Chapter 55: Troubles Fetching The Newbie
Troubles Fetching The Newbie
Soundtrack: Demons by Boyce Avenue
"Rodjan, ano bang ginagawa mo rito? Halika na. Bumaba na tayo. Paparating na yong bagyo oh!" Tawag ng labing-isang tatlong gulang na si MaJoy sa kaibigang hindi inalintana ang lumalakas ng ambon makatungtong lang sa ibabaw ng lumang bus na ginawa nilang tambayan.
"Sige na MaJoy, pumasok ka na sa loob. Kaya ko na to. Hihintayin ko yong kidlat," tugon nito na ikinagulat naman niya.
"Anong gagawin mo sa kidlat? Wag mo sabihing magpapatama ka," MaJoy kidded but the Rodjan just gave her a sad smile and she suddenly realized he will really going to do it.
"Rodjan, wag kang nagbibiro ng ganyan! Halika na rito! Ano ba?!"
Mabilis siyang umakyat sa hagdan na nakasabit sa gilid ng bus para sundan ang kaibigan sa ibabaw.
"Alam mo ba na base sa research ko ay madaming kaso raw ng mga taong natatamaan ng kidlat ang nagsasabing nagkakaroon daw sila ng kakaibang kakayahan."
Nakangiti siyang hinarap ng kaibigan. "Nagkakaroon sila ng kapangyarihan, MaJoy."
"Anong gagawin mo sa kapangyarihan?"
"Believe it or not but my parents and brother, they have powers," malungkot nitong tugon. Gusto niya mang ipakitang nagulat siya pero mas pinili niyang pakinggan ang kaibigan.
"I once asked my mum if they're not my biological parents which could probably explain why I don't have any but she slapped and told me she gave birth of me and how could I ask of such nonsense query."
Nanatiling tikom ang bibig ni MaJoy habang pinagmamasdan ang kaibigang naghahanda ng mga kung anong aparatong magagamit nito bilang konduktor ng kidlat.
"Maybe, just maybe, if this attempt became successful, I could undoubtedly made myself believe that I belong to them. Kailangan kong magkaroon ng kapangyarihan, MaJoy."
MaJoy went near him because she couldn't anymore take the sadness she's seeing on her friend.
"Rodjan, they're your parents kaya maiintindihan ka nila. Don't think like as if you need to adjust or to change yourself just to consider yourself a part of your family," payo niya rito.
"Hindi mo ko naiintindihan."
Tumunog ang isa sa mga aparato ni Rodjan hudyat ng nalalapit na pagdating ng kidlat sa direksyon nila.
MaJoy started to get scared upon seeing how the violet colored lightning quickly made its way towards their direction after a series of strikes and thunder. She wants to support her friend in all his endeavors but not with this one. She knew that he's risking his whole life just for the sake of possessing an extraordinary ability.
"Maj, bumaba ka na. Palapit na yong kidlat dito. Ayokong madamay ka!" Sigaw ni Rodjan sa gitna ng malakas na hangin, nakakabinging kulog at nakakapangilabot na kidlat.
She shook her head and Rodjan was just about to protest when the lightning abruptly struck him. His body convulsed as the lightning continuously struck him.
Napasigaw si MaJoy sa nasaksihan at mabilis na itinulak ang kaibigan palayo sa kidlat na siyang naging dahilan para siya naman ang tamaan.
----
Napabalikwas ng bangon si MaJoy mula sa kinahihigaan niya at naghabol ng hininga. Nang kumalma'y nilibot niya ang paningin sa paligid ng kanyang inuukupahang kwarto.
Napapikit siya, itinaas ang kanyang mga tuhod at hinilamos ang dalawang palad sa kanyang mukha upang tuluyang mahimasmasan mula sa isang masama na namang panaginip. Even after the lost years, her darkened past keeps on taunting her.
Napatigil sa paghihilamos si MaJoy at sandaling napatulala. She saw on her vision a man and a woman of a year younger than hers approaching her place.
Kaagad siyang tumayo sa kama niya at dali-daling kinuha ang jacket niyang nakasabit sa rack, isinuot ang beanie niya at saka kinuha ang may kalakihan niyang sling bag kung saan nakapalaoob ang iba niya pang mga gamit.
She's used to this kind of situation. Tatakbo, magtatago, panandaliang mapapanatag at tatakbo na naman. Matagal na siyang mag-isa kaya madali para sa kanyang sanayin ang sarili niya sa ganoong klaseng buhay.
Dahil alam ni MaJoy na makakasalubong niya ang mga naghahanap sa kanya kapag sa corridor papuntang lobby ng apartment pa siya dadaan ay tinungo niya ang fire escape at doon dumaan upang tumakas.
