The Clairvoyant

The following scenes happened before Coco's journey to Abseiles.

The Clairvoyant

MAJOY

Abala sa pag-jajaming ang mga kasamahan namin sa sala nang mapansin ko ang natutulog na namang si Radicus sa may dining table. Nakapataong sa ibabaw ng mga braso niya ang ulo at nakabaon ang mukha habang nakaupo roon at natutulog.

Nilapitan ko siya at ginaya ang posisyon niya pero hinayaan ko ang mga mata kong nakaangat upang mapagmasdan siya. He changed a lot and I do not understand why he always keeps himself sleepy intentionally.

"Bakit ka nagkaganyan, Rad? Hindi ka naman antukin dati ha. You hated sleep."

Buong akala ko'y natutulog talaga siya kaya nagulat ako nang bigla siyang sumagot.

"I just want to keep the pain away."

Naging mapungay ang mga mata ko dahil sa sagot niya. Aminado akong malaki ang kasalanang ginawa ko sa kanya dahil pinabayaan ko lamang na mangyari iyon sa mahal niyang kapatid. After that incident, my whole life changed.

"Patawarin mo sana ako sa nangyari. I did not want that to happened to him as well. Pero pasensya na dahil wala akong nagawa para pigilan si Rodjan. Sorry..."

"I should be the one apologizing. I wasn't there when you needed me most."

Nanatili akong tahimik pagkatapos niyang sabihin iyon.

"I'm sorry," he added and I could feel the corners of my eyes started to sting.

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya dahilan para silipin niya ako nang bahagya.

"Ayos lang."

It had been what? Four or five years since that day I lost my dear friend Rodjan, Rad's brother, and from then my whole life changed.

It was supposed to be one of his experiments and attempt to have powers just like his brother and parents. But it didn't worked.

For him, I guess.

I lost him but I gain what he always wanted.

Ability.

I was able to see things before they happen after that day.

Hindi naging madali ang buhay ko pagkatapos n'on. Hindi lang ako nawalan ng isang kaibigan kundi maging ng isang espesyal na tao sa buhay ko.

Tandang-tanda ko pa n'ong huling pagkikita namin ni Rad pagkatapos ng trahedyang iyon. Hindi niya ako magawang tingnan sa mata o sulyapan man lang.

Kinamumuhian niya ako. Hindi niya man sabihin ay ramdam kong ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng mahal niyang kapatid.

Madame Sue sent him to abroad as what he requested. She thought it can help him recover. I couldn't argue more. It was for him. To make him better. To make him heal.

Minsan naiinggit ako kay Rad. Sana ganoon din ako. Sana ganoon din ang ginawa ng papa ko.

Gusto ko ring gumaling sa lahat ng sugat at sakit.

Umalis si papa at nagtrabaho sa labas ng bansa para matustusan ang pangangailangan ko. Lagi niyang bilin sa akin na mag-ingat ako. Hindi raw ibigsabihin na kaya ko nang gawin ang lahat dahil sa abilidad ko. Babalik daw siya.

Naiwan ako sa puder ng tiyahin ko. Malupit siya at laging ipinagdadamot sa akin ang perang padala ni papa.

Gusto kong matawa sa poot sa tuwing naaalala ko siya. Sinusugal niya ang perang iyon. Walang natitira sa akin kahit na singko sentimos kaya napilitan akong magtrabaho at gamitin ang abilidad ko para magpatuloy sa pag-aaral at mabuhay.

I used my ability to see the lotto numbers that will come out. It's like I have been cheating. I feel bad but I needed money.

Pinangako kong titigil ako sa oras na maayos ko na ang buhay ko.

Kaya lang nalaman ng tiyahin ko ang kaya kong gawin. She always forced me to give her the numbers and if I don't, I always end up being beaten, starved and just left barely breathing.

Nang nabuo na ang desisyon kong lisanin ang puder niya ay doon naman nangyari ang isa sa mga bangungot ko.

