The Clairscent

The Clairscent

TAKI

Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Tobbie palayo sa booth namin kung saan kumakanta pa si Coco at nagsisimula naring magsilapitan ang mga estudyante roon. I guess people really love to see her singing with her ukulele on play.

"Hoy, Tobbie saan tayo pupunta?" tanong kong di naman niya sinagot.

Binitiwan niya lang ang kamay ko at kinuha sa bulsa ng pantalon niya ang kanyang cellphone saka may kung anong kinalikot doon. Nang matapos siya ay ipinakita niya rin iyon sa akin.

I went closer and narrowed my eyes into slits to read an article flashing on his phone. It was about a familiar train station nearby na ilang taon naring di dinadayo ng mga tao subalit nitong nakaraang buwan lamang ay binuksang muli ito para sa mga pasahero. Many commuters were delighted to try on their tempting offer for the first three months. It is for free.

Maayos naman ang takbo ng istasyon pero ang sinasabi ng may-akda rito ay sa umaga lamang iyon. Aniya ang kaibigan niyang sinubukan iyon ng gabi ay hindi na nakauwi pa. Tinawagan daw siya nito noong gabi ng kanyang pagkawala at takot na takot daw ito at hinihingal na animo'y hinahabol. Ang nakakabinging sigaw daw nito ang narinig niya bago naputol ang linya. This news set the public to commotion and the management gave an apology statement and they said on an interview that they will conduct an investigation on the case and will take responsibility for whatever happens. However, they made it clear that they don't actually operate at night.

This is getting interesting...

"Puntahan natin?" Tobbie asked so I looked at him and nodded.

"Sige, tatawagin ko lang ang clu-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin sana nang hilahin niya ako pabalik sa pwesto ko.

Kumunot naman ang noo ko nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. He stared into my eyes intently kaya napalunok ako.

Nakakatense naman to.

"The both of us can solve this."

Namilog naman ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Mabilis kong hinawi ang mga kamay niya sa balikat ko at umiling nang todo.

"No. Way. Tayong dalawa lang?"

"Ah-huh."

"Tobs, mukha lang akong matapang pero natatakot talaga ako. You know psychic lang ako..." I trailed off at sinulyapan siya.

"Ikaw naman hindi ko alam kung ano. Anong gagawin natin kapag may halimaw nga roon? Paano tayo lalaban? Hindi naman tayo sinlakas nina Wren at Radicus at makapangyarihan na gaya nina Coco at Winona. Simpleng psychic lang ako. Hindi kita kayang ipagtanggol..."

Natawa naman siya sa sinabi ko. It was my turn to stare at him like he'd spoken in Chinese and I was in need of an urgent translator. Nang matigil siya sa pagtawa ay tinitigan niya ako nang di inaalis ang ngiti niya sa labi. Tobbie may be a man full of humour and who doesn't take things seriously but in his eyes, there were mysteries and mayhem.

My reverie stopped when he snaked an arm around my shoulder and pulled me closer to him.

"Sa tingin mo hahayaan kitang ipagtanggol ako? I'll be the one to protect you from harm, my sweet little lamb."

TOBBIE AND I were enjoying our food in a nearby Japanese restaurant while waiting for the train station to finally close.

Maganang-maganang kumakain si Tobbie ng mga inorder niya. The nice thing about him when eating or if he wants to eat, he will drag you to join him and he will pay for your price too.

Natigil siya sa pagsubo ng teriyaki, his chopsticks suspended in the air while looking at me.

"Mahilig ka talaga sa takuyaki no?" he asked amusedly and I nodded gleefully.

"Favorite ko to and this is my comfort food."

Ngumisi siya nang nakakaloko.

"Taki Takuyaki," he laughed.

I furrowed my brows at first but I laughed with him after a few seconds, realizing how actually cute that name is.

Nagtagal pa kami ng ilang oras doon at nang mag-gabi na ay napagdesisyunan na naming tunguhin ang istasyon.

"First, we need to find out if they don't really operate at night and then discover what happened to the friend of the person who authored the article we read this morning about the station," ani Tobbie.

Nahinto ako sa paglalakad at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya nang hindi na mamangha.

"May leadership skills ka pala, Tobs?"

Natawa lang si Tobbie sa tanong ko at nauna nang maglakad sa akin.