Nang tuluyan na siya ng makababa ay napahinto siya nang mapansin niya ang mag-asawang nakatira sa parehong apartment na kinaroroonan niya na bigla na lamang nag-away.
"Hindi ka na naman umuwi kagabi?! Saan ka na naman natulog? Sa kabit mo?! Hindi ka na naawa sa mga anak mo! Walanghiya ka!"
Pinagsasasapak na ng babae ang asawa niyang panay naman ang ilag gamit ang mga braso nito.
"Ano ba? Tama na. Sinabing tama na!" Galit na sigaw ng lalaki na siyang nagpatigil sa babae.
Nanggagalaiting dinuro-duro siya nito.
"Alam mo, rinding-rindi na ako sayo! Pagod ako galing sa trabaho dahil ako lang ang kumakayod sa pamilyang to tapos sisigaw-sigawan mo lang ako. Nakakasawa na!"
The husband began battering his wife who screamed and cried for help especially when he broke an empty bottle of liquor and hit her forcefully on the head.
Bahagyang napatalon si MaJoy mula sa kinatatayuan niya dahil sa nasaksihan sa vision niya. Kumuha siya ng bato bago nag-angat ng tingin ulit sa nag-aaway na mag-asawa.
"Hindi ka na naman umuwi kagabi?! Saan ka na naman natulog? Sa kabit mo?! Hindi ka na naawa sa mga anak mo! Walanghiya ka!"
Mabilis na inihagis ni MaJoy ang bato sa salaming bintana ng mag-asawa kaya gulat na napatingin ang mga ito sa kanya.
"Pasensya na po," paghingi niya ng tawad sa mga ito bago siya kumaripas ng takbo palayo roon.
She received a series of angry shout and harsh remarks from her neighbors but she shrugged it off. Those two supposed to thank her for preventing the event on her vision to happen.
Di nagtagal ay nakarating din siya sa train station. Mas binilisan niya pa ang kilos nang malamang hindi lang pala ang dalawang iyon kanina ang sumusunod sa kanya. There are other men in black following her.
Sinadya niyang banggain ang isang babae saka maingat at palihim na kinuha ang bote ng sleeping pills sa loob ng nakabukas na shoulder bag nito at isinilid iyon sa bulsa ng kanyang jacket bago humingi ng tawad dito.
Tumango ito sa kanya bilang tugon saka nagpatuloy na ito sa paglalakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin at nang masigurong nakalayo na ito ay bahagya niyang inilabas ang bote mula sa loob ng bulsa ng kanyang jacket.
She doesn't really understand why. While she's struggling and running for her life, it's so easy for others to decide on ending up their own lives.
The woman awhile ago planned on committing suicide by means of taking an overdose of pills. She always disapproved on the idea of killing oneself. She value life so much that she would help and protect anyone with the use of her ability.
Itinago niyang muli ito nang makitang papalapit na ang mga humahabol sa kanya. Tumakbo siya pero di pa man siya nakakalayo ay may nakabangga siyang lalaki. Muntikan na siyang mawalan ng balanse pero mabuti na lang ay maagap siyang nasuportahan nito.
"Miss, ayos ka lang?" Tanong ng lalaking naka-man bun.
Tumango siya rito at nagpasalamat pero nagtaka siya nang mapansing hindi parin siya binibitawan nito. Nagpalinga-linga ito na para bang may tinitignan sa paligid. Naalarma naman siya nang bigla siya nitong kaladkarin.
"Teka, saan mo ko dadalhin?" She didn't see it coming. Why?
"May mga pangit na sumusunod sayo kaya sumama ka na lang sa gwapo," anito.
Kumunot ang noo niya rito at kahit totoo nga ang sinasabi nitong may itsura ito ay hindi parin siya magpapaloko. He might be one of those who are chasing her.
Nagpumiglas siya pero kahit anong pilit niya'y mas malakas parin ito sa kanya kaya'y nadala siya nito hanggang sa parking lot. Natulala siya saglit at nagpumiglas muli nang makabawi. A familiar man is approaching on their place. She needs to get away fast!
"Bitawan mo ko sabi!" Inis niyang utos sa lalaking di parin natitinag.
Kumabog ang dibdib niya sa kaba nang huminto ang isang sedan sa harapan nila.
"Hay salamat naman at dumating din kayo sa wakas," sambit ng lalaking katabi niya.
Bumaba ang bintana ng sasakyan sa backseat at sumungaw ang ulo ng isang maganda't tsinitang babae.
