Chapter 51: Welcome To Neverland

Welcome To Neverland

Bahagyang ibinaba ni Lucas ang kanyang kumot upang tignan ang nakabukas na bintana ng kanyang kwarto. Sumisilip ang liwanag ng buwan sa loob niyon kasabay ng paglakas ng simoy ng hangin. Babalutin na sana niyang muli ang sarili ng kumot subalit may narinig siyang nagsalita sa isang sulok.

"Gusto mo bang maglaro Lucas?"

A boy who is about twelve to thirteen years old went out from the shadow. He stepped into the moonlight and it illuminated him. Clad with a green colored top which sleeves looked like real leaves, red pants, slightly pointed ears and brown hair, he stood in front of Lucas.

"Maglaro? Pero gabi na." Nagtatakang tanong ni Lucas kahit na halatang nagustuhan niya ang sinabi ng lalaki. The boy smiled at him.

"May alam akong lugar kung saan tayo pwedeng maglaro buong araw." Anitong ikinangiti naman ng anim na taong gulang na bata na si Lucas.

"Talaga?"

"Oo." Tugon ng lalaki sabay tango sa kanya. "Gusto mo bang sumama?"

"Sige! Sige! Pero paano tayo pupunta roon? Gabi na di ba?"

"Lilipad tayo."

"Lilipad? Wala naman tayong pakpak kaya papaano tayo lilipad?"

"Tumayo ka muna at tuturuan kita kung papaano."

Sinunod ni Lucas ang payo ng lalaki. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama niya. Lumapit sa kanya ang lalaki saka siya muling nginitian.

"Ipikit mo ang mga mata mo at mag-isip ka ng magagandang bagay."

Tumango si Lucas at ipinikit na ang kanyang mga mata. He began thinking of happy thoughts as he was told. He thought of chocolates. Lots of them. Toy cars, robots and he even recalled the day when he and his family went to Disneyland. Then, all of a sudden, he felt his feet lifted up from the floor of his room. He opened his eyes and surprise and wonderment were painted all over his face.

"Sabi ko sayo e. Kaya mong lumipad."

He looked at the smiling boy who was already levitating outside his window and he smilingly nodded in return.

"Ang galing-galing naman!" Napapalakpak na bulalas ni Lucas.

Inilahad naman ng estranghero ang kanyang kamay sa kanya na siya namang tinignan niya.

"Handa ka na bang sumama sa akin? Dadalhin kita sa isang masayang lugar." Wika ng lalaki.

Ilang segundo rin iyong pinagmasdan ni Lucas bago siya dahan-dahang tumango at inabot ang kanyang kamay sa palad ng lalaki. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang paglipad nilang dalawa tungo sa nasabing masayang lugar.

The oblivious Lucas didn't noticed how a portal leading to another world opened. He was just feeling the blithe brought by his bewilderment in flying making him unmindful of his whereabouts. 

"Nandito na ba tayo?" He asked, still in the efficient state of astonishment upon seeing the majestic scenery of the place.

The marvelous sight of mountains covered with green grasses, the deep blue ocean with big and grandiose large seagoing vessels sailing, and the different tiny flickering creatures flying around him made him even happier than before. This is what he wants. A magical place that truly exists not only in his imagination.

The boy who was still flying just meters away from him turned to face him with a big welcoming beam.

"Yes Lucas and welcome to Neverland."
💀💀💀

I slowly opened my eyes but I groaned and immediately closed it again when the rays of the sunlight coming from the glass ceiling landed on them. Tumagilid ako ng higa at sinapo ang sumasakit kong ulo.

"Coco! Mabuti naman at gising ka na!" It was Taki's voice and I can sense relief on her.

"Ayos ka lang ba?" Dagdag niyang katanungan nang di ako sumagot.

"Ang sakit ng ulo ko." I retorted with my hands still on my throbbing head. I'm trying to ease the its aching but I know that my touch won't heal it.

"Sino ba namang hindi sasakit ang ulo? Ubusin ba naman mag-isa ang isang bote ng Jack Daniels." Dinig kong sambit na Winona. Confirmed. Nasa cabin ako but how did I get here?

Umupo ako mula sa pagkakahiga habang sapo parin ang sumasakit kong ulo.

"How did I get here?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Taki looked for a second at Winona who just continued doing her thing.

"Nakakalimot ba talaga ang paglalasing?" Tanong niya kay Winona na inirapan naman siya.

