IV

Walang nakakaalam na hiwalay na kami ni Derek bago pa man siya maaksidente at mamatay. Umuwi pa rin ako ng Pilipinas para sa kanya at para na rin siguro mapatawad ko ang aking sarili. Pakiramdam ko kasi may kasalanan din ako. Kung pinatawad ko ba siya, kung nakipagbalikan ba ako, buhay pa kaya siya? Kung hindi ko ba pinairal ang galit ko, kung ti-nry ko ba ulit na mahalin siya, nandito pa kaya siya? Pero minahal ko nga ba talaga siya? Kasi napakadali noong binitiwan ko siya. Hindi ko inisip man lang ang taon na pinagsamahan namin. Sinukuan ko na siya dahil napagod na rin ako.But then, niloko niya ako so tama naman sigurong hiniwalayan ko siya. Kahit sabihin niyang hindi niya sinasadya.

Ika-tatlong araw ng lamay ni Derek noong dumalaw kayo kasama ang ilang barkada. Nakaupo ako sa gilid noon, nakatingin sa kawalan. Hindi ko napansin ang paglapit mo at pag-upo sa tabi ko.

Kaya nagulat ako noong magsalita ka at tanungin ako.

"Okay ka lang?" Napalingon ako sa iyo. Malungkot at may pag-aalala ang mga mata mo sa akin. Matagal ko ng hindi nasisilayan ang mga matang iyan.
May luhang nagbabadya sa mga mata ko. Nakita mo iyon kaya bigla mo akong niyakap. Umiyak ako sa dibdib mo. Tahimik ka lang habang hinahaplos ang likod ko.

"Magiging okay din ang lahat. Tahan na," sabi mo matapos ang pagbrebreak down ko. Nakaharap na ako sa iyo. Hawak mo ang mukha ko at pinupunasan ang mga luha dito. Mapait akong napangiti.

Siya namang paglapit ng ilang barkada, kasama mo pala sila Jayson, Arielle, Michelle at Shiela. Yumakap din sila sa akin at dumamay.

Nakapagpasya kayong manatili doon hanggang hating gabi. Nasa iisang mesa tayo at nagpasya kayong uminom. Sabi ninyo siguradong nakasalo sa atin si Derek ngayon.
Marami tayong napag-usapan. Isa na doon ang ilan sa barkadang nasa ibang bansa pa rin. At si Janet na girlfriend mo, uuwi sa susunod na buwan at siguro magpapakasal na rin kayo batay sa kuwento mo. Masaya, masaya ang kwentuhan. Reminiscing the past. Pero bakit ako nasasaktan?

Noong nagpasya kayong bumili ng maiinom dahil dumami tayo sa mesa. Dumating pa si Jeffrey at Nathan. Kumuha ka ng isang libo sa pitaka mo pagkatapos ay binigay mo ang pitaka mo sa akin.

Napatingin ako sa iyo. Nakangiti ka.

"Pakihawakan muna... gaya ng dati," sabi mo bago umalis. Napatitig ako sa wallet mo at napangiti. Gaya ng dati... oo nga naman, ako pala ang tagahawak ng wallet mo kahit noon pa. Niloloko nga kita noon na wala akong kasalanan kapag nawala ang pera mo doon.

"Okay lang, ibili mo ng pagkain o anumang gusto mo."

Iyon ang sabi mo. Pero hindi ko naman ginawa. Nakakahiya naman at sino ako para gastusin ang pera mo.

Nagpasya sina Michelle na manguha ng baso para sa inuman. Naiwan akong mag-isa sa mesa. Hawak pa rin ang pitaka mo, tila may bumulong sa akin na buklatin iyon.

Pagkabukas ko ay napangiti ako... nandoon ang picture nating barkada noong graduation. Pinakatitigan ko iyong mabuti. Kompleto pa tayo noon. Mga bata pa at masasaya.

Balak ko na sanang isara ang wallet mo pero naging kuryoso ako dahil medyo makapal ang lagayan ng litrato. Kaya naman kinuha ko ang ilan pang litrato doon at tinignan.

Iba't ibang larawan ang naroon. Pero mas pumukaw ang isang larawan sa hulihan sa akin. Napalunok ako sa nakita. Picture ko iyon noong nagkatuwaan tayong magpictorial. 'Yung pinalagyan mo ng message sa likod. At ang picture na iyon ang nag-iisang nakalaminate.

Sa pag-iisip at pagtataka ko hindi ko namalayang dumating na kayo. Nasa harap na pala kita at tinitignan ako habang hawak ang litrato kong pinalaminate mo.

"Pinalaminate ko dahil ayaw kong masira minsan na kasing nahulog sa tubig ang wallet ko."

Napatingala ako sa iyo. Napatitig sa mga mata mong nakatitig din sa akin. May ngiti sa mga labi mo pero hindi abot sa mga mata mo. Gusto kong tanungin kung bakit mo iniingatan ng ganoon na lamang  ang litrato ko. Pero natatakot ako kung ano ang isasagot mo.

Parang ang tagal-tagal nating nagtitigan lang, kung hindi pa nag-ingay ang mga kasama natin sa mesa. Ibinalik ko ang mga litrato sa lagayan, hindi ko na rin alam kung tama ba ang pagkasunod-sunod nito, nataranta akong itiklop ito at iabot sa iyo.

