Ngprya 13


Ngprya 13 // Special Gift | KKK

Nakakamangha ang Manila - lalo na ang Makati kung saan nakatayo ang condo nila Eddard Vane. Sa 43rd floor, kitang-kita ko ang lahat na para bang ako ang reyna ng mundo. Madaling araw na pero kahit pagod galing sa gig concert, gustong-gusto ko pa rin makita ang mumunting ilaw sa iba't ibang bahagi ng lugar.

Ito pala ang city lights. Ito pala ang night life. Ganito pala sa Makati.

"Sana ako na lang tinititigan mo nang ganyan."

Nilingon ko siya na nakaupo sa mahabang sofa ng sala ng condo. Kakalabas lang niya sa CR, medyo basa pa ang buhok. Nakasimpleng pambahay siya na shirt at shorts, na parang pinahiram niya sa akin.

Gusto nga niyang shirt na lang daw ang ipahiram pero pinilit kong pati shorts na rin. Boxers ang pinahiram niya at na-amaze ako dahil kasya sa akin ang boxers na sinusuot niya no'ng bata siya.

"Ang ganda kasi talaga," natutuwa kong sabi.

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Ako naman si uto-uto ay lumapit at naupo sa gilid ng sofa. Tumawa siya, tiningnan ang malaking space sa gitna namin bago lumapit sa akin at siniksik ako sa gilid.

"May tanong ako."

"Interesado ka na talaga sa akin?" tanong niya dahilan para manlaki ang mata ko kasabay ng pag-init ng pisngi ko. Tumawa siya at hinawakan ang ulo ko. "Joke. Anong tanong mo?"

Nakikiliti ako sa pagmasahe niya sa ulo ko pero hinayaan ko na. "Taga dito ka talaga. . . pero bakit sa probinsiya ka nag-aaral?"

"My dad wants me to study there. Para raw maging mas matino ako," nakangisi niyang sagot. "Hindi ata niya alam na iba rin mag-isip ang mga nasa probinsiya."

"Hindi ka ba matino?"

Nagkatitigan kami sa tanong kong 'yon. May kung ano akong napapansin sa mga mata niya na hindi ko mawari dahil sa dilim na rin. Nagpigil ako ng hininga nang mapansin kong palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Nakailang kurap ako bago siya tumigil sa ilang pulgadang layo saka ngumiti.

Pinindot niya ang ilong ko bago siya tumayo. Tumingala ako para makita siya nang mabuti.

"Mukha ba akong hindi matino?"

Ngumiti ako. "Medyo bad boy."

Tumaas ang kilay niya saka natawa. "Chicks dig bad boys, right?"

"Siguro."

Kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak patayo. Nagpabigat pa ako pero kiniliti na niya ako kaya napatayo ako nang maayos, halos magtama ang katawan namin sa isa't isa.

Kung nakikita siguro ako ni Auntie, baka kagalitan niya ako at hampasin ng hanger dahil nasa condo ako kasama ang isang lalaki. Kung matino akong babae, hindi ako sasama kay Eddard in the first place.

Pero kahit sa logical thinking ko, gustong-gusto kong sumama kay Eddard. Kahit saan. Kahit kaming dalawa lang sa madilim na condo, nang madaling araw ng August 8.

"Siguro lang? You don't dig bad boys?"

Ngumiti ako. "Sakto lang."

Ngumuso siya habang titig na titig sa akin. "Anong mas gusto mo?"

Naiilang na ako sa titig ng malalim niyang mata pero hindi ko magawang iiwas ang tingin ko. Dahil kapag iniwas ko ang titig ko sa kanya, parang hindi ko kakayanin. Babalik at babalik ako sa pakikipagtitigan sa kanya.

Napansin ko ang pagngiti niya nang napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Mula sa mga mata ko, bumaba ang tingin niya sa labi ko. Sa simpleng tingin na 'yon ay halos sumabog ang puso ko sa kaba.

"May first kiss ka na?"

May kung anong dumaloy sa buong katawan ko na para bang kinuryente. Hindi masakit – tama lang para maramdaman kong kinikilig ako.

"B-Bakit?"

"Just asking."

Napalunok ako. Gusto kong magsinungaling pero sa pagtitig ko sa mga mata niyang nakatingin sa labi ko, hindi ko maiwasang magsabi ng totoo.

"No'ng bata ako."

Kumunot ang noo niya. Nagbalik ang tingin ng mata niya sa mata ko. "Bata ka?"

Ugh. Bobo mo Mari Solei! Bakit sinabi mo? Magsinungaling ka na lang, please! Pero. . . hindi ko na mababawi. Pwede bang mahimatay na lang bigla sa harap niya para tapos na ang usapan?

