Chapter 6: Girls' Exchange Blows

Girls' Exchange Blows

Pagdating ko ng dorm ay naabutan ko pang gising si Ate Annie na nanonood ng Teen Wolf sa kanyang iPad habang nakahiga sa kama niya.

"Oh Coco, saan ka galing?"

"Ate Ann, may kukwento ako sayo."

"Sige, ano ba yan?"

Naupo si Ate Annie sa kanyang kama at nakangiti akong pinagmasdan na para bang nag-aantay na ikwento ko sa kanya ang nangyari. Nasulyapan ko naman si Winona sa kama niya na nakahiga na at naka-sleep mask pa.

Binalingan ko ulit si Ate Annie at ikinuwento ko na sa kanya ang naging karanasan ko sa araw na iyon. Ate Annie is also a fan of mysteries kaya naaaliw naman siya sa mga kwento ko sa kanya. Matapos naming magkwentuhan ay nagtungo na ako sa banyo para magbihis ng pantulog. Umakyat na ako sa kama ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagdarasal nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Mamaya na please." I mumbled as I resumed praying.

Nahinto ang tawag at nang matapos na ako sa pagdarasal ay tiyempong tumunog ulit iyon kaya sinagot ko na. It's nanay calling.

"Baby Coco, gising ka pa?"

"Nanay, paano ko naman sasagutin to kung tulog na ako di ba?" I queried and she chuckled on the other line.

"Gabi na ah. Bakit gising ka pa?"

Nahiga na ako sa kama habang pinapakinggan parin si nanay sa kabilang linya.

"Gabi na po kasi kaming nakauwi galing sa paranormal case na sinolve ng club namin nanay e."

"Sino namang mga kasama mo anak?"

"Si Tobbie po tsaka si Wren."

"Wren? Ito ba yong nababasa ko sa mga essays mo? Yong crush mo?"

"Nanay!" Bulalas ko na ikinatawa naman ni nanay. Binasa niya pala yong mga essay ko noon? Nakakahiya naman.

"Baby Coco, dalaga ka na talaga. Marunong na siyang mahiya." Aniya at humagikhik pa.

"Nanay, bakit nga po pala kayo napatawag?" I asked trying to change the topic we have.

"Well, did you know that Mnemosyne is the mother of the nine muses?" Here we go again.

"Yes nanay and it's because Zeus secretly laid with her for nine nights which results into nine daughters called the Muses."

"Amazing! Ang babaero ni Zeus ha no?" I rolled my eyes at her remarks. Nanay when will you stop this?

"By the way, Baby Coco. You're Tita Caroline wants to see you. Nalaman niyang nasa ibang bansa ako that's why she's inviting you to come and sleep over their house this weekend. Alam mo naman yon."

Tita Caroline is nanay's older sister. May pagmamay-ari silang sikat na shoe company ng asawa niya and they have a daughter, my overly-girly cousin, Maggie. Magkasundo naman kami ni Maggie kaso she's so conyo to the extent na hindi ko na siya masabayan. Siya kasi yong tipong babaeng-babae talaga. And Tita Caroline likes me around their home because she said that she loves to see me singing for her and talking to her using my British accent.

May lahi kaming British pero hindi na nila natutunan ni nanay ang pagsasalita sa ganoong tono. Well in my case, I made a self-study. Whenever nanay's out of the country, lagi niya akong iniiwan kina Tita Caroline kaya nga ginawan narin nila ako ng sarili kong kwarto sa bahay nila. Sa tingin ko nga ay isa sila sa mga dahilan kung bakit hindi man lang ako nagungulila sa tatay ko dahil pinaparamdam nila saking isa kaming buong pamilya.

"I guess I'll have to bring my ukulele with me."

"Your Tita Caroline will love that."

"Goodnight nanay at mahal kita." I sweetly mumbled.

"Mahal na mahal kita anak."

---

"Andito na si Ma'am Ferrer!"

Napatayo na kaming lahat mula sa pagkakaupo sa sahig ng gymnasium dahil sa sigaw ng kaklase namin. We're on our PE uniform today para sa morning class namin. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming guro sa PE. She ordered us to formed five lines in which we immediately followed.

"Today, we will be having karate. Position yourselves now because I'll teach you the basic skills and stunts for this unarmed martial arts. Go!"