Pagpasok namin sa train station ay kaagad naming napansin na kalahati ng mga ilaw doon ay naka-off na.

"Kung talagang closed na sila sa gabi ay bakit walang nagbabantay na gwardya sa labas ng istasyon para sitahin ang mga pumapasok?" I asked.

Tobbie snapped his fingers in front of my eyes and exclaimed, "Exactly!"

"Taki, may hindi tama rito. May naaamoy ka ba?"

Umiling naman ako. Kahit mga kaluluwa ay wala pa akong naaamoy simula pagpasok namin kanina. They smell like lighted candles.

Pero ngayon ay wala akong naaamoy na kakaiba.

Kaagad na hinila ako ni Tobbie sa palapulsuhan papasok ng isang nakabukas na tren.

Bakit ang hilig niyang manghila sa araw na 'to?

"Yes!" sigaw niya nang makapasok kami sabay bitaw sa akin.

Napatingin tuloy sa amin ang apat na pasaherong naroroon. Isang babaeng may anak, isang matandang lalaki at isa pang babaeng may suot ng maikling damit.

So may operation nga?

Naupo ako sa tabi ng mag-ina. Sumunod naman sa akin si Tobbie.

Nginitian ko ang babaeng may kalakihan na katabi ko. May karga siyang bata na sa tansha ko ay nasa limang taong gulang na.

"Magandang gabi po. Ako nga po pala si Taki tapos siya naman po si Tobbie, kaibigan ko," pagpapakilala ko sa aming dalawa ni Tobbie.

Ngumiti ang babae.

"Mari, siya naman si Timmy, anak ko," pagtutukoy niya sa batang mahimbing na natutulog, ang matabang pisngi nito ay naiipit sa balikat niya.

Lumapad ang ngiti ko sa nasilayan and I pushed for further conversation.

"Akala ko po hindi nag-ooperate ang train station na 'to tuwing gabi," sabi ko.

"Iyon nga rin ang akala ko. Pero mabuti na lang talaga at nakaabot kami ng anak ko sa libreng sakay na 'to. Makakauwi narin kami," she replied.

Bahagyang kumunot ang noo ko pero hindi ko iyon pinahalata.

"Wala kasi kaming pera pauwi. Mabuti na lang talaga at nakaabot kami," malungkot niyang sabi.

"Hindi po ba kayo natatakot sakay nito?" tanong bigla ni Tobbie sa tabi ko.

Nagtaka naman ang ginang.

"Siyempre natatakot. Sobrang gabi narin kasi."

Nagkatinginan kami ni Tobbie. This woman doesn't know about the horrifying news.

Wala siyang alam sa balita ngayon tungkol dito.

That makes me wonder if the other two late passengers are aware too.

Binalingan ko ang dalawa pang pasahero. The man looks grumpy while resting the weight of his both hands on his cane.

Iyong babae namang may maikling suot ay yakap-yakap ang sarili. She's shaking and I can smell her fear.

The human body emits sweat for various reasons and one of which is fear. Nalalaman ko agad kung bakit pinagpapawisan ang isang tao by smelling their sweats. There is a certain scent on sweats caused by fear kaya sigurado akong takot siya ngayon.

She's consciously pulling down her short dress and that gave me a hint that she's afraid not because of being here and to the knowledge about the looming terror of this train station. It's a fear instilled in her by the previous situation and circumstance she was in.

"She ran away from a brothel," I whispered to myself after smelling a faint scent of mixed alcohol, cigar and men around her.

"Probably, a newbie. A new recruit. Hindi niya alam na ganoon ang mangyayari sa kanya kaya takot na takot siya," ani Tobbie.

This gives us a hint that all of them are unaware of this trip's potential danger.

"Dito na lang kami."

Napabaling kami ni Tobbie kay Mari nang magsalita siya. Tumayo na siya karga-karga ang anak nang palapit na kami sa susunod na istasyon. Lumapit siya sa pinto pero laking gulat niya nang hindi huminto ang tren na sinasakyan namin at nagpatuloy lang sa pagtakbo hanggang sa nalagpasan na namin iyon.

"Bakit kaya hindi huminto?" bulong ni Mari sa sarili.

Tumayo si Tobbie at nilapitan siya.

