The Guardian Angel
This is the special chapter that I have promised and everything in here will be told in Tobbie's point of view. He might be big but he is certainly full of love. Meet my favorite character and my best boy, Tobbias Gilby Araneta. Thank you for patiently waiting. You are all the best. ♥
The Guardian Angel
I cannot tell my childhood without including Coco. Fetus pa lang ata kami ay magkaibigan na kami ni Buko. Best friends ang mga nanay namin at nakatira pa sa parehong subdivision kaya pagkapanganak sa amin ay halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa.
We grew up watching and loving Supernatural TV Series. Kapag ka nakatapos kami ng isang episode sa bahay namin o sa kanila ay sinusulat namin iyong mga creatures tapos nilalagyan namin ng kahinaan nila at kung paano namin sila pupuksain. Sobrang bata pa namin noon kaya mali-mali pa ang spelling namin. Hindi rin kasi namin alam noon na pwede palang manood nang may subtitle. Basta kapag ka oras na, ililipat na agad namin sa Studio 23 iyong channel. Kapag ka may hindi naman ako makuha dahil nahihirapan akong intindihin ang mga sinasabi nila sa bilis ay pinagpapaliwanag ko si Buko.
Nagtatakang napatingin ako kay Buko nang bumungisngis siya.
"Bakit?"
"Mali naman spelling mo ng siren, Tobs, e."
"Ha?"
Inangat ko iyong notebook ko at tiningnan ang sinulat ko.
Sayren.
"Ha? Ayos naman, ah!" giit ko kay Buko.
"S-i-r-e-n hindi s-a-y-r-e-n," pagtatama niya.
"Sus, pareho lang ang basa no'n!" sagot kong ikinahagikhik naman niya.
Pinagmasdan ko siya nang mas matagal habang ginagawa niya iyon. Hindi ko alam pero lagi akong napapangiti sa tuwing nakikita ko siyang masaya.
"Tuloy natin iyong club natin paglaki natin, Tobs, ha. Magagamit natin 'tong mga sinulat natin pagdating ng panahon," paalala niyang nakangiti.
We love the series so much that we dream of creating our own team of supernatural detectives in the future. I even imagine that we are the Winchester Bros sometimes, partner in crime and the tandem of mystery. Umaayaw naman si Buko kasi babae raw siya. Sabi ko nga si Eve na lang siya kaso ayaw niya rin kasi sabi niya bad daw si Eve. Basta pinilit kong ako si Dean Winchester kasi naniniwala talaga akong magkasing-gwapo kami.
"Ano namang pangalan ng club natin?" tanong ko sa kanya.
Napanguso naman si Buko at tumingala bahagya, nag-iisip.
"Mystic Club. Iyon nga! Mystic Club! Tunog pa lang kakaiba na. Bagay sa gagawin nating kakaiba rin!"
Tumango naman ako, parehong natutuwa at namamangha sa buhay at saya na nasisilayan ko sa berde niyang mga mata.
Mystic Club it is.
"Tobs, ano bang tinitingnan mo r'yan?" tanong ni Buko habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.
Chinecheck ko kasi iyong lunch box niya na nasa kanang balikat ko nakasukbit ang sling. Nasa kaliwa naman iyong akin.
Makakalimutin kasi si Buko. Si Tita Charlotte naman laging busy sa trabaho niya dahil ito na lang ang mag-isang nagtataguyod sa kanya. Kaya nga madalas naiiwan sa amin si Buko.
Napabuntong-hininga naman ako nang makitang kompleto nga ang mga kubyertos niya. Ito kasi madalas ang makalimutan niya. Minsan nga lunch box lang iyong dala niya at kubyertos at nalimutan iyong baon niya. Ganoon talaga siya minsan. Kung hindi siya lutang ay tulala naman siya at tahimik. Every time that happens, I always call her name. She seemed to snap back to the present and then she would smile at me.
I didn't know before that was actually a sign of something...
Something that they say she inherited from her father.
Hindi ko naman kilala ang tatay niya kaya hindi ko alam at maintindihan kung ano ang ibig nilang sabihin.
"Wala. Tinitingnan ko lang kung masarap ba iyong ulam mo mamaya," kaila ko.
