Epilogue
Epilogue
Soundtrack: Unsteady by X Ambassadors
Hold
Hold on
Hold on to me
'Cause I'm a little unsteady
A little unsteady
Hold
Hold on
Hold on to me
'Cause I'm a little unsteady
A little unsteady...
"Ate Coco, you're not done telling me pa about Mystic Club."
She turned off the stereo and from staring blankly at the glass window, she looked over her right shoulder to see her eleven-year old cousin who was still standing at the other side of her bed, eagerly waiting for her to resume her story about Mystic Club.
"Where are they na ba?" she asked.
Ang dating clairempath ay hindi na kakikitaan ng kahit na anumang ekspresyon sa mukha na tila ba naubos na lahat ng kanyang mga emosyon.
People around her would notice a twitch on her lips sometimes if she if wanted to smile or laugh. However, she's lacking emotional responses most of the time.
She hasn't smiled, laughed or even cried genuinely since she woke up from her coma.
Walang kahit ano.
Blangko lahat.
Maging ang kanyang berdeng mga mata ay tila nabawian na rin ng kinang at buhay.
"Hindi mo ba sila nakikita? Nasa likod mo lang, nakatayo," mahinang sabi ni Coco.
Namutla si Maggie sa sinabi ng pinsan at dahan-dahang binalingan ang kanyang likuran na wala namang tao. Kumaripas nang takbo ang pinsan palabas ng kwarto sa takot sa kanya at sa mga pinagsasasabi niya.
"Mommy! Mommy!" Maggie called out her mom who just ascended to the second floor of their house.
"What's wrong, Maggie?"
"Ate Coco's scaring me na naman. She told me she saw her club sa back ko, nakatayo," pagkukuwento niya sa ina.
Mabilis na bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Caroline sa narinig. Ngayon ay nagdadalawang-isip na naman siya kung tama bang hinayaan niya si Coco na pumasok na unibersidad upang makapag-aral sa kolehiyo.
She made Coco take the acceleration exam for college. She was so happy when her niece got a passing score. It was a chance for Coco to experience a normal life despite her illness and she wants to give her that. She wants to give her everything. Lahat ng mga bagay na hindi naranasan ni Coco sa loob ng sampung taon dahil sa kanyang coma. She wants to give her the best that life could offer and she promised to Charlotte and to herself to give her niece that.
Sa loob ng sampung taon ay napansin ni Caroline na tila nawalan na ng pag-asa ang mga tao sa paligid niya na magigising pa si Coco. But she did not gave up and fought for her niece's life. Kaya ngayong kasama na nila ito ay hinding-hindi niya susukuan ito kahit ano pang mangyari.
Ipaparamdam at ibibigay niya kay Coco lahat ng pagmamahal ng isang ina. Bagay na hindi na nagawa pa ni Charlotte dahil maaga itong nabawian ng buhay dahil sa aksidenteng nasangkutan nito at ng pamangkin noon. Ituturing niyang tunay na anak at normal si Coco. Kahit tingin pa ng ilan na magiging katulad ito ng tatay nito na kung tawagin ng lahat ay may sakit at mapanganib.
Coco's father was the reason why they got into an accident the night her mother also died when she was eight. He escaped from the mental institution where he was detained to meet his daughter whom he had never seen and to be with them. He disguised himself as a taxi driver that night. Tiyempo pang may bagyo noon.
An omen that hinted the start of their demise.
"Ang tatay mo anak ay..."
Muling kumulog nang sobrang lakas na para bang nagagalit ang kung sinumang nasa langit dahilan upang hindi marinig ni Coco ang sunod na sinabi ng ina.
Charlotte didn't tell her anything about her father. Masyado pang bata ang anak para maintindihan ang lahat lalo na at hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa anak na hindi nila pwedeng makasama ang ama nito dahil delikado. Gelm Apollo Cavendish is bad news. He was a soldier from the British Army whom Charlotte had given her whole heart.
Noong una ay naging maayos ang pagsasama nilang dalawa. He showed Charlotte so much love that made her oblivious of his true nature and psychotic tendencies.
However, secrets are like slick and slithery reptiles you couldn't hold for so long because it's both dangerous and resistant.
It did slipped from Gelm's grasp and Charlotte discovered it in the most gruesome way she had ever known. She witnessed how Gelm offhandedly killed his parents. He was unarmed but he easily broke their necks when they disagreed on him leaving the army and wouldn't want him to be with her because of their status.
Nagimbal si Charlotte sa nasaksihan. This wasn't the man she married and she doesn't want their child to live with fear. Nagpatulong siya sa ate niyang si Caroline at sa mayamang asawa nito na si Joseph upang hulihin si Gelm at ipagamot.
Magkakasunod na kidlat ang tumama papunta sa direksyon ng taxi nila. Iyak ng iyak ang batang si Coco samantalang hinigpitan naman ni Charlotte ang pagyakap sa anak nang marahas na iniliko ng driver ang taxi sa gilid.
Nanlalabo na ang mata ni Coco kaya buong akala niya ay natamaan ng mismong kidlat ang sasakyan nila. May narinig siyang boses ng lalaki bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"Her eyes resemble mine," nakangiting saad ni Gelm at silip sa rearview mirror matapos iangat ng brim ng sumbrero niya. His green eyes bore into hers.
