Ngptkso 03
Ngptkso 03 // Indirect effect
Pagkatapos masabi kay Sir Marco na lahat kaming nasa loob ng entertainment room – kaming mga estudyante na kulang-kulang sampu – ay legal nang gumawa ng kalokohan at pwede na makulong.
"Eighteen na ako, Sir!" sabi ni Jessica na kanina pa tahimik at nakatutok sa TV.
"Twenty-one na kami ni Sin," nakangiting sabi ni Unica. "Legal nang manood ng porn."
"Sir Marco," sabi ni Mark. "Mas matanda pa ako sa'yo."
"Hindi na pala ako kailangan," nakangiting sabi ni Sir at inayos ang sleeves niya. "Hindi na kailangan ng patnubay ng nakakatanda."
Nagtawanan kaming lahat. For 10 good minutes na umalis si Unica at naupo si Sir Marco sa tabi ko sa sofa, sobrang awkward! Gusto kong magsalita, o magpunchline man lang pero to think na nasa isang kwarto kami – ilang inches lang ang layo na pwede ko na siyang halayin. May mga kasama pa rin kaming iba. Sa akin, okay lang dahil hindi na nakakagulat kung gagawa ako ng kakaiba.
Ang iniisip ko ay si Sir Marco.
Anong sasabihin ng iba – nitong mga ka-schoolmate ko na kaibigan ni Unica – kung gagawa ako ng move kay Sir? Gusto kong mag-facepalm. Actually, gusto ko i-facepalm si Unica dahil mukhang hindi niya naisip 'yon.
How can I move if this room is full of people who knows Sir Marco?! Syempre hindi naman kami magkatulad ni Sir. Oo nga't gusto ko ng rush, si Sir ba, gusto ng gan'un? Unica, talaga.
"Tanduay Ice?" Nakatingin si Alfie sa may likuran, sa may pinto. Lumapit si Unica at binaba ang dalawang bucket ng beer. "Ano tayo, kinder?" reklamo pa ni Alfie.
"Pakyu ka," sabi ni Unica at nagbukas ng isa. Kumuha rin ng beer 'yung iba. Pati si Sir Marco, uminom din. "Wag kang iinom."
"Grabe naman 'yun, may pak'yu' na, may 'ka' pa," natatawang sabi ni Alfie at kumuha ng Tanduay Ice. Pinalo pa nga ni Unica si Alfie at umirap. Hindi nagpatalo si Alfie at uminom na sa bote niya. "Joke lang!"
Naupo si Unica sa tabi ko. At dahil sobrang siniksik niya ako sa pangdalawahang sofa, nadadaganan ko si Sir Marco. I must admit, gusto ko ang ganito – pero sa pagngiti ni Sir, I don't think he likes what Unica is doing. Pero hindi papatalo si Unica. Mas siniksik pa niya ako, at swear to all the gods, hindi ko sinasadyang mapahawak sa pantalon ni Sir. Okay – sinong niloko ko?
Of course, sinadya ko ang paghawak sa hita niya.
"Unica, ang sikip na," pagrereklamo ko pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Hindi naman nakikita ni Sir dahil nakatalikod ako sa kanya. Nakaharap ako kay Unica. Nararamdaman ko lang ang kamay ni Sir sa may balikat ko, maybe to balance me or something. Pero iisipin ko na lang na gusto niya akong manyakin.
Yes. The feeling is mutual!
"Nadadaganan ko na si Sir."
"Nako, okay lang 'yan!" natatawang sabi ni Unica. Tinulak niya ako kay Sir – at promise, sinasadya ko na ang pag-akyat ng hawak ko sa hita niya. Naramdaman kong nag-tense ang katawan ni Sir kaya lalo akong napangiti. "Mas masarap ang mas masikip."
I was waiting for Sir Marco to remove my hand from his thigh. . .pero mukhang hinahayaan lang niya.
Okay, patay malisya na lang tayong dalawa, Sir.
