Chapter 60: Exorcism of Annie Perez
Exorcism of Annie Perez
Soundtrack: Ili-ili Tulog Anay by Bid Gamboa
"Ms. Perez, oras na po para inumin niyo ang gamot niyo," ani ng nurse na kakapasok lang sa kanyang ward.
Natigil sa paglalakad ang nurse nang marinig ang mumunting hikbi sa loob kwarto at nang bigla niyang mapansin ang ilang patak ng dugo sa sahig. Sinundan niya ang mga patak hanggang sa dumapo ang tingin niya sa babaeng naka-hospital gown na nasa sulok na nakaupo habang nakatalikod sa kanya. Kita ang pagtaas-baba ng mga balikat nito dahil sa paghikbi.
"Ms. Perez? A-ayos lang po ba kayo?" Sa kabila ng kanyang takot na nararamdaman ay pinili parin niyang lapitan ang pasyente.
Bakit may dugo rito? Naglaslas ba siya? Mga tanong na hindi niya maisatanig sa mga oras na iyon.
Nang makalapit siya sa pasyente ay hinawakan niya ito sa balikat gamit ang kanyang nanginginig na kaliwang palad.
"Ms. Perez, ayos lang ba ka-"
Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ng nurse nang humarap ang pasyente sa kanya hawak-hawak ang pugot na ulong tutang kinakain nito.
---
"Kakasuhan ko kayo dahil hindi niyo ginagawa ng tama ang trabaho niyo!" Nanggagalaiting sigaw ni Mrs. Perez sa head doctor ng psychiatric institution na iyon.
"Mrs. Perez, ginawa na po namin lahat ng kaya namin para magamot ang anak niyo but among all the patients here, she's never showing any progress at all. In fact, mas lalong lumala ang lagay niya sa bawat araw. Hindi lang ito ang unang pagkakataon Mrs. Perez na may ganoong nangyari. Hindi niya kinakain ang mga pagkain na dinadala namin para sa kanya. The first nurse assigned to her witnessed how she had eaten rats, insects and how she drank her own urine instead. Yong pangalawa naman ay muntik ng mamatay at nawalan ng isang tenga dahil kinagat niya," umiiling-iling na wika ng doktor bago magpatuloy.
"And two days ago, I let you brought her pet here with high hopes that it would somehow help her recover but she just ate the poor puppy!" The doctor stood up from his seat and pounded the top of the table forcibly.
"Jesus! She's beyond psychotic!"
"How dare you say that! Just so you wait and we will sue you and this institution!" Angil ni Mrs. Perez na tumayo narin sa doktor.
"Catherine, will you calm down? Naturingan ka pa namang abogado," pagtawag ni Mr. Perez sa atensyon ng asawang respetadong abogado rin na tulad niya na malapit nang mag-eskandalo.
"Calm down? Steve, this is about our daughter and how incapable and useless this institution in treating her!"
"Hindi niyo ba talaga tatanggapin ang anak namin dito?" Kalmadong tanong ni Mr. Perez sa doktor.
"I'm afraid to say this your honor but we cannot handle her anymore and we apologize for that. Tatanggapin po namin kung sakaling maghahain kayo ng reklamo laban sa amin pero hindi na po talaga namin siya kaya," the doctor replied courtly.
Napabuntong-hininga si Steve at tinignan ang asawang huminahon narin at nakaupo na sa tabi niya.
"Steve, paano na ang anak natin ngayon? Hindi na siya gagaling? Pang-ilang psychiatric institution na ba itong pinagdalhan sa kanya?" Nanghihinang wika ni Catherine. Hinawakan naman ni Steve ang kamay ng asawa at marahan itong pinisil.
"Gagaling si Annie. Maniwala lang tayo at magpakatatag. But I guess we need to seek some special help...and I'm talking about taking her to a local witch doctor."
"What? Do you really think she's being possessed or something para dadalhin mo siya sa albularyo?"
"We both cannot deny it anymore, Cath. Kung ito lang ang makakatulong para mapagaling natin si Annie ay gagawin ko."
