Ngptkso 10

Ngptkso 10 // Dad and Dream

Hindi kami nag-usap ni Sir Marco. Inalis ko kasi ang hawak niya sa braso ko at umalis nang walang pasabi. Not minding him calling my name. Walang pagsisisi na hindi ko siya pinapansin dahil sa klase the next day, panay ang tingin sa akin ni Sir. Madalas din niya akong tawagin para sa recitation.

Tatayo lang ako, o minsan nakaupo at magsasagot. Hindi ako ngingiti. Hindi ako titingin sa mata niya.

If he really wants to talk to me, gagawa siya ng paraan.

"So hanggang kailan ang pagpapabebe mo kay Sir?" tanong ni Unica. Hindi na obvious ang pasa at sugat niya dahil hinayaan niyang lagyan ko ng concealer ang mga ito. "Alam mo dapat sumali ka sa bagong pakulo ng Univ, eh. Yung radio booth? Naghahanap sila ng mga DJ at segments. Pwede ka doon with a title of 'Sir, Wag Po – kwentong pabebe sa mga professors'," natatawa niyang sabi.

Natatawa akong pinalo siya sa braso. "Magpapabebe ako hanggang sa bumigay siya."

Ikinuwento ko kasi sa kanya ang dahilan ng pag-alis ko bigla pagkarating ni Sir Marco last time. Sinabi ko rin sa kanya ang gusto kong mangyari. Pati na rin ang babaeng tumawag kay Sir Marco ng 'Coco'.

"Sigurado ka bang girlfriend niya 'yun?" sabi niya.

Lumiko kami sa hallway para makapunta sa library. May kailangan kasi akong kuhaning ancient book na pinapahanap ng professor ko sa History.

"Pwede rin namang kalandian."

"Kasi naman, naghihintay ka ata ng himala," sabi ni Unica nang mahismasmasan. "Ganito na lang, sa birthday ko."

"Ano?" tanong ko.

Medyo bumigat din ang loob ko dahil isang linggo na lang 'yon. Wala pa rin akong nabibiling regalo para kay Unica dahil nasa kanya naman na ang lahat. Their family basically owns a lot of properties and businesses. Ano pa ba ang kulang sa babaeng ito pwera sa class?

"Iimbitahin ko si Sir Mar—speaking of, Sir Marco!"

Hindi ako lumingon nang makarinig ako ng papalapit na yabag mula sa likuran ko. Naramdaman ko ang presensya ni Sir Marco sa likuran ko. Tiningnan ako ni Unica nang nakangiti, letting me know Sir Marco is eyeing my back.

"Ms. Valentine, maayos na ba ang mga sugat mo?"

Pumikit ako at nagkagat labi dahil sa gwapong boses ni Sir Marco. Ngumisi sa akin si Unica at binaling ang tingin kay Sir.

"Medyo po, Sir. Next week pala, birthday ko na." May kinuha si Unica sa bag niya. Isang invitation. Binigay niya ang invitation kay Sir Marco. "Overnight. Swimming at inuman lang. Hindi pwedeng humindi kayo."

Nanlaki ang mata kong tinititigan si Unica na hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Ako? Isasama mo ako?" pagtataka ni Sir. "Celebration ito ng mga estudyante."

"Ayaw mo ba, Sir? Malulungkot si Sinteya n'yan." Hindi ako makapaniwala sa pinagsasasabi ni Unica! "Siya pa naman namilit sa akin na imbitahan kayo."

"Totoo?"

Lumingon ako kay Sir. Nakatingin siya sa akin na tila gulat at hindi makapaniwala. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa gulat na mukha ni Sir at kay Unica na ngumingisi. Gusto kong makapatay ngayon pero mas pinili kong ngumiti. Iwas tingin akong sumagot.

"Sama ka, Sir," sabi ko.

"Alright." Huminto ang puso ko sa sinabi ni Sir. "I'll free my schedule next week."

Panay ang palo ko kay Unica hanggang sa makarating kami sa library. Hindi ko rin maiwasan ang ngiti ko habang hinahanap ang badtrip na ancient book. Galit nga ako tapos papasamahin ko si Sir?! Still, I like the idea of me with Sir Marco in an overnight party. No one knows what will happen. Tama nga siguro ang sinabi ni Unica.

"Nahiya ka pa, abot langit naman ngiti mo, 'teh."