Nagulantang si Charlotte. Napalunok siya sa takot at mas hinigpitan ang yakap sa anak na nawalan na ng malay.
"Gelm, bakit nandito ka?"
"I left the institution to return home," he smiled again but Charlotte wasn't taking any of that. He's too dangerous.
"Gelm, please. Tahimik na kami ng anak natin. Gusto ko siyang bigyan ng normal at masayang buh-"
He furiously turned to her at the backseat and snapped, "Happy without me? The bloody hell! She was obviously looking for me!"
Namuo ang mga luha sa mga mata ni Charlotte at nagmakaawa. She's sure that the authority was searching for him now.
"Gelm, please. Tama na. Kailangan mo ng tulong. Ang mga tao roon lang ang makakatulong sayo."
"No, Charlotte! No!" Gelm angrily shook his head more than five times.
Maya-maya pa ay sinabunutan na niya ang buhok at hinihingal na pinapakalma ang sarili. Charlotte tried opening the door while Gelm was having psychological attacks but he made sure it was locked.
Niyakap ni Charlotte si Coco saka niya buong lakas na siniko ang bintana ng taxi. Hindi niya ininda ang mga sugat na natamo niya sa kanyang braso.
Muli niyang sinulyapan si Gelm na wala parin sa sarili at panay parin ang pag-iling at pagsabunot sa buhok sabay bulong nang paulit-ulit ng salitang hindi sa Ingles. She will take this chance to escape. Subalit bago pa man niya magawa iyon ay hinila ni Gelm ang buhok niya dahilan nang pag-upo niya ulit.
He slapped her hard on the face and shouted while still holding a fistful of her hair, "You're not going anywhere! Magsasama na tayo ng anak natin!"
He kissed her before letting her go and going back to the driver seat. He maneuvered the steering wheel and Charlotte was silently crying as she watched him drove through the dark and stormy road.
Charlotte observed very carefully. Gelm was vulnerable of the attack from the back especially that he's driving. When she made up her plan, she placed the unconscious Coco beside her and put a seatbelt around her.
Pinunasan ni Charlotte ang mga luha at naghanda. Mahal niya si Gelm but he has gone mad and really dangerous this time. She saw how he mercilessly killed his own parents and she doubted if he can restrain himself from doing that to them. She has to save Coco.
Mula sa backseat ay sinakal ni Charlotte si Gelm gamit ang kanang braso niya nang buong lakas. Nagpageywang-geywang sasakyan nila dahil nawalan ng pokus si Gelm. Nahihirapan pa siyang aninagin ang daan dahil sa lakas ng ulan. He was planning to pull over at one side to stop Charlotte but he turned right and the next thing he knew was that the cab they were in fell on a sloppy area. He was losing consciousness due to the impact but the last thing he saw was his wife's bloodied face and body smashed on the front of the cab.
Umugong ang mga balita tungkol doon kinabukasan. Caroline rushed to the hospital along with her sister Colleen upon hearing the news.
Naisugod sa ospital ang tatlo. Laking pasalamat ni Caroline sa Diyos at kaonting sugat at galos lang ang natamo ni Coco. Stable na rin ang kalagayan ni Gelm pero sa kasamaang palad ay nahuli na ang rescue team sa pagsaklolo kay Charlotte dahil doon pa lamang pagkatapos ng insidente ay bumigay na ang katawan nito.
Pumanaw na si Charlotte.
Nanghina ang mga tuhod ni Caroline sa narinig at dahan-dahang siyang napaupo sa sahig ng ospital. Humagulhol siya at naglumpasay sa sahig. Namatay ang kapatid niya pero wala siyang nagawa para iligtas ito.
Kaagad naman siyang dinaluhan ni Colleen na hindi na rin magkamayaw ang mga luha sa pag-agos.
Nang mahimasmasan ay tumayo si Caroline at matapang na tinanong ang nurse na nagbabantay sa desk na iyon.
"Nasaan si Gelm Cavendish?"
"Ma'am, kaano-ano niyo po siya? Hindi po kami pwedeng magdisclose ng information ng pasyente kung kani-kanino la-"
Hinampas ni Caroline ang counter nang pagkalakas-lakas dahilan upang mapatalon sa gulat at takot ang nurse.
"Sasabihin mo o sisisantehin kita," banta ni Caroline sa nurse. Her husband has some connections who can surely do that.
Napilitan ang nurse na sabihin ang room number na kinaroroonan ni Gelm. Caroline didn't waste any time and rushed to where is he.
The doctor who just came out from Gelm's room tried to stop her from barging in. Hindi naman nagpapigil si Caroline sa pagpasok.
"Nurse! Nurse!" the doctor called out for more nurses to stop her.
"You!" nanggagalaiting duro ni Caroline kay Gelm na nakaupo sa kama nito.
Mabilis na lumapit si Caroline sa lalaki at sinampal ito nang buong lakas niya at galit. Maagap namang umawat ang mga sumaklolong nurse sa kanila. Inilayo nila si Caroline sa pasyenteng hindi man lang mababanaagan ng kahit na anong emosyon.
"Kasalanan mong lahat ng ito! Kasalanan mo kung bakit...kung bakit wala na si Charlotte!" sigaw ni Caroline habang nagpupumiglas sa mga nurse.