"Uhm, oo. Childhood friend lang. Nagkasal-kasalan, may santan na flower crown tapos ayon. Napagdiskitahan kami ng mga nakakatanda sa amin."

"Sino 'yon? Anong pangalan?"

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba at takot sa tanong niya. "Jason."

"Nasaan na siya?"

Nagkibit balikat ako. "Lumipat na ata sila sa Davao, hindi ko na rin masyadong maalala kahit mukha niya. Nursery pa lang ata kami no'n."

"Tapos?"

"Tapos?" pagtataka ko.

"Pagkatapos no'n?"

"Uhm, wala na?"

Binitawan niya ang kamay ko. "Paanong wala na? You didn't kiss anybody after that Jason?"

Tumango ako. Tumango rin siya at parang natakot ako sa tingin niya sa akin. Dahil matangkad siya, parang nanliliit ako sa tingin niya. Wala na akong nagawa nang mag-good night siya at sinabing uuwi kami bukas. Pinag-stay niya ako sa kwarto niya habang siya naman ay sa sofa.

Nagtalukbong ako ng kumot na para bang yakap ako ni Eddard dahil sa amoy. Nakatulog ako nang paulit-ulit kong sinasabi na ang paksyet ko dahil mukhang nabadtrip si Eddard.

Bobo mo Mari Solei, nabadtrip ata si Eddard sa pagka-honest mo.

Siguro pagod ako sa gig kaya napasarap ang tulog ko na tinanghali na ako ng gising. Paglabas ko ng kwarto, wala si Eddard kaya nag-panic ako. Buti na lang at may note sa may ref na bumili lang siya ng makakakain.

Naligo akong gamit ang shampoo at sabon ni Eddard. Nangangamoy lalaki tuloy ako pero mabango pa rin. Nilabhan ko ang damit na pinahiram niya saka binihis ang damit ko talaga. Paglabas ng CR, napatigil ako dahil nakita ko si Eddard na nakatalikod sa akin habang may inaayos sa kusina.

"You smell like me."

Nanigas ako sa kinatatayuan. Nilingon niya ako. Doon ko nakita sa kitchen ang mga pagkain na binili niya pero nawala ang atensyon ko doon nang lumapit sa akin si Eddard at niyakap ako.

Hindi ako makakibo. Ganoon lang kaming dalawa hanggang sa kumalas na siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko, inaya papunta sa sala. Kinuha niya ang hawak kong twalya at hinagis sa may sofa. May kinuha siya sa lamesa at nagulat ako nang makitang flower crown 'yon.

"I made this."

Napatitig ako sa kanya, saka ako tumingin sa flower crown na hindi ganoon kagandahan pero mukhang pinaghirapan. Kita pa ang pandikit na ginamit niya sa crown. Medyo messy sa malapitan.

"Bakit?" pagtataka ko. Gusto kong dugtungan ng 'nababakla ka na ba?' pero mukhang mali 'yon kaya natahimik ako.

Sinuot niya ang flower crown sa ulo ko at ngumiti nang magkasya sa akin 'yon. "Para malimutan mo si Jason." Bago pa ako makapagsalita na wala lang naman 'yon at hindi ko rin kino-consider, natameme ako nang hawakan ni Eddard ang baba ko at tinaas niya para magtama ang tingin naming dalawa.

"Eddard. . ."

"I'll kiss my bride now."

Bago pa ako makapagsalita, yumuko na siya palapit pa sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ang kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao ko sa pagdampi ng labi niya sa akin. Namanhid ang buong katawan ko. Nabingi ako sa katahimikan ng paligid. Naging musika sa pandinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko inaakalang sa isang simpleng pagdampi ng labi niya sa akin ay parang nabuhay ang lahat ng ugat sa katawan ko. Doon ko lang na-gets si Aurora sa Sleeping Beauty. Kung ganito pala ang pakiramdam ng totoong first kiss, sinong hindi magigising kahit 100 years nang natutulog?

Natapos ang halik nang ayaw ko pang matigil. Tahimik akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay ngumiti saka ako hinalikan ulit. Kung pwede ko lang hawakan ang leeg niya para mas lumapit sa akin ay gagawin ko pero siya na ang tumigil nang maramdaman ko ang kagat niya sa pang-ibabang labi ko.

"Uhm, sa ano. . . kwarto lang ako."

Mabilis akong pumasok ng kwarto dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Tinapik ko ang pisngi ko nang paulit-ulit habang nakatitig sa kawalan. Kinuha ko ang flower crown na nakasuot sa ulo ko at napangiti.

Hindi 'to panaginip.

Totoong hinalikan ako ni Eddard!

Tumakbo ako at tumalon papuntang higaan, mukha ang unang tumama sa malambot na unan. Binaba ko ang flower crown sa may bedside table saka nagsusumigaw nang kaunti dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay baka sumabog ako sa kilig. Humiga ako nang maayos habang yakap-yakap ang unan. Pinapakiramdaman na si Eddard ang unang yakap ko.

