Ngprya 05
Ngprya 05 // Tight Hold
Kinabukasan, dumating si Eddard Vane Yboa sa classroom nang malapit na mag-break. Gulo-gulo ang buhok niya pati ang uniform na suot niya. Lahat kaming nasa classroom, nakatingin sa kanya. Rinig ko ang mahinang tili ni Mao.
"Eddard!" bati ni Ma'am Socorro kay Eddard. "Mabuti at nandito ka na. Welcome sa Section 1. Tara rito at magpakilala ka sa mga anak ko."
Walang sali-salitang pumasok sa loob si Eddard Vane sa classroom mula sa likod na pinto. Walang extra upuan kaya nilagay niya ang bag niya sa may devan at nagtungo sa platform gamit ang aisle.
May kung ano pang sinabi si Ma'am Socorro. Tumango si Eddard.
"Eddard Vane Yboa."
Mas lumakas ang tili ni Mao na sinabayan ng ilang babae naming kaklase. Umiling ako. Masyadong papansin talaga lalo na ang grupo nila Reena na walang kahit anong pakundangan.
Nakita ko ang pagngisi ni Eddard, mukhang natutuwa talaga siya sa atensyong nakukuha niya.
"Itong si Eddard ay galing sa Section 3 last year dahil transfer student siya. He's from. . . America, right?"
"New York."
"Ah, ayun," sabi ni Ma'am. "He's here in section 1 dahil umabot nang sobrang taas ang grades niya last year. Sana ay maging mabait kayo sa kanya. Any questions for him bago tayo magsimula ulit?"
Agad nagtaas ng kamay si Mao na nasa tabi ko. Tinitigan ko si Mao at pinipilit ibaba ang kamay niya pero ayaw talaga niya magpaawat.
"Yes Mauricio?" tawag sa kanya ni Ma'am.
Pagbalik ko ng tingin sa harap, halos tumalon ang puso ko dahil nadagdagan ang kaba ko mula kanina. Nakapamulsa na si Eddard Vane, ang mga mata niya ay nakatitig sa aki—amin. Sa lugar namin sa pagtayo ni Mao.
"Just call me Mao, Eddy," kinikilig na sabi ni Mao. "Straight ka?"
Nagtawanan ang mga tao sa tinanong ni Mao. Nilingon ko siya nang nanlalaki ang mata pero nakatitig lang talaga siya sa nasa harap.
"Oo."
Kinikilig na umupo si Mao. "Okay lang, mahilig ako sa straight!"
Gusto ko na pumasok at magtago sa backpack ko lalo na nang makitang tumawa kaunti si Eddard, at nakatingin lang siya sa amin.
"May girlfriend ka na?"
Nilingon naming lahat si Reena na nagtanong. Ngunit mas naloloka ako dahil sumagot si Eddard Vane nang nakatitig pa rin sa akin habang nakangisi.
"Wala."
Legal pa ba ang klaseng tingin na ginagawa ni Eddard Vane? Hindi nawala ang kakaibang titig niya hanggang sa naglakad siya sa aisle papunta sa likuran, sa may devan, at doon naupo dahil wala pa siyang upuan.
Pumikit ako at huminga nang malalim. Nanghihina ako sa kaba. Tumingin ako sa back door ng room, saka unti-unting tumingin sa kanya sa likuran. Mabilis kong inwas ang tingin ko dahil nakita ko kaagad ang ngisi niya sa labi.
Isa sa mga gusto kong lugar ay ang classroom namin dahil dito lang ako nakakaramdam ng pagkakumportable – kung hindi lang dumating si Vane.
Pagkarating ng recess, dumiretso ako palabas na sinundan ni Maureen habang nagbabasa nang tahimik. Seryoso ang mukha niya kaya hindi na ako umimik pa, mukhang may nangyayaring kakaiba sa binabasa niya kasi.
Last time na ginulo siya ni Marie sa pagbabasa habang nakakunot ang noo, hindi niya tinantanan ng sapak si Marie. I've learned a lesson.
Pagkabili namin ni Maureen ng pagkain, umakyat na kami at natigilan ako dahil ang daming nakapalibot kay Eddard Vane sa pwesto niya sa devan. Pinaghalong lalaki, grupo ni Reena at si Mao. Tinanong nila ng kung anu-ano si Eddard.
Nadatnan naman namin si Marie na tulog sa desk niya.