"Tobs, isakay mo na siya sa front seat sa tabi ni Radicus dali," anito na mas nagpakaba sa kanya. Lalo na nang marinig niya ang pangalang iyon.
---
Nang maisakay na namin si MaJoy ay siya namang pagdating nina Wren at Winona.
"Bilisan niyo at ilayo niyo siya rito. Kanina pa may humahabol sa kanya na mga hellhound," wika ni Wren. He's now using his other eye.
"Hellhounds? Di ba mukhang mga aso yon? E bakit iyong mga humahabol sa kanya mga lalaking nakaitim?" Tanong ni Taki na naiintindihan ko naman. She was new to this so maybe she hasn't heard about the human disguise.
"They're using human disguise to lure mortals," I explained briefly.
"Wren, have you seen Professor?" Baling ko kay Wren. Nakakapagtakang wala siya rito ngayon.
"May ginagawa siya para panatilihin ang balanse. Looks like these hellhounds here won't be bothered seen by the mortals just to get her," makahulugang wika ni Wren and I only furrowed my brows because I don't get him.
"Rad, sige na. Kami ng bahala sa mga hellhound na nandito," aniya saka binuhay naman ni Radicus ang makina ng kotseng sinasakyan namin kaya tumulak na kami.
---
We were seriously having troubles in fetching our new member. Kanina pa kasi may mga nakasunod sa amin, mapasasakyan man o nakahuman disguise na mga hellhound.
We're now driving in the middle of the street yet the chase still seemed relentless. Despite the number of people who were busy doing their own businesses, no one seemed mindful about us and to the continuous hounding that's happening between us and for an unknown reason, I suddenly felt like it has something to do on why Professor was not here with us. Radicus, on the other hand, keeps on driving to get away from the so-called bad guys.
May malaking lalaking nakaitim kaming napansing nag-aantay sa amin sa di kalayuan. He has huge and bulky muscles fitting for a wrestler in WWE.
Radicus halted when we were meters away from the man.
"Wear your seatbelts. May babanggain tayong pader," he said.
Saglit kaming nagkatinginan ni Taki bago namin dali-daling isinuot ang mga seatbelt namin. We already got the hint on what Radicus was about to do without him elaborating his plans to us. Sasagasaan niya ang malaking mama!
Binuhay ni Radicus ang makina at kaagad na tinapakan ang accelerator. Humarurot siya hanggang sa tuluyan na nga niyang binanggaan ang malaking lalaki na sa tingin ko'y humandusay naman sa daan dahil sa lakas ng pagkakabangga. I don't know, I'm not sure and Radicus is merciless as I see it and he was about to restart the car's engine but something from behind the bumper was stopping it and much to our surprise, it's the bulky man holding it.
Tinapakan ulit ni Radicus ang accelerator upang subukang humarurot but the man behind groaned as he stood up from the ground where he was lying and pulled as closer to him.
"Rad!" Natatarantang sigaw ko nang unti-unti nang winawasak nong dambuhalang lalaki ang likuran ng kotse.
He tried maneuvering the car again but when he realized that it was to no avail, he muttered an I guess uncommon British slang for the 'f bomb' and got the colt out from the car's drawer.
"I'll count to three and everyone should be out in the car. One," aniya.
Dali-dali naming kinalas ni Taki ang aming mga seatbelt. Ganoon din sina MaJoy at Rad sa harapan.
"Two,three."
Kaagad kaming nagsilabasan ng sasakyan at mabilis namang pinaputukan ni Radicus ng colt ang lalaking nakaamba nang sumugod kay Taki.
We hurriedly sprinted towards the van where our other members are waiting for us.
"Bilis!" Sigaw ni Tobbie na siyang nasa driver seat.
Lumapit sa amin si Wren at kaagad naman niyang nasalo ang colt na inihagis ni Radicus sa kanya. It's his.
"Thanks for that. I'd didn't had so much fun shooting him tho. He easily collapsed."
Napangiwi naman ako sa narinig mula kay Radicus. Paanong hindi niya kaagad mapapatumba iyong hellhound na nagdisguise bilang malaking mama kung kaagad niyang natamaan ito sapul sa gitna ng ulo sa isang putok lang ng baril niya? What else he can possibly do? If before I want to see his other emotions right now, I sure don't wanna get him angry.
Among the male members, Radicus is the most unpredictable. Bukod sa hindi ko maramdaman ang mga emosyon niya ay hindi rin ganoon kadaling basahin ang isip niya. He's very good in keeping his own self neutral and cloistered.
Kaagad kaming pinagbuksan ni Winona ng pinto sa backseat. Pagpasok ko ay nagulat ako nang makita si Professor na nakapikit ang mga mata at nakahilig sa upuan.