Nanginginig ang mga kamay kong nagsauli ng wallet mo. Tinanggap mo iyon, medyo nasagi mo pa ang kamay ko. Ewan ko kung sinadya mo pero parang napaso akong agad iniiwas ang kamay ko. Tuloy nahulog yung wallet mo dahil hindi mo pa nahawakan ng maayos.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan na katabi kita Aldred. Dati naman halos magkadikit na tayo sa upuan at hindi ko ito nararamdaman. Bakit ngayon? iba ang epekto mo sa akin. Lalo na kapag tinititigan mo ako. Na para bang may gusto kang ipahiwatig. Sanay na dapat akong inaalala at inaalagaan mo ako. Kahit noon pa man nag ?-aaral pa lang tayo, iba na ang pagturing mo sa akin. Ikaw lang ang taong lubos na nagpahalaga sa akin bilang kaibigan. Pero alam mo ayaw ko ng nararamdaman kong ito.

Binalak kong uminom ng marami. Pero halos kalahati ng inumin na binigay sa akin inaagaw mo.

"Uuwi pa kayo, magda-drive ka!" Saway ko noong abutin mo na naman ang inumin na dapat para sa akin.

Mapungay ang mga mata mong tumingin sa akin.

"Then stop drinking. Tanggihan mo na ang ibibigay." Bulong mo sa akin.

"Dito lang naman ako, kayo uuwi pa." Malumanay kong bulong din sa iyo. Abala ang iba nating kaibigan sa kanya-kanyang kwentuhan kaya hindi tayo napapansin.

Naningkit ang mga mata mo sa akin. Ayaw na ayaw mo talagang nalalasing ako ano?

"Magpapalipas na rin kami dito hanggang umaga. Bukas ihahatid na rin kita kasi sabi ni Tita hindi ka pa nakakauwi. Umuwi ka naman, magpahinga ka." Sabi mong punong-puno ng concern. Pinilit kong ngitian ka kahit pa nga may kaba na naman sa dibdib ko.

Nagpaumaga nga kayo sa lamay. Natapos naman tayo ng maaga sa inuman at nakapagpahinga ng kaunti. Kanya-kanya na kayong puwesto para magpahinga. Ayaw ko man umuwi muna ay minabuti ko na lang sundin si Tita. Kaya naman sama-sama tayong magbabarkada sa sasakyan mo. Pilit nagsiksikan sa iisang sasakyan. Gusto nila akong hinatid nina Michelle pero sinabi mong baka mahuli tayo ng pulis dahil maalayo ang amin. Uunahin natin silang ihatid. Walang nagawa ang mga ito noong isa-isa mo silang dri-nop sa kani-kanilang tahanan.

Ngayon dadalawa na tayo sa sasakyan. Tahimik tayong naglakbay. Nakatanaw ako sa mga nadadaanang palayan. Nang bigla ay bumagal ang takbo mo. Napalingon ako sa iyo kunot noo. Magtatanong na sana ako noong maramdaman kong itinigil mo sa gilid ng daan ang sasakyan mo.

"Dito muna tayo," Sabi mong lumingon ka sa gawi ko. Nakatingin pa rin ako sa iyo ng may pagtataka at tanong sa mukha.

Umayos ka ng upo at sumandal sa upuan. Itinaas mo ang parehong kamay sa ulo at pumikit.

"Namiss lang kita kasama kaya dito muna tayo," saad mo habang nakapikit pa rin. Natameme ako.

Kailan nga ba ang huli nating usap. Huli nating bonding. Hindi ko na maalala. Matagal na yata simula noong nagkanya-kanya tayo ng nilakbay after graduation. Naging busy ako, naging busy ka rin. Halos hindi na rin tayo nagkakausap kahit sa chat lang. Sa totoo lang... namiss din kita. Sobra!

"Dred?" Tawag ko sa iyo. Napalingon ka bigla sa akin. Mapait kang ngumiti at may sumibol na butil ng luha sa mga mata mo.

"And how I missed you calling me that name," Sabi mong agad mong tinanggal ang seatbelt mo at walang kaabog-abog na hinila ako. Niyakap mo ako ng mahigpit.

Hindi ko alam kung yayakap ako pabalik. I was stunned with your sudden move. Hindi ko maintindihan bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa mga kinikilos mo ngayon. Dapat ay sanay na ako... ganito mo naman ako ituring noon. Wala kang pinagbago. Tinuturing mo pa rin akong espesyal na kaibigan. But I dont know why I feel like a traitor. Traydor kay Derek at kay Janet na kasintahan mo at kaibigan ko. I'm not supposed to feel this way Aldred.

Pumatak muli ang luha ko at napahikbi dahil pilit pinipigilan ang mga luha. Mas lalong humigpit ang yakap mo sa akin. Napapasinghot ka na rin. Umiiyak ka na rin pala.

Nag-iyakan lang tayo sa hindi malamang dahilan. Walang nagsalita. Para bang nagkakaintindihan tayo sa pamamagitan ng singhot at hikbi. Parang naibuhos natin doon ang lahat ang taong wala man lamang tayong komunikasyon.

Nagpapasalamat akong kahit matagal na panahon ang nakalipas ay hindi mo binago kung paano ako itrato. Siguro nga talaga, magiging malaking parte ka ng buhay ko. Ikaw pa rin talaga ang soulmate ko. Hindi mo lang alam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top