She smiled and giggled. "Ikaw talaga, Tobs. Pagkain na lang laging iniisip mo. Sige ka, madadagdagan na naman niyan ang fats mo."
Sa tuwing matatapos din ang klase namin ay lagi kaming dumadaan ni Coco sa bakery malapit sa elementary school namin. Paborito kasi namin ang coco bread. Ang totoo niyan ay paborito ko naman lahat ng pagkain kaso kapag ka nakikita kong natutuwa si Buko sa tuwing nagmemeryenda kami no'n ay pakiramdam ko busog na ako.
"Hala! Kulang tayo ng limang piso, Buko!" sabi ko sa kanya matapos bilangin ang barya namin.
"Huwag na lang tayong bumili ngayon, Tobs. May bukas pa naman, e."
"Oh, sige na, ililibre ko na lang iyong isa pero pakurot muna ako ng pisngi mo, Tobbias," ani Ate Minda na siyang nagbabantay doon.
"Sige po. Para sa coco bread!" At kay Buko.
Nagtawanan silang dalawa. Sabi ni Ate Minda ay nanggigigil daw siya sa pisngi ko kasi mataba raw. Wala namang kaso sa akin iyon basta ba laging may libreng coco bread na kapalit.
"Alam mo, Tobs, nakita ko si Elyse," biglaang sabi ni Buko habang naglalakad kami pauwi.
Natigil ako sa pagkain ng coco bread at kinunutan siya ng noo. "Sinong Elyse?"
"Iyong kaklase nating namatay noong isang buwan?"
Napakurap ako sa sagot niya.
Saan niya nakuha iyon?
Wala kaming kaklase namatay.
At higit sa lahat, wala kaming kaklaseng Elyse ang pangalan.
"Wala tayong kaklaseng Elyse..." tugon ko sa maliit na boses.
"Ha?"
Kumunot ang noo niya tapos nagbaba siya ng tingin. Ayoko siyang nakikitang ganito. Ayoko siyang nakikita na para bang hindi siya sigurado sa sarili niya.
"Buko, alam mo, gutom lang 'yan. Kain ulit tayo pagdating natin sa bahay," pagpapagaan ko sa usapan.
Kinagabihan, ikinuwento ko kay mama iyong napansin ko kay Coco. Bigla namang nag-alala si mama kaya kaagad niyang tinawagan si Tita Charlotte.
Hindi ko talaga maintindihan ang lahat ng mga oras na iyon. Siguro tama nga si mama na masyado pa akong bata para sa ganoon. Pero sabi ko sa sarili ko na kung anuman ang problema ni Coco ay gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya. Ayoko talagang nakikita siyang malungkot kasi nalulungkot din ako.
Kaso biglang nagulo ang buhay ni Coco nang magpakilala ang tatay niya. Naaksidente pa sila tapos... namatay si Tita Charlotte.
Lagi akong bumibisita sa kanya sa ospital. Iyak siya nang iyak lagi roon. Naiiyak ako para sa kanya pero tinapangan ko ang sarili ko kasi kailangan niya ng kaibigan. She needs a strong friend.
Nadagdagan pa iyong nangyari sa buhay niya nang barilin ng tatay niya ang sarili nito sa mismong harapan niya...
Hindi ko lubos maisip na kinaya lahat ni Coco ang mga pagsubok na iyon. Lagi pa siyang binubully sa school at tinatawag na anak ng baliw at tinutuksong nagagaya na siya rito. Hindi ako masamang bata kaso lagi akong narereport dahil sa pakikipagsuntukan ko roon sa mga bully ni Coco. Alam kong masama iyong ginawa ko pero hindi ko lang kasi maatim na manood lang habang pinagpipiyestahan nila ang sitwasyon ng matalik kong kaibigan. Hindi naman nila alam ang buong kwento, ah, pero bakit kung makapanghusga sila ay akala mo kilalang-kilala na nila si Coco kaya alam na nila ang mangyayari pa sa kanya.
One thing I have learned about life was that we should never ever invalidate other people's pain and struggle just because we had it worse or we are simply too privileged not to experience them at all.
Naabutan ko si Coco na umiiyak sa likod ng canteen. Iniwan ko siya sa upuan namin kanina kasi bibili ako ng banana que para sa aming dalawa kaso pagdating ko wala na siya roon. Mabuti na lang at tinuro sa akin ng janitress ng school namin kung nasaan siya.
