The Primordial Being

The Primordial Being

NAGPAALAM NA SI Rumplestle Sandros, ang funeral director ng Charmings' Funeral Home kay Gangis Veneracion na isang kapita-pitagang warlock na mula sa angkan ng mga Fandrall o white witch. Nakausap na ng crew niya ang apo nitong si Winona kanina. They can start preparing his funeral tomorrow.

Ngumiti si Rum at tuluyan nang isinara ang pinto ng kwartong iyon ni Gangis. Napansin naman kaagad niya ang kwarto na nasa tapat ng kay Gangis na siya na lamang pinaglalagyan ng natitirang kaluluwa ng beast na bibigyan nila ng funeral at tutulungang makatawid sa afterlife na iniwan ni Dr. Mal, ang yumaong may-ari ng funeral home. Ito ang huli sa lahat ng kliyente ng yumaong may-ari.

Rum checked the digital clock placed on the side of the door of that room. Malapit na ang expiration date nito. When souls of the beasts are not given proper funeral, they cannot move on to the afterlife and can be sent to the endless pit of Darkness and not have themselves reborn. They go berserk when their expiration date comes and then by that time they are already called Rogues. Rogues are very vengeful, powerful and dangerous unlike the mortal souls roaming around the surface of the earth. Given that they are beasts which means that they are more than humans, they can inflict harm and could potentially kill anyone even when they are already souls.

Ito ang iniiwasang mangyari ng funeral home na pinapalakad ni Rum at ng mga Charmings. That is how they called themselves and their group. Limang magkakaibigan sila na napiling magpalakad ng funeral home nang mamatay ang nagtayo nito na siyang may-ari rin ng University of Portofino na pinapasukan nila.

Rum quickly scanned his clipboard for the profile of the client inside that room.

Name: Eve
Kind: Primordial Being
Length of Death: 10 years ago

He knew by then that they will be dealing with an extraordinary beast.

Pinihit niya ang seradula ng pinto ng kwartong iyon at pumasok. He needs to talk to the client. Pagpasok niya ay kaagad siyang nagtaka kung bakit may yakap na isa pang kaluluwa ang kliyente niya.

Tulala ang kaluluwa ng dalagang yakap nito habang marahang hinahaplos ni Eve ang umaalon nitong buhok. She was also humming a lullaby while caressing the girl.

Nagulat si Rum. The girl should not be there. Si Eve lang ang nasa listahan niya. He immediately double checked the List of Dead and found that it was really only Eve supposedly.

He suddenly noticed a diary laid atop the bedside table. He walked near it, all aware that the two souls are put under their own trance that is why he was not being regarded. He grabbed the diary and read the name on its book cover.

Coco

He exited the room and secured its locks. He needs to find out more about the other soul.

THE NIGHT AFTER Gangis Veneracion's burial, Rum descended from the stairs of the second floor going to the spacious lobby wherein the other Charmings were gathered, doing their own stuffs.

Nabasa na niya nang buo ang diary ni Coco and he understood what happened.

Nang papanaw na sana si Eve sa   pang-siyam niyang kamatayan ay binulungan siya ng batang si Coco. She granted her wish in exchange of Coco's soul being with her. Hanggang sa lumaki na nga ito sa kwartong iyon paglipas ng mga panahon.

Coco was put under a trance. She was creating her own world and life in her mind and imagination with the help of Eve and her body was still lying comatose in the hospital for ten years now.

This is why Rum had a word with Winona and told her everything he knew about Eve and Coco.

Malapit nang mag-expire ang kaluluwa ni Eve at kailangan na ring magising ni Coco dahil sa oras na maubos na ang panahon ng primordial being nang 'di nabibigyan ng funeral at libing ay tuluyan nang hindi makakabalik si Coco sa katawan niya at magkasama silang maglalaho nito sa Darkness.

"Everyone, listen up," pagtawag ni Rum sa atensyon ng mga kaibigan.

Nahinto sa pagsasayaw ng Yummy sa TikTok si Tutti saka inabot ang kanyang phone na nakapatong sa sofa bago naupo. Si Snow naman na nakaupo sa sahig ay agad na napabaling kay Rum ang atensyon mula sa mga handouts niya sa Zoology na nakalatag sa coffee table. Si Queen din ay nahinto sa paglalagay ng nail polish sa mga kuko niya sa paa at napaangat ng tingin kay Rum.

"Where's Dean?" tanong agad ni Rum sa kanila nang mapansing wala ito roon pagbaba niya.

"Nasa kwarto namin, nagne-Netflix. Kaya nga rito sa sahig nag-aaral si Snow," pagsusumbong ni Tutti sabay turo kay Snow na kaagad namang inilingan ang dalaga.

Mayroong ordinaryong flat screen na naka-mount sa kitchen pero nasa kwarto naman ng mga babae iyong may Netflix at nakaka-konekta sa Internet kaya roon madalas tumatambay si Dean kasama ang itim na aso nitong Labrador na si Hades.

Si Snow naman na may quiz sa Zoology niya bukas ay mas piniling sa lobby mag-aral kasama ang mga babae kaysa maiwan doon kasama ang ex-boyfriend niyang may hinanakit pa rin sa kanya. That would only make her feel uncomfortable and distracted.

"She can study there if she wants, Tutti. No need to make herself look pitiful here," saad naman ni Queen na nagpatuloy sa ginagawa.

Binalingan ni Rum ang nakaupong si Snow sa sahig. Napabuntong-hininga siya. As much as he can, he attends to all their needs to make them feel comfortable at halatang hirap si Snow mag-aral doon.

"Pwede kang mag-aral doon sa opisina ko, Snow. Mukhang nahihirapan ka kasi rito," nakangiting aniya.

Nginitian din siya ni Snow at tinanguan. Kaagad rin itong nagbawi ng tingin sa binata nang mapansin niya ang pagngiwi ni Queen sa harap niya. Kahit na hindi siya tingnan nito ay alam niyang naiinis na naman ang kaibigan sa kanya.

"May app na pala ngayon ang McDonald's! Ma-install nga," pasimple at pagkukunwaring hindi alam ni Tutti habang hawak ang phone niya.

Napatingin naman si Rum sa kanya na tila nabasa na ang tumatakbo sa isipan niya sabay sabing, "You're not getting any McDonald's, Tuttieana."