Catherine went silent for a moment, weighing things carefully while contemplating on whether to agree or not. However, she's tired of making herself blind and deaf of everything. Pansin niyang may mali at hindi tama sa anak and they will do anything to help her even if it means dealing and believing with the supernatural.
💀💀💀
Nang matapos ang make-up class namin sa tulong ni Professor Cameron ay kaagad akong nag-ayos ng sarili. I looked at myself in the mirror to assess if I dressed just fine. I'm sporting on a white off shoulder top paired with black culottes and Vans old skool sneakers. Hinayaan ko na ring nakalugay ang buhok ko saka isinabit ang chain sling bag ko bago bumaba nang kwarto namin sa cabin.
My colleagues were all busy doing their stuffs when I went down except for Professor Cameron who lifted his eyes from the book he's reading to look at me for a two or three seconds then smiled before he returned to his business.
"Dadalawin ko lang po sana iyong kaibigan ko, si Annie," paalam ko.
"Sasama ako," Winona butt in when she overheard me.
Tinignan ko siya at nginitian. "Siguradong matutuwa si Annie kapag nakita niya ulit tayo." Lalo na at magkasundo na kaming dalawa.
Annie, excluding Tobbie and my other friends, is a very significant person for me. Ewan ko ba at sa tagal ng panahon ay iilan lang ang nakikilala kong nagiging mga kaibigan kong tunay. Girls my age are always claiming that I am too weird to be part of their circle. Admittedly, I am an introvert and not long before, I always considered the people beyond my comfort zone as a crowd assembled to dissect every inch of me. Another thing I thought could be the reason why I only have a few whom I can call friends is because I always calculate the social algorithm of each person first to find out their place in my social universe. Strange as it may sound but it is what it is. I even remembered Tobbie telling me when we were young that when I make friends with others it's like wanting them to buy a ticket to my own freak show and being friends with them means giving them an access to witness it.
Annie was one lucky person to dissolve the barrier between us. Maybe, it's the other way around. I am the lucky one to have her as friend because she's not the superficial kind of person who mask everything about them. She's always so kind and so sweet and true.
Nang matapos si Winona na nakasuot na ng isang white halter neck top at olive green lacey shorts ay tumungo na kami sa girls' dormitory.
💀💀💀
"Naku, ilang linggo ko nang hindi nakikita si Annie rito. Nag-aalala narin nga ako sa kung anong nangyari sa kanya kaya tinawagan ko na ang mga magulang niya at ang sabi nila ay ayos naman daw siya kaso baka hindi na siya pumasok."
"Bakit daw po?" Agaran kong tanong sa dorm lady.
"Hindi naman nila nasabi."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Winona at doon pa lang ay alam ko ng pareho kaming nag-aalala kay Annie. It's apparent that her parents are hiding something and I know that Winona and I won't settle and calm down unless we figure it out.
"Ma'am, may address po ba kayo ni Annie?" Magalang na tanong ni Winona sa ginang.
Ibinigay ng ginang ang address ni Annie sa amin and made us swear that we'll check on her. We didn't waste such time and immediately went to Annie's home.
Pagdating namin sa private village na tinitirhan ni Annie ay nanatili kami sa gate dahil ayaw kaming papasukin ng mga guwardiya nila. Mahigpit na pinagbibilin daw na walang papasuking kahit sino lalo na at kung si Annie ang pakay. That made me conclude that something wrong was really happening to her and I do not have the heart to leave after affirming that.
Nagmatigas kaming dalawa Winona at nanatili roon sa may guardhouse, nakaupo sa gilid. Mabuti na lang talaga at may kasama akong maldita. Hindi tuloy kami ganoong natatarayan nung babaeng guard. Ang plano namin ay hintayin na lamang ang mga magulang ni Annie roon, tutal naman ay kakilala na namin ang mga ito noon pang nasa iisang dorm room kami.
"Nag-aalala ako sa kanya," I mumbled before pulling my knees up and embracing them.
"Ako rin."
Bahagya kong sinilip si Winona at naabutan siyang nakatanaw sa malayo. Ibinaon ko ang ulo ko sa tuktok ng aking mga tuhod. We're feeling the same.
