Ngptkso 09

Ngptkso 09 // Ignorezoned

True enough, Javier didn't get near me for the past first two days of his stay in our house. Actually, hindi kami nagkakasalubong masyado except dinner. Maaga siyang umaalis para sa business niya at minsan, sinasama niya si Erica. Kapag uuwi ako, nasa kusina sila at naglalandian habang nagluluto.

That's the only time I get to see him face-to-face for about thirty minutes.

And that's it.

For the third day, maaga ang klase ko kaya pagtapos niyang maligo, sumunod na ako. After settling in the shower, I heard a knock. Hindi ko hininaan ang shower pero tinigil ko ang pagsha-shampoo. Hindi tumigil ang pagkatok hanggang sa nagsalita siya.

"Sinteya?" Javier's voice from behind the door. "I think my car key is there. Nasa may salamin."

Nilingon ko ang salamin na katabi ng pinto at ayun nga, nasakbit sa kabitan ang susi niya.

"Then get it," I said.

"Are you in the shower?"

Tiningnan ko ang hubad kong katawan na natatamaan ng tubig. "Yes."

"Ah."

"Pwede mong kuhanin, nagsha-shampoo kasi ako," I said.

Hinintay ko kung anong susunod niyang gagawin. He knows I don't lock doors – nakasanayan ko na kasi talaga since I was a kid. He can open the door, see me naked and get his keys. But if he actually do it, I don't know what I'll do after. Maybe kill him in his sleep or wake him up, whisper "don't mess with my mom" then kill him.

Pero nagulat ako sa sinabi niya, "I'll just wait for you to finish."

Tumaas ang kilay ko. Really? Nagkukunwari ba siyang mabait or what? Umirap ako at hinayaan siya dahil I'm sure, hindi niya hahayaang ma-late para lang sa pagligo ko. He needs his car keys. He needs to drive. And he needs it now. Pwedeng-pwede siyang pumasok sa loob ng CR at hayaan na lang 'yung concern ko noon na get away from me. Pero natapos na ako sa pagko-conditioner ng mahaba kong buhok at nabanlawan ko na rin, he's still outside. Waiting.

As if his touchy-feels noon ay hindi nangyari. As if he's a different guy na.

"Babe, what are you doing there?" I heard Erica's voice from outside.

"Car keys, babe. Naiwan ko sa CR."

"Sinteya's inside?"

"Uh, yeah."

"She's not locking the door, you ca—" Tumigil ang pag-ikot ng door knob.

"Babe, I'll just wait for her to finish."

"Pero male-late ka!" Erica's voice. "Meeting with the spons—"

"Yes Babe, I know."

Pumihit ulit ang door knob. Tumigil ulit. "Open the door and get your keys."

"She's in the shower."

"So?"

Kumunot ang noo ko habang nakikikinig. Hininaan ko rin ang shower habang nagbabanlaw ng sinabunan kong katawan.

"Babe," Javier said. "Bumaba ka na, I'll be there in a sec."

"Matagal maligo ang batang 'yan."

"May 24 hours ako para maghintay."

Napanganga ako sandali. "What the hell?" Totoo ba ang naririnig ko?

Narinig ko pang nagtalo si Javier and Erica. Nagbulungan din sila bago ko narinig ang pag-give up ni Erica. Mukhang bumaba na rin siya. And Javier. . .he's still waiting?

Kinuha ko ang car keys niya at walang sabi-sabing binuksan ang pinto. No towels. Walang tapis na kahit ano. Just pure naked. I was expecting he'll be drooling or something para mahuli ko na siya and he'll be out of our house but was surprised because of Javier's back facing me.

"Javier," I called him.

"Hm?" Hindi pa rin siya humaharap.

"I have your keys."

"Ah, pwedeng—"

"You can turn around and get your keys," I said. And get out of our house, too.

Nagkamot siya ng gilid ng hinlalaki. He's still not facing me. Nilagay niya ang kanang kamay niya sa likod. "Can I have my keys?"

Kumunot ang noo ko. Nilalamig na rin ako. "What are you doing?"

"Getting my keys," he said. "Without letting you feel awkward."