"Ako naman magbabayad!"

"Kahit na. Gabi na at matutulog na tayo. Sasakit na naman niyan ang tiyan mo kakakain."

Napasimangot si Tutti at sumalampak sa sofa. Mother mode on na naman si Rum kaya wala siyang magagawa.

"Nay, hanap mo 'ko?" Dean immediately asked Rum as he jogged his way down from the stairs.

Tutti chuckled on how Dean addressed Rum. Maging si Snow ay mahinang napabungisngis din. Umangat naman ang isang gilid ng labi ni Queen sa narinig. Despite being a man, Rum serves as the group's inahin. Ito ang laging nag-aalaga at nagpapaalala sa kanila ng mga bagay-bagay.

Tamang-tama at buo na sila. Rum spent the time sharing the information about their next client Eve to the Charmings.

Ibinahagi niya sa mga ito na kailangan nilang mahanap ang remains ni Eve. Remains are very important during funerals. Ito ang magsisilbing ticket ng mga beastly souls sa kabilang buhay. Since beasts are not normal, hindi kaagad mabubulok ang mga bangkay nito kahit gaano na katagal itong namatay. They have to find Lauren Daphne Magsalay's body. Ito kasi ang naging huling human vessel ni Eve bago siya tuluyang bawian ng buhay kaya umaasa sila na ito ang remains na kakailanganin nila.

They tracked the location of Lauren's grave. Nasa isang private cemetery ito malapit sa lugar nila.

Nang mahanap na nila ito ay kaagad na sinabihan ni Rum ang lahat na magligpit na ng mga gamit nila at magpahinga na dahil malalim na ang gabi. Tumango ang lahat at nagligpit na saka nila tinungo nang sabay-sabay ang second floor. Magkahiwalay ang kwarto ng mga babae at lalaki.

"Dean," tawag ni Rum kay Dean na nauuna sa paglalakad papunta sa kwarto nila.

Dean looked over his right shoulder and asked, "Bakit?"

"Samahan mo ako. We will dig Lauren's grave."

"Ngayon na?" gulat na tanong balik ni Dean. Tumango naman si Rum.

"I just want to make sure we're heading to the right path. May hinala akong hindi magiging madali 'to."

"Hindi natin isasama ang mga babae?" Umiling si Rum sa tanong ni Dean.

"Hindi na. Let them have their rest. I shall text Tutti to wait for us whilst she keeps the other girls safe," si Rum.

Tinungo nina Rum at Dean ang sementeryong hinihimlayan ng bangkay ni Lauren Magsalay na siyang huling human vessel ni Eve kaya ang kaluluwa ngayon ng primordial being ay kawangis ng babae. Palihim silang pumasok doon at maingat na hinukay ang libingan nito.

Nagulat sila sa natagpuan. Kalansay na lamang ang naroroon. Hindi basta-bastang nabubulok ang bangkay ng mga beasts lalo na kung hindi pa nakakatawid sa kabilang buhay ang kaluluwa nito. Doon napatunayan ni Rum na tama ang kanyang hinala.

Hindi ito ang hinahanap nila.

They need to find Eve's true form.

"SUMMON YOUR WEAPONS!" galit na sigaw ni Ms. Ferrer nang mapansin niyang walang armas sina Tutti at Dean habang nakikipaglaban sa mga clone niya.

Ms. Ferrer is a beast who can clone herself as many as she wants.

Alas-sais pa lamang ng umaga ay nasa gymnasium na ng UP ang Charmings para sa kanilang sikretong training. Ang anak ni Dr. Mal na siyang humalili sa inang yumao sa pagpapatakbo ng unibersidad na si Dr. David Portofino ang tumutulong sa kanila at nag-utos ng lahat ng ito. Thankfully, all of them already knew how to summon their weapons after weeks and months of training.

Isa-isa lamang ang kaya nilang i-summon na armas maliban na lamang kay Rum. He can summon three different weapons. During their training, Rum's obviously mitigating violence by using only his special lasso instead of his katana and colt. He lassoed one clone and threw it somewhere hard to make sure it vanish immediately.

Pansin din ni Ms. Ferrer na masyadong dumedepende si Snow sa mga palaso niya kaya kahit na asintado nito ang kalaban ay medyo mabagal itong kumilos dahil kumukuha pa ito ng mga pana na nakalagay naman sa bag na nakasabit sa likuran niya.

"Fight, Snow! Do not just depend on your bow and arrow all the time!" she shouted at her.

She also noticed that Queen was improving so much with her speed in throwing daggers alternately that were coming from her right hand and left.

"Ma'am, I like physical combat more!" giit naman ni Dean na sunod-sunod na pinapatamaan ng suntok ang mga clone.

"Use your goddamn weapon! We're here to practice handling your weapons!" sagot naman ni Ms. Ferrer.

Dean tsked but still did what he was told. He summoned his hammer and slammed the clones approaching him.

"Sayang 'yong bala ko, ma'am," Tutti mumbled as she quickly stepped aside before one clone kick her. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya nauubusan ng bala, tinatamad lang siya.

She summoned her shotgun but did not fire it. Hinagis niya iyon nang bahagya sa ere, sinalo ang nguso nito at hinampas nang pagkalakas-lakas ang clone na kalaban niya gamit ang kabilang dulo nito.

The Charmings' Funeral Home crew consists of five members. Rumplestle Sandros is the gorgeous funeral director with British descent. It's much apparent on his imposing features- golden blonde hair with dark blue eyes. Tampulan siya ng pansin at papuri dahil sa pagkakahawig niya sa binatang Leonardo DiCaprio. Anak siya ng governor ng kanilang lugar. He's the most gifted and the kindest in their group.

Alladean Raj is an Indian-Filipino na nagsisilbing chauffeur at taga-buhat ng kabaong. He has beastly strength and the bad boy vibe with his dangling earring on his left ear adding more to his rebellious visage. Gwapo at maskulado kaya agaw-pansin din kahit kanino.

Snowbelle Wade is a sweet province girl and the funeral arranger. May lahing Amerikano ang kanyang ama bagaman namulat sa simpleng buhay sa probinsya. She has extra sharp eyes and her sight could reach far distances.