"Buko, gutom lang 'yan. Kain na lang tayo?" saad ko sabay lahad ng isang banana que sa kanya at ngiti. 'Di bale nang makita niya ang bungal kong ngipin dahil sa nakasuntukan ko naman kanina.
Nakatayo ako sa gilid niya samantalang nakaupo naman siya kaya tiningala niya ako. Nahahabag ako habang nakikita ang mga luha niya saka yakap-yakap niya pa nang mahigpit iyong bag niya.
Naupo ako sa tabi niya at pinahawak sa kanya ang banana que. Eating makes me happy so I thought that would make her happy too. Pero kung may ibang paraan pa para makita ko siyang masaya ulit ay gagawin ko.
"Alam mo bang may kasabihan na 'a way to Coco's heart is food'? Sasabihin ko sanang coco bread kaso ubos na ang pera ko rito, Buko. Sorry talaga..." sabi ko sa kanya.
Kumibot iyong labi niya hanggang sa ngumiti na siya. "Malungkot ako, Tobs. Malungkot na malungkot pero... salamat talaga..." umiiyak niyang hayag.
Inakbayan ko agad si Buko at marahang hinaplos ang braso niya para patahanin siya kasi ganoon ang ginagawa ni mama sa akin sa tuwing umiiyak ako.
"Sus, ikaw pa," pagpapagaan ko ng loob niya.
Pagkatapos ng poster making contest namin para sa nutrition month ay hinanap ko agad si Coco. Ako kasi ang representative ng section namin kaya kailangan kong siputin iyon. Binilinan ko naman si Coco na hintayin ako sa may guardhouse kaso ang sabi sa akin ni manong guard ay nakaalis na raw si Coco. Nagpanic naman ako agad. Alam kong kabisado niya ang daan pauwi kaso hindi ako mapalagay sa mga kinikilos niya nitong nakaraan. Lagi siyang tulala, binabagabag at tahimik. Baka kung anong mangyari sa kanya.
Magga-gabi na nang makauwi ako sa bahay namin. Nakiusap agad ako kay mama na tawagan si Tita Caroline kung nakauwi na ba si Coco sa kanila.
"Carol- oh, Joseph! Nakauwi na ba si Coco?"
"Ma, anong sabi?" atat kong tanong habang nakatingala at nasa tabi ni mama.
Rumehistro ang magkahalong gulat at takot sa mukha ni mama.
"Saang ospital siya isinugod?"
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig iyon.
Anong ospital?
Anong ginagawa ni Buko sa ospital?
Dali-dali naman naming pinuntahan ni mama ang nasabing ospital. Naka-uniporme pa rin ako kasi dumiretso na kami agad dito.
"Comatose raw si Coco..." paliwanag ni mama pero parang bigla na lamang nagmute ang susunod niya pang sasabihin.
Comatose.
Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising...
O kung magigising pa siya...
Those keep on replaying in my head.
Kasalanan ko 'to.
Dapat hindi ko na lang iniwan si Coco.
Dapat sinama ko na lang siya sa kung nasaan ako.
Dapat inexplain ko na lang sa teacher ko lahat para hayaan niya si Coco sa contest venue.
"Buko..." tawag ko sa kanya pagpasok ko ng kwarto kung nasaan siya nakaratay.
"Sabi ni mama naririnig daw ng mga na-coma iyong mga sinasabi ng mga kumakausap sa kanila," dagdag ko paglapit ko sa tabi niya.
Napalunok ako habang tinitingnan siya. Naaawa ako sa sinapit ng kaibigan ko. Bakit kailangan solohin niya lahat ng 'to? Pwede naman niyang i-share sa akin iyong ibang sakit kung nahihirapan na siya, ah.
"Sana naririnig mo ako... Buko, sorry... Sorry..." umiiyak kong sabi habang nakapatong ang mukha sa gilid ng kama niya.
Nababasa ko na ang kutson doon pero bahala na. Ang sakit-sakit lang kasi, e. Ang sakit-sakit lang na makita siyang ganito tapos wala man lang akong magawa.