She sold me to someone I don't even know. She traded me for some cold thousands where in fact my worth's more than that.

Pinagbili niya ako sa mga taong nangongolekta at nag-eeksperimento ng mga taong espeyal na gaya ko.

Tapos nabalitaan ko na lang na namatay na si papa sa pagmamaltrato ng amo niya sa kanya abroad.

Nadurog ako. Walang pamilyang mapupuntahan at walang kaibigang maaasahan.

For two years, I stayed in an institution of people with special abilities. They run tests, almost dissected my parts for the sake of experiments to know and understand how our system works.

Luckily, I was able to escape from that hell and prison with the help of some strangers.

One with beastly strength and the other whom the first one referred to as the manipulative beast.

"Miss, malaya ka na. Thank you," tudyo ng lalaking may matipunong katawan dahil sa nakatitig lamang ako sa kanya at natameme. He's topless!

"Alladean, halika na!" tawag ng lalaking may blonde na buhok sa kasama.

"Dude, paano 'pag nahabol na naman tayo ng mga 'yan? Paniguradong lagot tayo sa pamilya natin at lalong-lalo ka na kay Gov."

"Sinigurado ko nang makakalimutan nila tayo," the blonde man replied while pressing his index and middle finger together on a certain spot on the temple of one of the now unconscious scientists.

"Nice! Bye miss!" The first guy winked at me while the blonde one just gave me a courteous nod and smile before they exit the scene.

I was left there, still dumbfounded. Who are they?

Siguro tama ang sinasabi nilang nakalimutan na sila ng mga kumuha sa amin. It was true for them but not for me.

I spent many years hiding and running away from everyone who chased me. Wala akong panahong mapagod. I should always be on the run because I want to live.

Nakatakas ako sa tanikala pero hindi parin ako malaya.

It was not until I finally found my home.

Mystic Club had given me another chance to live and to be part of a family who accepts me wholly.

Umayos ako ng upo nang bumukas ang pinto ng cabin. Pumasok si Coco at mabilis na umakyat sa kwarto naming mga babae.

Bumaba naman ang nakabihis na si Winona. Balak niya sanang kausapin si Coco pero hindi na lang niya ginawa dahil mukhang narinig niya ang iniisip nito.

Napatingin ulit ako sa pinto nang bumukas iyon. Si Prof. Cameron.

"Where's Coco?" he asked.

"Iiyak sa kwarto," tugon ni Winona na naglalagay ng lipstick.

Napabuntong-hininga si Prof. at saka ko pa lang napansin ang dala niyang bouquet ng bulaklak.

Lumapit siya sa kinaroroonan namin ni Rad na tulog na naman at nilapag ang bulaklak sa ibabaw ng lamesa.

"Majoy, pwede bang makisuyo? Kapag bumaba siya pakibigay na lang ito sa kanya," ani prof na ikinagulat ko.

"Po?"

He just smiled at me and went outside the cabin once more. Anong nangyayari?

"Lumipat siya sa pagtuturo sa college department dahil gusto niyang gawin ang hindi niya magagawa kapag estudyante niya parin si Coco," paliwanag ni Winona.

"Pero bakit naiiyak si Coco?" I asked.

Winona shrugged her shoulders at sinara ang compact mirror niya na ginagamit.

"Nahihiya at natatakot siya kasi pareho sila ng nararamdaman. Si Taki?" pag-iiba ni Winona sa usapan.

"Sinamahan si Tobbie sa bagong bukas na resto sa may kanto."

"Na naman? Baka magkatuluyan na 'yang dalawang yan."

"Hayaan mo na. Pareho naman silang single," bumubungisngis kong tugon.

Winona clicked her tongue and crossed her arms.

"Majoy, may gagawin ka?"

"Wala naman. Bakit?"

"Pabayaan mo na si Rad d'yan. Samahan mo ako."

"Saan tayo pupunta?"