Quinnellssey Marquesa or simply Queen is UP's Italian Queen Bee. Mayaman at siyang pinakamaganda sa grupo nila maging sa buong unibersidad. She has an autobiographical memory. She was assigned for cosseting and dressing the corpses for funeral.

Tuttieana Darcy Vega, the Chinese doll is the funeral steward. Siya ang assistant ng funeral director. She is a language nerd with skillful hands who grew up in a family of con artists and thieves. She is Rum's stepsister.

Sila ay mga estudyante sa kolehiyo ng University of Portofino na may iba't-ibang kurso at antas. Queen, Snow and Tutti are all third year students of BS Economics, BS Biology and BA Communication respectively. Si Rum naman ay graduating na nag-double major sa BA Philosophy and fourth year sa five-year course na BS Forensic Science samantalang si Dean naman ay fourth year din sa kursong Civil Engineering.

Nababagot na si Tutti sa pakikipaglaro sa mga clones ni Ms. Ferrer. Kada maglalaho ang mga natalo nila ay magpapalabas na naman ng doble pa ang guro. Umisip siya ng paraan para madaling matapos ito.

Napansin niya si Dean sa may bandang gilid niya na ganadong-ganado sa pakikipagbuno. He enjoys physical combat at ayaw na ayaw nitong minamaliit ang mga suntok niya at atake. Manipis lang ang pasensya nito.

Hinampas ni Tutti nang pagkalakas sa sikmura ang sa tingin niya ay huling clone niya gamit ang kabilang dulo ng shotgun niya then she spun around to kick its head, sending it facing the ground unconscious saka ito naglaho. Isinampay ni Tutti ang shotgun sa kanang balikat niya at nagpameywang saka ngumisi dahil sa binabalak niya.

"Dean, ilang oras na tayong nagte-training hindi mo pa rin ubos ang kalaban mo? Stop swerving like a chicken!" pang-iinis niya rito.

"The fuck you mean?" naiinis nitong ganti. Ayaw na ayaw niyang dini-distract sa laban lalo na kung mang-iinis ka lang din naman.

Batid niyang bakante na si Tutti. Ubos na ang mga kalaban nito kaya pangisi-ngisi na lang ito sa pwesto nito. Naunahan na naman siya nito.

Tinadyakan ni Dean ang huling kalaban kaya ito naglaho. Bago pa makalapit ang mga panibagong clone ay mabilis at malakas niyang hinampas ng hammer niya ang sahig ng gymnasium, sending the clones flying away until they disappeared. Maging sina Ms. Ferrer, Snow at Queen ay bahagyang tumilapon din sa lakas niyon. Tutti already anticipated it that is why she jumped high when he slammed his hammer on the ground. Bumaba na siya at lumapit kay Dean saka ito tinapik sa balikat. Her friend's being impulsive again.

"Tutti, 'wag mo na ulit gagawin iyon. Delikado," ani Rum sabay iling. Hindi man lang ito natinag sa posisyon nito kanina. Everyone knows he's the strongest in their group.

Ngumuso si Tutti at tumango na lamang. Nilampasan sila ni Rum upang tulungang tumayo ang mga babae.

"Stronzo! Are you planning to kill us?" inis na tanong ni Queen kay Dean habang inaalalayan siya ni Rum na tumayo.

Sunod na lumapit si Rum kay Snow at tinulungan itong tumayo sabay tanong ng, "Ayos ka lang?"

Snow nodded and smiled. Napasulyap siya sa banda ni Dean na ngayon ay nakatitig na pala sa kanya. Mabilis itong umiwas ng tingin sa kanya.

"That's for today. Class dismissed!" anunsyo ni Ms. Ferrer.

Nagtungo silang lima sa bleachers kung nasaan ang mga gamit nila. Isa-isa silang binigyan ni Rum ng towel pamunas.

"Wow! Nay, handang-handa ka ha," natatawang tukso ni Dean sa kanya. Napailing na lamang si Rum.

He wants to take care of them. Anong mali roon?

Huling pumila at inabutan ni Rum si Tutti dahil sabi ni Dean kanina ay pumila raw sila according sa height nila. Descending order kaya nasa huli siya. Alam niyang gumaganti ito sa kanya.

Inilahad ni Tutti ang palad niya para sa towel pero kaagad na lumapit sa kanya si Rum at ito na mismo ang nagpunas sa mukha niya. Kinailangan pang umuklo nang bahagya ni Rum upang maabot siya dahil sa agwat nila sa tangkad.

"Mabuti na lang hindi nasira ni Dean ang sahig ng gymnasium no?" sabi ni Tutti, nang-aasar. Napabuntong-hininga naman si Rum.

"Please be serious, doll. Do not provoke Dean like that next time. Delikado talaga."

"Okay, mom," she teased and he smiled at that.

"YOU BROUGHT SPARE clothes without telling me?" Queen asked, turning hysterics at the sight of Snow and Tutti who just both came out from the comfort room.

Nagpalit na sila ng damit na baon nila kanina. Snow was sporting a chiffon smocked crop top paired with high waist jeans and white sneakers. Kapansin-pansin ang mamula-mula niyang pisngi dahil sa kanyang kutis na dinagdagan pa ng itim na itim niyang umaalong buhok. Tutti was donning a rosy short sleeve notched collared buttoned shirt na naka-tuck-in sa itim na high-rise jeans niya rin at pinaresan niya ito ng puting sneakers. She tied her long ash blonde dyed hair on a ponytail with a white satin long tail narrow ribbon. This is one of the moments where she wants to style her day the '90s aesthetic way.

"Tinawag ka namin kanina," mahinhing wika ni Snow sabay kagat ng pang-ibabang labi niya, careful not to piss the hell out of Queen.

"Hindi ko nga alam kung hindi mo talaga narinig o nagbingi-nagbingihan ka lang. I was just behind you when I called you," sabat naman ni Tutti na sinusuklay ang bangs niya gamit ang maliit niyang suklay.

Queen groaned but reached for her phone inside her Balenciaga handbag. She called her older sister to deliver some clothes for her. Wala pang ilang minuto ay dumating naman ang inutos niya.