Sinunod namin ang utos ni Ma'am Ferrer. We spent more than an hour in learning the basic skills and stunts. Nanay taught me some of those for self-defense and because she strongly advocates gender equality. Masyado daw abusado ang mga Greek Gods sa mga babae dahil hindi nanlalaban ang mga ito aniya. She's weird. Really.

Naupo muna kami sa sahig habang inaantay ang mga staff doon na ilapag ang mga mat para sa one-on-one namin.

Lumapit si Ma'am Ferrer sa amin na ngayo'y dala-dala na ang kanyang clipboard. Nagsimula na siyang magtawag ng pangalan. So far the karate show was nice. Matapos ang pangatlong pares ay tinawag na ang pangalan ko. I stood up and waited for Ma'am Ferrer to named my opponent.

"It's Quizon versus Veneracion."

Gusto kong maupo ulit dahil sa talim ng titig na ipinupukol ni Winona sa akin. Nauna siyang pumunta sa rubber mat saka naman ako sumunod at pumwesto sa kabilang banda.

"Go Buko! Go Buko! Go Buko Buko Loves!"

Agad kong sinipat si Tobbie na bigla na lamang nagcheer ng wala sa oras. Hinawakan ko ang dibdib ko at bahagyang pinaawang ang bibig na para bang na-touch ako sa suporta niyang ibinibigay.

"You're welcome Coconut! Slay that witch!" He winked before taking his seat.

"You ugly and stupid ogre! You're such a Shrek Tobbias Araneta!" Winona shouted irritatedly at him but the latter just showed an unlike finger sign.

Hinarap niya ako at sa tingin niya pa lang ay alam ko ng magiging masakit ang labanang ito. She began to attacked me with a kick even without a 'go signal' and thank goodness that I managed to docked immediately just to avoid it!

"Hindi pa nagsisimula ah!" I hissed but she just smirked.

"Stupid! That's my plan!"

Umatake siyang muli at wala akong ibang nagawa kundi ang sumagang at umatras. Nang mapansin niya sigurong naging abala ako sa pagsangga ng mga atake niya ay sinipa niya ang sikmura ko ng malakas dahilan para tumilapon ako. Ang daya! Sakit nun ah! Nang makatayo na ako ng maayos ay nagulantang ako when I saw her turned and an unexpected kick made me faced the mat. Making everyone watching us gasps in so much surprise.  Damn! And this is when I got my temper cup full. I groaned and pushed myself up from the rubber mat.

"Wala ka pala e." She teased.

You want Nikita huh? I moved my head from left to right showing that I'm all set for her attacks. Susuntok sana siya gamit ang kanang kamao niya pero inilag ko ang sarili ko at hinawi ang braso niya bago ko tinuhod ang kanyang sikmura. Napaawang ang bibig niya sa sakit. I took advantage of her weak state. I turned and kicked her strong enough to make her kissed the rubber mat. I'm just returning the favor. Namilipit siya sa sakit kaya hindi na niya nagawa pang tumayo. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kanang palad ko para tulungan siyang makatayo pero hinawi lamang niya iyon. Ang suplada talaga!

---

Pinagmamasdan ko si Tobbie na magkwento ng mga karanasan niya sa probinsya nila habang puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. Hindi ko nga alam kung naiintindihan pa siya ni Wren na nakikinig naman sa kanya. Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang kinakain ang lunch namin. Napailing na lamang ako at tinapos na ang inorder kong pork afritada, kanin, softdrink at mousse.

"Coco."

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Ang nakangiting mukha ni Ate Annie ang bumungad sa akin. May kasama siyang medyo maputing chubby na babae and they're both wearing the same uniform so I bet they're classmates.

"Oh, Ate Annie may kailangan ka?" I asked and the boys' attentions were on us.

"Ah eto nga pala ang friend ko at classmate, si Macy Soledad." She introduced the girl whom she with to us.

"Coco Quizon po and these are my friends slash club mates Wren Avila and Tobbie Araneta." I shook hands with the lady and the two boys did the same.

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. An indication that she's doubting if she'll trust us with something. And my theory was affirmative when she looked at Ate Annie.

"Sigurado ka bang kaya nila? They're just high school students."

Nabaling naman kay Wren ang atensyon namin ng magsalita siya.

"Ma'am, your expression tells us that you are bothered of something. Yes, we are still high school students and we doesn't require you to believe that we can but we want you to know that we are ready to lend a hand."

Bahagyang napalunok si Macy dahil sa sinabi ni Wren. Sinulyapan niya si Ate Annie na nasa tabi niya at tinanguan naman siya ng huli.