"Ewan ko sa inyo. Pareho kayong weirdo." Tugon niya at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawang paghahalughog ng kung ano sa drawer ng kanyang dresser. Muli naman akong hinarap ni Taki.

"It's your birthday kaya balak ka sana naming sorpresahin kaya nagpunta kami sa bahay mo pero yong pusa niyo lang yong naabutan namin. We waited for you until 10 o'clock but then we realized that maybe you're just here and you're not planning to go home kaya bumalik kami rito. Pumunta kami sa dorm natin at tiyempo namang nakita ka namin sa labas niyon habang buhat-buhat ni Clay." And I remembered talking to him before I lost my consciousness.

"You already had fallen asleep and you looked really wasted. Nagalit nga si Professor nang makita ang kalagayan mo. He even reprimanded Clay." Nag-angat ako ng tingin kay Taki sa gulat. But it was entirely my fault!

"Ja, richtig." Winona whisperingly commented in German completely agreeing with my thoughts in which I bet she heard. She's more of like mocking me.

"Baka nakakalimutan mong classmates tayo sa German Language. I understand what you've said."

"Oh really? Akala ko kasi ich liebe dich lang parin ang alam mong German phrase." Panunuya niyang inirapan ko naman. She'll always be the same Winona I knew before. However, I know that despite her resilient interior and antagonistic attitude towards me, I feel that she's also concern about me and that she gives value to this bond we have here in the club.

Hinagis niya sa mukha ko ang isang tuwalya. Inalis ko iyon mula sa pagkakatakip sa mukha ko upang tignan siyang muli. Ito ba ang hinahanap niya kanina pa?

"Ayusin mong sarili. Your father is waiting downstairs." Aniya at tinungo na ang hagdanan para bumaba.

After the incident, Madame Sue told them about my true identity including the information about my real father. Naramdaman ko pang medyo nainggit si Winona sa akin dahil sa pagkakaroon ko ng wand without exerting any efforts. Unlike her who still have to finish her last year in Salem Institute this summer and after that she'll have her wand.

Nagpaalam muna ako kay Taki para makapag-ayos ng sarili sa banyo naming mga babae. At kapag sinabi kong mag-ayos para harapin si Gelm o Apollo ay simpleng paghihilamos at toothbrush lamang ang gagawin ko. He's not an important guest to get myself dress very well.

Pagkatapos ko ay bumaba na ako mula sa pangalawang palapag habang nakasabit parin sa kanang balikat ko ang tuwalya at nakasuot parin ako ng PE uniform. Naabutan kong nakapamulsa ang isang kamay niya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Samantalang si Professor Cameron naman na nakaupo sa sala ay nagtaas ng isang kilay habang naka-cross ang mga hita at sumisimsim ng kape sa kanyang tasa nang makalapit ako sa kinaroroonan nila.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ni Gelm nang di ako tinatapunan ng tingin.

Nahinto ako sa paglalakad sa mismong tabi niya. I noticed Tobbie and Taki hiding on the corner anticipating some good scene to watch.

"Ang sabi mag-ayos ako at hindi magbihis."

He threw a sideward glance on me and suddenly two tiny flicker of lights came out of nowhere. Inikot-ikutan ako ng mga ito. I narrowed my eyes into slits and saw that they are actually tiny female creatures with wings that emit light.

"They are called Devas. They'll assist you in fixing yourself."

Humalukipkip ako dahil sa sinabi niya. Magtatanong sana ako sa kung para sana iyon pero naunahan na niya ako.

"Mamamasyal tayo."

It took me five seconds before I completely processed the two words he had said. Mamamasyal kami? It's quite tempting yet I don't want to give up that easily.

"Ayoko." Sabi ko at mas hinigpitan pa ang aking pagkakahalukipkip.

Tinapunan niya ng tingin ang mga Devas at tinanguan naman siya ng mga ito. Nagulat na lamang ako ng hinila ng mga ito ang laylayan ng suot kong PE shirt. Nabuwag ang pagkakahalukipkip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong nagpapatianod sa hila nila. Hindi ko inaasahang ganoon sila kalakas!

Nasa hagdanan na kami nang nagsimula na akong magmatigas at nakipaghilahan sa kanila.

"Pwede ba bitawan niyo ako!" Sigaw kong nagpahinto sa kanila pero yong payat na Deva ay nagpameywang at tinaasan ako ng kilay. Suplada ang isang to.

"Manang-manang ka sa nanay mong mang-aagaw!" Sigaw niya gamit ang maliit ngunit matinis na boses. I want to cover my ears but it was already too late.