Nakapikit ako habang nakangiti. Nakakaramdam na ulit ako ng antok nang marinig kong nagbukas ang pintuan. Bigla akong kinabahan dahil narinig ko ang mahinang tawa ni Eddard. Nakarinig din ako ng pagbubukas ng cabinet at kung anu-ano pang ingay. Natahimik sandali.

Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may dumampi sa labi ko. Kasing bilis ng tibok ng puso ko ang pagdilat ko at parang tumigil ito bigla nang makita ang mukha ni Eddard na nakangiti nang nakakaloko.

"Wake up, sleeping beauty."

Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa lumapit siyang muli at hinalikan ako. Imbis na magulat ay hinawakan ko pa ang leeg niya para mas dumiin ang halik.

Walang nagsalita sa amin. Walang nag-utos. Walang nanguna. Nang magsimula siyang gumalaw ay sinundan ko 'yon kahit hindi ko alam kung paano. Sumampa siya sa kama, pumaibabaw sa akin at halos natutuluan ako ng malamig na tubig galing sa basa niyang buhok. Ilang segundo lang ay nagkakasabay na kami na parang sumasayaw ng sarili naming steps na kami lang ang nakakaalam.

Mula sa labi ko, lumipat ang labi niya sa leeg ko. Huminga ako nang malalim, gustong-gusto kong gawin din sa kanya 'yon pero nakuryente ako sa kamay niyang gumapang papuntang baywang ko. Nakakapaso ang bawat pagtama ng balat niya sa akin kahit parehas kaming nakadamit.

Putek talaga. Nakakabaliw. Sobra. . . sobra.

Tumataas na ang kamay niyang nasa baywang ko at ganoon din ang kamay ko sa katawan niya nang biglang may kumatok sa pintuan. Hindi pa ako nakakabalik sa sarili kong mundo nang mapatingin ako sa bukas na pintuan.

May matandang babae!

Tinulak ko si Eddard pero imbis na umalis siya sa taas ko, umusog siya na para bang tinatakpan niya ako sa paningin ng nasa pintuan.

"Why didn't you knock, Manang?" sabi ni Eddard.

Hindi ko na nakikita ang babae pero narinig ko ang sinabi niyang, "Kumatok ako. Hindi niyo lang ata narinig."

Inayos ko ang shirt kong nakataas na.

"Get out. Maglinis ka kapag nakaalis na kami."

"Sige, Sir."

Pagkarinig ko nang pagsara ng pintuan, huminga nang malalim si Eddard at tumingin sa akin – nasa taas ko pa rin siya, nakapatong ang dalawang kamay sa magkabila ko. Nagkatitigan kami. Pumikit ako at pinihit ang ulo sa ibang gawi dahil hiyang-hiya ako sa nangyari pero hinawakan ni Eddard ang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo.

"Sorry," bulong niya. Hindi pa rin nya inaalis ang paghalik niya sa noo ko. Napadilat ako nang bumaba ang mukha niya papunta sa may leeg ko. Halos malagutan ako ng hininga nang maramdaman ang mainit na hininga ni Eddard doon. "She'll report this to him."

Napalunok ako. "Papagalitan ka ba?"

Ito rin ang tanong ko sa sarili ko.

Kinilabutan ako nang dumampi ang labi niya sa leeg ko bago lumayo saka ngumiti. "Maybe. But it's worth it."

Ito rin marahil ang sagot ko sa sarili ko.

Walang nagsalita pa tungkol sa nangyari sa kwarto hanggang sa kumain kami nang matiwasay, nagkwentuhan sa pagda-drive niya pabalik ng probinsiya hanggang sa kumain kami sa paborito kong karinderya.

Pagkarating namin sa may amin, gabi na at halos patay na ang lahat ng ilaw - na kung tutuusin, kung sa Manila ay buhay na buhay pa rin ang lahat sa ganitong oras.

Kinuha ko ang flower crown na ginawa niya.

"Akin na lang 'to, ha?" nakangiti kong sabi.

Sumimangot siya. "It looks disgusting."

"Maganda kaya, pinagpuyatan mo 'to. Hindi biro gumawa ng flower crown ng overnight lang, ah." Sinuot ko ang flower crown. Hindi ako ang tipo ng babae na gumagawa ng first move pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. "Thank you, Eddard."

Mula sa pagkatulala ay unti-unti siyang ngumiti sa akin. Lumabas na ako ng kotse, pero sumunod pa siya ulit at nagpunta pa sa may side ko.

"Hatid na kita, please? Hindi ako magpapakita sa Auntie mo."

Umiling ako. "Hindi pwede. O kung gusto mo, tatawagan ko dad mo para malaman niyang ako 'yong nakita ni Manang."