Normal akong nakaupo sa pwesto ko habang nakatitig sa black board. Pinipilit kong huwag pakinggan ang ingay sa likuran pero mukhang gustong-gusto nilang ipagkalat na masyado nilang pinagkakaguluhan ang isang lalaki.
"Ed!"
Kahit hindi ako lumingon, pamilyar na boses ni Miller ang narinig ko. Nakarinig ako ng ilang kumosyon habang kumakain. Hinayaan ko na. Wala akong paki. Oo, tama. Wala akong paki.
Ngunit bago pa ako mawalan talaga ng paki sa lahat, nakarinig ako ng ilang usapan ng mga tao sa likuran. Napalingon agad ako sa kanan nang gumalaw ang upuan, iniisip na si Mao na 'yon – ngunit natigil dahil sa nakaharap na mukha ni Eddard Vane sa akin.
Prente siyang nakaupo sa upuan ni Mao na inusog niya para humarap sa akin. Gusto kong iiwas ang tingin ko, ngunit na-stuck ako sa titig niya. Ngumiti siya. Nanatili akong nakatingin lang.
Kinakabahan ako. . .putek, kinakabahan talaga ako!
Pinilit kong maging normal kahit hindi na talaga normal ang kabang nararamdaman ko pati ang tibok ng puso kong masyadong bumibilis. Sabi nila delikado raw ang ganitong bilis na pag-palpitate, baka ikamatay ko ito.
Napatitig ako sa cellphone na inalok niya sa akin. Tinitigan ko 'yon bago ko tiningnan ang mukha ni Eddard. Bakit pakiramdam ko kahit hindi siya perpekto, iba pa rin ang dating niya?
"Ano 'yan?"
"Ilagay mo number mo," mababa ang boses niyang sabi.
"H-ha? Para saan?"
Napaatras ako dahil inilapit niya ang mukha sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan paran makarinig ng kaunting hiyawan ng ibang tao.
"You owe me something."
Ngumiti siya na para bang legal ang ngiti niya. Dahil kung ano ang magiging taga pagbatas, kailangan niyang magbayad ng damages sa ngiti niyang 'yan. Masyadong. . . gwapo.
"C'mon, type it down."
Binigay niya sa akin ng touch screen niyang phone. Yumuko agad ako dahil ayaw ko nang makipaglaban sa titigan session na gusto niya. Nanginginig pa ang kamay kong nilagay ang number ko sa phone niya. Pagkabigay ko sa kanya, tinitingnan at dinouble check pa niya ang number ko.
"Number mo talaga 'to?" tanong niya. Tumango ako. "Dala mo phone mo?"
Napahawak ako sa bulsa ng uniform ko na sinundan niya ng tingin. "O-o?"
Ngumisi siya. May pinindot siya sa phone niya at nilapit sa tainga ang hawak. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak pa rin sa bulsa ko nang magsimulang mag-vibrate ang phone ko.
"Answer it."
Para akong tanga na kinuha ang parang pamato kong cellphone kumpara sa kanya at sinagot ang tawag. Kinilabutan ako nang marinig ang boses niya sa cellphone kahit magkatapat lang kami.
"Wake me up every morning. Na-le-late ako lagi, I need an alarm."
Hindi na niya ako pinagsalita – kung magsasalita man ako pero napag-isip ko na hindi ako magsasalita dahil sa boses niyang narinig ko sa phone. Nakabulong siya na para bang sa tainga ko lang niya gusto iparinig ang lahat.
Tumayo siya pagkatapos at bumalik kay Miller na nasa may labas pa rin pala nang hindi inaayos ang upuan na ginulo niya. Nakahawak pa rin ako sa phone ko habang nakatingin sa paligid.
Nakatingin silang lahat sa akin.
Hindi ko siya tinawagan sa sumunod na araw. Hindi dahil sa ayaw ko – okay sige, ayaw ko. May halong inis sa nararamdaman kong kaba dahil hindi niya ako katulong para gisingin siya. Hindi ako gamit para maging alarm niya.
May sarili rin akong buhay, okay?
Pagkarating sa classroom, kinakabahan na ako nang bongga. May extra chair na rin na nandoon sa may dulong likod, at masaya ako dahil malayo sa akin ang upuan. Hindi ko lang malaman sa sarili ko kung bakit panay ang tingin ko sa labas kapag may tao akong naaninag.