I busied myself counting the vehicles that passed by us through the sound their engines were making. I lifted my gaze when the fifth one stopped in front of us.
"Coco, Winona, what are you doing here?"
A woman on her early forties when out from the driver seat of a black Ford. She looks dignified on her corporate attire matched with her hair on a French twist. Her dimples appearing so often as she continued conversing with us, very much like her daughter.
"Tita Catherine, nandito po kami para kay Annie." Winona took the initiative to reply. Napatikom ng bibig si Tita Catherine at mas sineryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"I am sorry but I cannot let you see her. At least not right now."
I can sense sadness, worry and fear in her. I am pretty sure that Winona was hearing her thoughts because the latter immediately answered her.
"Annie's been very good to us. She treated us with nothing but kindness. She's like a sister to us and even if you ask us to leave, we will still keep coming back here to find out the truth about how she is and....we will just be here...always willing to help her...no matter what."
I looked at Winona, momentarily dumbfounded and perplexed at what she said. Those words tugged the secret strings of my heart because it spoke nothing but the truth. Those felt simply emotional, raw and honest because she's saying those from her inside. The heart truly holds a certain wisdom the mind does not and one day you will just be surprised on the simple yet powerful things it can do.
Pumikit ng ilang saglit si Tita Catherine bago bumuntong-hininga at dumilat muli. "She's not in a good condition."
"Then tell us what really happened to her?" I insisted.
"I couldn't explain....but better see it for yourself," she said as she guided us to her car.
Nagkatinginan kami saglit ni Winona bago nagsitanguan at tinahak ang daan palapit sa kotse saka pumasok sa loob niyon. Tita Catherine went inside afterwards and roared the car's engine to life. She drove us to their house.
Nasa loob pa lamang kami ng kotse nang mapansin namin ang ambulansya sa labas ng bahay nila at isang duguang babaeng nakasuot ng uniporme ng mga maid ang nasa isang stretcher na bitbit ng mga medical staff.
"Goodness!" Tita Catherine nervously exclaimed, quickly unfastened her seatbelt, rushed out of the driver seat, left the car door open and joined the commotion.
Dali-dali rin ang naging kilos namin ni Winona palabas ng kotse. Lumapit kami sa may ambulansya at nakisiksik sa kumpulan ng mga tao roon. I didn't get near the ambulance but I was fortunate enough to see and to study the bloody face of the woman on the stretcher. There were shards of glass pierced on her face and her eyes were wide open.
Murmurs along with various emotions began to surface around the area. Kaagad akong napatingin kay Tita Catherine na mabilis na tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay. Kumunot ang noo ko but it immediately vanished when I spotted Tito Steve nearby, conversing with some of the policemen. He looked calm but his body language speaking volumes. His arms are crossed against his chest indicating that he's maintaining a barricade in between them and his feet were positioned away from the speaker implying that he withdrawn from the conversation. He made it look like he's looking at the cop straight but when I traced his line of vision, it's on their house. Beads of sweat from his forehead didn't even escape from my sight. He's nervous, I see and can feel it but he made himself look cool and calm in front of the cop. A person would only do this when he is keeping to say something risky from the interrogation.
Winona and I waited until everyone vacated the scene and the area, leaving only us and the owners of the house. I thought Tita Catherine already forget about us but when she came out of their house, she invited us to come inside.
"Catherine," Tito Steve stood up from his seat when we entered and instantaneously called the attention of his wife.
"Bakit mo sila pinapasok rito?" Tito asked incredulously.
"Steve, they are here to see Annie and they promised to help her."
"What? Anong maitutulong nila sa sitwasyon ni Annie?" Mababakasan ng iritasyon at galit ang boses ni tito but I remained silent while trying to assess them.
"Then let us know about her situation," matapang kong wika sa kanila.
Tito Steve grabbed Tita Catherine by her elbow and ushered her somewhere far from us so that we cannot overheard them as they talk. Sinulyapan ko si Winona na nakatitig sa kanila.
"Sabihin mo sa akin kung anong naririnig mong iniisip nila ngayon." Winona nodded.