Natatawa ako dahil mas lalong kumunot ang noo niya. "Next time, mawawalan ka ng pam-blackmail sa akin. Ihahatid kita sa inyo sa ayaw mo o sa gusto."

Tumawa ako. "Iba-blackmail kita hanggang sa sumuko ka."

"Kung susuko."

"Susumbong talaga kita sa tatay mo, promise."

Tumawa siya at inirapan ako saka yumakap sa akin. "Hindi pa nga tayo, gusto mo na agad maghiwalay?" May something sa sinabi niyang 'yon pero hindi na ako nagtanong pa. "Go. Bago ko pa mamalayang hinahatid na pala kita sa inyo."

Hinalikan niya ako sa noo bago kumalas sa pagyakap. Aalis na ako pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

"Uuwi na ako!" natatawa kong sabi.

Sumimangot siya at tumingin sa kalangitan. "Sir Sergio Lacsamana oh, gusto ng anak niyong bitawan ko siya."

Pinalo ko siya sa dibdib at nagtawanan pa kami. Ilang minuto pa ang lumipas saka niya binitawan ang kamay ko. Sinundan pa niya ako pero binantaan ko siya ulit kaya tumayo lang siya hanggang sa maglakad ako patalikod para makita siyang hindi sumusunod.

Nakauwi ako nang buhay. Tulog si Auntie kaya walang sigaw na naganap. Tulog na rin si Cheche kaya walang pagmamalditang nadatnan.

Parang panaginip. . . pero habang nakatitig sa flower crown na binigay sa akin ni Eddard Vane, nakatulog ako nang may malawak na ngiti sa labi.


~ x

this is the end of nagparaya's preview for paid. anyare? anmeron? bakit naka-lock? bakit parang naguluhan ka? alisin at ibalik sa library ang story at basahin ang first part / note to know more.

:D

if you want to know how to unlock the next chapter or the whole story, read more below:

Requirements:

1. UPDATE your Wattpad application into it's LATEST VERSION

2. SETUP PAYMENT METHOD on your app store (ios) / google play store (android) and choose the method you're most comfortable with.

3. Make sure na may nakapaloob na pera sa payment method (at least ₱150.00) and you're good to go on buying coins.


How to buy in-app coins?

1. From your Wattpad app, go to your own profile. (hindi pwede ang computer / desktop)

2. At the upper left corner, you can see your in-app coin wallet with an en dash ( – ) and a plus sign ( + ) (assuming this is your first time at never ka pang bumili ng wattpad coin ever kaya wala pang laman)

3. Click the plus sign ( + ) button to go to the in-app coin shop. Buy the 93 coins with ₱99.00 and use 86 coins to unlock all nagparaya chapters. 

I think may tax pa ito kaya more than ₱99.00 ang kukuhanin ng app? To be sure, more or less ₱120.00 ang asahan to buy the 93 coins. Amnotsyor pero better be prepared na lungs.

4. Once done, you'll receive a receipt and your in-app wallet will have the 93 coins. 

Kapag wala, make sure na updated ang wattpad app. Kapag wala pa rin, log in and log out, restart your phone, reinstall wattpad app, etc.

PS: Baka may other ganap pa regarding your phone. Kung mayroon mang hinihingi ang inyong phone, you do you po. Iba iba kasi ito ng ganap. Di na ako makakatulong, amsorry. :c


Ready to unlock the nagparaya chapters?

1. Assuming you got the 93 coins already, go to this chapter, chapter 13 aka the last free chapter of nagparaya.

2. Scroll down / swipe right until a message appears: "Show your support for p l s p t s y a and continue reading this story." If you reaaaallly think I'm worth of your monetary support . . .

You have two choices:

● use 3 coins to unlock the next part only (kung fini-feel n'yo pa ang kwento at unsure pa sa kabuuan) ; or

● use your 86 coins to unlock the whole story and save 20% kaysa paisa-isa na 3 coins per chapter ang buksan.

( it's either fling lang ba tayo sa 3 coins or we're in for the long ride sa 86 coins. how much will you sacrifice for me and Maris at Vane's KKK haha charot)

May 37 chapters pang remaining to read. If you think you're ready for the long run sa nagparaya relationship, then click the unlock whole story button.

3. After unlocking the whole story button with your 96 coins, you can now read and enjoy the whole 50 chapters of Nagparaya forever via your account!

Yay!

Thank you for the overwhelming support since day 1.

~ rayne


For more paid programs info, kindly go to: www.wattpad.com/paidstories and / or paidstories.

For more info sa pagbili ng coins, mayroon ding how to guide si called Purchasing Wattpad Coins.

If you haz problems, send a ticket to Wattpad Support / Help Center so they could solve your problem. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top