"Puntahan kaya natin ang operator para matanong natin kung bakit. Baka kasi sa isang istasyon lang magtatapos ang rota nito since gabi na," suhestiyon niya.

Inayos ni Mari ang pagkakarga sa anak at tumango. Tumayo narin ako at sinamahan sila.

"P-pwede bang sumama?" biglaang tanong ng babaeng may maikling suot.

Tumango si Mari at ngumiti.

"Mari nga pala tapos si Timmy anak ko," Mari introduced.

"Taki saka si Tobbie," pagpapakilala ko rin.

"Empress nga pala," sagot niya.

Binalingan naman ni Tobbie iyong matandang mukhang bugnutin.

"Tay, ayaw niyo pong sumama?" tanong niya rito.

"Ay, hindi na. Bababa narin naman ako sa susunod na istasyon. Magsasayang pa ako ng oras," masungit niyang tugon.

Iniwan na lang muna namin siya para tunguhin ang kinaroroonan ng operator ng tren na lulan namin ngayon.

Nang nasa harap na kami ng pinto nito ay kumatok si Tobbie nang tatlong beses.

"Tao po. May multo po ba d'yan?" humahagikhik na aniya.

I darted him a warning glare. Napangisi si Tobbie at kumatok ulit nang makailang beses pero wala paring sumasagot mula sa kabila.

"Baka hindi tayo marinig," suhestiyon ni Empress na tinanguan naman namin.

"Taki, pahiram ako ng hairpin mo," si Tobbie.

Nang makuha ang balak niyang gawin ay kinuha ko mula sa pagkakaipit sa buhok ko ang hairpin at ibinigay kay Tobbie.

He will unlock the door by means of lockpicking. Umuklo si Tobbie at nagsimula nang kalikutin ang keyhole ng pinto.

We heard a click, a cue that he did it. He unlocked the door.

Tinulak niya ito pabukas pero kaagad kaming nagulantang lahat sa nakita.

Walang train operator.

Walang nagpapatakbo ng tren na sinasakyan namin...

"Paanong..." di makapaniwalang bulong ni Mari at mas hinigpitan pa ang kapit sa anak na unti-unti nang nagigising.

Kaagad na nilapitan iyon ni Tobbie at chineck ang mga buton doon.

May tiwala ako sa kanya. I know he can do it. He has a flair for technology. Pero ang bumabagabag sa akin ngayon ay bakit walang operator.

Kaya ba sinasabi ng management na hindi sila nag-ooperate sa gabi dahil iyon ang talagang alam nila? Hindi nila alam na nangyayari 'to? Bakit?

Bakit nangyayari 'to? At bakit may nawawalang mga pasahero tuwing gabi? Saan sila napupunta? Anong nangyayari sa kanila?

"It's an autopilot. I'll try to disable this," ani Tobbie at naupo muna roon para kalikutin iyon.

Pero bago pa man niya maayos iyon ay biglang huminto ang tren sa isang madilim na lugar.

Sinilip ko ang labas ng bintana. Wala niisang ilaw ang nakasindi. Sobrang dilim. Nakakakilabot.

"Si manong!" bulalas ni Tobbie at kumaripas ng takbo palabas ng kinaroroonan namin.

Sinundan din naman namin siya agad. Naalala namin ang matanda. Baka iniisip niya na nasa destinasyon niya na siya at bumaba.

We suddenly heard a scream. We sped up our paces.

It's the old man!

We all held our breaths when we're already in front of the opened door of the train.

I can smell Empress' and Mari's fear.

Hinarang ni Tobbie ang katawan at mga braso niya para hindi kami makalapit doon.

There were traces of blood on the floor near the door going to the darkness of the place outside the train we're in.

"Anong nangyayari?" Empress whispered, teeth rattling.

A growl erupted from the outside. From a bear or a wild animal I could hardly figure out.

Basta nakakapangilabot.

Napalunok kaming lahat. Si Timmy naman naiyak na sa gulat.

Anong nangyayari?

With shaking hands, I reached for my phone inside my pocket to contact Mystic Club.

We need their help!

Tobbie and I can't obviously do anything in here.

I turned on my phone but was disheartened when I found out it's out of signal.

Where on earth are we?

I shoved my phone back inside my pocket. I have to be brave at least.

