Ngprya 12

Ngprya 12 // Break Free

Sa pagsabi niya ng sundo, ang iniisip ko ay nakatayong gwapong nilalang ang madadatnan ko sa may labasan. Akala ko, magiging normal ang lahat kahit abnormal ang pagtibok ng puso ko simula nang makausap niya si Tatay halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sabi nga nila, maraming namamatay sa akala.

At ako, muntik nang mahimatay nang makita ko si Eddard Vane Yboa na nakasandal sa isang magarang kotse. Habang palapit sa kanya, paulit-ulit sa utak ko na hindi sa kanya ang kotseng 'yon at baka natripan lang niyang sandalan. Effect ba.

Ngunit kinain ko ang lahat ng naisip ko nang may pindutin siyang something na hawak niya, tumunog ang kotse, at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng front seat.

"Sa'yo 'to?" hindi makapaniwala kong tanong.

Nginitian niya ako at mahinang tinulak papasok sa loob. Kahit naka-seat belt na ako at nabuhay na ni Eddard ang engine, hindi pa rin ako makapaniwalang siya ang magda-drive.

"May multo ba?"

"H-ha?"

Tumawa siya. "Para kang nakakita ng multo."

"Hindi kasi. . ."

Tumingin siya sa akin sandali at nagtaas ng kilay bago tinuon ang atensyon sa kalsada. "Bakit, Maris? What's up?"

"Nagda-drive ka."

Tumawa siya na para bang nakakatawa ang sinabi ko. "Yeah, I'm driving."

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtanong. "Bakit?"

"Bakit?"

"Nagda-drive ka."

Tumawa ulit siya. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa bintana pero natatakot akong baka ma-crack 'yon at bayaran ko pa. Pakiramdam ko, sa pag-upo ko sa kotseng 'to - nadudungisan ko na agad ang mamahaling upuan. Kaya kahit gusto kong hawakan 'yong hawakan ng pinto, hindi ko ginawa. Nakapirmi lang ang kamay ko sa hita ko.

"Yeah, I'm driving. Totoo 'to, Maris. You're not imagining it."

Hinarap ko siya. "Pero bakit? Ilang taon ka na ba?"

"Sixteen. Ikaw ba?"

"Mag-16 this year." Bago pa lumipat sa akin ang topic, nagtanong ulit ako. "Nagda-drive ka ng 16? May lisensya ka? Sa'yo itong kotse?"

"Student license pa lang. This is my dad's."

"Pumayag siya na gamitin mo?"

"Kung alam niya?" Tumingin siya sa akin at ngumiti nang may pagkapilyo. "Hindi siguro."

Sa ilang buwan na nakilala ko si Eddard Vane, isa sa mga preminenteng detalye na napapansin ko sa kanya ay may something sa kanya at sa tatay niya. Madalas kong sabihin sa kanya na mag-usap sila dahil maswerte siya. . . pero madalas sa usapang ganoon, iniiba niya ang topic.

Hindi ko na lang pinupush.

"May tanong ako," sabi ko bigla.

"Ako rin may tanong."

"Hm?"

Kinagat niya ang labi niya at ngumiti. "Joke. Anong tanong mo?"

Tumingin ako sa kanya. Tinanggal ko muna ang hiya ko dahil hindi naman siya makakatitig sa akin. "Anong middle name mo?"

Tumaas ang kilay niya. "Middle name?"

"Surname ng mama mo?"

Nawala ang ngiti niya. "Wala eh."

"Wala? Paanong wala?" Nakakakutob na ako. . . kaya nagtaka rin ako sa sarili ko kung bakit nagtanong pa ako.

"I don't have a mom. . . kaya walang middle name."

Nagsisisi ako. Tinakpan ko ang bibig ko sa sobrang kahihiyan at pagkamadaldal. Parang nagbuklat ako ng isang pahina na hindi dapat binubuklat. Natahimik kami sandali. Nararamdaman ko na rin ang awkwardness kahit may tugtog sa radyo.

"Ikaw?"

Nilingon ko siya, nakatingin pa rin siya sa kalsada. "Anong ako?"

"Anong middle name mo?"