"Hindi nila pwedeng makita si Annie. Alam mo naman ang kalagayan niya di ba? Mapanganib siya ngayon. Si Nena patay na dahil sa kanya..." Tinignan ako ni Winona matapos niyang sabihin ang huling salita. They must be referring to their maid awhile ago.
We couldn't help it anymore so we approached them to tell them the truth.
"Mawalang galang na po Mr. and Mrs. Perez, but basing on how the two of you behave, we know something unusual is happening to Annie right now. Winona and I are paranormal detectives so you can tell us and we will assure you that we will give our best to help her," I remarked seriously.
💀💀💀
"Ma'am, ito na po yong susi sa kwarto ni Ma'am Annie," sabi ng isang may edad ng kasambahay nila sabay abot ng susi at isang basong tubig kay tita.
"Salamat Manang Vilma. May pumasok na ba sa loob ng kwarto niya pagkatapos ng nangyari?" Tita asked carefully.
"Wala pa po ma'am kaya nasisiguro ko po sa inyong magulo pa roon."
Tumango si Tita Catherine sa kanya saka kami nilingon. "Kailangan nating mag-ingat."
We nodded then followed her as she ushered us to Annie's room. Tita opened the door, went inside first and exclaimed an expression of surprise as she scan the area.
Hindi na kami nag-antay pa nang matagal kay tita sa labas at sumunod narin sa kanya papasok ng kwarto. Pareho kaming natigilan ni Winona sa nasaksihan pagpasok namin doon. Magulo ang buong paligid. Maraming nakakalat sa sahig pero ang ilang bagsak na salamin ang umagaw sa atensyon ko. I can't be wrong, it's really the same shards of glass that I saw on the bloody face of their maid.
Dumapo ang mga mata ko sa babaeng nakahiga sa kama. Kita sa balat nito ang matinding pamumutla at pangangayayat. Her wrists and feet were both enchained on the bed with metal handcuffs. How did she get into this state? Gulat na napatingin ako kay Tita Catherine who was staring at her daughter sadly.
"Bakit po siya nakaposas?" I asked and tita just shook her head in response.
"Hindi na namin alam ni Steve kung anong gagawin sa kanya."
"M-mommy..."
Napatingin kami kay Annie na dahan-dahan nang dumidilat. Kita sa mga mata niya ang sobrang panghihina.
"Annie, anak."
Mabilis na inilapag ni tita ang baso ng tubig sa bedside table at nilapitan si Annie. Nanatili kami ni Winona sa kinatatayuan namin habang pinapanood sila at iniintindi ang lahat.
"Nauuhaw ka ba anak? Nagugutom?" Natataranta at nag-aalalang tanong ni tita sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanyang ulo. Umiling si Annie at naluluhang tumigtig sa ina niya.
"M-mommy, nasasaktan na po ako," humikhikbing wika ni Annie. I looked at tita and I saw the hurt in her eyes.
"Nandito na si mommy anak. Ililigtas ka namin," lumuluhang tugon ni tita.
"Mommy, ayoko na. Pakawalan mo naman ako please."
"Kahit na gustong-gusto ko anak pero hindi pwede.... Hindi ka pa magaling..."
"Mommy, wala akong sakit kaya pakawalan mo na ako."
Tila natauhan naman si tita sa matapang na sabat ng anak niya. Pansin ko ang bahagyang pag-atras ni tita habang umiiling siya. Ramdam kong sumibol bigla ang kaba at takot sa kanya.
"Anak, hindi pwede..."
"Pakawalan mo ako." Tumaas na ang boses ni Annie kaya napilitan si tita na dumistansya sa kanya habang patuloy parin sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Lumapit kami ni Winona kay tita para suportahan siya dahil nakikinita kong mawawalan na siya ng balanse. Napaupo si tita at humagulgol na habang tinigtignan ang anak. I looked at Annie and I thought I saw a glint of recognition and mischief on her eyes but it didn't last long when she screamed once again.
"Sabing pakawalan niyo ako!" Galit niyang sigaw sabay pilit na tumatayo sa kama niya.
