Undisclosed Entries 2.0
Undisclosed Entries 2.0
Dear Diary,
Sobrang natakot ako kanina sa school. Tinutoktok ko ang dulo ng ballpen ko sa ibabaw ng notebook ko nang mag-angat ako ng tingin sa blackboard tapos may babaeng puting-puti ang mukha na parang nag-aabang talaga sa harapan. Nakatahi 'yong labi niya tapos may hawak siyang kutsilyo at palapit sa akin. Sigaw ako ng sigaw sa mga kaklase ko pero tinitingnan lang nila ako na parang hindi nila nakikita iyong babae sa harap. Palapit na siya sa akin kaya tumayo ako para sana tumakbo pero binalikan ko sila at sinabihang sumama sila akin.
Hindi sila nakinig. Naguluhan ako nang tumawa iyong iba. 'Yong iba naman ang sama ng tingin sa akin.
Pero ayoko silang iwan kaya kinuha ko 'yong lapis ko at itinutok iyong dulong matulis doon sa babaeng papalapit parin.
Tapos...tapos biglang sumigaw si Mrs. Ramos.
Hawak niya ako sa balikat at niyuyogyog ako.
Alam ko sinisigawan niya ako pero wala akong naririnig na salitang lumalabas mula sa bibig niya.
Galit na galit siya tapos...tapos nakita ko na lang 'yong isang kaklase ko...nakasalampak sa sahig...hawak niya 'yong dumudugong kamay niya habang umiiyak...iyong lapis ko rin nasa sahig sa gilid niya...may dugo..
Coco
Dear Diary,
Nagising ulit ako sa ospital.
Ayoko sa ospital...
Nakakatakot at ang lungkot dito...
Naabutan ko sina Tita Caroline at Tito Joseph sa gilid nagbubulungan...
Sa maliit na tinig, dinig kong sabi ni tito, "...may sakit at mapanganib."
Sino tinutukoy nila at bakit kailangan nilang bumulong?
Coco
Dear Diary,
Lahat ng mga kaklase ko iniiwasan ako...
'Wag daw lalapit sa akin...
Hindi naman ako nangangagat ha...
Umiiyak ako sa likod ng canteen nang abutan ako ni Tobbie...
May dala siyang dalawang banana que. Alam ko kanya 'yong dalawa. Binili niya sa sarili niya pero napilitan siyang ibigay sa akin para tumahan ako.
Tinanong niya ako kung bakit ako umiiyak. Sabi ko...malungkot ako...
Nakakalungkot 'yong buhay ko...
Coco
Dear Diary,
May kinuwento si Tobbie sa akin. May napanood daw siya. Sabi niya kapag daw bumulong ako sa taong mamamatay ay matutupad ang wish ko.
Ano ba wish ko? Hapitots? Haha...
Totoo palang ang dali lang isulat ng emosyon kahit na hindi naman ito ang totoong nararamdaman mo.
Ang dali lang palang pagmukhaing masaya ka sa 'haha' na 'yon kahit na ang totoo niyan wala ka nang maramdaman....
Ewan ko...
Nalulungkot ako...
Lagi na lang...
Nakakapagod na....
Nakakapagod kahit wala ka namang ginagawa....
Basta alam ko...pagod na ako...
Coco
Dear Diary,
Kanina, may narinig akong malakas na busina ng sasakyan nang tatawid na ako sa daan...
Tapos...may tumulak sa akin bigla...
Nahilo ako...tapos...tapos pagtingin ko balik sa daan...may babaeng nakahandusay sa kalsada...
Nakatingin siya sa akin...tapos inaabot niya kamay niya...hindi ko alam anong gagawin...
Na...nanigas ako tapos...tapos bigla akong tumakbo palapit sa kanya...inabot ko ang kamay ko...at bumulong...
Sabi ko gusto kong maging masaya...
Ngumiti siya saka hinawakan nang mahigpit ang kamay ko...tapos pumikit na siya...
Hindi ko alam kung bakit...pero...pero...napapikit din ako at yakap sa kanya....
Saka...saka...naramdaman ko na lang na...bigla na lamang akong...sumaya...
Masayang....masaya...
Coco
illinoisdewriter
A/N:
Next update will be the last chapter before the epilogue and they'll have the last case for this book and it will be Taki's turn.
Brace yourself because a lot of stories will be untold and secrets will be uncovered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top