Chapter 8: The Poltergeist Is Back With Vengeance (Part 2)
The Poltergeist Is Back With Vengeance (Part 2)
"Ew insan! That's carbs and carbs and carbs!"
Napangiwi ako sa sita ni Maggie sa akin habang isa-isang tinuturo ang mga pancake, waffles at kung anu-ano pang carbohydrates sa breakfast table. I'm currently having my breakfast meal on their outdoor dining table alone. Maaga kasing umalis sina Tita Caroline at Tito Joseph para sa isang meeting kasama ang mga bago nilang investors.
"Pwede ba Mag, kiaga-aga binabasag mo ng trip ko."
Nanlaki ang mga mata niya ng lamunin ko ng buo ang waffle na nakatusok sa tinidor ko. She exclaimed a conyo statement on how body unconcerned I was and I just rolled my eyes on her. Pinaraanan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She's wearing a light violet racerback and track shorts and she's on her usual high ponytail. While I'm still on my long sleeved floral notch collar top at terno nitong pajama. Looks like she had done some morning work outs.
"Anyways, there's a handsome guy na naghihintay for you sa labas and he's with Tobbie." Aniya habang nagtuloy-tuloy naman ako sa pagkain.
"Oh? Tapos?"
"Eh! Couz naman! Why don't you let them in while I make bihis so that Tobbie will say that I'm maganda na?"
"Ayaw."
"I've heard Tobbie called the handsome guy Wren. Is he your long time crush?"
Bumungisngis si Maggie ng tumayo na ako sa kinauupuan ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumalikod at tinungo ang main door para pagbuksan ang dalawang nag-aantay doon.
"Buko!"
Hinarang ko ang isang palad ko sa noo ni Tobbie ng akmang yayakapin niya ako. Lumayo naman siya ng samaan ko ng tingin.
"Ganyan ka na pala bumati ng good morning?"
"Anong ginagawa mo dito, Tobbie?"
"Anong ako? Kasama ko si Wren no. Tsaka nalimutan mo na bang may kaso pa tayong tatapusin?"
"Good morning Coco."
Nilingon ni Tobbie ang tao sa kanyang likuran. Para namang lumundag ang puso ko ng makita ang matamis na ngiti ni Wren. Malapad ang ngiti ko ng banggain ko si Tobbie na muntikan namang natumba para lapitan si Wren.
"Grabe siya oh! Binati lang ng crush niya binangga na yong pogi."
Sinipat ko saglit si Tobbie na inirapan naman ako. Nakangiti ko ulit na hinarap si Wren.
"Good morning. Nag-almusal ka na?"
"Yes, I'm done with my breakfast."
"Ako hindi pa kaya papasukin mo na kami Coconut."
Pinigilan ko ang sarili kong lingunin at irapan si Tobbie. Inaya ko sila ni Wren na pumasok na sa loob at dumiretso kami sa outdoor dining table kung saan lumamon agad ang timawa kong bestfriend. Hindi man lang nahiya!
"You want coffee, tea or juice?" Masamyong tanong ko kay Wren.
"A tea will do. Baka masobrahan kasi ako sa kape. Kakakain ko lang ng breakfast e." Aniyang nakangiti.
Tumango ako at nilapitan ang katulong na nagsisilbi sa amin.
"Manang Cel, isang tea naman po para sa bisita ko."
"Isa lang po ma'am? Paano po yong isa? Anong sa kanya?"
"Naku. Hindi ko po kilala yan manang. Baka si Maggie ang nagpapasok sa askal na yan."
"Ouch! Ang sakit Coconut ha. Sa tagal ng pinagsamahan natin ngayon mo pa ako itatanggi? Manang Cel, pwedeng penge pa pancakes?" Wika ni Tobbie sabay abot ng isang pinggan kay manang.
Napairap na lamang ako at sinabihan si manang na yon na lamang ang kuhanin para sa mga bisita namin. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang dumating si Maggie na naka-sweetheart floral dress na.