"Alam mo bang ang asawa ni Kyrios Apollo ang ipinunta niya rito sa mundo ng mga tao pero nakilala niya ang nanay mo at nabuntis pa talaga." Walang preno niyang sabi habang hinihila ang ilang hibla ng buhok ko. Pero naagaw ng atensyon ko ang sinabi niyang may asawa si Gelm.

"Aray! Ano ba?!" Reklamo ko sa kanya.

"Alethea, tama na yan! Mananagot tayo kay Kyrios Apollo kapag nalaman niyang ginaganyan mo ang anak niya."

Pilit namang hinila nang may katabaan niyang kasama ang impulsive na Deva. Nang mapagtagumpayan ay inis akong hinarap ni Alethea. Halatang malaki ang galit niya kay nanay pero hindi ko siya hahayaang ibunton lahat ng kasalanan sa kanya. Their master is at fault too!

"Kanina ka pa! Ano bang problema mo sa nanay ko?! Alam mo kung may totoo mang may kasalanan dito si Apollo yon at hindi ang nanay ko!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.

I heard some footsteps and I knew that I already caught the attention of the people downstairs.

"Manahimik ka dahil wala kang nalalaman! Ang tanging pinaniniwalaan mo lang ay ang mga bagay na nasilayan at naranasan mo at hindi ni Kyrios Apoll-"

"Alethea." Sansala niya gamit ang baritonong boses na puno ng awtoridad na siyang nagpatahimik sa Deva.

Hindi ko na kailangan lumingon para malamang si Gelm o Apollo iyon. Naiinis ako! Naiinis ako sa lahat ng nangyayaring ito dahil totoong wala akong alam! I only knew my story but not his nor theirs.

"Magbihis ka na Coco at Drana tulungan mo siya."

"Opo."

Mabibigat at mabibilis ang mga ginawa kong hakbang paakyat sa kwarto naming mga babae. I  need to know something and I won't let this day slipped away without knowing anything.

I took a quick shower and when I went out from the bathroom, a set of clothes was already prepared by Drana. She made me wore a white cinched waist maxi dress with floral embroidery in the bottom part under a jean jacket and it is paired with laced up sandals. She even pinned some hair on my right side with bobby pins.

Drana looked very satisfied and happy after seeing my reflection on the vanity mirror and I cannot help but smiled at her too. Ibang-iba silang dalawa ni Alethea.

After everything, I thanked Drana before I went downstairs to meet my father.

☠️☠️☠️

"I always see you and your mother coming here when you were still young and I think it's time for me to make up to you after the many years of just watching from afar."

Those words keep on repeating inside my head. That was his retort awhile ago when we were still in Jollibee. Pero kahit ngayon na nasa park na kami at nakaupo sa isang bench ay hindi parin iyon mawala sa isipan ko.

He had also bought a lot of things for me. Herschel bags, new clothes, shoes and other stuffs which I like the most. Ang sabi niya'y regalo raw niya ang mga iyon sa akin.

We were enclosed in a silent dome for minutes now. I seriously don't know what to say. Aside from nods and thanks, I couldn't utter other things. It's still difficult for me to dissolve the imaginary line separating the two of us.

Ganoon ba talaga kahirap patawarin siya? Of course not. I have forgiven him already. It's just that I still cannot let him in that easily in my life. Inhibitions preclude me from doing so. However, I have to admit that I am willing to give him a chance to prove himself worthy of being called as a father. Iyon ang hiling ni nanay sa akin sa sulat niya.

Biglang dumapo ang mga mata ko sa mamang naglalako ng tinapay. Kilala ko siya dahil madalas akong bumili ng tinapay  sa kanya. Nagpaalam ako saglit kay Gelm at tumayo saka nilapitan ang tindero. Bumili ako ng ilang piraso ng coco bread at nagpasalamat dito saka ako bumalik sa pwesto namin.

I took a piece of bread and handed all the remaining ones to him. Una'y tinignan lamang niya iyon pero di nagtagal ay kinuha niya rin iyon mula sa kamay ko. Then, I sat on the side just letting the unseen wall stay in between us. Kinagatan ko ang piraso ng tinapay na hawak ko.

"Alam mo ba kung bakit Coco ang pangalan ko?" Tanong ko habang nakatingin sa alapaap. Inaalala ang nakangiting mukha ni nanay nang sagutin niya ang tanong kong iyon.