"Sila yong bumuko sa faith healer na nagngangalang Apo Segundo. You can count on them okay?" Ani Ate Annie and the latter just sighed.

"Alright, but can we talk in some other place? Yong may privacy naman." Wika naman ni Macy habang nagpalinga-linga sa paligid.

Nagkatinginan kami ni Tobbie. Looks like she's hiding something. Narinig namin ang pagtayo ni Wren sa kanyang upuan kaya napatingin kami sa kanya.

"Let's go to the rooftop then." Wren suggested and the two ladies nodded and followed him.

Dali-dali naming niligpit ni Tobbie ang mga binder at librong dala namin. Sinabit ko ang shoulder bag sa aking balikat at sumunod na kami sa kanila.

Walang taong naroroon pagdating naming lima. If we only have a clubroom then we could grant our clients with an enough privacy. Malapit ng mangyari yon. Mababawi ko rin ang Mystic Club. For the meantime, ay wala kaming ibang choice kundi ang magtiis at maupo sa rooftop. When we're all settled Macy began stating her problem.

"Walo kaming magkakaibigan pero ngayon ay lima na lamang kaming nabubuhay."

I secretly looked at Wren on my side and he was listening intently to the lady's story.

"Si Lexi ang unang namatay sa amin noong gabing nag-iinuman kami. Pagkauwi namin galing sa kanila ay nabalitaan na lang namin na nasunog ang bahay nila at hindi siya nakaligtas."

Unti-unti ng nanunubig ang mga mata ni Macy habang ikinukwento ang masalimoot na sinapit ng kaibigan.

"Dalawang araw pagkatapos ng libing ni Lexi ay si Renan naman ang sumunod. Natagpuan siyang patay sa kama niya. Ang sabi ay binangungot daw siya pero hindi ako naniniwala. Tapos nitong nakaraang araw lang ay si Jerome naman. Nahulog siya galing sa condo unit niya na nasa 14th floor." Tinakpan ni Macy ang mukha gamit ang mga palad niya at humagulgol na.

"Hindi pa ba nahuhuli ang pumatay?" Tobbie asked.

"Hindi kami naniniwalang normal na tao ang may gawa ng pagpatay na ito. Sabi kasi ni Sofia kasalanan daw namin iyon kaya magbabayad kami."

"Kasalanan saan?" I asked.

"Hindi ko alam. Wala akong alam. Lagi na nga lang silang nag-aaway ni Vanessa sa di ko malamang dahilan!" Tila nafu-frustrate na wika ni Macy habang humahagulgol.

"Anong huling nangyari bago niyo iniwan ang bahay ni Lexi." Biglaang tanong ni Wren sa kanya.

"Ang totoo niyan sinabihan kami ng mga lalaki na mauna ng umuwi. May tatlong naiwan sa kanila doon samantalang hinatid naman kami ni Derrick pauwi sa villa na nirerentahan naming tatlo nina Sofia."

Pinagmasdan kong maigi si Macy. She's trembling and her expression became uneasy. I don't know why but I feel like there's something off with this case.

"Can we meet all of you later?" Wren queried.

"Oo. Pwede kayong pumunta sa villa na nirerentahan namin mamaya pagkatapos ng klase. Tatawagin ko din sina Derrick at Louis para pumunta doon at makilala kayo." Aniya na walang pag-aalinlangan.

"Alright. Let's see each other again later. Thank you for sharing this case to us." Wren shook her hands with a smile that yields interest and excitement.

So this is another case huh? Pagkatapos maibigay ni Macy ang kanilang address sa amin ay nagpaalam na kami sa isa't isa. We were heading downstairs at nasa hulihan kami ni Wren.

"Coco."

Nahinto ako sa pagbaba at nilingon siya. May kinuha siyang medium size na journal with black cover mula sa bag niya at ibinigay iyon sa akin.

"In case if you want to know more about the supernatural entities, this journal can be a help." Tumango ako at tinanggap iyon.

"It's my mom's journal but I will let you borrow it."

"Baka hanapin niya to?"

"No. She gave it to me and now I owned it. Isa pa, tumigil na siya sa pagha-hunt. She's already a professor at Stanford University." Aniyang nakangiti.

Pakipot naman ako masyado e. Pero tatanggapin ko na! "Thanks."

➖➖➖

Their second case is about to begin...

Do vote, share and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top