Maybe that's the reason I'm in a good mood. Kahit minsan nakakainis si Unica at mga weird tactics niya, nakakatulong din naman. Good mood talaga ako hanggang matapos ang mga panghapon kong klase. Pag-uwi ko ng bahay, nadatnan ko si Javier na nanonood ng TV at may kausap sa phone.

"Get your ass here," pasigaw niyang sabi. Nakakunot ang noo. "Fine. Suit yourself. You're welcome to sleep outsi—" Natigil siya nang makita akong nakatingin sa kanya. Agad niyang binaba ang phone at pinause ang pinapanood sa TV. I saw the screen and I knew he's watching Game of Thrones.

Hindi ako ngumiti o nagsalita pero bago ako makaakyat, tinawag ako ni Javier sa pangalan.

"Yeah?"

Nilingon niya ako at ngumiti. "Good evening."

"Good evening din," pagbati ko.

I know he's trying to capture my heart – and no, not in a bad way. In a good way. Parang kinukuha niya ang loob ko para hayaan siyang pumasok sa bahay at buhay namin ni Erica. I'm not dismissing that thought. Hindi ko rin siguro alam kung saan sisimulan.

Habang nagpapalit ng pambahay, walang katok na pumasok si Erica sa kwarto ko. "Hey," she said. Naka-apron pa siya. Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi. "How's school?"

"Fine."

"How's Sir Marco?" nakangiti niyang sabi.

"Ayun, professor pa rin."

Umupo si Erica sa kama ko habang tinitingnan ang pagsusuot ko ng shorts. "Alam mo naman siguro na bawal ang professor-student relationship, ano?"

Nagkatinginan kami saglit. "Bakit?"

"Ang gwapo ng professor mo," nangingiting sabi ni Erica. "Hindi na ako magtataka na maraming nagkakandarapa doon."

Natapos na ako sa pagbihis. Nagtali na rin ng buhok. "Medyo."

"Maaagawan ka n'yan," natatawang sabi ni Erica. Tumayo siya at pinatong ang kamay sa magkabila kong balikat. "Pero kung ano man mangyari sa hot professor mo at sa'yo, susuportahan pa kita."

Bago siya lumabas ng kwarto, tinawag ko siya. "Paano mo nalaman na gusto ko siya?"

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Honey, kapag ganung klaseng professor ang nagtuturo, imposibleng hindi mo ipapakilala sa akin bilang boyfriend."

I don't know why pero napangiti na lang ako bigla. Umalis na si Erica sa kwarto. Habang nagtatanggal ng make-up, hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit imbis na mag-stay sa kwarto tulad ng nakagawian ko kapag nasa bahay si Javier, ay bumaba ako.

Nagulat pa si Javier at napatayo nang maupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo. Tumingin ako sa screen ng TV. Kita ko sa peripheral vision ang pagtitig sa akin ni Javier.

"Malulusaw ako sa titig mo, Javier," sabi ko at kinuha ang remote sa kamay niya. Nilakasan ko ang volume. "Ano bang mayroon sa Game of Thrones at maraming adik dito?"

Paglingon ko ng tuluyan kay Javier, ang lawak na ng ngiti niya. Napangiti na lang din tuloy ako. Dahil late ako sa panonood, nagtanong ako ng mga nangyayari at characters. Javier answered all my questions hanggang sa nagkaroon ng sex scene.

"Bawal sa bata!" Tinakpan ni Javier ng kamay ang mata ko.

"Excuse me, hindi na ako bata!" natatawa kong sabi at inalis ang kamay niya. "Twenty-one na ako!"

"Twenty-one ka na?" Pinanlakihan ako ng mata ni Javier. "Bata ka pa sa mata ko, iha!"

Pinipilit niyang takpan ang mata ko hanggang sa natapos na ang sex scene. He even muted the TV! Pinipilit ko siyang ibalik ang scene na 'yon dahil baka may nakaligtaan ako pero sumama lang ang tingin niya sa akin. Pinaupo niya ako ng nang maayos. Hindi ko malaman kung bakit ako sumunod.

"Good girl," sabi niya.