Kitang-kita ko gamit ang dalawa kong mga mata kung paano umangat ang katawan niya sa kama niya na animo'y binubuhat siya ng hangin. Kung hindi lang dahil sa posas niya ay baka nakatayo na siya at nasugod kami. Batid ko ring nag-iba na ang kanyang boses. Naging boses na ng isang malaking lalaki.
"Pakawalan niyo ako!" Sigaw niya gamit ang matinis na boses.
Nagpatay-sindi ang bawat ilaw ng kwarto kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Lumutang ang basong dala-dala ni tita kanina at titilapon sana bigla sa amin kung hindi lang iyon napigilan ni Winona.
"Dispel!" The glass fell into the floor and shattered into pieces.
Nagpakawala ng nakakakilabot na tawa si Annie. Lumutang ang kanyang kama at ang iba pang mga gamit sa kwarto and for a second I realized that she wasn't the Annie I knew anymore.
"Hindi siya si Annie! Get up tita! We need to get out of here!" Tinulungan naming makatayo ni Winona ang nanginginig na si Tita Catherine and rushed to the door to leave the room.
Paglabas na paglabas namin ay malakas na sumira ang pinto habang nilalamon ng iba't ibang boses na naghahalinhinan ang bawat sulok ng kwarto. Tita Catherine wailed on Winona's side as I stared immovable at the closed door while the very image of Annie who completely seems like laughing with madness keeps on flashing in my head like a movie put on a repeat. She's not alone! I saw a lot of shadows with horns around her! Dammit!
Malakas na kinalabog ko ang pinto. No! No! This can't be happening!
"Coco, Annie's possessed," malungkot na sambit ni Winona habang patuloy na inaalo si tita. I pounded the door forcibly again and again until my fist aches.
"I know you saw them too. Marami sila," she added.
Humina ang pagkatok ko sa pinto hanggang sa napalitan iyon ng mga hikbi na kumawala sa bibig ko.
"We need to see a priest. She needs to be exorcised as soon as possible," Winona tried her very best to console the both of us and I just caught tita nodding her head in approval.
💀💀💀
Tito Steve an Tita Catherine went out to find a priest who could help us in exorcising Annie. Manang Vilma invited us for dinner but I refused since I cannot stomach to eat while my dear friend is with the company of various demons inside her room.
"Wala ba talaga tayong magagawa para tulungan si Annie?" I asked Winona but she sadly shook her head.
"Kung isa lang ang sumanib sa kanya we could at least use our spells to give a good fight. Pero nakita mo naman kung gaano sila karami di ba?"
Nanghihina akong napaupo sa sofa. "How did this happened? We were just out there saving the lives of others while she's here left and possessed and we overlooked that."
"Manang Vilma, ano pong nangyari? Bakit nagkaganoon si Annie? Kailan pa?" Tanong ni Winona kay Manang Vilma na siyang natitirang katulong kasama ng dalawa pa na naroroon na lamang sa bahay ng mga Perez.
Isa-isa kasing nag-alsabalutan ang iba matapos ang masaklap na nangyari kay Nena.
Tinapos ni Manang Vilma ang pagbaba sa mga baso ng juice at sa mga platito na may lamang cheesecake sa ibabaw ng coffee table para sa amin ni Winona. Bumuntong-hininga si manang at naupo sa sofang nasa harapan namin. Inilapag niya ang tray sa ibabaw ng kanyang hita bago nagkwento. Tita Catherine wasn't able to tell us everything but I understand it. This whole thing was probably stressing her and I do not want to trigger any staccato emotions that could fuel her misery.
"Nagsimula lahat ng to noong araw na umuwi si Anneliese rito na nanginginig sa takot. Nagulat kami nun kung bakit siya umuwi gayong may pasok pa siya kinabukasan at sa pagkakaalam ko ay ayos naman siya roon sa dormitory niyo. Masama raw ang pakiramdam niya kaya umuwi siya. Akala ko nga may lagnat siya kasi nanginginig talaga siya. Inalagaan namin siya noon kasi baka masama lang talaga ang pakiramdam niya. Pero kinagabihan nun..."