"Aasikasuhin ko ang libing ng lolo ko."

Tinanguan ko siya at kinuha na ang bouquet sa lamesa para maibigay kay Coco.

"Sige, magbibihis lang ako."

Mamamasyal na lang ako para hindi ko maistorbo ang tulog ni Rad.

-----

Kanina ko pa sinusuyod ng tingin ang buong paligid ng loob ng funeral home na tinungo namin ni Winona. I'm fond of watching horror movies kaya labis ang kaba ko nang mapansin ang malaking resemblance nito sa Overlook Hotel ng pelikulang The Shining.

Nakaupo kami ngayon ni Winona sa malawak na sala nito. Ang sala set lang ang naroroon at puro malalaking espasyo na ang natitira.

"Bonjour! Welcome to Charmings' Funeral Home. I am Tuttieana Darcy Vega, ang funeral director."

Napaangat ako ng tingin sa babaeng nagpakilala at nakalahad ang kamay sa amin. She has an ash blonde hair na halatang pinakulayan dahil singkit ang mga mata niya at mestiza. She's sporting a long-sleeved pink floral maxi dress na cinched waist at puting stiletto. Without the stilleto, she's shorter than Winona and I. She really looks like a Chinese doll dahil sa double bun na pagkakatali ng buhok niya.

Sumunod naman sa kanya ang dalawa pang babae na nauna nang maupo sa harapan naming sofa. Nginitian kami ng babaeng may itim na itim na umaalong buhok, maputi't makinis na balat at mamumula-mulang pisngi at labi.

Iyong isa naman ay nakatutok lang sa cellphone ang atensyon. Siya ang pinakamaganda sa kanilang tatlo. Kulay brown ang buhok niya at sopistikada ang dating.

"Lalaki ang boses ng mortician na tumawag sa akin. Nasaan siya?" nakakunot-noong tanong ni Winona.

Nang mapagtanto ng Chinese doll na hindi tatanggapin ni Winona ang kamay niya ay ibinaba na niya iyon nang nakangiti saka siya naupo na.

"Well, may importante pa siyang ginagawa so hindi siya pwede ngayon."

"Tutti," tawag ko nang mabasa ko ang nameplate niya.

She held her index finger up to stopped me from further talking. Then, she smiled.

"It's Tu-shay from Tu-shana not Tu-ti. My apology for interrupting but please do continue," aniya.

"Ganito ba talaga kalaki ang funeral home niyo?" I asked.

Her eyes flickered with mischief and excitement.

"Looks like the Overlook Hotel from The Shining, isn't it?" natutuwa niyang tanong sa akin na tinanguan ko naman.

How did she knew what I'm thinking?

"She didn't and can't read your mind, Majoy. She's assessing you based on your body language and speech pattern," naiiritang wika ni Winona.

Tumango ulit ako. I didn't see this one coming. Mukhang ganoon din si Winona kasi mukhang iritado siya kanina pa.

"Naririnig mo ba ang iniisip nila?" bulong ko sa kanya.

"No. Saw the huge circle surrounding this place outside? It's a protective barrier. Tanging ang mga namamahala lang ang makakagamit ng kakayahan nila," Winona explained.

Iyon pala ang silbi ng binungkal na lupang naghugis bilog palibot sa lugar na to?

"Ang totoong mortician lang ang kakausapin ko. Halika na Majoy!"

Tumayo na si Winona kaya mabilis kong kinuha ang sling bag ko sa ibabaw ng lamesa at susundan na sana siya nang biglang magsalita si Tutti.

"Your grandfather's running out of time. If hindi mo siya bibigyan nang matinong funeral, you have to say goodbye to his soul forever."

Natigilan si Winona at inis na hinarap ito. Kailan ba siya hindi nainis? Hay nako.

"Anong pinagsasasabi mo? Matagal ng patay ang lolo ko and I don't understand why I am here letting you fool me."

