Undisclosed Entries
Dear Diary,
Anong gagawin mo kapag nasa harap mo na 'yong taong matagal mo nang hinahanap? Paano kung siya rin mismo ang dahilan kung bakit wala na ang nanay mo?
Kanina, sa loob ng madilim na kwarto, nagkaharap kami. Humihingi siya ng tawad.
Noong una umiiyak siya...tapos bigla siyang natawa.
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kailangan ko si nanay... Nasaan si nanay?
Coco
Dear Diary,
Pumasok siya sa kwarto ko rito sa ospital kagabi. Sabi niya magsasama na raw kaming tatlo ni nanay.
Hinila ko kamay ko mula sa kanya. Ayoko.... Natatakot ako....
Sabi ni tita kasama na raw ni nanay sina lolo. Gusto ko silang puntahan pero ayokong sumama sa kanya kasi sabi ni tita masama raw siya...
Nagalit siya tapos biglang natawa...
Hindi ko maintindihan... Anong nangyayari sa kanya?
Coco
Dear Diary,
Natatandaan mo bang sinabi ko sa'yong pinuntahan niya ako kagabi sa kwarto ko?
Hindi ko sinabi kina tita 'yon at nandito ulit siya ngayon.
Pilit niya ulit akong sinasama. Umiyak ako kasi ayoko talaga.
Natahimik siya tapos ngumiti. Itinaas niya 'yong dala niyang itim na bagay sa ulo niya.
Huling sinabi niya, "mahal kita, anak."
Tapos...tapos...tumahimik iyong buong kwarto.
Nasa sahig siya. Dugo. Maraming dugo. Tapos...tapos may butas sa ulo niya.
Coco
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top