Ngptkso 05
Ngptkso 05 // Stranger Dude
They look so. . .happy. Hindi ko sigurado kung matutuwa ba ako o masusuka sa sweetness ni Erica with the stranger dude whose name is Javier Yboa. The suit and tie is a giveaway na isang businessman itong si Javier. Mabuti na lang talaga at naisipan niyang magdamit kaagad. Hindi naman masama ang katawan niya, ang awkward lang kasi.
Sa pagsisimula ng dinner, panay ang tingin sa akin ni Erica – parang nanghihingi ng permiso sa bawat paglalanding ginagawa nila sa harap ko. Ngingiti lang ako, syempre.
As far as I'm concerned, I want her to be happy. Hindi pwedeng ako lang ang lumalandi.
"Saan kayo nagkakilala?" tanong ko habang kumakain ng carbonara.
Sabi nila, a way to a man's heart is through his stomach. But what Erica and Javier are doing to me is making their way to my approval of them being a couple through my stomach. I'm not complaining, tho. Masarap magluto si Javier, kaya siguro ganito na lang kung mag-aral si Erica.
Nagkatitigan sila sandali. Umiling ako at napairap dahil para silang teenagers kung magngitian.
"We're, uhm, classmates, honey."
Tumaas ang kilay ko. "Classmates kayo? Saan? Kailan?"
"Classmates kami nung highschool," si Javier ang sumagot. "Magkatabi kami sa sitting arrangement dahil sa apelyido."
Normally, I don't do flashbacks. Kapag sinabi sa aking hindi, hindi na ako magtatanong ng bakit. Kapag sinabing tapos na, tapos na talaga sa akin 'yon. When I asked Mommy, Erica's mom – the one who took care of me, about my dad, she said that she doesn't have the right to talk about my father.
Si Erica na lang daw ang tanungin ko.
Hindi kami naging close ni Erica unang beses na nagkita kami pagkagraduate niya sa college. It was a bumpy ride, our mother-daughter relationship. Hindi kasi ako naniniwalang nanay ko siya – para lang kasi kaming mag-ate. Nung medyo naging close kami pagkarating ko ng highschool at nagkalakas ako ng loob para itanong ang tungkol sa tatay ko, nagkwento naman siya. But there a lot of lacking details. Example given: dad's name and what he looks like. But I get it, ayaw niyang pag-usapan lahat. So I didn't dig deeper.
I was contented with Erica as my biological mom.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko nang tingnan ko si Javier na mukhang kinakabahan pa. Without a second thought, I asked, "so you know him?"
The question made them stop from what they're doing. Pakiramdam ko nga, tumigil rin sila sa paghinga. Erica looked at me and shook her head lightly. Pagtingin ko kay Javier, nakatingin siya sa kawalan.
"Sorry," sabi ko. "You don't need to answer."
"Ah," Javier said. Hinawakan ni Erica ang kamay ni Javier. Nagkatinginan sila sandali. Nag-uusap ba sila sa paningin? Erica mouthed 'stop' to Javier. Tumingin sa akin si Javier at ngumiti. "Yes. Highschool days."
Tumaas ang kilay ko. Are they best friends? Love triangle kaya ang nangyari sa kanila? Or Erica and Javier loved each other at hadlang ang tatay ko? So, is this a continuation of their sweetheart love story? That aroused my curiosity. Ngunit tinigil ko rin ang isip ko, baka magalit sa akin si Erica kapag inungkat ko pa ang tatay ko. Or maging awkward sila.
So I dismissed the topic by saying, "siguro nadapa na 'yun ngayon. Huwag na natin pag-usapan!"
The next few days, hindi ko na ulit nakita si Javier sa bahay. But Erica – Erica's always in smile. And I'm happy for her. But then, there's Sir Marco. Ayaw pa rin kumawala sa pa-demure effect!
"A teacher-student relationship in tradition is sacred." Malakas ang boses ni Sir Marco habang naglelecture ng Professional Ethics. Nagsulat siya sa board. "The teacher's job is to guide the students on the way to a moral and virtuous life. That is my purpose as your instructor. Para magpasok ng kaalaman sa mga isip ninyong puro break time ang gusto."
Nagtawanan kami sa klase. Naglakad at naglibot si Sir Marco sa classroom. Nagkatinginan kami sandali tapos ngumiti siya. Ngumiti lang din ako. Tumigil siya sa may likuran ko.
"Ikaw Mr. Erseyo, kapag hinawakan kita dito," pinatong ni Sir ang kamay niya sa balikat ni Isaac, "isipin mo, ako si Angel Locsin at professor mo ako, anong mararamdaman mo? Kunwari naka micro-mini skirt ako at labas lahat kulang na lang kaluluwa. Ano?"
Nagtawanan kami sandali sa sinabi ni Sir at tinuon ang pansin kay Isaac na nangingiti. "Matutuwa?"
Natawa si Sir Marco at umiling. "You'll get attracted, right? Kasi sexy 'yung professor mo."
Tumango si Isaac. Nag-apir pa sila ng kaibigan niya sa tabi.
"That's where attraction starts; kapag nakita niyo ang professor niyo in a romantic way. Same goes to professors to their students. We are called professors for a reason: we're professionals," sabi ni Sir at nagbalik ulit sa may board at nagsulat. "We must know our limits. Teachers must not send wrong signals by converting this delicate relationship with the students into a romantic one."
"Sir," pagtaas ng kamay ng isa ko pang kaklase. "What if gusto rin ng student? Kunwari M.U. sila?"
"Malanding usapan?" react ng isa ko pang kaklase. Tawanan ang ilan. "Malabong ugnayan?"
"Bitter naman, react pa ng isa."