She immediately changed inside the comfort room. When she came out, she was already wearing a black short sleeve crop top with Gucci printed in front of it and a Dolce and Gabbana high-rise ripped jeans and she slipped on her Chanel espadrilles. Tinatangay ng hangin ang mahaba at tuwid niyang brown na buhok.

"Snow, ilatag mo ng red carpet. Make sure the carpet's branded also," Tutti elbowed Snow na nakatulala kay Queen na naglalakad na palapit sa concrete bench na inuupuan nila.

Queen is really beautiful and filthy rich. Lahat ata ng suot nito ay branded kaya pati mga damit ng mga bangkay na binibihisan nito ay mamahalin din. Kung hindi lang sila magkakaibigan ay hindi nila lubos mawari kung bakit nasama sa funeral crew nila ang real-life princess na ito. However, they knew exactly why she agreed on joining the funeral crew. They just found it out lately. It's because of Rum.

"Let's go," tawag ni Rum sa kanila.

Ang mga lalaki naman ay nagbihis lang ng pang-itaas at hinayaan na ang pang-ibaba nilang PE pants.

Dali-dali nilang niligpit ang mga gamit nila. Tutti slung her tote bag on her right shoulder. Ganoon din ang ginawa ni Snow sa kanya sabay yakap sa mga libro niya saka nila tinungo ang opisina ni Dr. David o Yorme kung saan sila magdadaos ng klase sa Fundamental of Funeral Service.

Sa Combative Sports na training nila kay Ms. Ferrer at sa special subject ni Yorme lang sila nagkakatagpo-tagpo dahil iba't iba sila ng kurso at antas.

"Good morning class," bati ng lalaking naka-barong na hanggang beywang lang nila pagpasok sa discussion room ng campus radio station na siya ring opisina nito.

Binati naman nila ito. May kondisyong dwarfism si Yorme but he is very sly and acts as their father figure.

"I've heard you did good with your training this morning that is why I prepared a treat for all of you," anito.

Pumasok ang isang higante tulak-tulak ang isang metal cart na may lamang mga crème brûlée at orange juice. Napayuko pa ito para hindi mabangga sa may pintuan pagpasok.

Ito ang kapatid naman ni Yorme na si Goliath na kabaligtaran niya. Kasalukuyan itong senior sa College of Information Technology na miyembro rin ng school publication nila.

Tinulungan ni Rum si Goliath sa pagbibigay ng mga pagkain at juice sa kanila.

"Ang huling naiwan ni mama na lang ba ang bibigyan niyo ng funeral, Rum?" tanong ni Yorme sa binata nang ilapag nito sa table niya ang meryenda.

Nakaupo sa high stool si Yorme upang maabot ang mesa at makita sila. Magalang namang tumango si Rum sa kanya.

"Opo. Kapag nagawa na namin ang funeral niya ay hahanap naman kami ng panibagong mga kliyente," paliwanag niya bago bumalik sa pagkakaupo sa pwesto niya sa likurang kabisera ng lamesa ng Charmings.

Tutti tasted her crème brûlée and squealed gleefully then she exclaimed in French, "C'est magnifique!"

"Rum, gawa ka rin minsan kasi ang sarap nito!" natutuwa niyang sabi.

Rum stared at her smilingly. Mahal na mahal talaga ni Tutti ang pagkain. Dean chuckled suddenly.

"Pakainin mo kasi palagi para hindi ka layasan, kuya," he whispered teasingly.

Napabaling naman si Rum sa kanya. Dean was referring about what happened four months ago when Tutti ran away from home after the news of her mother trying to end the governor's life who is Rum's father broke out.

Nagkatitigan sina Rum and Dean. The latter was smirking kaya napailing na lang si Rum at nagpatuloy sa pagkain.

"We'll not have our class today. Tell me about your last client. Who is she?" Yorme inquired.

"She's Eve, the primordial being," Rum answered.

"Adam's wife?" paninigurado ni Yorme.

"Opo."

"Did you find her remains?"

"That is actually the problem," singit ni Dean sa usapan.

"Hinukay po namin ang bangkay ni Lauren Daphne Magsalay na naging human vessel niya bago siya tuluyang namatay. Kalansay na lang po ito ngayon," paliwanag ni Rum.

"What? You dug her grave without telling us?" Queen butted in, acting like she was always uninformed.

"Gabi na n'on, Queen. I bet you wouldn't also want to lay your hands on the job so we did it," banat naman ni Dean na nagsimula nang mainis.

"That's enough," wika ni Rum sabay hilot ng sentido niya.

"Gusto ko lang makasiguro sa hinala ko na hindi nga ang bangkay ni Lauren Magsalay ang kailangan natin bilang remains ni Eve," dagdag pa ni Rum.

"What are your findings?" si Yorme.

"We still have none so far but we shall start searching after our classes."

Tumango naman si Yorme sa sinabi ni Rum at ibinigay na nang tuluyan ang oras sa Charmings para magplano.

"Goliath, pahiram ako ng computer saglit ha, may hahanapin lang kami," paalam ni Tutti na kaagad namang pinayagan ng may-ari.

Naupo si Tutti sa harap ng computer at nagsimulang kalikutin iyon. Sina Queen ay hawak ang phone. Si Dean nakasubsob ang mukha sa lamesa, natutulog. Si Snow naman ay matiyagang nakatayo sa kaliwa ni Tutti dala-dala ang notebook niya upang magtala ng mga detalye. Si Rum nakatayo sa kanan, giving Tutti instructions on what to do.

"Saan tayo magsisimula?" she asked.

"Look for unusual corpses near the area of Eve's accident," Rum suggested.

Kumunot naman ang noo ni Tutti.

"Shouldn't we start from the very beginning to trace everything?"

"You're seriously arguing with him, Tutti? He's the genius here. You're no match," komento naman ni Queen na nasa kanila na ang atensyon.

Napangiwi naman si Tutti at hindi na lang pinansin ang masungit na kaibigan.

"I've studied Eve's pro-fye-ul. She had long bean livin' in Europe since run-nay-seance period and getting along with un-awaer yooman bee-ins. Then, in Massachusetts, hir comes the Salem Witch Trial which they said to mih-ra yooman's jooty to eliminate for-ses of ev-"

"Lintek na British accent 'yan, Rum! Dumudugo ilong ko," reklamo ni Dean na inangat ang tingin mula sa pagkakasubsob.

