Ngptkso 01

Ngptkso 01 // Guilty Pleasure

Sa lahat ng nausong quotable-quotes sa mundo, "masarap gawin ang bawal" ang pinaka gusto ko. It's the quote that I live by. Motto, kumbaga. Kasi nga, masarap gawin ang bawal. Kakaiba 'yung feeling. It feels like I'm always pumped up.

Maraming nagsabi na titigil din ako sa ganitong pamumuhay. My grandma even said to the Discipline Coordinator that I'll change for the better soon enough. After a janitor saw me kissing the new hot kid in class, people were not in favor. I laughed and cried. But c'mon, sino ba kasing hindi gugustuhing halikan ang grade 6 classmate na kasing hot ni Johnny Depp?

He's into me. I like the rush. The boy's CR was inviting.

But my elementary school is too pussy to like the idea of grade schoolers kissing.

KJ.

I'm no saint. No angel. I just like. . . the fun. Nakakatuwa para sa akin 'yung feeling na any moment, pwedeng may mangyaring hindi aayon sa plano. And I'm anticipating what I will do next. I'm always up for unexpected adventures. For taboos. Deviants.

Norms? That's for normal people who like boring stuff.

I don't do borings. And I'm far from normal.

"Seryoso, hindi mo makukuha ang pants ni Sir Marco sa make-up na 'yan," said by the Queen of Uncensored, Unica Fae Valentine, the youngest of the Valentine siblings. The only girl in the family (because her mom is the lady). She has two hot older brothers that I had a crush on since the day I knew how to check out boys.

I was nine when I learned her bros are hot.

One of the things I like normal is my make-up. Sabi kasi ni Erica, my Mom (she wants me to call her Erica), nude make-up can make my skin glow. Hindi ko na raw kailangan magpaka-diva sa make-up at baka magmukhang clown.

A beautiful woman doesn't need excessive colors in the face, honey, she said to me once. Nagmumukha raw kasing unnatural. Naniwala naman ako sa kanya. So I'm using this natural make-up since I learned how to paint faces.

Except lips. I've always liked red.

"I'm not aiming for the pants, Ms. Uh-ni-ka," I said, looking at Unica emphasizing every syllable in her name. Nagsuklay lang siya kaunti tapos, okay na. Madalas lang siyang nakatunganga sa CR kapag magkasama kami. Hindi kasi pala-ayos. "I'm aiming for something bigger."

"Yeah," she said and air-quoted, "bigger."

Sa sobrang tawa niya, (which was contagious! She's one of the girls who laugh like a mad man.) natawa rin ang ilang babae na kahelera namin sa tapat ng salamin. At ang walanghiya, tinulak din ako! Good thing I finished re-touching. Kung hindi, even if I love her, I'll drag her to hell.

Kidding. Or am I?

Sa ingay ni Unica – gusto ko sana sabihing kami ang maingay, pero siya lang talaga – ang sama na ng tingin sa amin ng ilang babae. Nakataas ang kilay ng iba. Kung hindi lang siguro kami umalis, siguradong sunog na kami sa mga titig nila.

"Daming beach, gusto ko lumangoy!" sigaw ni Unica bago kami makalabas talaga.

Napailing na lang ako.

This Unica. Uncensored is the word that really fits her perfectly.

"Baliw ka talaga," sabi ko, trying to suppress my laugh. "Kailangan talaga ipagsigawan 'yung kay Sir?"

"Aba naman oras na para markahan ang teritoryo mo," she said, fixing her polo shirt. Napailing na lang ako sa pag-angat niya ng laylayan ng polo shirt niya. Halos makita na ang rose tattoo malapit sa pelvic niya. Galing kaming CR pero mas pinili niyang sa hallway mag-tuck in. Typical Unica. "Nakita mo 'yung babae sa pinakakanan kanina?"

What made me laugh was when she described the girl: full of make-up, red eye shadows and red lips that matched the red high heels that didn't match the yellow dress Unica said the girl was wearing. Actually, hindi ko naalala 'yung babae. Natatawa lang talaga ako sa sinabi ni Unica na, "lakas maka-Mcdonalds!"

Natapos akong tumawa nang ilang segundo. "What's with her?"

"Kaklase ko 'yun sa Values," sabi niya. "Janina – Jamaica – McDonalds. Not sure kung ano ang pangalan, ewan!" dagdag pa niya.

Pinatigil ko siya sa pagsasalita. "Wait, hindi ka naman nasusunog sa Values class?"

"Aha! Aha! Funny!" inis niyang sabi. I just laughed until we went down stairs. "Pero ayun nga, Values class."

"Okay, what's up?"

"Tinanong kasi kami sa class kung sino 'yung Guilty Pleasure namin," pagkukwento niya. Tumingin pa siya sa itaas, a mannerism when she's trying to remember something. "I-de-describe daw namin kung bakit guilty pleasure tapos magbigay ng initials."

"And?"

Tinigil ako ni Unica sa paglalakad. She cleared her throat and started – acting! Animatedly. "He's like, uhm, he's so. . . gwapo," Unica said, her voice cringe-worthy. Pinipilit niya kasing paliitin ang boses niya which was weird dahil medyo maton ang boses niya. At nag-overact siya sa pagli-lip bite! "He's my, uhm. . . guilty pleasure kasi he's so. . .yeah, oozing with wisdom and intelligence. And his voice. . ." Pinipilit niyang huwag matawa. But failed as she said, "his voice makes me wet."