Umirap ako pero nakangiti. We started watching again until I asked a single question regarding this guy, Jon Snow. Ito namang si Javier, nagkwento na nang nagkwento to the point sinabi na rin niya ang ilan pang pangyayari na wala pa sa sa show. Nabasa na niya 'yung mga books kaya sobrang excited siyang magkwento. He even said some theories na naguluhan din ako sa dami ng sinabi niyang pangalan!

"Grabe, ang spoiler naman!" sabi ko habang tawa siya nang tawa.

"Tanong ka kasi nang tanong."

Inirapan ko siya. Kinuha ko ulit ang remote sa kanya at mas nilakasan ang TV. "Huwag ka na magsalita, ah."

Nagtaas ng kamay si Javier at umiiling na nakangiti. "Yes, Ma'am."

Nanahimik kami sa panonood habang si Javier ay animatedly na nagkocomment from time to time. Hindi ko maiwasan ang ngumiti at matawa sa pinagsasasabi niya. Nang matapos ang dalawang episode, doon ko naramdaman na nawala ang awkwardness na nararamdaman ko sa tuwing nasa paligid siya.

"Javier," pagbanggit ko. Nakatingin pa rin ako sa screen pero nakita kong lumingon siya sa akin. "Mahal mo ba si Erica?"

Nawala ang ngiti niya at sumandal nang maayos sa sofa. "Sobra."

Nilingon ko siya. "Pero bakit last time. . .bakit ga'nun?"

Nagkamot siya ng noo. "Sorry. Didn't know you'll be scared of me." Ngumiti siya at tumingin sa screen. "I've been longing to have a daughter. Natuwa siguro ako na mapalapit sa'yo. Hindi ko naisip na dalaga ka na at hindi na bata."

Tumango-tango ako. Then we went back to watching. Wala pang 10 minutes, nase-sense ko na ang awkwardness. Nagsisi ako nang iungkat ko na naman 'yon. A few seconds after, biglang tumayo si Javier.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin. "I told you, I don't want you to feel awkward around me."

Bago pa siya makalayo, tinawag ko siya. Kinabahan ako nang sobra pagkalingon niya. "What do you want me to call you?"

"Huh?"

Ngumiti ako. "Daddy? Dada? Tay? Itay? Papa with accent sa dulo?" natatawa kong sabi.

Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala. Napansin ko ang mata niyang nangingintab kaya lalo akong napangiti.

"Hoy kayong dalawa, mamaya na manood at kakain na tayo." Mula sa kitchen, lumabas si Erica. Natigilan siya nang makitang nakatayo si Javier na nakatingin sa akin habang nakangiti ako. "What's happening?"

Tumawa si Javier at agad na niyakap si Erica. Humalik siya sa noo ni Erica at tumingin sa akin nang nakangiti. "Babe, you're becoming a nagging mom."

Tumaas ang kilay ni Erica at tinulak ang mukha ni Javier palayo. "Kasi nga kakain na tayo!"

"Ito na nga," natatawa rin ako at tumayo. Nagkatinginan kami ni Javier at nagkangitian. Pagpasok namin sa dining area, taas kilay lang si Erica. Habang naghahanda ng pagkain, nagkatinginan kami ulit ni Javier bago siya nagsalita.

"Dad is okay," sabi niya. Nagtaka lalo si Erica sa biglang pagsasalita ni Javier.

"Dad," sabi ko. Tumingin siya sa akin. "Pakikuha naman 'yung kanin," pagturo ko sa tabi niyang kanin.

Papalit-palit ang tingin ni Erica sa amin ni Javier. Halos mabali na ang ulo niya hanggang sa bigla na lang siyang sumigaw at umiyak habang natatawa. "Seryoso? Ito na 'yun?" naiiyak niyang sabi. Natatawa ako pati na rin si Javier. "Ang sarap sa feeling nito, mygahd!"

Hindi mawala ang ngiti sa aming tatlo habang kumakain. Nag-usap kami at nagkwentuhan. And for a moment, I felt like I really have a complete family. Masaya. Okay rin pala ang magkaroon ng tinatawag na 'Dad'.

"Good night, Sinteya." Javier kissed my forehead and hugged me. "Thank you for accepting me as your Dad," bulong niya sa akin. Ngiting-ngiti naman si Erica sa tabi at nakiyakap sa amin ni Javier. Ngiti lang ang ibinigay ko bago kami nagkanya-kanya ng punta sa sari-sariling kwarto.

Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatitig sa kisame. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising nang sobrang lagkit ang feeling dahil hindi nakabukas ang fan. So I decided to take a quick shower para mahimasmasan sa kalagkitan ng pawis.

Pagkabukas ko ng shower, nakarinig ako ng kalabog sa labas. Napatigil ako pero nawala rin ang ingay kaya nagpatuloy ako sa pagsasabon. As I was scrubbing my body, napalingon ako sa biglang pagbukas ng pintuan. Nanlaki ang mata ko sa pagpasok ng isang lalaki sa loob at walang sabi-sabing nagbukas ng zipper at umihi sa toilet na katabi ng shower!

"Why the hell are you here?!"

Gusto ko man magtapis, malayo ang twalya sa kinatatayuan ko. Balewala na rin ang pagtakip sa katawan ko sa pagtingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya. He looked at me from head to toe. Lumapit siya sa akin, nababasa na rin siya ng shower habang kinukusot ang mata.

Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumisi. Halos tumingala ako sa pakikipagtitigan dahil sa tangkad niya. Naaamoy ko ang pinaghalong marijuana, beer at sigarilyo sa lalaking 'to.

"You look so real in this dream, None."

Before I could react, he kissed me on the cheek and passed out.


~ x

this is the end of nagpatukso's preview for paid. anyare? anmeron? bakit naka-lock? bakit parang naguluhan ka? alisin at ibalik sa library ang story at basahin ang first part / note to know more.

:D

if you want to know how to unlock the next chapter or the whole story, read more below:

Requirements:

1. UPDATE your Wattpad application into it's LATEST VERSION

2. SETUP PAYMENT METHOD on your app store (ios) / google play store (android) and choose the method you're most comfortable with.


3. Make sure na may nakapaloob na pera sa payment method (at least ₱200.00) and you're good to go on buying coins.


How to buy in-app coins?

1. From your Wattpad app, go to your own profile. (hindi pwede ang computer / desktop)

2. At the upper left corner, you can see your in-app coin wallet with an en dash ( – ) and a plus sign ( + ) (assuming this is your first time at never ka pang bumili ng wattpad coin ever kaya wala pang laman)

3. Click the plus sign ( + ) button to go to the in-app coin shop. Buy the 160 coins with ₱149.00 and use 96 coins to unlock all nagpatukso chapters. 

I think may tax pa ito kaya more than ₱149.00 ang kukuhanin ng app? To be sure, more or less ₱160.00 ang kukuhanin to buy the 160 coins. So piso isang coin siguro itech.

4. Once done, you'll receive a receipt and your in-app wallet will have the 160 coins. 

Kapag wala, make sure na updated ang wattpad app. Kapag wala pa rin, log in and log out, restart your phone, reinstall wattpad app, etc.

PS: Baka may other ganap pa regarding your phone. Kung mayroon mang hinihingi ang inyong phone, you do you po. Iba iba kasi ito ng ganap. Di na ako makakatulong, amsorry. :c


Ready to unlock the nagpatukso chapters?

1. Assuming you got the 160 coins already, go to this chapter, chapter 10 aka the last free chapter of nagpatukso.

2. Scroll down / swipe right until a message appears: "Show your support for p l s p t s y a  and continue reading this story." If you reaaaallly think I'm worth of your monetary support . . .

You have two choices: 

● use 3 coins to unlock the next part only (kung fini-feel n'yo pa ang kwento at unsure pa sa kabuuan) ; or

● use your 96 coins to unlock the whole story and save 20% kaysa paisa-isa na 3 coins per chapter ang buksan.

( it's either fling lang ba tayo sa 3 coins or we're in for the long ride sa 96 coins. how much will you sacrifice for me and story, ganern haha )


May 40 chapters pang remaining to read. If you think you're ready for the long run sa nagpatukso relationship, then click the unlock whole story button.

3. After unlocking the whole story button with your 96 coins, you can now read and enjoy the whole 50 chapters of Nagpatukso forever via your account! 

Yay!

Thank you for the overwhelming support since day 1.

~ rayne


For more paid programs info, kindly go to: www.wattpad.com/paidstories and / or PaidStories.

For more info sa pagbili ng coins, mayroon ding how to guide si niveahere called Purchasing Wattpad Coins.

If you haz problems, send a ticket to Wattpad Support / Help Center so they could solve your problem. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top