Sa loob ng sampung taon, nandoon lang si Coco. Iyong kwarto na niya sa ospital ang naging bahay niya at halos ng akin na rin. Araw-araw pagkatapos ng klase ko ay hindi ko nakakaligtaang bisitahin siya. Tapos kinukwentuhan ko siya ng mga nangyayari sa buhay ko. Ipinakilala ko sa kanya sina Wren, Winona, Radicus, Majoy at Taki na siyang naging mga kaibigan ko noong tumungtong ako sa high school. Ibinahagi ko rin sa kanila ang plano sana ni Coco na Mystic Club. They said the whole idea was cool. Naniniwala rin kasi sila na tunay ngang may mga bagay sa mundo na kailangang paniwalaan kahit pa walang lubos na katibayan. Some inexplicable things exist just as they are and all we have to do is to believe them.
Noong nakaraang dalawang taon, pagdating ko sa kwarto ni Coco isang araw ay naabutan kong umiiyak si Tita Caroline. Tito Joseph and her had a fight. Nawawalan na kasi ito ng pag-asang magigising pa si Coco subalit ayaw namang sumuko ni Tita Caroline.
Ayoko rin naman. Ayoko! Hindi ko susukuan si Coco. Maghihintay ako kahit maubos pa ang buong buhay ko.
Nagulat si Tita Caroline nang yumuko ako at lumuhod sa tapat niya, umiiyak.
"Tita, nagmamakaawa po ako. Huwag niyo pong ititigil ang life support kay Coco. Huwag po natin siyang sukuan. Pangako ko po tutulong ako sa gastusin. Maghahanap po ako ng trabaho para makapag-ambag dito. Huwag niyo lang po siyang sukuan... nagmamakaawa po ako."
Gaya nga ng pangako ko ay naghanap ako ng trabaho habang nag-aaral din. Mama offered to help in Coco's life support but I told her I can do it. Kakayanin ko para kay Coco. Natanggap ako bilang service crew ng isang fast food chain. Minsan rumaraket din ako sa pag-aayos ng mga cellphone at laptop. Nakakapagod pero hindi ako nagreklamo at sumuko. Hindi ko rin nakakaligtaan na magsimba at ipagdasal si Coco.
Kahit huwag na ako, Lord. Bigay mo na sa kanya lahat ng blessings. She deserves them all and she deserves to be loved for all the right reasons.
Bago ako pumunta sa trabaho ay dumaan ako sa ospital para ibigay iyong paboritong bulaklak ni Buko. Nakagawian na rin kasi ni Tita Caroline na i-arrange iyong vase niya palagi kaya ako na bumibili ng mga bulaklak para roon.
Nagpupunas ako ng table nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko nasagot kasi bawal iyon sa kalagitnaan ng trabaho. Binilisan ko na lang ang paglilinis at nang matapos ay dumiretso ako sa may staff room para tawagan ulit si Tita Caroline.
"Tobbie, gising na si Coco!"
Madrama na kung madrama pero nabitawan ko iyong cellphone ko ng mga oras na iyon sa sobrang gulat at tuwa. Napaluha ako sa tuwa. Doon ko napatunayang totoo pala talaga ang tears of joy. Napangiti at bahagyang natawa. Naupo ako sa sahig at pinulot ang cellphone ko.
"Tita, kumusta na po siya? Naaalala ba niya tayo? Hindi ba siya nagka-amnesia- ay shet, na-off pala," tawa ko at sinubukang buksan ulit iyon para tawagan si Tita Caroline.
"Hindi! Hinahanap ka nga niya ngayon, e!" Nahihimigan ko rin ang excitement at tuwa sa boses ni Tita Caroline.
Natawa ako habang pinupunasan ang mga luha gamit ang isang palad ko.
Tita Caroline consulted a physical therapist to help bring back Coco's motor skills. They made her undergo psychiatric test too because she's been telling us things about how her life had been, completely unaware that she was just actually asleep the whole time. The result came out and she was diagnosed with unspecified schizophrenia. Lahat ng symptoms na pinapakita niya ay kabilang sa general condition ng schizophrenia pero hindi ito fit sa iisang category lamang.
Hindi ako maalam sa mga ganoong bagay kaya ginugol ko ang panahon sa pag-aaral ng kondisyon ni Coco at kung paano ko siya matutulungan. I read articles and watched documentaries and even movies that were inspired from or based from the testimonies of the people who became success stories. Gusto kong maintindihan ko si Coco. Gusto ko siyang gabayan habang nagpapagaling siya.