"Chengcuenca."

"Kakaiba."

Tumango ako. "Sabi nga rin nila. May Chinese something kasi 'yon sabi rin ni Auntie."

Iniba ko na ang usapan dahil parang nagkaroon kami ng kakaibang hangin sa buong kotse na sinisigaw ang 'huwag pag-usapan ang pamilya' dahil sa magiging madramang pangyayari. Marami pa kaming pinag-usapan na malayo sa pamilya nang mapansin kong dalawang oras na kaming nagbabyahe.

"Saan tayo pupunta pala?" Tumingin ako sa paligid - parang ang haba na ng highway na dinadaanan namin. "Saan 'to?"

Kinagat niya ang labi niya bago ngumiti at humarap sa akin. "Manila."

Tumawa ako. "'Yong totoo?"

"Totoo." Tinuro niya ang isang signage na may nakasulat na To Manila at arrow patungo sa daanan. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

"Eddard Vane?!" pasigaw kong sabi. Pinalo ko siya sa braso. Tawa siya nang tawa na para bang pinlano na niya ito. Para pagtripan ako! "Makakauwi ba tayo kaagad pagkarating ng Manila? Gabi na! Anong gagawin natin doon?"

Kinakabahan ako dahil takot ako sa Manila. Kahit sa mga kwento ni Chino na masaya roon, nakikita ko sa movies na masyadong mabilis ang buhay doon. Ngunit kung tutuusin, pangarap kong makapunta sa Manila para makalayo sa buhay ng probinsiya. Para makalayo kay Auntie at sa pinsan ko.

"Sino nagsabing uuwi tayo kaagad?"

May kung ano akong nararamdaman. . . pinagsama ang kaba. . . at excitement. Lalo na't nakikita ko ang ngiti ni Eddard na alam kong may iniisip.

"Hindi tayo uuwi? Pero may pageant pa tayong pupuntahan bukas."

Tumawa siya. "Yaan mo na 'yon. Wala tayong mapapala doon, let's just have fun." May kung ano siyang kinuha sa compartment sa harap ko. Binigay niya sa akin ang isang bubble wrap na kasing size ng normal na filler notebook.

"Para saan 'to?" pagtataka ko.

"Para makabawas sa stress. Don't think too much." Nilingon niya ako. Kumindat pa siya! "Akong bahala sa'yo."

Ngunit ako ata ang na-stress sa pagputok ng bubble wrap dahil pinipilit kong putukin lahat pero hindi ko magawa - at nananakit na rin ang mga daliri ko. Hindi ko na nga namalayan na nakaparada na pala kami sa sobrang atensyon na nakatutok sa pagputok.

"Mukha kang stressed," natatawang sabi ni Eddard.

Sumimangot ako. "Mas naii-stress ako sa pagputok, eh. Parang hindi natatapos, sakit na ng daliri ko."

Tinawanan niya ako. Kinuha niya ang bubble wrap sa kamay ko. Magrereklamo pa sana ako nang bantaan niya akong hahalikan niya ako pag hindi pa ako tumigil sa pagputok. Natahimik ako doon at nag-init pa ang pisngi ko pagkalabas ng kotse.

Hinawakan niya ang kamay ko na para bang ito na ang pinakanormal na dapat gawin kapag magkatabi kami. Naramdaman ko ring hinimas-himas niya 'yon at minasahe ang daliri ko.

"Kawawa naman daliri ni Maris, na-stress sa bubble wrap," sabi niya na nagpatawa sa akin.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtili ko nang idikit ni Eddard ang labi niya sa daliri ko at marahan 'yong hinalikan. Hindi pa nakakalayo ang labi niya sa daliri ko nang ngumiti siya na para bang nang-aakit.

Ako naman, nagpapaakit nang palihim.

"Okay na ba?"

Ngiti lang ang nakaya kong ibigay dahil baka magsumigaw ako pagbinuka ko ang bibig ko at magsalita. Ngunit kung ano ang ikinatahimik ko, 'yon naman ang kinaingay ng school na katapat namin.

"We'll run in 3. . ."

"Huh?"

"Two. . . one!"