"Exactly, matagal na siyang patay, physically. Ang kaluluwa niya ang tinutukoy kong malapit nang mag-expire. Kung hindi kayo gagawa ng paraan para bigyan siya nang maayos na funeral ay mapupunta sa Darkness ang kaluluwa niya at hindi siya magkakaroon ng pagkakataong maisilang ulit."

Suminghap si Winona at nang makapagdesisyon nang tuluyan ay naupo siya ulit na sinundan ko naman.

"Magmeryenda muna kayo," ani ng babaeng may maitim na buhok.

Hindi ko napansing umalis siya sa pwesto niya kanina! Binaba niya ang tray na may lamang tsokolate at bibingka.

"Thanks, Snow," Tutti retorted and the latter just smiled and nodded.

"Pwede ba 'wag na tayong magpaligoy-ligoy ngayon," si Winona.

"As you wish. Tinawagan ka ng totoong funeral director namin dahil malapit nang mag-expire ang kaluluwa ng lolo mo. You haven't given him a funeral kaya hindi siya makatawid sa afterlife. Nakapending ang kaso niya sa loob ng maraming taon."

"Magulo ang Abseiles noong panahon ng kamatayan niya. We were not able to give him that. Nilibing lang namin ang labi niya roon. Anong kailangan naming gawin kung ganoon? At nasaan ang kaluluwa ng lolo ko?"

"Third floor. Room 373," bulong ng magandang babaeng nagseselpon parin.

"You're a Fandrall, right? A white witch from Abseiles?" tanong naman ni Snow.

"Oo, bakit?" mataray na tanong ni Winona.

"Then, your grandfather is really a beast. We give funeral services to the beasts."

"Beast? Bakit beast?"

"A collective term we use for unusual creatures," paliwanag ni Tutti.

"As I was saying, you have to give him a funeral so that his soul can move on to the after life. You don't have to worry because we'll take care of the preparation and ceremony. We just need your approval, presence and of course, your payment," she continued.

"How much?" Winona asked, she's confident.

"500,000-700,000 pesos. Depende sa kabaong na pipiliin ni-"

"W-what?! Ganoon kamahal? Anong klaseng kabaong ba meron kayo rito? Gold?" Winona asked incredulously, almost jumping from her seat.

"Calm down, Ms. Veneracion. For the record, the average funeral here in the Philippines costs not lower than 100,000 pesos. Kung sa America naman ay nasa $6,000- $7,000 na kung i-coconvert natin sa Philippine peso would be equal to 300,000," Tutti calmly explained.

"Isa pa, this is a special funeral home. Kami mismo ang personal na naghahatid ng mga kaluluwa sa kabilang buhay at inaayos ang lahat ng gusot nila rito sa mundo," she added.

"Win, relax. Ganoon talaga. Parang Hotel del Luna," bulong ko.

Winona snapped at me so I just shut my mouth.

Suminghap ulit si Winona at kinalma ang sarili.

"Ano bang kailangan niyo?"

"Just your number, home address and the remains of your grandfather. Where is it?"

"Nasa Abseiles."

Tumango si Tutti at tinapunan ng tingin ang babaeng nagseselpon. "Queen."

"I got it," the latter nonchalantly responded.

Tutti crossed her legs and placed her right elbow on her lap saka pinatong ang baba sa palad niya.

"Can you get it and bring it to us as soon as possible?"

"Sure. I will say my number and home address now. Who will take note?"

Tutti motioned her head on Queen's side who's still busy with her phone.

"Aren't you supposed to take down notes?" irita na namang tanong ni Winona sa babaeng nagseselpon.

I looked at Tutti when she chuckled. Nawawala ang mga mata niya sa kasingkitan.

Binaba ni Queen ang cellphone niya at tinaas ng kilay si Winona.

"I'm not interested with your drama. The Alexander McQueen dress and Moschino bag I ordered are way more important than you."

"No need, Ms. Veneracion. She remembers everything," Tutti smiled while tapping the right side of her temple.