"Hoy!" sigaw ni Mark sa amin. "Mas SPG na ata kayo d'yan kaysa sa pinapanood natin."
"Sshh!" si Mike, isa pa sa mga kasama namin. "Nanonood ba tayo dito o naglalandian?"
Natahimik na kami nang mapagdesisyunan ni Unica na maupo na lang sa carpeted floor. Syempre, dahil wala nang sumisiksik sa akin, ayaw ko man, kailangan kong umusog palayo kay Sir. Nung inalis ko ang hawak sa hita niya, napansin kong napatingin siya sa hita niya tapos sa kamay ko.
Bago pa siya tumingin sa akin, uminom ako sa bote ng Tanduay Ice na nasa mesa. And I'm sure, this is Sir's bottle. Na ininuman niya. Pero hindi niya alam na alam ko so I'll play that role. I stopped drinking when Sir Marco stared at me. Or at the bottle. Or my lips.
"Bakit, Sir?"
"Uhm, that's—" naghintay lang ako. Ang cute ni Sir dahil mukhang nahihiya pa siya! "That's my bottle, Ms. Yeo."
"Hala, Sir!" Nanlaki ang mata ko, just to show him I'm in shock. "Kaya pala bawas na."
Napansin kong napalunok si Sir at gusto ko na lang humalakhak. But that would be weird. Pagtingin namin sa lamesa, wala na rin ang ibang bote. Napangiti ako nang nahihiya.
"Sige, sa'yo na 'yan."
"No, Sir." Binigay ko sa kanya 'yung bote. "Wala pa naman akong nakakahawang sakit, as far as I know."
Nag-ilang minuto pa kaming pilitan. Naiinis na nga sa amin sila Alie dahil ang ingay namin ni Sir. Nagko-concentrate daw sila sa panonood ng porn—I mean, sex scene sa Game of Thrones. Natalo si Sir sa landian—este, pilitan namin at ngumiti siya sa akin.
Saka siya uminom.
Nangingiti lang ako sa tabi. Ganyan lang Sir, next time – hindi na indirect 'yan. Napaaray lang ako sa pasikretong kurot ni Unica sa hita ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiling siya sa akin na natatawa.
The rest of watching Game of Thrones, sakto lang. But when Ate Nena brought more Tanduay Ice, ilang oras lang ang nakalipas – nalimutan na namin ang palabas. Parang naging mini bar ang entertainment room sa condo ni Unica – and no one was complaining.
Hindi rin naman ako nagko-complain kung hindi masyadong umiinom si Sir. Syempre, he's still a professor. An adult who needs to take care of his students. But that's okay. I get it. Hindi naman ako nagmamadali.
Nakailang inom din ako kaya bago pa matapos ang gabi, knocked out na ako sa kwarto ni Unica. Nahihilo at masakit ang ulo ko. Hindi ko nga rin sure kung nag-hahallucinate ba ako nang maramdaman kong parang may mabigat sa kama. Hindi ko rin alam kung imagination ko ang kamay na humaplos sa pisngi ko.
When I opened my eyes, I saw Sir Marco – kahit na madilim ang paligid. Ang ilaw sa labas ang dahilan para makita ko ang pigura ng pinaka paboritong propesor na nakilala ko. Natigilan siya sa ginawa niya at ilalayo sana ang kamay sa pisngi ko nang pigilan ko 'to. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
Ang init ng palad niya. Ang sarap haplusin.
"Imagination ko ba 'to, Sir?" tanong ko. Tahimik lang siya kaya rinig na rinig ang ingay sa kabilang kwarto. Hawak pa rin ang kamay ni Sir, inilapit ko ito sa labi ko at bumulong ulit. "Sir?"
"Do you want it to be your imagination?"
Tumawa ako at sumagot, "no."
Lumapit ang mukha ni Sir sa akin. I was disappointed when he kissed me lightly on my cheek. Pero napangiti ako sa huli kong narinig bago nakatulog ulit.
"Then the answer is no, Ms. Yeo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top