Napahagikhik si Tutti sa accent ni Rum. She likes learning other languages. Gusto niya sanang ipagpatuloy ni Rum ang pagsasalita gamit ang Queen's English pero mukhang si Snow na nakatayo sa tabi niya at nagtatala ay nahihirapan.

Napatikhim si Rum at nagpatuloy na.

"Unang nanirahan si Eve sa Europa hanggang sa lumipat siya sa Amerika, specifically sa Massachusetts kung saan nangyari ang Salem Witch Trial mula February 1692 hanggang May 1693. Nineteen people were hanged, some died in prison, and one was tortured to death and that was Eve."

"Anong nangyari sa kanya pagkatapos? Di ba sabi mo, Rum siyam ang buhay niya?" tanong ni Snow.

"Yes, she has nine lives but her profile is only limited to that information and to her recent death. Her ninth death was probably that with Lauren as her human vessel."

"So, kailangan nating hanapin ang totoong katawan ni Eve para sa remains niya?" Tutti asked and Rum nodded.

"Bakit dito sa lugar kung saan namatay si Eve natin hinahanap ang remains niya kung matagal na pala siyang patay sa totoong katawan niya? Nasabi mo kanina 1690s tapos sa Amerika pa. Hindi kaya nandoon pa 'yon?" nagugulumihang tanong ni Snow.

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nakarating dito sa Pilipinas si Eve?" Rum asked and they went silent.

"Souls are linked to their bodies or remains that is why they go or stay to places where they are," Queen mumbled.

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang may mapagtanto. Eve's body is nearby! They have to find it.

"Pei! Ang weak!" bulalas ni Tutti sabay tawa kaya napalingon silang lahat sa kanya.

Nalingat lang sila sandali ay naglalaro na pala ito Mobile Legends sa cellphone niya.

"Tutti," tawag ni Rum sa kanya.

"Ay, sorry! Sorry!"

Mabilis niyang isinilid sa bulsa ng pantalon ang phone at itinuon na ang atensyon sa monitor.

Tutti's fingers moved quickly to type something on the search bar. Seconds later, articles about unusual corpses found in their place flashed on the screen.

Pinindot ni Tutti ang images at ini-scroll iyon to look further para makita ni Rum.

"Stop," he instructed.

Tutti clicked on the image of a naked woman with long black hair and clouded eyes wide opened. Pinindot niya rin ang article. It stated there that the woman was mysteriously found ten years ago floating in one of the lakes in this place at nagpalipat-lipat na rin ng himlayan. It never decomposed nor shown signs of decomposition. Para itong buhay pa rin pero hindi na humihinga at tumitibok ang puso.

They read the article further but stopped when they found out that it is not available for access by anyone. Parang ang nag-iisang imahe lang na iyon at kakaonting caption ang nakalagay.

Mabilis na nagtipa si Tutti to unblock the server. She was then granted the access to the article so they read more. She has a flair for technology.

Napag-alaman nilang kaya nagpalipat-lipat ang bangkay na iyon ay dahil may laging nangyayari na hindi maganda sa mga kumukuha nito. It's like the body does not want to be kept in one place. Ang huling mausoleum na nagbabantay dito ay pinasok umano ng mga magnanakaw at pinatay lahat ng naroroon na bantay.

"Track its current location," Rum ordered and Tutti did as she was told.

"Nasa Vicente de Salazar University. Malapit lang dito," ani Tutti.

"Let's go," aya ni Dean na tumayo agad sa upuan niya.

"May klase pa ako sa Filmmaking. Gagawa pa kami ng critique para sa long quiz namin," Tutti told him, apparently not wanting to miss one of her major classes.

"Mayroon din kaming moving exam sa Chemistry," sabi naman ni Snow na nakayuko.

"I'll go," ani Queen saka tumayo.

"No, may pasok ka pa. We'll do this later. Magkita tayo sa parking lot by 1 pm after class," sabi naman ni Rum na nagpasimangot tuloy kay Queen. Ayaw niyang pumasok.

Kanya-kanya na silang nagsitungo sa mga klase nila. Nagkasabay sina Tutti at Snow dahil nasa Arts and Sciences Building ang parehong klase nila. Si Rum at Dean walang schedule ng klase sa araw na ito maliban sa dalawang naunang special classes nila. Nagpaalam si Dean na mag-gy-gym muna samantalang si Rum naman ay sa library na lang daw mag-aantay sa kanila pero bago iyon ay hinatid niya muna si Queen sa klase nito upang masigurong papasok talaga ito. Queen, Rum and Dean have been friends and inseparable since they were six, seven and eight years old respectively. Silang tatlo ang naging unang magkakaibigan bago dumating sina Snow at Tutti.

NANG MAG-ALA UNA na ay nagkita-kita na silang lima sa parking lot ng university. Si Dean ay nasa loob na ng driver seat ng kanyang Jeepney Wrangler nang pumasok sina Snow, Queen at Rum.

"Kutong-lupa, bilisan mo!" inip na tawag ni Dean kay Tutti sabay busina rito.

Na-stuck na naman kasi ito sa nakahilerang stall ng mga pagkain sa Katipunan Road na nasa harap ng malawak nilang field at park.

Dali-daling tumakbo si Tutti papunta sa Jeepney Wrangler nito habang hawak-hawak sa magkabilaang kamay ang stick ng fishball at shake. May subo-subo pa siya. Napapahinto pa siya dahil nalalaglag na ang tote bag niya sa balikat niya. Mabilis na bumaba si Rum ng sasakyan at tinulungan ito. Hinawakan niya muna saglit ang shake ni Tutti saka niya kinuha ang tote bag nito na nalaglag na sa siko nito. Isinukbit iyon ni Rum sa balikat niya saka naman inabot ni Tutti ang shake niya pabalik. Sabay na silang naglakad papunta sa sasakyan.

Sa front seat nakaupo si Rum samantalang nasa magkabilang gilid naman sina Snow at Tutti sa backseat at napapagitnaan si Queen.

"Para kang may driver ha," pambungad ni Dean kay Tutti.

"Kung makapagreklamo ka naman parang hindi kita binabayaran nang maayos," sagot naman nito.