"Ang sabi niya'y paborito mo raw kasi to." Pagtutukoy ko sa tinapay.

Bumaba ang tingin ko roon dahil sa mga alaalang unti-unting umaalon pabalik sa hinuha ko.

"Sa lahat ng kwento niya tungkol sayo, yun ang naramdaman kong pinakatotoo." Dagdag ko pang wika.

Muli kaming binalot ng katahimikan but it didn't last that long when he finally spoke.

"She made the first bread I ever tasted and I really like it."

Parang may kung anong unti-unting kumunot sa puso ko dahil sa narinig. He's opening up to me. Pero nanatiling nakapako ang mga mata ko sa hawak kong tinapay. I suddenly remembered the things Alethea told me.

"To... totoo bang ang asawa mo ang ipinunta mo rito sa mundo ng mga tao kaya kayo nagkakilala ni nanay?" Tanong ko habang nanatiling nakayuko.

"Yes." And that made nanay an intruder in the eyes of Alethea and who knows, baka hindi lang siya ang ganoon.

"Pwede bang malaman ang pangalan niya?"

Naglakas-loob ako upang kahit papaano'y may malaman ako tungkol sa kanila. I may not know their whole story but at least I know something so that I won't become overreliant on my biases in making conclusions about everything.

"Daphne but her reincarnation was Lauren, Charlotte's friend." Tango lamang ang tanging naisagot ko sa kanya. Nanay never mentioned about those things to me.

To search for someone important, the difference of worlds and time zones would not really matter to those who truly love them. Especially for a god like him. Mahal niya si Daphne. Hindi ko man iyon maramdaman gamit ang abilidad ko ay alam ko sa sarili kong totoo iyon. He will just let her go if he don't really care pero hindi e. Now, I cannot help but to wonder if he did love nanay.

"Minahal mo ba si nanay?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"I wouldn't be here again if I didn't." Maagap niyang tugon na siyang dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.

His eyes were bore on the distance like as if he's reminiscing a precious moment and it's very evident on the sparks of his olive eyes.

"I came back because of her this time. Dahil sa kanya at sayo Coco."

"Paanong nangyari yon? I thought you love Daphne." Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Harriet once told me that there are only two kinds of important people that you will meet in your whole life. Yong magtuturo sayo kung paano magmahal at iyong magtuturo sayo kung paano magmahal ng totoo. And she just happened to be the latter."

Naramdaman ko ang unti-unting panginginit ng mga gilid ng aking mga mata. Especially when my empathic ability began attesting him. He's telling the truth. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko nang maramdaman ang pagmamahal niya para kay nanay. Parang naglaho bigla ang kung anumang pader na pumapagitan sa aming dalawa dahil hinahayaan niya akong maramdaman ang mga emosyong mayroon siya. I know that he can blocked it whenever he wants too but he just let me feel it. He wants me to feel the paternal connection between us.

"Pe... pero bakit mo kami iniwan?" Nagpatuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.

He looked at me with his soft eyes and I suddenly felt the sadness and longing he had been keeping to himself for many years.

"She asked me to leave and I granted her wish even if it pains me." And I can feel it until now.

I regretted being too hard on him. Hindi lang pala ako ang marunong masaktan, malungkot at umiyak but I failed to recognize that because these past few days my emotions got me blinded. Maging ang isang tulad nila ay may nararamdaman ding kalungkutan. This is what happens when you easily believe on a one-sided story and decided not to hear any other thing aside from it. I realized that my loss is his loss too but as long as we still have each other, we can fill the emotional blank space we both have. It was never wrong to start anew after all those downfalls we've been through.

"I'm sorry... tatay."

From now on, I'll embark on my new journey together with my new companion.

☠️☠️☠️

"The universe is a collection of multidimensional worlds. Kyrios Apollo's world was against Harriet O'Mara's. It rooted when her power-greedy parents disobeyed the general rule of each world."

Iyon lamang ang naibulong ni Drana sa akin dahil sinita na siya ni Alethea bago niya pa maikwento ang lahat habang nasa daan kami pabalik ng cabin sakay ng kotse ni tatay.

Gabi na ng makauwi kami galing park. Huminto ang sasakyan nang makarating na kami kaya nauna na akong bumaba ng kotse para kuhanin ang mga pinamili ni tatay sa akin. Ayoko na siyang abalahin pa sa pagdadala ng mga iyon. I need to become a good daughter to him dahil kami na lamang ang magiging magkaramay sa buhay.