"Aside from genetics, the traumatic experiences she'd been through, the loss, the constant rejections and failures made her create a world of her own. This has been her form of escape from the reality..." paliwanag ni Doctor Donovan.
Nang mapansin nila ang progress sa kaso ni Coco ay pina-take siya ni Tita Caroline ng acceleration exam sa kolehiyo. Luckily, she passed and we both enrolled in the same course.
Nakagawian ko nang sunduin si Coco sa kanila para sabay kaming pumasok tapos lagi ko rin siyang hinahatid pauwi. Umayos agad ako ng tayo at pasimpleng inayos din ang kwelyo ng uniporme ko paglabas ni Coco ng gate nila.
"Buko!" tawag ko sa kanya matapos isubo ang natitirang piraso ng sandwich na siyang naging almusal ko lang sa pagmamadaling pumunta rito.
Tinitigan ako nang maigi ni Coco. Sa halip na mailang ay nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis.
"Halika na?" aya ko sa kanya. Tumango siya kaya nagsimula na kaming maglakad pero agad ding napatigil dahil nagsalita si Maggie.
"Bye, Ate Coco! Bye, Tobbie! Always make ingat ha. You make promise pa naman to me that we'll get married soon!" paalam ni Maggie sabay hagikhik.
"Maggie, ang bata-bata mo pa! Uubanin ako kahihintay sa'yo," biro ko at bahagyang sinulyapan si Coco sa gilid ko na nakatitig lang sa pinsan niya.
Pero para sa kanya, hindi bale nang abutin pa ako ng habambuhay sa paghihintay...
"Bakit kaya hindi tayo crush ng crush natin?" tanong ko bigla at nilingon si Coco na tiningnan lang ako.
Hindi siya sumagot. Hindi ko matukoy kung ang hina ko lang ba talagang pumick-up o sadyang hindi lang niya makuha ang gusto kong sabihin.
Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.
"Kasi crush ko si Taki pero malabo namang mapansin niya ako. Tapos crush naman ako ni Maggie pero ang bata niya pa at hindi alam ang sinasabi," biro ko na lang para pagtakpan ang sariling nararamdaman.
"Tobs?"
"Hmm?"
"Nasaan na ang pakpak mo?"
Napakurap ako sa biglaang tanong niya habang nakatitig sa likuran ko. Binalingan ko pa ang likod ko bahagya at baka may kung anong nag-trigger na naman kay Coco pero wala naman. Plain black lang ang bag ko.
I shook my head and chuckled. "Pakpak? Ah, chicken wings ba tinutukoy mo? Gusto mong kumain ng chicken wings? Sige, ililibre kita mamaya," I jeered to divert Coco's attention.
"You're an angel, Tobs," Coco insisted. Napansin kong nagda- dilate na naman ang pupils niya.
"Buko, tingnan mo anong oras na at baka ma-late tayo." Pasimple kong gamit sa reality check technique na itinuro sa amin.
Coco's eyes landed on her digital wristwatch. She watched the seconds changed each time and reality hits her back.
"It's 7:39 am."
I exclaimed when I was done with my portrait. I drew my own face. Nagkunwari pa akong gwapong-gwapo sa sarili para aliwin si Coco na seryoso naman habang tinatapos ang charcoal portrait niya.
"Buko, sino 'yang ginuhit mo?"
Sinilip ko ang gawa ni Coco nang matapos ito. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang bahagya ang bibig sa gulat.
"Uy, kamukha 'yan ni Dr. Don-" puna kong hindi ko natuloy.
"Okay, class, just leave your works on your desk and let's call it a day," anunsyo ng propesor namin.
Habang nagliligpit ng gamit si Coco ay palihim ko siyang pinanood. Ang sabi niya sa akin, sa amin, may first love raw siya na nagngangalang Cameron. Nagkakilala raw sila noong bata pa sila pero nakalimutan siya ni Coco habang nagdadalaga siya.
She described the kid before, her first love. Chubby daw. E, chubby din naman ako noong mga bata pa kami, ah. Actually, hanggang ngayon pero bakit hindi niya ako makita...