Umiling si Sir at nagsalita. "Kung trip nila, walang basagan ng trip," sabi ni Sir na nakakuha ng tawa sa amin. "But for you students, don't you think it's unfair if you knew that one of your classmates is in a relationship with your professor? Hindi ba maiisip natin na favoritism na ang mangyayari?"
Napakagat ako ng labi – I should not let myself smile.
"At unfair din sa professor 'yun dahil paano kung hindi nag-aaral 'yung estudyanteng – kunwari, girlfriend niya? As a boyfriend – ayaw niyang bumagsak si girlfriend. But as professor, you're just doing your job. Conflicting roles, right?"
Tumango-tango ako sa sinabi niya. Again, Sin – stop yourself from smiling.
Tumingin si Sir Marco sa gawi ko. Mukhang nag-alinlangan pa siyang ako ang tawagin sa pagtataas ko ng kamay.
"Yes, Ms. Yeo?"
"Sir," pagsisimula ko. "Paano naman 'yung estudyante na nag-aaral?" tanong ko. "Hindi na conflicting roles 'yun, 'di ba?"
Ilang segundong natahimik si Sir Marco. Ngumiti lang ako. Huminga siya nang malalim at sumagot, "the relationship may depend on the professor and the student. Malalaki na sila at may isip. But at the same time, it is prohibited by the university."
"Ah," nangingiti kong sabi. "Sayang. Bawal pala sa university."
"Yes." Nag-iwas siya ng tingin at tinawag ang isa ko pang kaklase. "Yes, Asuncion?"
"Ikaw ba Sir, may experience na?"
That question made me a lot more interested. Mukhang may ilan ding naging interesado at hihintay ang sagot ni Sir. Ang mas nagpangiti sa akin ay ang pagtingin ni Sir sa mata ko bago sumagot.
"There are a couple of times but you need to decline those things nicely."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Naghiyawan ang mga kaklase ko at kinantyaw si Sir na The God. Decline nicely? Really, Sir. Decline. Nicely. Nagtaas ako ng kamay at bago pa niya ako tawagin, nagsalita kaagad ako.
"So if one night, nagkasama kayo ng estudyante mo sa isang Game of Thrones marathon at nag-inuman sa gitna ng panonood, tapos 'yung estudyante mo ay lasing na natutulog sa kwarto ng may-ari ng condo," dire-diretso kong sabi. Sir Marco stiffened pero pinagpatuloy ko ang sinasabi ko. "Iiwasan niyo po ba ang pagpunta sa kwartong 'yun para hawakan ang pisngi ng estudyante mo and tell her it's not her imagination that you're into her?"
"Grabeng specification naman 'yan," react ng katabi ko na natatawa.
Ngumiti ako. "Para cute."
Bago pa makasagot si Sir Marco, nag-bell na sa labas – which means, tapos na ang klase. Nagsitayuan ang mga kaklase ko, nag-ayos at nagmamadaling umalis. Samantalang ako, nagdahan-dahan sa lahat ng gagawin. Nagtext pa ako kay Unica, asking her where she is.
Unica
Hindi ako makakasabay pauwi. May nangyari lang.
To Unica
Anong nangyari?
Hindi na siya nagreply.
Napansin kong kakaunti na lang ang tao sa classroom nang lumapit sa akin si Sir Marco. His eyes were serious. Wala ang smiling face niya when he said, "let's talk."
Tumayo ako. Masakit kasi sa leeg tumingala sa tangkad ni Sir. "Tungkol po saan, Sir?" I asked, emphasizing the last word. Nagpaalam na ang iba pang kaklase ko kaya natira na lang kami sa classroom.
"Don't do this to me, Ms. Yeo."
Kumunot ang noo ko, keeping myself from smiling. "Ang alin po, Sir?"
Huminga siya nang malalim. Nagkatitigan kami sandali hanggang sa nag-iwas siya ng tingin. Mukhang wala siyang balak magsalita pa ulit kaya kinuha ko na ang bag ko. Bago pa ako makalabas, tinawag ako ni Sir Marco na hindi pa rin umaalis sa kanina niyang pwesto.
"Ingat ka," sabi niya na nagpangiti sa akin.
Pagkauwi ko, nakita kong nakasandal si Javier sa gwapo niyang kotse. Nagkatinginan kami at nagngitian. Papasok na ako sa gate nang magulat ako sa paghawak ni Javier sa braso ko.
"Wait," sabi niya.
Lumingon ako at tinulak siya kaunti dahil ang lapit niya sa akin. Tinitigan niya ako sa mata – sobrang tagal – to the point na nakaka-feel na ako ng awkwardness. And most likely, I don't feel awkward. Kahit sa mga lalaki pa.
But this dude. This guy, he's something else.
"I think we should go inside," I said. Lumapit siya sa akin kaya umatras ako dahil nai-invade na niya ang personal space ko. "Where's Erica? Bakit ka ba nan—"
"Erica's not yet here."
Tumaas ang kilay ko. Ito pa lang ang pangalawang beses na nagkita kami pero the way he looks at me, hindi na ako natutuwa. "Then why are you here? Huwag mo sana masamain ang tanong ko."
"Sinteya." Lalo siyang lumapit sa akin. My body tensed when he touched me on my shoulder. "May sasabihin ako sa'yo, pero huwag mo sabihin kay Erica."
"You can tell it to me," sabi ko, "without getting too close."
Natigilan siya sa sinabi ko. But instead of moving backward, he moved closer. This guy, feeling niya ata close kami. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang nanlalamig niyang kamay. His touch on my skin made me shiver. And scared. Tensed, even.
Nakakaramdam na ako ng kakaiba and by the look of this Javier-guy, this is not going to be good.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top