I was about to approached him when Winona tapped my right shoulder. I looked at her and she shook her head.
"He's tired. Hayaan mo muna siyang magpahinga."
Kahit na naguguluhan man ay tumango na lamang ako. I sat on back and suddenly felt the urge to look at the van's window and then I found that everything were in place. Like nothing terrible had happened. Wala na iyong bangkay ng lalaki at maging ang nasira naming kotse. Paano nangyari yon?
---
"Do you have any idea why those hellhounds are chasing you?" Pang-uusisa ni Wren sa nakaupong si MaJoy sa sofa.
Nasa sala kaming tatlo ngayon sa cabin. Radicus, Tobbie and Professor proceeded to their respective rooms when we arrived here. Professor looked tired and debilitated like he had loss some strength over something strenuous.
Taki and Winona immediately went to the kitchen to prepare for our dinner but I guess the latter just want to test her cooking skills before this day ends.
Nag-angat ng tingin ang nakayukong si MaJoy at diretso akong tinignan gamit ang kanyang nangungusap na mga mata. She probably knew by now what I can do judging on the way she looks at me and because of her ability. She's aware that I could tell if she's lying or not.
Ilang sandali ring nanatili ang mga mata niya sa akin na animo'y nagmamakaawa bago siya sumagot sa katanungan ni Wren.
"Hindi."
Bumaling sa akin si Wren to implicitly ask for my assessment. It took me awhile also before I replied.
"Nagsasabi siya ng totoo." And I'm lying.
I saw in my peripheral vision how Wren nodded with content on my assessment. My eyes never left MaJoy who gave me a small smile for gratitude.
---
"I smell something fishy," biglaang komento ni Tobbie na nakaupo sa sofa katabi ko.
Bahagya kong inangat ang tingin ko mula sa librong binabasa ko upang tignan ang kabilang sofa na nasa harapan namin.
MaJoy and Radicus who's reading a book sat there with an uneasy distance in between them. Pilit na ngumiti si MaJoy sa amin. Pasimpleng umangat ang gilid ng labi ko at muling ibinalik ang aking mga mata sa aking binabasa.
"Wren, gamit ang iyong intuition masasabi mo ba kung anong meron sa dalawang iyon?" Pang-iintriga ni Tobbie kay Wren na nanonood ng balita sa telebisyon.
Wren smiled without taking his eyes off the television.
"They had a past," pa-showbiz na sagot nito.
"Anong klaseng past? Mahuhulaan mo ba Coco?" Baling ni Tobbie sa akin.
I lifted my gaze on the two of them and observed.
"Basing on the awkward proximity and the affected smile that MaJoy has, I can say that they're exes," I said and MaJoy's face heated up and her cheeks were in crimson. Nagpaalam siya't tumayo upang tulungan sina Winona at Taki sa paghahanda.
"Woah! That was a big revelation!"
Tumayo si Tobbie at nilapitan si Radicus na nagbabasa parin ng libro. Pumwesto siya sa likuran ng sofa na kung saan ay naroon si Rad saka inilabas ang isang microphone mula sa likuran niya.
"Can you confirm it Mr. Walker?" Tanong niya sabay lapit ng mic kay Rad.
I can hear crickets chirping awkwardness around them when Radicus did not said a word nor even look at him for about a couple of seconds or more. Radicus just continued reading his book like as if there's no one asking him. I bit my tongue to stop myself from laughing. Napahiya siya roon ah.
"Oh-kay. Thank you Mr. Walker," pambawi ni Tobbie sa kahihiyang natamo.
Kaagad kong ibinagsak ang mga mata sa librong binabasa nang maglakad na siya palapit sa akin.
"Ms. Quizon, what can you say about the sudden revelation? Na nagkaka-girlfriend din pala ang mga tulad niya?"
Saglit kong tinitigan ang bespren ko, iniisip kung ipapahiya ko rin ba siya gaya ng ginawa ni Rad.
"Wow," walang gana kong sabi saka isinara ang librong binabasa ko at tumayo na para tumulong sa paghahanda ng hapunan namin.
The sterling silver tiny beads chain anklet on my right foot moved up and down as I take my every steps going to the dining. MaJoy and I prepared the plates and utensils in the dining table while the two other girls are still busy on the kitchen.
Nang matapos kami ay tiyempo namang paglabas ni Taki ng kusina bitbit ang isang tray ng pagkain.
"Taki, saan mo dadalhin yan?" I asked and she stopped walking.
"Kay Professor. Ang sabi kasi ni Winona ay hindi raw siya sasabay sa atin," she explained. Marahil ay talagang masama ang pakiramdam niya.