"Tulong! Tulungan niyo ako parang awa niyo na!" nagmamakaawang sigaw ng matanda mula sa labas.

"Dito lang kayo," bulong ni Tobbie saka kumaripas ng takbo palabas.

"Tobbie!" gulat kong sigaw sa kanya at sinundan siya.

Uuwi kaming dalawa ng ligtas. Hindi ako papayag na mapahamak siya.

Napatigil ako sa pagtakbo nang huminto rin si Tobbie sa harap ko. Nakatitig siya sa malamig ng bangkay ng matandang lalaki na nasa sahig.

Dilat na dilat ang mga mata nito. Nakaawang ang labi dahil sa pagsigaw ng tulong at butas ang dibdib. Nawawala ang puso nito.

Huli na kami.

Napalingon ako nang marinig ko ang impit na sigaw ni Empress sa likod ko. Mabilis niyang tinakpan ang bibig at si Mari naman ay pinapatahan si Timmy na umiiyak at inilalayo ang paningin nito mula sa kahindik-hindik na eksena.

"Bakit kayo sumunod?" tanong ni Tobbie nang mapansin kami.

Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa likuran namin.

"Takbo!" sigaw niyang nagpakaripas naman sa amin ng takbo.

Bumagal ang takbo ni Tobbie at pinauna kami. Ginabayan ko si Mari na dala-dala parin si Timmy para mauna.

"Shit!" mura ni Tobbie.

Natigil kami ni Mari at binalingan ang likuran namin.

Nadapa si Empress at akmang babalikan siya ni Tobbie upang tulungan nang mahinto ang huli dahil sa sunod na nangyari.

Empress was about to push herself up when an eyeless and earless monster lunged at her from behind.

Tila huminto ang paligid namin sa karumal-dumal na nasaksihan. The monster's long and sharp talons pierced through Empress' chest.

Lumusot sa butas ng dibdib ni Empress ang kamay ng halimaw. Nagimbal kami nang mapansin ang tumitibok pa niyang puso na hawak ng halimaw. Sumuka ng dugo si Empress at dinig ko ang pagsinghap ni Mari nang bumuka nang pagkalaki-laki ang bibig nito at hinigop ang kaluluwa ni Empress.

Kaya pala...

Kaya pala wala akong naaamoy na kaluluwa kanina pa.

Kinakain niya lahat ng kaluluwa ng mga naging biktima niya.

I was sent out of trance when Tobbie pushed Mari and I to run quickly in front of him and we hid immediately underneath the machine where you get to swipe your ID when entering the train station.

Walang kahit na anong ilaw sa paligid. Tanging ang ilaw lamang ng tren na sinakyan namin ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Mari covered her son's mouth so that his sobs will not be heard as we find refuge under our hideout. Tinakpan ko ang bibig ko at ramdam ko ang panginginig ang balikat ko.

Natatakot ako.

Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong kasama ko.

Kung si Coco o Winona lang ako ay maipagtatanggol ko sila pero si Taki lang ako.

Si Taki na walang ibang kayang gawin kundi umamoy ng panganib at mga kaluluwa.

Naramdaman ko ang mga brasong biglang yumakap sa akin. Tobbie was gently caressing the small of my back kaya mas lalo akong naiyak.

"Sorry, Taki. Sorry talaga. Kasalanan ko 'to. I'll take you out of here, I promise," he soothed me.

"Baka marinig tayo ng halimaw," bulong kong nangangamba na baka mahuli kami.

"The monster don't have eyes nor ears. Hindi niya tayo nakikita at naririnig but he can sense movements with his touch. Napansin ko kaninang hawak niya palagi ang sahig na parang nakikiramdam ng mga galaw sa paligid," paliwanag ni Tobbie.

"Ano ng plano natin?" tanong ko sabay lingon kay Mari na pinapatahan parin ang anak.

"We'll go back to the train. I-di-disable ko ang autopilot at ako mismo ang mag-ooperate n'on para makalabas tayo rito," he said.

Tumango ako. We told Mari about our plan and she agreed.

Dahan-dahan kaming lumabas ng pinagtataguan namin at maingat na naglakad noong una pero natigilan ako bigla sa naamoy ko.