"Hi Tobbie ko!" Maligayang bati niya sa bestfriend ko at agad na inilingkis ang braso dito.
"Maggie, pwede ba kita mong kumakain yong tao oh!" Reklamo naman ng huli.
"Gusto mo subuan kita?"
I wanna burst out laughing because Maggie's statement sounded more of like this 'Geste me sebean kete?'. Pabebe! Kung hindi conyo ay nagiging ganoon siya.
"No thanks."
"You know what, ang sama mo! I'm just trying to be friendly lang naman sayo."
"Friend? Really Maggie? E halos araw-araw mo nga akong tinetext ng I love you tapos friend lang?"
Humalukipkip at ngumuso naman si Maggie sa tanong ni Tobbie.
"Friends do say 'I love you'. So, where's mine na?" Nakangising ani Maggie na inilingan lang ni Tobbie.
Our breakfast ended that way. If I had a long time crush on Wren, Maggie had a huge crush towards Tobbie.
Nagpaalam muna ako sa kanilang maliligo at magbibihis muna nang sa ganon ay makaalis na kami at makapunta sa villa nina Ate Macy. Pumayag naman silang mag-antay kaya binilisan ko ang ginawa kong pagkilos. Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako ng plain black skater skirt, white short sleeved turtleneck na pinaibabawan ng floral vest at ankle boots. Nagsuot din ako ng black wavy choker sa leeg ko then I tied my hair on a ponytail. After putting on a matte peach lipstick ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na sa second floor.
Tumayo na si Wren sa sofang kinauupuan niya ng makita ako. An emotion which I cannot named passed by his mesmerizing brown eyes. He called Tobbie for us to go and Maggie pouted in dismay because of what he did.
---
"Can you state some of your observations yesterday?" Wren suddenly asked when we were on our way going to Ate Macy's villa.
"Based on their expressions while you were asking them, they're uncomfortable to share about what really happened on the night of Lexi's death. May mga loopholes din sa kwento nila. It was pretty obvious that Kuya Louis doesn't want Ate Vanessa to say something by holding her hand to stop her from talking." Tobbie replied and I was glad to know that we're having the same observations.
Pero bumabagabag parin sa akin ang nakita ko sa ilalim ng sofa nila. I hope we could solve this one as soon as possible.
"How about you Coco?"
For a second, I was doubting if I should tell him pero kung may tao mang mas malaking pwedeng itulong dito ay walang duda na si Wren na iyon. So why hide the truth from him?
"Ang totoo kasi niyan, noong naiwan ako sa sala ay may nakita ako sa ilalim ng sofa ng hindi ko sinasadya."
Napatingin si Tobbie sa banda ko and I can see excitement on his eyes. Samantalang nanatiling tahimik na nakikinig si Wren habang nagmamaneho.
"What is it?"
"It's a ouija board."
"Just I expected." He commented.
"Pero ang nakapagtataka lang ay bakit itinatago iyon? I mean let's say they summoned the spirit of Lexi but why are they still hiding it?" I continued expressing my thoughts.
"Sa tingin ko ay isang tao lang ang tumawag sa kaluluwa ni Lexi. Isipin mo, kung nagkasala sila kay Lexi ay bakit tatawagin pa nila ang espirito nito?" Tobbie butt in and it actually rang a bell on me. Oh. Geez. Konti na lang mabubuo na ang puzzle sa utak ko.
"Let's say na poltergeist na nga si Lexi na pumapatay sa mga nagkasala sa kanya, does this mean na gumagamit din siya ng witchcraft?" He added.
"I guess she's not. Bakit magkakaroon ng ouija board doon kung gumagamit nga ng witchcraft si Lexi? I mean she can have her revenge immediately without the use of it." I said and Tobbie nodded.
"She's right. I made a research on all of their profiles. I'm finding out if who has the potential and intention to summoned Lexi from death."
"Meaning may tumutulong talagang buhay kay Lexi para maghigante?" Tobbie inquired.
"Yes and we'll going to find out who."