Bago ko pa man tuluyang maisara ang pinto ng Ford Mustang ni tatay ay nagulat ako nang makita ang mga nakangiting mukha ng mga kasamahan ko sa club na nasa labas ng cabin. May mahaba at malaking table roon na siyang pinapatungan nila ng isang six-tier cake with sugar roses, cupcakes at iba pang handang pagkain. They really catered this for me with all the decorations and wrapped gifts on the corner.

"Happy 18th birthday Coco." Professor smilingly greeted and I can feel the sides of my eyes and my heart getting warm at their efforts to surprise me.

Naluluha akong naglakad papunta sa kanila. Tobbie was already holding a plate but Taki was keeping an eye on him and preventing him from touching any of the food prepared.

"Happy birthday Coco!" Maligayang bati nila sa akin.

"So ano kainan na? The debutant's here." Wika ni Tobbie na dahilan para samaan siya ng tingin nina Winona at Taki. Si Radicus naman ay humikab saglit saka inayos ang party hat na nasa ulo niya na muntikan ng malaglag. Hindi ko alam kung anong naisip niya't naglagay siya ng ganoon at siya lang ang nag-iisang gumawa nun but I really appreciate the gesture.

Kasabay ng marahang pagtawa ko ay ang pagpatak ng mga luha kong kaagad kong pinunasan. I ran out of words because of so much surprise and happiness. I never expected them to do something like this for me.

For the past few days, they solved cases without me and I assumed that they're better off without me. I have issues and I thought that they're not always there to wait for me until I completely fix myself but I was wrong. They never leave my side. They stayed and cared for me. With shaking shoulders and pouring tears, I stated the words that my heart was repeatedly screaming.

"Tha... thank you. Thank you!"

☠️☠️☠️

Pagpasok ko ng clubroom ay naabutan ko ang mga kasama kong nagtitipon sa may living room. Napansin ko rin ang mga nakalatag na newspapers sa ibabaw ng coffee table.

Tinanggal ko ang mga strap ng aking backpack mula sa magkabilang balikat ko saka ko iyon inilapag sa ibabaw ng mababang bookshelf namin at naglakad na papunta sa direksyon nila.

"Anong meron?" Tanong ko sabay upo sa tabi ni Tobbie na abala sa laptop niya.

I caught Taki stealing some stares at him. Kumunot naman ang noo ko nang mahuli ang bahagyang pagsilip ni Tobbie sa direksyon ni Taki na kaagad namang nag-iwas ng tingin nang mapansin iyon. Mukhang may nagkakaigihan ha.

"Lucas Bacani." Tugon ni Professor sa akin sabay lahad sa akin ng isang newspaper.

Kinuha ko iyon mula sa kanya saka binasa ang nakatala sa unang pahina. A sixteen year old boy was found dead on his bed yesterday morning. What more surprising is that he had been missing from their home for ten years. His family keeps searching for him but he was found nowhere in those span of time. Then yesterday, he was finally found but he's already dead. Ang sabi sa medical reports ay binangungot daw siya but there were no follow up explanations as to how he get back there unnoticed by his family members.

"Ano sa tingin niyo to?" Tanong ko matapos ibaba ang newspaper sa coffee table.

"We still don't know yet pero may mga reports din ang nagsilabasan na gaya rin ng isang yon." Pagpapaliwanag ni Wren.

"Pare-parehong nawawala noong mga bata at bumabalik ng walang buhay kapag lumaki na." Komento ni Tobbie na panay parin ang scroll sa laptop niya.

"Nearly the same scene when Peter Pan abducted Wendy and the rest of the kiddie gang." Dagdag pang sabi ni Radicus na nakapatong na ang mukha sa kanyang palad at siko na nakatukod na sa ibabaw ng mesa. Namumungay na ang kanyang mga mata at halatang inaantok na naman.

"What kind of Brit are you Rad? It's not called abduction. They voluntarily come with him." Tugon ni Tobbie na halatang di sumasang-ayon sa bersyon ni Radicus ng kwento.

"Exactly." He lazily mumbled like as if he wants us to figured out the gist of his previous statement.

"So ano na?" Tanong ko ng seryoso sa kanila.

"We'll find out so club get yourselves ready for this case." Wika ni Professor na siya namang nagpa-excite sa akin.

Pero napatingin ako sa banda ni Winona nang maramdaman ko ang pagkabalisa niya. Nakatanaw siya sa glass window at mukhang malalim ang iniisip.

☠️☠️☠️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top