Chapter 7: The Poltergeist Is Back With Vengeance

The Poltergeist Is Back With Vengeance

Tumunog ang iPhone ko kaya agad ko iyong kinuha at sinagot ng hindi man lamang tinitignan kung sino iyon.

"Coconut, nasan ka na? Nasa labas na kami." It's Tobbie.

Mukhang tapos na ang PE nila. Tapos narin naman kasi kaming magrambulan ni Winona kaninang umaga kaya hindi na ako pumasok pagkatapos ng lunchtime. Sa halip ay bumalik ako sa dorm at sinimulang basahin ang journal na ibinigay ni Wren sa akin. I find it really interesting. It's about summoning and stopping supernatural entities. Their strengths and weaknesses.

"I'm coming. Wait for me outside." I immediately ended the call.

Kinuha ko ang journal at ang big size rag doll ko saka ako bumaba ng upper deck at nag-impake ng mga gamit na dadalhin ko papunta kina Tita Caroline. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng aking dresser. My hair was tied on a braided bun and my sterling silver stud round earrings shine so with my green eyes. I put on a matte peach lipstick and readied myself.

Isinukbit ko na ang backpack na dadalhin ko kila tita pati narin ang ukulele ko. Paglabas ko ng door ay agad kong nakita si Tobbie samantalang namataan ko naman sa di kalayuan si Wren na nakasandal sa BMW 7 niya. Just like me, they're still also on their PE uniforms.

"Oh, bakit may dala kang backpack?" Bungad na tanong ni Tobbie sa akin nang mapansin iyon.
"Kina Tita Caroline ako matutulog ngayong weekend."

"Ah. Halika na."

Tumango ako at sinundan na siya papunta sa kotse ni Wren. Pumasok na kami doon at maya-maya pa ay pinaandar na ni Wren ang sasakyan niya.

---

"Pasok muna kayo. Maya-maya darating din yong mga kaibigan ko." Nakangiting wika ni Ate Macy at iginiya na kami papasok ng villa nila.

Yakap-yakap ko ang steno notebook ko habang hinahagod ng tingin ang paligid ng villa. It was nice but a way bigger and spacious for just three dwellers. Iniwan ko na ang ibang gamit ko sa loob ng sasakyan. Pinaupo muna kami ni Ate Macy sa sofa sa living room habang hinihintay ang iba niya pang mga kasama. Di nagtagal ay tumunog ang doorbell. Hudyat ng pagdating ng mga inaantay namin.

"Mukhang nandito na sila. Pagbubuksan ko muna sila." Tumango kami sa paalam ni Ate Macy na siya namang tinungo ang daan papunta sa main door.

"Observe guys." Seryosong bilin sa amin ni Wren.

Tumayo na kami ng dumating na sa sala ang mga kaibigan ni Ate Macy. There were two girls and two boys. Their faces held a serious yet censorious expressions. Tingin na tipong nagtataka kung anong ginagawa ng mga tulad namin doon. Hinarap ng babaeng chinita na may kulay brown na buhok si Ate Macy.

"Pinaglolo-loko mo ba kami Macy? Paano tayo matutulungan ng mga batang yan?" May diin niyang tanong sa huli na nakakitaan ko naman ng pagkataranta.

Pumagitna si Ate Macy sa amin para pigilan ang tensyong nagaganap.

"This is Coco Quizon, Wren Avila and Tobbie Araneta. They're the Mystic Club and they're here to help us."

"Macy, are you really out of your mind? Ipagkakatiwala mo sa mga batang to ang nangyayari sa ating kababalaghan?" Di makapaniwalang sabi ng lalaking may brown na buhok.

"Sorry pero mukhang nagkakamali kayo ng ginawang playground. This is a serious matter and we don't want to play." The guy with a raven black hair added.

"And so we are. Why don't you let us solve this mystery? Mind you, we can unmask the real culprit in no time." Wren seriously retorted.

Mabuti na lang talaga at kasama na namin si Wren sa club. May spokesperson na kami at defender.

"Siguraduhin niyo lang na hindi kayo papalpak." Wika ng babaeng may mahabang itim na buhok na abot hanggang beywang.

"We will. Now, can we do some little introductions? As what Macy had told you awhile ago, we're the Mystic Club and we're into solving paranormal mysteries." Napansin ko lang na hindi mahilig gumamit ng salitang 'ate' at 'kuya' si Wren.

"I'm Sofia Chiongbao." Ani ng babeng chinita.

"Vanessa Fullido."

"Derrick Renomero." Sagot ng lalaking may itim na buhok.

"Louis Manansala."

Pinaupo muna kaming lahat ni Ate Macy bago namin sinimulan ang imbestigasyon.

