Katapusan

Nailibing si Derek na nasa tabi pa rin kita. Nakaagapay at nakasuporta. Kayo siyempre ng buong barkada. Nagtulong-tulong kayo sa ibang gastusin para sa libing niya. Napakalaki ng tulong na iyon para kina Mama Joy at Papa  Rob. Masakit mawalan ng kaibigan at ng minamahal, pero alam kong mas masakit iyon sa mga magulang. Ang maunang ilibing ang anak at hindi na muling makasama pa.

Inihatid mo ako sa bahay. Sa totoo lang gustong-gusto ka ni papa. Magkasundong-magkasundo kayo sa lahat ng bagay. Mas gusto ka pa nga niya kaysa kay Derek. Ewan ko ba kung bakit? dahil siguro ang light mo kasama. Madali kang kaibiganin, madaling mahulog ang loob ng tao sa iyo. Gaya ko, narerealize kong nahuhulog na muli ako sa iyo.

Pero hindi iyon puwede 'di ba. Dahil magkaibigan tayo. May Girlfriend ka na kaibigan ko rin. Ako ang naging tulay niyo noon kaya bakit ko gigibain ang tulay na nagdugtong sa inyo. I'll keep this feeling. Alam ko namang mahal na mahal mo si Janet at hindi ko hahayaang masira iyon dahil sa akin.

Bumaling ka sa akin habang nakatawa. Nagkaroon na ng buhay ang mga mata mo. Noon kasi una tayong magkita ay parang patay rin ito. Siguro nga dahil nalulungkot ka para sa akin.

Buhat-buhat mo ang aso ni papa habang lumalapit sa akin.

"Ang taba nito," sabi mong tuwang-tuwa sa aso. Inilapit mo pa siya sa akin. Hinaplos ko ang ulo nito.

Nginitian kita.

"That's it, smile Hannah. Iyan ang gustong makita ni Derek. Ang maging masaya ka." Seryoso mong saad habang nakatitig sa akin.

Napatango ako. Alam ko naman iyon. Titiyakin kong magiging masaya ako. Hindi para kanino. Para sa sarili ko.

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong mong humaplos din ang isang kamay sa ulo ng aso. Sinusundan ang bawat haplos ko.

"Luluwas na ako pa Maynila sa isang linggo." Sagot ko. Nagkatinginan tayo.

"Ako na ang maghahatid sa iyo," binababa mo na ang aso pero nakatingin ka pa rin kung ano ang magiging reaksiyon ko. Sa totoo lang expected ko na iyon mula sa iyo. Kaya hindi na ako tumanggi.

Dahil sa totoo lang nakapagdesisyon na ako. Pagbalik ko sa America. Kakalimutan ko ang lahat. Magsisimula akong muli. Ang wala ni anumang komunikasyon galing sa iyo.  Ayaw ko kasing mas lalong mahulog ang loob ko sa iyo. Ayaw kong maranasan ang pag-aalala mo dahil alam kong sa huli, masasaktan ako.

Susulitin ko ang panahong ito na kasama kita. Babaunin ko sa aking memorya ang nakaraan at ang ngayon na tayo lang dalawa. Babaunin ko ang masasayang araw, ang pag-aalala mo at ang pagpaparamdam mo na mahal mo ako bilang espesyal na tao sa buhay mo.

Dumating ang araw ng luwas natin. Madaling araw tayong biya-biyahe. Sa bahay ka na pinatulog nina papa kasi nga aalis tayo ng maaga.

Nagpaalam tayong dalawa, binilinan ka nila na ingatan mo ako.

"Lagi naman po," iyon ang sagot mo sa kanila.

Gumayak na tayo. Isinalang mo ang paborito nating banda, parokya ni Edgar. Parehong-pareho talaga tayo ng taste sa lahat ng bagay. Nakakatuwa, marami na ang dumaan na taon pero heto pa rin tayo at parang bumalik sa panahon. Panahong tayo ay nagkakatuwaan at nag aasaran lang. Panahong sana napagdesisyunan ko ng maayos. Panahong nalilito pa ang puso ko. Mahal na pala kita sa panahong iyon.

Malayo ang lalakbayin natin. Mga walong oras siguro. Sinabihan kitang magdahan-dahan lang sa biyahe. Napangisi ka, sabi mo, Oo para mas matagal kitang makasama.

Napailing na lang ako. May gana ka pang lumandi.

"Kailan uuwi si Janet?" Tanong ko sa iyo. Hindi mo ako pinansin na para bang walang narinig. Tinaasan kita ng kilay. Kaya inulit ko ang tanong ko. Mas malakas, baka hindi mo lang ako narinig.

Tumingin ka sa akin.

"Don't distract me. Baka mabangga tayo," sagot mo.

Huh! Langya, bakit ganun ang sagot mo. Nagkibit balikat na lang ako. Hindi umimik. Medyo may tampo sa iyo.

Nakaraan ang ilang oras, nagpasya kang dumaan tayo sa isang fastfood chain. Umaga na rin kasi, 5 am breakfast time.

Pumasok tayo. Nagpunta ka sa counter at naghanap naman ako ng mauupuan. Hindi na ako nag-abalang sabihin ang gusto ko, alam mo naman na kasi ang mga paborito ko.