"Nagising na lang kaming lahat nang may marinig kaming maingay na tunog ng mga bagay na binabasag. Sobrang dilim noon kaya nagulat na lang kaming lahat nang buksan namin ang ilaw at maabutan si Annie na tumatawa sa may sahig habang may dala-dalang baseball bat. Binasag niya lahat ng mga statue nina Mama Mary at ng batang Santo Niño. Tandang-tanda ko pa yong sinabi niya noong mga panahon na iyon. Hindi na raw niya makikita ang mga ito."
"Kinabukasan, dinala nina Ma'am Catherine at Sir Steve si Ma'am Annie sa isang psychiatric institution. Ang sabi raw kasi ng doctor ay nakakaranas ng seizure si Ma'am Annie. Panay pa ang makaawa ni ma'am nun sa parents niya na wag siyang dalhin doon. Ayaw niyang mag-isa kasi raw lalong lumalapit sila. Hindi ko alam ng mga oras na iyon kung anong tinutukoy niya basta ang sabi niya sasaktan daw siya ng mga ito. Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay tinanong ko siya nang palihim kung anong ibig sabihin niya. Ang sagot niya nakakakita raw siya ng demonyo at...marami raw sila."
"Nanatili siya roon sa psychiatric institution hanggang sa pinauwi na siya dahil hindi na raw siya kaya ng mga naroroon. Kahit iyong tuta niyang mahal na mahal niya hindi na nakabalik. Ang sabi naman ni Ma'am Catherine nang tinanong ko siya....kinain daw ni Ma'am Annie..."
I casted a sideway glance at Winona and I caught her hands clenched into fists as it rested on her lap and I am sure that she knows what I am thinking right now. Annie's possession really went that far? I guess it's also because tita and tito were both still in denial of the truth that she's really possessed for a long time.
Di rin nagtagal ang pag-uusap namin nang dumating na sina Tito Steve at Tita Catherine kasama ang isang matandang pari na nagngangalang Father Pablo. Sabay-sabay kaming tumayong tatlo nina Winona at Manang Vilma para salubungin sila.
"Nasaan na siya?" Tanong pari kina tita.
"Nasa kwarto po niya," magalang na sagot naman ni tita.
"Dito po, father." Tito Steve lead the way upstairs and going to Annie's room. Nakasunod naman kaming lahat sa kanya.
The moment they opened the door, I immediately sensed that something was wrong. Tito Steve switched the lights on and we saw Annie on her bed fully covered with blanket. Kumunot kaagad ang noo ko pero kaagad din iyong napalitan ng pagkaalarma at pangamba gaya ng nararamdaman ko sa iba pa nang mapansin namin ang bahid ng dugo sa may bandang uluhan nito. Mabilis siyang nilapitan ni tito saka inalis ang kumot at bumulaga sa amin ang duguang bangkay ng isa sa mga katulong nila sa bahay. Dilat na dilat ang mga mata nito habang nakabuka ang duguang bibig na may nakasaksak na malaking bubog ng salamin at magkaparehong nakagapos ang kanyang mga kamay at paa sa kama. How did...
"Maricris!" Umiiyak na sigaw ni Manang Vilma bago tumakbo palapit sa bangkay ng kasama niya sa trabaho.
Impit na napasigaw si Tita Catherine sa nakita bago tuluyang napahagulgol at muntikan pang matumba kung hindi lang siya nasalo ng asawa na nararamdaman kong nasa dulo na rin ng pag-iyak subalit pinipigilan niya ang sarili para ipakita rito na nananatili siyang matatag.
Nanigas kami sa kinatatayuan namin ni Winona habang pinagmamasdan sila. Paanong nakatakas siya rito? Nasaan na siya?
Natigilan kaming lahat nang bigla naming marinig ang bungisngis ng isang bata. Mabilis akong lumingon sa may pinto at naabutan ko si Annie na sumisilip roon. Bumungisngis ulit siya bago mabilis na tumakbo paalis doon. She ran so fast I almost thought she's not a human anymore.
"Coco!" Pagtawag ni Winona sa akin habang sinusundan akong tumakbo papunta sa kwartong pinasukan ni Annie.