"Anong totoong nangyari noong gabi ng pagkasunog ng bahay ni Lexi?"

Shock was painted in all of them upon hearing Wren's inquiry. Napalunok ang mga lalaki samantalang nanubig naman ang mga mata nina Ate Vanessa at Ate Macy. While Sofia's remain stern.

"Nagkakainuman kami noong gabing iyon sa bahay ni Lexi. Na-"

Nasaksihan ko ang ginawang pagpisil ni Louis sa kaliwang palad ni Vanessa na animo'y pinipigilan itong magbitiw ng mga di tamang salita.

"Nang magmadaling araw na ay pinauwi na namin ang mga babae at ganoon din kami pagkatapos naming magpaalam kay Lexi. Pero mga ilang oras din ang lumipas ay bumalik kaming lahat ng malaman naming nasusunog ang bahay niya." Pagpapatuloy niya.

"Mag-isa bang naninirahan si Lexi sa bahay niya?" Kalmadong tanong ni Wren.

"Oo. Her both parents are working abroad kaya naiwan siya rito para mag-aral. Actually, celebration namin nun noong gabing iyon dahil naaprubahan na ang visa niya papuntang New Zealand but unfortunately that incident happened." Sofia retorted.

There's a little idea knocking on my head. If I found out something more then I can probably plot my deduction about this case.

After asking the last question, Wren haven't said a word. Mukhang malalim ang iniisip niya. Inaya naman kami ni Ate Macy na magtungo sa dining room dahil naghanda daw siya ng meryenda para sa lahat. Then everyone parted ways. Sina Tobbie, Wren at Louis lamang ang sumama kay Ate Macy while Sofia and Derrick entered a room. Si Vanessa naman ay hindi ko narin nahagilap.

Nagpaiwan ako sa living room para magtala ng mga clues sa aking steno notebook. Naglagay ulit ako ng sticky note sa pahinang iyon at sinulatan kung tungkol saan ang kasong ito. My mind tells me na nagsimula lahat ng ito kay Lexi. Unfathomable events happened after the first death and based on what I have read on Wren's journal was that poltergeists or also known as the vengeful spirits possess the capabilities of physical harm and danger to a living person.

Hindi kaya naghihigante din siya? Pero bakit? I got my sign pen and jot down something on the sticky note.

Case #2: The Poltergeist Is Back With Vengeance

Tinawag na ako ni Tobbie kaya dali-dali ko ng sinara ang steno ko at tatayo na sana ng biglang malaglag ang sign pen ko at gumulong papunta sa ilalim ng sofa. Dumapa ako para kunin iyon. Ipinasok ko ang isang palad ko sa ilalim ng sofa at kinapa ang mga bahagi niyon para hanapin ang sign pen ko. Natigilan ako sandali ng mahawakan ko ang isang matigas ngunit makinis na bagay. Nakaramdam ako ng takot pero naglakas ako ng loob para hawakan iyon at hilahin palabas sa ilalim ng sofa. When I took a glimpse of its half portion ay nangilabot ako. The weird writings on its side and the letters. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon.

"Coco, anong ginagawa mo dyan?"

Dali-dali kong ibinalik iyon sa ilalim ng sofa ng marinig ko ang palapit na boses ni Ate Macy. Mabilis kong kinuha ang sign pen kong nasa malapit lang palang banda sa ilalim saka tumayo na at pinagpagan ang sarili ko.

"Ah.. Ah.. Kinuha ko po yung sign pen ko. Nahulog kasi." Kinakabahan ko paring tugon.

Tumango siya at ngumiti sa akin.

"Halika na? Kanina ka pa nila inaantay doon."

"Opo."

"Aaahhhh!"

Pareho kaming nagulat ni Ate Macy sa narinig na pagsigaw. Kumaripas kami ng takbo papunta sa kusina kung saan galing iyon. Nahinto ako sa pintuan at agad na lumipad ang isang palad ko sa aking bibig dahil sa nasaksihan. Si Kuya Louis ay nakahilig sa kitchen counter, duguan, nakadilat ang mga mata at may kutsilyo sa bibig na nakabuka.

"Wala na siya." Umiiling na wika ni Wren matapos nilang suriin ni Tobbie ang bangkay.

"Ahhh!"

Napatingin ako kay Ate Macy sa tabi ko na halos hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Napahawak siya sa hamba ng pintuan at dahan-dahan siyang napaluhod habang natutulala parin.
"Ate Macy."

Sinubukan ko siyang patayuin subalit napahagulgol na siya habang patuloy sa pagtaas-baba ang kanyang mga balikat.

"Hindi. Hindi."

"Ano- Ahh!" Sigaw ni Ate Sofia ng makita ang sinapit ng kaibigan.