Gelm sharply looked at her. "What do you mean?"
"She's dead! Charlotte's...dead..." she cried.
"That's not true! You're lying!" sigaw ni Gelm.
Yumuko ang lalaki at nagpailing-iling habang sinasapo ang ulo.
"Hindi...Hindi pwede...hindi pwede.. Babawi pa ako sa kanila ng anak ko.."
Kumalma si Caroline sa nasaksihan. Naguguluhan si Gelm. Hinawi niya ang kamay ng isang nurse.
"Siguro...siguro tama ngang hindi ka nakilala ni Coco. Tama ngang hindi niya nakilala ang masamang taong tulad mo," ani Caroline at lumabas na ng kwartong iyon. She then went to check and comfort Coco in her room.
NAALIMPUNGATAN ANG BATANG si Coco nang maramdaman ang palad na humahaplos sa pisngi niya.
"Sino po kayo?" tanong niya sa lalaking bumungad sa paningin niya.
She noticed how similar his green eyes were with hers. The man smiled at her but she saw unshed tears that glistened in his seemingly alluring eyes.
"I'm your father."
"Ta-tay?" she stuttered and he nodded.
"Patawarin mo ako, anak. I'm so sorry for what happened to your nanay," he sobbed.
Nakatingin lang sa kanya si Coco. The little girl didn't know how and what to react. She's been looking for him but now that he's here, she doesn't know what to do. She just watched him cried and apologized until he suddenly laughed. Nanatiling nakatitig sa kanya ang anak. Naguguluhan man ay hindi ito kakikitaan nang anumang emosyon.
"Nasaan po si nanay?" she asked which silenced her father.
She saw how his eyes dulled, the sparkle died, then he left her alone inside her room.
Nang sumunod na gabi ay dumalaw ulit ang tatay niya sa kwarto niya. Pilit siya nitong hinihila upang sumama sa kanya.
"Halika na, anak. We'll go to your nanay. We'll become a complete happy family now," he smiled with dilated pupils and dead eyes.
Umiling ang batang si Coco at nagpumiglas. Natatakot siya kahit na gusto niyang puntahan ang nanay niya. Sinabihan siya ng Tita Caroline niya na delikado raw ang tatay niya kaya kailangan itong iwasan ni Coco. Kay hindi rin daw kinukwento ng nanay niya ito sa kanya dahil doon. Ipinaliwanag din nito na magkasama na ang nanay niya at ang kanyang lolo't lola sa langit.
Kahit gusto niyang puntahan ang nanay ay natatakot si Coco na baka kapag sumama siya sa ama ay hindi na siya makabalik pa. Hindi niya pa naman alam ang daan pabalik mula sa langit.
Coco didn't tell a single soul about her father visiting her every night. Tanging ang diary lang niya ang nakakaalam ng lahat ng iyon. Her diary was her only confidante. Kahit na minsan ay nahihirapan siyang magsulat dahil magulo ang isipan niya at hindi alam ang sasabihin ay naniniwala siyang naiintindihan na nito ang ibig niyang ipahayag.
Gabi-gabi siyang binibisita ng ama niya sa tuwing walang nagbabantay sa kanya. Her Tita Caroline was taking care of her one-year old daughter Maggie at home at pinagpapahinga narin ito ng asawa sa sobrang stress. Tuwing umaga hanggang hapon ay nakabantay ito sa kanya. Sa gabi naman ay salitan ang Tito Joseph niya at Tita Colleen niya. However, there are times when they arrived late or if they fell asleep deeply that they didn't notice the time or her father entering her room.
Madalas nagkukwento ang tatay niya sa kanya tungkol sa kanila ng nanay niya pero maya-maya pa ay tatahimik ito saka matutulala sa kawalan. Bagay na madalas ding gayahin ni Coco. The silence felt comforting for her. The voices inside her head were telling her another stories and then she would listen.
Hanggang sa isang gabi ay pumasok ang tatay niya at inalok ulit siyang sumama sa kanila ng nanay niya.
She cried and shook her head.
Ayaw niya.
Natatakot siya.
Hindi niya pa alam ang daan pabalik. Baka maligaw siya sa langit at hindi na talaga makabalik. Ito ang pinapaniwalaan niya.
Her father stopped, hugged her tightly and kissed her forehead. He whispered his apologies then he let her go and smiled at her. Then, he mouthed, "Mahal kita, anak."
Inangat nito ang hawak na baril sa ulo at pinutok. Tumahimik ang buong paligid.
This time the silence didn't comforted the little girl. It horrified her along with the sight of her father lying cold on the ground covered with his own blood and a bullet hole in his head.
Caroline decided to adopt Coco and treat her niece as her own child. Days had passed and she noted something about her.
Isang araw, napasugod sa ospital malapit sa school nina Coco sina Caroline at Joseph at iniwan muna si Maggie kay Colleen dahil tinawagan sila ng guro ng pamangkin. She was so worried about her.
Kinausap ng nurse at guro ang mag-asawa. The teacher told them that Coco was screaming at their class. The little girl was horrified and pointed at something they couldn't see at the board. Takot na takot ang itsura nito. Tapos kinuha raw nito ang lapis at bigla na lamang sinaksak sa kamay ang isang kaklase niya.