Mabilis siyang nilingon ni Dean sa pwesto niya sa likod at tinapunan nang nakamamatay na tingin.

"Char," Tutti laughed and took a bite of her fishball.

"Tama na, pwede? Para kayong mga bata," pigil ni Rum sa kanila.

"Itong kutong-lupa kasi na 'to ang sarap tirisin," bulong ni Dean habang minamaniobra na ang manibela.

Dean drove until they reached the Vicente de Salazar University. Kasalukuyang naririto iyong kakaibang bangkay na hinihinala nilang remains ni Eve. Tutti told them that she searched further and discovered that it will be used by paramedical students as a cadaver.

"Alam niyo, kinakabahan ako," biglaang sabi ni Snow.

"Why?" Queen inquired.

"Kasi 'di ba lahat ng kumukuha sa bangkay namatay? Sa tingin ko kasi hindi lang nagkataon lahat ng iyon," paliwanag niya.

"Probably, lalo na at niisa ay walang nakaligtas. Walang witness na makapagsasabi ng totoo," pagsang-ayon ni Rum.

"We shall find out everything. Kung tama ang hinala natin ay dadalhin natin ang remains ni Eve sa funeral home," he instructed everyone.

Tumango sila at nagsilabasan na ng sasakyan. Minabuti nilang iwan na lamang sa loob ang mga gamit nila upang walang sagabal.

"Mahihirapan ba tayong pumasok?" tanong ni Dean sa kanila.

"I've searched about this university before coming here. May gaganaping seminar about responsible citizen journalism by 3 pm at open 'yon sa ibang schools. Iyon ang gagawin nating rason para makapasok," Tutti replied.

"Ilabas niyong mga ID niyo. Iiwan natin 'to sa guard sa gate," sabi ni Rum na maagap naman nilang sinunod lahat.

Tinungo na nila ang gate at iyong napag-usapan nila ang ginawa nilang rason sabay iwan ng mga ID nila sa guard na nakabantay.

Nang makapasok na sila ay kaagad nilang hinanap ang Anatomy Lab ng unibersidad. Snow made use of her ability to find its location. Nakita niya ang university map sa labas ng library. She read it without coming close to it.

"Nasa building na 'yon ang anatomy lab nila. Sa ground floor," aniya sabay turo sa malaking building sa kanan.

Kaagad nilang pinuntahan iyon subalit nabigo silang makapasok agad. May elevator iyon pababa sa basement. No stairs, just an elevator. Talagang nakatago at ma-aaccess lamang iyon sa pamamagitan ng pagswipe ng ID ng mga professors at custodians.

"What's the plan now?" Queen asked.

"We need to have access to this lift. I'll handle this," ani Rum.

Umalis si Rum doon sa harap ng elevator at binalikan ang front desk kung saan naroroon ang isang babaeng custodian.

"Excuse me, madame," he called the custodian courteously.

Humarap ang dalagang custodian sa kanya na halatang student assistant at saglit na napatulala sa hitsura niya.

"Can I ask you a favor?" he asked while giving the custodian his charming smile.

"A-ano po iyon?" the custodian stuttered.

"Okay lang ba sa'yong lumapit saglit. Nahihiya kasi ako kaya ibubulong ko na lang," he replied, still not removing his smile. Ipinatong niya ang mga braso sa countertop.

Walang pagdadalawang-isip namang lumapit ang custodian sa kanya, mangha pa ring sa gwapong nilalang na nasa harap nito na tila doppelganger ng binatang Leonardo DiCaprio.

Lumapit si Rum sa custodian upang bumulong. Ang hindi napaghandaan ng custodian ay ang panghihipnotismo nito sa kanya. Rum whispered that he wants her to give him her ID and not tell anyone about this until he comes back. Para namang robot na tumango ang custodian sabay abot niya ng sariling ID sa binata.

"Thank you," Rum smiled and slightly bowed his head as a form of gratitude.

Bumalik kaagad si Rum sa Charmings pagkakuha niya ng ID ng custodian. Dean chuckled when he noticed how Rum got the ID so easily.

"Tanginang hypnotism na 'yan."

Rum swiped the ID on the machine placed on the elevator side. Bumukas ang pinto niyon at kaagad silang pumasok.

"Someone should stay on lookout. Baka may bumaba at mahuli tayo lahat. Dean and Queen, ayos lang ba sa inyong maiwan?" Rum asked.

"That's a better idea. Just give us a call if you need anything," sagot ni Queen.

Dean groaned but obliged still. Naiwan silang dalawa ni Queen sa taas upang magbantay. Pinindot na ni Rum ang button pababa ng basement kung nasaan ang Anatomy Lab.

Rum took his phone out from his pants' pocket and stared at the photo of the anonymous corpse. Maging si Snow ay napasilip na rin doon. Tutti was trying her best to take a look at the photo also but her height disadvantage was depriving her the access. Hinawakan ni Tutti si Rum sa palapulsahan at pasimpleng ibinaba iyon upang makita niya ang larawan. Rum, noticing her having a hard time peeking, lowered his phone down to let her see it.

Nang nasa basement na sila ay bumukas na ang pinto at hindi nila maiwasang magulat dahil nakapatay lahat ng ilaw doon kaya sobrang dilim pero kapansin-pansin ang usok na tila ba nanggagaling sa kung saang may sunog.

Rum took his phone back inside his pocket and stepped out of the elevator first. Sumunod naman sa kanya si Tutti saka si Snow. He reminded the girls to be alert.

Mula sa kabilang dulo ng usok ay bigla silang nakarinig ng tunog ng maliit na bell.

"What's that?" bulong ni Tutti.

"This is not a simple Anatomy Lab. This is also an autopsy room for licensed coroners," said Rum as he observed the surroundings of that place.

Mas lumakas ang tunog ng bell na animo ay papalapit na ang kung sinumang may hawak nito. Napakapit si Snow kay Tutti. Nakakaramdam na kasi siya ng takot.

"Ano 'yon?" Snow whispered as her hands started shaking. Tutti can feel that.

"Coroners or medical doctors who performed autopsies before tied bells on the corpses' body to ensure that they are not just comatose but really dead," explained Rum.

