BOOK 2: Ikaw

Nangingiti ako sa tuwing aking naiisip kung paano tayo nagsimula. Ang mga pinagdaan natin mula sa pagiging mag-kaibigan patungo sa pagiging magka-ibigan. Sinong mag-iisip na sa inyong tatlong lalaki sa ating barkadahan ay ikaw pa ang pinakamagiging protective. Siguro kasi lahat ng anim mong kapatid ay mga babae din.

Sa ating anim na magkakaibigan, ikaw ang pinakahuling naging kabarkada namin. Tanda ko pa nga dayo ka lang sa lugar namin noon, kaya pagkakasama mo sa grupo ay aksidente lang. Pero sa'yo ako naging pinakamalapit, lalo na ng maging housemates tayo.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng barkada na ikaw ay sobrang babaero. Yong tipong kahit poste kapag nilagyan mo ng palda, papatusin mo pa rin. Pero kahit minsan hindi ako nagkaroon ng agam-agam o pangamba na ikaw ay aking makasama sa bahay.

Baka isipin ng iba, hindi kasi ako maganda kaya hindi mo ako tataluhin. 

Mali sila!

Alam ko maganda ako dahil madami akong manliligaw. Subalit kahit minsan hindi ka nag-da-moves sa akin. At iyon ang lalong nagpakampanti sa akin na hindi hihigit sa pagiging kaibigan ang magiging tingin mo sa akin.

Aminado naman din akong spoiled at brat ako, siguro iyon din ang ayaw mo sa akin. Pero hindi ako nakarinig ng kahit anong panghuhusga mula sa'yo. Gayunpama'y hindi mo rin ako kinukunsinte at pinagsasabihan kapag ako ay sobra na sa iyong tingin.

Sa inyong tatlong lalaki sa ating samahan, ikaw ang pinaka-charming, pinaka-appealing at pinaka-gwapo; kaya ang daming nagkakagusto sa'yo. Ngunit sa mga panahong ito ay hindi pa ako kasama sa mga taong iyon. Marahil dahil para sa iba pa tumibok ang aking puso at alam mo iyon.

Wala naman akong tinatago sa inyong lahat, lalo na sa iyo. Alam mo lahat ng love life at heartbreaks ko. Ikaw din naman walang nililihim sa amin—sa akin.

Nakita ko pa nga kung paano ka sobrang nasaktan sa isang babaeng hindi ikaw ang pinili. Siya yata ang unang babae na handa kang ibigay ang lahat, pero nalaman mo sa huli na wala pala siyang balak tangapin ang "lahat" mo. Nakita ko rin kung paano ka at ang ating kaibigan nagkagusto sa iisang babae... at paano ka nagpaubaya para sa kanila.

Ikaw na yata ang pinaka-selfless at pinakamabuting taong nakilala ko. Kung may kulang man sa'yo yon ay ang kawalan mo ng magandang trabaho. Pero hindi ka sumusuko at patuloy na lumalaban sa buhay. Dahil naniniwala ka na isang araw darating din ang opurtinidad na para sa'yo.

Isang araw, nag-kasayahan at nag-kalasingan kami ng dati kong boyfriend— kabarda rin naman natin siya kaya hindi ako nag-isip ng masama sa kanya. Isa pa, mabait at marespetong tao siya. Kaya hindi ko inaasahan na makalipas ang isang buwan boom, nalaman ko na lang na ako'y nagdadalang tao. Pero parehas naman kaming wala nang pagtingin sa isa't isa kaya napagpasiyahan na lang naming dalawa na mag-co-parenting.  

Doon pa rin ako nakatira—kasama ka, at siya naman sa bahay nya.

Natakot ako kasi sa lahat ng nabasa ko at naririnig ko tungkol sa pagbubuntis isa lang naman ung sinasabi, MAHIRAP! Ngunit dahil kasama kita sa bahay hindi ako masyadong nahirapan. Kapag sumasakit ang aking tiyan, mas natataranta ka pa nga sa akin. Mas parang ikaw pa ang nagiging ama ng aking dinadala kaysa sa totoong tatay nitong nasa sinapupunan ko. At alam mong un din ang tingin na ibang tao sa atin, kaya na-guilty ka para sa ating kaibigan.

Alam ko kasi na pakiramdam mo inaagawan mo siya ng papel. Kaya sinabi mo sa amin na dapat kami ang maging housemate—hindi bilang magkarelasyon kundi bilang mga magiging magulang ng bata sa aking sinapupunan.

Sumanayon kaming dalawa at mukhang tama naging pasya nating tatlo—na kami muna ng magiging tatay ng anak ko ang dapat magkasama sa bahay. Hindi na siya nahuhuli sa mga pang-yayari sa aking pagdadalang tao at sa magiging anak namin.Pero aaminin ko na-mi-miss ko ung pagkakwela mo; masyado kasing seryoso itong tatay ng anak ko.