"Hon, nag-aalala ako," panimula ni Joseph habang hawak sa balikat ang asawa.
"Paano kung matulad si Coco sa tatay niya?" he continued.
Caroline crossed her arms around her chest and looked incredulously at her husband. She doesn't like what she's hearing.
"What do you mean?" she asked back, almost a whisper.
Sinulyapan ni Joseph ang wala paring malay na si Coco na nakahiga sa hospital bed. Naaawa at nasasaktan siya para sa pamangkin. She's been through a lot and those were not easy. They were the tough ones.
"Paano kung..." Lumunok si Joseph.
"Paano kung tulad ni Gelm ay may sakit din siya at mapanganib?" bulong nito.
Nanlaki ang mga mata ni Caroline sa sinabi ng asawa. She saw it coming but she decided to push it aside. Gagawin niya ang lahat para kay Coco. She will not give up on her.
Binuwag ni Caroline ang pagkakahalukipkip at matamang tiningnan ang asawa.
"I'll do everything to save her. Gagawin ko lahat," she promised.
Ang hindi nila alam ay naririnig ni Coco ang mumunting bulungan nila. Naguluhan ang bata kung anong pinag-uusapan nila at kung bakit kailangan pa nilang bumulong.
Coco became silent and impassive and catatonic each passing day. This was what Caroline noticed. Kaya nilalayuan na rin ito ng ibang mga bata. Maliban na lamang sa best friend nitong si Tobbie na nanatili sa tabi ng kanyang pamangkin.
"Buko, anong wish mo?" tanong ni Tobbie sa matalik na kaibigan habang hawak-hawak ang lunch box nilang dalawa.
Coco stared blankly ahead. Biglang umalon ang paningin niya sa mga batang naglalaro sa parke hanggang sa nag-iba iyon. Dumilim ang buong paligid at ang mga bata kanina ay naging duguan at malungkot na nakatitig sa kanya.
"Malungkot sila, Tobs. Ma...malungkot din ako... Hindi ko alam... Wala akong alam..." Umiling si Coco at sinapo ang ulo.
Tumayo si Tobbie nang mapansin ang nangyayari sa kaibigan. Inayos niya ang pagkakasabit ng lunch box nila sa magkabilang balikat niya at hinawakan ang kanang kamay ng kaibigan patayo.
"Halika na, Buko. Uwi na tayo. Nagluto raw ng paborito mong adobo si Tita Caroline. Invite mo kong kumain ha," nakangiting sabi ni Tobbie sa kanya.
Kita ni Coco ang kabungalan ni Tobbie. Tipid siyang ngumiti at tumango rito saka na nila tinungo ang daan pauwi.
Mahilig magkwento si Tobbie sa kaibigan. Naibahagi rin nito kay Coco ang tungkol sa napanood na pelikula at ang kwento ng Lola Aura maging ng mga matatanda sa probinsya nila na tungkol sa bulong sa patay. Tutuparin daw nito ang anumang kahilingan nila kung ibubulong nila sa patay.
"Malayo pa 'yong birthday natin, Buko. Siguro kung may lamay pwede tayong bumulong sa patay para mag-wish!" humahagikhik na ani Tobbie.
He wasn't taking it seriously but Coco thought otherwise.
One cloudy afternoon, Coco was walking her way home alone. She left Tobbie at school because she wanted to find happiness. Something she had long forgotten.
Paano nga ba sumaya?
Paano niya hahanapin 'yon?
As she wandered the busy and nosiy street, she kept asking that questions.
Gusto niyang sumaya pero hindi niya alam kung paano.
Sa sobrang gulo ng isip niya ay hindi niya namalayang may humaharurot na truck palapit sa kanya at bumubusina na ito. Nawawalan na pala ito ng break. Abala rin ang mga tao sa paligid kaya hindi nila napapansin ang bata maliban na lamang sa isang babaeng mabilis na tumulak kay Coco bago pa siya mabangga ng truck.
Nang mabangga ang babae at duguang humandusay sa sementadong sahig ay doon lamang napansin ng mga tao ang nangyayari. Nagsisigawan sila at humihingi ng tulong. Ang truck naman ay lumiko at bumangga rin sa pader.
Naestatwa ang batang si Coco sa kinauupuan niya habang nakatingin sa babaeng nagligtas sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin. Naghihingalo na ito at maingay ang buong paligid.
The noisy people around her became a deafening static sound. Coco covered her ears, shook her head, and breathe for air. Kinakapos siya ng hininga at unti-unti na namang umaalon ang kanyang paningin.
Ilang saglit pa nang mag-angat siya ng tingin ay nagbago ang buong paligid. Silang dalawa lang ng babaeng nagligtas sa kanya ang naiwan. The young woman was still looking at her but this time, she was extending her right hand to reach her.
Tumayo siya at mabilis na tumakbo papunta sa babae at niyakap ito. Then, she remembered what Tobbie told her once.
Bulong sa patay.
Overwhelmed by her desire to be happy, Coco whispered it to the young woman and the wish began taking its toll on the both of them.
"Coco, nasa baba na si Tobbie. Hinihintay ka na niya. Sabay na raw kayong pumasok," nakangiting hayag ni Caroline kay Coco.