Nahinto ako sa tapat niyon at dahan-dahang binuksan ang pinto. Tito Steve, Tita Catherine and Father Pablo followed and were already with us. Madilim ang buong paligid nang pumasok kami. Sabay-sabay kaming napatingin sa may dako ng bintana nang marinig namin ang biglang paggalaw ng rocking chair. Kumidlat din sa di namin malamang dahilan na siyang naging hudyat para sa nakaupo roon na magsimulang humuni ng isang nakakapangilabot na kanta. She's humming a song I remembered entitled as 'Ili-Ili'.
Kahit na ramdam ko ang matinding takot ni Father Pablo ay hindi siya nagpadala rito. Mabilis niyang binuksan ang Bibliya at mahigpit na hinawakan ang maliit na lalagyan ng holy water at rosaryong dala-dala.
"Kung sino ka mang nariyan, inuutusan kitang lisanin ang katawan ng batang ito!"
Pero sa halip na sumunod ay kumanta na si Annie gamit ang iba't ibang boses na nagpapalit-palit.
"Ili ili tulog anay wala diri imo nanay
kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay"
Nanindig ang bahalibo ko habang nakikinig. Hindi lang iisang tao ang pinapakinggan ko. Marami sila at ramdam kong hindi namin sila kakayanin. Kinakabahan ako.
"Lisanin mo ang katawang iyan!"
Nahinto sa pagkanta si Annie at dahan-dahang lumingon sa banda namin. Tita Catherine screamed in terror when Annie's head turned three hundred sixty degrees hanggang sa ito'y bumalik at pumantay sa likod niya. Nahimatay si tita mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni tito.
"Amin na siya!" Sigaw ni Annie sa amin gamit ang boses ng isang malaking lalaki habang sobrang laki ng pagkakabukas ng bibig nito.
Hindi nagpatalo si Father Pablo at umusal ng dasal kasabay nang pagsaboy niya ng holy water kay Annie. Napasigaw si Annie at umatras. Humakbang si father papalapit sa kanya habang okupado pa ito pero laking gulat namin nang biglang tumawa ito at dinambahan si father kaya pareho silang napahiga sa lupa.
"Løvitú-" kaagad kaming tumilapon ni Winona nang sinubukan naming sumaklolo kay Father Pablo. Sobrang lakas niya!
Kinalmot-kalmot niya ang panay sagang naman na pari hanggang sa nagsawa siya at tuluyan nang sinakmal ito sa leeg. Nanginig ako sa nasaksihan ko habang binalot ng sigaw ng pari ang buong kwarto. Sino sila? Ngayon, sigurado na akong tuluyan na nilang natalo si Annie sa pagkontrol ng katawan nito. Kinuyom ko ang mga kamao ko at pumikit kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha mula sa magkabilang mata ko.
"Tama na! Tama na! Annie! Lumaban ka!" I wailed and to my surprise, she really stopped.
I thought everything would seem fine but I was wrong. She lifted her gaze at me and I could see her eyes now. It's completely black. She crawled speedily going to me, leaving the priest barely breathing. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang nasa harapan ko na siya. Ganoon parin ang itsura niya. Completely black eyes, sharp nails and too skinny figure with veins protruding all over her body. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang mga palad saka ako pinagmasdang maigi. Winona was about to rush to my rescue but I quickly shouted no at her inwardly. Nahinto siya sa kanyang binabalak at pinanood kami.
Pinagmasdan ko ulit si Annie at napansin kong parang sinusuri niya ang buong mukha ko sa di ko malamang dahilan hanggang sa binitawan niya ako at nagsalit-salitan ng tawa ang mga demonyong sumanib sa kanya.
"Paparating na siya para kunin ka! Malapit na si Lilith!" Aniya't hinawakan nang mahigpit ang magkabilang pisngi ko palapit sa isa't isa. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya subalit nakaramdam ako matinding takot.
"Løvitúrá," bulong ko habang itinutok sa tagiliran niya ang dulo ng wand ko. Nanlaki ang mga mata niya at tumilapon siya sa may pader saka nawalan ng malay.
Winona speedily went near me and assisted me in getting out of the room along with the others. May malay na si tita kaya tinulungan nila ni tito na akayin ang naghihingalo ng si Father Pablo palabas ng kwarto. I sealed the room closed using my spell to prevent Annie from causing further mayhem and harm around the house.