Winona groaned on her seat. Napailing na lang ako. Mukhang nakahanap siya ng katapat niya rito.

------

Males without entrails in a parking lot, a siren disguise as a seductive female looking for her next victim and the heartbroken Professor Cameron in a bar.

Nang magising ako ay mabilis kong binuksan ang lampshade sa gilid ko. The boys are out tonight. Magcecelebrate raw sila para kay Professor. Hindi maganda ang pangitain ko.

Kaagad kong ginising ang katabi kong si Winona na umungot lang dahil naistorbo. Sunod ko namang ginising si Coco.

Napamulat si Coco at nag-aalalang napatitig sa akin. I know she can feel it. Kinakabahan ako.

"Majoy, anong problema?"

"Coco, kailangan nating puntahan si Prof. Cameron. May masamang mangyayari sa kanya."

Napatayo kaagad si Coco at mabilis na ginising sina Taki at Winona. Hindi na kami nakapagbihis at basta nagsuot na lang ng jacket namin.

Nang nasa labas na kami ng bar ay hindi pa kami pinapasok noong una kaya ginamitan na ito ni Coco ng spell para hayaan kami nitong makapasok.

Nang makapasok kami ay kumpol ng mga taong wild na nagsasayaw ang bumungad sa amin.

"Maghiwalay tayo," suhestiyon ni Winona na maagap naming tinanguan nina Taki at Coco saka naghiwalay na kami.

I tried to focus para makuha ko ang vision na gusto ko but the people were too wild dancing na sa kada bangga ko sa isa sa kanila ay iba't ibang visions ang nakikita ko.

Sumasakit ang ulo ko.

Nakakahilo.

Sinapo ko ang ulo ko at nahinto sa paghahanap. Pakiramdam ko ay matutumba na ako.

"Careful."

Napaangat ako ng tingin sa mga brasong nakahawak sa akin upang pigilan ako sa pagkakatumba.

I stared into his familiar gray eyes with tints of blue on it. He's not wearing his glasses right now. Muntik ko nang makalimutan ang kaya niyang gawin. By staring still into his eyes, I could be put into a trance, an illusion.

Umayos ako nang tayo at bahagyang lumayo saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Thank you. Have you seen Professor Cameron? He's in danger," I said.

"Look at me."

"Bakit?"

"Just goddamn look at me."

Napatitig akong muli sa kanya dahil sa tigas ng boses niya. Pinigilan ko ang panginginig ng tuhod ko.

Nanghihina ako sa mga titig niya.

"Rad, this is serious. Nasaan si Prof?"

"You don't have to worry about him anymore," he said and motioned his head on one side.

Napabaling ako roon at napansin si Prof. Cameron kasama si Coco sa dancefloor. The loud music turned slow.

Nakatitig lang sila sa isa't isa na animo'y sila lang ang mga tao roon. Coco immediately closed their distance. Nagulat pa si Prof sandali dahil sa biglaang pagyakap nito sa kanya but later on he just smiled and hugged her tighter. He even planted a kiss on her forehead.

Napangiti ako at muling binalingan si Rad na nakatitig parin sa akin.

"I'm really sorry for leaving. Can we start anew?"

Lumapit siya at masuyong hinawakan ang kanang kamay ko at tahimik na hinalikan iyon.

"Baby, I still love you."

Illinoisdewriter

A/N:

I will try to draft every day then I will upload it on weekends. Depends kung kailan ko matatapos, Saturday or Sunday. I need to end this. This is long overdue.

Sorry if I was on hiatus unannounced. I'll make it up to you.

Anyways, please visit my new story Beast Charmings: Funeral Service for Beasts and pasilip na 'yong mga bagong character kanina 😊. Hindi ko pinangalanan 'yong isang lalaki kasi baka malito kayo haha. It's a modern and twisted retelling of some of the fairytales we love and of course it will be told sa context ng funeral service.

See you next weekend!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top