Tumango ang dalaga at kinuha na ang kanyang bag saka sinukbit ang strap nito sa magkabilang balikat niya.
Huminto siya sa may pintuan kung saan nakatayo ang Tita Caroline niya. Hinawakan siya nito sa kamay nang mahigpit sabay ngiti.
"Mag-iingat ka. Promise me you'll be fine."
Tumango si Coco. "Opo."
Nagpaalam na siya at tinungo na ang baba upang puntahan si Tobbie na nag-aantay sa may gate nila.
Naabutan niya pa ang pinsang si Maggie na sumisilip sa bintana. Nang makita siya nito ay sinabayan siya nito hanggang sa gate kung nasaan si Tobbie.
Paglabas ni Coco ng gate kay kaagad niya itong nakita na nakatayo roon, nag-aantay sa kanya. Nakasukbit din ang bag nito sa likuran at nakasuot ng uniporme nila sa University of Portofino.
"Buko!" tawag nito sa kanya matapos isubo ang natitirang piraso ng sandwich na isa sa mga almusal nito.
Tinitigan ni Coco nang maigi ang kanyang best friend. Ibang-iba ito sa Tobbie na natatandaan niyang kasama niya sa loob ng sampung taong na-coma siya. Ang totoong Tobbie na nasa harapan niya ay malaking lalaki na malaman. Sa madaling salita, mataba. Pero maliban doon ay ganoon parin ito. May maamong mukha at maputi.
"Halika na?" aya nito sa kanya. Tumango siya kaya nagsimula na silang maglakad pero agad ding napatigil nang magsalita si Maggie.
"Bye Ate Coco! Bye Tobbie! Always make ingat ha. You make promise pa naman to me that we'll get married soon!" paalam ni Maggie sabay hagikhik habang namumula.
"Maggie, ang bata-bata mo pa! Uubanin ako kahihintay sa'yo," biro ni Tobbie.
"I'm eleven na kaya! And don't worry na kasi I'm saying yes to you na. We're mag-jowa na!" natutuwa naman nitong ganti.
Napailing na lang si Tobbie. Crush na crush talaga siya ng conyong pinsan ni Coco. Nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa UP. Walking distance lang iyon kaya mas maigi kung lalakarin lang nilang dalawa.
"Bakit kaya hindi tayo crush ng crush natin?" bulong bigla ni Tobbie sabay lingon kay Coco na tiningnan lang siya.
Napabuntong-hininga ang binata at nagpatuloy sa pagpapaliwanag. He's keeping Coco entertain with his stories.
"Kasi crush ko si Taki pero malabo namang mapansin niya ako. Tapos crush naman ako ni Maggie pero ang bata niya pa at hindi alam ang sinasabi."
"Tobs?"
"Hmm?"
"Nasaan ng pakpak mo?"
Napakurap si Tobbie sa biglaang tanong ni Coco habang nakatitig sa likuran niya. Binalingan niya pa ang likod niya bahagya at baka may kung anong nag-trigger na naman kay Coco pero wala naman. Plain black lang ang bag niya.
He shook his head and chuckled.
"Pakpak? Ah, chicken wings ba tinutukoy mo? Gusto mong kumain ng chicken wings? Sige, ililibre kita mamaya," he jeered to divert Coco's attention.
"You're an angel, Tobs," Coco insisted, her pupils dilated and her eyes were nothing but dead.
"Buko, tingnan mo anong oras na at baka ma-late tayo."
Coco's eyes landed on her digital wristwatch. She watched the seconds changed each time and reality hit her back.
"It's 7:39 am."
Tumango si Tobbie at ngumiti saka sila nagpatuloy sa paglalakad.
Natatandaan ni Coco ang lahat ng mga nangyari sa kanya sa loob ng sampung taon. Ang mga nangyari sa kanya habang comatose siya. She remembered the pseudo life she had live throughout those ten years.
Lahat-lahat, maliban sa isang bagay.
Maliban sa isang nilalang.
Nakalimutan niya ang nilalang na siyang tanging makapagpapaliwanag ng lahat ng iyon sa kanya. She completely forgotten Eve and everything about her. In her memories, there's no primordial being, no Eve.
Natatandaan ni Coco si Wren na siyang taong hinahangaan niya noong masayahing bata pa siya at bago mangyari ang mga bangungot sa buhay niya. He was her childhood crush. Pero ang ikinagulat ni Tobbie ay kung bakit kilala ni Coco sina Winona, Taki, MaJoy at Rad gayong comatose na siya nang mag-high school si Tobbie.
Ang gulat ni Tobbie ay kaagad ding napalitan ng mahinang halakhak nang mapagtanto niyang sinabihan pala sila ng doktor na naririnig ni Coco lahat ng sasabihin nila kaya tuwing hapon o weekend ay dinadalaw ni Tobbie ang kaibigan upang kwentuhan ito habang nasa coma pa ito. Marahil ay natatandaan ni Coco ang mga naikwento niya.
It was true. Coco heard everything and so she employed them as characters in her own story, in her own world.
The story that Eve made possible.
Totoo si Wren subalit hindi siya isang hybrid. Siya kasama nina Taki, Majoy at Rad ay simpleng mga tao lamang. Si Winona ay totoong witch subalit maging ang bagay na ito ay tila nakalimutan ni Coco. Ang alam at naaalala niya lang ay telepath ito na kasama niya sa Mystic Club.