Amoy malansa at amoy dugo. Droplets of blood mixed with stinky saliva was dripping from my above. Doon din nanggagaling ang amoy.

Tumingala ako at nanigas sa sunod na nakita. The monster was crawling on top, on the ceiling.

Mukhang naramdaman niya rin ang naging galaw namin dahil kahit wala siyang mata ay pansin kong titig na titig siya sa pwesto ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil di nagtagal ay umamba itong tatalon sa banda ko.

I was quickly pushed aside by someone from my behind.

Napaupo ako at kaagad na dinaluhan ni Mari. Sapo-sapo ko ang ulo ko nang balingan kong muli ang pwesto ko kanina.

"Tobbie!"

Nakikipagbunuan si Tobbie sa halimaw. Nakahiga silang pareho sa sahig at kapansin-pansin ang mga dumudugong sugat sa kanyang mga braso at mukha dahil sa kalmot ng halimaw.

He might be immune to psychic abilities and magic powers but not to physical attacks.

"Tobbie!" umiiyak kong sigaw.

Akmang lalapitan ko siya nang pigilan ako ni Mari. I looked at her and she shook her head.

No! Hindi ko iiwan si Tobbie rito!

Nagulat ako nang bigla niyang ibigay sa akin ang mas lumakas ang iyak na anak niya.

"Please iligtas niyo kahit ang anak ko na lang. Kayo ng bahala sa kanya," naluluha niyang wika.

"Mari..." Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

Tears escaped from her eyes then she smiled and took her hand out from my grasp.

"Please... Kailangan niyo si Tobbie para makaalis dito. Pipigilan ko ang halimaw hanggang kaya ko."

Kahit nanlalabo ang mga mata sa luha ay tumango ako kay Mari. Hinalikan niya ang anak at nilapitan ang halimaw.

Magsasakripisyo siya...

May dinukot mula sa bulsa niya si Mari at nakita kong isang ballpen iyon. Nang nasa likod na siya nang halimaw ay mabilis niya itong itinusok sa batok nito.

Nagpakawala ng sigaw ang halimaw at hinarap si Mari. Mabilis na tumakbo si Mari palayo sa halimaw at sa amin.

"Sige na! Umalis na kayo! Ikaw ng bahala sa anak ko. Ilayo mo siya rito," aniya't ngumiti sa huling pagkakataon.

Tumango ako at mabilis na nilapitan si Tobbie nang habulin ng halimaw si Mari. Tinulungan kong makatayo si Tobbie at pinilit niyang dalhin mag-isa ang sarili nang tumatakbo na kami kahit pa punong-puno na ng dugo ang kanyang buong katawan.

Nang makapasok na kami sa hamba ng tren ay narinig namin ang sigaw ni Mari. Humagulgol ako at ganoon din si Timmy. Niyakap ko siya nang mahigpit.

Magiging ligtas kami. Pangako ko 'yan.

Nang makapasok na kami sa silid na nasa harapan ng tren kung nasaan ang mga buton nito ay mabilis na isinara ni Tobbie ang pinto.

Sapo-sapo niya ang nakagat at dumudugong balikat nang sumigaw siya bigla. Napatalon ako nang bahagya sa gulat.

Sinuntok-suntok niya ang pinto hanggang sa napagod siya at nanghihinang isinandal ang noo roon. Dinig ko ang paghikbi niya.

"Tobbie..."

Paano ba nauwi sa ganitong klaseng trahedya ang simpleng usapan namin ni Tobbie?

"Taki, sorry. Sorry talaga. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kung hindi lang ako nagmagaling at hindi ka dinala rito ay hindi ka sana mapapahamak ng ganito. Pasensya na talaga. Kasalanan ko. Akala ko kaya kong iligtas ka... Sorry..." umiiyak niyang paumanhin.

Nilapitan ko siya at hinagod ang kanyang likod.

I tried my best to hold my tears back.

"Hindi mo kasalanan, okay? Kung hindi tayo pumunta rito ay hindi natin malalaman lahat ng ito at kung hindi tayo pumunta rito ay malamang hindi natin maililigtas si Timmy," pagtutukoy ko sa batang umiiyak parin.

Binalingan iyon ni Tobbie dahilan nang paglambot ng ekspresyon niya bago siya muling tumingin sa akin.