Tumango kami sa paliwanag ni Wren. Maya-maya pa ay dumating narin kami sa villa nina Ate Macy. A grievous atmosphere welcomed us. Narinig namin ang hagulgol at iyakan ng mga naroroon. Nakaupo sina Ate Sofia at Ate Macy sa sofa na inaalo ang isa't isa. Samantalang nanunubig naman ang mga mata ni Ate Vanessa na nakatayo sa gilid nila.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko kay Ate Vanessa na sa tingin ko ay siyang matinong kausap sa oras na iyon.
"Wala na si Derrick. Natagpuan siyang patay sa condo niya na may saksak sa puso." Tugon niya at umiyak na ng tuluyan.
"Ayoko na. Natatakot na talaga ako. Baka ako ng susunod." Nanginginig na wika ni Ate Macy.
Napatingala kaming lahat ng biglang nagpatay sindi ang mga ilaw.
"Saan nakalagay ang asin niyo?" Seryosong tanong ni Wren na hindi man lang nababakasan ng takot ang boses.
"Nasa pinakaunang cupboard sa kusina."
Tumango si Wren at mabilis na tinungo ang kusina. Nang makabalik na siya sa sala ay natigil na ang pagpatay sindi ng mga ilaw. Agad naman niyang ibinuhos ang asin sa hardwood floor para gumawa ng malaking bilog. It's the salt circle, a protection that repels demons and evil spirits na nabasa ko sa journal ni Wren.
"You need to stay here. This protection will keep you safe until we finished this case." Ani Wren.
Pumasok naman doon sina Ate Vanessa at Ate Macy pero nagmatigas naman si Ate Sofia.
"Nababaliw na kayo! Paano tayo maililigtas ng asin na yan?!" Sigaw niya bago sinipa ang isang bahagi ng bilog.
I suddenly felt annoyed because of her bratty attitude. Sinulyapan ko si Wren na seryosong nakatitig lamang sa kanya.
"Sofia! Anong ginawa mo? They're trying to help us!" Galit na sigaw sa kanya ni Ate Macy.
"Help us? Para saan pa? Kung mamamatay ako edi mama-"
Hindi na natapos ni Ate Sofia ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa tiyan niya kung saan tumagos ang isang metal curtain pole. Mabilis na lumipad ang mga palad ko sa aking nakaawang na bibig dahil sa nangyari. Sumigaw si Ate Macy sa gulat lalo na ng matumba ng tuluyan si Ate Sofia sa sahig. Nanindig ang balahibo ko ng makita si Lexi na sunog ang kalahati ng katawan. Napaatras ako ng mamatay ang ilaw at ng bumukas ulit ito ay nasa harapan na ni Ate Macy si Lexi kaya napasigaw siya sa takot at gulat.
Sinakal niya ito gamit lamang ang isang kamay. Nakakapangilabot naman na sigaw ang binitawan ni Lexi ng dumaplis sa braso niya ang bala ng colt ni Wren. His gun is especially loaded with rounds that could harm, repel or even kill supernatural entities at mga hunters lang ang nagmamay-ari niyan. I want to punch myself for still having the time to enumerate what's written on the journal.
Naglahong bigla ang poltergeist ni Lexi at napaluhod naman si Ate Macy sa sahig habang hawak-hawak ang leeg niya. Agad naman siyang dinaluhan ni Ate Vanessa.
"Coco, ayusin mo ang proteksyon nila. Tobbie, kunin mo ang gas at lighter sa compartment ng kotse."
Agad naming sinunod ni Tobbie ang mga utos samin ni Wren. Inayos ko ang pagkakabilog ng asin sa sahig na pumapalibot sa kanila nina Ate Macy at Ate Vanessa. Nang makabalik na si Tobbie dala-dala ang lighter at gas ay kinasang muli ni Wren ang hawak niyang baril. He's expression looks very serious now that it made me feared him.
"Tama na ang laro, saan mo itinago ang bangkay ni Lexi?"