Namutla si Snow sa narinig. Pang-ilang kliyente na nila si Eve pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa harap ng ganitong mga nakakatakot na sitwasyon.

From the thick smoke heaved in sight a man with body entirely burned. Wala itong saplot sa katawan kaya kitang-kita na sunog na sunog ang buong balat nito mula ulo hanggang paa. May benda pang nakatakip sa mga mata nito. Kapansin-pansin din ang maliit na kampanang nakatali sa hinlalaki nito sa paa na siyang tumutunog habang papalapit ito sa kanila.

"Isa 'yang bangkay...na nabuhay," bulong ni Rum.

Snow closed her eyes and trembled in fear when the corpse let out a deafening and inhuman growl.

Sunod na umalingawngaw sa paligid ay ang putok ng shotgun ni Tutti na inasinta sa gitna ng noo ang naglalakad na bangkay na mabilis na bumulagta sa sahig.

"Paano naging walking dead 'yan?" she asked as she rested her shotgun on her right shoulder and her left hand on her waist.

Napadilat naman si Snow at agarang bumungad sa kanya ang nakabulagta ng bangkay sa sahig.

"It's probably because of Eve's remains," Rum responded, voice laced with seriousness.

"Rum, beast ba 'to?" tanong ni Snow, nag-aalala sa maaaring kahihinatnan ng kaluluwa nito.

Umiling naman si Rum. "He's mortal at wala na rin ang kaluluwa niya rito. Matagal nang nakatawid sa kabilang buhay. I can feel that someone is controlling it."

Tumango si Snow at napalunok. Nagdesisyon silang magpatuloy na sa paghahanap ng bangkay ni Eve. Nang malagpasan na nila ang bangkay ay bigla na lamang silang napahinto dahil sa narinig na pagkakabali ng mga buto.

Paglingon nila ay naabutan nilang pilit na bumabangon ang bangkay at nagmistulang contortionist dahil sa ginagawa. It's his bones that they heard cracking.

"Anong bala ang ginamit mo, Tutti?" tanong ni Rum, nagtataka kung bakit tumatayo pa ang bangkay.

"Ammunition for harming."

Nagkatinginan sina Rum at Tutti. Tumango ang binata na animo ay binibigyan niya ng permisyon ang dalaga na gamitin ang ammo for destroying.

"Guys!" natatarantang sigaw ni Snow habang paulit-ulit na tinatapik ang balikat ni Rum.

Mabilis na sumugod sa kanila ang bangkay sabay sigaw nito nang nakakabingi. Mas bumilis pa ito kaysa kanina. Rum summoned his lasso,  hurled it around the corpse, tightened its loop and threw it hard on the wall.

"Tutti, patamaan mo sa puso. It's their weakest point," Rum instructed her.

Tutti quickly pushed the button for the destroying ammo, cocked her shotgun and shot the corpse, hitting it straight to its heart. The corpse then slowly dissolved into dust.

Nagpatuloy na silang tatlo sa paghahanap hanggang sa mapansin nila ang isang pintong nakasara. Sinilip ni Rum ang loob niyon sa pamamagitan ng parisukat na glass window sa taas nito. He saw Eve's remains lying atop the metallic table there with an old man whom he assumed was a professor and another man just younger his age.

Pansin niyang nahihirapan ang matanda na para bang hindi makahinga. Bruises were starting to appear on his body and his eyes were beginning to lose its color and turned hazy. The younger man was crying at the scene, begging.

Tutti shot the doorknob instantaneously the moment Rum stepped aside. They hovered inside.

"Anong nangyayari?" tanong niya sa lalaking nakaluhod sa sahig at umiiyak.

"I-I don't...know... Basta na lang nagkaganyan si prof. Please, help me," he begged once again.

"Tell me everything," Rum said and the man just cried harder.

"T-that corpse...buhay siya! Her brain cells are still active! Buhay siya and she's killing professor now!" he wailed.

Lumapit si Rum sa table na may microscope nang mapansin ang mga bagay na nakalatag doon.

"Should I shot this corpse now?" bagot na tanong ni Tutti.

"No!" sigaw ni Rum nang balingan sila saglit bago nito binalik ang atensyon sa mga ebidensya.

"Rum, nadami na sugat ng propesor," nag-aalalang untag ni Snow.

She kneeled to attend to the pained professor. Pinahiga niya ito sa sahig at inangat ang kaliwang kamay nito. She's hoping that this will keep him conscious for awhile.

Mabilis na sinuyod ni Rum ang mga naroroon sa lamesa. The piece of cloth with a verse and chapter of Leviticus was pointing out about the condemnation of witches and the use of witchcraft. The other piece of cloth were inscribed with symbols for witchcraft and MDCXCII- 1692

The Salem Witch Trial.

Right.

It's really what they're looking for. It's Eve's remains!

"The corpse is...healing," 'di makapaniwalang bulong ni Tutti.

Rum stared in awe at the active brain cells through the microscope. Pinagtagpi-tagpi niya ang lahat.

The remains was initially from Salem, Massachusetts where Eve first died and when her soul first left her body to look for human vessels throughout the years. The article mentioned about the mysterious corpse floating in one of the lakes in the place where Eve last died. The unexplained murders of the people who will get a hold of the corpse. It does not stays in one place. It was looking for its soul. It was looking for Eve. Eve who also made the young Coco her company was longing for her body. Kaya ngayon ay hindi parin niya pinapakawalan ang kaluluwa ni Coco dahil malungkot siya. Ayaw niyang mag-isa. Kaya hindi pa rin siya makatawid sa kabilang buhay dahil hinihintay niya ito. They are not just body and soul. They are twins alike who should not be separated from one another because they will always yearn for each other until they are complete.

When it lost Eve, it also lost its soul. The element the keeps the humanity within it. Kaya basta-basta na lang itong pumapatay nang walang pinipili.

Kaagad na lumapit si Rum sa bangkay. He stared down at the corpse intently.

"I have your other half with me. I have Eve. Stop all of these, come with us and we shall take you to her." Rum stated, determined to take the corpse back to its home, back to Eve.

Ilang segundo pa ay mabilis na naghilom ang mga sugat ng matanda. Umubo ito at pilit na idinidilat ang mga mata. Snow immediately checked his pulse. It's getting stable. Nakahinga siya nang maluwang dahil doon. Napabuntong-hininga rin si Rum. He softly looked at Tutti.