When she looked my way, I smiled at her right away. Wala pa akong sinasabi pero ayokong ipilit sa kanya iyong nararamdaman ko kung sakali mang ayaw niya pala sa akin.
Nakatayo kaming dalawa sa stall ng isawan sa may Katipunan Road. Chicken wings sana kakainin namin kaso punuan sa tindahan ni Aling Nena kaya rito na lamang kami kasi hindi pa komportable si Coco sa maraming tao.
Binalingan ko siya sa tabi ko para magtanong, "Ilan ang gusto mo?"
"Dalawa lang," tipid na sagot niya.
"Manong, sampu nga pong isaw," sabi ko sa nagtitinda.
"Bakit sampu?" Coco's brow slightly twitched as if she was frowning.
I chuckled. That was an achievement. Kahit simpleng reaction lang mula sa kanya, ayos na. Papasayahin ko ulit siya, pangako iyan. Makikita ko ulit iyong matatamis niyang ngiti na umaabot sa magaganda niyang mga mata gaya noong mga bata pa kami.
"Akin 'yong walo," ngiti ko sa kanya.
"Hoy, Tobbie Taba!"
Napalingon si Coco sa banda nina Marky pero hindi ko sila pinansin. I just protectively placed my hand at the small her back.
Binigay ko muna kay Coco ang dalawang isaw nito nang hindi binabalingan ang mga pangit. Nakasanayan ko nang itawag iyon sa mga bully namin ni Coco noong mga bata kami.
"Tawag ka nila," usal ni Coco.
"Hayaan mo sila. Nakakawalang-ganang kumain kung papansinin ko pa sila."
"Hoy, tabatchoy! Bakit hindi ka namamansin? Siguro guilty ka no! Guilty ka kasi totoong dito ka nag-aral sa UP dahil sinusundan mo si Taki!"
Si Taki kasi ay nag-aaral din sa UP. Kumuha siya ng kursong Education na major sa Special Needs. Isa siya sa mga naging matalik kong kaibigan simula noong high school at sadyang ipinagpipilitan lang ni Marky na ex niya na may gusto ako sa kanya. Taki and I are cool as friends. Talagang napakaseloso lang ng isang ito kaya hiniwalayan niya.
"UP lang 'yong may Fine Arts, para alam mo," bulong ko nang di parin binabalingan ang lalaki.
"Hoy, sumagot ka! 'Wag ka ngang bulong nang bulong d'yan sa kaibigan mong krong-krong!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at binitawan na ang mga dalang isaw saka sinuntok nang pagkalakas-lakas sa mukha si Marky na nakahandusay na sa kalsada. Putok ang labi ng gago.
Nakakapuno na. Lagi na lang nilang ginagawa iyon. What do they get from insulting others and making fun of their condition? Nakakatuwa ba talagang tawagin sa kung anu-anong pangalan ang mga taong katulad ni Coco?
People like him, those who throw insults and label the likes of Coco oddly are the real defects of this society. There is nothing wrong with Coco and the mentally challenged ones, but there is certainly wrong with those who narrowly view them as errors. They are not something to be fixed. They are someone to be accepted. They deserve to be respected and to be loved too.
Ang mga estudyante at tinderong nandoon ay kaagad na umawat bago pa man lumala ang sitwasyon namin.
"Titiisin ko lahat ng panlalait mo sa akin pero 'wag na 'wag mong idadamay ang kaibigan ko! Hindi mo siya kilala at hindi mo alam ang pinagdaanan niya!" hinihingal na saad ko.
Binalingan ko ang best friend ko na nanatiling nakatayo at nakatitig sa kawalan. Ayaw na ayaw kong naririnig ang panlalait ng mga tao sa kanya. Wala sila ng mga panahong nag-aagaw buhay siya. Hindi nila nasaksihan kung paano nadurog ang batang puso niya at wala sila roon nang maglaho ang saya sa mga mata niya. I've seen them all and I am truly hurting for her. Nasasaktan din siya, alam ko. She deserves a better life.
Hindi siya krong-krong.
Wala siyang saltik at hindi siya mapanganib.
Best friend ko siya mula noon at panghabambuhay.
Sabay kaming nangarap noon kaya sasamahan ko siya sa pagtupad ng mga iyon ngayon. Hindi pa huli ang lahat. Babawi ako sa kanya.