"Seriously?"

. . . okay?

Inilagay ko ang susi sa kamay niya. Binulsa niya 'yon. Akala ko haharap na siya sa akin pero nagpasalamat lang siya at nagdiretso sa paglalakad at pababa ng hagdan. As I was shutting the door, I couldn't believe it. Totoo bang si Javier ang lalaking 'yon?

Lalaki ba talaga ang Javier na 'yon? Is he respecting my boundaries na or just acting his part as a supposed to be good fiancé ni Erica?

Kahit pagkarating sa school, namamangha pa rin ako sa nangyari.

Pagtapos ng first class, tinext ko agad si Unica to meet me. ASAP. Naghintay pa ako ng kaunti. Pagkarating ni Unica sa cafeteria, nakatingin halos lahat ng tao sa kanya. Napatitig din ako. She's wearing a long sleeve shirt, maybe to hide some things. Pero hindi maitatago ang pasa at sugat niya sa pisngi. Naupo siya sa tapat ko habang nakatitig pa rin ako. Before I could talk, she a lifted her hand in front of my face.

"Hindi ko kailangan ng sermon," said Unica.

Tinaasan ko siya ng kilay. Pinagmasdan ko ang sugat niya sa pisngi at pumutok na labi. She's a mess!

"I just want to ask something," I said, still eyeing her.

"Ano?"

"Gangster ka na?"

Tumawa ako sa sarili kong tanong pero nanatili siyang naka-poker face. Nag-peace sign pa ako kaya ngumisi siya at umirap sa akin. Lumingon-lingon siya sa paligid na tila may hinahanap.

"Nasaan na ba kasi 'yun?" she asked to no one. Kinuha niya ang iPhone niya at nag-scroll. Kumunot ang noo niya at pabagsak na nilapag ang phone sa lamesa. "Peste. Wala pala sa akin 'yung number."

Lalo akong na-curious.

"Don't I have a right or something to know what happened?" I asked.

Bumuntong hininga si Unica. Tumayo siya at kumuha ng pera sa wallet. "Bili muna ako pagkain."

Pagbalik niya, sobrang daming pagkain ang dala niya. I thought she was giving me half of it pero sa kanya pala talaga lahat. When she started eating, she didn't talk. The guy with the geeky glasses went inside the cafeteria.

The guy – whose name is Chino – widened his eyes. Mukhang aalis pa nga siya pero lumingon agad si Unica. Kumunot ang noo niya. Tumigil siya sa pagkain at sumigaw. "Hoy ikaw China, tara dito!"

Mukhang nag-alinlangan pa si Chino pero lumapit din. Hinatak siya ni Unica sa braso paupo. Napangiwi si Chino so maybe, masakit ang pagkakahatak ni Unica. "Akala mo siguro matatakasan mo ako?" Unica said.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. The last time I saw them, good mood si Unica dahil sa research paper na ginawa ni Chino. Tapos ngayon, parang may atraso si Chino kay Unica? May kinalaman ba ang mga pasa at sugat ng babaeng 'to?

But Chino is perfectly fine. Walang galos o kahit ano. Weird.

Kinuha ni Unica ang phone ni Chino at nag-dial. Tumatawag ata siya. Kumunot ang noo niya at tumingin kay Chino. "Wala kang load? Ano pang saysay ng phone na 'to? Pambato?"

"H-Hin—"

"Number mo nga," Unica said as she handed her phone to him

Nanginginig pa ang kamay ni Chino nang magdial sa iPhone ni Unica. Para siyang ingat na ingat at baka masira niya ang phone sa paghawak o pagtype. Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatingin sa kanila.

"Ang cute niyo," I said.

Kumunot ang noo ni Unica. "Oo, ang cute niya sapakin."

Tumingin sa akin si Chino. Tapos kay Unica. At natawa na lang ako sa itsura ni Chino na gusto niyang umayaw at humindi pero wala siyang magawa. I was enjoying my view when I saw someone very familiar to my eyes.

"Ms. Valentine, bakit may mga pasa ka?"