Diretsahang tanong ni Wren kay Ate Vanessa na napaawang ang bibig sa narinig. Si Ate Macy naman ay natulala sa mukha ng kaibigan samantalang kalmado lamang si Tobbie sa tabi ko. When I heard her side yesterday and I compared it to our club's discussion awhile ago, Ate Vanessa is the potential person who can help Lexi in setting her vengeance into application.
"I'm sorry. I'm so sorry." Humahagulgol niyang wika.
"Paano mo nalaman iyon?" Tanong ko kay Wren.
"During the police interview I checked the CCTV footage of the villa to examined the death of Louis. Then I saw you looking at something under the sofa. Pagbalik ko sa sala ay pasimple kong kinuha ang ouija board na iyon. I've asked Tobbie to identify on who's the owner of the fingerprints there and it's hers." Wren's explanation left me still dumbfounded.
"Va.. Vanessa. Bakit mo ginawa iyon?" Di parin makapaniwalang ani Ate Macy.
"Naawa ako kay Lexi, Macy. Ginahasa na nga siya ng mga hayop nating kaibigan ay sinunog pa ang bahay niya para patayin siya at hindi makapagsumbong. Paghatid ni Derrick satin dito ay binalikan ko agad ang bahay nila Lexi at kinuha ang bangkay niya doon. Alam kong huli na ako sa pagliligtas sa kanya pero naisip kong tulungan siya sa ganitong paraan."
Habol-habol ni Ate Macy ang hininga niya matapos malaman ang lahat mula kay Ate Vanessa. Ramdam ko ang sobrang pagpipigil niya sa sariling saktan ang naiiwang kaibigan kaya sumigaw na lamang siya at hinampas ng paulit-ulit ang sahig.
"Nasa basement ang bangkay ni Lexi. Help us end this." Pagmamakaawa ni Ate Vanessa.
I wonder on what revenge could mean to each of us. To give justice? To get even? I don't know and people have different ways to execute it. Nanay told me that revenge is the product of a person's extreme anger that incapacitates him to see life clearly and the beauty and light it brings.
"Stay here with them."
Tango lamang ang tanging naisagot ko kay Wren. Sinundan ko ng tingin ang likuran nila ni Tobbie ng tahakin na nila ang daan papuntang basement.
---
Kusang sumuko si Ate Vanessa sa mga pulis. Nagpasalamat siya sa amin at ganoon din si Ate Macy na nagpaplano ng iwanan ang villa nila at magsimula ng panibagong buhay.
I watched the police car as it drove away from us. Silence enveloped the area after the sirens they have on their automobiles gone. Napatingin ako sa palad na nasa balikat ko.
"Are you okay?" His voice is always as sweet as a lullaby for me. Kailan mo kaya ako mapapansin?
"I am. Mabuti na lang at ligtas kayo ni Tobbie."
"I'm sorry for making you worry."
"It's fine tsaka hindi naman maiiwasan yon."
"Congrats club!"
Muntikan na kaming matumba ni Wren dahil sa biglaang pag-akbay ni Tobbie sa amin. Tuwang-tuwa naman siya dahil nasolve namin ang pangalawang kaso namin.
"So saan tayo?" Aniyang nakangisi sa aming dalawa ni Wren.
"Uuwi na dahil gagawa pa ako ng report na isasubmit ko sa SSC para sa club request natin."
Ngumuso si Tobbie na parang si Maggie lang sa tuwing nadidismaya.
"Ayaw mong magcelebrate?"
"Ayaw. Uwi na nga tayo. Doon na kayo kumain sa bahay nina Tita Caroline."
Inalis ko ang braso niyang nakaakbay sa akin at ganoon din ang ginawa ni Wren sa banda niya.
"Wag na lang. Sasakalin na naman ako ni Maggie sa pagmamahal niya." Tobbie laughingly retorted giving emphasis to the second to the last word.
Napailing na lamang kami ni Wren at pumasok na sa kanyang kotse.
➖➖➖
Coco's out of the country for the next chapters. Enjoy! 😁
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top