Halos napasigaw ako sa paghatak sa akin ni Eddard papasok sa entrance ng school. May tumawag sa amin na guard pero tuloy-tuloy lang ang takbo namin. Tawa nang tawa si Eddard habang patingin-tingin sa likuran. Nakalayo na kami bago tumigil. Hinihingal kaming parehas.

"Bakit tayo tumakbo?" pasigaw kong tanong dahil sa ingay ng tumutugtog sa may stage.

"Para masaya!" natatawa niyang sabi. "Hindi ka ba natuwa?"

Automatic naman ang pagtawa ko dahil sa pagnguso niya sa akin. Tumawa rin siya bago niya ako inaya kumain. Ang nakakatuwa pa roon, walang lamesa at upuan. Kung gugustuhing umupo, sa damuhan lang pwede na hinihigaan na rin ng iba.

Gabi na sa Manila. . . pero buhay na buhay pa rin ang lahat. Ganito pala rito.

Kumain kami habang nagkukwentuhan nang pasigaw dahil sa malakas na tugtugan at sigawan. Tinulak ko si Eddard dahil nang-aasar siyang para raw akong tuod sa sobrang tahimik. Hindi ko siya tinigilan hanggang mahiga na siya sa damuhan habang tawa nang tawa. Gusto pa niya akong isama sa paghiga pero pinipigilan ko.

Tumingin ako sa paligid - at natuwa ako dahil walang nakatingin. Na para bang wala silang pakialam. Para bang normal na ang lahat kahit magsisigaw kami dito. Lahat kasi ay nagsasaya at sumisigaw rin. May sari-sariling mundo.

Lumakas ang tugtugan kaya napatingin ako sa stage kung saan may bagong banda. Rock music kaagad ang naririnig ko dahil sa paggi-gitara. Naghihiyawan ang mga babae sa may gilid namin na parang kinikilig.

"Si Dante Ang oh god! Ang gwapo talaga ni Dante Ang!"

"Marry me and we'll make Ang babies na slant ang mata!"

Medyo malayo ang stage pero pansin kong 'yong vocalist 'yon. Maputi kasi 'yong vocalist at sobrang chinito. Mukhang Chinese. Mukhang "Ang" ang apelido.

Pagkatapos naming kumain, naglibot kami ni Eddard. May ilang kilala si Eddard na kinausap niya sandali. Karamihan doon ay babae. . . kahit masaya ang tugtugan ng banda, nawalan ata ako ng gana lalo na nang makipagbeso pa 'yong isang babae kay Eddard. Na mukhang tuwang-tuwa naman ang lalaking 'to.

"Hey, hindi ka ba masaya?"

"Pagod lang," diretso kong sabi. "Gusto ko na umuwi."

"What?" Nanlaki ang mata niya at hinawakan ako sa braso. "I thought you'll appreciate this. Rock music? Bands?"

Tiningnan ko siya nang mataman. "Bakit? Paano. . ."

Kinagat muna niya ang labi niya bago nagsalita. "I asked Marie One about your interest. Rock music and bands. This is the nearest gig we can go in a short period of time."

Sa sinabi niyang 'yon, parang nakunsensya ako. Tumingin ako sa stage, nandoon pa rin ang banda ni Dante Ang na sinasabayan ng sigawan at kantahan ng mga nasa gitna.

Bakit ba sa tuwing makakaisip o makakakita ako ng bagay na hindi ako natutuwa tungkol kay Eddard Vane, lagi siyang may back up na magpapawala sa badtrip na 'yon?

Putek!

Bakit ganito si Eddard Vane?!

Pumikit ako at huminga nang malalim. Hindi ko pa rin makuhang ngumiti nang hatakin ko si Eddard para makalapit sa akin at niyakap ang braso niya.

Kinakabahan ako nang sobra na sigurado akong ramdam ng braso niya ang lakas ng tibok ng puso ko pero hinayaan ko na. Yumuko ako at inaya na siyang maglakad.

Mahina kong sinabi ang 'salamat', na akala ko hindi niya narinig pero natawa siya kaunti. Tinaggal niya ang hawak ko sa braso niya at inakbayan ako para mas ilapit sa kanya. Huminto sandali ang paghinga ko nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"You're welcome, Maris."