Nang lumipat ako sa bahay ng ex ko, naghanap ka agad ng bago mong makakasama sa bahay. Hindi sa ayaw kong may makasama ka, pero babae talaga ang hinanap mo?!

Hindi nga nagtagal at nakakita ka ng bagong housemate. Syempre babae sya tulad ng gusto mo. Model at photographer daw sya. Nakikita naming masaya ka sa bago mong kasama sa bahay, kaya ayos na din.

Hindi naman sa naiingit ako sa namumuong closeness mo sa kanya... pero naiingit talaga ako. Alam ko wala naman akong karapatan para maramdaman ko itong mga bagay na ito. Ngunit kapag naiisip ko na ung mga dating [pakiramdam kong] para sa akin lang ay sa kanya na ngayon, hindi ko maiwasang isiping ang swerte nya!

Sobrang malapit na kayo ng bago mong housemate, na hindi nag-tagal naging girlfriend mo rin. Wala naman yong kaso sa amin, lalo na sa akin. Kung sino ang gusto mo at magpapaligaya sa'yo, malugod naming tatanggapin. Kaya ganoon na lang ang gulat namin ng umalis siya isang araw. Tinanong ka namin kung anong nangyari sa inyo. "Hindi niya kayo magustuhan. Pinapili n'ya ako at syempre kayo ang pinili ko!" malungkot mong naging tugon sa amin. Niyakap lang kita habang ang iba nating mga kaibigan at nagsasabi "makakahanap ka rin ng iba" o di kaya "Aus lang yan, madaming iba d'yan".

Madaming naganap nitong mga nakaraang na buwan. Naka-move-on kana at ako naman ay manganganak na. Mas nauna ka pa nga sa amin sa hospital. Mahigit isang araw akong sa labor room, pero hindi ka umalis sa tabi ko habang ang tatay ng anak ko ang nag-aasikaso ng mga dapat asikasuhin sa pangangak ko. Iniisip na nga ng ibang pasyente na ikaw ang ama ng dinadala ko. Natawa lang tayo habang sinasabing "hindi po!". Maya't maya pa ay talagang dumating na ang oras ko. Ang ama ng baby ko ang kasama ko sa loob ng delivery room. Isa lang daw kasi ung maaring sumama sa loob, pero alam kong kinakabahan ka sa labas. Matapos ang dalawang oras, hindi ako makapaniwala na isang napakagandang bata ang nailabas ko sa mundong ito.

Pagkaraan ng anim na buwan bumalik na ako sa 'bahay natin', ang hirap kasi ipaliwanag sa iba ung set-up namin ng tatay ng anak ko. Buti na lang available at wala kapang jowa sa mga panahong ng lumipat kami ng anak ko sa'yo, ngunit hindi nag-tagal ay nagka-girlfriend ka na rin. Siya ay matangkad at matalino na kabaliktaran ko. "Medyo" maganda rin pala siya. Pero alam ko na ang pinakagustuhan ko sa kanya ay naiintindihan n'ya ung kung bakit tayo magkasama.

Mabait naman siya, gumagawa nga s'ya ng effort para mapalapit sa barkada. Kaya hindi ko alam kung ano itong inis na nararamdaman ko kapag nakikita kitang masaya sa kanya.

Isang araw napagdesisyunan ng buong barkada na isang linggo tayong mag-a-out of town para makapag-relax at mag-recharge mula sa trabaho at sa city life in general. Ayaw ko sanang sumama—ginamit ko pa ngang dahilan ang baby ko—dahil alam kong na isasama mo ang girlfriend mo. Pero walang nakakaintindi sa pag-tanggi ko na sumama. At isa pa ikaw talaga ung nagkombensi sa akin na sumama. Alam mo namang hindi kita kayang tanggihan, kaya sa huli sumama din ako. Ngunit kung alam mo lang kung gaano ako naiiritang makita s'ya, hindi lang ako nagpapahalata. 

Hindi ko na kayang sarilihin ung nararamdaman ko kaya sinabi ko ito sa iba nating kaibigan. Pero sa kamalas-malasan ko, narinig mo ang aking mga hinaing. Sinubukan kong magpaliwanag sa'yo pero ayaw mong marinig ang sasabihin ko.

Dalawang araw na lang at tapos ang bakasyon natin, kumatok ka sa kwarto ko— sabi ko na hindi mo matitiis! Pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan, walang patumpik-tumpik ay hinalikan mo ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari, pero ramdam ko sa'yong mga labi ang laya mo. Humanap ako ng lakas sa sarili ko para tanungin ka, "Anong nangyayari?". Tiningnan mo ako sa aking mga mata, nakita kong totoo ang nararamdaman mo sa mga oras na ito, "Hindi ko na pipigilan ung sarili ko na gustuhin ka!" wika mo. Gusto pa kitang tanungin pero ikaw na ang nagkwento, "Nakita ko s'ya na may ibang, pero hindi ako nagalit o nainis. Naisip ko na kaya siguro wala lang sa akin iyon dahil ikaw talaga ang tinitibok nitong puso ko."

******THE END******

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top