Para bang lahat ng katotohanang hindi kapani-paniwala sa mundo ng normal na tao ay dinala ni Eve at kasabay niya ay naglaho rin ang mga ito sa isipan ni Coco.
When she woke up from her ten-year long slumber, people around her told her that there were no Greek gods and goddesses. No demons, no vampires, no shape shifters, no angels, faeries, ghouls and other supernatural creatures.
No Lilith, no Rumpelstiltskin, no Azrael, no Thygo and no... Cameron.
She insisted they were true but the people around just told her the truth. She was lying comatose for a whole decade and they weren't true.
Nabahala sina Caroline sa pamangkin. They made her see a specialist and undergo a psychiatric evaluation. The result broke Caroline's heart but she didn't give up on Coco.
Her beloved was diagnosed with unspecified schizophrenia.
The specialist who evaluated Coco explained that her niece was showing symptoms that met the general conditions for the diagnosis but they do not fit on any of the categories of schizophrenia. Dagdagan pang may history ang ama ni Coco sa nasabing sakit. The illness has been passed on her genetically and her traumatic experiences just triggered it to surface.
"Class, remember that our minds are naturally creating mental pictures of people. Kaya masasabi nating sa dami ng mga taong nakakasalamuha natin sa isang araw, isa o ilan sa kanila ang hindi totoo. Now, I want you to incorporate that idea in our class today. Create a mental picture of a person so that you can make a better portrait," paliwanag ng propesor nina Tobbie at Coco sa isa sa mga subject nila sa kursong Fine Arts.
Tobbie exclaimed when he was done with his portrait. He drew his own face and admired it for a couple of minutes.
Seryoso si Coco habang tinatapos ang charcoal portrait niya ng isang mahalagang taong natatandaan niyang isa sa mga nagbigay kulay sa mundo at buhay niya sa mahabang panaginip na iyon.
"Buko, sino 'yang ginuhit mo?"
Sinilip ni Tobbie ang gawa ni Coco nang matapos ito. Nanlaki ang mga mata at napaawang bahagya ang bibig niya sa gulat.
Pamilyar iyon.
"Uy, kamukha 'yan ni Dr. Don-" puna niyang hindi natuloy.
"Okay, class, just leave your works on your desk and let's call it a day," anunsyo ng propesor nila.
Mabilis na nagligpit ng gamit si Tobbie. Gutom na kasi siya. Pagkatapos magligpit ni Coco ay hinatak na niya ito papunta sa Katipunan Road kung saan nakahilera ang mga stall ng iba't ibang pagkain.
Nakatayo silang dalawa sa stall ng isawan. Binalingan ni Tobbie ang kaibigan upang magtanong.
"Ilan ang gusto mo?"
"Dalawa lang," tipid na sagot ni Coco.
"Manong, sampu nga pong isaw," sabi ni Tobbie sa nagtitinda.
"Bakit sampu?" Coco's brow slightly twitched as if she was furrowing.
Tobbie chuckled. That was an achievement.
"Akin 'yong walo," ngiti ni Tobbie sa kanya.
"Hoy, Tobbie Taba!"
Napalingon si Coco sa banda nina Marky na may kasamang dalawa pang lalaki nang tawagin nito si Tobbie.
Binigay ni Tobbie kay Coco ang dalawang isaw nito nang hindi binabalingan ang bully na tumatawag sa kanya.
"Tawag ka nila," usal ni Coco.
"Hayaan mo sila. Nakakawalang-ganang kumain kung papansinin ko pa sila."
"Hoy, tabatchoy! Bakit hindi ka namamansin? Siguro guilty ka no?! Guilty ka kasi totoong dito ka nag-aral sa UP dahil sinusundan mo si Taki!"
Si Taki kasi ay nag-aaral din sa UP. Kumuha siya ng kursong Education na major sa Special Needs. Sina MaJoy at ang nobyo nitong si Rad naman ay nanatili sa Wale University. Si Wren ay huminto muna sa pag-aaral nang malaman nitong buntis si Winona. Magtatrabaho muna ito bilang profiler sa police station kung saan nagtatrabaho ang tatay niya.
Iyon ang kwento ni Tobbie kay Coco. Mga barkada kasi ito ng binata noong hindi pa nagigising si Coco.
Kumunot ang noo ni Tobbie at bumulong-bulong na lang. Ayaw niya kasi ng gulo lalo na at nandyan si Coco. Baka bigla na lang ma-trigger ang kaibigan niya at atakehin ulit. She's having frequent hallucinations and delusional attacks but her antipsychotics are sedating her along with some reality check techniques she learned from her psychiatrist.
"UP lang 'yong may Fine Arts, para alam mo," bulong niya nang di parin binabalingan ang lalaki.
"Hoy, sumagot ka! 'Wag ka ngang bulong nang bulong d'yan sa kaibigan mong krong-krong!"
Mabilis na natagpuan ni Marky ang sariling nakahandusay sa sementadong sahig habang sapo-sapo ang pumutok na labi nang suntukin siya ni Tobbie. Ang mga estudyante at tinderong nandoon ay kaagad na umawat bago pa man lumala ang sitwasyon.