"Pwedeng ako na ang magdala?"
"Sigurado ka?" She asked and I smiled and nodded.
"Sige na at ako na ang bahala rito. Sumabay ka na sa kanila kumain. I'll do this part for you."
Tumango si Taki at ibinigay na sa akin ang tray. Kaagad kong tinungo ang kwarto ni Professor. Medyo nahirapan pa ako dahil may karamihan ang laman ng tray na dala ko.
"Êvøkå," I mumbled and the door swung open for me.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto ni Professor. It was dimly-lighted kaya medyo mahirap aninagin ang kabuuan niyon. Naabutan ko si Professor na nakatalikod sa akin habang nakatingin sa madilim na kalangitan sa kanyang bintana. Nakasuot siya ng pajama at robe naman ang kanyang pang-itaas.
He looks so peaceful while staring at the night sky and he's like a painted masterpiece as the moonbeam illuminated his imposing features. Napailing ako at hinanap ang mesang pwede kong paglagyan ng tray.
"Professor, I brought your dinner. Kumain na po kayo," I said while placing the tray on his bedside table.
Pagharap ko sa kanya ay nakangiti narin siyang nakatingin sa akin. I smiled also.
"Can you please turn on the stereo?" He smilingly asked and I did as I was told and a familiar song immediately played.
When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold
Lumapit ako kay Professor at tinitigan siya. Iba na ang kulay ng buhok niya but he's still the Cameron I met and knew way back in Malibu. But I cannot help but get worried about him these past few days.
When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all
And the blood's run stale
"Ayos ka lang ba?" I asked with worry and concern laced in my voice.
But instead of answering me, he just smiled and extended his right hand for me.
"Pwede ba kitang maisayaw?" He asked.
"Bakit naman?"
"I just remember that I haven't dance you on your debut," he said while shrugging.
"Pangatlong sayaw na natin to." Natatawa kong sabi nang maalala ang unang dalawang sayaw namin.
"Kahit umabot pa ng isang-daan. I won't mind as long as you'll join me."
Napawi ang ngiti ko at ramdam ko rin ang kakaibang takbo ng kung anuman sa dibdib ko habang nakatitig sa kanya.
I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide
Hinawakan niya ang kamay ko at siya na mismo ang pumulupot ng mga braso ko sa kanyang leeg. He smiled and placed his hands on my waist then we began swaying in a slow pace just fitting for the song's rhythm and I wanna praise the marvelous moonlight for making the night lovelier and even more serene.
"I just want you to know that I'll be teaching college students starting next week."
"Bakit?" Nakakunot-noong tanong ko bago niya ako pinaikot.
No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come
"Do you really want to know why?"
He pulled me closer when we're face to face again.
"Bakit? Hindi mo ba gustong magturo sa amin?" Malungkot kong tanong habang bahagyang nakatingala sa kanya.
"No Coco, gusto ko. Gustong-gusto," sagot niyang nakatitig parin sa akin.
He tucked some strands of hair on my ear before he gently cupped my check.
When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide
"I like it so much it scares me."
My heart was beating so loud that it muted every audible sound around me as Cameron slowly close the distance between us. His nose gently touch mine and I could feel his breath on me as our lips were only inches apart. Nanigas ako sa kinatatayuan ko pero ang kaninang kaba ay napalitan ng hiya nang tumunog ang tiyan ko.
Cameron stopped and gave in an amused smile bago dahan-dahang lumayo at umayos ng tayo. Napapikit ako saglit dahil sa kahihiyan pero naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa noo ko at sa pagdilat ko'y naabutan ko siyang hindi parin maalis ang ngiti.
"You're hungry?"
Tumango ako habang nakayuko, hindi makatingin sa kanya.
"Go eat your dinner, sweetheart."
Tumango ako at dali-dali ng kumilos pero dahil sa pagkakataranta ko ay napatid ko ang sarili ko sa paa niya kaya ako nadapa.
"Are you okay?" Tanong niya at ambang tutulungan ako pero mabilis kong sinaklolohan ang sarili ko at tumayo saka patakbong lumabas ng kwarto niya.
"Coco, okay ka lang?" Tanong ni Taki nang makita akong papalapit sa kanila kaya naagaw ko ang atensyon nila maliban na lamang kina Radicus at Tobbie na nagpatuloy sa pagkain.
Pansin kong ngumuso naman si Wren na animo'y nagpipigil ng ngiti.
"Ha? O... Oo naman..."
"Sigurado ka? Bakit namumula yong pisngi mo?" Pang-uusisa ni Winona.
-illinoisdewriter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top