"Ililigtas natin siya, di ba? Kaya aalis na tayo rito ngayon," I said and he nodded.

"I'll save you both," he answered.

Umalis na siya sa pinto at naupo paharap sa maraming mga buton. May kinalikot siya saglit doon saka niya inihayag na na-disable na siya ang autopilot.

Maya-maya pa'y umaandar narin ang tren hanggang sa tuluyan na itong tumakbo palayo roon.

Halos maiyak ulit ako sa tuwa.

Biglang tumunog ang walkie-talkie na nasa malapit.

"Sinong nandyan?"

Nagkatinginan kami ni Tobbie nang marinig ang boses ng isang lalaki na biglang nagsalita sa kabilang linya.

"Mga pulis kami. May natanggap kaming report tungkol sa nangyari sa mga pasaherong lulan ng tren na 'yan. Anong nangyari?" pagpapatuloy nito sa kabilang linya.

Bigla akong nakahinga at inabot iyon upang sagutin ang nasa kabilang linya.

"Papunta na po kami sa North Station. Wala na po ang mga kasama na- Tobbie!"

Nagulat ako nang biglang agawin iyon ni Tobbie sa akin at itinapon sa sahig saka tinapakan niya para masira.

"Anong ginagawa mo?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. That's our chance to ask for help!

"Hindi natin sila mapagkakatiwalaan, Taki. Tumawag sila nang ma-disable ko ang autopilot. Ibigsabihin n'on ay mino-monitor nila ang system at takbo ng tren na 'to at kung sinuman sila ay tiyak kong may koneksyon sila sa nangyayari rito," he explained and that made me realized my mistake and everything that's happening.

Naka-autopilot ang tren. That means walang operator na pumayag sa ganitong oras ng biyahe o di kaya ay talagang walang alam ang management na nangyayari ito tuwing gabi.

"There's someone behind this. Someone who hides that son of a bitch monster. Someone who's probably feeding him with lost and unaware passengers," galit na dagdag ni Tobbie.

"Bakit nila ginagawa 'to kung ganoon?" I asked.

"Hindi ko alam..."

Biglang huminto ang tren na sinasakyan namin kahit hindi pa kami nakakaabot sa North Station. Nasa isang lumang istasyon kami nahinto. Hindi na operational dito at hindi na hinihintuan ng mga tren dapat kagaya ng istasyon kanina kung saan namin nakita ang halimaw.

"Shit! Shit! Shit!" mura ni Tobbie habang hinahampas-hampas ang operation system ng tren.

Tumayo si Tobbie at hinila ako.

"Tobs, anong nangyayari?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"We need to get out of here. Hinack nila ang system ng tren kaya nahinto 'to. Hindi maganda ang kutob ko rito," he said.

Binuksan niya ang pinto at laking gulat namin sa kaagad na bumungad sa amin.

Ang halimaw ay nasa loob ng tren namin at animo'y naghahanap ng kung ano. I felt my breathing hitched. Niyakap ko nang mahigpit si Timmy at hinigpitan ko ang kapit sa duguang si Tobbie.

Tobbie shook his head, gesturing me not to move. Pansin kong nang mapabaling siya sa may bintana ay nagulat siya pero kaagad ding napalitan ang ekspresyong iyon ng galit.

I turned to the window and saw five policemen standing outside. One of them has a walkie-talkie on his hand. He smirked and the rest of them just stood there like as if the monster didn't bother them and passengers in need like us aren't their priority.

Parang alam na nilang mangyayari 'to.

Hindi ko malalaman na may speakers pala ang tren na sinasakyan namin kung hindi ko pa narinig ang boses ng pulis na may hawak ng walkie-talkie na animo'y nakakonekta roon sa speakers.

"Meet Experiment No. 537. Our secret military weapon," anito at tumawa.

Napatitig akong muli sa halimaw.

It's an experiment.

An experiment that should protect lives but was used to kill people.

Itinago ako ni Tobbie sa likuran niya, stirring a reaction from the monster. He detected our movements.

Mabilis na tinungo ni Tobbie ang bintana na salungat sa kinaroroonan ng mga pulis at malakas na sinuntok iyon gamit ang duguan niya kamao. Lumipad ang mga bubog niyon kaya napatalikod ako at napagtanto kong hindi kita iyon ng mga pulis.