"Titiisin ko lahat ng panlalait mo sa akin pero 'wag na 'wag mong idadamay ang kaibigan ko! Hindi mo siya kilala at hindi mo alam ang pinagdaanan niya!" hinihingal na saad ni Tobbie.
Binalingan niya ang best friend na nanatiling nakatayo at nakatitig sa kawalan. Ayaw na ayaw niyang naririnig ang panlalait ng mga tao kay Coco.
Hindi ito krong-krong, wala itong saltik at sakit para kay Tobbie.
Best friend niya ito mula noon at panghabambuhay.
Ayaw niyang sukuan ang kaibigan dahil iyon ang bagay na higit na kailangan nito ngayon.
Kinalma ni Tobbie ang sarili at nilapitan ang kaibigan na ngayon ay kasama na si Taki na hindi niya namalayang lumapit pala rito nang magkagulo.
"Iuuwi mo na ba siya?" nag-aalalang tanong ni Taki kay Tobbie paglapit nito sa kanila.
"Hindi pa. Ihahatid ko pa siya sa clinic ni Dr. Donovan. Schedule ng psychological counseling niya ngayon," tugon naman ng binata. Tumango si Taki.
"Sasamahan na kita."
Hinatid nina Tobbie at Taki si Coco sa clinic ni Dr. Donovan Pascual, ang psychiatrist niya. Bilin ng Tita Caroline niya na siya na ang susundo sa kanya pagkatapos ng counseling niya sa araw na iyon.
Pinauwi na rin ni Coco si Tobbie upang makapagpalamig. Coco assured him that she will be fine there. She tried to smile at him but her lips only twitched. Tobbie smiled at her. He completely understood what she was trying to do. It's just that it had been difficult for Coco to give the right emotional responses since she woke up.
Tobbie patted Coco's head and bid goodbye. She also encouraged Taki to follow Tobbie outside so that they can talk. Hindi kasi namamansin ang best friend niya matapos iyong nangyari kanina.
Noong una ay umayaw pa si Taki pero maya-maya pa ay niyakap na niya si Coco saka lumabas upang sundan si Tobbie.
Nang makaalis na ang dalawa ay napatingin si Coco sa katabi niyang tahimik ding naghihintay. He was staring at nothingness with dull eyes. He looks four years younger than her.
May magandang babaeng lumabas sa isa sa mga pinto. Kaedaran lamang ito ni Coco. Nilapitan nito ang binata at inaya na.
"You have your doctor's permission to study in school for real. You'll spend your senior high school like a normal student now," masayang anunsyo ng dalaga sa binata.
Nang mapansin nito ang paninitig ni Coco ay binalingan niya ito at nginitian. Coco didn't smile back. She can't and the young lad understood why.
"Ako nga pala si Bethany and this is my brother Clayton. Natutuwa lang ako kasi hindi na siya magiging homeschooled sa senior high school niya. I want him to experience how great life is outside of our home."
Hindi alam ni Coco ang sasabihin. Hindi rin siya nakapag-senior high sa totoong buhay.
Sa panaginip niya lang.
Nang tumawag ang mga magulang nina Bethany at Clayton ay nagpaalam na ang dalaga kay Coco at tuluyan na silang umalis.
Napatingin ulit si Coco nang bumukas ang isa pang pinto roon at lumabas ang isang gwapong lalaking may blond na buhok. He was wearing a navy blue scrubs. Pamilyar iyon kay Coco dahil iyon ang uniporme ng mga Forensics students ng UP.
Bakas ang gulat sa magandang mukha ng binata nang makita si Coco pero kaagad din niya itong nginitian. He closed the door behind him and walked near her.
He stopped on the seat in front of Coco. Ibinaba nito mula sa kanang balikat ang strap ng kanyang satchel bag at nilapag sa katabi nitong upuan saka siya naupo.
"Kamusta ka na?" he asked.
Naguluhan si Coco pero hindi iyon mababanaag sa mukha niya. Her expressions remained blank.
"Magaling ang mga doktor nila rito. I can guarantee you that. They helped me live a normal life," aniyang nakangiti parin.
Rumplestle Sandros, who just had his appointment with the same psychiatrist as Coco's, can perfectly remember her.
Alam din nitong sinadya ni Eve na burahin ang mga alaala nito tungkol sa kanya at sa ilan pang espesyal na mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensa at teknolohiya.
It's for Coco's sake and this will help her heal better.
Rum held Coco's hand and smiled softly at her. She looked at the silver bangle on his right wrist. Just like her watch, she knew it has a purpose.
"Truth is always stranger than fiction. Although your adventures may not be true, but your heart believes they were and that's already enough. For now, just embrace the truth because it will give you peace and will make you truly happy."
Tumango si Coco sa bilin ng binata. She felt comforted with those words.
"Quizon, Colbie Corryl- Oh!"
Napatigil ang dalagang nurse nang mag-angat ng tingin mula sa hawak na clipboard at makita ang dalawa.
Rum let go of Coco's hand and smiled assuringly at her. Then, he turned to the nurse.
"Akala ko umuwi ka na, Rum," anito.
Kinuha ni Rum ang satchel at sinabit na sa balikat saka tumayo.
"Nakipagkilala lang po saglit kay Coco, Nurse Kaina."