Totoo. Kinikilig ako. Kahit magkatabi lang kami - kahit nakaakbay lang siya sa akin - kahit hindi kami nag-uusap, iba. Iba 'yong pakiramdam. Kahit magkatabi lang kami, pakiramdam ko sobrang ligtas ako. Kahit nakaakbay lang siya sa akin, pakiramdam ko hindi niya ako bibitawan at iiwan. Kahit hindi kami nag-uusap masyado, sapat na ang tibok ng puso naming dalawa para mag-usap.

Gano'n kalala.

Naging hopeless romantic ako bigla.

Pagkatapos ng ilang set at ilang kain namin ni Eddard, napansin kong parang bothered si Eddard dahil may tumatawag sa phone niya. Nakailang decline siya hanggang sa pinatay na niya ang phone.

"Bakit hindi mo sinasagot?"

"Wala lang 'yon."

Imbis na magtanong, pinatay ko rin ang phone ko. May ilang new messages akong nakita pero hindi ko na binasa. Siguradong nagagalit na si Auntie dahil hindi pa ako umuuwi.

Bago dumating ang 12am para maging August 8 na, pinatayo kami ng bandang nasa stage para makisali sa kantahan. Naghiyawan ang mga tao sa pamilyar na rock version ng Ang Huling El Bimbo ang pinatugtog.

"Kamukha mo si Paraluman," pagkanta namin na parang sigaw na rin. Nagtawanan kami ni Eddard habang talon nang talon kasama ang iba pang nasa ground at nakikisaya.

"Sigaw ka!" rinig kong sabi ni Eddard sa akin.

"Sigaw? Anong isisigaw ko?"

"Anything!" nakangiti niyang sabi. "Frustrations! Lahat ng hindi mo kayang sabihin!"

Tiningnan ko si Eddard na sumisigaw kasabay ng iba pa. Natahimik ako sandali. Isigaw. . . lahat ng hindi ko kayang sabihin? Baka maisigaw ko ang buhay ko kung nagkataon. Tiningnan ko ang iba pa sa paligid. Lahat kami ay may kanya-kanyang buhay. Walang may paki. Lahat masaya.

Tumalon ako para bumwelo sa pagsigaw. "Gusto ko na lumayo sa pagkagahaman mo Carlota!"

Ang gaan!

Parang nawala lahat ng bigat sa loob ko sa paghiyaw! Tiningnan ako ni Eddard nang nakangiti.

"Sino 'yon?"

Sinigaw ko ang sagot na, "Auntie ko!"

Tumawa siya. "Tunog kontrabida pangalan, ah!"

Nakitawa rin ako habang paulit-ulit sa isip ko ang saya sa pagsigaw. Pakiramdam ko nakawala ako sa sarili kong hawla na matagal ko nang gustong takbuhan. Naramdaman ko ang hawak ni Eddard sa kamay ko. Hinayaan ko 'yon nang lumingon ako sa kanya nang nakangiti pa rin.

"Ikaw naman!"

"Ako?" pagtataka niya.

"Sigaw ka rin!"

"About what?" Kumunot ang noo niya.

Nagkibit balikat ako. "Kahit ano. Nilalaman ng puso mo?" natatawa kong sabi.

Tumawa siya sandali pero natigilan ako nang bigla siyang sumigaw kasabay ng hiyawan ng mga tao. "Sana ma-in love na sa akin si Maris!"

Natigil ako sa pagtalon. Kahit ang ngiti ko ay nawala. Napatingin din sa amin ang ilang tao dahil sa sigaw ni Eddard. Tumingin siya sa akin dahilan ng pagtakas ng hangin sa paligid ko.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay."

Naririnig ko sa paligid ang kinakanta na chorus ngunit mas rinig ko ang tibok ng puso ko lalo na nang pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa. Hinatak niya ako para mas magkalapit kami. Sa gitna ng mga sigaw, talunan, kasiyahan at rock music. . . habang magkahawak ang kamay namin ay binulong niya ang sumunod na lyrics.

"Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top