Nag-recess na, wala pa rin siya.
"Ano ba kasi 'yun, Mari? Bakit ayaw mo i-share na friendship na pala kayo ni Eddy baby?" pagpupumilit na tanong sa akin ni Mao.
"Wala lang 'yun," sabi ko. "Tinulungan niya ako. Kailangan kong ibalik."
"Ah," biglang sabi ni Marie na nasa may devan habang nakikipaglaro ng chess. "Equivalent exchange."
"Ibalik? Anong tinulong sa'yo para kuhanin ang number mo?"
Sumimangot ako, yumuko at humawak sa noo ko. Ito ang ayaw ko. . . maraming nagtatanong sa akin. Kahit grupo nila Reena, tinanong na ako kung anong nangyari. Bakit ganoon. Bakit may ganito. Bakit may papansing naganap.
Nakakainis.
Ngunit parang naubos ang inis ko nang makarinig ako nang kaunting ingay, usog ng upuan at napaupo ako nang maayos dahil sa biglang may nag-usog sa akin para makaupo sa tabi ko. Sa upuan ko!
Lumingon ako at napaatras sa sobrang lapit ng mukha ni Eddard Vane sa akin. Basa pa ang buhok niya na nakatingin sa akin nang masama. Pinipilit niya ang sarili niyang umupo sa upuan ko.
"I was waiting for your call," bulong niya sa akin.
"A-Ano. . ."
"Bakit hindi ka tumawag?"
Nilayo ko ang ulo ko sa kanya pero wala akong tatakasan dahil ang isang kamay niya ay nasa may sandalan ko samantalang ang isa ay nakahawak sa lamesa ko. Para niya akong kinorner sa sarili kong upuan.
"G-Ginawa ko pero operator ang sumagot, kailangan ko raw mag-load," dire-diretso kong sabi na nakaiwas tingin sa kanya na wrong move dahil nakatingin halos kalahati ng tao sa classroom sa amin. Kahit si Maureen ay natigil sa pagbabasa para tumingin sa amin.
"Really," sabi niya na iritado ang tono.
Tumango ako. Ramdam ko pa ang titig niya kahit hindi na ako nakatingin bago siya tumayo. Nilagay niya ang bag niya sa upuan niya at lumabas ng room habang lahat ng tao, nakatingin sa akin.
Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa ko.
Pwede bang pumasok sa upuan ko kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang talaga.
Kinagabihan pagkatapos akong mautusan ni Auntie gumawa ng mga dapat ay gawin niya at matapos kong turuan slash gawin ang assignments ng pinsan ko, dumiretso ako sa kwarto sa sobrang pagod.
Pagtingin ko sa phone, may tatlong messages.
Mao
ANO BA KASI MERON SA INYO NI EDDY BABY KO? TINATAKSILAN NIYO BA AKO?
AutoloadMax
P100.00 prepaid credits was loaded to ur mobile# *** by ***.
unknown
Call me in the morning. No excuse.
Sa isang text na may 2 sentence, ang isa ay may 5 words at isang 2 words – hindi na ako nakatulog masyado kaya bangag ako kinaumagahan habang hawak ang phone ko.
I-te-text ko ba siya? Tatawagan?
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nag-end up ako sa pagbalik sa kanya ng 100 load na binigay niya sa akin. Naligo ako at gumayak para sa school. Pagbalik ko sa kwarto, nag-iilaw ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, nanlaki ang mata ko sa dami ng text messages na nareceive ko.
unknown
Don't let me pass you 1000 worth of load. Mas lalaki ang utang mo sa akin.
Sumimangot ako habang nakatitig sa pinasa niyang 100 load ulit sa akin. Hindi na ako makapigil sa pagsigaw. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin?!"
Nagulat ako sa biglang pagkalabog sa kabilang kwarto. "Hoy Mari Solei! Natutulog mga tao dito huwag kang sumigaw!" boses ni Auntie.
Napaupo ako sa kama ko habang nakatitig sa screen ng phone ko, sa text message niya sa akin nang mag-vibrate ulit phone ko.
unknown
Anyway, already awake. Morning, Maris. See you at school ;)
Hinigpitan ko ang hawak sa phone ko. . .tulad ng nararamdaman kong parang may nakahawak sa puso ko nang sobrang higpit. Aahhh, Eddard Vane. Bakit ka ba ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top