"Please dial Dean and tell him to come here, doll," aniyang tinanguan naman ni Tutti saka maagap na tinawagan si Dean.

Dean and Queen made their way to the basement. Rum covered Eve's remains with a linen and asked Dean to carry it out of there. The old professor and his apprentice swore that they will not tell anyone about it and even help them bring the remains out of the university unnoticed. However, Rum wanted to make it sure so he hypnotized both men to forget about the horrifying scene they were caught on after everything was done and after they secured the remains inside the Jeepney Wrangler. Their business is only exclusive for beasts and should not therefore be disclosed to any mortals as much as possible.

Nagsiksikan ang apat na Charmings sa backseat dahil sa front seat nila pinaupo ang remains ni Eve habang si Dean ang nagda-drive pauwi ng Overlook o ng kanilang funeral home.

Later that night, Rum cleaned the corpse rather than embalming it. Queen dressed it nicely with an Alexander McQueen white maxi dress and made sure to apply cosmetics that would bring out Eve's natural beauty. Snow arranged the Gold Room where the funeral will be held. She picked the flowers from the garden at the backyard best suited for Eve. Dean carried the casket embellished with gold carvings to the Gold Room. Tutti prepared the necessary papers for the funeral.

"EVERYONE, YOU SHALL SEE this," tawag ni Rum sa mga kaibigan mula sa second floor.

They all rushed to the third floor wherein souls of their beastly clients are staying. Sarado at bakante na lahat maliban sa kay Eve. After this, they have to search for new clients.

Naabutan nilang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Eve. They hovered to the front door and watched as the scene unfolds right before their eyes.

Nakatayo sina Coco at Eve sa loob. Unshed tears glimmered on Eve's eyes as she bid farewell to her companion. She cupped Coco's right cheek and smiled.

"Live, Coco. You'll find happiness even without magic and mystery. You'll be happy even with the simplest things. I'm sorry for everything..." lumuluhang wika ng nagsilbing ina ni Coco sa loob ng maraming taon.

Hinawakan ni Eve ang kamay ni Coco na ngayon ay lumuluha na rin kahit pa nakatulala parin ito sa kawalan. Hindi man magawang makapagsalita ni Coco ay alam ni Eve na sa pagkakataong iyon ay tunay nang pinapalaya ng dalaga ang sarili mula sa kanya at sa mundong binuo nito sa kanyang isipan.

Eve kissed Coco's forehead, expressing her final goodbye to the person who served as her companion and daughter. Muling ngumiti si Eve at binitiwan na ang kamay ni Coco. Eve made Coco's soul teleport to where she should rightfully be right now. Nang maglaho ang kaluluwa ni Coco ay binalingan niya ang Charmings na nagsiksikan sa hamba ng pintuan.

She smiled and uttered her sincerest gratitude, "Thank you so much."

Nakangiting tumango ang Charmings at isinara na muna ang pinto ni Eve upang mabigyan ito ng panahong makapagpahinga.

The Charmings descended from the third floor to the lobby and they laughingly raced to the Simulation Room. It is a special room found in their funeral home where magic happens as how Snow puts it. May bibisitahin sila.

Naghintay silang bumukas ang pinto nito at nang bumukas iyon ay kaagad silang pumasok sa loob. They stepped inside and came out inside a familiar hospital.

Rum guided them going to Coco's room. Mula sa glass window ng kwarto nito ay nakita nila ang nakahilatang katawan ni Coco na wala paring malay. Naka-dikit parin sa kanya ang mga tubo na nagsisilbing life support niya. She's been in comatose for many years now. Her Tita Caroline insisted on not removing her life support dahil umaasa itong magigising pa si Coco.

Nakatayo naman sa gilid niya ang kanyang kaluluwa, nakatitig sa katawan nito na tila ba pinag-aaralan ito. When the soul glanced at the glass mirror, Rum smiled at her, encouraging her to go get inside her body. Tiningnan ulit ng kaluluwa ni Coco ang katawan niya at maya-maya pa ay nahiga na ito papasok roon.

They witnessed how Coco's index finger twitched and seconds later, she slowly opened her eyes. Ang Tita Caroline niya na naglalagay ng mga bagong bulaklak sa vase ay nabitawan iyon nang masaksihan ang tila isang himala. Her eyes glistened with tears and she immediately called for a nurse outside saka siya bumalik sa tabi ng pamangkin at mahigpit na hinawakan ang kamay nito, iyak nang iyak.

Coco weakly turned to her and held also on her aunt's hand as tears slowly streamed down from her eyes.

Napabaling si Tutti sa katabi niyang tumataas-baba ang balikat at nakayuko ang ulo, humihikbi.

"Oh, Snow," nakangiting bulong niya at sinubukang tumingkayad upang yakapin ito sa balikat.

She knew that the scenario touched a string on her friend. Napangiti si Rum habang nakatingin sa kanila. He stretched his arms para akbayan si Tutti sa kaliwa niya at si Queen sa kanan naman niya na titig na titig sa harapan. Dean also positioned his arm around Queen's shoulders.

From that, they knew inside their hearts that they did well for this funeral.

The next day, they ushered Eve and her body to the basement where Charon, the ferryman of the Underworld, was waiting to take them to the afterlife to be reborn. Hindi nila nilibing ang katawan ni Eve kagaya nang nakagawian. Isinama nila ito sa kaluluwa ni Eve sakay sa bangka ni Charon dahil ang dalawa ay buo na sa wakas sa piling ng isa't-isa.

illinoisdewriter

A/N:

After Mystic Club, I will pour all my attention in writing Beast Charmings. I hope you could visit it on my profile and read this tale about five gifted college students with complicated love, friendship and stories as they embark on a journey of discovering the meaning and unraveling the secrets of life and death. Who would have thought that one could learn so much from this bizarre and not-so-ordinary business? :)

I will serve the Epilogue on the next update. May tatapusin lang akong school work and I will draft it na. Next time na rin ako iiyak sa pasasalamat kapag na-post ko na ang epilogue.

Anyways, the idea for this scene was taken from the movie Autopsy of Jane Doe. You should watch it. It's really nice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top