lang.
Maliit lang ang mundo nating ginagalawan, pilit man nating iwasan ang isa't isa sadayang ang landas natin ay magkukrus. Hindi pa ako handang harapin ka at alam kong ganoon ka rin naman. Hindi ako magpapakaplastic at sasabihing kong hindi ako apektado sa mga balita tungkol sa'yo, lalo na ang mga balitang tungkol sa bagong babae sa buhay mo. Aaminin ko nagseselos pa rin ako!
Umalis muna ako dahil masyado akong naiingayan sa mga balitang aking nagririnig. Siguro hindi ko pa talaga matanggap na may kapalit na ako sa iyong puso. At saking paglalakad ikaw ay aking nakasalubong. Nasa iisang lugar lang pala tayo, at mag-isa ka lang din. Parehas tayo ng dilemma ng mga oras na iyon, napangiti na lang tayo sa mga sarili natin. Naglakad tayo tungo sa direksyon ng isa't isa, kinakabahan at nagkakailangan. Napagkasunduan nating mag-usap— ito ang unang pagkakataong mag-uusap tayo pagkatapos ng ating hiwalayan.
"Kamusta ka?" tanong mo. Sasabihin ko sanang,"Tingin mo mabuti pagkatapos ng ginawa mo?", pero sasarilinin ko na lang 'yon, "Ayos naman! —magiging!" maayos kong sagot. Huminga ka ng malalim, "I am sorry!" seryoso mong sabi. Alam ko kung gaano kahirap para sa'yong bitawan ang salitang 'to at alam ko din na hindi mo ito sasabihin kung hindi taos sa iyong puso. Tiningnan kita at ako ay humingi rin ng tawad, malamang nasaktan din kita.
Parang bumalik tayo sa ating nakaraan, hindi ung nakaraan natin bilang mag-asawa, kundi ung nakaraan bilang magkaibigan. Namiss ko pala ang mga panahong ganito tayo— ung mga panahong kulang ang oras sa 'ting dalawa. Kahit masakit, tinanong kita tungkol sa narinig kong balita, "Kayo na ba?". Nangiti ka, siguro alam mong nagseselos ako, "Hindi!" mariin mong sagot. Tumingin ka ng direkta sa aking mga mata at sinabi mo na ako lang babaeng iyong minahal at mamahalin. Ang marupok kong puso ay gustong maniwala ulit sa'yo, pero "huwag!" sabi ng aking utak.
Nanalo pa rin ang aking puso, kahit maraming tumututol. Hindi lang sa side ko, pati na rin sa parte mo ayaw sa atin. Sabi nila hindi daw magandang ideya na tayo ay magbalikan muli. Mas masasaktan lang daw tayo kung tayo ay hindi mag-work ulit. Subalit buo na ang aking pasya,ang ating pasya, handa tayong tumaya muli sa ating dalawa sapagkat sa piling ng bawat isa lamang tayo sasaya. Aaminin ko na may takot at kaba ang naging desisyon natin—ang naging desisyon ko— na bigyan ng isa pang pagkakataon tayong dalawa, pero mas mahalaga yong ngayon kaysa bukas na walang kasiguraduhan.
******THE END******
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top