Nagulat ang looban ni Coco roon pero nanatili lang siyang titig dito gamit ang mga matang walang emosyon. Hindi siya nagpakilala sa lalaki kaya nagtataka siya kung bakit nito nalaman ang pangalan niya.
"Sus! Sumisimple ka lang e. Bakit kasi wala ka pang girlfriend?" panunukso ng kaibigan niyang nurse.
Napakamot naman si Rum sa kanyang batok, nagdadalawang-isip sa isasagot.
"May girlfriend na po ako," he replied with a sheepish smile.
"Talaga? Kailan pa? Bakit hindi mo pinakilala?"
"Matagal na po kami pero ayaw niya lang ipaalam sa iba. Mauuna na rin po ako kasi magluluto pa ako at baka nagugutom na naman 'yon," Rum chuckled lightly. He then turned to Coco and smiled.
"Aalis na ako. Magpagaling ka ha," he reminded her before he lowered his head, leaned in and pecked on her right cheek.
"Pa-fall ka talaga, Rum! Lagot ka kay doc!" Nurse Kaina laughed.
When Rum left, Nurse Kaina guided Coco inside the room where she will be meeting Dr. Donovan Pascual. He's the youngest psychiatrist in town. Sa edad na bente-singko ay marami na itong naabot sa buhay. Kilala rin ito dahil sa maamong itsura.
Coco sat on a single chair, waiting for her psychiatrist who took a short break, to arrive.
Biglang umalon ang paningin ni Coco nang ilibot niya iyon sa paligid.
The office turned into nothingness in her eyes. Stars began to twinkle one by one before her, illuminating the darkness. The scenery became a little universe with different lights suddenly glowing everywhere. The moon and the sun met at one point. Then, there were bright butterflies hovering around her head. She held her right hand up and reached for them. When one landed on her index finger, she felt herself smile.
"Coco," Dr. Donovan called.
Napabaling si Coco sa kanya. Then, she stretched her lips into a smile when she saw him.
"Cameron, masaya akong nakaligtas ka," she mumbled.
The psychiatrist advanced near her and cupped her cheeks then he noticed her pupils dilating. She's having delusional attacks again.
Hawak-hawak ang mga kamay ni Coco ay naupo ito sa harapang upuan ng dalaga.
"Coco, can you tell me where is your wristwatch?"
Tila natauhan ang dalaga at mabilis na napatingin sa kanang palapulsuhan niya kung nasaan ang relo niya. Bahagya niya iyong inangat upang ituro sa doktor.
"Can you tell me the date today?"
Coco nodded and stared at her digital watch.
"Monday, April 6, 6:45 pm," she whispered.
Donovan noticed her pupils returning to normal but he was surprised to see tears glistening in her eyes until they streamed down her cheeks.
"Hindi sila to-too..." she cried.
"Hindi siya...totoo..." she's referring to Cameron whom she had mistaken the doctor for.
She looked at him when he cupped her cheeks and wiped the tears away.
"Gagaling ka, Coco. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka," Donovan swore as he smiled at her.
• • • THE END • • •
Please take time to read this:
Even before I started writing MCTPD, I've already came up with this conclusion in mind. I told myself na kahit shaky ang body, I will make sure I will end this way.
This is is not a sad ending for me because Coco needs the truth and that is the only thing that will give her peace and true happiness.
First of all, I want to apologize for being on hiatus unannounced for 2-3 years. It's just that writing had been hard for me especially when I got to college. I really need to work hard to keep my scholarship that's why I've given all my focus in there.
However, with everything that's happening around us (I hope this ends soon), I told myself that I will not just end where I last left and keep you hanging. I will not settle without telling this story to the world.
My intention in writing this story is to share something about forgiveness, faith, self-worth, love of family and friends. Moreover, I want to convey my message, my advocacy to others that people like Coco are not something to be fixed, they are someone to be accepted. I will always and forever salute those people who are Tita Caroline and Tobbie in their ways. You see, despite everything, they remained beside Coco and never did once thought of giving up on her.
Although Coco's adventure may not be true, but it has taught her a lot of things that's why it's not easy for her to just forget about it and consider it nothing. She held that dear inside her heart because it helped her understand things about life, even those that were inexplicable and hard to believe.
At this point, I want to thank all of you. Words are not enough to express how grateful and happy I am that you dropped by this story, spent some time with the Mystic Club and became part of Coco's journey.
I am reading all your messages and comments but I still do not have the courage to reply because I am an awkward introvert who made writing my own escape but let me have this time to tell all of you that I am honestly, completely, and truly happy and grateful for the blessing of all of you. Believe me, I am shedding joyful tears while typing this.
Paulit-ulit-ulit kong sasabihin ito. Kahit na hindi man sumikat ang estoryang ito ay ayos lang sa akin. Knowing that you who read this learned something from this story and will depart from this book with hearts full, is already more than enough for me.
Thank you for reading and inspiring me to keep writing. I love all of you.
Cheerio and see you on my next story!
P.S.
I will be posting the symbols I used for this book soon. If you have questions, feel comfy to comment it so that I can answer it on the next update.
Do visit Beast Charmings for more services (synonymous to cases ng MCTPD) and a variety of stories with valuable learnings.
illinoisdewriter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top