Pagbaba namin ng sala ay kaagad naming napagdesisyunan ni Winona na humingi na ng tulong sa Mystic Club lalong-lalo na kay Professor. We are really in need of someone who can cast out the demons off Annie's body.
💀💀💀
We didn't waited for long because Professor Cameron arrived just around the time he promised us. He's with two other people, most probably a couple with chinky eyes. I had even mistaken the guy at first glance as the actor from My Love From The Star. Mabuti na lang at ipinakilala kaagad siya sa amin ni Professor Cameron.
"Coco, Winona, this is Professor Atlas Felix Young, one of my professors way back in Cambridge and this is his wife, Channing Margareth Young."
Napatingin ako sa magandang babaeng singkit na nakaponytail ang buhok na may hawak na sketchbook. Maputla siya but that doesn't make her less beautiful. Ngumiti siya sa amin. Dumapo ang mga mata ko sa pasang nasa braso at balikat niya. She's ill and I could feel her weakening yet she's trying to show us that she's strong.
"They're the exorcists I am talking about," professor added and Winona immediately threw a question.
"Mawalang galang na po professor but are you sure they can do it? Hindi kinaya ng pari kanina ang mga sumapi sa katawan ni Annie. Nag-aalala lang ako sa kanila."
"Believe it or not but exorcism is our family business since 1895," nakangiting tugon ni Professor Young na siyang nagpagulat sa amin. Exorcism as family business? Sounds weird pero ngayon pa ba ako hindi maniniwala? I've been through a lot.
"Now, where is she?" Tanong ni Professor Young na kaagad namang ginabayan ni Tito Steve paakyat ng kwartong pinanggalingan namin kanina. His wife followed him as they went there.
We were about to follow but Professor Cameron stopped us and told us that we better stay here because the demons might just find another body to possess when they are casted out from Annie. So, we stayed.
Habang naghihintay sa kanila ay hindi ko naman maiwasang isipin ang sinabi ng mga demonyong sumanib kay Annie. Sino si Lilith at ano ang ibig niyang sabihin na papalapit na siya? Bigla akong nanlamig at niyakap ang sarili ko.
💀💀💀
Sabay-sabay kaming tumayo lahat sa sala nang bumaba sa hagdan si Professor Young buhat-buhat ang walang malay na asawa. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Ayos lang kaya siya?
"She'll be alright," he said while looking at me and while smiling sadly. I may not sense his emotions but I could see it. He's worried about her.
'Your daughter is still unconscious but she's safe now. She's with her father upstairs. I assure you that the demons inside her were all casted out," sabi niya sa nag-aalalang si Tita Catherine nang tuluyan na siyang makababa.
"Thank you! Thank you," tita replied with her eyes glistening in joy and relief then she ran upstairs to see her daughter.
Lumapit si Professor Cameron kay Professor Young at dumistansya muna sa amin bago nag-usap nang masinsinan. Winona said she'll be going upstairs to check on Annie and I just nodded in respond. Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang lalaking nag-uusap. Nahuli ko pa si Professor Young na sumulyap saglit sa banda ko bago tinanguan si Professor Cameron at tuluyan nang nagpaalam. Hinatid namin sila sa labas at papasok sa Land Rover nila saka sila tinanaw nang paalis na.
Minutes had passed in ensued silence. I don't know why but I was waiting for Professor to tell me something but I guess I was just overthinking so I decided to turned to my heels and was about to go inside when he finally spoke.
"What did they told you?" He asked, probably referring to the demons who possessed Annie.
Pareho kaming nakatalikod sa isa't isa. His voice was laced with dread seriousness which demands me to speak.
"Lilith is coming for me," I said then suddenly noticed that I was clenching my fists.
"Who is she?" I added but he remained silent. I started walking, hopeless that he would still answer me but I halted when I heard him whispered something.
"She's a powerful demon and Adam's wife before Eve."
💀💀💀
A long update for you guys 😊
MCTPD will be ending so soon... 😭
Illinoisdewriter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top