Tobbie then blocked my sight and stepped forward. Para bang sinasabi niyang isasakripisyo niya ang sarili niya.

"Tobs, anong ginagawa mo?!" galit kong tanong sa kanya.

He looked over his left shoulder and flashed his contagious smile.

"Ako na bahala rito. Tumakas na kayo ni Timmy sa bintana," aniya.

"Hindi kita iiwan!" I hissed.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Tobbie sa ginagawa niya at naiiyak sa sitwasyon namin.

He smiled again like as if he doesn't want to recognize my frustration and anger towards him.

"Sabi ni Coco mahilig ka raw magbasa ng tula kaya umalis ka na rito at basahin mo ang mga tulang ginawa ko para sa'yo. 'Isang Daang Tula Para kay Taki' ang pamagat n'on. Ginaya ko roon sa gusto mong palabas," aniyang mas nagpaluha sa akin.

"Tobbie!"

Tumawa siya't nagpatuloy, "Ang corny ko roon pero hayaan mo na. At least nasabi ko kahit sa papel ang hindi ko magawa sa harapan mo."

Hinarap niyang muli ang halimaw na palapit na sa amin.

Ayokong umalis.

Hindi ako aalis.

Hindi ko siya iiwan.

Nilapitan ko siya at kumapit sa t-shirt niya sa likuran.

"Alis na, Taki! Si Timmy!"

"Hindi sabi kita iiwan!"

"Paano si Timmy?!"

Natahimik ako pero buo na ang loob ko.

"Kahit natatakot ako kasi simple lang iyong kayang gawin ng kakayahan ko ay sinamahan kita. Alam kong dehado ako sa kasong 'to pero ayaw kitang hayaang mag-isa. Kaya sasamahan kita hanggang sa huli!"

I heard him groaned in frustration.

Isinandal ko ang noo ko sa likuran niya. Matangkad si Tobbie kaya nakapantay sa balikat niya ang abot ko lamang. Hindi ko narin napigilan ang sarili ko at humikbi na nang tuluyan. Ramdam kong natigilan siya roon.

"Magde-date pa tayo at kakain pa sa maraming restaurants, di ba? Hindi ko magagawa 'yon kung hindi kita kasamang babalik," bulong ko habang humihikbi.

Dinig ko ang pagsinghap niya at ang lumalakas na sigaw ng halimaw na nasa harapan na niya.

Kung anong mangyari sa amin ay bahala na. Basta ang alam ko lang ngayon ay ayoko siyang iwan dito.

"Magde-date pa tayo at kakain," ulit niya sa sinabi ko kanina na siyang mahinang nagpatawa sa akin.

Naghintay pa ako ng ilang segundo hanggang sa ang nakakabinging sigaw ng halimaw ay biglang nilamon nang di ko inaasahang katahimikan.

Anong nangyari?

Ang tahimik ng buong paligid...

Anong nangyari kay Tobbie?

Inalis ko ang pagkakasandal at kapit kay Tobbie at binalingan ang mga pulis sa may bintana.

Nawindang ako sa nasaksihan.

Gone are their eye sockets. Their eyes are now hollow with blood dripping from each of them.

Nang balingan kong muli si Tobbie ay napaatras ako sa gulat.

There are pair of flapping wings made from shadows on his back.

Sinulyapan ko rin ang halimaw sa harap niya na tila nanigas sa ere. Blood is also dripping from its mouth.

Muli kong binalingan si Tobbie.

Kaya pala...

Kaya pala hindi siya tinatablan ng kung anumang spell, kapangyarihan at psychic ability.

Nabasa ko ang uri ni Tobbie sa journal ng mama ni Wren na pinahiram sa akin ni Coco.

No mortals can see their kinds when they are on their true form because they are blinding.

Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan pala ang tinutukoy nitong mabubulag ang mga saksi.

Si Timmy na nakatulog sa kaiiyak ay niyakap ko nang mas mahigpit.

"Tobbie, you're an...angel," I whispered.

illinoisdewriter

A/N:

This case was inspired from the Shake, Rattle and Roll VIII 'LRT' starring Marilyn Reynes. Kaya Mari ang ginamit ko 😂.

Get ready to know the primordial being Eve and on what really happened to her on the next update tapos epilogue na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top