Naupo ka ngang dala-dala ang paborito ko. Inilapag mo iyon sa harap ko. Nakabusangot pa rin ang mukha ko dahil sa hindi mo pagpansin sa akin kanina.

Nakatuon ang atensiyon ko sa pagkain noong magsalita ka.

"Galit ka?" Tanong mo. Napalabi ako habang pinagmasdan kita. Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Samantalang ako nakalahati ko na dahil sa inis ko sa iyo.

"Kumain ka na!" Umiling ka lang. Inirapan tuloy kita. "Maihahatid mo pa kaya ako kapag namatay ka sa gutom," mataray kong saad.

Malungkot kang nakatingin sa akin.

"Huwag ka na lang umalis." Sabi mong nakapagpatigil sa akin sa pagnguya. Hindi kita maintindihan sa totoo lang. "Hindi ka ba nahihirapan doon?"

"Mahirap, pero kailangan kong umalis para kila mama. Magtatrabaho ako pagkatapos mag-iipon o kung may chance ay kukunin ko sila. Ganoon lang iyon," sabi kong medyo nalungkot na rin. Bakit ba naging ganito ang usapan natin. Hindi nga kami nagdramang mag-anak kanina, ngayon heto naman tayo. Ano ba?

Hindi ka umimik. Hindi pa rin kumakain.

"Kapag ba nakasal na kayo ni Janet, aalis pa ba siya ulit?" Bigla kang napatingin sa akin sa tanong ko. Bakit may nakita akong multo ng pait ang mga mata mo.

"Siguro," sagot mong hindi sigurado. Naninimbang tuloy ang tingin ko sa iyo.

"Hindi mo pipigilan?" Muli kong tanong. Tumigil ka sa pagsubo. Nag-uumpisa ka na rin kasi kumain.

"Kung iyon ang gusto niya," sabi mo. Muntik kitang mabatukan alam mo ba iyon. Kasi ako pinipigilan mong umalis tapos iyang magiging asawa mo may go signal agad sa iyo.

Sabagay, nag-aalala ka lang naman siguro sa akin. Lalo na sa pinagdaanan ko nitong nakaraan. Bakit sa tingin mo ba ganoon pa rin ako kahina.  Ganoon pa rin karupok. Kaya ko ang sarili ko Aldred. Mas lalo lang akong masasaktan.kapag nanatili dito. Lalo na kapag nakikita kita na masaya sa piling ng iba.

Inihatid mo ako sa airport. Napakalungkot ng mukha mo. I cheer you up. Pero hindi ka man lang ngumiti. Niyakap kita. Mahigpit.

"Ngumiti ka naman oh. Iyan ba ang ipapabaon mo sa akin?" Bulong ko sa iyo mula sa pagkakayakap. Hindi ka pa rin sumagot.

Nanatili lang tayong magkayakap.

"Sana hindi na lang ako nagpadikta sa iyo. Sana sinunod ko ang puso ko, Hannah. Sana hindi ako umatras dahil sa kaibigan ko."

Naestatwa ako sa sinabi mo. Hindi maintindihan ang mga sinasabi mo. Pero bakit ang bilis ng pintig ng puso ko. Bakit ang luha ko sa mata ay nag-uunahang pumatak. Bakit may mga realisasyon ako, may pagsisisi... kung sana nga...

"Hannah..." kumalas ako sa iyo. Tinalikuran kita. Walang lingon at hindi nagpaalam na umalis at pumunta sa departure area.

Nanginginig ang katawan at patuloy ang pagluha.

Isa akong duwag. Mula noon hanggang ngayon duwag ako.

Bigla kang may text sa akin.

Mahal kita Hannah noon pa. Noong nagtanong ako sa birthday mo kung puwedeng manligaw ang isang kaibigan? Hindi si Derek iyon kundi ako. Gusto kita ligawan noon dahil mahal na mahal kita. Pero tinutulay mo ang kaibigan mo at inignore mo ang pahiwatig ko. Gusto ko magpatuloy noon pero nililigawan ka pala ni Derek. Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Kaibigan ko siya, nakita ko kung paano siya nasaktan. Naisip ko, siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Hahayaan kita sa kaibigan ko. Maaalagaan mo siya at mapapasaya. Siguro ganoon din siya sa iyo. Minahal ko si Janet.  Pero aminado akong hindi gaya ng pagmamahal ko sa iyo. Kung sana hindi ko sinakripisyo ang nararamdaman ko. Siguro sa akin ka ngayon. Mahal kita Hannah. Mahal na mahal.

Napahagulgol ako sa mahabang text mo. Bakit kailangan nating magsakripisyo sa mga taong nakalipas. Bakit naging manhid ako sa nararamdaman mo? Bakit kita ipinagtulakan?

Iisa lang naman ang sagot. Duwag ako. Duwag na makasakit, duwag dahil mas pinili ko ang friendship with Janet.

Ang sakit sa dibdib. Mahal na mahal din pala kita. Ikaw lang at wala ng iba. Ikaw na kaibigan ko. Ikaw na soulmate ko.

Kung nagpakatapang ba ako noon. Naging tayo kaya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top