Dinig ko pang napamura si Derrick na nasa likuran lamang niya. Tinakpan naman ng kadarating na si Vanessa ang bibig niya ng makita ang bangkay.

"I'll inform the police about this." Ani Tobbie at bahagyang lumayo para sa tingin ko ay kausapin si Tito Ken.
Mabilis din na kumilos si Kuya Derrick para lumayo at kausapin ang kung sino sa phone niya.

"Kasalanan natin to. Ngayon maniningil na siya sa ginawa natin." Ani Vanessa kaya napabaling kami sa kanya.

Lumakas ang hagulgol ni Ate Macy and then I realized na may loophole sa mga kwento nila.

"Anong totoong nangyari noong gabi ng pagkamatay ni Lexi?" I asked and Ate Vanessa looked at me with a sad smile on her lips.

"Naunang magpaalam si Lexi sa amin na pupunta sa kwarto niya at magpahinga. Sa aming lahat ay siya ang pinakamadaling malasing kaya alam niya kung hanggang saan ang kaya niya. Nagbulungan ang mga lalaki at naunang tumayo si Renan para magCR. Sumunod naman sa kanya ang tatlo. Yun pala ay tinungo nila ang kwarto ni Lexi at pinagtulungang gahasain ang sarili naming kaibigan." Umiiyak na pagkukwento ni Ate Vanessa.

Isang sampal ang dumapo sa mukha niya na galing kay Sofia na umiiyak na rin at namumula na sa galit. Si Ate Macy naman ay nanatiling tulala habang nakatitig sa bangkay.

"Wag na tayong maglokohan pa Sofia! Alam kong narinig mo rin ang paghingi ng tulong ni Lexi sa natin pero nanatili tayong bingi! Hinayaan mo ang mga walang hiyang kaibigan natin dahil ayaw mong madamay! Ginawa mong bulag at tanga ang sarili mo dahil sa pagmamahal mo kay Derrick! Pero nabigo ka dahil si Lexi ang pinagnanasaan niya at nilang lahat!"

"Tama na please. Tama na."

Tumakbo si Ate Sofia palabas ng kusina. Ate Vanessa's hands were shaking. I don't really know what happened but I'm sure that it has something to do with this. The puzzle pieces are not still complete. We need to find them.

---

Nagpaalam na kami sa nahimasmasan ng si Ate Macy at nangako kaming babalik bukas lalo na't Sabado at walang pasok. Pumayag naman siya at iginiya na kami papuntang gate.

After the interview with the policemen, we let them handle the crime scene. They asked for our statement para malaman ang totoo. Nasa labas na kami ng kotse ni Wren kaya kinuha ko na ang mga gamit ko sa loob nun.

"Where are you going?" Tanong sa akin ng nagtatakang si Wren.

"Uuwi siya sa Tita Caroline niya, Wren. Doon siya matutulog ngayong weekend." Sinagot na siya ni Tobbie para sa akin.

"Sumakay ka na. We'll drop you there."

Ilang segundo din kaming nagtitigan ni Wren bago ako napabuntong hininga at pumasok sa loob ng kotse niya. As they promised ay hinatid nga nila ako sa subdivision nina Tita Caroline. They waited until I got inside their house. Nang pagbuksan na ako ng gate ng isang katulong ay kumaway na ako sa kanila para magpaalam. They did the same too.

Pagpasok ko sa loob ng modernong bahay nina tita na puro black and white ang mga pader at interior design ay bumulaga agad sa akin ang isang mahigpit na yakap.

"Welcome back paborito kong pamangks!" If nanay's weird then Tita Caroline's real weirder.

"Tita, ako lang po ang nag-iisa niyong pamangkin." I said and she chuckled before freeing me from her tight embrace.

Unlike me and nanay, her eyes are brown and so her hair. But by just staring ay alam mo ng may lahi itong banyaga. Tita Caroline never grew old because of her stunning looks. She's a definite timeless beauty.

"Couz! You're here na!"

Mabilis namang binaba ni Maggie ang modern style black iron staircase nila at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Morena si Maggie na sa tingin ko ay namana niya sa daddy niya. Nevertheless, she's undeniably gorgeous with her black hair that's always tied on a high ponytail and one thing na kinaiinggitan ko sa kanya ay ang height niya. Tangkad niya masyado e.

"Couz, tama na. Oa na. Di na ako makahinga." I mumbled as I tapped her back. She released and smiled when I gasped for air.

"I'm sorry naman couz. I miss you na kasi e. You know naman that I treat you as my real kapatid na." Oh dear Maggie, why so conyo?

"Maggie, tama na yan. Let's just eat first. Mukhang gutom na ang pinsan mo. You call your dad upstairs."

"Yes mommy! I'm gonna call dad na."

➖➖➖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top