Paghatid ko kay Coco sa clinic ni Dr. Donovan Pascual para sa counseling schedule niya ay nagpaalam muna ako para pakalmahin ang sarili ko. Si Tita Caroline na raw ang susundo sa kanya pagkatapos.
I gently tapped her head and said, "Mauuna na muna ako ha. Makinig ka kay Dr. Donovan at hintayin mo si Tita Caroline rito ha. Huwag kang aalis habang wala pa siya."
She slowly nodded and held my hand. "Salamat, Tobs. Mag-iingat ka ha."
I stopped walking when I heard Taki calling me. Binalingan ko siya.
"Kakausapin ko si Marky mamaya. Magtutuos kami ng bruhong iyon."
"Pakisabi naman sa kanya na magbagong-buhay na siya at huwag niyang tawagin nang ganoon si Coco o ang mga katulad ni Coco. Napuno lang talaga ako kanina. Ayokong nilalait si Buko, e."
"Umamin ka na ba?" she asked teasingly.
Hindi pa. Alangan namang bigla ko na lang sabihin na, 'Coco, mahal kita. Matagal na. Nasurprise ka ba?'
"Hindi pa... pero ayos lang. Ang importante gumaling siya. Solb na ako roon."
"Alam mo ba kung bakit anghel ang laging tawag niya sa'yo?" tanong niya.
Lagi akong tinatanong ni Coco kung nasaan na iyong pakpak ko. Paliwanag niya anghel daw ako sa huling pagkakatanda niya.
"Sabi nila mini-mirror daw ng mga katulad ni Coco ang mundong ginagawa nila at ang role ng mga taong nandoon sa kung anong tingin nila sa mga tao sa totoong buhay. Tinanong ko siya kung bakit anghel ang role mo sa buhay niya sa loob ng sampung taon. She then told me that she always sees you as her guardian angel."
Natahimik ako kaya nagpatuloy si Taki. "At alam mo bang nakangiti siya habang pinapaliwanag iyon."
Coco rarely show an emotion but to know that she actually smiled when talking about me, makes me happy too.
Napabuntong-hininga ako at nagpaalam na sa kanya, "Mauuna na ako, Taki."
Nagtaka naman siya nang mapansing ibang daan ang tinatahak ko.
"Oh, akala ko uuwi ka na?"
"Babalikan ko lang 'yong buong buhay ko," nakangiting sagot ko sa kanya at tinakbo na ang daan pabalik sa clinic, sa kung nasaan si Coco.
Tumigil ako sa pagtakbo at dali-daling kinuha at binuksan ang payong ko nang biglang umulan. I ran again to reach the place, silently hoping she's still there. I slowed down when I found her outside, seeking shelter just outside the clinic. Nakatingala siya habang pinagmamasdan ang patak ng ulan. I walked towards her and stood in front of her. Ibinaba niya ang mga mata at inilebel sa akin.
Nagulat ako saglit nang mapansin ang nagbabadyang mga luha sa mata niya.
Umiiyak siya...
An emotion...
I smiled thoughtfully at her and said, "Iiyak mo lang 'yan."
"Hindi sila totoo, Tobs..."
Naiiyak ako pero pinigilan ko ang sarili ko. It's her moment, not mine. I will give it to her. I will give everything to her.
Nang lalong bumuhos ang ulan ay kumawala ang hikbi sa kanya.
"Bakit gano'n, Tobs... Bakit... ang sakit-sakit? Masama ba akong tao? Bakit... Bakit namatay si nanay? Bakit... Bakit nagkaganoon si tatay? Bakit... Bakit naging ganito ang buhay ko?" sunod-sunod niyang tanong, nahihirapan nang magsalita.
"Tobs... may mali ba sa akin-"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil hinila ko na siya agad sa isang mahigpit na yakap. Bumagsak na rin iyong payong na kanina ay hawak-hawak ko.
"Nandito lang ako, Buko. Tanggap kita nang buong-buo," bulong ko at lalo pa siyang niyakap habang hinahayaan siyang tuluyang umiyak sa balikat ko.
Sasamahan, pasasayahin at mamahalin kita, Coco. Ipinapinagako ko 'yan.
•|• Illinoisdewriter •|•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top