"What?"

Natawa kami parehas.

Unica widened her eyes. "Really! Nabulunan nga si Tandang Sora, eh!"

Lalo akong natawa sa sinabi niya – Tandang Sora – si Ginang Teodora na ata ang pinaka matandang professor sa arts department (which is ours) sa school. Naging professor ko siya sa Logic at talaga namang pinag-iinitan ako dahil puro raw kalokohan ang sinasagot ko.

She hates me. Sa sobrang galit niya sa akin, minabuti niyang ipasa ako sa Logic para hindi na niya ako maging estudyante ulit kahit panay ang absent ko. The good thing is, mutual understanding ang nangyari sa amin ni Tandang Sora.

"Paano mo naman nasabing si Sir Marco 'yun?"

"Duh," Unica rolled her eyes. "L.M.A. At nung one time, dumaan si Sir para kausapin si Tandang Sora, kulang na lang magbaha sa room sa paglalaway niya."

L.M.A. Lourd Marco Aceveda, or also known as The Professor God of the university. Hindi ako sure kung sinasadya niyang maging greek god-like handsome para tawagin siyang The God, which is similar to his first name "Lourd." Pero imbis na Lourd ang tawag, he prefers to be called as Sir Marco. Ayaw nga raw niya ng Mr. Aceveda dahil parang ang tanda na raw.

As far as his Facebook says, nasa 25 lang siya. Single.

One of the reasons a lot of university girls have the hots for him.

Maraming nagsabi na ang ibang nag-enroll sa school na babae, gustong gusto maging professor si Sir Marco. Well, sino nga bang hindi gugustuhing maging professor ang tulad niya? I really admit, unang pagpasok ko sa klase niya, akala ko estudyante siyang nagfifeeling professor. Ang nakakainis pa, I smiled at him. Seductively.

Shit lang nung nagpakilala siya bilang professor.

Well, at least he smiled back at me!

Sino ba kasing maniniwalang professor siya kung ang ayos at tindig niya, kulang na lang hubaran siya at isabit sa billboard ng Guadalupe para maging Bench model ng brief. If I could just see through his almost fitted polo shirts, nasisigurado akong maganda ang view doon.

Plus, he's charming. And witty. And intelligent.

"Speaking of," bulong ni Unica. Siniko niya ako at nginuso ang likuran ko. Kumaway pa si Unica. "Sir!"

"Oh, Ms. Valentine."

That voice. Lumingon ako. Pagkakita ko pa lang ng ayos ni Sir, gusto ko nang tumakbo palapit sa kanya at yumakap na lang. And I'll never let go. Natatawa ako sa pinag-iisip ko pero hindi ko mapigilan. Lumapit siya sa amin at kung hindi ako nagkakamali, he's smiling at me.

"Ms. Yeo," bati niya sa akin.

I smiled. "Sir Marco."

"Anong ginagawa ng dalawang dilag sa labas ng classroom ko?"

Pwede bang ngumiti na lang ako lagi? Promise. Sabi ni Erica, maganda raw ang ngiti ko. So I'll just sm—

"May sasabihin sa'yo si Sinteya, Sir."

Nanlaki ang mata ko kay Unica. Bago ko pa siya mapalo, lumayo siya agad sa akin. Tawa siya nang tawa at ako, hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Nakangiti si Sir Marco pagtingin niya ulit sa akin at gusto ko na lang siyang i-pa-photocopy at gumawa ng standee niya para pwedeng mayakap-yakap sa kwarto.

"Ano'ng sasabihin mo, Ms. Yeo?"

"Uhm. . ." Naghanap ako ng sasabihin. Sa memorya ko. Sa paligid. Kay Unica na may kausap na iba. Pagbaling ko ng tingin kay Sir, napangiti na lang ako dahil sa ngiti niya. "Ang gwapo ng ngiti mo, Sir."

Sir Marco laughed. Shit. Hindi ko pinagsisihan ang sinabi ko! Umiling siyang nakangiti na parang nahihiya. Natawa rin ako kaunti. But I stopped laughing when he said, "you have a pretty smile, Ms. Yeo."

Hindi ko napigilan ang ngiti. Siguradong mukha akong tangang natatawa pa. "Sir talaga, oh."

"Ikaw naunang nambola, Ms. Yeo!" Ugh. Stop laughing, Sir Marco. "Sige na, papasok na ako sa klase."

"Ingat, Sir."

Umiling siya muli habang natatawa. Bago pa siya pumasok sa classroom ng mga first years, nginitian niya ulit ako. "Ikaw din, ingat kung saan ka man papunta."

"Mag-ingat ako papunta sa puso mo, Sir?"

Natawa siya sa akin. "Oo, mag-ingat ka."

Bago pa magsara ang pintuan ng klase niya, narinig kong may malakas na boses na nagsalita ng 'uy si Sir nag-ba-blush!' at tawanan ng mga estudyante. Pagtingin ko sa salamin ng pinto, nakangiti lang siya at parang natatawa. Bumaling ang tingin ni Sir sa akin at kumaway.

Kumaway din ako.

Pagtingin ko kay Unica na papalapit sa akin, we're both smiling widely.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top