Lumapit si Sir Marco sa lamesa namin. Nakatingin siya kay Unica. Tumingin sa akin si Unica at ngumiti bago sumagot kay Sir ng 'wala po' pero sumama ang tingin kay Chino. "Si Sinteya ba Sir, hindi mo kukumustahin?"

Pinanliitan ko ng mata si Unica. Lumawak lang ang ngiti niya sa akin. Kita naman kay Chino ang pagtataka. Bago pa ako tumingin kay Sir, tumayo na ako.

"Gotta go," I said.

Hindi ko na hinayaang magkapag-react si Unica o kahit si Sir. Narinig ko pang nagsalita si Sir pero hindi ko na lang pinansin. Nagsimulang tumunog ang cellphone ko. Unica's calling. Pero inignore ko. Nasa labas na ako nang mag-vibrate ang phone ko.


Unica

Anyare?! Na </3 ata si sir sa ginawa mo nalungkot siya pag-alis b3h

To Unica

May nalimutan akong gawin. See you mamaya :)

Unica

Ay ganun ignorezoned tungkol kay sir?


Fck. Napaatras ako dahil sa bumunggo sa akin. Pag-angat ko ng ulo mula sa pagtetext, lalo akong nakaramdam ng inis dahil nakita ko na naman ang ngisi ng lalaking ito. The guy who likes preaching about beauty who doesn't know how to read signs who wolf whistle like it was the first time he saw a girl and the guy who likes having sex in the girl's CR with a sexy collarbone tattoo. Hindi ko na talaga maitatanggi na maganda ang porma niya, simple pero hot. Tight jeans, boots and a loose shirt. Nagpapakita tuloy ang tato niya na feeling ko, sinasadya talaga.

"Wow."

Gusto kong tanggalin ang ngisi niya sa labi pero mas inuna kong tanggalin ang hawak niya sa magkabila kong braso. Doon ko nakita ang pataas na mahabang linyang tato sa braso niyang medyo ma-muscle.

Really, Sin. Nagawa mo pang tingnan ang lalaking 'to?

"Alis nga," sabi ko.

I'm not in a mood for anything dahil nakita ko na naman si Sir Marco. Nalilimutan ko kasing i-stalk si Sir para alamin kung anong mayroon sa babaeng kasama niya na tumawag sakanya ng Coco. At naiinis pa rin ako sa fact na may babaeng tumatawag pala sa kanya ng weird nickname! Coco? Really? Nakakainis talaga!

"Woah, huwag masyadong hot," the guy said. Tumaas ang kilay niya at sinuklay palikod ang hanggang balikat na buhok gamit ang kamay. "Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana, None."

Papanindigan talaga niya ang None? Fine.

Ngumisi ako. "Tadhana, really?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa pabalik sa mata niyang kulay brown. "What are you, a twelve year old girl?"

Sumipol siya at ngumisi. Tinulak ko siya para makaalis na nang may humatak sa akin sa braso. Huminga ako nang malalim at ready na suntukin ang collarbone tattoo guy na 'to nang lumingon ako. At nakita ko si Sir Marco. . . na hawak ang braso ko. Nasa gilid 'yung lalaki na umiling at ngumisi bago pumasok sa building.

"Sir, may pupuntahan pa po ako," sabi ko. Hindi nakikipag eye contact.

Akala ko okay na – pero hindi niya ako binitawan. Pwede kong isigaw ang rape para mapahiya si Sir, pero ito ang gusto ko mangyari talaga. Ang habulin niya ako. I want to smile at myself pero hindi pa tapos ang lahat. Kailangan magpakipot.

Tumingin ako sa malalim at itim na mata ni Sir. Gusto ko na lang halikan ang natural niyang mahahabang pilik mata. Seryoso ang mukha niya – malayo sa palangiti niyang aura kaya mas lalong natutuwa ang kabuuan ko. He looks handsome. And hot. And geeky because of his polo and slacks. Ugh. Nakakainis, bakit kasi may ibang babae 'tong professor na 'to, eh?

"Sir, nagmama—"

"Sinteya," his voice, serious. Nagkatitigan kaming dalawa bago siya nagsalita ulit. "Can we talk?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top